Вы находитесь на странице: 1из 2

EDUKASYON

A. INTRODUKSYON
Edukasyon, sinasaklaw nito ang estado ng pag-aaral ng mgaestudyante at kalidad ng
pagtuturo ng mga guro sa isang bansa. Ito angtumutulong sa isang bansa upang maging
progresibo at maunlad. Ngunitkay raming problemang panlipunan ang kinakaharap ng ating
bansa at isana nga rito ang Edukasyon. Isang problemang nais ng matuldukan ng
atinggobyerno.Sa panahon ngayon, kay rami nang kabataan ang hindinakakapagtapos ng pagaaral at ang pangunahing dahilan nito ay kahirapanna isa pang malaking problemang
kinakaharap ng bansang Pilipinas. Angpagkakaroon ng korupt na gobyerno ay isang dahilan
kung bakit naghihirapang ating bansa. Isa pang dahilan kung bakit may mga kabataang
hindinakakapagtapos dahil nagiging rebelde ito. Maraming nakaka-impluwensiyasa mga
kabataan ngayon. Mga problemang pampamilya, pampinansiyal, atang ibay napapabarkada.Isa
pang problemang pang-edukasyon ang mababang kalidad ngpagtuturo. Dahil nga sa mga maling
metodolohiya na naituturo sa mgakabataan, inaakala nito na itoy tama. Ang isang epektibo at
magandangkalidad ng pagtuturo ay hindi napagtatagumpayan ng isang guro dahil ngakulang pa
ito sa kaalaman tungkol sa kanyang napiling asignatura.Kakulangan sa Pondo ay isa pang
problema sa ating edukasyon, kahit nasapat ang badyet ng ating gobyerno kung hindi maayos
ang paggamit nito,hindi uunlad ang Edukasyon sa ating bansa.

B. LAYUNIN NG PAG-AARAL
Ang pag-aaral na itoy naglalayon na linangin ang mga kaisipan ngmga mamamayan ng
bansa tungkol sa tunay na kalagayan ng edukasyon saating bansa. Itatalakay rin dito ang mga
problema, dahilan at epektibongsolusyon sa mga suliranin na tungkol sa Edukasyon. Ang
mgaimpormasyong makukuha ay tumutulong upang mas makagawa ng isangmas epektibong
proposiyon at impormasyon na magmumulat sa mga tao naang pag-aaral ng mabuti ang susi sa
isang masagang buhay at kinabukasan.
C. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Sa mga researcher . Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay paramakalikha pa siya ng
mga impormasyon at makagawa ang isang researcherng isang konklusyon na puwedeng niyang
ipaalam sa ibang tao upang masmaging laganap ang kaalaman ng mga tao tungkol sa pag-aaral
na ito.
Sa mga kabataan. Ang pag-aaral na ito ang magiging tulong nilapara malaman ang mga
problema at sanhi ng mga suliranin sa Edukasyon.Ito rin ay tutulong sa kanila upang kanilang
makuro na may malakingkinakaharap na problema ang ating bansa tungkol sa Edukasyon.

Sa mga magulang. Ang pag-aaral na ito ay magiging batayan ngmga magulang upang
kanilang madalumat ang katotohanang malaki angproblema ng ating bansa lalong-lalo na sa
Edukasyon.
Sa pamahalaan. Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sapamahalaan upang mas
mapalawig pa nila ang kanilang kaisipan athanggang silay makagawa ng ibat ibang solusyon at
paraan upangmasolusyunan ang problema sa Edukasyon ng ating bansa. Ang pag-aaral naitoy
makakatulong sa kasalukuyan sa pagpapaunlad ng Edukasyon sa atingbansa.
Sa komunidad.
Ang pag-aaral na ito ay tutulong sa mga mamamayanna maging bukas ang kanilang mga
isip at makagawa ng mga ibat ibangkuro-kuro para makatulong sa estado ng Edukasyon ng ating
bansa.
D. SAKLAWAT LIMITASYON
Ang pananaliksik na ito ay nakatutok sa pagbibigay at paggawa ng mga kongkretong
impormasyon at datos na ukol sa mgaProblema sa Edukasyon ng Bansang Pilipinas lamang.
Akoy mangangalap ngmga datos sa Flos Carmeli Institution of Quezon City at sa Don
Fabian,Commonwealth Ave. Q.C. na makakatulong sa pagsasagawa ng pananaliksikna ito.

Вам также может понравиться