Вы находитесь на странице: 1из 12

KABANATA 26

BISPERAS NG PIYESTA
 

            Ngayon ay ikasampu ng Nobyembre, bispiras ng pista.


Bumangon ang bayan mula sa kanyang karaniwang ayos, at
napaloob ito sa isang mabilis na kilusan na walang katulad;1 sa
bahay, sa daan, sa simbahan, sa sabungan at sa bukid:  ang mga
bintana ay puno ng banderitas at mga kurtinang may sari-saring; sa
lahat ng dako ay maririnig ang putukan at musika; ang simoy ay napuno
ng kasayahan.  
Iba’t ibang minatamis na gawa mula sa mga katutubong prutas
Sa ibabaw ng maliit na lamesa na nalalatagan nang maputing panapin
na binurdahan, iniaayos ng mga dalaga sa mga lalagyang kristal.  Sa
bakuran ay sumisiyap ang mga tandang, kumakakak ang mga inahin,
umuungol ang mga baboy, na puno ng takot
dahil sa kasayahan ng tao.2  Akyat- panaog
ang mga alila na may dalang mga
kasangkapan, mga kubyertos na pilak:  sa
dako rito ay may kinagagalitan dahil sa
pagkabasag ng isang pinggan, sa dako roon
ay pinagtatawanan ang isang tangang
babaing tagabukid:  sa lahat ng dako ay may nag-uutos, may usap-
usapan, nagsisigawan, nagpapapalitan ng palagay dahil sa nangyayari,
ang bawat isa ay nag-uutos sa paggawa, at ang lahat ay kaguluhan,
ugong at kaingayan.  At ang lahat ng pagsusumakit na ito at ang lahat
ng pagpapagod ay dahil sa dadalong kakilala o di kakilala; at upang
libangin ang sinumang taong marahil ay hindi pa nakikita kundi noon
lamang, ni hindi na naman makikitang muli pagkatapos, upang ang
dalo, ang taga-ibang lupa, ang kaibigan, ang kaaway, ang Pilipino, ang
Kastila, ang mahirap, ang mayaman, ay umalis na taglay ang
kasiyahang-loob at kabusugan:  hindi man lamang sila hinihingan ng
utang na loob, ni hindi inaasahan silang hindi gagawan ng masama sa
mapagpatuloy na mag-aanak samantalang natutunaw sa tiyan ang
kinain o matapos ang gayon!  Ang mga mayayaman, ang mga
nakapuntang minsan man lamang sa Maynila at nakakita nang higit
kaysa iba, ay nagsibili ng serbesa, champagne, mga alak at mga
pagkaing galing sa Europa, mga bagay na bahagya na nilang matitikman
o maiinom ang isang lagok.  Ang kanilang mga dulang ng pagkain ay
magara ang pagkakahanda.3

1
MGA PALIWANAG
Sa kapanahunan ng kapistahan ay nagiging mabilis ang aktibidad ng mga
tao kahit na sa isang liblib na bayan. Ang bayan na sinasabihang tamad sa
loob ng isang linggong pagdiriwang ay dadayuhin ng mga tao at bibilis ang
pagkilos ng mga tao at ang pag-kot ng gulong ng komersiyo.
2
Ipinapakita na ang kasiyahan ng mga tao ay nakapangingilabot sa mga
hayop.
3
Sa panahon ng kapistahan ay handang ipakain at ipatikim ng mga Pilipino

332
            Sa gitna ay may disenyo na parang pinya, na mabuti ang
pagkakagaya, na kinapapakuan ng mga panghinuki, na tinabas nang
kahusayan ng mga bilanggosa mga sandaling ipinagpapahinga.  May
anyong pamaypay, may anyong tungkos ng bulaklak, isang ibon, isang
bulaklak, isang palaspas o mga tanikala na pawang gawa sa isang putol
na kahoy:  ang gumawa ay isang naparusahan, ang kasangkapan ay
isang masamang kampit at ang nag-udyok sa paggawa ay ang tinig ng
bastonero.4  Sa tabi ng pinyang ito, na tinatawag na palillera, ay
nangakatumpok sa mga lalagyang kristal ang matataas na bunton ng
suha, lansones, atis, tsiko, at mangga, kahit na buwan ng Nobyembre.5 
Pagkatapos, sa malalapad na pinggan sa ibabaw ng mga papel na may
mga ukit at may pintang maiinam na kulay, ay may mga hamon na
galing sa Europa, sa Tsina, isang malaking pastel na ayos-Agnus Dei o
kalapati marahil, ay ang Espiritu Santo, mga relyenong pabo, atbp., at
kasaliw ng mga tinuran ang pang-alis-suyang mga botelya ng atsara, na
may sari-saring ayos, na bulaklak ng bunga at iba pang gulay at
bungangkahoy, na mainam ang pagkakaputul-putol at nadidikit sa mga
tagiliran ng garapon sa pamamagitan ng arnibal.
           Nililinis ang mga globong kristal na nagkasalin-salin sa
mga magkakaanak;6 pinakikintab ang mga kagamitang tanso; inaalisan
ng takip ang mga lamparang gas, na nakabalot sa cavass na pula na
pinagtataguan sa buong santaon, sa langaw at lamok, na nakasisira sa
kanila; ang mga almendras at palawit na kristal na may tapyas ay
naggagalawan, mataginting na nag-uumpugan, umaawit, na parang
nakikisabay sa kapistahan, nasasayahan at nagbibigay ng liwanag sa
pagtatapon sa mga dingding ng sari-saring kulay ng bahaghari.  Ang
mga bata ay naglalaro, nagsasaya, hinahabol ang mga kulay,
natatalisod, nakababasag ng mga tubo, ngunit ang bagay na ito ay hindi
nakapipigil sa kasayahan ng pista:  kung sa ibang araw lamang nangyari

sa kanilang mga bisista ang mga pagakin at inumin na bihira o hindi man
lamang nila natitikman, sa araw-araw na buhay.
4

Ang mga kasangkapan sa mesa ay gawa sa bilangguan na ipinagbibili sa


labas. Maging ang mga bilanggo ay mayroong angking pagka-malikhain at
kahusayan sa sining. Mga kasanayan, na maaring natutuklasan at
nagagawa lamang ng mga bilanggo sa panahon na sila ay nasa kulungan at
doon lamang nila nasisiyasat ang kahusayan na hindi nila alam na taglay
nila noong sila ay malaya pa.
5

Pagpapakita ni Rizal ng kakayahan ng mga Pilipino na makapagbunga ng


mga prutas kahit wala sa panahon. Ang kamahalan ng mga prutas sa
buwan ng Nobyembre na idinidikta ng malaking kahilingan (demand), ang
susi sa pagtuklas ng mga Pilipino ng mga pamamaraan para magawa ang
mga mahihirap na bagay.
6
Isa sa ipinapamana ang globong kristal na siyang pumapaloob sa isang
ilawan na ginagatungan ng langis o kerosina– ipinapakita ang kamahalan at
kahalagahan ng kasangkapang ito.

333
iyon ay iba sanang bagay ang ibabayad na luha ng kanilang mabibilog
na mata.7
          Kagaya ng mga iginagalang na mga lamparang iyon, ay nailalabas
din sa tataguan ang mga gawain ng mga dalaga:   mga takip na gawa sa
gantsilyo, mga maliliit na alpombra, mga bulaklak na papel;8 lumalabas
ang lumang bandehang kristal na ang ilalim ay may nakapintang isang
munting lawa na may maliliit na isda, buwaya, kabibe, lumot, at
talampas na bubog na may mariringal na kulay.  Ang bandehadong ito
ay pinupuno ng tabako, sigarilyo at maliliit na hitso na pinilipit ng mga
makikinis na kamay ng mga binibini.  Ang sahig ng bahay ay makintab
na parang salamin; mga kurtinang pinya o husi sa mga pintuan; sa mga
bintana ay nakasabit ang mga parol na salamin o papel na kulay-rosas,
bughaw, luntian at saga:9  ang bahay ay puno ng bulaklak at mga
pasong nalalagay sa mga pedestal  na galing sa Tsina; pati na ang mga
santo ay hinihiyasan, ang mga larawan at mga reliquia ay nag- -aanyong
pista, inaalisan sila ng alikabok, nililinis ang mga salamin, at nilalagyan
ng bulaklak ang kanilang mga sisidlan.10
          Sa mga lansangan, may mumunting patlang na may mga
nakatayong maiinam na arkong kawayan na iba’t iba ang pagkakagawa,
na nalilibiran ng kaluskos, na sa pagkakita sa kanila ay nagpapasaya sa
puso ng mga bata.  Sa paligid ng patio ng simbahan naroroon ang malaki
at mamahaling tolda, na ang tukod ay mga kawayan, upang madaanan
ng prusisyon.  Sa ilalim ng toldang ito ay naglalaro ang mga bata,
nagtatakbuhan, nag-aakyatan sa kawayan, naglulundagan at napupunit
ang mga bagong baro na dapat sanang isuot sa araw ng pista.11
Sa liwasan itinayo ang ang tanghalang kawayan, pawid at
kahoy: doon magtatanghal ng kahanga-hanga ang kompanya ng
Tundo12 at makikipag-agawan sa mga diyos sa kababalaghang walang

7
Nagiging mapagbigay at mapagpasensiya ang mga tao sa panahon ng
kapistahan.
8
Paglalarawan sa kahusayan ng mga kababaihan sa gawaing kamay at ang
kapistahan ay isang panahon na kanilang naipapakita sa maraming tao ang
kanilang mga husay sa mga sining na ginagamitan ng kamay.
9
Ang kalinisan ng bahay ay pinag-iibayo sa araw ng kapistahan.
Mapapansin na noon pa man, ang mga palayok na gawa sa Tsina ay isa na
sa mga paboritong gamit ng mga Pilipino sa kanilang mga bahay.
10
Makikita na pana-panahon lamang ang debosyon ng mga Pilipino sa
rebulto ng kanilang mga santo/santa – hinahayaan nila ito sa isang lugar
na inaalikabok sa loob ng isang taon at inilalabas lamang sa panahon ng
kapistahan. Isang anyo ng debosyon na pakitang tao lamang.
11

Ipinapakita ni Rizal ang pagiging masayahin at likas na kalikutan ng mga


batang Pilipino.
12
Ang Tondo ay nagsisilbing lugar ng mga mahuhusay na artista sa
tanghalan. Maging si Andres Bonifacio ay naging artista sa entablado, noong
panahon ng kaniyang kabataan. Sino ang magsasabi na ang mga artistang

334
katotohanan;13 doon aawit at magsasayaw sina Marianito, Chananay,
Balbino, Ratia, Carvajal, Yeyeng, Liceria, atbp. 14 
Ang mga Pilipino ay mahilig sa mga dulaan at malugod na
nanonood ng mga dula:  tahimik na nakikig sa mga awit, humahanga sa
sayaw at kilos, hindi sumisipol, ngunit hindi rin naman
pumapalakpak.15  Kung hindi maibigan ang palabas ay nginunguya ang
kanyang hitso o kaya ay umaalis nang hindi nakabubulahaw sa ibang
marahil ay nagigiliw sa palabas.  Maminsan-minsan lamang umuungol
ang mga dukhang taong-bayan, kung hinahagkan o niyayakap ng mga
artistang lalaki ang mga artistang babae, ngunit hindi na humihigit sa
gayon.16 

pulitiko ay ngayon lang – si Bonifacio ang una sa kanila.


13

Ang isa sa mga orihinal na layunin ng pagtatanghal sa entablado ay


isang pang-aliw na itinatakas ang isipan ng mga tao sa malagim na
realidad ng buhay at ng kanilang lipunan, kaagaw ng mga diyos tinutukoy
ang mga pamahiin at kuwento ukol sa mga himala ng santo at santa ng
simbahan ay kakalabanin ng mga kababalaghan sa aksiyon at drama na
itatanghal sa entablado.
14
Tinutukoy ni Rizal dito ay ang mga sikat na artista sa entablado noong
kaniyang kapanahunan. Dahilan sa wala pa ang cinema, ang mga artista ay
dumadayo upang magtanghal sa iba’t ibang lugar na mayroong kapistahan.
Mga kilalang artista sa tanghalan sa kapanahunang iyon. Ito ang isinasaad
ng Glosaryo:
 Si Ratia ay artistang Pilipino na sumali sa maraming
pagtatanghal ng sarsuwela sa Maynila at nakapagtanghal din sa
teatro Felipe sa Espanya noong taong 1877-1878.
 Si Jose Carvajal ay isang mestisong Espanyol na napabantog
bilang komedyante.
 Si Yeyeng na ang buong pangalan ay Praxedes Fernandez ay isang
artistang lalong bantog at kinalugdan ng madla, maging ng mga
Pilipino at mga Espanyol. Tinuruan siya ng isang artistang
babaeng Espanyola na nagngangalang Elisea Raguer nang ang
huli ay dumating sa Maynila noong 1880. Nagsimula si Yeyeng ng
pag-aartista sa edad na labing-anim. Siya ay artistang matalino,
kaakit-akit kumilos, maganda ang tindig, at magaang ang
katawan sa tanghalan sa tuwing lalabas ay nakakabighani sa
lahat.
 Si Chananay ay pangalang pandulaan ng isang babaing Pilipina
na ang tunay na pangalan ay Valeriana Mauricio. Siya ay
maganda, kalugod-lugod, ang mukha ay kayumanggi at lubhang
kinawiwilihan ng bayan ang kaniyang pagtatanghal.
15
Isang likas na kaugalian ng mga Pilipino ang ipinapakita dito ni Rizal. Ang
tanghalan ay paboritong libangan at aliwan. Ang popularidad ng kahiligan
ng mga Pilipino sa tanghalan ay nanatili sa ibang medium at makikita sa
pagsubaybay natin sa panonood ng pagkahahabang telenovela.
16

Mauunawaan dito na ang paghalik at yapusan ng mga artista sa


pagtatanghal ay hindi isang bagong bagay sa tanghalang Pilipino

335
Dati ang mga drama lamang ang itinatanghal; ang makata sa
bayan ay gumagawa ng isang dula na may labanan sa bawa’t sandali,17
isang magpapatawa at mga kababalaghang kasindak-sindak.18  Nguni’t
sapul nang ang mga artista sa Tundo ay nangaglalaban sa bawa’t
labinlimang segundo, nagkaroon ng dalawang tagapagpatawa at
nagpapamalas ng salamangka na lalo pang di-mapaniniwalaan, ay
nakamatay sa mga kahanap-buhay nilang tagalalawigan.  Ang kapitan
sa bayan ay malulugdin sa gayon, at ang napili, matapos magkasundo
sila ng kura,19 ay ang komedyang “Ang Principe Villardo o Ang mga
Pakong Binunot sa Karumal-dumal na Yungib,” dulang may mahika
at paputok.20
            Makaraan ang bawat sandali ay masayang nirerepike ang mga
kampana, iyon ding mga kampanang may sampung araw pa lamang na
tumugtog nang malungkot.21  Ang mga paputok at berso ay nagpapadala
sa hangin ng kanilang tunog; ang magkakastilyong Pilipino, na natuto
nang walang nagturo,22 ay magpapakita ng kanyang katalinuhan,
naghahanda ng mga toro, mga kastilyong may luces de bengala, mga
globong papel na puno ng usok, mga bilog na nagtatapon ng apoy, mga
bomba, kuwitis, atbp.
            Pag nakarinig ng malayong tugtugan ay matuling
nagtatakbuhan ang mga bata, tungo sa labasan ng bayan upang
salubungin ang banda ng musiko.23  Lima ang bandang nakuha, bukod

17
Labis ang pagkahilig ng mga Pilipino sa palabas na mayroong aksiyon, na
atin ding minana sa kasalukuyang panahon.
18
Katatawanan at mahika ay kinahihiligan ng mga Pilipino sa kapanahunan
ni Rizal. Ang kahiligan kaya ng mga Pilipino sa katatawanan at mahika ay
isang hindi halatang paraan ng panandalian nilang paglisan sa kanilang
paniniwalang pang-relihiyon na nakasentro sa milagro.
19

Isang hanay ng pananalitang ipinahahalata ni Rizal na ang sensura ay nasa


kamay ng mga prayle noon sa Pilipinas. Pinipili ang mga pagtatanghal na
walang anumang linya na laban sa kolonyal na simbahan.
20
Pero bakit ganon ang pamagat?
“Ang mga Pakong Binunot sa Karumal-dumal na Yungib” may mahika
(kailangan ng bilis ng kamay o iba pang bahagi ng katawan) at paputok.
Talagang ito si Rizal, pamagat lang ng dula, pag-iisipin ka pa ng maaring iba
pang kahulugan.
21
Sampung araw lang ang nakakalipas ay tinutugtog ang kampanang iyon
para sa kaluluwa ng mga namatay, ngunit ang higit na ipinararamdam ni
Rizal sa kalungkutan ng tugtog ng kampana ay dahilan sa ang nagpatugtog
niyon ay ang magkapatid na Basilio at Crispin.
22
Magkakastilyo – ang kaniyang gawain ay ang maghanda ng mga luces at
kuwitis. Ipinakita na ang kahusayan ng mga Pilipino ay likas o katutubo sa
kanilang mga sarili (kahit hindi turuan).
23

Sa Pilipinas ang banda ng musiko ay may taglay na mahika nagagawa

336
sa tatlong orkestra.  Ang banda sa Pagsanjan, na ari ng eskribano ay
hindi dapat mawala roon, ni ang sa bayang S. P. de T (San Pedro de
Tunasan) na noon ay bantog sapagkat ang nagtuturo ay ang gurong si
Ginoong Austria, ang palalakad na si Cabo Mariano, na ayon sa balita ay
taglay sa dulo ng kanyang baton ang kabantugan at kainaman ng
tugtog.  Pinupuri ng mga musiko ang kanyang marcha funebre na
pinanganlang El Sauce, at pinanghihinayangan ang di niya pagkakapag-
aral ng musika sapagkat dahil sa kanyang katalinuhan ay ipagkakapuri
siya ng kanyang bayan.24  Ang musiko ay pumapasok sa bayan na
nagpaparinig ng masasayang tugtugin, at sinusundan ng mga gusgusin
o halos hubad na bata:  mayroong ang suot ay damit ng kanyang
kapatid at may nakasalawal ng salawal ng ama.   Pagkatapos na
makatugtog ang musiko ay naisasaulo na nila ang tugtugin, kanila nang
inihuhuni, sinisipol at sinasabi ang kanilaang pasya ukol sa
kagandahan ng tugtugin.25
           Samantala naman ay nagdadatingan ang mga karumata,
mga kalesa o karwahe, ang mga kamag-anak, mga kaibigan, ang mga di-
kilalang tao, ang mga manunugal na dala ang kanilang mga
pinakamhusay na manok, mga supot ng salapi, at nangakahandang
ipagsapalaran ang kanilang yaman sa ibabaw ng mesa ng sugalan o sa
loob ng sabungan.26

nilang mapalabas ang mga tao sa bahay at magtungo sa lansangan para


panoorin ang kanilang pagdaraan.
24
Maraming mga maestro ng banda sa panahon ni Rizal ay walang pormal
na edukasyon sa larangan ng musika. Sa kabila nito ay hindi hadlang ito
upang ang kanilang mga pinamumunuang mga banda ay magtaglay ng
kahusayan at kabantugan sa larangan ng musika. nakapanghihinayang na
ang mga katalinuhan at kasanayan na ito ay limitado lamang sa idinidkta
sa kanila ng mga mananakop. Kung tayo ay hindi sana naging biktima ng
kolonyalismo sana higit na malayo ang mararating ng ating mga likas na
katalinuhan at kasanayan.
25

Ang mga batang Pilipino sa kabila ng kahirapan ay makikita na kaya nilang


sauluhin ang musika at hinihimig ito pagkatapos na tumugtog ang banda.
Sa mga mambabasa ay ipinararating ni Rizal ang likas na katalinuhan ng
mga bata sa Pilipinas, katalinuhan na hindi ganap na umuusbong dahilan
sa nangingibabaw ay ang isang mapanupil at tiwaling sistema na kumikitil
sa mga katalinuhang ito.
26
Ang kapistahan sa kabila ng pagiging kasayahang pangrelihiyon ay hindi
nakaligtas sa mga manunugal na ginamit ang kasayahan para sa kanilang
pagnanais na kumita mula sa sugalan.

337
          “Ang alperes ay may limampung piso gabi-gabi!”27 ang bulong
ng isang taong matabang-pandak sa tainga ng mga bagong dating, “si
Kapitan Tiyago ay darating at maglalagay ng bangka, si Kapitan Joaquin
ay may dalang labingwalong libo.  Magkakaroon ng liampo:  si Insik
Carlos ay maglalagay at sampung libo ang puhunan.  May darating na
malalaking manunugal buhat sa Tanauan, Lipa at Batangas, at gayon
din naman sa  Sta. Cruz.  “Magiging malakas ang labanan, malakas na
malakas!  Datapwa’t uminom kayo ng sikulate.  Sa taong ito ay hindi
tayo tatalunin ni Kapitan Tiyago, na gaya ng taong nakaraan; wala
siyang ginastusan kundi tatlong misa de gracia lamang,28 at saka
mayroon akong mutya ng kakaw.29  At kumusta ang inyong mga anak
at asawa?”30
  “Mabuti po!  Salamat!” ang sagot ng mga dayo, “at si Padre
Damaso?”
          “Si Padre Damaso ay magsesermon sa umaga, at magbabangka
sa gabi, na kasama natin.”31
            “Lalong mabuti, lalong mabuti!  Kung gayon ay walang
panganib!”
           “Wala tayong talo!  Bukod doom ay tataya pa si Insik Carlos.”
           At umasta ang mataba na parang nagbibilang ng salapi.
           Sa labas ng bayan, ang mga tagabundok ay nangagbihis ng
kanilang pinakamainam na suot upang magdala sa mamumuhunan ng
matatabang inahing manok, mga baboy-ramo, usa, mga ibon; ang iba ay
nagsasakay sa mga paragos ng kahoy, ang iba ay mga prutas, mga dapo,
ang lalong bihirang dapo na nakukuha sa gubat; ang iba’y may dalang

27
Ang pinuno ng konstable (alagad ng batas) ay tumatanggap ng pera
mula sa kinikita ng sugalan. Mahigit sandataon pagkatapos ng
kolonyalismo ng Espanya ay makikita pa ang bakas ng mga alperes na ito sa
mga tiwaling pinuno ng kapulisan. Sayang wala pang senado na mag-
iibestiga sa kanila – kung mayroon kasing inbestigasyon noon ay makikita
sana natin na noon pa man ay wala ring kahihinatnan ang kanilang mga
inbestigasyon.
28
Ang pagsusugal ay ipinagpapamisa – papayag kaya ang mga santo na
magwagi ang isa at matalo naman ang isa. Matatalo si Kapitan Tiyago
dahilan sa tatlong misa de gracia lamang ang ginawa. Ibig sabihin ay
sinusubaybayan ng mga sugarol ang kanilang mga kapwa sugarol –
hinigitan ng mga kalaban ni Kapitan Tiyago ang ang dami ng misa de gracia
na ipinakaloob ng huli.
29
Mutya ng kakaw - mayroong pananalig ang mga manunugal sa taglay
nilang anting-anting para manalo sa sugalan.
30
Sa mga manunugal ay inuuna muna nila ang kanilang mga usapan ukol
sa sugal kaysa sa pangangamusta sa pamilya ng kanilang mga kapwa
manunugal – kahit sila ay mga magkukumpare.
31
Maging ang mga pari ng simbahan ay hindi nakaligtas sa pagkagumon sa
sugal. Si Pray Damaso ay magmimisa sa umaga at uupo sa sugalan sa gabi.

338
biga na malalapad ang dahon, tikas-tikas na ang bulaklak ay kulay-saga
upang ihiyas sa mga pinto ng bahay. 32
            Subalit ang kinaroroonan ng higit na malaking galawan, na
halos anyong kaguluhan na, ay doon sa parang isang kulob, sa kalapit
ng bahay ni Ibarra.  Ang mga padausdusan ay lumalangitngit, naririnig
ang sigawan, at tunog ng batong dinudurog, ang pamukpok na
nagbabaon ng isang pako, ang palakol na idinadaras sa
hahaligihin. Isang pangkat ng tao ang humuhukay ng lupa at
nagbubukas ng isang maluwang at malalim na balon; ang ilan ay
naghahanay ng mga batong galing sa tapyasan ng bayan, nag-iibis sa
lulan ng mga kariton, nagbubunton ng buhangin, naghahanda ng mga
torno at mga salagunting.33
            “Dito!  Iyan, doon!  Madali!” ang sigaw ng isang matanda na
mukhang matalino, na ang tinutungkod ay isang metrong tanso ang mga
gilid, na kinabibilibiran ng isang panukat. Siya ang namamahala sa
pagpapagawa, si Ñor Juan, arquitecto, kantero, karpintero, mamiminta,
panday-kaban, pintor, mananapyas ng bato at maminsan-minsa’y
eskultor.34 “Kailangang matapos ngayon din!  Bukas ay hindi
makagagawa at sa makalawa ay gagawin ang mga ceremonias!  Madali!”
            “Iayos ninyo ang hukay upang makasama sa bilog na ito,” ang
sabi sa ilang mananapyas na nagpapakinis sa isang batong parisukat,
“sa loob nito matatago ang ating mga pangalan!”
            At inuulit sa bawa’t mapalapit na dayo ang makalilibo na niyang
nasabi.
            “Alam ba ninyo kung ano ang aming itatayo?   Isang paaralan
na magiging tularan ng mga paaralang kagaya niya, kagaya ito ng
nasa Alemanya, o higit pa!35  Ang may gawa ng plano ay ang arkitekto

32

Ang kapistahan ay isang pagkakataon upang makapagbili ang mga taga-


bundok (loob na bahagi ng bayan) ng kanilang mga paninda. Makikita rito
ang tradisyon ng pagsipot ng maraming mga magtitinda sa isang bayan sa
panahon ng kapistahan.
33
Ang paghahandang ginagawa sa bahay ni Ibarra ay kakaiba sa
paghahanda ng mga bahay sa San Diego. Habang abala ang mga tao sa
kapistahan, ang nagaganap sa bakuran ni Ibarra ay ang pagtatayo ng
pundasyon ng isang bahay paaralan sa pamamagitan nito ay hinahati ni
Rizal ang aktibidad ng kapistahan at ginamit niya rin ito bilang isang
paghahanda sa paglitaw ng isang institusyon na gigising sa bayan mula
sa higaan ng ignoransiya at pamahiin na kanilang kinahihimlayan sa
loob ng daan-daan taon.
34

Ipinakikita ang pagkakaroon ng mga Pilipino ng maraming kaalaman at


kahusayan sa iba’t ibang gawain. Malayong-malayo sa espesyalisasyon sa
iisang gawain na ipinamumulat sa mga pabrika na pag-aari ng mga
kapitalista. Ang ispesyalisasyon ay angkop lamang para sa mga insekto,
ang mga Pilipino ay mga mapanlikhaing tao at hindi mga insekto.
35
Damahin ang bisyon ni Rizal ng isang napakahusay na edukasyon para
sa mga Pilipino. Ang mga paaralan ng Alemanya ay naging duyan ng mga

339
na si Ginoong R.,36 at ako ang namamahala sa pagpapagawa! 
Opo, tingnan ninyo, ito ang magiging gusali na magkakaroon ng
dalawang panig:  ang isa ay sa mga batang lalake at ang isa ay sa mga
batang babae.  Sa gitna ay magkakaroon ng isang malaking halamanan
na may tatlong daluyan ng tubig; sa mga tagiliran ay magkakaroon ng
maraming puno, maliliit na taniman upang ang mga bata ay
magtanim at mangalaga ng pananim sa sa panahon ng kanilang
pagliliwaliw at sa ganito ay wala silang masayang na oras, at sa gayo
ay huwag silang mag-aksaya ng panahon.37  Tingnan ninyo ang lalim
ng mga cimiento!  Tatlong metro at pitumpu’t limang centimetro!38  Ang
paaralan ay magkakaroon ng mga bodega, mga lungga, mga kalaboso,
na laan sa mga walang pagsisikap sa pag-aaral,39 at sa kalapit, lubhang
malapit, na laruan at pook ng pagpapalakas upang marinig ng mga hindi
nag-aaral ang paglalaro ng mga masisipag.  Nakikita ninyo ang malaking
puwang na iyan?  Iyan ang liwasan upang makapagtakbuhan at
makapaglundagan.  Ang mga batang babae ay magkakaroon ng isang
halamanan na may mga uupan, duyan, mga pook na may malalaking
punong makalililim upang sila ay makapaglaro ng luksong lubid,

dakilang henyo ng daigdig na nagbigay daan sa pagsulong ng pilosopiya at


siyensiya. Ang nais ni Rizal na paaralan ng mga Pilipino ay makapantay ang
ating mga paaralan sa mga nasa Alemanya o mahigitan pa. Makikita na
ang bisyon na ito ay ginagawa sa kalagitnaan ng isang kapistahan, kung
saan ang bayan ay nagtatapon ng kayamanan para sa pagsasagawa ng
kaniyang mga pamahiing pangsimbahan.
36
Ang tinutukoy na arkitekto ay si Sr. Roxas na isang Espanyol-Pilipino nag-
aral ng arkituektura sa Espanya at sa kapanahunang iyon ay kinikilala na
pinakamahusay na arkitekto sa Pilipinas.

Sa bahaging ito ay ipinapakita ni Rizal ang kahalagahan ng pagsasama ng


37

paggawa at ng edukasyon. Isang edukasyon na nakasalig sa aplikasyon. Ang


panuntunan pang-edukasyon na ito ni Rizal na kaniyang isinulat sa Noli Me
Tangere ay siya rin niyang isinagawa noong magkaroon siya ng pagkakataon
na magtayo ng isang paaralan sa Dapitan noong siya ay ipinatapon sa
nasabing lugar noong 1892-1896.
38
Pati sa detalye ng lalim ng pundasyon ay makikita na si Rizal ay may
unawa sa arkitektura at inhinyerang sibil. Pansinin na sa di kraniwang
lalim ng pagbabaunan ng pundasyon ay makikita ang binabalak na
magiging tibay ng bahay paaralan. Isang simbolismo na nanawagan sa
pangangailangan ng isang edukasyon na malalim at consistent sa
kaniyang mga layunin. Hindi katulad sa ngayon na pabago-bago ang
mga programa ng pagtuturo na nagpapalito sa mga mag-aaral guro, at
magulang.
39

Malaman sana na ang kalaboso sa paaralan ay karaniwan sa mga


matandang unibersidad sa Europa – kung saan ang mga nagkakamaling
mga mag-aaral ay ikinukulong ayon sa hatol ng opisyal at mga
namumunong mag-aaral sa pamantasan. Subalit nilinaw na ang layunin
ng kaparusahang ito sa paaralan na ipapatayo ni Ibarra sa Kabanata 19.

340
magkaroon ng mga padaluyang-tubig, alagaan ng ibon, atbp.  Ito ay
lalabas na mainam!”40
  At kinukuyumos ni Ñor Juan ang kanyang mga kamay at iniisip-
isip na ang tatamuhin niyang kabantugan.  Darating ang mga taga-ibang
lupa upang tingnan iyon at ipagtatanong:  “Sino ang dakilang arkitekto
na nagtayo nito? - Hindi ninyo alam?  Wari namang kabalintunaan na
hindi ninyo nakikilala si Ñor Juan! Malayo marahil ang inyong
pinanggalingan!” ang maaring isasagot ng lahat. Dala ang mga haka-
hakang ito’y payao’t dito sa magkabilang dulo, na minamataan ang lahat
ng bagay at ang lahat ay sinisiyasat. “Napupuna kong labis ang kahoy sa
kailangan ng isang salagunting!” ang sabi sa isang lalaking naninilaw na
namamahala sa ilang manggagawa, “sa ganang akin ay kasya na ang
tatlong mahahabang haligi na magiging tungko at tatlong pamigil”

“Aba!” sagot ng taong madilaw na nakangiti ng kakaibang ngiti, “kung


gaanong laki ang anyong ibigay natin sa gawain ay gayon din naman ang
paghangang ating tatamuhin.  Ang kabuuan ay magkakaroon ng lalong
mainam na anyo, lalong halaga at masasabing:  gaanong paghihirap ang
nagugol!  Makikita ninyo, ang salagunting kong itatayo!  At pagkatapos
ay papalamutihan ko ng mga watawat, mga tali-taling dahon at
bulaklak…at saka ninyo masasabi pagkatapos na mabuti ang
pagkakatanggap ninyo sa akin na makasama ng inyong mga
manggagawa, at wala nang mahihiling pa si Ginoong Ibarra!”41

40
Maaring ito ay bahagi ng nobela, ngunit si Rizal mismo sa kaniyang sarili
ay mayroong isang pagtatangka na magtayo ng isang colegio para sa mga
kabataang Pilipino na nais niyang itayo sa Hongkong, at siya mismo ang
naghanda ng plano ng gusali at programa ng pagtuturo.

Isang babala na nakatago sa magandang salita. “Walang nang mahihiling


41

pa si G. Ibarra”

341
            At ang lalaki’y ngumingiti at tumatawa:  si Ñor Juan man ay
ngumingiti rin at iginagalaw ang ulo.
            Sa may dako roon ay may dalawang kiyoskong magkakabit dahil
sa isang balag na may dahon ng saging. Ang guro sa paaralan at ang
may tatlumpung bata ang gumagawa ng mga corona, nagtatali ng mga
banderitas sa maliliit na haliging kawayan na may balot na kayong puti
na nakalulon. “Pag-ingatan ninyong ang mga letra ay masulat na
mabuti!” ang sabi sa mga naglalagay ng mga itinatala, “paparito ang
alkalde, maraming kura ang dadalo, at marahil ay pati na ang Capitan
General na naandito ngayon sa lalawigan !42  Kung makikita nilang
mabuti kayong gumuhit ay marahil mapupuri kayo.”
            “At mabibigyan kami ng isang pisara…?”43
            “Ano ang malay natin,44 nguni’t si Ginoong Ibarra ay nagpabili
na ng isa sa Maynila.  Bukas ay darating ang ilang bagay na
ipamamahagi sa inyong bilang gantimpala… Datapwat hayaan ninyo sa
tubig ang mga bulaklak na iyan, bukas na natin pagkumpul-kumpulin,
magdala pa kayo ng bulaklak, sapagkat kailangang ang mesa ay mapuno
ng bulaklak; ang mga bulaklak ay nakapagpapasaya sa paningin.”
            “Ang ama ko ay magdadala bukas ng bulaklak ng baino at isang
bakol na sampaga.”
            “Ang ama ko ay nagdala rito ng tatlong karitong buhangin at
hindi tumanggap ng upa.”45
            “Ang amain ko ay nangakong uupa ng isang guro!” ang dugtong
ng pamangkin ni Kapitan Basilio.
            Tunay nga, ang balak ay tinugunan ng lahat.  Hiniling ng kura
na siya ang mag-ninong at magbabasbas sa paglalagay ng unang bato,
bagay na idaraos sa huling araw ng pista, at siyang magiging isa sa mga
pinakadakilang gagawin sa kapistahan.  Pati ng koadhutor ay
nangungunting lumapit kay Ibarra at iniaalay dito ang lahat ng halagang
matatanggap niya sa pamisa, hanggang sa mayari ang bahay-
paaralan.46  At hindi pa iyon, si Hermana Rufa, ang mayaman at matipid

42
Maaring ipalagay na ang Kapitan Heneral ay nasa Los Banos, na noon ay
pinakasikat na bakasyunan na katulad ng pagiging popular ng lunsod ng
Baguio sa ating kapanahunan.
43

Nais na ipinapakita Rizal ang karukhaan ng paaralan sa Pilipinas. Isang


pisara ang kanilang pangarap na ipapagkaloob ng bibisitang opisyal ng
pamahalaan. Wala ring nagbago sa paaralan ng mga Pilipino, umaasa sa
tulong ng iba para sa mga pangangailangan sa mga kagamitan sa paaralan.
Sa ating kasalukuyang panahon, ang katulad nito ay ang mga paaralan na
umaasa na mabibigyan sila ng computer.

Noon pa man ay hindi labis na naniniwala ang mga batang Pilipino sa mga
44

pangakong materyales na kagamitan ng mga pinuno sa paaralan.


45
Isa pa rin sa karaniwang kagawian hanggang ngayon na ang mga
magulang ay natulong sa mga gawain sa paaralan para mapagbuti ang
kaayusan nito.
46
Ang paring Pilipino ay nakahandang tumulong sa paaralan sa

342
na babae ay nagsabing kung kukulangin ng salapi ay maglalakad siya sa
ilang bayan upang manghingi ng limos, na wala siyang ibang hinihiling
kundi bayaran lamang ang magugugol niya sa paglalakbay at ang
kanyang kakanin, atbp.47  Pinasalamatan siya ni Ibarra at itoay sumagot
na:
     “Wala tayong malaking mapapala, sapagkat hindi naman ako
napakayaman at ang bahay na ito ay hindi naman simbahan.48  Saka
ang isa pa ay hindi ko ipinangakong itatayo ito sa gugol ng iba.”
           Ang mga binata, ang mga nag-aaral na galing sa Maynila upang
makipamista ay humahanga sa kanya at siya ang inaakalang tularan;
ngunit gaya ng nangyayari kahit kailan ibig nating tularan ang mga
bantog na tao, ay wala tayong napaparisan kundi ang pinakamaliit
nilang katangian, kung hindi pa mangyaring ang kanilang mga
kasiraan ang siya nating natutularan, dahil wala tayong kaya kundi
iyon lamang;49 ang marami sa mga humahangang ito ay
nangakakapuna kung paano ang paglalagay ng corbata ng ating bagong-
tao, ang iba ay ang ayos ng leeg ng baro at hindi kakaunti ang nakapuna
kung ilan ang butones ng kanyang americana at tsaleko.
Ang mga kakila-kilabot na hinala ni Matandang Tasyo ay napawi
mandin nang lubusan na.  Gayon ang inihiwatig sa kanya ni Ibarra
isang araw, ngunit ang matandang mapaghinala ng masama ay
tumugong: “Alalahanin ninyo ang sabi ni Baltazar:   kung ang isalubong
sa iyong pagdating ay masayang mukha at may pakitang giliw, lalong
pag-ingatan at kaaway na lihim…”50
Si Baltazar, bukod sa mabuting makata, ay mabuti pang
palaisip.51
Ito at ibang bagay pa ang nangyayari nang bisperas, bago
lumubog ang araw.

pamamagitan ng pagbibigay ng lahat ng matatanggap niya sa pamisa –


pansinin na walang pinansiyal na ambag ang kura paroko.

Makikita dito ang pagiging tuso ni Hermana Rufa, nagkakawang-gawa na


47

mayroong kapalit.
48
Isang simple ngunit malupit na parunggit ni Rizal sa pamamagitan ni
Ibarra. Ang paaralan ay hindi simbahan na mabubuhay sa abuloy ng mga
mamamayan – sana maintindihan iyan ng mga paaralan na nanghihingi ng
donasyon – akala nila ang kanilang paaralan ay ekstensiyon ng simbahan.
49
O naintindihan ba ninyo yan mga pirata ng CD.
50

Makikita na si Rizal ay mayroong kaalaman sa Florente at Laura ni


Francisco Balagtas na sa panahong iyon ay isang popular na panitikan sa
mga Pilipino.

Si Baltazar, bukod sa mabuting makata, ay mabuti pang palaisip - Ang


51

bahaging ito ay pinakamataas na papuri ni Rizal kay Francisco Balagtas.

343

Вам также может понравиться