You are on page 1of 1

Jun Cruz Reyes

Si Pedro Cruz Reyes, Jr o mas kilala bilang Amang Jun Cruz Reyes ay isa sa mga
natatanging muhon ng wikang Filipino at kamalayang Bulakenyo ng ating panahon. Mula
1993 hanggang 2004, kung kailan siya ay Assistant Professor sa Departamento ng Filipino
at Panitikan ng Unibersidad ng Pilipinas, nakapaglabas siya ng maraming libro, kabilang
ang Etsa-Puwera na nagkamit ng unang gantimpala sa National Centennial Literary Contest
noong 1998 at National Book Award mula sa Manila Critics Circle noong 2001. Isa rin siyang
magaling na guro na binigyan ng parangal bilang pinakamahusay na Assistant Professor ng
College of Arts and Letters sa UP Diliman, Most Outstanding Faculty sa Polytechnic
University of the Philippines, at ng isang Writing Grant mula sa UP Office of the Chancellor
at Office of the Vice President for Academic Affairs noong 2003. Si Reyes ay kinikilala rin sa
marami pang unibersidad tulad ng Ateneo de Manila University, De La Salle University, at
University of Sto. Tomas, na kadalasang nag-iimbita sa kanya bilang isang panelist, judge o
tagapagsalita sa mga palihan at patimpalak. Abala rin siya sa pagiging judge sa mga
pambansang patimpalak gaya ng Palanca Awards at NCCA Writers Prize.
Ginawaran siya ng Gawad Alagad ni Balagtas ng Unyon ng Manunulat sa Pilipinas noong
2002. Sa taong iyon din siya hinirang bilang Most Outstanding Alumni for Literature and the
Arts ng Hagonoy Institute noong Diamond Anniversary nito. Patuloy na isinusulong ni Reyes
ang kamalayan para sa kanyang bayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng workshop
sa pagsusulat, journalism, pelikulang dokumentaryo, pagpipinta at iba pa, sa kanyang
bahay sa Bulacan. Editor-in-Chief din siya ng Dyaryo Hagonoy, kasalakuyan niyang
tinatapos ang pag-akda sa Hagonoy, Paghilom sa Kasaysayan . Muling nilathala ng UP Press
ang kanyang Utos ng Hari noong 2002. Ang pinakabago niyang aklat ay ang Armando na
inilabas ngayong taon. Patuloy siyang nagtuturo ng pagsusulat sa UP. Pinamumunuan din
niya ang Creative Writing Center ng PUP.