Академический Документы
Профессиональный Документы
Культура Документы
1
MGA PALIWANAG
Hangal ang pangkaraniwang tao na pinagbabayaran ang kaniyang
kahangalan, at sa anyo ng kahangalan siya nararapat na kausapin. Upang
siya ay mapagbigyan.
2
209
magtinda ng tabako.4 Ang ama ninyo ang kumalinga sa akin, inihanap
ako ng isang bahay at binigyan
ako ng lahat ng kailangan sa
pagsulong ng pagtuturo;
pumaparoon sa paaralan at
inaabutan ng kaunting kuwalta
ang mga batang mahihirap ang
buhay at masisipag magsipag-
aral, binibigyan sila ng mga aklat
at mga papel. Ngunit ito ay
katulad ng anumang
magagandang bagay, ay hindi
nagtagal!”
Si Ibarra ay nag-alis ng
sumbrero at parang nanalangin
ng matagal. Pagkatapos ay
hinarap ang kasama at sinabing:
“Ang sabi ninyo ay tinulungan ng
aking ama ang mga batang mahihirap, at ngayon?”
“Ngayon ay ginagawa nila ang magagawa at sumusulat sila kung
mangyayari,” sagot ng guro.
“At ano ang dahilan?”
“Ang dahilan ay ang kanilang sira-sirang damit at tinging
pagkamahiyain.”5
Si Ibarra ay hindi kumibo.
“Ilang bata mayroon kayo ngayon?” masusing pagtatanong.
“Mahigit sa dalawang daan ang nasa listahan, at ang nasa
paaralan ay dalawampu’t lima!”
“Paano nangyayari iyon?”
Ang guro sa paaralan ay malungkot na ngumiti.
“Ang sabihin ko sa inyo ang dahilan ay isang mahaba at
nakakainis na pangyayari,” wika niya.6
“Huwag ninyong akalain na ang tanong ko ay pag-uusisa
lamang,” sabi ni Ibarra habang nakatanaw sa malayong dako na abot ng
4
Mi predecesor había abandonado la escuela para dedicarse a vender tabaco.
Kaya naitalaga sa pagtuturo sa San Diego ang gurong kausap ni Ibarra ay
dahilan sa nabakante ang puwesto. Makikita sa pangungusap na ito nang
guro na ang propesyong pagtuturo noon pa man ay inabandona dahilan sa
kawalan nito ng kakayahan na makabuhay ng pamilya o magkaloob ng
maayos na kabuhayan sa isang guro. Pansinin na ang nilipatan ng umalis
na guro ay ang pagtitinda ng tabako.
5
Tinging mahiyain - sa salitang ito ay nailarawan ni Rizal ang isa sa
karaniwang ugali ng mga mag-aaral na Pilipino.
6
Katulad din sa kasalukuyang panahon na ang isang guro ay
makakaramdam ng pagkainis tuwing kaniyang ilalarawan ang tunay na
dahilan ng paghina ng edukasyong Pilipino.
210
tanaw. “Nakapag-isip ako ng lalong mabuti, at iniisip kong ang
ipagpatuloy ang balak ng aking ama ay makabuluhan pa kaysa siya ay
aking iyakan at lalo pang pang higit kaysa siya ay aking ipaghiganti.7
Ang kanyang libingan ay ang sagradong Kalikasan, 8 at ang kanyang
mga naging kalaban ay ang bayan at isang pari; pinatatawad ko ang una
dahil sa kanyang kamangmangan,9 at iginagalang ko ang pangalawa
dahil sa kanyang kalagayan; at sa dahilang ninais kong igalang ang
relihiyong nagturo sa tao. Ibig kong magkaroon ng inspirasyon sa
espiritu ng nagbigay sa akin ng buhay, at dahil dito ay ibig kong
maalaman ang nakakahadlang sa pagtuturo.”10
“Pupurihin ng labis ng bayan ang inyong pangalan, kung
isasakatuparan ninyo ang hangarin ng inyong namayapang ama!” sabi
ng guro. “Ibig ninyong malaman ang mga sagabal na humahadlang sa
pagtuturo? Kung gayon ay pakinggan ninyo: sa aming kasalukuyang
kalagayan ngayon, kung walang isang mahalagang tulong ay hindi
maisasagawa kailanmnan ang pagtuturo; 11 una, sapagka walang
7
Ang hindi paghihiganti ni Ibarra ay tipikal na balangkas na kaisipan ng
mga maraming creole sa kaniyang kapanahunan. Handa silang makibagay o
magsawalang kibo, kahit sila ay maapi sa layunin na mai-preserba ang
kanilang kayamanan. Si Ibarra ay kabilang sa creole/ilustrado – mga
Pilipinong may dugong Espanyol, nakapag-aral, may potensiyal na
pamunuan ang bayan, ngunit tapat pa rin sa ilusyon na ang Espanya ang
kaniyang amang bayan (patria grande) at ang Pilipinas ang inang bayan
(patria chica).
8
211
anumang maaring makaakit sa kabataan, 12 at pangalawa, kahi’t na
magkaroon pa ng pang-akit ay pumapatay naman ang kakulangan sa
kagamitan at ang maraming alalahanin. 13 Sinasabi na sa Alemanya ang
mga anak ng magbubukid ay walong taon na nag-aaral sa bayan: sino
dito sa atin ang mag-aaksaya ng kalahati man lamang ng panahong
iyan, para sa kaunting bagay na napapala? 14 Bumabasa, sumusulat at
nagsasaulo ng mga bahagi at kung minsan ay buong aklat na wikang
Kastila, na walang nauunawaan kahit isa man lamang salita: ano ang
napapala sa paaralan ng mga anak ng ating mga tagabukid?” 15
“At kayong nakakakita ng kamalian, bakit hindi ninyo inisip na
lunasan ang gayon?”
“Ay!” malungkot na sagot habang iniiiling ang ulo,16 “kapag
ginawa iyon, ng isa ng kahabag-habag na guro ay hindi lamang niya
tutunggaliin ang pinaniniwalaang kabaitan at sa iba pang mga
makapangyarihang tao.17
Una ay dapat magkaroon ng isang bahay paaralan, na hindi
kagaya ngayon na ako ay nagtuturo sa tabi ng karwahe ng kura, sa
12
Makikita ang kawalan ng kabuluhan ng edukasyon, ang isa sa mga bagay
na hindi umaakit sa mga bata na mag-aral na mabuti. Kahit sa
kasalukuyang panahon, aasahan mo kaya na maka-aakit ng kritikal na
kaisipan ang isang edukasyon na ang pangunahing layunin ay lumikha ng
mga manggagawa para sa mga pabrika ng dayuhan?
13
Sa pamamagitan ng pagsusumbong ng guro ay naipakita ni Rizal na ang
pangunahing sakit ng edukasyong Pilipino sa kanilang kapanahunan ay ang
kakulangan ng mga kagamitan para sa maayos na pagtuturo. Isang
suliranin na umiiral pa hanggang sa ngayon. Isang masakit na katotohanan
na sa loob ng paaralang pampubliko, na ang mga libro na maiwawala at
hindi mabayaran ng mga mag-aral ay ANG GURO ANG NAGBABAYAD NG
MGA NAWAWALANG LIBRO NG MAG-AARAL. Babawasin iyon sa sa
suweldo ng guro na halos wala ng matira.
14
Makikita ang kawalan ng sapat na panahon sa pag-aaral – ang pormal na
edukasyon ay kulang sa tamang dami ng taon na dapat ipasok ng mga mag-
aaral. Maging si Rizal ay halos ilang buwan lamang ang kabuuan ng
kaniyang pormal na edukasyon sa Binan, bago siya pumasok sa Ateneo.
15
Ang ganap na kawalan ng kabuluhan ng edukasyon sa mga paaalang
bayan sa Pilipinas sa panahon ng Espanya.
16
ITINATANONG NI RIZAL SA GURO, ANO ANG GINAGAWA NIYA SA MGA
KAMALIAN NA UMIIRAL SA SISTEMA NG EDUKASYON? Pansinin na maging
sa kilos pa lang ng guro bago sumagot – kung ikaw na mambabasa ay isang
guro, ilang beses mo nang nagamit ang mga aktwasyon na iyan.
17
Ipinakita na takot ang guro na magsalita o inaakala nilang wala silang
magagawa sa kabila ng nakikita nilang katiwalian sa sistema ng edukasyon
sa bansa. Nakatali ang guro sa pinaniniwalaang kabaitan – ang guro ay
mabait, ang guro ay modelo, hindi dapat na ganyan ang guro – nakatali
siya rito. Wala siyang kamalay-malay na ang mga “pamantayang ito”
ang nagsisilbing poste na kaniyang kinagagapusan.
212
silong ng kumbento. Gaya ng mangyayari, ang mga batang mahilig
nabumasa nang malakas ay nakabubulahaw sa pari, na kung minsan ay
galit na pumapanaog, lalo na at kung maysakit, at sila ay sinisigawan at
minumura ako kung minsan.18 Alam ninyong na sa ganoong paraan ay
hindi maaring makapagturo ni makapag-aral; ang guro ay hindi
igagalang ng bata simula sa sandaling makitang inaalipusta nang
hindi nakapagsasanggalang sa kanyang karapatan.19 Upang
pakinggan ang isang guro, at huwag pag-alinlanganan ang kakayahan ay
kailangan ng karangalan, mabuting pangalan, malaking kabaitan,
kaunting kalayaan,20
“Ipagpatawad ninyo sa aking isalaysay ko sa inyo ang malungkot
na bagay na ito. Tinangka kong magpatupad ng kaunting pagbabago at
ako ay pinagtawanan.21 Upang malunasan ang depektong sinasabi ko ay
sinimulan kong turuan ng wikang Kastila ang mga bata sapagkat bukod
sa ipinag-uutos ito ng Pamahalaan ay inaakala kong isa ring
pakikinabangan ng lahat. Ginamit ko ang pamamaraan na higit na
magaang na pagbigkas ng mga salita at hindi ko ginamit ang malalaking
pamamaraan, sa pag-asang kapag nauunawaan na nila ang wika ay
saka ko na ituturo sa kanila ang gramatika. Nang makaraan ang ilang
linggo ay halos naiintindihan na ako ng mga pinakamatatalas at
nakakasagot na sila ng ilang parirala.22
18
213
Ang guro ay huminto at parang nag-aalangan; pagkatapos, parang
may niyaring balak ay nagpatuloy: “Hindi ko dapat ikahiya ang
pagsasabi ng aking mga tinamong kaapihan; kahit sinuman ang
lumagay sa lagay ko ay gayon din ang gagawin. 23 Gaya ng sinabi ko ay
mabuti ang pagsisimula; ngunit makaraan ang ilang araw ay ipinatawag
ako, sa sakristan-mayor, ni Padre Damaso, na noon ay siyang pang
kura. Dahilan sa kilala ko ang kanyang ugali at natakot akong siya ay
paghintayin ay dali-dali akong umakyat, nagpugay ako sa kanya at
nagbigay ng magandang araw sa wikang Kastila. Ang ginawa ng pari, na
walang ibinati sa akin kundi ang pag-aabot ng kamay upang hagkan, at
iniurong ang kamay at hindi ako sinagot, at pakutyang humalakhak.
Nalito ako; nakaharap pa naman ang sakristan mayor. Hindi ko
malaman agad ang aking sasabihin; napatingin na lamang ako sa kanya
at siya ay patuloy naman sa pagtatawa. Ako ay nayayamot na at
inaakala kong ako ay makagagawa ng isang kapangahasan, sapagkat
hindi kontradiksiyon ang maging mabuting Kristiyano at magtaglayng
karangalan.24 Tatanungin ko na sana siya nang biglang ipinalit sa tawa
ang pag-mumura at padustang sinabi sa aking: ‘Buenos dias, ha,
buenos dias!’ Mainam! Marunong ka na palang magsalita ng Kastila,’ at
nagpatuloy sa pagtawa.25
Hindi napigil ni Ibarra ang isang ngiti.
“Kayo man ay natatawa,” sabi ng guro na napatawa rin,
“ipinagtatapat kong nang nangyari iyon sa akin ay hindi pumasok sa
akin ang pagtawa. Ako ay nakatayo; nararamdaman kong umakyat sa
ulo ko ang dugo at isang kidlat ang nagpapadilim ng aking isipan. Ang
tingin ko sa kura ay malayung-malayo; humakbang akong palapit sa
kanya upang siya ay sagutin, nang hindi ko malaman kung ano ang
214
aking sasabihin. Ang sakristan-mayor ay namagitan, siya ay tumindig
at matigas na sinabi sa wikang Tagalog, na: ‘Huwag mo akong gamitan
ng mga damit na hiram; sukat na sa iyo ang sarili mong wika at huwag
mong sirain ang wikang Kastila na hindi bagay sa inyo. Kilala mo ba
ang gurong si Ciruela? Si Ciruela ay isang gurong di marunong bumasa
ngunit may paaralan. Tinangka ko siyang pigilin ngunit pumasok sa
kanyang silid at malakas na isinara ang pintuan.
Ano ang gagawin ko, na bahagya nang mabuhay sa aking
suweldo,26 na upang makuha ay kailangan ko ang pag-apruba ng kura
at maglakbay sa kapitolyo ng lalawigan, 27 ano ang magagawa ko sa
kanya na pinakamataas na kapangyarihan sa relihiyon, pulitika, at sibil
sa isang bayan, kinakampihan ng kanyang Corporacion, kinatatakutan
ng Pamahalaan, mayaman, makapangyarihan, pinagsasanggunian,
dinidinig, pinaniniwalaan at kailanman ay inaayo ng lahat? 28 Kung ako
ay minumura ay dapat nang huwag akong kumibo; kung ako ay
sumagot ay aalisin ako sa aking katungkulan, mawawalang-kabuluhan
ang aking pinag-aralan, at di rin naman maisusulong ang pagtuturo, 29
kundi bagkus pa ngang ang lahat ay kakampi sa kura, ako ay
kamumuhian at tatawaging akong palalo, hambog, mapagmataas,
masamang Kristiyano, walang pinag-aralan, kundi kaya, ay tatawagin
kalaban ng Espanya at pilibustero.30 Ang guro sa paaralan ay hindi
hinahanapan ng dunong ni sipag; walang hinahap sa kanya kundi
pagtitimpi, pagpapakumbaba, pagwawalang-kibo, at patawarin ako
26
Ang guro ay hindi binibigyan ng maayos na sahod para mabuhay ng may
karangalan at dignidad na angkop sa kaniyang pagiging guro. Uunahin pa
ng pamahalaan ang itaas ang suweldo ng mga nagmamarokolyong sundalo,
kaysa sa suweldo ng guro na mistulang maamong tupa. Matuto sana ang
pamahalaan sa mga pagkakamali ng mga nakaraan administrasyon sa ating
kasaysayan. Si Marcos ay pinakain ng labis-labis ang tigre ng
militarisasyon, upang ito ay kaniyang masakyan sa kapangyarihan, ngunit
sa bandang huli ng siya ay mahina na - nakita na lamang ni Marcos na siya
ay kinakain na ng tigre.
27
Nararamdaman pa ito ng mga guro na ang nagpapasahod ay ang
pamahalaang panlalawigan. Maging ng mga aping kontraktwal na guro sa
State Colleges at Universities sa Pilipinas.
28
Ipinakita ni Rizal sa inosenteng hanay na ito ang napakalaking
kapangyarihan ng mga prayle sa mga bayan-bayan sa Pilipinas. Nagawa
niya itong maisingit ng tila pahapyaw sa usapan – ang istilong ito ay parang
dalawang taong nag-uusap ng seryoso at habang nag-uusap ay pinapalo ang
lamok na umaabala sa kanila.
29
215
ng Diyos kung itinakwil ko ang sarili kong budhi at katwiran;31
subalit dito ako ipinanganak sa lupaing ito, kailangan ko ang mabuhay,
mayroon akong ina, ako ay nagpaanod sa aking kapalaran, na katulad
ng bangkay na pinadpad ng alon.”32
“At dahil sa balakid na iyan na iyan ay lubusan ng lumamig ang
inyong kalooban? At pagkatapos naging ganyan na ang inyong
kabuhayan?”
“Sana ako ay nagpadala na lamang!” ang sagot, “sana ay hindi
na humigit pa roon ang aking mga kasawian! Tunay ngang mula noon
ay kinamuhian ko na ang aking pinag-aralang propesyon; inisip ko
ang humanap nang iba trabaho; gaya ng aking pinalitan,33 sapagkat
ang gawain, kapag ginagawa nang labag sa sariling kalooban at
ikinahihiya ay isang pasakit, at ang paaralan ay nagpapagunita sa akin
ng aking tinamong kahihiyan, ay naging sanhi ng pagdadanas ko ng mga
mapapait na sandali. Ngunit ano ang magagawa ko? Hindi maaring
magtapat ako sa aking ina; kailangang sabihin ko sa kanya na ang
tatlong taong kanyang paghihirap ay nagbigay sa akin ng kaligayahan sa
ngayon; kailangang kong papaniwalain siya na ang tungkulin kong
ginaganap ay lubhang marangal, nakakalugod, ang nilalakaran ay
nalalatagan ng mga bulaklak, na ang pagganap ko sa aking tungkulin ay
nagdulot sa akin ng pagkakaroon ng mabubuting kaibigan; na ako ay
iginagalang at pinupuspos ng pagmamahal ng bayan;34 kung hindi
31
Bakit binanggit ng guro ang tatlong taong paghihirap ng ina para siya
mapag-aral? Sa pamamagitan ng mga pangungusap na iyan ay ipinapaalam
216
ganoon ang aking gagawin, bukod sa hindi ko magagamot ang aking
kasawian, ay pasasakitin ko ang loob ng aking ina, bagay na bukod sa
walang kabuluhan ay isa pang pagkakasala. Namalagi nga ako sa aking
tungkulin at pinilit kong huwag manlamig ang aking kalooban; pinilit
kong kong ipagpatuloy ang pakikipaglaban.”35
Sandaling tumigil ang guro at pagkatapos ay nagpatuloy:
“Magmula noong araw na ako ay inalimura ay siniyasat ko ang
aking sarili at akin ngang nakilalang ako ay napakamangmang.36
Maghapon at magdamag na pinag-aralan ko ang wikang Kastila at lahat
noong nauukol sa aking tungkulin; pinahiram ako ng ilang aklat ng
matandang pilosopo, lahat nang makita ko ay aking binabasa, at ang
lahat ng mabasa ay aking sinusuri. Dahil sa mga bagong ideya na
aking natutuhan sa iba’t ibang dako ay nag-iba ang aking opinyon at
nakilala ko ang maraming bagay sa isang paraang lubhang kakaiba
kaysa dati kong nalalaman.37 Nakakita ako ng mga kamalian doon sa
mga bagay, na sa dating pang-unawa ko ay inaaring mga katotohanan
at, nakakita ako ng katotohanan doon sa inakalang kamalian.38
Ang pamamalo, sa halimbawa, na sa una pa mang panahon na
siyang sagisag ng mga paaralan, at inakala ko din noon na lalong
mabuting paraan upang ang bata ay matuto, inugali sa atin ang
maniwala sa gayon, ay namalas ko, pagkatapos, na bukod sa malayong
makatulong sa ikatututo ng bata ay nakasisira pa nang lubha dito.
Naniniwala ako na hindi maaring makapag-isip kung kaharap ang
palmeta o ang mga disciplina; ang pagkatakot at pagkasindak ay
nakalilito sa lalong malamig na loob, dahilan sa ang pag-iisip ng bata
dahil sa lubhang mabilis ay siyang lalong maramdamin. At sa dahilang
upang matala sa utak ang mga bagay-bagay ay kailangan ang paghahari
ng kapayapaan, sa loob at sa labas, magtaglay ng kaliwanagan ng pag-
iisip, katiwasayan ng katawan at ng pagkukuro, at mabuting kalooban,
ni Rizal na ang guro ng San Diego hindi karaniwang guro sapagkat siya ay
nagtapos ng kursong pagtuturo sa Escuela Normal de Maestro ng mga
Jesuita sa Maynila.
35
Ang panakamalaking milagro sa lipunang Pilipino ay naandito pa rin ang
mga dakila at martir na guro. Mga gurong nagpapakahirap sa pagtupad ng
kanilang mga tungkulin at sa harapan ng mga mag-aaral ay nakangiti at
masayang naglilingkod, habang lumuluha ng dugo ang kanilang mga puso.
36
Noong hiyain ni Padre Damaso ang guro, nakita ng huli ang kaniyang
kamangmangan ang ugat ng kaniyang kahinaan.
37
Ang aklat ni Pilosopo Tasyo ay adbase sa kaniyang kapanahunan.
Maraming natutunang mga bagong bagay ang guro mula sa mga aklat na
ipinahiram sa kaniya ng matanda. Isang paraan ng pag-bibigay alam ni
Rizal sa mga guro na marami ng mga aklat ukol sa makabagong paraan ng
pagtuturo, na maaring hindi nila alam ng kapanahunang iyon.
38
Ang mapangahas at mapanuring isipan lamang ang makakakita ng
katumpakan sa mga bagay na inaakala ng marami na “kamalian/
kasamaan/ pamumusong.”
217
ay inakala kong ang unang nararapat gawing ay ang tiyakin na ang bata
ay magkaroon ng pagtitiwala, pananalig at pagpapahalaga sa sarili.39
Nalaman ko rin na ang pagpapakita ng pamamalo sa araw-araw ay
pumapatay sa damdaming pagkahabag ng puso, at pumapawi sa
lagablab ng karangalan, na panimbangan ng mundo, at sabay sa
pagkapawing iyon ay napapawi rin naman ang kahihiyan na mahirap
nang maibalik. Nasaksihan ko rin na kapag ang isang napapalo, ang iba
ay nakadarama ng katuwaan kapag ang ilan ay napapalo rin, at
nangingiti nang buong kasiyahang-loob kapag naririnig ang iyak ng iba;
at ang pumapalo, kahit na mabigat ang loob kung sumunod sa unang
araw, ay nasasanay na pagkatapos at nasisiyahan na sa kanyang
mapanakit na tungkulin.40 Nakapangilabot sa akin ang nakaraang
panahon at tinangka kong iligtas ang kasalukuyan, sa paraang baguhin
ang pamamalakad. Binalak kong gawing maging masaya at malugod ang
pag-aaral, ang cartilla ay binalak kong maging isang kaibigan ng bata, na
magtuturo sa kanya ng mga kahang-hangang lihim at hindi ang munting
aklat na itim na puno ng luha ng kabataan; ginawa ko na ang paaralan
ay hindi pook na katayan ng kaalaman, kundi isang pook na palaruan
ng mga kaisipan. Unti-unti ko nang inalis ang pamamalo, iniuwi ko sa
bahay ang disciplina at pinalitan ko ng kompetisyon at pagpapahalaga sa
kani-kanilang sarili.41 Kapag hindi natutuhan ang isang leksiyon ay
ipinalalagay kong sa kakulangan ng kasipagan at hindi sa kahinaan ng
isipan;42 ipinakikilala ko sa kanilang sila ay may higit na pagkaabot
kaysa sadyang makakaya nila, at ang paniniwala sa bagay na ito na
pinagsusumikapan nilang mapatunayan ay siyang pumipilit sa kanilang
mag-aral, gaya rin namang ang pagtitiwala sa sarili ay siyang
pinagmumulan ng kagitingan. Nang una ay parang hindi magagawa ang
39
Sa pamamagitan ng mga salitang ito ay naipakita ni Rizal ang kaniyang
pilosopiyang pang-edukasyon na lubhang malayong-malayo sa umiiral na
paniniwala ng kaniyang kapanahunan sa Pilipinas. Nabasa ni Rizal at
maging ni Paciano ang aklat ni Jean Jacques Rousseau na Emile at
namatyagan ni Rizal ang mga paaralang primarya sa Europa, lalo na ang
kindergarten ng Alemanya. Hindi nasiyahan si Rizal na maging tagabasa
lamang ng adbanseng pilosopiya at teorya ng edukasyon, sa panahon ng
kaniyang sapilitang pagbabakasyon ng apat na taon sa Dapitan – isa sa
hinarap ni Rizal ay ang pagtuturo.
40
Si Rizal sa kaniyang kabataan ay hindi nakaligtas sa brutal na sistema ng
pagtuturo sa Pilipinas – sa kaniyang pag-aaral sa Biňan ay napapalo siya ng
kaniyang gurong si Justiniano Aquino-Cruz at sa salaysay ni Rizal noong
siya ay nag-aaral pa ay nasabi niya na “mapalad ang araw na hindi ako
napapadapa para paluin.”
41
Makikita sa pamamagitan ng pangungusap na ito na si Rizal ay isa sa mga
unang advocate ng kawalang kabuluhan ng pamamalo sa mga mag-aaral sa
loob ng klase.
42
Mula sa pananaw ni Rizal, ang mga kabataang Pilipino ay hindi kapos sa
isipan, kulang lang sa kasipagan. Kaya nilang lampasan ang mga bagay na
inaakala nilang hangganan ng kanilang mga nalalaman.
218
pagbabago ng pamamaraan ng pagtuturo: marami ang hindi na nag-
aral; ngunit ipinatuloy ko at aking napuna na unti-unting nagbabangon
ang mga kalooban, lalong maraming bata ang dumadalo nang madalas;
at ang isang minsang pinuring sa harapan ng lahat ay nag-iibayo ng
pag-aaral sa kinabukasan. 43
Mabilis na kumalat ang balita sa bayan na hindi ako namamalo;
ipinatawag ako ng kura, at sa pag-iingat kong maulit ang nangyari na ay
binati ko siya sa wikang Tagalog. Sa pagtatagpo naming ito ay wala na
siyang katawa-tawa. Sinabi sa aking sinisira ko ang mga bata,
inaaksaya ko ang panahon, hindi ako tumutupad sa aking tungkulin, na
ang amang nag-uurong ng pamalo ay di umiibig sa anak,44 na ayon sa
sabi ng Espiritu Santo ay sa pamamagitan ng dugo ay pumapasok ang
titik, sinabi sa akin ang maraming salawikain sa panahon ng
kabarubaruhan, na para bang sa dahilang ang isang bagay ay sinabi ng
mga sinaunang taong ay hindi na dapat tutulan; alinsunod dito ay dapat
nating paniwalaan na nagkaroon nga ng mga malulupit na nilikha ng
kapanahunang iyon at iniukit sa kanilang malalaking tahanan at mga
simbahan.45 Sa huli ay ipinagbilin sa aking ako ay magbalik sa dating
paraan sapagkat kung hindi ay isusumbong niya ako sa Alkalde. Hindi
dito lamang huminto ang aking kasawian: makaraan ang ilang araw ay
nagtungo sa silong ng kumbento ang mga magulang ng mga bata at
kinailangan kong gamitin ang buo kong pagtitiis at mga pasensiya.
Inuna munang pinuri sa akin ang mga nagdaang panahon, noong ang
mga guro ay may matitigas ang loob at nagtuturo nang gaya ng
43
Pansinin na sa mga pangungusap na ito ay mayroong adbanse at malalim
na kaalaman si Rizal sa sikolohiya ng mga bata, kung si Rizal ay nabuhay
sa isang higit na malayang lipunan at naisakatuparan ang pilosopiyang
pang-edukasyon ni Rousseau ay maaring mauna siya kay Jean Piaget
(1896-1980) na isang pamosong sikolohistang Suwiso. Kung ayaw ninyong
maniwala ay tingnan lamang ninyo ang mga pamagat ng aklat na sinulat ni
Piaget at ang taon na ang mga ito ay nalathala:
219
kanilang mga ninuno.46 ‘Iyon ang marurunong,’ sabi nila, ‘ang mga
gurong iyon ay namamalo at nagtutuwid sa mga punong baluktot. Ang
mga gurong iyon ay hindi mga bata, sila ay matatandang may
malalaking pagkaunawa sa kaugalian, mga ubanin at hindi nagpaparaan
ng anuman! Si Don Catalino ang pinakahari nilang lahat at nagtayo ng
paaralang iyon, kailanman ay hindi namamalo nang kulang sa
dalawampu’t limang hagupit kaya nagkaroon ng mga mag-aaral na
marurunong at mga nagpari. Ah, ang mga tao ng una ay higit kaysa
atin, opo, higit kaysa atin!’ Ang iba ay hindi nasiyahan sa mga ganitong
pabugal na parunggit; padabog na sinabi sa akin na kung ako ay
magpapatuloy sa aking paraan ay walang matututuhan ang kanilang
mga anak at sila ay mapipilitang alisin sa paaralan. Walang kabuluhan
ang pangangatwiran sa kanila sapagkat sa dahilang sa ako ay bata ay
ayaw akong bigyang-katwiran. O, gaano ang itutumbas ko mangyari
lamang na ako ay magkauban! Sinabi sa akin ang sabi ng kura, ni
ganoon, ni ganito, at sinabi sa akin pati na ang kanilang sarili, na
sinabing kung hindi dahil sa mga palo ng kanilang mga guro ay wala
sanang natutuhang anuman. Ang ipinatanaw sa aking pagkampi ng
ilang katao ay nakagamot nang kaunti sa kapaitang aking dinanas sa
pagkakilala ng gayong pagkasira ng aking pag-asa.”47
“Dahilan sa gayong nangyari ay kinailangan kong iwan ang
isang paraan na matapos ang maraming paghihirap ay nagbibigay na sa
akin ng kanyang bunga. Nagsisikip ang kalooban ko ng aking dinala
kinabukasan sa paaralan ang mga pamalo at sinimulan ko ang aking
malupit na gawain. Ang kapalagayang-loob ay napawi at muling naghari
ang kalungkutan sa mukha ng mga bata na unti-unti nang nagkakagiliw
sa akin: sila ang mga tangi kong kasalamuha, ang mga tangi kong
kaibigan.48 Kahit ko na pinipilit na huwag dalasan ang pamamalo at
pinupunyagi kong maging lubhang mahina, ang mga bata’y
nangagdaramdam nang labis, nangapapahiya, at nangagsisiiyak na
taglay ang buong kapighatian. Ang bagay na iyon ay nakasakit sa aking
puso, at kahit sa loob ng aking sarili ay namumuhi ako sa kanilang mga
hangal na magulang ay hindi ko naman magawang maghiganti sa mga
46
Isang kasawian ng kasalukuyang guro na lagi silang pinaghahambing sa
mga guro ng mga nakalipas na henerasyon. Dapat tandaan na tunay na
magaling nga ang mga naunang guro, ang kanilang balikat ang ating
tuntungan sa kasalukuyan upang may matanaw tayo na mga bagong bagay
na higit sa kanilang nakita at naranasan. Ngunit mayroong mga bagong
ideya na taglay ang mga bagong guro na produkto ng mga makabagong pag-
aaral at pagsasaliksik.
220
walang-malay na mag-aaral na nagtatamo ng parusang iyon, nang dahil
sa mga haka ng kanilang mga ama at ina. Ang kanilang mga luha ay
pumpaso sa akin; ang puso ko ay hindi magkasya sa aking dibdib, at
nang araw na iyon ay iniwan ko ang paaralan nang wala pa sa oras 49
at tinungo ko ang aking tahanan upang mag-iiyak sa sarili. Marahil ay
ipagtataka ninyo ang aking pagkamaramdamin, ngunit kung kayo ang
nasa kalagayan ko ay mababatid ninyo kung bakit. Ang sabi sa akin ng
matandang si Don Atanasio ay: ‘Humihingi ng palo ang mga
magulang? Bakit hindi sila ang binigyan mo? ’50 Dahil sa nangyaring
iyon ako ay nagkasakit.”51
Si Ibarra ay nag-iisip na nakikinig.
“Bahagya pa lang akong gumagaling ay bumalik ako sa
paaralan52 at natagpuan kong ang aking mga mag-aaral ay naging
ikalimang bahagi na lamang ng dating bilang. Ang mga mahusay ay
nagsi-alis nang ibalik ko pamamalo, at sa mga natira, ilang
pumaparoon sa paaralan upang makaiwas sa mga gawain sa bahay,53
ay wala isa mang nagpakita ng kagalakan, isa ma ay walang bumati sa
akin dahil sa aking paggaling: sa kanila ay walang halaga kung
gumaling o hindi man ako, marahil ay ibig pa nga nilang ako ay
magpatuloy na may sakit, sapagka’t ang kahalili ko, kahit na lalong
221
marami kung mamalo ay hindi naman nagsisisipot sa paaralan.54
Ang iba kong tinuturuan, iyong napipilit ng kani-kanilang magulang
na tumungo sa paaralan, ay maglakwatsa kung saan-saan.55
Binibigyang-sala ako na sila ay inayo at ako ang labis na sinisi.
Gayunman, ang isa, ang anak ng isang babaing taga-bukid na
dumadalaw sa akin nang ako ay may sakit, ay hindi bumalik sapagkat
nagsakristan:56 ang sabi ng sakristan-mayor ay hindi nararapat na
dumalo sa paaralan ang mga sakristan: sa dahilang sila ay
napakababa.57
“At nasiyahan na kayo sa inyong mga bagong tinuturuan?”
tanong ni Ibarra.
“Maari bang mangyari ang hindi?” ang sagot. “Gayunman, sa
dahilang nang kasalukuyang ako ay may sakit ay may nangyaring
maraming bagay, napalitan ang kura. Nagkaroon ako ng isang bagong
pag-asa at binalak kong gumawa ng isa pang pagsubok upang ang mga
bata ay huwag mag-aksaya ng panahon at kanilang mapakinabangan
ang mga palo; magbigay man lamang sa kanila ng kaunting bunga ang
mga kahihiyang iyon, sabi sa sarili. Tinangka ko, yamang sa ngayon ay
hindi na mangyayari na ako ay kanilang giliwin, na maitago man lamang
nila ang ilang bagay na galing sa akin, at maalaala akong di-lubos na
mapait sa ibang araw. Batid ninyong sa maraming paaralan ay nasa
wikang Kastila ang mga aklat, maliban sa wikang Tagalog na Katesismo
na nag-iiba alinsunod sa corporacion na kinaaaniban ng kura. Ang mga
aklat na ito ay karaniwang nobena, trisahiyo, ang katesismo ni Padre
Astete58 na kinatututuhan nila ng kabaitan na gaya rin ng
matututuhan sa mga aklat ng erehe.59
54
222
Dahilan sa hindi ko sila maturuan ng wikang Kastila ni maisalin
sa Tagalog ang gayon karaming aklat, ay
pinagsikapan kong ipalit sa kanila ang
mga maiikling salaysay na sinipi ko sa
mga may kabuluhang mga kathang
Tagalog,60 gaya ng aklat tungkol sa
Urbanidad ni Hortensio at Felisa,61 ilang
mumunting aklat tungkol sa
Pagtatanim,62 atbp. Kung minsan ay
isinasatagalog ko ang mumunting katha
na gaya halimbawa ng kasaysayan ng
Pilipinas ni Padre Barranera at idinidikta
ko sa kanila pagkatapos upang maipon sa
isang kuwaderno, at kung minsan ay
dinaragdagan ko ng mga sarili kong
kabatiran.63 Sa dahilang wala akong
mapa upang turuan sila ng heograpiya
ay tinularan ko ang isang mapa ng lalawigan na nakita ko sa
kapitolyo,64 at sa pamamagitan ng kopya na inilagay ko sa mga sahig na
223
baldosa (floor tiles) ay itinuro ko sa kanila ang ilang bagay ng lupaing
ito. Sa bagay na ito ay ang mga magulang na babae naman ang
naeskandalo;65 ang mga magulang na lalaki ay ngumingiti lamang at
itinuring na iyon ay isa sa mga kaululan ko. Ipinatawag ako ng bagong
kura at kahit hindi ako kinagalitan ay sinabi naman sa akin na ang una
kong dapat ituro ay tungkol sa pananampalataya, at bago ko ituro ang
mga bagay na ito ay dapat munang ipakita ng mga bata, sa isang
pagsusulit, na naisasaulo nilang mabuti ang Misteryo, ang Trisahiyo at
ang Katesismo ng Doktrina Kristiyana.”66
“Sa gayon, ginagawa kong tulad sa loro ang mga bata at
maisaulo nila ang maraming bagay na wala silang naiintindihan isa
mang salita.67 Marami na ang nakaaalam ng Misteryo at Trisahiyo,
ngunit natatakot akong mawalang-bisa ang aking pagsusumakit na ituro
si Padre Gaspar Astete, sapagkat marami sa aking mga tinuturuan ang
hindi nakalilinaw kung alin ang tanong at kung alin ang sagot at ang
kahulugan nila kapwa.68 At sa gayong paraan tayo mamamatay,
gayon ang gagawin ng mga ipinanganganak, samantalang at sa
Europa ay pinag-uusapan ang Pagsulong”69
224
“Huwag tayong mawalan ng pag-
asa!” sagot ni Ibarra na sabay sa
pagtindig. “Inaanyayahan ako ng
tinyente-mayor para dumalo sa pulong
sa tribunal… Marahil ay matatagpuan
ninyo roon ang kasagutan sa inyong
mga katanungan.”70
Ang guro ay tumindig din,
ngunit umiiling na tanda ng
alinlangan,71 at tumugon: “Makikita
ninyo at ang balak na iyan, na sinabi sa
akin, ay makakatulad lamang ng aking
mga dating balak! At kung hindi ay
tingnan natin sa huli!”
70
Pulong sa Tribunal – ang katumbas nito ay ang sangguniang bayan sa
bawat munisipyo, makikita dito na ang prayle ay kalaban ng pagbabagong
pang-edukasyon at ang inaasahan nina Ibarra at guro ay ang pamahalaang
lokal.
71
Makikita rito ang kawalan ng guro ng pagtitiwala na may magagawang
pang lunas ang sangay lehislatibo upang remedyuhan ang kahinaan ng
edukasyon ng bayan. Alam niya na ang isyu ng paaralan ay hindi prioridad
sa lokal na batasan at kung mayroon mang mga panukala ay natutulog
lamang.
225