Академический Документы
Профессиональный Документы
Культура Документы
Batayang Kaalaman
saWika
ANG WIKA AT ANG NAGWIWIKA
Kapag tao ang pinag-uusapan, tiyak na hindi lalayo ang wika at
komunikasyon. Ang dalawang ito ay palaging iniuugnay sa tao. Ang tanong ngayon
ay ano ang pagkakaiba ng wika at komunikasyon kung tao rin lamang ang pinaguusapan.
Nang likhain ng Diyos ang tao, nilikha Niya ito na may kakayahang
makipagkomunikasyon. Likas sa tao ang nakikipag-usap, ang ibig sabihin
ipinanganak siya na marunong nang makapagpahayag ng kaniyang saloobin, sa
sarili man o ito o sa kaniyang kapuwa. Obserbahan ang isang sanggol na bagong
silang, sanggol pa lamang ay marunong na siyang makipagkomunikasyon tulad ng
pag-iyak, tulad ng pag-inom ng gatas kung nagugutom, pagpapalit ng lampin
kung siya ay basa at pag-iyak kung siyay may nararamdamang sakit sa kaniyang
katawan.
Ang tao ay kabilang sa isang kabuuan na kung tawagin ay lipunan. Ang
mga taong ito ay kailangang pakisalamuhaan, pakibagayan, pakisamahan,
unawain. Kailangang ipahayag ng tao ang kaniyang kaisipan, idea, kuro-kuro,
damdamin, saloobin at karanasan. Dapat niyang ipaalam ang mga tamang
impormasyon at kaalamang kapaki-ipakinabang. Dapat ding mabigyang-halaga
ang mga paksa o isyung dapat pansinin, talakayin at suriin ng mga mamamayan.
Ang mga ito ay maisasagawa lamang sa pamamagitan ng komunikasyon.
Maraming haka-haka kung paano nagsimulang magsalita ang tao. Ayon sa
mga dalubwika, unang natutuhan ng tao ang pasalitang komunikasyon,
pangalawa ang mahahalagang impormasyon na kaniyang iniingatan. Nagsimulang
makipagtalastasan ang tao sa pamamagitan ng mga iginuhit na larawan na kung
tawagin ay PICTOGRAPHS. Unang namataan ang mga larawang ito sa kuweba
noong panahon na tinatawag na CAVEMAN. Ang iba naman ay natagpuan sa
1
tagong lugar sa Espanya at Pransiya, ang mga simpleng larawang ito ay may ibig
ipakahulugan kayat nagagamit sa pagdadala ng mensahe. Halimbawa ang
larawan ng pana ay nangangahulugan ng PANAKOT o LABANAN. Sumunod na
nabuo ang mga titik o pantig na bumubuo naman sa mga salita. Ang mga salitang
ito ang bumubuo sa wika, at dahil dito naging mabisa na ngayon ang
komunikasyon. Malinaw ngayong naipapahayag ng tao ang laman ng kaniyang
isipan at puso gamit ang wika. Ano nga ba ang wika?
KAHULUGAN NG WIKA
Ibat ibang libro, ibat iba ang pakahulugan sa wika. Ibat ibang
diksiyonaryo, ibat ibang depinisyon ang ibibigay sa wika. Ibat ibang eksperto,
ibat iba ang sasabihin tungkol sa wika. Tunghayan ang ibat ibang kahulugan ng
wika batay sa ibat ibang lente ng pagpapakahulugan.
Ang wika ay isang paraan ng pagpapahayag ng kaisipan, kuro-kuro at
damdamin sa pamamagitan ng mga salita upang ang tao ay magkaunawaan.
Ang wika ay sistema ng mga sagisag na bumubuo ng mga tunog o kaya ay
mga pasulat na titik na iniuugnay sa mga kahulugang gusto nating ihatid sa ating
isipan.
Ang wika at lengguwahe ay magkasingkahulugan. Hango sa Latin na lingua
ang lengguwahe na ang ibig sabihin ay dila.
Ang wika ay behikulo sa pakikipagtalastasan. Ang wika ay hindi lamang
pasalita. Ang lahat ng bagay na nagbibigay ng mensahe ay ginagamitan ng wika.
Sakop nito ang pagsusulat, larawan, mga simbolo at iba pang galaw at ekspresyon
ng mukha.
Ang wika ay pangunahing instrumento upang ipahayag ang kaisipan at
saloobin ng isang tao. Napabibilis ang pagpaparating ng mensahe sa pamamagitan
ng wika.
Ang wika ay daan sa pagkakaisa at pag-unlad, taglay ng wika ang
kapangyarihan upang magkaisa ang mga taong gumagamit nito.
Ang wika ay susi sa pag-unlad at sa pagpapalaganap ng ibat ibang
kaalaman, sa pamamagitan ng wika, at ng tao, makakabuo ng kaparaanan upang
makaangkop sa kaniyang kapaligiran at makabuo ng ibat ibang imbensiyon na
makatutulong sa pag-unlad ng isang bansa.
Ayon kay Fajardo (2011) wika ang nagbibigay ng pagkakataong
makapagpahayag ng saloobin ang sinuman. Ang wika ay biyaya ng sangkatauhan
na nakapaloob sa kulturang tinubuan.
Kay Henry R. Gleason, ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang
tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng tao na
kabilang sa kanilang kultura sa pakikipagkomunikasyon. Upang lubos na
maunawaan ang puntong ito, marapat na isa-isahing talakayin ang bumubuo sa
katuturan.
Una, ang wika ay masistemang balangkas. Masistema ang isang bagay
kapag sumusunod ito sa isang tiyak na kaayusan. Ibig sabihin organisado,
planado at may direksiyon. May tama itong pagkakasunod-sunod. Sa usapin ng
wika, sa siyentipikong paglalarawan, nagsisimula ang alinmang wika sa tunog.
Anumang klaseng tunog ito, tiyak na may bagahe at kargada ito ng maraming
kahulugan. Subalit hindi maililimita ang wika sa tunog sapagkat magiging makitid
ang parametro ng pagpapakahulugan. Sa likas na talino ng tao, binigyan niya ng
kaukulang simbolo ang mga tunog na ito sa pamamagitan ng mga titik o letra.
Muli, hindi sapat ang mga titik o letra upang maging mabisa ang komunikasyon.
Pinagsama-sama ng tao ang mga titik o letra kung kayat nailuwal ang mga salita.
Ang mga salita ay binubuo ng mga titik o letrang may kahulugan sa ganang sarili.
Pinahaba ng tao ang salita kung kayat nabinyagan ang parirala. Pinahaba ang
parirala, tinawag itong sugnay. Upang maging buo ang diwa, pinangalan itong
pangungusap. Pinagsama-sama ang mga pangungusap, naisilang ang talata. At sa
pagsasama-sama ng talata, nabuo ang komposisyon. Mayroon bang wika sa
daigdig na hindi dumaraan sa ganito kasistematikong proseso?
Pangalawa sa elemento ng wika ay sinasalitang tunog. Pumapasok dito
ang dalumat ng ponema. Ponema ang tawag sa mga makabuluhang tunog sa
wikang Filipino. Sinasabing makabuluhang tunog ang isang simbolo kapag
nagagawa nitong baguhin o pag-ibahin ang kahulugan ng isang salita. Sa tiyak na
halimbawa, iba ang nag-iba sa nagiba. Sa aklat ni Alfonso Santiago, ang
ponemang maituturing sa halimbawang ito ay ang gitling. Ang nagiba ay nasira,
nawasak o gumuho. Ang nag-iba ay nagbago. Bukod sa ponema, sinasabi ring
sinasalitang tunog ang wika sapagkat sakop nito ang punto at paraan ng
artikulasyon. Pinag-aaralan sa bahaging ito kung paano nakapagsasalita ang
isang normal na tao.
Sa anumang pagsasalita, may tatlo itong salik na isinasaalang-alang: ang
enerhiya, artikulador at resonador. Ang enerhiya ay ang puwersang nanggagaling
sa baga ng isang tao. Kapag naipon na ang enerhiyang ito ay ibubuga ito paitaas
sa artikulador ng tao. Sa lalamunan, ang babagtingang-tinig ay ang nagsisilbing
artikulador. Kayat sa anumang pagsasalita, laging may kumakatal na bagay sa
lalamunan ng tao. Upang ganap na makapagsalita ang isang tao, daraan ito sa
guwang ng bibig at ilong. Ito ang tinatawag na resonador. Resonador ang daanan
ng tunog. Bukod sa nabanggit na tatlong salik, mahalagang ipasok ang konsepto
ng dila sa pagsasalita ng isang tao. Sinasabing pinakamakapangyarihang
sandatang gamit ng isang tao sa kaniyang pagsasalita ang dila. Malayang
naigagalaw ng isang tao ang kaniyang dila sa ibat ibang posisyon nito na nagiging
pangunahing dahilan upang mabigkas niya nang tama, maayos at malinaw ang
ponema. Karagdagan, sinasalitang tunog ang wika sapagkat masyadong
makapangyarihan ang pagbigkas upang magkaroon ng ganap at mabisang
komunikasyon sa iba. Isa pa, lahat ng wika sa daigdig bago naisulat ay nabigkas
muna ng isang tao. Mayroong bang kayang sabihin ang isang tao na hindi
maisusulat?
6. May politika ang wika. Lagi at lagi nang may pingkian, labanan, digmaan
at tagisan sa usapin ng wika. May nanggagahum at ginagahum sa paggamit
ng wika. May itinuturing na mataas at may tinitingnan namang mababa.
Kapag nagsasalita ang isang tao sa wikang Ingles, matalino. Kapag ang
isang tao ay magaling sa Filipino, ordinaryo. Kahit sa eleksiyon ay may
nangyayaring politika sa paggamit ng wika. Sa pagsuyo at pag-amo sa boto
ng mamamayang Filipino, wikang Filipino ang wika ng politiko. Kapag
pinalad na manalo, Ingles na ang gagamitin sa kongreso at senado. Sadyang
may politika ang wika. Ano pang naiisip mong ibang sitwasyong may
politika sa paggamit ng wika?
ANTAS/KATEGORYA NG WIKA
Ang kaantasan ng wika ay nagbibigay ng pagkakakilanlan sa isang tao.
Tulad ng tao ang wika ay nahahati rin sa ibat ibang kategorya ayon sa kaantasan
nito. Ang wikang madalas na gamit ng isang tao ay isang mabisang palatandaan
kung anong uri siya ng tao.
1. Pormal ang mga salitang ginagamit sa kategoryang ito ay kinikilala at higit na
ginagamit ng mga nakararami lalo na ang mga nakapag-aral ng wika. Buo ang
pagkakabaybay nito sa mga salita. Ibig sabihin, walang konstruksiyon, pagpapaikli
o pagkakaltas. Ito rin ang ginagamit sa mga pag-uusap at pagsusulat na teknikal,
transaksiyonal at propesyonal.
Mauuri ito sa dalawang antas.
A.Pambansa ito ay mga wikang ginagamit sa pamahalaan at
akademya. Karaniwang ginagamit ito sa mga aklat pangwika.
Halimbawa nito ang aklat, silid-aralan, karayom, mata, paa at iba pa.
wika, tao man ito o hayop. Ang kaibahan lamang ng wika ng tao, mas organisado
ito. Mas malawak. Mas komplikado. Higit pa sa kahingiang mabuhay, may ibat
ibang tungkulin ang wika sa buhay ng tao. Sa mga pag-aaral na ginawa tungkol sa
wika ay naitala ni M.A.K. Haliday (1973) sa kaniyang aklat na EXPLORATION IN
THE FUNCTION BY LANGUAGE ang pitong tungkulin ng wika:
1. INTERAKSIYONAL ito ang ang wikang makapagpapatatag ng relasyong
sosyal. Ginagamit ito sa pang-araw-araw na pakikipag-ugnayan sa iba.
Pumapasok dito ang mga pormularyong panlipunan. Ibig sabihin, ito ay mga salita
o katagang ginagamit bilang nakagawian at kumbensiyon sa pakikipagrelasyon sa
kapuwa. Ang ilang halimbawa nito ay pangungumusta sa isang mahal sa buhay,
pagpapalitan ng biro, interaksiyon sa mga kaibigan.
2. REGULATORI isa sa tungkulin ng wika ang pagkontrol sa kilos at asal ng tao.
Nagagawa nitong pasunurin ang tao batay sa diwa ng pahayag. Ang ilang
halimbawa nito ay ang pagbibigay-direksiyon, mga babala o mga paalala. Ilan pang
halimbawa ay ang pagsunod sa traffic light, sa mga panuto ng pagsusulit at sa
proseso ng mga eksperimentong panlaboratoryo.
3. INSTRUMENTAL ang tungkuling ito ng wika ay tumutugon sa
pangangailangang transaksiyonal, teknikal o propesyonal. Kongkretong halimbawa
nito ang paggawa ng resume, pagsulat ng excuse letter, pagsulat ng memo, pagtala
ng nagging usapan sa tulong ng katitikan ng pulong.
4. PERSONAL ito ang pagpapahayag ng sariling opinyon, damdamin o kaisipan
sa samot-saring isyu ng buhay. Halimbawa nito ay sa mga pormal o di-pormal na
talakayan, sa panel discussions, sa pakikipagdebate. Mas nananaig sa tungkuling
ito ang sariling palagay at pagpapahayag sa mga bagay-bagay na nangyayari sa
sarili at paligid.
5. IMAHINATIBO - nagpapahayag ito ng haraya o hulagway sa malikhaing paraan.
Naipakikita ito sa pamamagitan ng paglalarawan o pagsasalaysay, kasama rin dito
ang pagsulat ng dula, iskrip, tula. Lumilitaw sa tungkuling ito ang pagiging
masining at maretorika sa gamit ng wika upang pukawin ang guniguni at
kamalayan ng isang tao. Mga tiyak na halimbawa nito ang paggamit ng tayutay,
idyoma, sagisag at alusyon. Gayundin ang ibat ibang anyo at uri ng mga tekstong
panliteratura.
6. IMPORMATIBO simpleng pagbibigay ng datos o impormasyon, makikita ito sa
pag-uulat, pagtuturo, pagbuo ng pamanahong papel. Ito ang pagbibigay ng detalye
mula sa tagapagpahayag.
7. HEURISTIKO ang tungkulin ng wikang ito ay naghahanap ng mga
impormasyon o datos,
pakikipanayam, survey.
halimbawa
nito
ay
pagtatanong,
pananaliksik,
sitwasyon.
2. Bow-wow
3. Ding-dong
4. Pooh-pooh
Paniniwala
Batay sa istoryang nabasa natin sa Bibliya, noong
unang panahon ay iisang wika lamang ang
sinasalita
kayat
walang
suliranin
sa
pakikipagtalastasan ang tao. Naghangad ang tao
na higitan ang kapangyarihan ng Diyos, naging
mapagmataas at nag-ambisyong maabot ang
langit, at nagtayo ng pagkataas-taas na tore.
Naging mapangahas at mayabang ang tao, subalit
pinatunayan
ng
Diyos
na
higit
Siyang
makapangyarihan kaya sa pamamagitan ng
Kaniyang kapangyarihan, ginuho Niya ang tore.
Ginawa Niyang magkakaiba ang wikang bibigkasin
ng bawat isa hanggang sa dumating ang panahon
na hindi na sila nagkakaintindihan. Sa
pangyayaring ito, ang tao ay nagkahiwa-hiwalay
ayon sa wikang sinasalita.
Ayon sa palagay at hakang ito, ginagaya ng tao ang
mga tunog na likha o galing sa kalikasan. Ang
halimbaway tunog o tahol ng aso ay bow-wow.
Ang tilaok ng manok ay tiktilaok. Ang tunog ng
tuko ay mismong tuko kayat ito na rin ang
tinawag ng tao rito.
Ito ay palagay na ang bawat bagay sa mundo ay
may kaugnay na tunog gaya ng ding-dong
kampana, bromm-broom ng sasakyan, lagapak
ng upuan, kalabog ng nahulog na gamit at iba pa.
Kaiba sa bow-wow, ayon sa teoryang ito, ang tunog
ay hindi lamang limitado sa mga bagay na
matatagpuan sa kalikasan o kapaligiran bagkus
kasama na rito ang gawa ng tao.
Sinasabi rito na ang tao ay lumilikha ng tunog at
5. Yum-yum
6. Yo-he-ho
7. Plato
8. Jose Rizal
9. Charles Darwin
10.Rene Descartes
11.Ta-ra-ra-boom-de-ay
12.Hey you!
13.Ta-ta
14.Mama
15.Sing-song
16.Coo-coo
17.Bable lucky
18.Hocus pocus
19.Eureka
20.Haring Psammatichos
KASAYSAYAN NG PAG-UNLAD NG
WIKANG PAMBANSA SA PILIPINAS
taon-taon.