Академический Документы
Профессиональный Документы
Культура Документы
Bahagi ng pananalita
Mayroong sampung bahagi ng pananalita sa Filipino. Ito ang pangngalan, panghalip,
pandiwa, pangatnig, pangukol, pangangkop, panguri, pangabay,
pantukoy at pangawil o pangawing.
1. Pangngalan ( noun) mga pangalan ng tao, hayop, pook, bagay, pangyayari. Ginamit ito
sa pagtawag sa pangalan ng mga hayop, tao, atbp.
Halimbawa: Corazon Aquino, bata, babae
2. Panghalip (pronoun) paghalili sa pangngalan.
Halimbawa: ako, ikaw, siya, atin, amin, kanya.
3. Pandiwa ( verb) bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos.
Halimbawa: sayaw, tuwa, talon.
4. Pangatnig (conjunction) ginagamit para ipakita ang relasyon ng mga salita sa pangungusap.
Halimbawa: dahil, maging, man, gawa ng, upang, nang, para, samantala atbp.
5. Pangukol
(preposition) ginagamit kung para kanino o para saan ang kilos.
6. Pangangkop
(ligature) bahagi ng pananalita na ginagamit para maging maganda pakinggan ang pagkakasabi ng pangungusap.
Halimbawa: na, ng, g. magandang bata.
7. Panguri(adjective) naglalarawan ng katangian ng pangngalan o panghalip.
Halimbawa: Magandang bata.
8. Pangabay(adverb) naglalarawan sa panguri, pandiwa at kapwa nito pangabay
9. Pantukoy (article o determiner ) tinutukoy ang relasyon ng paksa at panaguri sa pangungusap
10. Pangawing (linker) nagpapakilala ng ayos ng mga bahagi ng pangungusap.
ibinigay
2. Unlapi at Hulapi
Mga Halimbawa:
nagkwentuhan
palaisdaan
kasabihan
matulungin
3. Gitlapi at Hulapi
Mga Halimbawa:
sinamahan
pinuntahan
tinandaan
hinangaan
e. Laguhan ang
panlapi ay binubuo ng tatlong magkakaibang uri: unlapi,
gitlapi, at hulapi.
Mga halimbawa:
pinagsumikapan
nagsinampalukan
3. Inuulit ang buong salita o bahagi ng salita ay inuulit. May dalawang anyo ng paguulit
ng mga salita.
a. Inuulit na ganap ang buong salita, payak man o maylapi ay inuulit.
Mga Halimbawa:
tauntaon
masayangmasaya
bahaybahay
mabutingmabuti
b. Inuulit na diganap bahagi lamang ng salita ang inuulit.
Mga Halimbawa:
palapalagay
malinislinis
susunod
4. Tambalan ang salita ay binubuo ng dalawang magkaibang salitang pinagsama upang
makabuo ng bagong salita. May dalawang uri ng tambalang salita:
a. Tambalang salitang nanatili ang kahulugan
Mga Halimbawa:
isipbata
(isip na gaya ng bata)
buhaymayaman
(buhay ng mayaman)
abottanaw
(abot ng tanaw)
sulatkamay
(sulat ng kamay)
Ang gitling sa pagitan ng dalawang salitang pinagtambal ay kumakatawan sa
nawawalang kataga sa pagitan ng pinagtambal na salita
b. Tambalang salitang nagbibigay ng bagong kahulugan
Mga Halimbawa:
hampaslupa (taong napakahirap ng buhay)
dalagangbukid (isang uri ng isda)
talasalitaan (bokabularyo)
hanapbuhay (trabaho)
Pangngalan
Ang pangngalan ay bahagi ng pananalita na tumutukoy sa ngalan ng tao, hayop, lugar, bagay, pook, pangyayari at
kaisipan.
Halimbawa:
nars
Felisa
aso
Luneta
kompyuter
binyag
kasalan
kapayapaan
Dalawang Uri ng Pangngalan
1. Pambalana (Common) Ito ay tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao, hayop, lugar, bagay, pook, pangyayari
at kaisipan.
Halimbawa:
doctor
paaralan
bulaklak
pusa
2. Pantangi (Proper) Ito ay tumutukoy sa tiyak o tanging ngalang ng tao, hayop, lugar, bagay, pook, pangyayari at
kaisipan. Ito ay nagsisimula sa malaking titik.
Halimbawa:
Dr. Santos
Don Alejandro Roces High School
Bantay
Araw ng Kalayaan
Kasarian ng Pangngalan
Ang pangngalan ay may apat na kasarian. Ito ay ang sumusunod:
1. Panlalaki bumabanggit sa tiyak na ngalan ng lalaki.
Halimbawa:
tatay
lolo
kuya
ninong
pastor
2. Pambabae bumabanggit sa tiyak na ngalan ng babae.
Halimbawa:
nanay
lola
ate
ninang
3. Ditiyak
kung itoy tumutukoy sa ngalang pambabae or panlalaki
Halimbawa:
guro
doktor
pulis
manggagamot
4. Walang Kasarian o pambalake kung itoy bumabanggit sa mga pangngalan na walang
buhay
Halimbawa:
silya
saging
aklat
kandila
Panghalip
Ano ang panghalip
Ang panghalip (o pronoun) ay bahagi ng pananalita na inihahali o ipinapalit sa pangngalan (noun) upang
mabawasan ang paulitulit na pagbanggit sa pangngalan na hindi magandang pakinggan.
Halimbawa:
1. Si Maria (pangngalan) ay pumunta sa palengke. Si Maria (pangngalan) ay bumili ng
bangus. Bumili rin si Maria ng mga gulay. Si Maria ay pumunta sa palengke. (Maaaring hindi na muna ihalili ang
panghalip sa pangngalan sa unang pangungusap dahil hindi mauunawaan ang susunod na mga pangungusap.) Siya
ay bumili ng bangus. Bumili rin siya ng mga gulay.
2. Ibigay mo ang mga aklat kay Rosa Ibigay mo ang mga ito sa kanya.
3.Kay Mila ang mga rosas na nasa mesa. Sa kanya ang mga iyan.
4. Sina Jose at Pedro ay naliligo sa ilog. Sila ay naliligo sa ilog.
5. Ang pagheheersisyo ay mabuti sa katawan ni Juan. Ito ay mabuti sa katawan niya.
Kaganapan ng Pandiwa
Kaganapan ng Pandiwa
Kaganapan ng Pandiwa bahagi ng panaguri (predicate) na nagpapahayag ng ganap na kahulugan sa pandiwa. Kung
ang pokus ng pandiwa ay ang relasyon nito sa paksa, ang kaganapan ng pandiwa ay ang relasyon naman ng
panaguri sa pandiwa.
1. Kaganapang Tagaganap bahagi ng panaguri na gumaganap sa kilos na isinasaad ng pandiwa. Makikilala ito gamit
ang mga pananda na ni at ng.
Halimbawa:
1. Ikinalungkot ng mga Filipino ang pagkatalo ni Manny Pacquaio sa katunggaling si Juan Marquez. (Ikinalungkot
nino?)
2. Kinakain ni Liza ang tsamporadong gawa ni Nanay Huling. (Kinakain nino?)
2. Kaganapang Layon bahagi ng panagri na nagsasaad ng bagay na tinutukoy o ipinahahayag ng pandiwa.
Ginagamit din dito ang panandang ng.
Halimbawa:
1. Si Pedro ay bibili ng bagong laptop sa SM Megamall. (Bibili ng ano?)
2. Nagpamudmod sila ng salapi. (Nagpamudmod sila ng ano?)
3. Kaganapang Tagatanggap bahgi
ng panaguri na nagpapahayag kung sino ang makikinabang sa kilos na isinasaad ng pandiwa. Ang mga panandang
para sa at para kay ay kalimitang ginagamit dito.
Halimbawa:
1. Nagbigay ng donasyon ang Pamilya Santos para sa mga sinalanta ng bagyong Juan.
(Para kanino ang donasyong ibinigay?)
2. Nagbuwis siya ng buhay para kay Lolo Jose.
4. Kaganapang Ganapan bahagi ng panaguri na nagsasaad ng lugar o pook na pinaggaganapan ng kilos na
ipinahahayag ng pandiwa.
Halimbawa:
1. Nanood ng palatuntunan sa silidaklatan
ang mga magaaral.
( Saan nanood ang mga magaaral?)
2. Pupunta kami sa Manila Zoo.
5. Kaganapang Kagamitan bahagi
ng pnaguri na nagsasaad kung anong bagay o kagamitan ang ginagamit upang maisagawa ang kilos na ipinahahayag
ng pandiwa.
Halimbawa:
1. Iginuhit niya ang larawan ni Mona Lisa sa pamamagitan ng krayola.
2. Pinatay niya ang ahas gamit ang karit.
6. Kaganapang Direksyunal bahagi
ng panaguri na nagsasaad ng direksyong isinasaad
ng kilos na ipinahahayag ng pandiwa.
Halimbawa:
1. Namasyal sila sa Luneta buong maghapon.
2. Nagsunog siya ng kilay sa silidakalatan.
7. Kaganapang Sanhi bahagi
ng panaguri na nagsasaad ng dahilan ng pagkakaganap ng
kilos na isinasaad ng pandiwa.
Halimbawa:
1. Nagwagi siya sa eleksyon dahil sa kabutihan ng kanyang puso.
2. Nagtagumpay siya sa buhay dahil sa kanyang kasipagan.
Limang Paraan ng Paglalapi
Nakakabuo ng mga pandiwa sa pananagutan ng paglalapi. Ang mga panlaping ginagamit upang makabuo ng
pandiwa ay mga panlaping makadiwa
May limang paraan ng paglalapi upang makabuo ng pandiwa
1. Unlapi ikinakabit ang panlapi sa unahan ng salita.
Halimbawa: umasa, uminom, magbili, pagiisip
2. Gitlapi kung ang panlapiy sa loob ng salita nagsisingit.
Halimbawa: lumipat, binili, tumangkilik, sinabi
3. Hulapi ang panlapiy nasa hulihan ng salita ikinakabit
Halimbawa: samahan, awitin, hulihin, bayaran
4. Kabilaan may unlapi at hulapi ang salitay nagigitnaan ng mga panlapi.
3. Paturol Iba sa lahat sapagkat nagiiba ang anyo ng pandiawa sa ibat ibang aspekto ang perkpektibo,
imperpektibo at kontemplatibo.
Mga Halimbawa
Ugat Panlapi Perpektibo Imperpektibo Kontemplatibo
1. luhod um lumuhod lumuluhod luluhod
2. dasal mag nagdasal nagdarasal magdarasal
3. dasal in dinasal dinarasal darasalin
4. buti in ibinuti ibinubuti ibubuti
4. Pasakali walang kaibahan sa paturol ngunit ginagamitang lagi ng mga pangatnig o pangabay upang
maipahayag ang kalagayang pasubali.
Mga Halimbawa:
1. Baka matuloy kami kung may sasakyan.
2. Kung nabuhay siya disiy Masaya ako ngayon.
3. Marahil naghihinanakit siya sa atin ngayon.
4. benepaktibong pokus o pokus sa tagatanggap Ang paksa ang tumatanggap sa kilos ng pandiwa sa pangungusap
sumasagot sa tanong na "para kanino?".
(i,in, ipang,ipag)
Sa Ingles, ito ay ang indirect object.
Halimbawa:
Kami ay ipinagluto ni nanay ng masarap na ulam. Ibinili ni Rosa ng bulaklak ang Mahal na Birhen.
5. instrumentong pokus o pokus sa gamit Ang paksa ang kasangkapan o bagay na ginagamit upang maisagawa ang
kilos ng pandiwa sa pangungusap sumasagot sa tanong na "sa pamamagitan ng ano?".
(ipang,maipang)
Halimbawa:
Ang kaldero ang ipinangluto ni nanay ng masarap na ulam para sa amin.
Ipinampunas ni Marco ang basahan sa mesa.
Ipinanghambalos niya ang hawak na tungkod sa magnanakaw.
6. kosatibong pokus o pokus sa sanhi Ang paksa ang nagpapahayag ng sanhi ng kilos ng pandiwa sa pangungusap
sumasagot sa tanong na "bakit?".
(i, ika,ikina)
Halimbawa:
Ikinatuwa namin ang pagluluto ng masarap na ulam ng aming nanay.
Ikinatuwa ni Ynez ang pagbili ng rosas ng kanyang nobyo para sa kanya.
Ikinalungkot ng bata ang hindi nila pagkikitang maganak.
7. pokus sa direksyon
Ang paksa ang nagsasaad ng direksyon ng kilos ng pandiwa sa pangungusap sumasagot sa tanong na "tungo
saan/kanino?".
(an , han, in, hin)
Halimbawa:
Sinulatan niya ang kanyang mga magulang.
Pinuntahan ni Henry ang tindahan para mamili ng kagamitan.
upang mabuo ang kaisipang nais nitong ipahayag. Ang layong ito ay pinangungunahan ng mga katagang ng, mga,
kay at kina.
Halimbawa:
Nagpadala ng mga pagkain sa mga katipunero si Tandang Sora.
Nagbigay ng magandang halimbawa sa mga kabataan si Dr. Jose Rizal.
Nagsampay ng damit si Maria.
Tandaan: Ang tuwirang layon ay siyang tagatanggap ng kilos na isinasaad ng pandiwa. Ito ay maaaring pangngalan
o panghalip na nagbibigay ng kumpletong kahulugan sa kilos na ginagawa ng simuno o ng tagaganap ng kilos.
Karaniwan ito ay sumasagot sa tanong na ano o kanino.
Pangatnig
Ano ang pangatnig?
Tinatawag na pangatnig ang mga kataga o lipon ng mga salitang naguugnay sa dalawang salita, parirala sa kapwa
parirala at sugnay sa kapwa sugnay upang maipakita ang dalawa o higit pang kaisipan sa loob ng pangungusap. Ang
pangatnig ay ginagamit din sa mga pangungusap na tambalan, hugnayan at langkapan.
Ito ay nahahati sa dalawang pangkat :
1. Pangatnig na naguugnay sa magkatimbang na yunit.
(o, ni, maging, at, t, ngunit, kundi) pinagbubuklod ang kaisipang pinaguugnay
Halimbawa:
Nakakuha ako ng tubig at tinapay.
Nakatulog akot nakapahinga.
Mangongopya ka ba o makikipagkwentuhan ka na lamang?
(ngunit, subalit, datapwat, bagamat, pero) pangatnig
na panalungat sinasalungat ng ikalawang kaisipan ang ipinahahayag ng nauuna.
Halimbawa:
Matalino si Villar subalit maraming isyung naglalabasan kaugnay sa kanya.
Mabait siya pero istrikto.
2. Pangatnig na naguugnay sa dimagkatimbang na yunit.
(kung, kapag, pag)
Halimbawa:
Iboboto ko siya kung wala nang ibang tatakbo na kasintalino niya.
(dahil sa, sapagkat, palibhasa) nagpapakilala ng sanhi o dahilan
Halimbawa:
Maraming isyung naglalabasan kaugnay sa ilang politiko, palibhasa malapit na naman ang eleksyon.
(kaya, kung gayon, sana) pangatnig na panlinaw
Halimbawa:
Wala raw siyang kasalanan kaya humarap pa rin siya sa media.
8. Pamanggit gumagaya o nagsasabi lamang ng iba, tulad ng: daw, raw, sa ganang
akin/iyo, di umano.
Halimabawa:
a. Sa ganang akin, ang iyong plano ay mahusay.
b. Siya raw ang hari ng sablay.
c. Di umano, mahusay umawit si Blanca.
d. Masisipag daw ang mga tagaIlokos.
9. Panulad tumutulad ng mga pangyayari o gawa, tulad ng: kung sinosiyang, kung anosiya rin, kung gaano
siya rin.
Halimbawa:
a. Kung ano ang mga nangyayari noon, siya ring mangyayari ngayon
b. Kung sino ang unang tumakbo, siyang mananalo.
c. Kung gaano ang iyong itinulong, siya ring ibibiyaya sa iyo.
Pangukol
Ang pangukol o preposition sa wikang Ingles ay bahagi ng pananalitang naguugnay
Sa pangngalan, panghalip, pandiwa at pangabay sa ibang salita sa pangungusap.
Pangukol
ang ginagamit upang matukoy kung sang lunan o kung anong bagay ang mula o
tungo, ang kinaroroonan, ang pinangyarihan o kinauukulan ng isang kilos, gawa, balak ari
o layon. Ang mga ito ay lagging may layon na maaaring isang pangngalan o isang panghalip.
Mga uri o mga karaniwang pangukol
sa/sa mga
ng/ng mga
ni/nina
kay/kina
sa/kay
labag sa
nang may
tungkol sa/kay
alinsunod sa/kay
hinggil sa/kay
nang wala
para sa/kay
laban sa/kay
ayon sa/kay
tungo sa
mula sa
Dalawang pangkat ng Pangukol
1. Ginagamit na pangngalang pambalana : ukol sa, laban sa, hinggil sa, ayon sa, tungkol sa, para sa.
Mga Halimbawa:
1. Ukol sa pilipino ang paksa ng usapin.
2. Ang mga piling manggagawa ay binigyan ng bunos
3. Laban sa manggagawa ang kanilang pinapanukala.
3. DiTiyak
Halimbawa:
maramihan, iilan, kakaunti
Panguring Pamilang
Ang mga panguring pamilang ay ang mga sumusunod:
1. Patakaran ito ay ang karaniwang paraan ng pagbilang.
Halimbawa:
Sampung magaaral
ang tumanggap ng paghanga.
Sanlibong punongkahoy ang itinanim ng mga magsasaka.
2. Panunuran nagsasaad ng ayos o pagkakasunudsunod ng mga tao o bagay.
Halimbawa:
Siya ay ikalawang humingi ng tulong.
Ako ay ikalima sa hanay.
3. Patakda ito ay nagsasaad ng tiyak o hustong bilang.
Halimbawa:
Sasampung piso ang natira sa pera niya.
Si Teresa ay nagiisang anak.
4. Pahalaga ito ay tumuturing sa halaga ng isang bagay.
Halimbawa:
Tiglilimampiso ang bili ko sa mga aklat na ito.
Mamera ngayon ang halaga ng mga bayabas.
5. Pamahagi nagsasaad ng pagbabahagi ng isang kabuuan.
Halimbawa:
Kalahatiang ibinigay ko sa kanyang buwanang sahud.
Kunin mo ang ikatlo ng pizza.
6. Palansak nagsasaad ng maramihan o minsanang bagay.
Halimbawa:
Daanglibong piso ang pinuhunan ko sa kalakal.
Ang sasakyang ito ay may upuangpandalawahan.
Kaantasan ng Panguri
1. Lantay Naglalarawan ang panguring lantay ng isang pangngalan o panghalip na walang pinaghahambingan.
Halimbawa:
Kabighabighani ang pook na ito.
2. Pahambing Nagtutulad ang pahambing sa dalawa o higit pang pangngalan o
panghalip.
Halimbawa:
Ganggamunggong pawis ang namuo sa king noo.
a. Pahambing na magkatulad Ipinakikilala ito ng mga panlaping ka, ga, sing/kasing/magkasing/ magsing.
Ipinakikilala ang magkapantay na katangian ng dalawang bagay na pinaghahambingan.
Halimbawa:
Magkakasingganda ang mga bulaklak sa hardin.
b. Pahambing na dimagkatulad
Ito ay kung hindi magkapantay ang katangian ng pinaghahambingan.
Pahambing na palamang May katangiang nakahihigit sa pinaghahambingan.
Ginagamitan ito ng mga salitang higit at lalo at tinutulungan ng kaysa o kaysa kay.
Halimbawa:
Lalong kahalihalina ang mga bulaklak dito kaysa sa nakita ko sa Parke.
Pahambing na pasahol May katangiang kulang o kapos sa pinaghahambingan. Tinutulungan ito ng mga salitang
gaano, tulad ni, o tulad ng.
Halimbawa:
Digaanong magaganda ang mga moske sa Taguig kaysa sa mga makikita sa Zamboanga.
3. Pasukdol Ang pasukdol ay katangiang namumukod o nagngingibabaw sa lahat ng pinaghahambingan.
Halimbawa:
Ang gandaganda ng Palawan.
Walang kaparis sa ganda si Glenda.
PANGABAY
Ang pangabay ay bahagi ng pananalitang nagbibigayturing sa pandiwa, panguri o kapwa pangabay.
Ang pangabay at panguri ay kapwa mga salitang naglalarawan. Ang panguri ay naglalarawan ng mga pangngalan at
panghalip samantalang ang pangabay ay naglalarawan hindi lamang ng mga pandiwa kundi gayundin sa mga
panguri at kapwa nito pangabay.
Ito ay nahahati sa ibat ibang uri.
Mga Halimbawa:
A. Mabilis na manlalaro si Lydia de Vega.
B. Mabilis siyang tumakbo noong siya'y bata pa. Sa unang halimbawa, ang salitang mabilis ay naglalarawan sa
salitang manlalala na isang pangngalan samantalang sa pangalawang halimbawa, ang mabilis ay ginamit n panuring
sa salitang tumakbo na isang pandiwa. Samakatuwid ang salitang mabilis ay maaring maging Panguri o pangabay
ayon sa pananalitang nilarawan nito.
Pantukoy
Ang pantukoy ay katagang ginagamit sa pagtukoy sa tao, bagay, lunan o pangyayari. Ito'y nahahati sa dalawang uri.
Mga halimbawa:
Ang bata ay umiiyak dahil wala siyang kaibigan.
Ang grupo ni LapuLapu ay nakitunggali laban sa mga Espaol.
Si Lisa ay gumagawa ng Valentines card para sa kanyang ina.
Hinahanap ka nina David at Julia.
Kay Maria ko ibibigay ang mga rosas na ito.
Sa mga lilipat, magingat po sa dadaanang tulay
Uri ng Pantukoy
Pantukoy na Pambalana tumutukoy sa mga pangngalang pambalana
ang, ang mga, mga ang (isahan)
Halimbawa:
Ang pinuno ay palaging naglilingkod sa kanyang mga nasasakupan. ang mga (maramihan)
Halimbawa:
Nagtulungtulong ang mga magaaral
sa paggawa ng collage.
mga (maramihan)
Halimbawa:
Ang pinuno ay tinulungan ng kanyang mga tagasunod.
Pantukoy na Pantangi tumutukoy sa pangngalang pantangi (tiyak na tao)
si, sina, ni, nina, kay, kina si (isahan)
Halimbawa:
Si Gng. Arroyo ay nagsisikap upang mapabuti ang kalagayan nating mga Pilipino.
sina (maramihan)
Halimbawa:
Nanguna sa paglilinis ng baranggay sina G. at Gng. dela Cruz.
ni (isahan)
Halimbawa:
Napagalitan ni Coach Dimagiba ang mga manlalaro dahil hindi sila dumating sa oras.
nina (maramihan)
Halimbawa:
Hindi ikinatuwa ng guro ang pagaaway
nina Anton at Luis.
kay (isahan)
Halimbawa:
Ibinahagi ni Sofia ang kanyang keyk kay Sam.
kina (maramihan)
Halimbawa:
Nakipagkasundo na si Lukas kina Juan at Pedro.
Pangawing
Pangawing ang AY ay palatandaan ng ayos ng pangungusap. Ibinabadya nito ang
karaniwang ayos pangungusap. Ang una ang panaguri sa paksa ay nilalagyan ng
pagbabago. Palataandaan ito na inilipat ng posisyon ang bahaging paksa ng pangungusap. Ito ay pangdugtong
sa mga pangungusap na dikaraniwang ayos
Halimbawa:
Ako ay galing sa banyo.
Pangungusap
Ano ang Pangungusap
Ang pangungusap ay lipon ng mga salita na nagpapahayag ng buong diwa. Ito ay binubuo
ng panlahat na sangkap, ang panaguri at ang paksa subalit buo ang diwa.
Ang pangungusap ay may dalawang bahagi:
1. Simuno (subject) ay ang paksa o ang pinagusapan sa pangungusap.
May mga panandang si, sina kung tao ang simuno at ang o ang mga kung bagay, lunan o pangayayari.
2. Panaguri (predicate) ito ay ang bahagi ng pangungusap na nagsasabi ng kung ano
tungkol sa simuno.
Mga ayos ng pangungusap
May dalawang ayos ang pangungusap: karaniwan o tuwid at dikaraniwan
o baligtad na ayos.
1. Karaniwan o Tuwid na ayos ng pangungusap.
Ito ay ang ayos ng pangungusap na kadalasang ginagamit natin lalo na sa mga pasalitang Gawain. Nauuna ang
panaguri o ang bahagi nito sa simuno ng pangungusap.
Mga Halimbawa
Punungpuno
ng ibat ibang damdamin / ang musika.
Nangangahulugang Orihinal Pilipino Music / ang OPM.
Isang patunay / ito / ng pagiging malikhain ng mga Filipino.
Ang Punungpuno ng ibat ibang damdamin, Nangangahulugang Orihinal Pilipino Music at
isang patunay ay pawang mga panaguri. At sila ay matatagpuan bago ang mga simuno ng pangungusap.
2. DiKaraniwan o Baligtad na ayos ng pangungusap
Ito ang ayos ng pangungusap na nauuna ang simuno sa panaguri ng pangungusap. Ang panandang "ay" ay
kadalasang makikita sa mga pangungusap na nasa di karaniwang ayos. Sa mga sumusunod na halimbawa,
mapapansin na ang mga simuno na ang nauuna kaysa sa mga panaguri.
Mga Halimbawa
Ang musika / ay punungpuno
ng damdamin.
Ang OPM / ay nangangahulugang Original Pilipino Music.
Ito / ay isang patunay ng pagiging malikhain ng mga Filipino.
Uri ng mga Pangungusap
Ayon sa gamit
1. Mga pangungusap na eksistensyal nagpapahayag ng pagkamayroon ng isa o higit pang tao, atbp.
Pinangungunahan ito ng may o mayroon.
Halibawa:
Mayroon daw ganito roon.
2. Mga pangungusap na pahanga nagpapahayag ng damdaming paghanga.
Halimbawa:
Kayganda ng babaing iyun!
3. Mga sambitlang tumutukoy sa mga iisahin o dadalawahing pantig na nagpapahayag ng matinding damdamin.
Halibawa:
Aray!
Ayon sa kayarian
Ang pangungusap ay may apat na kayarian: payak, tambalan, hugnay at langkapan.
1. Ang payak na pangungusap ay nagpapahayag ng iisang kaisipan. Maaaring nagtataglay ng payak o tambalang
simuno at panaguri. May apat itong kayarian:
a. payak na simuno at payak na panaguri
b. payak na simuno at tambalang panaguri
c. tambalang simuno at payak na panaguri
d. tambalang simuno at tambalang panaguri.
Mga halimbawa:
Ang pamahalaan ay masigasig sa mabilisang pagsugpo ng kriminalidad sa bansa.
Ang mga lalaki at babae ay naghahanda ng palatuntunan para sa darating na pista.
Ang aming pangkat ay naglinis ng mga kalye at nagpinta ng mga pader sa paaralan.
Ang mga guro at magaaral
ay aawit at sasayaw para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika.
2. Ang tambalang pangungusap ay binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na makapagiisa:
Halimbawa:
Nagtatag ng isang samahan sina Arnel at agad silang umisip ng magandang proyekto para
sa mga kabataan ng kanilang pook.
Maraming balak silang gawin sa Linggo: magpapamigay sila ng pagkain sa mga batang
lansangan, magpapadala sila nga mga damit sa mga batang ulila saka maghahandog sila
ng palatuntunan para sa mga maysakit sa gabi.
3. Ang hugnayang pangungusap ay binubuo ng isang sugnay na makapagiisa at isa o dalawang sugnay na
dimakapagiisa.
Halimbawa:
Gaganda ang iyong buhay kung susunod ka sa mga pangaral ng inyong magulang.
Ang batang na putol ang mga kamay ay mahusay gumuhit.
4. Ang langkapang pangungusap ay binubuo ng dalawa o mahigit pang sugnay na
makapagiisa at dalawa o mahigit pang sugnay na dimakapagiisa.
Halimbawa:
Ang buhay sa mundo ay pansamantala lamang kaya't dapat na tayo ay magpakabuti upang makamit ang
kaligayahan sa kabilang buhay. Nahuli na ang mga masasamangloob kaya't payapa na kaming nakatutulog sa gabi,
kasi sila lamang ang gumugulo sa amin. Ang mga bayani natin ay namuhunan ng dugo upang makamtan ang
kalayaan nang ang bayan ay matahimik at lumigaya.
Ang Pantig at Pagpapantig
Ang Pantig at Pagpapantig
Ang pantig ay galaw ng bibig, saltik ng dila na may kasabay na tunog ng lalamunan o
walang antalang bugso ng tinig sa pagbigkas ng salita.
Kayarian ng Pantig
Gumagamit ng simbolong K para sa katinig at P para sa patinig sa pagtukoy ng kayarian ng
pantig.
Kayarian Halimbawa
P aso
KP mata
PK aklat
KPK saklap
KKP blusa
PKK ekspresyon
KKPK planta
KPKK nars
KKPKK transportasyon
Ang Pagpapantig
Ang pagpapantig ay paghahati ng salita sa pantig o mga pantig.
1. Ang magkasunod na dalawa o higit pang patinig ng salita ay hiwalay na mga pantig
Halimbawa:
uupo > u u po
paano > pa a no
noo > no o
2. Ang magkasunod na katinig sa loob ng isang salita ay pinaghihiwalay, angkasama sa patinig na sinusundan at ang
ikalawa ay sa patinig na kasunod.
Halimbawa:
tukso > tuk so
pandak > pan dak
luksa > luk sa
3. Sa hiram na salita, ang magkasunod na katinig ay parehong kasama sa kasunod na patinig.
Halimbawa:
sobre > sobre
pobre > pobre
4. Sa paguulit ng pantig:
a. Ang patinig lamang ang inuulit kung ito ay unang tunog ng salitang ugat.
Halimbawa:
asa > aasa
alsa > aalsa
ekstra > eekstra
b. Kung ang unang pantig ng salitang ugat ay nagsisimula sa katinigpatinig ang katinig at kasunod na patinig
lamang ang inuulit
Halimbawa:
punta > pupunta
sulat > susulat
prito > piprituhin
Gamit ng mga Bantas
1. Tuldok o Period (.)
2. Pananong o Question Mark (?)
3. Padamdam o Interjection (!)
4. Kuwit o Comma (,)
5. Kudlit Apostrophe ()
6. Gitling o hyphen ()
7. Tutuldok o Colon (:)
8. TutuldokKuwit o Semicolon ()
9. Panipi o Quotation Mark ()
10. Panaklong o Parenthesis ( )
11. Tutuldoktutuldok o Elipsis ()
1. TULDOK (.) Ang
tuldok ay ginagamit na pananda:
A. Sa katapusan ng pangungusap na paturol o pasalaysay at pautos.
Halimbawa
Igalang natin ang Pambansang Awit.
B. Sa pangalan at salitang dinaglat
Halimbawa:
Si Gng. A.A. Jose ay mahusay magturo.
Si Bb. Macarayan ang kanilang guro sa asignaturang Basic Christian Living
C. Sa mga titik o tambilang na ginagawang pamilang sa bawat hati ng isang
balangkas, talaan.
Halimbawa:
A. 1.
2. PANANONG (?) Ginagamit ang pananong:
A. Sa pangungusap na patanong.
6. PAGGAMIT NG GITLING()
sarisarili
kabikabila
masayangmasaya
B. Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang
salitang nilalapian ay nagsisimula sa patinig na kapag
hindi ginitlingan ay magkakaroon ng ibang
kahulugan
Halimbawa:
magalis
nagisa
nagulat
pangako
manguto
pagalis
mayari
taginit
pagasa
C. Kapag may katagang kinaltas sa pagitan ng
dalawang salitang pinagsama.
Halimbawa:
pamatay ng insekto pamatayinsekto
kahoy sa gubat kahoygubat humgit at kumulang
humigitkumulang lakad at takbo lakadtakbo
bahay na aliwan bahayaliwan dalagang taga bukid
dalagangbukid Subalit, kung sa pagsasama ng
dalawang salita ay magbago ang kahulugan,
hindi na gagamitan ng gitling ang pagitan nito.
Halimbawa:
dalagangbukid (isda)
buntunghininga
D. Kapag may unlapi ang tanging ngalan ng tao,
lugar, brand o tatak ng isang bagay o kagamitan,
sagisag o simbolo. A
ng tanging ngalan ay walang
pagbabago sa ispeling
Halimbawa:
makaDiyos
makaRizal
makaPilipino
paBaguio
tagaLuzon
tagaAntique
magpal
makaJohnson
magSprite
magCorona
magFord
magJapan
E. Sa paguulit
ng unang pantig ng tanging ngalang may unlapi, ang
gitling ay
nalilipat sa pagitan ng inulit na unang pantig ng
tanging ngalan at ng buong
tanging ngalan
Halimbawa:
magJohnson
magjoJohnson
magCorona
magcoCorona
magFord
magfoFord
magJapan
magjaJapan
magZonrox
magzoZonrox
F. Kapag ang panlaping ikaay iniunlapi sa numero o
pamilang.
Halimbawa:
ika3
n.h. ika10
ng umaga ika20
pahina
ika3
revisyon ika9
na buwan ika12
kabanata
G. Kapag isinulat nang patitik ang mga yunit ng
fraction.
Halimbawa:
isangkapat
(1/4)
limat dalawangkalima
(52/
5)
tatlongkanim
(3/6)
H. Kapag pinagkakabit o pinagsasama ang apelyido
ng babae at ng kanyang bana o asawa.
Halimbawa:
Gloria MacapagalArroyo
Conchita RamosCruz
Perlita OrosaBanzon
I. Kapag hinati ang isang salita sa dulo ng isang linya.
Halimbawa:
Patuloy na nililinang at pinalalawak ang paggamit
ng Filipino.
7. TUTULDOK( : ) ginagamit
matapos maipuna ang pagpapakilala sa mga
sumusunod na
paliwanag.
A. Ginagamit kung may lipon ng mga salitang
kasunod.
Halimbawa:
Maraming halaman ang namumulaklak sa hardin
tulad ng: Rosal, Rosas, Orchids,
Sampaguita, Santan at iba pa.
B. Pagkatapos ng bating panimula ng pormal na
liham o lihampangangalakal.
Halimbawa:
Dr. Garcia:
Bb. Zorilla:
C. Sa paghihiwalay sa mga minuto at oras, sa yugto
ng tagpo sa isang dula, sa kabanata at taludtod ng
Bibliya at sa mga sangkap ng talaaklatan.
Halimbawa:
8:00 a.m Juan 16:16
8. TUTULDOK KUWIT( ) Ito
ay naghuhudyat ng pagtatapos ng isang pangungusap
na kaagad sinusundan ng isa pang sugnay nang hindi
gumagamit ng pangatnig
A. Maaaring gumamit ng tuldukuwit sa halip na
tutuldok sa katapusan ng bating
panimula ng liham pangalakal.
Halimbawa:
Ginoo
Bb
B. Ginagamit sa pagitan ng mga sugnay ng tambalang
pangungusap kung hindi
pinaguugnay
ng pangatnig.
Halimbawa:
Kumain ka ng maraming prutas itoy makabubuti sa
katawan.
Naguguluhan siya sa buhay iniisip nya ang
magpatiwakal.
C. Sa unahan ng mga salita at parirala tulad
halimbawa, gaya ng, paris ng, kung nangunguna sa
isang paliwanag o halimbawa.
Halimbawa:
Halimbawa:
Ang binasa niyang aklat ay hinggil sa bagong
Computer Programming.
10. PANAKLONG ( () ) Ang
mga panaklong ay ginagamit na pambukod sa salita o
mga
salitang hindi direktang kaugnay ng diwa ng
pangungusap, gaya ng mga ginamit sa pangungusap
na ito.
A. Ginagamit upang kulungin ang pamuno.
Halimbawa:
Ang ating pambansang bayani (Jose Rizal) ang
mayakda
ng Noli Me Tangere.
B. Ginagamit sa mga pamilang o halaga na inuulit
upang matiyak ang
kawastuhan.
Halimbawa:
Ang mga namatay sa naganap na trahedya sa bansang
Turkey ay humigit
kumulang sa labindalawang libong (12,000) katao.
C. Ginagamit sa mga pamilang na nagpapahayag ng
taon.
Halimbawa:
11. TUTULDOKTULDOK
Halimbawa:
Pinagtibay ng Pangulong Arroy
B. Sa mga sipi, kung may iniwang dikailangang
sipiin.
Halimbawa:
Kung ikawy maliligo sa tubig ay aagap upang