Вы находитесь на странице: 1из 5

Characters:

Judge
Convict
Guard 1
Guard 2
Scene 1: Courtroom
(Papasok sa courtroom yung convict, kasama yung guards)
Judge: Bago natin simulan ang paglilitis na ito, may nais bang sabihin ang
nasasakdal?
Convict: Naramdaman niyo ba yun, your honor?
Judge: Ano yun?
Convict: Sparks!!!
Judge: Magitigil ka diyan, or I will charge you for contempt!
Judge: Ang nasasakdal ay nahaharap sa mga patung-patong na kaso tulad
ng paglabag sa Kirchoffs Voltage Rule dahil hindi nag-zero ang total voltage
mo dito sa iyong exam *ipapakita yung test paper*, zero ka tuloy sa exam.
Hindi lang iyan! Batay sa mga kuha ng CCTV, ikaw ay nahuling sumasayaw
sa ibabaw ng high tension wire *ipapakita yung video ng lalaking sumasayaw
sa wire* at nahuli ka rin sa aktong nagnanakaw ng kable *ipapakita yung
video ng nagnanakaw ng wire* na ito ang nagdulot ng malawakang power
outage sa maraming lugar na siyang nagdulot ng mga riot, sunog dahil sa
mga napabayaang kandila at isang pasyentenng naka-life support ang
namatay dahil sa pagkawala ng kuryente! Malaking perwisyo ang idinulot ng
iyong ginawang pagnanakaw at break dancing!
Convict: Your honor! Halata naman sa mga video na iyan na hindi po ako
yan! Hindi ko nga po kamukha yung nagsasayaw at malabo rin ang kuha ng
CCTV! Malinaw po na wala akong kasalanan!
Judge: Ikaw ang itinuro ng mga saksing nakakita sa iyo! Ipatawag ang saksi!
(Lalapit yung saksi, yung may takip yung ulo)
Judge: Maari mo bang ituro ang nagnakaw ng kable at sumayaw sa ibabaw
ng wire?
(Ituturo nung saksi yung convict)
Judge: Dahil sa matibay na ebidensiya laban sa nasasakdal, napagpasyahan
ng hukumang ito na si, *insert convicts name* ay hinahatulan ng parusang
kamatayan sa silya elektrika! So ordered! (Kukunin yung sapatos, tapos
ipupukpok sa table)

Convict: Hindi maari! Wala akong kasalanan! Hindi!!!


(Mag-zozoom yung camera sa convict, w/ slow mo, insert drama music/song
and then kakaladkarin nung guards yung convict)
Scene 2: Death Chamber
(Papaupuin yung convict sa electric chair)
Guard 1(kakausapin yung convict): Pare, huwag kang kabahan. Relax ka
lang. Hingang malalim!
Convict: Kinakabahan ako eh! Stage fright yata to!
Guard 2: Mabilis lang ito pramis! (tingin kay guard 1) Anong oras na ba?
Dalian natin! Manonood pa tayo ng Aldub!
Convict: Diba kapag bibitayin, may last wish? Pwede bang mag-request
ngayon?
Guard 1: Ano ba yun?
Convict: Pwedeng di na ba ko bitayin?
Guard 2: Tingnan mo ito at humihirit pa! Aba! Hindi pwede yun!
Convict: Eh fried chicken?
Guard 1: May ibibigay dapat para sayo kaso kinain namin eh. Matagal
namang mag-order ng Jollibee dito.
Convict: Ah sige, wag na lang. Pwedeng bigyan niyo muna ako ng konting
panahon? Ihahanda ko lang ang sarili ko.
Guard 2: Sige.
(Nakafocus yung camera sa convict,

tapos

nakayuko

yung

convict.

Melodrama music)
Convict (voice over only): Bakit ito ang nangyari sa akin! Inosente ako sa
ibinibintang nila sa akin! Bakit naman napakailap ng hustisya para sa akin?
Magiging isang martir ba akong paparusahan nila ng walang kasalanan?
Bakit ganito? Bakit?
Guard 1: Oras na. Simulan na natin ito
Guard 2: (Pipindutin ang switch, mangingisay ng konti yung convict): Bakit
hindi gumana ito?
Guard 1: Eh hindi mo pala sinaksak sa outlet eh! Eh pero bakit nangisay si
*insert convicts name*
Convict: Praktis lang!! Kayo naman oh!
Guard 2: Ano ba yan! (Isasaksak yung extension cord) Ayan. Okay na!
Guard 1: (Pipindutin ang switch. Mas matagal mangingisay yung convict):
Sinaksak na natin ah! Pero anong nangyari? *sisinghot ng konti* Bakit may
amoy sunog na buhok ditto?

Convict: Eh palpak pala kayo eh!


Guard 2: Ikaw nagmamarunong ka pa! Matagal na namin tong ginagawa eh!
Guard 1: (May sinisilip sa ilalim ng electric chair): Kaya pala eh! Mababa
lang ang current na dumadaan dito! Nasa 10 to the minus 4 Amperes lang
pala current nito eh! Sabihin mo taasan nila! Gawin nilang nasa 10 to the
minus 2 hanggang 10 amperes para it will cause ventricular fibrillation!
Guard 2: Galing mo pare! Saan mo nalaman yun!
Guard 1: Nag-EE1 kasi ako nung college eh.
Guard 2 (Kunyari may kausap sa phone): Ayun! Naayos na nila yung current.
Okay na daw. Pwede na nating ituloy ito!
Guard 1: (Pinindot ang switch, Nangisay yung convict): *Kamot ang ulo*
Ayaw pa ring gumana! Ano pa ba kulang? Manunuod pa tayo ng Aldub oh!!
Convict: Alam ko na ang problema kung bakit!
Guard 2: Weh di nga?
Convict: Nag-EE1 din ako nung college eh!
Guard 1: Ay oo nga! Ito pa yung groupmate ko dati! Gumawa nga rin pala
kami ng short film noon!
Guard 2: Eh ano bang problema at hindi gumagana itong electric chair?
Convict: Una. Tingnan mo itong extension cord. Bakit may charger na
nakasaksak dito?
Guard 1: Inaabangan ko magtext gf ko eh!
Convict: Tapos may heater pang kasama dito!
Guard 2: Pangkape namin yan mamaya!
Convict: Talaga to oh! Pati yung washing machine, aircon at ref ay
naksaksak dito sa extension cord! Hindi niyo ba alam na ang bawat
appliance ay may tinatawag na power rating? I-divide ninyo yung power
rating, i-divide ninyo yun sa voltage ni ibinibigay ng outlet. Yun yung
maximum current na kailangan ng appliance ninyo. I-add ninyo lahat ng
nakuha ninyong current .Tapos i-check ninyo yung maximum current rating
ng wires ninyo! Madalas 10 Amperes yan. Kapag sumobra yung current nung
mga nakasaksak kumpara sa current rating ng wire, magiging kulang ang
current na mapupunta sa mga appliance at hindi sila gagana ng maayos.
Maari rin iyong magsimula ng sunog! Akala niyo ba?
(Makakatulog yung Guard 1)
Guard 1: *Magigisng* Ah oo! Yan yung tinuro sa min noon! Kaso absent yata
ako nun
Convict: Tanggalin niyo na yung ibang mga nakasaksak para pwede na!
Guard 2: *Tinanggal yung mga nakasaksak*. Ayan okay na! Dalian na natin!
Nagsimula na ang Aldub!!
(Pipindutin ng guard 1 yung switch. Mangingisay yung convict at
mamatay.Tatanggalin ng mga guard yung convict sa upuan at ihihiga sa
sahig.)

Guard 1: Bakit amoy bacon dito?


Guard 2: Hmmmm! Bacon nga!
(Papasok ang judge)
Guard 2: Oh your honor, bakit kayo nandito?
Judge: Nabitay niyo na ba siya?
Guard 1: Yes your honor. Kakatapos lang . Late na nagsimula kasi may
konting aberya pa.
Judge: Paano yan? Kakatawag lang sakin ng Presidente. Binigyan siya ng
Presidential Pardon kanina, two minutes ago.
Guard 2: Your honor, baka buhay pa to! *Tingin kay Guard 1* Huy kunin mo
nga yung defib- defribl-, bentilador!
Guard 1: Anong bentilador? Defibrillator yun!
Guard 2: Defibrillator, ventilator, parehas lang yun! Yung plantsa-plantsa na
dinidikit nung doctor!
(Kukunin yung plantsa.Ididikit sa convict. Background music: Bakit ngayon ka
lang?)
Guard1: Clear!
Guard 2: Wala na! Its too late! Patay na siya!
Judge: Sayang naman. Bakit ganun? Yung mga bagay na hinihintay nating
dumating, laging nahuhuli at wala sa timing? Bakit?
Guard 1: Ganun talaga your honor. Kaya kailangan nating mag-move on.
Scene 3: Nanonood ng tv yung guards
Guard 1: Sa wakas! Makakapanood na rin tayo! *bubuksan ang tv*
Guard 2: Dalian mo! Baka hindi natin maabutan!
*Biglang mamatay ang ilaw*
Guard 2: Pambihira naman oh! Bakit ngayon pa nag-brownout?
Guard 1: Pare, hindi brownout ang tawag diyan! Blackout dapat kasi walang
kuryente! Ang brownout ay mayroong kuryente, pero konti lang.
Guard 2: Teka, bakit yung kapitbahay may ilaw?
Guard 1: Ay nakalimutan ko nga palang sabihin. Dumating yung
disconnection notice ng Meralco kahapon. Tatlong buwan na pala tayong di
nagbabayad!
-The end!
PS. Kung may mahaba/ korni/ gusto niyong palitan, okay lang. Good luck
guys

Вам также может понравиться