Вы находитесь на странице: 1из 2

PAMAGAT:

TITSER
MAY AKDA:
liwayway Arceo
TAUHAN:
PROTAGONISTA:
MAURO AT AMELITA
ANTAGONISTA:
ALING ROSA, OSMUNDO
BILOG:
Rosalida
LAPAD:
Mauro, Amelita, Mang Ambo
TAGPUAN:
PROBINSYA
Buod
Di-pagsangayon ni Aling Rosa, ang ina ni Amelita, sa pagsasamahan ng dalawa. Sapagkat
ang kanyang apat na anak ay nakapagtapos sa kolehiyo ng may "titulo," tutol si Aling Rosa sa
pagkuha ng kursong edukasyon ng kanyang bunso, dala na rin ng kaisipang hindi titulong
maituturing ang pagiging "titser", bukod pa sa kakarampot na sweldong nakukuha ng anak.
Gayunpaman, nakahanap ng pag-asa si Aling Rosa sa katauhan ni Osmundo, isang binata
mula sa pamilya ng mga asendero na sumusuyo kay Amelita. Subalit nabigo muli si Aling
Rosa sapagkat iba ang iniibig ng kanyang dalaga, at ito'y walang iba kung hindi si Mauro,
isang ring guro sa pampublikong paaralan.

Nang malaman na ipapakasal siya ni Aling Rosa sa binatang si Osmundo, agad na


nagkipagisang dibdib si Amelita kay Mauro. Dahil sa pagkabigo, at dahil na rin sa poot sa
bunsong anak, umalis si Aling Rosa sa probinsya at nagbakasyon sa mga anak na nasa
Maynila. Bagamat doon ay hindi siya inaaasikaso ng mga anak, labis pa rin ang kanyang
kaligayahan dahil sa asensong tinatamasa ng mga ito, at ikinakatwiran na lamang sa sarili na
talagang abala ang mga taong mauunlad ang buhay. Samantala, sa probinsya, nagdesisyon rin
ang binatang si Osmundo na umalis na sa nayon at magtungo sa Estados Unidos. Ngunit bago
mangyari ito ay gumawa siya ng maitim na plano laban sa mga bagong kasal. Inutusan niya
ang isa sa mga katiwala na patayin si Mauro. Subalit wala sa kaalaman ni Osmundo na hindi
ito ginawa ng kanyang inutusan sapagkat ang anak nito ay minsan ring pinagmalasakitan ng
gurong si Mauro.

Nasa ikapitong buwan pa lamang ng pagdadalantao si Amelita nang ipinanganak ang


kanilang anak na si Rosalida. Dahil kulang sa buwan ang bata ay kailangan nitong manatili sa
ospital. Nalaman ito ni Aling Rosa at agad na binisita ang anak, sa kabila ng hinanakit. Kahit
ganito ang sitwasyon, hindi pa rin tumitigil ang ina ni Amelita sa pagsasaring ukol sa mahirap
na pamumuhay ng mag-asawa. Ipinamumukha pa rin niya ang matinding pagtutol sa
manugang na si Mauro.

Lumipas ang ilang taon. Lumaki si Rosalida na isang mabait at matalinong bata. Isang araw
ay nagbalik si Osmundo sa probinsya, at nagkaroon ng malaking pagdiriwang para sa
kanyang pagdating. Doon muling nagkatagpo sina Mauro at Osmundo, subalit kinalimutan na
ng dalawa ang nakaraan. Taliwas naman dito ang nadaramang pangamba ni Amelita sa
pagbabalik ng masugid na panliligaw. Nararamdaman nitong may plano itong masama laban
sa kanyang pamilya.

Hindi pa rin nawawala ang pag-ibig ni Osmundo kay Amelita, kahit na may asawa't anak pa
ito. Nagkaroon ng pagkakataong makilala niya si Rosalida, at naging magaan ang loob nito sa
bata. Isang araw ay naisipang ipasyal ni Osmundo si Rosalida sa kanyang hasyenda. Wala ito
sa kaalaman nina Mauro at Amelita, at labis na nag-alala ang mag-asawa. Buong akala nila'y
si Rosalida ang paghihigantihan ni Osmundo ngunit di naglaon ay nagbalik rin ang bata,
ipinagmamalaki pa ang kabaitang ginawa ni Osmundo. Di nagtagal, napagkuro na rin ni
Osmundo na tuluyan ng tumira sa ibang bansa at kalimutan ang minamahal na si Amelita.

Nagkaroon ng malubhang karamdaman si Aling Rosa. Hinanap niya ang kanyang mga anak
ngunit wala ni isa mang dumating maliban kay Amelita na matiyagang nag-asikaso sa kanya.
Pawang gamot at padalang pera lamang ang ipinaabot ng apat na anak. At doon natauhan ang
matanda sa kanyang pagkakamali.
PAGSUSURI:
a. SULIRANIN:
ANG HINDI PAG SANG-AYON NI ALING ROSA SA PAGSASAMAHAN NG
DALAWA . SAPAGKAT ANG APAT NIYANG ANAK AY NAKA PAGTAPOS NG
KOLEHIYO NG MAY TITULO . AT SA PAG TUTOL NI ALING ROSA SA PAGKUHA
NG KANYANG ANAK NA BUNSO NA KUNIN ANG KURSONG EDUKASYON
DAHIL PARA SA KANYA HINDI TITULO ANG PAGIGING TITSER.
B. TUNGGALIAN:
SA PAG-UTOS NI OSMUNDO SA KATIWALA NA PATAYIN SI MAURO.
C.KASUKDULAN:
NAG MAGKAROON NA NG PAG AAYOS SINA OSMUNDO , AMELITA AT MAURO .
AT NAPAGKUROKURO NI OSMUNDO SA KANYANG ISIPAN NA MANIRAHAN NA
LAMANG SA IBANG BANSA AT TULUYAN NG KALIMUTAN SI AMELITA.
D. KAKALASAN:
NG MAGKAROON NG SAKIT SI ALING ROSA AT HINANAP NIYA ANG KANYANG
MGA ANAK NGUNIT WALA NI ISA MANG DUMATING KUNDI SI AMELITA NA
NAG ASIKASO SA KANYA.
E.WAKAS:
NANG MATAUHAN NA SI ALING ROSA SA KANYANG MGA PAGKAKAMALING
GINAWA.

Вам также может понравиться