Вы находитесь на странице: 1из 3

Cesar Montano finally speaks on death of son Christian Angelo

By: Noel B. Orsal & Rommel R. Llanes

"Iba po ang isip ng Panginoon talaga, kumpara sa


atin. Pero marami pong bagay na blessing na
maiisip natin, kahit na masakit sa kalooban ko pong
isipin na blessing po ito, pero marami pa rin po,
marami pa rin... dahil ibibigay talaga ng Diyos ang
katalinuhan para maisip mo po yung mga
kaparaanan na yun, kung talagang blessing po ang
pagkawala ni Angelo. Kahit na masakit," Cesar
said during his eulogy for his son Christian Angelo
Manhilot. Angelo died last Friday, March 26, from
a gunshot wound to the head. He is scheduled to be
cremated today, March 28.

Tulad ng inaasahan, naging maramdamin ang lahat ng nagsalita sa necrological service para sa
anak ng aktor na si Cesar Montano na si Christian Angelo Manhilot.

Noong March 26, Biyernes, natagpuang duguan at wala nang buhay dahil sa tama ng baril sa
ulo, ang 23-anyos na binatang si Angelo sa loob ng silid nito, sa bahay ng mga Montano sa
Tivoli Royale, Batasan Hills, Quezon City.

Sa kabila ng pagbabawal ng pamilya Montano sa press coverage ng burol, ipinakita naman sa


large screen na itinayo sa labas ng crematorium chapel ng pinagburulang Arlington Memorial
Chapels sa Araneta Avenue, Quezon City, ang mga pagbibigay-tribute ng mga nagsalita bilang
eulogy kay Angelo.

Pinagtiyagaan na lamang ng mga nakabantay na press ang large screen, at naghintay ng


oportunidad para maka-interview ng mga kaibigan ng pamilya na dumarating para sa huling gabi
ng burol.

Si Pastor Ed Lapis ang nag-celebrate ng mass. Unang nagsalita sa eulogy ang dating executive
producer ng GMA Films na si Butch Jimenez.

Nagkatrabaho sina Cesar at Butch nang gawin ni Cesar ang Marilou Diaz-Abaya films na Rizal
at Muro-Ami sa ilalim ng GMA Films. Ani Mr. Jimenez, saksi siya sa magandang pagsasama ng
mag-amang Cesar at Angelo. Nakita niya rin kung gaano kabuting bata ang anak ni Cesar.

Nag-alay naman ng dalawang kanta para kay Angelo ang asawa ni Mr. Jimenez na si Tricia
Amper-Jimenez. "In His Presence" at "Tunay Kang Matapat" ang inawit ni Mrs. Jimenez bilang
tribute kay Angelo.
Ilan sa mga nagsalita na may magagandang alaala kung gaano kabuting tao at anak si Angelo ay
ang pinsan nitong si Jeffrey Manhilot, ang mga tiyuhin niyang si Jing Manhilot at Rommel
Montano, ang pinakamalapit na kabigan ng pamilya na si Bayani Agbayani, at ang manager ni
Cesar na si Norma Japitana.

Ikinuwento ni Jeffrey ang magagandang alaala ng pagsasama nila ni Angelo sa Bohol at kung
paanong muntik na silang malunod habang nagsu-swimming sa beach. Nagpatotoo naman sina
Jing at Rommel kung gaano kabait na bata ang binata ni Cesar dahil sa pagiging palabasa nito ng
Biblia at pala-attend sa Bible studies.

Si Bayani naman, nakita raw niya ang paglaki ni Angelo at naging malapit daw talaga ito sa
pamilya rin niya. "Parang siya yung anak na lalaki ko kasi puro babae ang anak ko." Sobrang
magalang daw si Angelo at maganda ang pagpapalaki ni Cesar dahil palabati at nagmamano raw
agad sa kanya tuwing magkikita sila.

Si Norma Japitana naman, inalaala si Angelo bilang "a boy who loves life." Kaya't na-shock
daw siya talaga nang mabalitaan ang pagkamatay nito.

CESAR'S EULOGY. Nang si Cesar na ang nagsalita, halata ang pagpigil nito sa emosyon,
bagama't banaag dito ang hinagpis pa rin ng isang amang nawalan ng anak. Medyo ilang pa nga
ito sa kahit na anong nakatapat sa kanyang kamera, dahil nasita pa niya ang isang nakatutok sa
kanya. Pamangkin niya pala ang may hawak ng kamera na iyon at hinayaan na lang niya.

Ani Cesar, hindi lang anak si Angelo para sa kanya. Isa raw itong kaibigan at kabarkada.

"Pagkagising ko pa lang sa umaga, pagkatapos naming magdasal ni Sunshine, unang sinasabi ng


bibig ko hahanapin ko agad siya. Kasi may gagawin agad kami, e. It's either magluluto kami ng
breakfast, magdya-jogging kami, isasama ko siya sa kung saan-saan, o gagawa kami ng
kalokohan. May naiisip akong kalokohan, isasama ko siya," lahad ni Cesar.

Nahihirapan daw siyang magsalita dahil sa sakit pa rin na nararamdaman niya. Ilang araw na
raw siyang umiiyak, at nahihirapan din siyang umuwi sa bahay nila dahil "every corner of our
house reminds me of Angelo," aniya. Marami raw ang nagtatanong sa kanya kung paanong
nangyari ang pagkamatay ni Angelo, pero tiniyak niya sa mga ito na hindi rin daw ginusto ni
Angelo ang nangyari sa kanya.

"Masayahin at matuwaing bata si Angelo. Para pong ako. Siyempre, dahil nanggaling po siya sa
akin," paglalarawan ni Cesar kay Angelo. "Dahil kung ginusto niya 'yon, hindi na sana niya
isinuot ito," itinuro ni Cesar ang suot niyang baller band bracelet na kinuha niya mula kay
Angelo nang abutan niya ito sa ospital na pinagdalhan nito.

Ani Cesar, tanda raw ng pagsusuot ni Angelo ng baller band bracelet ang suporta at pagiging
committed nito sa buhay at sa kanya. Ang bracelet na iyon ay tanda ng pagsuporta sa kandidatura
ni Cesar sa darating na May 10 elections. Kandidato kasi si Cesar bilang gubernador sa Bohol, sa
tiket ni Benigno "Noynoy" Aquino III, sa ilalim ng Liberal Party (LP).

Tanggap din daw ni Cesar na hindi niya pag-aari si Angelo. Bagamat sa kanya nanggaling ito,
ipinahiram lang daw sa kanya si Angelo ng Panginoon at panahon na nga para bawiin ito mula sa
kanya.

"He is a gift from God. Regalo lang si Angelo para sa ating lahat," pahayag ni Cesar sa mga
kaibigan, mga pinsan, at iba pang kaanak ni Angelo. Suko raw siya sa kung ano mang plano ng
Panginoon para sa kanya dahil sa pagkamatay ng kanyang anak.

"Our God is perfect. Everything He does is perfect, including his decision," sabi ni Cesar. Nag-
quote pa siya mula sa Biblia bilang patunay sa katalinuhan ng Panginoon, "Sinabi rin sa Isaiah
55:8, katulad po ng binanggit ni Pastor Ed, 'For My thoughts are not your thoughts, neither are
your ways, My ways,' declares the Lord.

"Iba po ang isip ng Panginoon talaga, kumpara sa atin. Pero marami pong bagay na blessing na
maiisip natin, kahit na masakit sa kalooban ko pong isipin na blessing po ito, pero marami pa rin
po, marami pa rin... dahil ibibigay talaga ng Diyos ang katalinuhan para maisip mo po yung mga
kaparaanan na yun, kung talagang blessing po ang pagkawala ni Angelo. Kahit na masakit.

"Hindi pa darating sa ngayon, dahil masakit pa sa dibdib natin, I'm sure po darating yun because
our God is a faithful God, buhay po ang Diyos natin at mahal po tayong lahat. You just keep on
trusting Him. Ang kalungkutan na itong nararamdaman natin, I'm sure mapapalitan ng
kasiyahan. At kung masaya tayo, I'm sure masaya din si Angelo. Magandang gabi po sa inyong
lahat at maraming salamat. Purihin ang Panginoon," pagwawakas ni Cesar sa kanyang eulogy.

Sa labas ng chapel, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jun Cullao, personal
assistant, kababata at kaibigan ni Cesar.

"Sobrang close ng mag-amang iyan. Kasakasama lagi 'yan [Angelo] ni Buboy sa lahat. Nagbo-
boxing nga 'yang dalawang 'yan, e," kuwento ni Jun sa PEP. Nakahanda na nga raw ang lahat
para sa pangangampanya ni Cesar sa Bohol nang makuha nila ang tawag tungkol sa pagkamatay
ni Angelo. Ang agad na sinabi raw ni Cesar pagkatanggap ng masamang balita, "Kumuha na
kayo ng tiket." Gusto raw agad nitong umuwi ng Quezon City para makapiling si Angelo.

Mula sa manager naman ni Cesar na si Norma Japitana, nalaman ng PEP na pagkatapos ng


cremation ni Angelo ngayong araw, alas-onse ng umaga ng March 28, iuuwi ni Cesar ang mga
abo ni Angelo sa bahay nila sa Tivoli Royale.

Kabilang sa mga nakita ng PEP na celebrities na dumating para makiramay kay Cesar ay sina
Gloria Romero, Celia Rodriguez, Nova Villa, Toni Rose Gayda, Rosa Rosal, Joko Diaz, Lorna
Tolentino, Raph at Renz Fernandez, ABS-CBN Channel Head Cory Vidanes, Secretary Arthur
Yap at Senator Noynoy Aquino. Si Toni Rose ay namatayan din ng anak noon lamang nakaraang
linggo.

Вам также может понравиться