Вы находитесь на странице: 1из 2

Ang mga Katekista ang tagapangalaga ng memorya ng

PANGINOO.
Magandang araw sa ating lahat. Kung inyong mamarapatin, nais
kong iparating sa inyo ang aking nasaisip ngayon sa Wikang
Filipino. Bukod kasi sa angking galing ko sa Wikang ingles,
matatas din po ako sa Wikang Filipino.
Ngayong araw na ito, ating matagumpay na nasundan an gating
nasimulan isang taon na ang nakalipas. Nakagawa tayo ng isang
selebrasyon na kung saan maipapakita natin sa lahat ang mga
kakayahan, kakayanan at talentong kaloob sa atin ng Maykapal.
Ito rin ay ating selebrasyon na may kaakibat na misyon sa
pagpapatuloy ng ebanghelisasyon sa moderno at makabagong
panahon.
Hindi lingid sa inyo na hindi na napapanahon ang
pagpapalaganap ng salita ng Dios sa paraang ating ginagamit,
yaong tayong nasa simbahan ang siya lamang gumgawa ng
paraan. Ngayon, sinusubukan nating makamit din ang pakikilahok
ng iba- lalo na ng mga kabataan na animoy limot na ang mga
aral ng banal na simbahan. Sa pamamagitan nitong FAITH
JAMBOREE, tayo ay nagpapalaganap gamit ang bagong
pamamaraan sa pakikipaghalubilo ay pakiki-isa kang JEsukristong,
ating Panginoo.
Lubusan ang aking pasasalamat sa inyung lahat na nandito
ngayon, sa aking mga kapwa katekista- sa inyong walang
humpay na pagsuporta sa pananaw na ating nakikita at ngayon
tayo ay patungo. Sa mga GKK at District officials, na kahit labag
man sa iba an gating ginagawa, salamat pa rin po dahil kayo ay
nandito at wala pa ring humpay ang inyung suporta. Panalangin
ko na Makita ninyo ang nakikita kong kabuting dulot nito sa
pagpapayaman ng Simbahan.
Sa mga bata, binat at dalaga, maging mga matatanda, sa iyung
pakikilahok ngayon, dasal ko na ang inyung nalaman at napag-

aral, maibahagi ninyo ito sa iba at mas mapalalim pa nito ang


inyung pananalig sa Dios.
Sa aking mga Youth Catechists, na kung saan siyang Hangin sa
aking mga pakpak, kung wala kayo sa aking likuran, niisang
aktibidad ay hindi matatagumpayan. Salamat sa pakikinig ninyo
sa inyung STRIKTONG Taga-pag-ugnay. Salamat sa pagtitimpi sa
aking mga pangungulit- lalo na at gusto kong perpekto ang lahat
ng bagay. Salamat sa panahong inyung inilaan, inilalaan, at
ilalaan pa sa ating apostolado. Naway hayaan ninyo pa akong
maipasa sa inyo ang aking mga nalalaman. Inihahanda ko kayo sa
panahong kayo na naman ang tawagin na maging taga-pagognay nito parokya. Dasal ko ay making kayo sa akin, at naway
patnubayan ako ng banal na Espirito upang ang lahat ng ating
gagawin ay makapagbibigay sa kanya ng tuwa at galak.
Sa ating mahal na kuraparuko, ang siyang tatay ko na dita sa
simbahan. Salamat po sa inyung pagtitiwala. Salamat po sa
inyong supporta. Salamat po sa inyung pakikinig sa aking mga
suwestyon. Salamat po at bibigyan mo po ako ng pagkakataong
mailahad ang aking mga nasaisip. Salamat po sa mga dasal.
Sa panginoon, na siyang pinanggagalingan ng lahat ng biyaya. O
Dios, itong mga tagumpay kong ito at ng aking mga katrabaho sa
iyong halamanan, ay hindi po amin. Ito po ay dahil sa iyo, sa
iyong pagmamahal at pagkamahabagin, kaming iyung mga
trabahador at nabubuhay upang maisakatuparan ang iyung mga
plano at kagustuhan. Salamat ama.

Sa puntong ito, aking nang bubuksan an gating 2 nd Inter-District


Faith Jamboree at naway ang Dios amang makapangyarihan, sa
pamamagitan ng Anak nyang Si Jesus at banal na Espirito,
magbendisyon nito at magpanatili nitong banal. AMEN.

Вам также может понравиться