Вы находитесь на странице: 1из 9

Kabanata XIX

Mga Suliranin ng Guro

Mga Layunin
A. Natutukoy ang salitang-ugat at panlapi ng
bawat salita
B. Nakapagtala ng mga maaaring gawin ng
kabataan para mabawasan ang mga suliranin
ng guro

Talasalitaan
ikasusulong ikauunlad
pagpitaganan pagrespeto
karampot - kaunti

Mga Tauhan

Crisostomo Ibarra
Guro ng bayan ng San Diego
Padre Damaso
Tenyente Guevarra
Don Rafael Ibarra

Mahahalagang Pangyayari
A. Nag-usap si Crisostomo Ibarra at ang guro ng
bayan ng San Diego tungkol kay Don Rafael at
sa mga suliranin ng guro.
B. Ipinagtapat ng guro na kasama niya si
Tenyente Guevarra sa lawa kung saan itinapon
ang bangkay ni Don Rafael Ibarra.
C. Pinuri ng guro ang kabutihang ginawa sa kanya
ni Don Rafael Ibarra.

Mahahalagang Pangyayari
D. Nabanggit ng guro ang ukol sa mga suliranin
sa pag-aaral ng mga mag-aaral tulad ng
kahirapan sa buhay, kawalan ng interes, at
kawalan ng silid-aralan.
E. Inalipusta ni Padre Damaso ang guro hinggil sa
pagtuturo nito ng wikang Kastila sa mga magaaral.

Mga Katanungan
1. Ano ang pinag-usapan ni Crisostomo at ng
kanyang kasama?
2. Bakit nahihirapan ang guro sa kanyang
pagtuturo sa mga mag-aaral?
3. Bakit nais ng gurong turuan ang mga magaaral ng wikang Kastila?
4. Paano inalipusta ni Padre Damaso ang gurong
naghahangad na matuto ang kanyang mga
mag-aaral?

Mga Katanungan
5. Sa iyong palagay, ano-ano ang kailangan ng
mga mag-aaral ngayon upang magkaroon ng
interes sa pag-aaral?
6. Kung ikaw ay isang guro, paano mo
matuturuan nang maayos ang mga mag-aaral
kung ang suliranin ay kahirapan sa buhay?

Halagang Pangkatauhan
Ang guro ay tulad ng isang hiyas na tagapaghasik ng
liwanag at karunungan sa bawat mag-aaral kaya siya ay
dapat lamang na bigyan ng karampatang paggalang at
pagpapahalaga

Вам также может понравиться