Академический Документы
Профессиональный Документы
Культура Документы
IMBA!, GG, RM at paminsan Trash talk. Yan ang mga salitang madalas marinig
sa bawat computer shop na makikita mo rito sa Pinas. Adik kasi ang mga bata ngayon
sa DOTA. Umaga, hapon, gabi at paminsan kapag walang pasok ay puyat kakalaro ng
DotA. Kahit wala pang almusal, kahit wala pang tanghalian at kahit wala pang ligo ay
panay ang paglalaro ng DotA. Laman ng computer shop sa mga kanto, laman ng
computer shop diyan sa may Dapitan. Huwag kayong magkaila karamihan dito sa
klaseng ito ay nakapaglaro na ng DotA at parang parte na ng araw-araw na gawain ang
paglalaro nito.
Ano nga ba ang DotA? Kung tutuusin isang custom map lang naman ito sa larong
Warcraft 3 na isang sikat na real time strategy game lalong lalo na sa mga koreano. Sa
laki na wala pang halos 10mb ay madadownload mo na ang DotA. Makapipili at
makapaglelevel-up ka ng hero na gusto mo. Makapag-iipon at makapag-eekwip ng mga
gamit upang mapalakas ang karakter mo at talunin ang kalabang grupo. Ang isang
magandang laro ay madalas tumatagal ng hindi bababa ng 20 minutos at kung minsan
ay may game 2 pa o game 3 o game 4 na siyang kumukunsumo ng napakaraming oras.
Sa kalagitnaan ng isang nag-iinit na laro ay marami kang maririnig na mga salitang
hindi na nga kanais nais ay ipagsisigawan pa sa tenga mo. Ito ay ang tinatawag nilang
pagtatrash-talk. Hindi nga naman kasi kumpleto at masaya ang isang laro kung hindi
mo naiintimidate ang mga kalaban mo.
Kung tatanungin mo ang mga kabataang lulong sa nakakaadik na larong ito kung
anong magandang aral ang natututunan nila sa paglalaro nito, ang siguradong isasagot
nila ay ang pag-iistrategy at teamwork. Ang pagpaplano ng mga taktika upang maambush ang isa o napakaraming hero at ang pagtutulungan ng bawat isa upang
maisagawa ito. Ngunit sapat ba itong pag-iistrategy at teamwork upang magamit at
maisabuhay ng mga kabataang sinasabing pag-asa ng bayan?
Hindi maipagkakailang ang pag-lalaro ng DOTA ay nakakaadik sa halos
karamihan ng mga kabataan sa panahon ngayon. Sa maliit na halagang bente pesos ay
maari ka na kasing makapaglaro ng isang oras sa computer shop na madalas na
dahilan ng pagkakaubos ng baon ng mga bata sa eskuwela. Sa sobrang pagkakawili ay
di narin namamalayan ang oras na kinukunsumo ng paglalaro na nagiging sanhi ng
pagsasantabi ng mga gawain at hindi pagtapos ng mga ito. Ang mga homework ay
madalas na hindi nagagawa sa oras at madalas na hindi nakakapasok sa mga klase
dahil mas pipiliing maglaro kasama ang mga kaibigan sa computer shop.
Kung tutuusin ay mayroong kautusan na nagbabawal na magtayo ng computer
shop malapit sa mga paaralan ngunit hindi naman ito nasusunod. Nakakatawa ngang
isipin na kung saan pa may paaralan ay doon naman laganap at nagsusulputan ang
napakaraming computer shop na ang kadalasang laman ay mga nagtutumpukang mga
estuyante na imbes na gugulin ang oras sa pag-aaral sa mga nalalapit nilang exams ay
mas pipiliin pang ubusin ito sa paglalaro. Kung ganitong eksena ang makikita mo arawaraw, ay parang nagdadalawang isip nako na kami nga ang pag-asa ng susunod na
henerasyon.
Sa kabataan ngayon, hindi na ata sapat ang
pagsasabi
ng
mag-aral ng
ito kaya pumapatok sa mga kabataang Pilipino. Kung tutuusin sa ibang bansa tulad ng
Amerika ay hindi naman ito gaanong pansin ng mga tao doon. Mas kilala ang World of
Warcraft doon. Paniguradong darating ang panahon at may papalit na bagong laro na
mas kahuhumalingan naming mga kabataan. Walang masama sa pagkakalulon dito
dahil kahit noong bago pa man ito sumikat ay nauna nang kinaadikan ang mga Brick
Game at Game and Watch ng mga mas nakatatanda.
Sana lang ang pagkahumaling naming ito ay hindi makaapekto sa kalidad ng
aming pagtatrabaho at panananaw sa buhay. Na hindi lahat ng pagkakataon sa buhay
ay may rematch. Na ang pagkapanalo ay hindi nadadaan sa isang madugong trash talk
at higit sa lahat hindi mo pwedeng laging sabihin na GG na sir.