You are on page 1of 4

Cayetano Arellano

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya

Cayetano L. Arellano

Unang Punong Mahistrado ng Kataas-taasang


Hukuman ng Pilipinas
Panunungkulan
Hunyo 15, 1901 Abril 1, 1920
Hinirang ni
William McKinley
Sinundan si
Bagong Gawa
Sinundan ni
Victorino Mapa
Kapanganakan
Kamatayan

2 Marso 1847
Orion, Bataan
23 Disyembre 1920 (edad 73)
Maynila

Si Cayetano Arellano (kapanakan Marso 2, 1847, Orion, Bataan; kamatayan Disyembre 23,
1920, Maynila) ay kauna-unahang punong mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas.
Siya ay pinanganak sa Udiong (na ngayon ay Orion) sa lalawigan ng Bataan. Ang kanyang ama
ay si Servando Arellano, isang Kastila at ang kanyang ina ay si Crispora Lonzon, isang tagaBataan.
Nag-aral siya sa Colegio de San Juan de Letran bilang isang "agraciado" (nag-aaral kapalit ng
paglilingkod ng walang bayad). Nagpatuloy siya sa Unibersidad ng Santo Tomas, ngunit sa San
Juan de Letran siya nagsilbi. Isa siya "Mayor de Salon" at "Decano de San Juan de Letran".
Bagamat walang madulang pangyayari sa buhay niya tulad sa mga katipunero noong
himagsikan, siya ay kilala sa kanyang katalinuhan sa batas.

Pagkatapos niyang makapasa sa pamahalaan sa pagiging abogado ay nagbukas siya ng sariling


tanggapan. Nagturo siya ng "codigo sibil" sa Unibersidad ng Santo Tomas. Ilan sa kaniyang mga
naturuan ay sina Ortigas, Palma, de los Santos, Osmea, Quezon, Sumulong, Orense at marami
pang iba na pawang nakilala at hinangaan.
Noong 1886 ay nahirang siyang "Mahistrado Suplente". Naging kagawad naman siya sa
"Asemblea Provincial" noong 1893, hanggang siya sa siya'y maging "Mahistrado Suplente dela
Audiencia Territorial de Manila".
Naatasan siyang Punong Mahistrado ni Gobernador Heneral William Taft noong Hunyo 15,
1901. Siya ang nahirang ni Pangulong Theodore Roosevelt upang kumatawan sa Estados Unido
at sa Pilipinas nang magdaos ng pulong ang mga huriskonsulto buhat sa iba't ibang panig ng
daigdig noong 1904. Pinagkalooban soya ng karangalan "Doctor en Leyes" ng Unibersidad ng
Yale.
Sa kabila ng mga katangian at karangalang ito ay may isang kaugaliang maitatatangi sa kanya.
Ito ay pagiging isang mabuting Katoliko, Anga araw ng Linggo ay inilaan niya sa pananalangin
at pagbabasa ng banal na aklat.
Si Don Cayetano ay namatay noong Disyembre 23, 1920 at may habiling huwag tatangap ng
mga alay na bulaklas at ilibing siyang isang pangkaraniwang tao lamang. Itinatag ang
Kolehiyong Pangbatas ng Arellano (ngayon ay Unibersidad ng Arellano) noong 1938, 18 taon
mula ng siya ay namatay.

Gregorio S. Araneta

(19 Abril 1869-9 Mayo

1930)

Si Gregorio Soriano
Araneta (Gregryo
Soryno Aranta) ay
isang abogado at
politikona naging pinakabatng associate justice sa kasaysayan
ng Korte Suprema, at unang Filipino na humawak ng mataas na
posisyon noong panahon ng pamahalaang Amerikano.
Pagkatapos pumas sa pagsusulit sa abogasya, pumasok siy sa
law office ni Don Jose Ycaza bago maging auxiliary register of
deeds ng timog distrito ng Maynila (1894-1895) at
nanunungkulang piskal (1896). Noong panahon ng Himagsikang
Filipino, nanungkulan siyng kalihim ng Kongreso ng Malolos
at Kalihim ng Katarungan ni General Emilio Aguinaldo. Noong
1899, sa panahon ng Amerikano, itinalaga siy ni Heneral
Elwell Otis bilang Associate Justice ng Korte Suprema. Noong
1901, itinalaga naman siyng Solicitor General, at noong 1906,
Attorney General. Noong 1908, hinirang siyng kasapi ng
Philippine Commission at Kalihim ng Katarungan at Kasapian.
Pagkatapos ng kaniyang panunungkulan noong 1913, nagtay

siy ng sariling law office at nagturo ng abogasya sa


Unibersidad ng Santo Tomas. Tumakbo siy bilang Senador
noong 1916 ngunit hindi pinalad na magwagi. Nang inalok siy
ni Ispiker Sergio Osmea na maging Punng Mahistrado ng

Korte Suprema, tinanggihan niya ito upang magbigaydaan kay


Manuel Araullo, na pakiramdam niya ay mas karapat-dapat sa
posisyon.
Isinilang siy noong 19 Abril 1869 sa Molo, Iloilo kina Felix
Araneta at Paz Soriano. Nag-aral siy sa mga pribado at
pampublikong eskuwelahan sa Molo bago mag-aral ng
sekundarya sa Ateneo Municipal de Manila. Sa Ateneo din siy
nagtapos ng batsilyer en artes. Noong 1891, nakamit niya ang
Licenciado en Derecho sa Unibersidad ng Santo Tomas.
Nagkaroon siy ng 14 anak sa asawang si Carmen Zaragoza.
Pumanaw siy noong 9 Mayo 1930 sa atake sa puso.
Ipinangalan sa kaniya ang isang pangunahing abenida sa
Lungsod Quezon at ang De La Salle Araneta University (dating
Gregorio Araneta University Foundation). (PKJ) ed VSA