Академический Документы
Профессиональный Документы
Культура Документы
SI SISA
MGA PALIWANAG
Sa mga unang bahagi ng kabanatang ito ay hindi muna iniukol kay Sisa.
Ginamit ni Rizal ang mga unang talata sa pagbibigay ng kaligirang pang-
kaisipan na umiiral sa gabi ng Todos Los Santos sa bayan ng San Diego.
1
Mapapansin na ang mga pinamanahan ay makikinig ng tatlong misa para
sa kanilang yumaong mahal sa buhay na nagpamana sa kanila ng malaking
kayamanan.
2
180
karalitaan. Ang mahirap ay malungkot at nag-iisip. Nang gabing iyon,
sakaling hindi maraming dinasal ay marami naman ang
ipinanalangin,5 na taglay ang kapighatian sa mga mata at luhaan ang
puso. Wala iyong nobena, hindi niya batid ang mga jaculatoria 6 ni ang
mga tula, ni ang mga oremus na ginagawa ng mga prayle ukol sa mga
taong walang sariling isipan at damdamin; ni hindi naman niya alam ang
kahulugan niyon. Siya ay nagdarasal sa tulong ng salita ng kanyang
karalitaan;7 ang kanyang kaluluwa ay tumatangis nang dahil sa sarili at
sa mga namatay na kanyang pinakamamahal. Ang kanyang mga labi ay
maaring bumigkas ng mga bati, nguni’t ang kanyang pag-iisip ay puno
ng pagdaing at dalamhati.8
Nasisiyahan na ba kaya kayo, ikaw na nagbibigay kapurihan sa
karukhaan,9 at kayong kaluluwang pinahihirapan,10 sa maikling
panalangin ng dukha, panalanging sinambit sa harap ng isang larawang
masama ang pagkakayari, sa liwanag ng isang timsim, o ang gusto pa
ninyo ay ang mga kandila sa harap ng mga duguang Cristo, ng mga
Birheng maliliit ang bibig at kristal ang mga mata, ang mga misang
wikang Latin, na nagdudumaling sinasabi ng pari? At ikaw,
pananampalatayang itinuro para sangkatauhang nahihirapan, nalimot
mo na kaya ang iyong misyon na aliwin ang mga nagigipit sa kanyang
karalitaan at hiyain ang makapangyarihan sa kanyang pagmamataas, at
5
“Sakaling hindi marami ang dinadasal ay marami naman ang
ipinanalangin” - ipinapakita ni Rizal ang kaniyang pagtutol sa paulit-ulit na
dasal at itinuturo ang isang panalangin na nagtataglay ng kabuuan ng
pagpapasalamat, paghingi ng kapatawaran, at mga kahilingan sa Diyos.
181
ngayon ang pinapangakuan mo na lamang ay ang mga mayayaman na
makapagbabayad sa iyo?11
Isang kahabag-habag na babaing balo12 ay nakabelo sa gitna ng
kanyang mga anak na natutulog sa kanyang tabi; iniisip ang mga bula
na dapat bilhin para sa kapayapaan ng mga magulang at asawang nasa
kabilang buhay. Sinasabi sa sarili na “Ang piso, ang piso ay isang
linggong kaligayahan ng aking mga anak, isang linggong katuwaaan at
kaligayahan, ang pisong aking naipon sa loob ng isang buwang, isang
maayos na damit para sa aking anak na nagdadalaga na…” “Subalit
dapat mong sugpuin ang hangaring iyan,” ang sabi ng konsensiyang
nadinig niyang nangangaral sa kanya, “kailangan mo ang magtiis. Oo!
Kailangan! Hindi ililigtas ng simbahan ng mga kaluluwa ng iyong mahal
sa buhay nang walang bayad: hindi siya namimigay ng bulang walang
bayad.13 Dapat kang bumili ng bula at huwag pagtulog ang harapin mo
kung gabi, kundi ang paggawa. Samantala ay bayaan munang ilantad
ng anak mo ang kanyang katawang hubad; magtipid ka, sapagkat mahal
ang kalangitan! Sadya nga yatang ang mga maralita ay hindi
nakaaakyat sa langit!14 Ang mga pag-iisip na ito ang pumapasok sa
siwang ng sahig na kinalalatagan ng banig at ng haliging kinasasabitan
ng duyan na kinalalagyan ng bata. Ang kanyang paghinga ay maluwag
at payapa; minsan-minsang nginunguya ang laway at umuungol,
napapangarap na kumakain ang sikmurang gutom na hindi nabusog sa
ibinigay sa kanya ng kanyang mga kapatid na malalaki. 15
Ang mga kamaksi16 ay nakakabagot na humuhuni, nakikisa ang
walang katapusan nilang dalit sa tunog ng mga kuliglig na nakatago sa
11
Nanunumbat at ipinapaala-ala ni Rizal na ang Kristiyanismo ay
pananampalatayang ang pangunahing layunin ay umaliw sa mga
mahihirap ngunit ng pasukin siya ng maitim na espiritu ng komersiyalismo
– ang pananampalatayang ito ay naging mapanlupig at mapagsamantala sa
mga mahihirap.
12
Hindi pa ito si Sisa – subalit ginamit ito ni Rizal upang ipakita ang
pagiging karaniwan ng mga babaeng ang isipan ay nasa lambong ng
panatisismo.
13
16
Cicada-Isang uri ng insekto na mayroong tiyan na may pagkakatulad sa
tambol na ginagamit nito sa paglikha ng tunog na naririnig sa mga lugar na
rural sa Pilipinas.
182
damuhan, o sa bubuli17 na lumalabas sa kanilang lungga upang
humanap ng makakain, samantalang ang tuko, na hindi natatakot sa
tubig, ay sinisira ang konsiyertong iyon sa pamamagitan ng kanyang
nakakikilabot na boses at nakalabas ang ulo sa puwang ng isang bulok
na kahoy. Ang mga aso ay tumatahol sa mga lansangan, samantalang
ang mapamahiing nakarinig ay nananalig na nakikita nang mga hayop
ang mga espiritu at mga anino. Ngunit maging ang mga aso, o ang mga
insekto ay hindi nakakakita ng mga sakit ng tao gayong napakarami!
Doon sa lugar na sa malayo sa bayan, sa distansiyang isang oras
na lakarin, nakatira ang ina ni Basilio at ni Crispin, asawa ng isang
lalaking walang puso, ang babae ay nagsisikap mabuhay upang maaruga
ang kanyang mga anak habang ang asawa ay palabuy-laboy at
nagsasabong. Ang pagkikita nilang mag-asawa ay madalang ngunit
palaging may pananakit. Nilustay unti-unti ng lalaki ang kaunting
alahas ng asawa upang may maisunod sa masamang bisyo at nang ang
mapagtiis na si Sisa ay wala nang anumang maipasunod sa layaw ng
asawa ay sinimulan ang pagmamalupit sa kanya. 18 Mahina ang loob at
malaki ang puso kaysa sa kanyang ulo, ay wala siyang nalalaman kundi
umibig at umiyak na lamang. Diyos niya ang kanyang asawa; ang
kanyang mga anak ay siya niyang mga anghel. Ang lalaki na
nakakaalam kung gaano ang pagmamahal at pag-ibig sa kanya, ay
umaasal nakagaya ng mga diyus-diyusan: sa araw-araw ay nag-iibayo
sa kabangisan, kalupitan at paggawa ng bawat maibigan.19
Nang sabihin sa kanya ni Sisa, minsang dumalaw na ang
mukha ay higit pang galit kaysa sa karaniwan, ang balak na ipasok na
sakristan si Basilio, ay hindi itinigil ang paghimas sa manok, hindi
sumagot ng oo ni hindi, at walang itinanong kundi kung kikita ng
maraming kuwalta.20 Ang babae ay hindi nangahas na ulitin, nguni’t sa
kanyang kasalatan at pagnanais na ang mga bata ay makapag-aral ng
17
183
pagbasa at pagsulat sa paaralang-bayan,21 ay napilitang sundin ang
balak. Ang asawa ay hindi rin kumibo.22
Sa gabing iyon, sa pagitan ng ikasampu at ikalabing-isa ng
gabi, nang ang mga bituin ay kumikislapna sa langit na nawawalan na
nang ulap, ay nakaupo si Sisa sa isang bangkong-kahoy, at tinatanaw
ang ilang sangang nag-aapoy sa kalan na binubuo ng ilang tungko ng
bato. Sa ibabaw ng mga tungko ay may isang munting palayok na
kinalalagyan ng sinaing, at sa ibabaw ng baga ay may tatlong tuyo na
ang tatlo ay nagkakahalaga ng dalawang kuwalta.
Nakapangumbabang pinapanood ang mahina at madilaw na apoy
na gatong na kawayan na ang baga ay madaling nagiging abo; isang
malungkot na ngiti ang nababakas sa kanyang mukha. Naaalaala ang
isang mainam na bugtong tungkol sa palayok at apoy na minsan ay
ibinugtong sa kanya ni Crispin.23
184
Naupo si Maitim, sinulot ni Mapula,
Nang malao’y kumara-kara.24
24
Ngayon ay konkreto na ninyong mapapatunayan na talagang may
nakatagong sikreto si Rizal sa paraan ng kaniyang pagsulat:
Balikan natin ang bugtong:
Naupo si Maitim, sinulot ni Mapula,
Nang malao’y kumara-kara.
Sa bahaging ito ay parang ipinapakita naman ni Rizal kung ano ang tunay
27
185
Ilang araw na hindi umalis ng bahay para sa pananahi ng isang
pagawang ibinilin na tapusin kaagad. Upang kumita lamang ay hindi
siya nagsimba nang umagang yaon sapagkat dalawang oras ang
mawawala sa kanya sa pagpunta sa bayan: ang
karalitaan ay dahilan ng pagkakasala! Matapos
ang gawain ay inihatid sa may-ari; ngunit ito
ay nangako lamang na magbabayad.28 Sa
buong maghapon ay wala siyang iniisip kundi
ang ligayang tatamuhin sa kinagabihan: alam
niyang ang mga anak ay uuwi, at binalak
maghain ng mabuting pagkain. Bumili ng
tuyo, kinuha sa kanyang munting halamanan
ang mga pinakamainam na kamatis sapagkat
alam niyang iyon ang paboritong pagkaing ni
Crispin;29 humingi sa kapitbahay na si
Pilosopong Tasyo, na ang bahay ay kalahating
kilometro ang layo sa kanila, ng tapa ng usa at isang hita ng patong
bundok, mga pagkaing ibig na ibig ni Basilio. Isinaing nang puno ng pag-
asa sa katuwaang tatamuhin ang pinakamaputing bigas na pinulot niya
sa bukirin. Ito nga naman ay isang hapunang katulad ng sa kura para
sa mga kaawa-awang bata.
Ngunit dahilan sa isang masamang pagkakataon, dumating ang
asawa at kinain ang kanin, ang tapa ng usa, ang hita ng pato, limang
tuyo at ang mga kamatis. Si Sisa ay hindi kumibo, kahit na sa
pakiramdam niya ay siya ang kinakain. Nang mabusog na ang lalaki ay
naalaalang itanong ang mga bata;30 saka pa lamang napangiti si Sisa, at
masaya ang kaloobang nagpasiya na huwag nang kumain sa gabing iyon
sapagkat ang natitirang pagkain ay hindi makasisiya sa tatlo. Itinanong
ng ama ang kanyang mga anak, at ang bagay na ito ay mahigit pa sa
kanya kaysa kumain.
Pagkatapos ay sinunggaban ng lalaki ang manok at aalis na.
28
186
“Ayaw mo bang makita sila?” 31 tanong na nanginginig; “gagabihin
daw sila nang kaunti, ang sabi sa akin ni Matandang Tasyo; si Crispin
ay nakababasa na at…32 marahil ay dala ni Basilio ang kanyang
suweldo.33
Sa huling sinabing ito ay napatigil ang asawa, nag-urong-
sulong nguni’t nagtagumpay din ang kanyang anghel na katutubo.
“Kung gayon ay ipagtago mo ako ng piso!” ang sabi at umalis na.34
Si Sisa ay mapighating nag-iiyak, ngunit naalaala ang kanyang
mga anak at pinahid ang luha, nagluto ng bagong sinaing at iniihaw ang
tatlong tuyong natira: sa bawat isang anak ay isa at kalahating tuyo
ang paghahatian. “Mga gutom na darating,” sabi niya, “malayo ang
lalakarin at ang mga sikmurang gutom ay walang puso.” Natagpuan
natin siyang pinapakinggan ang anumang yabag; “pag matindi at
malinaw ang tunog ay si Basilio; pag madalas at walang tuto ay si
Crispin,” sabi sa sarili.35
31
Isang pagtatanong na ginawa ni Sisa sa kanyang asawa, subalit ang
pinatatamaan ni Rizal ay ang kolonyal na pamahalaan. - Ayaw tingnan ng
kolonyal na pamahalaan ang kalagayan ng kaniyang mga anak. Wala siyang
paki-alam, kung magkaroon man ay pakitang tao lamang, sapagkat ang
mahalaga sa kanya ay manatili siyang nasa kapangyarihan at nasusunod
ang lahat ng kaniyang maibigan.
32
Mapansin na ipinagmamalaki ni Sisa ang kaunlarang sa pagkatuto ng
kaniyang anak – subalit sa ibang layer ay ipinararamdam ni Rizal ang
intelekwal na kakayahan ng mga anak ng Pilipinas.
187
Makalawa o makaitlo nang nakahuni ang kalaw sa gubat,
magmula nang huminto ang ulan ay hindi pa rin dumarating ang
kanyang mga anak.
Inilagay ang mga tuyo sa loob ng palayok upang di-lumamig at
lumapit sa pintuan ng kubo upang tanawin ang daan. Umaawit-awit
nang mahina upang malibang. Maganda ang kaniyang boses, kaya
kapag siya ay naririnig ng mga anak kung umaawit ng kundiman ay
napapaiyak nang hindi malaman kung bakit.36 Subalit nanginginig
ang boses niya nang gabing iyon at ang mga tunog ay matamlay na
lumalabas sa kanyang bibig. Itinigil ang awit at sinuri nang tingin ang
kadiliman. Walang naglalakad na galing sa bayan kundi ang hanging
nagpapalaglag sa mga patak ng ulan na naiipon sa malalapad na dahon
ng saging. Walang anu-ano ay sa lumitaw sa harapan niya ang isang
asong itim; ang aso na parang may hinihila sa daan. Si Sisa ay natakot,
dumampot ng isang bato at pinukol ang aso, at nagtatakbong
humahagulgol.
Si Sisa ay hindi mapamahiin, ngunit sa dahilang marami siyang
naririnig tungkol sa mga guni-guni at mga asong itim ay pinasok ang
kaniyang kalooban ng malaking
pagkatakot. Ang gabi ay nakaaakay
na manalig sa mga gayong pamahiin
at ang isipan ay nagkakalat sa
hangin ng mga sari-saring larawan.37
Tinangkang magdasal, tawagan ang
Birhen, ang Diyos, upang ingatan ang
kanyang mga anak, lalung-lalo na si
Crispin. Ngunit dahilan sa pag-iisip
sa mga anak ay hindi napunang
nalimutan niya ang pagdarasal, iniisip
ang mga anyo ng bawat isa, ang mga
anyong iyon na laging nangakangiti sa
kanya, maging sa pagtulog o sa
pagpupuyat. Subalit biglang nanindig
ang kanyang mga buhok at napadilat
ng labis at pamangha, ang kanyang
mga mata; malikmata o katotohanan, nakita niya si Crispin na
nakatayo sa tabi ng kalanan, sa palaging inuupuan kung sila ay nag-
36
Ang kundiman bilang isang anyo ng pag-awit ay nagagamit sa
pagpapahayag ng niloob ng damdamin, kung napapaiyak ang magkapatid
kung nakikinig ng kundiman ni Sisa ay dahilan sa ang kanilang naririnig ay
ang nakatagong sama ng loob ng ina na hindi niya kayang sabihin sa simple
at karaniwang usapan.Ang Noli Me Tangere ang Kundiman ni Rizal upang
ipahayag ang kaniyang pag-ibig sa Inang Bayan at sa hinanakit sa kolonyal
na lipunan.
37
Pinatitindi ng panahon ng kamangmangan ang takot at pagiging
mapamahiin.
188
uusap. Ngayon ay walang imik; tinititigan siya nang malalaking
matang mapagnilay at nakangiti.38
“Ina, buksan mo ako! Buksan mo ako, ina!” ang sigaw ni Basilio
sa labas.
Si Sisa ay nangatog at ang malikmata ay napawi.
38
PAKIBASANG MABUTI: Dahil mayroon kang matutuklasan lalong
kahindik-hindik.
189