Вы находитесь на странице: 1из 2

Ang Alamat ni Mariang Sinukuan

Sa kalagitnaang Luzo ay may kaisa isang bundok,ito ay ang


bunmdok Arayat,Malamaharlika ang tindig ng bundok na ito.Dito
nagmula ang magandang alamat ni Mariang Sinukuan.
Noong unang panahon sagana sa bungang kahoy at malulusog
na mga hayop sa bundok Arayat. Sa paligid nito ay ang
mayayabong na halaman at masagana ang ani.
Ang mayari ng bundok naito ay si Maria, Siya ay ubod ng
ganda, kayunanggi , mahaba ang buhok, matangus ang ilong ,
ngunit mahiwagang babae. Marami siyang alagang hayop tulad ng
manok, ibon, baboy, kambing at iba pa. Siya ay matulungin sa tao.
Satulung ni Maria ang mga tao doon ay masayang namumuhay.
Paminsan minsa nakikita ng mga taga Arayat at karatig pook si
Maria na namamasyal tuwing hatinggabi. Madalas kapag may
kinakapos ng pagkain magigisnan nalang nila ito sa kanilang
punong hagdan.
Isang araw may mga sakim at tamad na mga tao na nangahas
na manguha nag mga prutas at nanghuli ng hayop sa bundok ni
Maria. Malalaking supot at sako ang kanilang dala, kumain sila ng
maraming prutas. Dumating si Maria at nagwika sige kumain kayo
ng magustohan nyo nguniot wag kayong maguuwi
Pagkaraan ng ilang oras akala ng masasamangloob na umalis
na si Maria. Naghuli sila ng mga hayop at pinuno nila ng mga
prutas ang supot.May natakot na baka magalit sa kanila si Maria
ngunit dala ng kasamaan ay nakisama narin sa
mangungulimbat.Hindi nagtagal at napuno na nila ang kanilang
lalagyan at dali-daling lumisan sa pook na iyon. Ni hindi nila
pinansin si Maria na noon ay dumarating bagkos ay binilisan pa nila
ang kanilang paghakbang.
Hindi nila namalayan na pabigat ng pabigat ang kanilang
dalahin, at nang kanila itong buksan wal silang nakita kundi mga
bato.
Nakita nila ang isang matanda aanohin ninyo ang mga
batong iyan? napagalaman niya na galling sila sa bundok. Uli-uli
wag kayong kukuha ng hindi sainyo at nang walang pahintulot.
Kung sabagay mabait si Maria hindi niya kayo sasaktan. Igalang
naman sana natin siya marami nasiyang nagawang kabutihan sa
atin.
Marami pa ang sumunod na nagtangkang magnakaw kay
Maria. Dahil dito nagtampo at nagalit si Maria. Dumating ang
panahong hindi nasiya nakikita ng mga tao. Hindi narin siya
tumutulong sa mga tao. Unti-unting nanghgina ang mga hayop, ang
mga halaman ay nalanta. Ang mga tao ay kinapos at nagutom.

Nagtipon-tipon ang lahat at napagkaisahan na sumuko na kay


Maria. Kailangan nilang humungi ng tawad sa mabait at
mahiwagang babae. Ngunit ang lahat ng kanilang pagsissikap na
makahingi ng tawad kay Maria ay nabalewala ng lahat pagkat ang
kanilang sinukuan ay di na muling nagbalik pa. Kaya kaylangan na
nilang magpatulo ng maraming pawis upang sila ay mabuhay.

Вам также может понравиться