Вы находитесь на странице: 1из 102

Modyul 3

MGA AKDANG PAMPANITIKAN


NG AFRICA AT PERSIA

DEPED COPY

233

I. PANIMULA
Ang panitikan ay nagpapakita ng pagbabago: pagbabagong mistikal, pagbabagong
bunsod ng magiting na pagkilos, pagbabago ng paniniwala, ng nakagawian, ng
pagkatao at ng takbo ng pamumuhay. Ang mga pagbabagong ito ay maningning
na masisilayan sa mga panitikan ng Africa at Persia (Iran) na nalinang ng paggamit
ng kawikaan at pambihirang katawagan, matatalinghaga at makatawag-pansing
pananalita, at ang pagpapaangat ng kamalayang kultural sa pamamagitan ng
paglalahad, pagsasalaysay, paglalarawan at pangangatuwiran.
Sa Modyul 3, ganap na mauunawaan at mapahahalagahan mo ang mga
akdang pampanitikang buhat sa ibat ibang panig ng Africa at Persia, gaya ng
mitolohiya ng Kenya, anekdota ng Persia, sanaysay ng South Africa, tula ng
Uganda, maikling kuwento ng East Africa, epiko ng Mali, at nobela ng Nigeria.
Matututuhan din ang mga kasanayang pangkomunikatibong hango sa pag-aaral
ng mga pamantayan sa pagsasaling-wika, diskursong pagsasalaysay, paggamit
ng tuwiran at di-tuwirang pahayag sa paghahatid ng mensahe, wastong gamit ng
simbolismo at matatalinghagang pananalita, mga salitang naglalahad ng opinyon,
mga ekspresiyon sa pagpapahayag ng layon, o damdamin, at pang-ugnay na
nagpapaliwanag na magsisilbing katuwang sa pagsasakatuparan ng mga gawain
sa Modyul.

DEPED COPY

Sa pagtatapos ng aralin, masasagot mo ang mga pokus na tanong na:


Paano naiiba ang mga akdang pampanitikan ng sa Africa at Persia sa iba pang
akda mula sa ibang panig ng mundo at paano nakatutulong ang kaalaman sa
gramatika at retorika sa pagpapalawak ng kaalaman sa kultura ng ibat ibang
bansa. Inaasahang makalilikha ka ng komposisyong popular sa anyo ng patalastas
pantelebisiyon. Mamarkahan ang iyong pagganap sa sumusunod na pamantayan
a.) kasiningan, b.) kaangkupan, c.) kawastuhan, at d.) kawilihan.
Sa puntong ito, sasagutin mo ang kasunod na paunang pagsusulit sa
sagutang papel. Layon ng pagsusulit na sukatin ang iyong kaalaman sa mga
araling pag-aaralan. Simulan mo na!

234

II. PANIMULANG PAGTATAYA


Piliin at isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.
1. Ano ang tawag sa paglilipat ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong
nasa wikang isasalin?
a. panlapi
c. pagpapakahulugan
b. gramatika
d. pagsasaling-wika
2. Ito ay nagpapahayag ng mga pangyayari o kasanayang magkakaugnay.
a. pangangatuwiran
c. paglalahad
b. paglalarawan
d. pagsasalaysay
3. Ito ay pagpapahayag ng sariling opinyon, kaisipan, at ideyang binibigkas sa
harap ng maraming tao.
a. tula
c. talumpati
b. sanaysay
d. balagtasan
4. Panitikan na may suliraning kinakaharap ang pangunahing tauhan at nagiiwan ng isang kakintalan sa isip ng mambabasa.
a. nobela
c. dula
b. karilyo
d. maikling kuwento

DEPED COPY
5. Sagisag ito na kumakatawan sa isang tagong kahulugan.
a. idyoma c. simbolismo
b. matatalinghagang pananalita
d. tayutay

6. Ang tulang ito ay walang sukat at tugma ngunit mayaman sa matatalinghagang


pananalita.
a. pandamdamin
c. blangko berso
b. malaya
d. tradisyonal
7. Panitikang nasa anyong patula noong sinaunang panahon na kalaunay naging
tuluyan.
a. epiko
c. sanaysay
b. anekdota
d. mitolohiya
8. Gamit ang ekwe napabalita ang pagkamatay ni Ogbuefi Ezeudu. Nakaramdam
ng kaunting sundot ng budhi si Okonkwo sapagkat nang huling makausap niya
si Ogbuefi Ezeudu ay noong bigyan siya nito ng babala tungkol sa pagkonsulta
sa orakulo na papatayin si Ikemefuna. Ano ang ibig sabihin ng salitang may
salungguhit?
a. Ito ay malaking metal bell na ginawa ng mga igbo sa Nigeria.
b. Ito ay yari sa shell na ginagamit bilang palamuti ng mga Africano.
Ginagamit din sa ritwal at paniniwalang panrelihiyon.
c. Ito ay isang tradisyunal na kagamitang pangmusika na yari sa sanga
ng kahoy. Isang uri ng tambol na may ibat ibang uri at disenyo.
d. Ito ay espiritu ng mga ninuno. Gumagamit ng maskara ang tribu at
sumasanib sila kung may nais lutasin na isang krimen. Pinaniniwalaan
na ang mga Egwugwu ang pinakamataas na hukom sa lupain ng
Nigeria.

235

9. Batay sa pagsasalin sa kahon, alin ang unang-unang pamantayan dapat


isaalang-alang sa pagsasalin?
Love excuses everything
believe all things,hopes all
things,endures all things.
a.
b.
c.
d.

Mapagpatawad ang pag-ibig,


pinaniniwalaan ang lahat ng bagay,
puno ng pag-asa sa mga bagay,
nakakaya ang lahat ng bagay.

Basahin nang paulit-ulit.


Ikumpara ang ginawang salin.
Suriin ang bawat salita sa isinasalin.
May sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot.

10. Piliin ang pinakamalapit na salin sa kasabihang nasa kahon.


A negative mind will never give you a positive life.
a. Ang isip na negatibo ay di magbibigay ng buhay na positibo.
b. Ang kaisipang negatibo ay hindi ka mabibigyan ng positibong buhay.
c. Ang negatibong pag-iisip ay di magdadala sa iyo sa magandang
buhay.
d. Ang pag-iisip ng negatibo ay hindi magbibigay ng positibong buhay.

DEPED COPY

Para sa bilang 11 at 12
Naalala ko pa noon kasalukuyan kaming nakasakay sa bangka nang humulagpos
ang isa kong tsinelas. Ang tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok at pagpunta
sa mga lakaran, kung saan ang bakya na gawa sa kahoy ay hindi nararapat.
Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin. Malungkot ako dahil
iniisip ko ang aking ina na magagalit dahil sa pagkawala ng aking tsinelas.
Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang tsinelas at
dali-dali kong itinapon sa dagat, kasama ang dasal na mahabol nito ang kapares
na tsinelas.

Hango sa Ang Tsinelas ni Jose Rizal


11. Kung susuriin ang binasa, anong katangian ng isang mahusay na pagsasalaysay
ang taglay nito?
a. Ito ay napapanahon.
b. Mahusay ang sumulat.
c. Kawili-wili ang paraan ng pagkakasulat.
d. Pangyayari ng mga karanasang magkakaugnay sa pinakamasining na
paraan ng pagpapahayag.
12. Sa bahagi ng kuwentong binasa, anong aral ang nais iparating nito?
a. katapatan sa bayan
b. pagpapahalaga sa kapwa
c. pagpaparaya para sa kapakanan ng iba
d. mahusay na pakikitungo sa kapwa kabataan

236

Para sa bilang 13-16


Ang espiritwal at pisikal na kaisahan na ating ibinabahagi sa lupaing ito ay
nagpapaliwanag sa lalim ng sakit na dala-dala ng ating mga puso sa tuwing
makikita natin ang ating bansa na nalulugmok sa di pagkakasundo, at sa tuwing
makikita natin ang pagtanggi, ang paglaban sa batas at paghihiwalay ng mga
tao sa mundo, ito ay dahil sa naging pambansang batayan ang nakamamatay
na ideolohiya at pagkakaroon ng rasismo.
Salin mula sa talumpati ni Nelson Mandela
13. Ang rasismo na binanggit sa bahagi ng talumpati na iyong binasa ay
nangangahulugang ____________________.
a. pagtanggi at paglaban sa batas
b. pakikipag-unahan ng bawat bansa sa pag-unlad
c. malalim na sakit na dala-dala ng ating mga puso
d. hindi pagkakapantay-pantay na pagtingin sa magkaibang lahi
14. Ito ang epekto ng pagkakaroon ng nakamamatay na ideolohiya at rasismo.
a. pagtanggi sa rasismo
b. pagkalugmok ng sarili
c. espiritwal at pisikal na kaisahan
d. paghihiwalay ng mga tao sa mundo

DEPED COPY

15. Ang isa sa maaaring maging dahilan ng pagkalugmok ng isang bansa ay ang
_________.
a. pagpapahirap sa mamamayan
b. pagkakaroon ng malupit na pinuno
c. pagpapairal ng kontrakwalisasyon sa mga manggagawa
d. di-pantay na pagtingin sa mga mamamayang iba-iba ang estado sa
buhay
16. Inaakala ko na manghihina ang kaniyang katawang pisikal at espiritwal
subalit nanatili siyang matatag at nakakapit sa Diyos. Ang mga salitang may
salungguhit ay nagpapahiwatig ng ____________.
a. paghihinuha
c. panghihikayat
b. paglalarawan
d. pangangatuwiran
17. Alin sa mga pahayag ang naglalahad ng damdaming nagbababala?
a. Tara, punta tayo roon.
b. Hindi kita iiwan, pangako iyan.
c. Huwag kang basta-basta magtiwala, ikaw rin.
d. Makabubuting ipagpaliban mo muna ang iyong pag-alis.
18. Basahin ang kasunod na taludturan mula sa tulang Hele ng Ina sa Kaniyang
Panganay, ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit?
Ang pooy di marapat pagnakawan,
Sa iyoy wala silang masamang pinapagimpan.
a. nais c. hangad
b. mithi d. pangarap

237

19. Ibaon mo na sa hukay ang kaniyang nagawang kasalanan sa iyo. Ano ang
ipinahihiwatig ng matalinghagang pahayag na may salungguhit?
a. itago
c. kalimutan
b. ilibing
d. magpatawad
Para sa bilang 20 at 21
Ayaw ni Okonkwo sa mahihina. Sa ganoong paraan niya pilit na iwinawaksi ang
tumatak na pagkatao ng kaniyang amang si Unoka sa kanilang pamayanan.
Tamad, baon sa utang, mahina, at walang kuwenta sapagkat ni isang laban ay
walang naipanalo ang kaniyang ama. Mag-isang hinubog ni Okonkwo ang kaniyang
kapalaran. Nagsumikap maiangat ang buhay, nagkaroon ng maraming ari-ariang
sapat upang magkaroon ng tatlong asawa, titulo sa mga laban, at higit sa lahat
pagkilala mula sa mga katribo.
Hango sa Paglisan (Buod) Isinalin ni Juliet U. Rivera

20. Ano ang mahihinuha sa pagkatao ni Okonkwo batay sa kaniyang mga desisyon
sa buhay?
a. mapaghiganti
b. may iisang salita
c. puno ng hinanakit
d. may determinasyon sa buhay

DEPED COPY

21. Sa iyong palagay, bakit gusto ni Okonkwo na makilala siya ng mga katribo?
a. mahina ang kaniyang ama
b. gusto niyang maghiganti sa kaniyang ama
c. dahil walang kuwenta ang kaniyang ama
d. gusto niya ng karangalan, pangalan, at katanyagan
22. Paano ang dapat na pagsusuri sa akda bilang isang salin?
a. maayos ang pagkakasalin
b. malaya at madaling maunawaan
c. nauunawaan ang nais ipabatid ng isinalin
d. Ang lahat ng wika ay may sariling bisa at kakayahan sa pagpapahayag
ng kulturang Pilipino at ng ibang bansa.
23. Sa pagsasalin, anong mga pinakamahalagang hakbang ang dapat na isaalangalang?
a. muling isalin
b. magdagdag at magbawas ng salita
c. ihambing sa iba ang ginawang salin
d. rebisahin ang salin upang itoy maging totoo sa diwa ng orihinal.

238

Para sa bilang 24-25


Alanganing Dalaw

Minsan kadudulog pa lamang ni Lieblings, isang tanyag na musikero, sa
hapag kainan nang may isang panauhing dumating.

Naririto si Ginoong X, na inyong kaibigan, pagbabalita ng utusan.

Gayon na lamang ang pagkayamot ng naabalang musiko at padarag na
sinabi, Napakaalanganin naman ng oras ng dalaw na iyan. Dalhin mo siya sa sala
upang di mainip.

Matapos ang isang masaganang hapunan, tinungo ni Lieblings ang
kinaroroonan ng kaibigan.

Naku, dinaramdam kong napaghintay kita, pero laging eksaktong alas
siyete ang aming hapunan.

Alam ko, ang tuyot na pakli ni Ginoong X, katunayan, iyan ang sinabi mo
sa akin nang anyayahan mo akong maghapunan dito sa inyo ngayong gabi.
Halaw sa Little Book of Music Anecdote
ni Helen Kauffman
24. Batay sa binasang anekdota, tama ba ang naging pasiya ng musikero na
ipagpatuloy ang kaniyang hapunan bago harapin ang panauhin?
a. Oo, sapagkat hindi siya dapat malipasan ng gutom.
b. Hindi, sapagkat hindi mainam na paghintayin ang panauhin.
c. Hindi, sapagkat baka maaaring mahalaga ang sadya ng panauhin.
d. Oo, sapagkat ang pagkain ng hapunan sa ganap na alas siyete ng gabi
ay kaniyang nakagawian.

DEPED COPY
25. Anong aral ang iyong natutuhan sa anekdotang binasa?
a. Tanggapin nang maayos ang mga panauhin.
b. Iwasan ang pagbabalat-kayo, itoy hindi mabuting gawa.
c. Hindi mabuting unahin ang pansariling pangangailangan.
d. Tulungan nang taos-puso ang nangangailangan.

Para sa bilang 26-29


Sa tingin ko nga, mas mahal pa niya kami kaysa kaniyang sarili. Nang mawala
ang aming ama, ganoon na lamang ang pag-aalala namin sa kaniya. Inaakala ko
na manghihina ang kaniyang katawang pisikal at espiritwal subalit nanatili siyang
matatag at nakakapit sa Diyos.
26. Anong damdamin ang namamayani sa nagsasalaysay sa talata?
a. pagkalungkot
c. paghihinanakit
b. pagkabalisa
d. panghihinayang
27. Ano ang ipinahihiwatig ng pangungusap na Sa tingin ko nga, mas mahal pa
niya kami kaysa sa kaniyang sarili?
a. Gagawin ng magulang ang lahat para sa mga anak.
b. Alam ng magulang kung ano ang makabubuti sa mga anak.
c. Ibinibigay ng magulang ang mga luho ng anak para sa sarili nitong
kapakanan.
d. Ibibigay ng magulang ang mga pangangailangan ng mga anak.

239

28. Anong uri ng ina ang masasalamin sa talata?


a. malulungkutin subalit matatag
b. nangungunsinti sa kakulangan ng mga anak
c. mapagbigay para sa pangangailangang pisikal ng mga anak
d. inang mapagmahal sa mga anak at nagpapahalaga sa Diyos
29. Ano ang maaaring maging bunga ng pagkakaroon ng pananampalataya sa
Diyos ng isang ina?
a. katatagan ng buong pamilya.
b. panghihina ng espiritwal na aspekto.
c. pamumuhay ng masaganang materyal.
d. maraming pagsubok sa bawat miyembro ng pamilya.
30. Pinasusuri ng iyong kaibigan ang kaniyang isinulat na kuwento. Kung
magmumungkahi ka sa kakulangan ng detalye nito, alin sa sumusunod na
pahayag ang iyong gagamitin?
a. Parang may kulang pang detalye
b. Ilagay mo ang detalye ng pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan.
c. Mas mabuti kung ilalagay mo ang ilang detalye ng pakikipagsapalaran
ng pangunahing tauhan.
d. Maaari ring maingat mong ilagay ang detalye tungkol sa
pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan.

DEPED COPY

31. Tinatapos mo ang huling saknong ng isinusulat na tula. Anong matatalinghagang


pananalita ang iyong ilalapat kung nais mong ipahiwatig ang salitang masipag?
a. bukas-palad
c. sawimpalad
b. kapos-palad
d. makapal ang palad
32. Anong simbolismo ang akmang ilapat sa dalawang tulang binasa batay sa
talinghaga ng mga ito?
Unang Tula

Ikalawang Tula

Samakatuwid, akoy minahal.


Samakatuwid, akoy lumigaya.
Samakatuwid, akoy kapilas ng buhay.
Samakatuwid, akoy nagtamasa ng
dangal.

At kung akoy iyong nahambing sa


iba
na di nagkaisip na layuan siya,
disin ako ngayoy katulad nila
nawalan ng buhay at isang patay
na.

Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay


Salin sa Filipino ni Mary Grace A.
Tabora
a. araw at gabi
b. diyamante at bato

Ang Matanda at ang Batang


Paruparo
Rafael Palma
c. halakhak at luha
d. puti at itim

240

Para sa bilang 33

Ikay magtino, munting bata, baka pagliyabin ko ang iyong mga paa, dahil
ako ang pulat mainit na baga.

Datapuwat ako, ako ang ulan na papawi sa baga: Ako ang malakas na
agos na tatangay sa iyo.

Ako ang makapangyarihang sutlang-puno ng bulak na matayog sa ibang
puno.

At ako, ako ang nananakal na baging na gagapang sa tuktok ng higanteng
kagubatan.

Husto na ang pangangatuwirang ito. Hindi mo mapapasakamay ang Mali.

Tandaan, walang silid para sa dalawang hari sa isang reyno Soumaoro;
pahintulutan mo akong agawin ang iyong puwesto.

Magaling, sapagkat digmaan ang iyong ninasa ikay hindi ko uurungan
subalit itimo mong siyam na hari ang aking pinugutan ng ulo at inadorno sa aking
silid. Tunay na kaawa-awa, ang iyong uloy matatabi sa kapwa mo pangahas.

Ihanda mo ang iyong sarili Soumaoro, ang delubyoy mananalasa, sasalpok
at bubura sa iyo sa lupa.
Hango sa Sundiata: Epiko ng Sinaunang Mali
Salin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora
33. Batay sa tunggalian ng dalawang tauhan sa epiko, kaninong kilalang
personalidad ng kasaysayan sa bansa sila maihahambing?
a. Benigno Aquino II at Ferdinand Marcos
b. Ferdinand Magellan at Lapu-lapu
c. George W. Bush at Sadam Hussein
d. Nelson Mandela at Oliver Tambo

DEPED COPY

Para sa bilang 34 at 35

Hindi naglaon, may mga dumating na misyonero sa Mbanta. Sa tulong ng isang


interpreter na si G. Kiaga, kinausap ni G. Brown, lider ng mga misyonero ng mga
taga-Mbanta. Ipinaliwanag niya sa mga ito na ang kanilang pagsamba sa diyosdiyosan ay isang malaking kasalanan. Hindi naman maunawaan noon ng mga
taga-Mbanta kung paanong ang Tatlong Persona ay naging iisang Diyos katulad
ng ipinaliliwanag ng mga misyonero tungkol sa dapat na pagsamba sa iisa lamang
na panginoon. Layunin naman ng mga misyonero na dalhin ang Kristiyanismo
sa Mbanta at hindi ang tuligsain sila. Nagkasakit si G. Brown at pinalitan ni Rev.
James Smith, isang malupit at bugnuting misyonero. Nagkaroon ng relihiyon
ang mga taga-Mbanta. Habang isinasagawa ang taunang seremonya para
sa pagsamba sa Bathala ng Lupa, hinablot ni Enoch ang takip sa mukha ng
isang Egwugwu, katumbas ng pagkitil sa espiritu ng mga ninuno. Kinabukasan,
sinunog ng Egwugwu ang tahanan ni Enoch at ang simbahang itinayo nina Rev.
Smith.
Hango sa Paglisan (Buod) Isinalin ni Juliet U. Rivera
34. Ano ang paniniwala ng mga misyonero tungkol sa pananampalataya?
a. Palaganapin ang Kristiyanismo.
b. May tatlong persona sa iisang Diyos.
c. Mabuti ang pagsamba sa mga diyos-diyosan.
d. Dapat magkaroon ng seremonya tungkol sa pagsamba sa Bathala.

241

35. Ano ang nangyari habang isinasagawa ang taunang seremonya ng pagsamba
sa Bathala ng Lupa?
a. Nagkasakit si G. Brown.
b. Sinunog ang tahanan ni Enoch.
c. Sumanib ang isang masamang espiritu.
d. Hinablot ni Enoch ang takip sa mukha ng isang Egwugwu.
Para sa bilang 36-50

Sumulat ng mabisang diyalogo na gagamitin sa bubuuing patalastas
pantelebisyon na nagtatanghal ng kagandahan ng alinmang bansa sa Africa at Persia.

III. YUGTO NG PAGKATUTO


TUKLASIN

Sagutin ang paunang gawain na titiyak sa lawak ng kaalaman mo sa mga araling nasa
modyul.

GAWAIN 1: Pagkakakilanlan ng Bayan

DEPED COPY

Sagutin ang mga tanong. Gayahin sa sagutang papel ang kasunod na pormat.
Ano-ano ang kultura ng
Africa?

Ano-ano ang kultura ng


Iran?

Ano ang naging ambag


nito sa panitikan?

Ano ang naging ambag


nito sa panitikan?

LINANGIN
Naririto ang mga araling aakay sa iyo upang lubos mong maunawaan at mapahalagahan
ang mga akdang pampanitikan ng Africa at Persia.

242

Aralin 3.1
A. Panitikan:

Liongo (Mitolohiya mula sa Kenya)


Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles

B. Gramatika at Retorika: Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika


C. Uri ng Teksto:

Naglalahad

Panimula
Ang Republika ng Kenya ay isang bansa sa Silangang Africa. Napalilibutan ito ng
Ethiopia sa Hilaga, Somalia sa Hilagang-Silangan, Tanzania sa Timog, Uganda
sa Kanluran, at Sudan sa Hilagang Kanluran. Kasama ang karagatang Indian
sa Timog-Silangan. Mayaman ang bansa sa mga akdang pampanitikan, sining
sa inukit na bato, arkitektura ang mga palasyo, at museo na yari sa putik, may
musika, at sayaw na ritmo ng pananampalataya ng kanilang lahi. Masasalamin
natin ang kanilang mga literatura sa pamamagitan ng kanilang mga mitolohiya na
higit na magpapakilala sa atin ng kultura at tradisyon ng bansang Kenya.

DEPED COPY

Ang Aralin 3.1 ay isang mitolohiya mula sa Kenya, bahagi ng araling ito
ang pagtalakay sa mga pamantayan sa pagsasaling wika. Inaasahang masasagot
mo ang mga pokus na tanong na: Paano susuriin ang mga kaisipang nakapaloob
sa mitolohiya na may ibat ibang batayan?; Paano magagamit nang angkop ang
mga pamantayan sa pagsasaling wika?
Gayundin, inaasahang makapagsasalin ka ng alinmang akdang
pampanitikan mula sa bansang Africa at Persia batay sa sumusunod na
pamantayan: katapatan at kawastuhan.

Yugto ng Pagkatuto

Tuklasin
Ngayon ay handa ka nang simulan ang mga gawain upang malaman ang mga sagot
sa mga pokus na tanong: Paano susuriin ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya
na may ibat ibang bayani?; at Paano magagamit nang angkop ang mga pamantayan
sa pagsasalarawan?
GAWAIN 1: Magagawa Natin
Basahin ang kasunod na mitolohiya mula sa Africa.Suriin ito bilang pagpapahalaga at
sagutin ang kasunod na mga tanong sa sagutang papel.

243

Mashya at Mashayana: Mito ng Pagkalikha



Mula sa primebal na hayop na Gayomart na hindi lalaki at babae. Nagmula
ang ikaanim na paglikha ni Ahura Ohrmuzd. Sa kabilang banda, si Ahriman Mainyu na
sinasabing espiritu ng masama at naninirahan sa kadiliman ay naghangad na wasakin
ang lahat ng nilikha ni Ahura Ohrmuzd.

Inisip naman ni Ahura Ohrmuzd na patayin si Gayomard kaya nagpadala siya
ng demonesa sa katauhan ni Jeh.

Nagtagumpay ang demonesa, subalit nabihag siya ng buwan na si Mah. Mula
sa binhi ni Gayomard bago siya namatay ay lumago at mula sa kaniyang bangkay ay
may tumubong isang puno na pinagmulan ng lahat ng may buhay na halaman. At dito
nanggaling sina Mashya at Mashyana.

Tumulong si Mashya at Mashyana sa pakikipaglaban kay Ahriman Mainyu.
Nagkaroon ng mga anak sina Mashya at Mashyana na tig-15 kambal na kumalat sa
buong daigdig at maging mga lahi ng sangkatauhan.
- Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, USA

1.
2.
3.

Mga Tanong
Tungkol saan ang mitolohiya?
Ilarawan ang ginawa ni Ahriman Mainyu
at ang ginawa ni Ahura Ohrmuzd?
Ang pagpatay ba ni Ahura Ohrmuzd
kay Gayomard ang pinagmulan ng
suliranin ng kuwento? Patunayan.
Bakit tumulong sina Mashya at Mashyana
sa pakikipaglaban kay Ahriman Mainyu?

Mga Sagot

DEPED COPY
4.

Gawain 2: Piliin ang angkop na salin sa salitang nakaitalisado sa loob ng panaklong.


Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot .

Noong unang (1.)
Time
(Bagyo, Oras, Panahon,) ang kalangitan at ang
kalupaan ay mag-asawa. Sila ay may dalawang anak na sina Langit at Tubigan.
Sila ay may kaniya-kaniyang (2.)
Covered
(palaruan, nasasakupan, palayan).
Si Langit ay diyosa ng (3.)
Galaxy
(kalawakan, lupain, kalangitan), at si (4.)
Pond
. (Kalikasan, Katubigan, Tubigan) naman ay diyosa ng katubigan. Sina
Langit at Tubigan ay (5.)
Married
(nagiibigan, nagpakasal, magkababata) at ang
naging anak nila ay apat, tatlo ang lalaki, at isa ang babae. Si Dagat ay (6.) Chic
(makisig, mayabang, mabait) malakas na lalaki at ang katawan ay mulato. Si Aldaw ay
(7.) Cheerful (masayahin, masigla, mainam) na lalaki na ang katawan ay ginto.Si
Bulan ay isang (8.)
Weak
(maginoong, mahinang, matabang) lalaki na ang
katawan ay ginto.Si Bulan ay isang mahinang lalaki na ang katawan ay kulay tanso.
Si Bitoon ang (9.) Only (tanging, marami, grupo ) babae na maganda ang katawan
at kulay (10.) Silver (pilak, ginto, tanso).

244

Linangin
Basahin ang isang mitolohiya mula sa Kenya upang malaman mo kung masasalamin
ba dito ang kanilang kultura.
Liongo
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles
Isinilang si Liongo sa isa sa pitong bayang nasa
baybaying- dagat ng Kenya. Siya ang nagmamayari ng karangalan bilang pinakamahusay na
makata sa kanilang lugar. Malakas at mataas
din siya tulad ng isang higante, na
hindi
nasusugatan ng ano mang mga armas. Ngunit
kung siyay tatamaan ng karayom sa kaniyang
pusod ay mamamatay siya. Tanging si Liongo at
ang kaniyang inang si Mbwasho ang nakaaalam
nito.Hari siya ng Ozi at Ungwana sa Tana Delta,
at Shangha sa Faza o isla ng Pate.
Nagtagumpay siya sa pananakop ng trono
ng Pate na unang napunta sa kanyang pinsang
si Haring Ahmad (Hemedi) na kinilalang kaunaunahang namuno sa Islam. Ang pagbabago ay
naging mabilis mula sa Matrilinear na pamamahala ng mga kababaihan tungo sa
Patrilinear na pamamahala ng kalalakihan sa pagsasalin ng trono. Nais ni Haring
Ahmad na mawala si Liongo kaya ikinadena at ikinulong siya nito. Nakaisip si Lionggo
ng isang pagpupuri. Habang ang parirala (Refrain) nito ay inawit ng mga nasa labas
ng bilangguan, bigla siyang nakahulagpos sa tanikala na hindi nakikita ng bantay.
Nang makita ito ng mga tao, tumigil sila sa pag-awit. Tumakas siya at nanirahan sa
Watwa kasama ang mga taong naninirahan sa kagubatan. Nagsanay siyang mabuti
sa paghawak ng busog at palaso na kinalaunan ay nanalo siya sa paligsahan ng
pagpana. Ito palay pakana ng hari upang siya ay madakip at muli na naman siyang
nakatakas. Kakaunti lang ang nakaaalam tungkol sa matagumpay na pagwawagi ni
Liongo sa digmaan laban sa mga Gala (Wagala). Kaya naibigay ng hari ang kaniyang
anak na dalaga upang ang bayaning si Liongo ay mapabilang sa kaniyang pamilya.

Nang lumaon si Liongo ay nagkaanak ng isang lalaki na nagtraydor at pumatay sa


kaniya.
- Mula sa http://www.a-gallery.de/docs/mythology.htm

DEPED COPY

GAWAIN 3: Paglinang ng Talasalitaan


Sa pamamagitan ng salita na nasa loob ng kahon ay tukuyin ang pinagmulan nito na
may kaugnayan sa mitolohiya.
Matrilinear

Ozi

______________________________________
______________________________________
______________________________________

______________________________________
______________________________________
______________________________________

245

Patrilinear

Faza

Gala

______________________________________
______________________________________
______________________________________

______________________________________
______________________________________
______________________________________

______________________________________
______________________________________
______________________________________

GAWAIN 4: Pag-unawa sa Akda


A. Sagutin ang mga tanong.
1. Ano ang suliranin ng tauhan?
2. Makatuwiran ba ang kaniyang naging desisyon? Patunayan.
3. Sumasang-ayon ka ba sa naging desisyon ni Liongo? Ipaliwanag.
4. Ano ang naging kilos at gawi ni Liongo?
5. Anong mahalagang aral ang nais nitong ipabatid mula sa iyong binasang akda?
B. Ibigay ang mga pangyayaring kaugnay ng mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya
batay sa suliranin ng akda, kilos, at gawi ng tauhan. Gawin sa pamamagitan ng
story board. Ilagay sa sagutang papel.

DEPED COPY
1.

2.

3.

4.

5.

6.

Upang higit pang maunawaan ang katangian ng mito, basahin mo ang isang mitolohiya
na nagmula sa bansang Nigeria.

246

Maaaring Lumipad ang Tao


Naisalaysay ni Virginia Hamilton
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles
Sinasabing iniingatan ng mga taong nakalilipad
ang kanilang kapangyarihan kahit na inaalis nila
ang kanilang pakpak.Inililihim nila ang kanilang
kapangyarihan sa lupain ng mga alipin. Sila ay
nagbalatkayong mga tao mula sa Africa na may
maiitim na balat. Hindi na nila maaaring ipaalam
sa kanila kung sino ang nakalilipad at ang hindi.

May matandang lalaki na nagngangalang
Toby, mataas ang kaniyang tindig. Samantalang
ang batang babae na dating may pakpak ay
si Sarah. Makikitang may batang nakatali sa
kaniyang likod. Nanginginig siya kung mabigat ang
mga gawain. Sa ganitong pangyayari sisigawan
siya ng tagapagbantay ng lupain.

Nagtatrabaho siya sa palayan mula sa
pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito.
Tinatawag nilang panginoon ang may-ari nito.
Inihalintulad raw siya sa kumpol ng putik, uling na kumikinang sa matigas na batong
nakasalansan na hindi matanggal.

DEPED COPY


Ang nagbabantay sa kanila ay nakasakay sa likod ng kabayo at itinuturo ang
mga aliping mabagal magtrabaho. Hinahampas ng latigo ang mga mabagal sa gawain
upang maging mabilis ang kanilang paggawa .

Si Sarah ay naghuhukay at nag-aayos ng pilapil sa palayan, habang ang
bata ay tulog sa kaniyang likod. Nang magutom ang bata ay nagsimula itong umiyak
nang malakas. Hindi niya ito mapatigil, ibinaba niya ito at hinayaang umiyak nang
umiyak maski ayaw niya itong gawin dahil anak niya ang bata.

Patahimikin mo iyan, sabi ng tagapagbantay sabay turo sa bata. Hinawakan
niya sa balikat si Sarah hanggang sa mapaluhod ito. Hinampas niya ang bata ng
latigo. Samantala, si Sarah ay bumagsak naman sa lupa.

Ang matandang naroroon na si Toby ang tumulong kina Sarah. Aalis ako
nang mabilis, sabi niya pagdaka.

Hindi makatayo nang tuwid si Sarah. Napakahina niya, nasusunog na ng araw
ang kaniyang mukha. Ang bata ay umiiyak nang umiiyak. Kaawaan mo kami, kaawaan
mo kami. Malungkot si Sarah dahil sa nangyari, naghihimutok siya at napaupo na
lamang sa pilapil .

Tumayo ka, ikaw, maitim na baka hiyaw ng tagapagbantay, itinuro si Sarah
at muli na namang hinampas ng latigo sa hita at ang sako niyang damit ay naging
basahan. Ang dugo sa kaniyang sugat ay humalo sa putik, di siya makatayo.

Nandoon si Toby, ngunit kahit isa ay walang makatulong sa kaniya.

Ngayon na, bago pa mahuli ang lahat.


Sige anak, ngayon na ang panahon, sagot ni Toby Humayo ka, kung alam
mo kung paano ka makaaalis.

247

Kum yali, Kumbuba tambe, at ang mga salita na may kapangyarihan


ang kanilang mabilis na nasambit nang pabulong at pabuntunghininga. Tumaas ang
isang paa ni Sarah sa hangin. Noong una ay di maayos ang kaniyang paglipad na
hawak-hawak nang mahigpit ang kaniyang anak. Naramdaman niya ang mahika, ang
misteryo ng salita ng Africa, sinabi niya na malaya na siya tulad ng isang ibon, na
animoy balahibong umiilanlang sa hangin.

Ang bantay ay nagronda habang humihiyaw, sumisigaw. Samantalang
si Sarah, at ang kaniyang anak ay lumilipad sa bakuran, sa mga kahoy, sa mga
nagtataasang puno na hindi siya nakikita maging ng tagapagbantay. Lumilipad siyang
tulad ng isang agila hanggang sa unti-unti na silang makita ng mga taong nasa ibaba.
Walang sinoman ang makapagsalita tungkol dito, hindi makapaniwala, subalit nakita
nila ito.

Nang sumunod na mga araw ay may nakitang patay na nakahandusay sa
maiinit na palayan, isang batang lalaki na alipin. Nakita siya ng tagapagbantay at
nilatigo siya, bumagsak ang bata. Pinuntahan siya ni Toby at sinabi nito ang salita
ng lumang Africa na minsan lang niyang narinig kaya hindi niya agad maintindihan.
Nakalimutan ng bata ang narinig niya. Nagtungo si Toby at muling naibulong sa bata,
nakuha niya ang tamang salita. Nagpagulong-gulong siya sa hangin. Pansamantala
siyang nakalipad at siya ay idinuyan sa mainit na simoy ng hangin at muli siyang
nakalipad.

Iba-iba pa ang bumagsak dahil sa init, naroon lagi si Toby. Umiiyak siya sa
nakikita niyang bumabagsak at nandiyan siya upang iabot ang kaniyang kamay
kumkumka yali, kum tambe! Pabulong niyang sabi at muli na naman silang
nakalipad at pumailanlang sa hangin. Ang isang lumilipad ay maitim at may makislap
na tungkod habang sila ay nasa taas ng ulo ng tagapagbantay. Dumako sila sa pilapil,
sa palayan, sa bakuran, at sa batis na dinadaluyan ng tubig .

DEPED COPY
Bihagin ang matanda, sabi ng tagapagbantay.

Narinig ko siyang sinabi ang mahiwagang salita, bihagin siya.


Samantala may isang tumatawag. Nakuha na ng tagapagbantay ang kaniyang
latigo upang itali si Toby. Kinuha niya ang kaniyang baril upang patayin ang negrong
si Toby.

Natawa lang si Toby, lumingon siya at ang sabi heeee, heee! Hindi ninyo
kilala kung sino ako? Hindi rin ninyo alam kung sino pa ang ibang tulad naming nasa
palayan. At muli niyang naibulong ang mahiwagang salita bilang pangako sa angkan
ng mga itim, sinabi niya ito sa lahat ng mga kalahi nilang nasa palayan sa ilalim ng
malupit na latigo.

Buba Yali... Buba... tambe


May napakalakas na sigawan at hiyawan ang baluktot na likod ay naunat,
matatanda at batang mga alipin ay nakalipad na magkakahawak-kamay. Nagsasalita
habang nakabilog animo singsing, umaawit pero hindi sila magkakahalo hindi pala sila
umaawit sila ay lumilipad sa hangin langkay-langkay na animo mga ibong tumatakip
sa asul na kalangitan, maiitim na anino. Hindi na mahalaga kung sila ay nakalilipad
nang napakataas. Tanaw nila ang plantasyon, ang taniman, paalis sa lupain ng mga
alipin. Lumilipad sila patungo sa kanilang kalayaan.

Kasabay nilang lumilipad si Toby at sila ay iniingatan nito. Hindi siya umiiyak,
hindi siya tumatawa, siya ay tagagabay. Nakita niya sa taniman ang mga katutubong
alipin na naghihintay kung sila ay makalilipad na tulad nila.

248

Isama ninyo kami sa paglipad, kanilang wika, pero silay natatakot sumigaw.


Hindi na nila nahintay na sila ay maturuang lumipad. Naghintay ng pagkakataon
na makatakbo paalam ang sabi ng matandang tumatawag na si Toby, Kausapin mo
sila ulilang kaluluwa! At siya ay lumipad at naglaho.

Sinabi ng tagapagbantay sa kanilang panginoon ang kanilang nasaksihan. Ito
ay isang kasinungalingan, gawa lamang ng liwanag. Subalit ang tagapagbantay ay
hindi nagsalita sapagkat alam niya ang totoo.

Ang mga aliping hindi nakalipad ay nagpatuloy sa pagkukuwento sa kanilang
mga anak. Ang pangyayaring ito ay hindi nila malilimutan. Naalala nila noong sila ay
malaya at nakaupo sa paligid ng kanilang lupang tinubuan.

At sinabi nila ito sa mga bata, ang tungkol sa mga taong hindi nakalilipad
hanggang ngayon.
- Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, USA
GAWAIN 5: Suriin Natin
Ihanay ang mga pangyayari sa kuwento gamit ang Story Ladder.

DEPED COPY
GAWAIN 6: Mahalaga ang Opinyon Mo
Magbigay ng mga kaisipang nakapaloob sa binasang mitolohiya. Itala sa tsart at
lagyan ng tsek (a) ang kolum kung ito ay makatotohanan o di makatotohanan at
ipaliwanag ang iyong sagot sa huling kolum.
Kaisipan

MK

1.
2.
3.
4.
5.

249

DMK

Paliwanag

Pagsasanib ng Gramatika at Retorika


Alam mo ba na...
ang pagsasaling wika ay ang paglilipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit
na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isasalin? Ang isinasalin ay ang diwa
ng talata at hindi ang bawat salita na bumubuo rito.
(Santiago, 2003).
Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Tagapagsalin
1. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot. Nakukuha niya ang
kahulugan ng kaniyang isinasalin o siyay mahusay na. Kumokonsulta sa
diksyonaryo. Nauunawaan niya ang maliit na himaymay ng kahulugan at
halagang pandamdamin taglay ng mga salitang gagamitin.
2. Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa
pagsasalin. Ang kaalaman sa gramatika ng dalawang wika sa pagsasalin ay
kailangang-kailangan ng tagapagsalin sa pagsusuri ng diwang nais ipabatid
ng awtor, gayundin sa wastong paggamit ng mga salita, wastong pagkakabuo,
at pagsusunod-sunod.
3. Sapat na kakayahan sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag. Ang
kakayahang magsalita sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin at
kaalaman sa gramatika ay hindi sapat para makapagsalin. Kaya kung ang
lahat ng salin ay patas, nagiging higit na mahusay na tagapagsalin ang
manunulat.

DEPED COPY

4. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin. Marapat na ang tagapagsalin ay


may higit na kaalaman sa paksa. Sapagkat siya ay higit na nakaaalam at
nakauunawa sa mga konseptong nakapaloob dito.
5. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin.


Walang higit na mabisa kaysa ibang wika. Ang lahat ng wika ay may sariling
bisa at kakayahan bilang kasangkapan sa pagpapahayag ng kulturang Pilipino at ng
ibang bansa.
Gabay sa Pagsasaling-wika
Basahing mabuti ang buong tekstong isasalin at unawain ang kabuuang diwa nito.
Tandaang mahalaga para sa tagapagsalin na magkaroon ng malawak na kaalaman
sa wikang isasalin at sa wikang pagsasalinan. Mahalaga rin ang kakayahang
magsulat nang maayos at maging pamilyar sa mga estilo ng pagsulat sa dalawang
wikang kasangkot sa pagsasalin.
1. Isagawa ang unang pagsasalin. Isaisip na ang isasalin ay diwa ng isasalin at
hindi salita.
2. Basahin at suriing mabuti ang pagkakasalin. Tandaang ang pagdaragdag,
pagbabawas, pagpapalit, o pagbabago sa orihinal na diwa ng isinasalin nang
walang napakalaking dahilan ay isang paglabag sa tungkulin ng tagapagsalin.
3. Rebisahin ang salin upang itoy maging totoo sa diwa ng orihinal. Ayusin ang
bahaging hindi malinaw at nagbibigay ng kalituhan. Bigyang-pansin din ang
aspektong panggramatika ng dalawang wikang kasama sa pagsasalin.

Kung gagamit ng diksiyonaryo ay isaalang-alang ang ibat ibang kahulugan
ng isang salita. Kakailanganin ng isang mag-aaral ang pagsasanay upang makuha
ang kahulugang angkop sa konteksto ng pangungusap.

250

Pagsasanay 1:
A. Isalin mo sa Ingles ang sumusunod na salita.
Tagapagbantay ___________________________
Misteryo ___________________________
Nagpagulong-gulong
___________________________
Mahika ___________________________
Kumikinang ___________________________
B. Isalin sa Filipino ang kasunod na talata.
There was a great outcryin. The bent backs
straighted up, old, and young who were called
slaves and could fly joined hands. Say like
they would ring-sing but they didnt shuffle in
a circle
C. Isalin sa Filipino ang sumusunod:
1. The Kikuyos are large tribe.
They speak a beautiful Bantu
language and lived on the slopes
of Movement Kenya.

2. The Yoruba believe that there is


a god, Ori, who supervise
peoples choice in heaven.
Destiny (Yoruba)

DEPED COPY
Literatura ng Africa

Kikuyo Literatura ng Africa

3. In the days of King Solomon, three thousand years ago, there lived in
Ethiopia a dynasty of Queen, who reigned with great wisdom.
The Queen of Ethiopia (Literatura ng Africa)

Pagsasanay 2: Suriin ang salin ng mitolohiyang Maaring Lumipad ang Tao gamit ang
kasunod na talahanayan. Lagyan ng tsek (a) ang mapipiling eskala: 5 Napakataas,
4 Mataas, 3 Mataas-taas, 2 Hindi mataas, at 1 Paunlarin pa.

The Overseer rode after her,


hollerin, Sarah flew over the
fences. She flew over the woods,
tall trees could not snag her. Nor
could the Overseer. She flew like an
eagle. Now, until she was gone
from sight. No one dared speak
about it. Couldnt belive it. But it
was, because they that was there
saw that it was.

251

Ang bantay ay nagronda


habang humihiyaw, sumisigaw.
Samantalang si Sarah at ang
kaniyang anak ay lumilipad sa
bakuran, sa mga kahoy, sa mga
nagtataasang puno na hindi siya
nakikita maging ng tagapagbantay.
Lumilipad siyang tulad ng isang
agila hanggang sa unti-unti na
silang makita ng mga taong nasa
ibaba. Walang sinuman ang
makapagsalita tungkol dito, hindi
makapaniwala, subalit nakita nila
ito.

Katangian
Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot.

Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang


kasangkot sa pagsasalin.
Sapat na kaalaman sa uri ng panitikang isasalin.
Sapat na kaalaman sa paksang isasalin.
Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansa
kaugnay sa pagsasalin.
Sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Ano ang masasabi mo sa pagkakasalin ng teksto? Angkop ba ang mga ginamit
na salita sa pagsasalin? Tama ba ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya?
Patunayan.
2. Paano nakatulong sa iyo ang binasang teksto na nakasalin sa Filipino?
3. Kung ang bersyong nasa Ingles lang ang binasa mo, ganito rin kaya ang
pagkaunawa mo sa teksto? Pangatuwiran.
4. Paano nakatutulong ang pagsasaling-wika ng mga akda sa pagpapahalagang
pampanitikan?

DEPED COPY
Pagnilayan at Unawain

Sagutin ang mga pokus na tanong na nasa loob ng kahon.

1. Paano susuriin ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya na may ibat


ibang batayan?
2. Paano magagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika?

Ilipat

Isa kang mahusay na tagapagsalin. Napili ka ng embahada ng Africa at


Persia upang isalin ang kanilang mga mitolohiya sa wikang Filipino upang
maipakilala ang kanilang bansa sa buong daigdig. Tiyaking magagamit mo
ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika.
A. Katapatan................. ................................................................. 50 puntos
B. Kawastuan ................................................................................. 50 puntos
Kabuuan ....................................................................................100 puntos

Binabati kita! Matagumpay mong naisagawa ang mga gawain sa araling ito.
Kung may hindi ka pa lubos na naunawaang paksa ay maaari mong balikan ang salin
sa modyul. Kung malinaw na sa iyo ang lahat ay maaari ka nang magpatuloy sa iyong
paglalakbay sa mundo ng anekdota.

252

Aralin 3.2
A. Panitikan:

Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/Iran)


Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles

B. Gramatika at Retorika: Gramatikal, Diskorsal, Estratedyik sa



Pagsasalaysay ng Orihinal na Anekdota
C. Uri ng Teksto:

Nagsasalaysay

Panimula
Sa Persia (Iran), ang kanilang mga lupain, mga tao na binabanggit kasama ng
Medo, at mga Persiano ay magkakaugnay na mga bayan ng sinaunang Tribong
Aryano. Mayaman sa sining tulad ng pagpana at pangangabayo. Ang pagsasabi
ng katotohanan ay makikita sa literaturang naiambag nila sa maraming bansa sa
daigdig.

DEPED COPY

Ang Aralin 3.2 ay tungkol sa anekdota ng Persia (Iran) na kakikitaan ng mga


kasabihan, relihiyon sa paniniwalang Sufism, pagpapaunlad ng isang indibiduwal sa
pamamagitan ng pandama. Masusuri rin ang kanilang matapat na pakikipamuhay
sa kapwa at mga naiambag ng kanilang mahusay na mga manunulat sa mundo ng
pilosopiya at paniniwala. Kasabay din nito ang pagpapaunlad ng iyong kasanayan
sa pagsasalaysay.
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makapagmumungkahi at
makapaglalapat ng isang matalinong desisyon batay sa pangyayaring makapagiiwan ng kakintalan o aral sa mga bumabasa.
Aalamin mo kung paano naiba ang anekdota sa mga kauri nito. Gayundin
kung paano nakatulong ang diskursong pasalaysay sa pagsulat at pagbasa ng
mga anekdota batay sa sumusunod na pamantayan: a.) Ang pamagat ay maikli,
orihinal, at napapanahon, b.) mahalaga ang paksa o diwa, c.) maayos at di-maligoy
ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, at d.) kaakit-akit na simula at may
kasiya-siyang wakas.

253

Yugto ng Pagkatuto

Tuklasin
Gawain 1: Basahin mo ang isang anekdota at iyong suriin ang mga pangyayari sa
binasa na may kaugnayan sa pagdedesisyon sa pamamagitan ng pagpunan sa
talahanayan.
Akasya o Kalabasa
Consolation P. Conde
Hindi maikakaila na kung malaki ang puhunan ay maaaring tumubo rin iyon nang
malaki kaysa maliit ang naturan. Gayundin ang paghahanda at pagpupunyagi ng tao
na pinamumuhunanan ng puu-puung taong pag-aaral at pagpapakasakit. Karaniwan
nang sa may mataas na pinag-aralan ay maamo ang kapalaran. At itoy maitutulad din
nga sa paghahalaman.

Pasukan na naman. Nagbukas na ang mga pamantasan at matataas na
paaralan sa Maynila.

DEPED COPY
Samantala, sa nayon ng Kamias, hindi kalayuan sa lungsod


Maagang nagbangon nang umagang yaon si Aling Irene at inihanda
kapagkaraka ang mga pangangailangan ng kabutong anak na si Iloy. Si Mang Simon
naman ay hindi muna nagtungo sa linang upang samahan sa pagluwas ang anak na
pag-aaralain sa Maynila.

Awa naman ng Diyos ay maluwalhating nakarating sa lungsod ang mag-ama.
Isang balitang paaralang sarili ang kanilang tinungo agad. Dinatnan nila ang tagatala
na abalang-abala sa pagtanggap ng di-kakaunting mga batang nagsisipagprisinta.

Nagpalinga-linga si Mang Simon. Nang makita ang babalang nakasabit sa may
pintuan ng Tanggapan ng Punung-guro ay kinawit sa bisig si Iloy. Halika at makikipagusap muna ako sa punung-guro.

Magandang umaga po sa kanila, panabay na bating galang ng mag-ama.

Magandang umaga po naman, tugon ng punung-guro na agad namang
nagtindig sa pagkakaupo at nag-alok ng upuan. Ano po ang maipaglilingkod ko sa
kanila?

E, ibig ko po sanang ipasok ang aking anak dito sa inyong paaralan.

A, opo. Sa ano po namang baitang? usisa ng punung-guro.


Katatapos pa po lamang niya ng elementarya sa aming nayon noong
nakaraang Marso, paliwanag ni Mang Simon.

Kung gayon poy sa unang taon ng haiskul, ano po?


Ngunit ibig ko po sanag malaman kung maaaring ang kunin na lamang niya
ay isang maikli-ikling kurso ukol sa isang tanging karunungan upang siyay makatapos
agad, maaari po ba?

254


Aba, opo, maaga pa na tugon ng punong-guro. Maaaring ang lalong
pinakamaikling kurso ang kaniyang kunin. Iyan ay batay sa kung ano ang gusto
ninyong kalabasan niya. Kung ang nais ninyo ay magpatubo ng isang mayabong na
punong akasya, gugugol kayo ng puu-puung taon, subalit ang kakailanganin ninyo ay
ilang buwan lamang upang makapaghalaman kayo ng isang kalabasa.

Dili di natubigan si Mang Simon sa huling pangungusap ng punong-guro.
Gayundin si Iloy. Pagkuwan ay nagbulungan ang mag-ama.

At umuwi nang nag-iisa si Mang Simon. Habang naglalakbay na patungong
lalawigan ay tatambis-tambis sa sarili: A, mabuti na nga ang kunin niyang buo ang
kurso sa haiskul at saka na siya kumarera. Higit na magiging mayabong ang kaniyang
kinabukasan.
- Mula sa Diwang Kayumanggi. 1970
Pangyayari

Kaugnay na Pagdedesiyon

GAWAIN 2: Ating Suriin


1. Ang akdang Akasya o Kalabasa ay isang anekdota. Ibigay ang mga katangian
ng akda?
2. Paano naiiba ang anekdota sa iba pang mga kauri nito?
3. Ipaliwanag ang mga pangyayari gamit ang diskursong pagsasalaysay.

DEPED COPY

GAWAIN 3: Buuin mo


Sumulat ng isang karanasang hawig ang paksa sa binasang anekdota.
Maaaring tungkol sa sarili o isang kakilala. Pagkatapos mong maisagawa ang mga
gawain, basahin ang isang anekdota mula sa bansang Iran upang makilala ang
kanilang mga paniniwala at prinsipyo. Tingnan natin kung nagtataglay ito ng mga
elemento ng isang anekdota.
Alam mo ba na...
ang anekdota ay isang kuwento ng isang nakawiwili at nakakatuwang pangyayari
sa buhay ng isang tao? Layon nito ay makapagpabatid ng isang magandang
karanasan na kapupulutan ng aral. Itoy magagawa lamang kung ang karanasan o
ang pangyayari ay makatotohanan.

Isang malikhaing akda ang anekdota. Dapat na ang bawat pangungusap
ay kukuha ng interes ng mambabasa. Dapat na ang panimulang pangungusap ay
kapana-panabik. Ang isang magandang panimula ay magbibigay ng pagganyak sa
mambabasa at mahihikayat na ipagpatuloy ang pagbasa ng anekdota.
Naririto ang ilang katangian ng anekdota:
a. May isang paksang tinatalakay. Ito ay dapat bigyan ng kahulugan sa pagsulat
ng anekdota. Lahat ng mga pangyayari ay dapat mabigyan ng kahulugan sa
ideyang nais ilahad.
b. Ang isang anekdota ay nagdudulot ng ganap na pagkaunawa sa kaisipang nais
nitong ihatid sa mga mambabasa. Di dapat mag-iwan ng anumang bahid ng
pag-aalinlangan na may susunod pang mangyayari.
Tl.answer.com/o/Ano_ibig_sabihin_ng_anekdota

255

Linangin
Kung saan magpunta si Mullah ay naroon ang tawanan. Dalubhasang pilosopo at
tagapayo siya ng mga hari sa kanilang lugar. Nagsimula ang kaniyang mga kuwento
sa Persia. Naniniwala ang Sufis na ang pagpapatawa ay nagdudulot ng kasiyahan
sa bawat tao. Isinilang siya sa bayan ng Eskishehir (ak Shehir). Dakilang guro sa
pagpapatawa na siyang naging behikulo ng mga manunulat para sa pagbuo ng
kaisipan at paniniwala na di-makakasakit subalit nakapagbibigay-sigla sa mambabasa.
Iyong alamain kung paano naiba ang anekdota ng Persia sa iba pang mga kauri nito.
Mullah Nassreddin
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles
Si Mullah Nassreddin na kilala bilang Mullah
Nassr-e Din (MND) ang pinakamahusay sa
pagkukuwento ng katatawanan sa kanilang
bansa. Lagi itong naaalaala ng mga Iranian na
dating mga Persiano noong sila ay mga bata
pa. Libo-libong kuwento ng katatawanan ang
naiambag ni Mullah Nassreddin sa kanilang
lipunan. Tinagurian din siyang alamat ng sining
sa pagkukuwento dahil sa mapagbiro at puno ng
katatawanang estilo sa pagsulat. Nagpasalin-salin
sa bibig ng mga tao ang kaniyang mga naisulat
mula noon magpasahanggang ngayon.

DEPED COPY

Naimbitahan si Mullah Nassreddin upang


magbigay ng isang talumpati sa harap ng maraming
tao. Sa pagsisimula niya, nagtanong siya, Alam
ba ninyo ang aking sasabihin? Sumagot ang mga
nakikinig Hindi, kung kayat kaniyang sinabi Wala akong panahong magsalita sa
mga taong hindi alam ang aking sasabihin, at siya ay umalis. Napahiya ang mga tao.
Inanyayahan siyang muli upang magsalita kinabukasan. Nang muli niyang tanungin
ang mga tao ng katulad na katanungan ay sumagot sila ng Oo, sumagot si Mullah
Nassreddin Kung alam na pala ninyo ang aking sasabihin, hindi ko na sasayangin
ang marami ninyong oras muli siyang umalis. Ang mga tao ay nalito at nataranta sa
kaniyang naging sagot. Sinubukan nilang muli na anyayahan si Mullah Nassreddin
upang magbigay ng pahayag at muli siyang nagtanong Alam ba ninyo ang aking
sasabihin? Handa na ang mga tao sa kanilang isasagot ang kalahati ay nagsabi ng
Hindi, at ang kalahati ay sumagot ng Oo, kung kayat muling nagsalita si Mullah
Nassreddin Ang kalahati ay alam ang aking sasabihin, kayat kayo ang magsasabi sa
kalahati na di alam ang aking sasabihin, at siya ay lumisan.
- Mula sa http://iranian.com/main/blog/m-saadat-noury/frist-iranian-mullah-who-wasmaster-anecdotes.html
GAWAIN 4: Paglinang ng Talasalitaan
A. Tukuyin ang kasingkahulugan ng mga salitang nakasulat nang pahilig sa
pangungusap. Piliin sa loob ng kahon at isulat lamang ang titik ng iyong sagot sa
patlang.
a. lumisan

b. nalito

c. napahiya

d. sayangin

e. naimbitahan

______1. Ang mga taong nakikinig sa kaniya ay nagulumihanan.


______2. Ang sermon na ginawa ni Mullah ay dapat pag-aralan at huwag itong
aksayahin.

256

______3. Nangimi ang mga nakikinig sa kaniyang Homilya.


______4. Muli na naman siyang inanyayahan sa simbahan.
______5. Agad siyang umalis matapos makapagsalita sa harap ng mga tao.

GAWAIN 5: Ating Suriin
A. Sagutin ang mga gabay na tanong.
1. Ilarawan si Mullah.
2. Anong katangian ng pangunahing tauhan ang naibigan mo? Bakit?
3. Anong pamamaraan ng pangunahing tauhan ang ginampanan upang siya ay
makilala bilang pinakamahusay sa larangan ng pagpapatawa?
4. Sumasang-ayon ka ba sa paraan ng kaniyang pagtuturo sa mga tao?
5. Sino sa kasalukuyang panahon ang maihahambing natin kay Mullah?
Patunayan ang sagot.
6. Anong pangunahing kaisipan ang hatid ng akda sa mambabasa?
7. Kung ikaw ay mabigyan ng pagkakataon na gumawa ng isang anekdota anong
paksa ang nais mong isulat? Bakit?
8. Paano naiba ang anekdota sa mga iba pang kauri nito? Masasalamin ba ang
kanilang paniniwala at prinsipyo sa kanilang mga isinulat?
B. Suriin ang mahalagang bahagi ng Anekdota Mullah Nassreddin. Gawin ito sa
pamamagitan ng pagbuo ng tsart na nasa ibaba.

DEPED COPY
Mullah Nassreddin

Panimula:

Tunggalian:

Kasukdulan:

Kakalasan:

Wakas:

Narito ang isang anekdota ni Saadi. Ang mga sulat ni Saadi ay naitala dahil sa dalawang
kadahilanan: Una ang pagiging simple sa paggamit ng direktang lengguwahe o salita
upang makabuo ng isang mahusay na aklat para sa pagsisimula ng mga mag-aaral na
Persiano. Ikalawa, binubuo ito ng simpleng kasabihan at mga kuwento na itinuturing
na mahusay na mga pahayag ng paniniwalang Sufi.

Para sa Sufis, ang Sufism ay hindi lamang relihiyon o pilosopiya, bahagi ito
ng buhay. Wala itong kaugnayan sa bagay at lugar at hindi rin ito nagpapahalaga sa
oras, pera o maging karangalan. Nakapokus ito sa pagpapaunlad ng isang indibidwal
sa pamamagitan ng kanilang mga pandama.

257

Ang pagkaunawa sa Sufi ay maihahalintulad sa pagbibinata o pagdadalaga


na kung paanong ang bata ay nagkakaroon ng kaalaman sa kaniyang pagbibinata/
pagdadalaga. Matutuhan ng tao ang kaalamang Sufi sa proseso, pag-unawa at
pagsasanay.
Sa kanilang paglalakbay, hinihiling ang magandang ikabubuhay at taimtim na
dumadalangin sa awa at pag-ibig ng Diyos. Sa kanilang mga panulat ng naisasalaysay
ang hiwaga na naabot ni Saadi gayundin ang kaniyang pagbabahagi ng kaniyang
kaalaman sa buong mundo.
Mula sa mga Anekdota ni Saadi
Persia
ni Idries Shah
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles
Mongheng Mohametano sa kaniyang pag-iisa.
Isang araw, ang mongheng Mohametano ay nagiisa at namamanata sa disyerto. Ang Sultan naman
na namamaybay sa kaniyang ruta, sa kaniyang
nasasakupan ay matamang nagmamasid sa mga
tao. Nakita niya na hindi nagtaas ng kaniyang ulo
ang Mongheng Mohametano habang dumadaan
siya.

DEPED COPY

Nagalit ang Sultan at nagwika Ang nakasuot


ng balabal ay walang pakiramdam, tulad siya ng
hayop, hindi siya nagtataglay ng paggalang at
kababaang loob.


Kung kayat ang vizier o ministro ay nagwika Mongheng Mahametano! Ang
Sultan ng buong mundo ay nagdaan sa iyong harapan. Bakit di mo siya binigyan ng
kaukulang paggalang?

Sumagot ang Mongheng Mohametano, Hayaan mong ang Sultan ang
magbigay ng paggalang para hanapin ang magbebenipisyo sa kaniyang magandang
gawa. Sabihin mo sa kaniya, ang hari ay nilikha para sa kagalingan ng kaniyang
nasasakupan at hindi nilikha ang mamamayan para paglingkuran ang Sultan.
- Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, USA

GAWAIN 6: Ating Kilalanin

Kilalaning mabuti si Saadi, punan ang Character Web sa ibaba.

SAADI

258

GAWAIN 7: Sagutin Natin


Ihambing ang anekdota sa iba pang mga akdang pampanitikan. Gayahin ang pormat
sa sagutang papel at isulat ang sagot.
Anekdota

Talambuhay

Tala ng Paglalakbay
(Travelogue)

Paksa
Tagpuan
Paraan ng
pagkakasulat
Mensahe/Aral
Nilalaman

GAWAIN 8: Ating Palawakin

A. Magmungkahi at maglapat ng isang matalinong desisyon batay sa pangyayaring


nakapag-iwan ng kakintalan o aral.

DEPED COPY

B. Isulat ang karanasang nangingibabaw sa nabasang anekdota.

Pagsasanib ng Gramatika at Retorika


Alam mo ba na...
ang pagsasalaysay ay isang diskurso na naglalatag ng mga karanasang
magkakaugnay? Pagkukuwento ito ng mga kawili-wiling pangyayari, pasulat man
o pasalita. Itinuturing ito na pinakamasining, pinakatanyag, at tampok na paraan
ng pagpapahayag. Ito rin ang sinasabing pinakamatandang uri ng pagpapahayag
sapagkat dito nagsimula ang alamat o epiko, at mga kuwentong bayan ng ninunong
mga Pilipino maging sa ibang bansa man.

Ang pagpili ng paksa ang unang mahalagang hakbang sa pagsulat ng
pagsasalaysay.Kailangang ito ay maganda at kawili-wili. Bukod dito, mahalaga
ring napapanahon ito at may dalang lugod at kabutihan sa mga mambabasa.

259

Ilan sa dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa


1. Kawilihan ng Paksa Dapat ay likas na napapanahon; may mayamang
damdaming pantao, may kapana-panabik na kasukdulan, naiibang tunggalian,
at may malinaw at maayos na paglalarawan sa mga tauhan at tagpuan.
2. Sapat na Kagamitan Mga datos na pagkukunan ng mga pangyayari.
3. Kakayahang Pansarili Ang pagpili ng paksa ay naaayon din sa kahusayan,
hilig, at layunin ng manunulat.
4. Tiyak na Panahon o Pook Ang kagandahan ng isang pagsasalaysay ay
nakasalalay sa malinaw at masining na paglalarawan ng panahon at pook
na pinangyarihan nito. Kaya, mahalagang iwasan ang labis na paghaba
sa panahong sakop ng salaysay at pagbanggit ng napakaraming pook na
pinangyarihan ng salaysay.
5. Kilalanin ang mambabasa Sumusulat ang tao hindi para lamang sa kaniyang
pansariling kasiyahan at kapakinabangan, kundi para sa kaniyang mambabasa.
ANG MGA MAPAGKUKUNAN NG PAKSA
1. Sariling Karanasan Pinakamadali at pinakadetalyadong paraan ng
pagsasalaysay ng isang tao sapagkat ito ay hango sa pangyayaring naranasan
ng mismong nagsasalaysay.
2. Narinig o napakinggan sa iba Maaring usapan ng mga tao tungkol sa isang
pinagtatalunang isyu, mga balita sa radyo at telebisyon, at iba pa. Subalit,
tandaang hindi lahat ng narinig sa iba ay totoo at dapat paniwalaan. Mahalagang
tiyakin muna ang katotohanan bago isulat.
3. Napanood Mga palabas sa sine, telebisyon, dulaang panteatro, at iba pa.
4. Likhang-isip Mula sa imahinasyon, katotohanan man o ilusyon ay makalilikha
ng isang salaysay.
5. Panaginip o Pangarap Ang mga panaginip at hangarin ng tao ay maaari ring
maging batayan ng pagbuo ng salaysay.
6. Nabasa Mula sa anumang tekstong nabasa kailangangang ganap na
nauunawaan ang mga pangyayari.

DEPED COPY
MGA URI NG PAGSASALAYSAY

1. Maikling Kuwento Nagdudulot ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa


sa pamamagitan ng paglalahad ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng
tauhan.
2. Tulang Pasalaysay Patulang pasalaysay ng mga pangyayari sa pamamagitan
ng mga saknong.
3. Dulang Pandulaan Binibigyang diin dito ang bawat kilos ng mga tauhan, ang
kanilang panlabas na kaanyuan kasama na rito ang kanilang pananamit, ayos
ng buhok at mga gagamiting mga kagamitan sa bawat tagpuan. Ang kuwentong
ito ay isinulat upang itanghal.
4. Nobela Nahati sa mga kabanata; punong - puno ng mga masalimuot na
pangyayari.
5. Anekdota Pagsasalaysay batay sa tunay na pangyayari
6. Alamat Tungkol sa pinagmulan ng isang bagay o anuman sa paligid.
7. Talambuhay Tala ng buhay ng isang tao, pangyayaring naganap sa buhay
ng isang tao mula sa kanyang wakas.
8. Kasaysayan Pagsasalaysay ng mahalagang pangyayaring naganap sa isang
tao, pook o bansa.
9. Tala ng Paglalakbay (Travelogue) Pagsasalaysay ng isang pakikipagsapalaran,
pagbibiyahe o paglalakbay sa ibang lugar.

260

Pagsasanay 1: Isulat ang mga salaysay na ginamit sa nabasang kuwento.

Mullah

Saadi

Pagsasanay 2: Punan ang kasunod na Double Entry Journal ng sariling reaksiyon


tungkol sa mga dapat isaalang-alang sa pagsusuri ng isang anekdota.
Pagsusuri

Ang Aking Reaksiyon

Kawilihan ng Paksa
Sapat na kagamitan

DEPED COPY
Kakayahang Pansarili

Tiyak na panahon o pook


Pagkilala sa mambabasa

Pagsasanay 3: Suriin natin ang mga katangiang dapat taglayin ng anekdotang


natalakay. Alamin natin sa pamamagitan ng pagsagot sa talahanayan. Lagyan ng tsek
(a) kung tama batay sa iyong pagsusuri at ipaliwanag kung bakit ito ang iyong sagot.
Katangian

Oo

Katamtaman

Hindi

Paliwanag

Makatawag pansin ang mga katangiaan


ng tauhan.
Payak at maikli ang pagpapahayag.
Nakakalibang habang binabasa.
Nakatulong ito upang lalong makilala si
Mullah/Saadi.
Pagsasanay 4: Sumulat ng isang anekdota batay sa sariling karanasan o pangyayaring
nasaksihan sa iba. Isaalangalang ang sumusunod na pamantayan: lohikal na
pagkakasunod-sunod ng pangyayari, malikhain at masining, maikli at madaling
makuha ang interes ng mambabasa.

261

Pagnilayan at Unawain
Sagutin ang mga tanong.
1. Mag-isip ng isang nakatutuwang pangyayari sa iyong buhay, noong nagsimula
kang mag-aral. Isalaysay.
2. Mula sa iyong karanasan, ano ang iyong natutuhan? Ipaliwanag.
3. Kung isasalaysay mo ito sa iba, ano ang gusto mong matutuhan ng iyong
kapwa?
4. Paano naiba ang anekdota sa iba pang mga kauri nito?
5. Nakatutulong ba ang gramatikal, diskorsal, estratedyik sa pagsasalaysay ng
mga orihinal na anekdota na buhat sa mga bansa ng daigdig?

Ilipat
Naanyayahan ka para magbigay ng talumpati sa isang pagtitipon sa inyong bayan.
Sa iyong pagtatalumpati, isasalaysay mo ang mga nakatutuwang karanasan
ng iyong buhay, mga desisyong ginawa mo na nakatulong ng malaki sa iyong
pagtatagumpay.

DEPED COPY

Tiyaking magagamit mo ang mga pamantayan.

a. Ang pamagat ay maikli, orihinal, kapana-panabik, at napapanahon ... 25 puntos


b. Mahalaga ang paksa o diwa
.... 25 puntos
c. Maayos at di-maligoy ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari.. 25 puntos
d. Kaakit-akit na simula at may kasiya-siyang wakas
... 25 puntos

Binabati kita! Matagumpay mong naisagawa ang mga gawain sa araling ito.
Kung may hindi ka pa lubos na naunawaang paksa ay maaari mong balikan ang
modyul. Kung malinaw na sa iyo ang lahat ay maaari ka nang magpatuloy sa iyong
pamamasyal. Ang bansang susunod mong papasyalan ay ang South Africa. Muli mong
masasalamin sa susunod na bansa ang kanilang kultura at tradisyon. Maligayang
paglalakbay at pag-aaral.

262

Aralin 3.3
A. Panitikan:

Nelson Mandela: Bayani ng Africa


(Talumpati mula sa South Africa)
Isinalin sa Filipino ni Roselyn T. Salum

B. Gramatika at Retorika: Paggamit ng Tuwiran at Di-tuwirang Pahayag sa


Paghahatid ng Mensahe

C. Uri ng Teksto:
Naglalahad

Panimula
Ang Aralin 3.3 ay nakatuon sa isang sanaysay, partikular ang isang talumpati
na binigkas ni G. Nelson Mandela sa kaniyang inagurasyon o pasinaya bilang
pangulo ng Africa. Nilalayon ng talumpati niyang ito na gisingin ang damdamin
ng mga taga-Africa sa pagsulong ng kapayapaan, katarungan, at kalayaan. Sa
araling ito ay kailangang maipamalas mo ang pag-unawa at pagpapahalaga sa
talumpati sa tulong ng mga pahayag na nanghihikayat.

DEPED COPY

Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makagagawa ng balangkas


ng napakinggang talumpati upang mas madaling matukoy ang mahahalagang
impormasyon na nais nitong ipabatid. Ito ay gagawin batay sa sumusunod na
pamantayan: a.) nilalaman, b.) taglay ang wastong pagkuha ng mahahalagang
impormasyon, at c.) makatotohanan.
Sa tulong ng ibat ibang gawain, tuklasin kung mabisa bang paraan ang
sanaysay sa paglalahad ng mahahalagang impormasyon sa kultura ng Africa at
kung paano nakatutulong ang angkop na mga tuwiran at di-tuwirang pahayag sa
paglalahad nito.

Yugto ng Pagkatuto

Tuklasin
Sa sumusunod na gawain, tutuklasin ang iyong kaalaman sa sanaysay.

GAWAIN 1: Deskripsiyon sa Sanaysay
Piliin ang mga salitang may kaugnayan sa sanaysay pagkatapos ay bumuo ng
mahalagang kaisipan gamit ang mga salitang napili.

263

kuro-kuro
opinyon

ideya

saloobin

isyu

talumpati

tauhan

banghay
balita

tugma
sukat

pananaw

SANAYSAY
GAWAIN 2: Iayos Mo
Pagsama-samahin ang mga impormasyon sa kahong dapat na magkakapangkat
at iayos ang wastong pagkakasunod-sunod nito upang makabuo ng wastong
impormasyon tungkol sa balangkas.

iskeleton ng susulatin
kahalagahan

DEPED COPY
kahulugan

mapa ng impormasyon

mapag-iisipang mabuti ang paksa

mapipili mo ang mga ideya o konsepto

mas magiging madaling ayusin ang mga ideya


plano ng paksang isusulat

GAWAIN 3: Alin ang totoo?


Suriin ang mga pahayag:
Ayon sa pananaliksik, ang musika, panitikan, sining, at kultura ng Africa ay nakakuha
ng mataas na pagpapahalaga at paggalang sa lipunan. Sa tingin ko, ang lumang
paniniwala na ang Africa ay tulad sa isang bata, ang pag-unlad ang naging dahilan
upang hindi ito mapansin noon.
Sagutin:
Aling pahayag ang mas pinaniniwalaan mo? Bakit?
Ngayong nalaman mo na ang iyong natatanging kaalaman sa panitikan at sa akdang
tatalakayin, maaari mo nang basahin ang akda. Maligayang pagbasa!

264

Alam mo ba na...
ang sanaysay ay ginagamit upang makapagbigay ng mahahalagang kaisipan
tungkol sa paksang nais nitong talakayin? Ang mahahalagang kaisipan sa sanaysay
ay tumutukoy sa mahahalagang impormasyong ibinibigay nito sa mambabasa.
Ang mahahalagang impormasyong ito ay maaaring isulat nang pabalangkas. Ang
balangkas ay isang lohikal o kayay kronolohikal at pangkalahatang paglalarawan
ng paksang isusulat. Ito rin ay isang panukalang buod ng komposisyon.
Ang talumpati ay isang halimbawa ng sanaysay. Ang sanaysay ay isang uri
ng panitikan na nasa anyong tuluyan na ipinahahayag ang sariling kaisipan, kurokuro, saloobin, at damdamin na kapupulutan ng aral, at aliw ng mambabasa.

Ayon kay Alejandro G. Abadilla, itoy pagsasalaysay ng isang sanay. Noong
1580, isinilang ito sa Pransiya at si Michel de Montaigne ang tinaguriang Ama ng
Sanaysay. Ito ay tinawag niyang essai sa wikang Pranses na nangangahulugang
isang pagtatangka, isang pagtuklas, isang pagsubok sa anyo ng pagsulat.
Ang dalawang uri ng sanaysay ay pormal at di-pormal o personal. Naririto
ang pagkakaiba ng dalawa:
Pormal

Di-Pormal o Personal

Nagbibigay ng impormasyon.
Nagsisilbing aliwan/libangan.
Nagbibigay ng mahahalagang kaisipan,
Nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng
o kaalaman sa pamamagitan ng
pagtalakay sa mga paksang karaniwan,
makaagham at lohikal na pagsasaayos
pang-araw-araw, at personal.
sa paksang tinatalakay.
Ang himig ng pananalita ay parang
Maingat na pinipili ang pananalita.
nakikipag-usap lamang.
Ang tono ay mapitagan.
Pakikipagkaibigan ang tono.
Obhektibo o di-kumikiling sa damdamin
Subhektibo sapagkat pumapanig sa
ng may-akda.
damdamin at paniniwala ng may-akda.

DEPED COPY
Linangin

Basahin at unawain ang talumpati ni G. Nelson Mandela na binigkas niya noong


Mayo 10, 1994 nang siya ay pasinayaan bilang pangulo. Naging daan ang panitikan
partikular na ang sanaysay o talumpati sa paglalahad ng pagnanais ng kalayaan ng
kanilang bansa. Sa talumpati ay naihahayag din nila ang pagkauhaw sa kalayaan,
karapatan, at katarungan na naging bahagi na ng kanilang buhay, ng kanilang kultura.

265

Nelson Mandela: Bayani ng Africa


Isinalin sa Filipino ni Roselyn T. Salum
Sa mga kapita-pitagan, kataas-taasang mga panauhin, mga kasama, at mga kaibigan

Ngayon, lahat tayong naririto ay pagkalooban nawa ng pagpapala at pag-asa
sa kasisilang na kalayaan gayundin naman sa mga nagdiriwang sa iba pang bahagi
ng mundo.

Mula sa mga karanasan ng di-pangkaraniwang kapahamakan ng tao na
namayani nang matagal, isisilang ang lipunang ipagmamalaki ng sangkatauhan.

Ang ating mga nagawa bilang ordinaryong mamamayan ng Timog Africa ay
kailangang magbunga ng tunay na mamamayan nito na magpapalawak sa paniniwala
ng sangkatauhan sa katarungan, magpapalakas sa tiwala sa kadakilaan ng kaluluwa,
at magtutustos sa lahat ng ating pag-asa sa kapakinabangan ng buhay ng lahat.

Ang lahat ng ito ay utang natin sa ating mga sarili at sa mga taong naririto
ngayon.

Sa aking mga kababayan, wala akong alinlangang sabihin na ang bawat isa
sa atin ay kasinlapit ang puso sa lupa ng napakagandang bansang ito, sa tanyag na
puno ng jacaranda sa Pretoria, at sa mga puno ng mimosa.

DEPED COPY


Sa bawat oras, bawat isa sa atin ay dadamhin ang lupang ito, mararamdaman
natin ang pansariling pagbabago. Ang kalagayan ng bansa ay magbabago tulad ng
panahon.

Tayo ay kumilos nang may kaligayahan at kagalakan sa paglunti ng kapaligiran
at sa pagbukadkad ng mga bulaklak.

Ang espiritwal at pisikal na kaisahan na ating ibinabahagi sa lupaing ito ay
nagpapaliwanag sa lalim ng sakit na dala-dala ng ating mga puso sa tuwing makikita
natin ang ating bansa na unti-unting nalulugmok ng di pagkakasundo, at sa tuwing
makikita natin ang pagtanggi, ang paglaban sa batas, at paghihiwalay ng mga tao sa
mundo. Ito ay dahil sa naging pambansang batayan ang nakamamatay na ideolohiya
at pagkakaroon ng rasismo.

Tayo, ang mga mamamayan ng Timog Africa, ay nakadama ng kapayakan
nang ibinalik sa sangkatauhan ang pagkakaibigan. Tayo, na pinagkaitan ng batas
kamakailan lang, ay binigyan ng bihirang pribilehiyong mamahala sa mga bansa sa
sarili nating lupain.

Pinasasalamatan namin ang aming mga pinagpipitaganang panauhin sa
pagparito upang angkinin, kasama ang mamamayan ng aming bansa, ang tagumpay
para sa katarungan, para sa kapayapaan, at para sa dignidad.

Naniniwala kami na ipagpapatuloy ninyo ang pagtulong sa amin sa pagharap
sa mga pagsubok sa pagbuo ng kapayapaan, kaunlaran, pagkakapantay-pantay ng
mga lalaki at babae, walang diskriminasyon sa lahi, at demokrasya.

266


Malugod naming tinatanggap ang tungkulin na ang aming mamamayan at
ang kanilang kalayaang politikal, pananampalataya, kababaihan, kabataan, negosyo,
tradisyunal, at mga pinuno na isagawa ang kongklusyong ito. Hindi mawawala riyan
ang aking Second Deputy President, ang Kagalang-galang na si F. W. de Klerk.

Pinasasalamatan din namin ang lahat ng bumubuo sa hukbong panseguridad
sa pagganap sa kanilang tungkulin na pangalagaan ang ating unang malayang
eleksiyon at ang transisyon sa demokrasya, mula sa hukbong uhaw sa dugo na nagaalangan pa ring makakita ng liwanag.

Ang panahon para sa paghilom ng sugat ay naririto na.


Ang panahon upang pag-ugnayin ang pagkakaiba-iba ng opinyon na nagiging
dahilan ng pagkakahati-hati ay dumating na.

Ang panahon upang bumuo ay nasa atin na.


Sa wakas ay naabot na natin ang emansipasyon sa politika. Nangako tayong
palalayain ang ating mamamayan sa kahirapan, kakulangan, pagdurusa, kasarian, at
iba pang diskriminasyon.

Nagtagumpay tayo sa ating huling hakbang sa pagkakaroon ng kapayapaan.
Itinalaga natin ang ating sarili sa pagbuo ng kumpleto, makatarungan, at
panghabambuhay na kapayapaan.

DEPED COPY


Tayo ay nagtagumpay na magtanim ng pag-asa sa milyon-milyong
mamamayan. Pumasok tayo sa kasunduan na bubuo tayo ng lipunan kung saan ang
lahat ng mamamayan ng Timog Africa, itim man o puti, ay maglalakad na walang takot
sa kanilang mga puso, tiyak ang kanilang karapatan sa pagkakaroon ng dignidad
isang bansang may kapayapaang pansarili at pambansa.

Bilang simbolo ng pagbabago sa ating bansa, ang bagong Interim Government
of National Unity ay sa panahon ng biglaang pangangailangan, bibigyang-pansin ang
isyu ng amnestiya ng mga taong kasalukuyang nakakulong.

Inaalay namin ang araw na ito sa lahat ng mga bayani ng bansang ito at sa iba
pang bahagi ng mundo na nagsakripisyo at isinuko ang kanilang mga buhay upang
tayo ay lumaya.

Ang kanilang mga pangarap ay naging makatotohanan. Kalayaan ang kanilang
handog.

Tayo ay may pagpapakumbaba at pagmamalaki sa karangalan at pribelehiyo
na ikaw, mamamayan ng Timog Africa ay iginagawad sa atin, bilang unang Pangulo
ng nagkakaisa, malaya, walang diskriminasyon ng lahi, at pamahalaang naniniwala sa
pagkakapantay-pantay ng kasarian.

Nauunawan naming walang madaling daan para sa kalayaan.

Batid naming kung nag-iisa ay hindi maaabot ang tagumpay.

267


Kailangan nating kumilos nang sama-sama bilang nagkakaisang mamamayan
para sa pambansang pagkakasundo-sundo, para sa pambansang pagkakabuo-buo,
para sa pagsilang ng bagong mundo.

Magkaroon nawa ng katarungan para sa lahat.

Magkaroon nawa ng kapayapaan para sa lahat.

Magkaroon nawa ng hanapbuhay, tinapay, tubig, at asin para sa lahat.

Malaman nawa ng bawat isa na ang katawan, ang isip, at ang kaluluwa ay
dapat lumaya upang mabigyang kasiyahan ang kanilang mga sarili.

Hindi, hinding-hindi na muling makararanas ang magandang lupaing ito ng
kawalang-katarungan at sakripisyo sa kawalang dignidad at kahalagahan ng pagiging
katutubo sa mundo.

Maghari nawa ang kalayaan.

Pagpalain ka ng Diyos, Africa!
Salamat.

- Mula sa http://www.anc.org.za/show.php?id=3132
GAWAIN 4: Paglinang ng Talasalitaan - Analohiya
Ibigay ang hinihinging katumbas na salita ng sumusunod mula sa talumpating binasa.
Piliin ito sa kasunod na kahon. Ibigay ang ugnayan sa isat isa upang mabigyang-linaw
kung bakit ito ang iyong naging sagot.

DEPED COPY
kagubatan

1.
2.
3.
4.
5.

karagatan
silid-aklatan

katawan
prutas
tinapay

bulaklak : hardin :: aklat : _____________


berde : kapaligiran :: asul : ______________
espiritwal : kaluluwa :: pisikal : _______________
puso : katawan :: ___________ : puno
____________ : gutom :: tubig : uhaw

GAWAIN 5: Sa Antas ng Iyong Pag-unawa


Sagutin ang mga gabay na tanong.
1. Bigyang kahulugan ang tinutukoy na kalayaan ni Nelson Mandela sa kaniyang
talumpati. Gaano ito kahalaga sa isang tao, sa isang lahi, at sa isang bansa?
2. Batay sa talumpati, ilarawan ang kalagayan ng mga taga-Timog Africa.
3. Anong mga katangian ni Mandela ang masasalamin sa kaniyang talumpati?
Ganito rin ba ang katangiang taglay ng namumuno sa ating bansa? Maglahad
ng mga pangyayaring nagpapatunay nito.
4. Kung ikaw ay isa sa mamamayan ng Timog Africa, ano ang iyong magiging
damdamin sa talumpati ni Mandela?
5. Sa ano-anong sitwasyon maituturing na hindi malaya ang isang tao, lahi o
bansa?
6. Bilang kabataan, paano ka magiging susi ng pinapangarap na kapayapaan,
kalayaan, at katarungan?

268


Ang talumpating binasa ay halimbawa ng sanaysay na pormal na nagbibigay ng
impormasyon tungkol sa dating kalagayan ng lahi ng nagtatalumpati at nanghihikayat
din na siya ay tulungan sa pagtupad sa kaniyang tungkulin at mithiin ang magkaroon
ng kalayaan. Sa susunod na gawain ay susubukin ang iyong kakayahang kumuha ng
mahahalagang impormasyon sa isang talumpati.

Ang isa pang anyo ng sanaysay ay di-pormal. Upang mas maunawaan pa,
basahin ang isa pang sanaysay na di-pormal na may kinalaman sa wika. Tayo ba ay
malaya sa wika o tayo ba ay nakatanikala pa rin sa anino ng mga dayuhan?
Ako ay Ikaw
ni Hans Roemar T. Salum
Akoy isang Pinoy, sa pusot diwa. Pinoy na isinilang sa ating bansa. Akoy hindi
sanay sa mga wikang banyaga, akoy Pinoy na may sariling wika. Wikang Pambansa,
ang gamit kong salita Hay, napakaganda sa pandinig ang awiting ito ni Florante.
Damang-dama ang pagmamahal ng mang-aawit sa akin.

Matagal na panahon na rin simula nang ako ay ipaglaban ni dating Pangulong
Manuel L. Quezon. Ang pakikipaglaban niyang ito ay daan upang ako ay umusbong,
gamitin, at tangkilikin. Ako ang simbolo ng pagkakakilanlan ng ating bansa, ang
Pilipinas. Sa totoo lang, ako ay ginagamit sa maraming sitwasyon at pagkakataon. Ah,
tunay ngang malayo na ang aking narating bilang isang instrumento ng komunikasyon.
Patunay nito, sa paglipas ng panahon ay mabilis na naging moderno na ang ating bansa.
Modernong kagamitan, pamumuhay, moderno na rin pati kabataan. Talagang ang mga
Pinoy ay hindi nagpapahuli. Subalit, kasabay ng pagbabago at pagiging modernong
ito ay ginawa na rin akong moderno. Pakiramdam ko ay binihisan ako upang sumabay
sa makabagong panahon. Sa katunayan, ang wika ng kabataan ngayon ay tinatawag
na Taglish, mga jejemon wika nga. Ang salitang nanay sasabihing mudra, ang tatay
ay pudra. May magsasabi ring I wanna make bili that sapatos! Hay, kailangan bang
kasabay ng pagbabago ay pagbabago sa akin? Nasaan na ang ipinaglabang wika?
Mga kabataan, ang totoo, ako ay ikaw na sasalamin sa ating bansa. Hindi masama
ang pag-unlad at ang pagbabago kung ang pagbabagong ito ay para sa ikabubuti at
ikaaayos ng komunikasyon. Sa makabagong panahon, gamitin mo ako sa iyong wika
kung iyan ang ibig mo, piliin lamang sa tamang panahon at tamang sitwasyon, tiyak
na ang ating patuloy na pag-unlad.

DEPED COPY
Ang nais iparating ng isang akda sa mambabasa ay tinatawag ding layunin
at mas madaling makita sa pamamagitan ng pagbabalangkas. Ano-ano
ba ang tiyak na layunin sa paggawa ng balangkas?
1. Nakatutulong ito sa pag-oorganisa ng mga ideya.
2. Naipakikita ang materyal sa lohikal na paraan.
3. Naipakikita ang pagkakaugnay-ugnay ng mga ideya.
Ang mga ito ay dapat ding isaalang-alang sa pagkuha o pagtala ng
mahahalagang impormasyon

Makikita natin sa binasang sanaysay ang mahahalagang impormasyong nais


nitong iparating sa mambabasa. Sa tulong ng gawain sa ibaba, alamin kung anong
mahahalagang impormasyon ang iyong nakita.

269

GAWAIN 6: Sa Antas ng Iyong Pag-unawa


Isulat ang sumusunod na tanong at ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.
1. Sa iyong palagay, bakit kailangang magkaroon ng wikang pambansa?
2. Bigyang interpretasyon ang pahayag na: Mga kabataan, ang totoo, ako ay
ikaw na sasalamin sa ating bansa.
3. Isa sa nakipaglaban para sa wika ay si Pangulong Quezon. Kung ikaw ay nasa
katayuan niya, tulad din ba ng kaniyang desisyon ang iyong gagawin upang
magkaroon tayo ng isang wikang pambansa? Bakit?
4. Sa kasalukuyan, makikita bang malaya ang mga Pilipino sa paggamit ng
wikang pambansa? Magbigay ng sitwasyon batay sa sariling karanasan o ng
ibang taong nakapaligid sa iyo.
5. Bilang isang kabataan, paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa wikang
sarili?
6. Pakinggan ang awit na Akoy Isang Pinoy. Anong damdamin ang namamayani
sa iyo tungkol sa wika? Ihambing ito sa damdaming namamayani sa awit.
GAWAIN 7: Itala, Impormasyong Mahalaga
Sa sanaysay na binasa, isulat nang pabalangkas ang mahahalagang impormasyon
na nais nitong iparating sa mambabasa. Gawing gabay ang sumusunod:
Ako ay Ikaw

DEPED COPY
I.

Bunga ng Pakikipaglaban
A.
B.
C.

II.

Kalagayan sa Makabagong Panahon


A.
1.
2.
3.

GAWAIN 8: Ugnayang Panlipunan


Ilahad ang kaugnayan ng talumpati sa kultura o kalagayang panlipunan ng Africa at
sa kulturang Pilipino.
Pagsasanib ng Gramatika at Retorika
Alam mo ba na
nakatutulong sa pag-unawa ng mensahe ng isang diskurso ang paggamit ng
angkop na mga tuwiran at di-tuwirang pagpapahayag? Mahalaga ang mga ito
sa pagkuha ng mga impormasyong nais bigyang linaw. Nagiging mas malinaw
ang isang sanaysay/talumpati dahil sa mga tuwiran at di-tuwirang pagpapahayag.
Madaling matukoy sa mga ito ang katotohanan o opinyon.
May mga pang-ugnay na nagpapatibay o nagpapatotoo sa isang argumento
upang makahikayat. Kabilang dito ang sa katunayan, ang totoo, bilang patunay, at
iba pa.

270

Halimbawa:
1. Sa totoo lang, maraming magagandang lugar sa Pilipinas na dapat munang
pasyalan bago ang ibang bansa.
2. Si Ranidel ay nanalo ng Ulirang Kabataang Award, bilang patunay, narito
ang kaniyang sertipiko.
Ang tuwirang pahayag ay mga pahayag na may pinagbatayan at may ebidensiya
kayat kapani-paniwala. Samantalang ang di-tuwirang pahayag ay mga pahayag
na bagaman batay sa sariling opinyon ay nakahihikayat naman sa mga tagapakinig
o tagapagbasa.
Pagsasanay 1: Suriin ang mga pangungusap. Uriin kung tuwiran o di-tuwiran ang
pahayag na ginamit.
1. Ayon sa estadistika, mas marami ang bilang ng mga babae kaysa mga lalaking
Pilipino.
2. Ang pagtaas ng bilihin ay maaaring maging dahilan upang mas maraming tao
ang magutom.
3. Isang katotohanan ang lumabas sa balita na naipasa na ang Freedom of
Information sa Senado.
4. Walang malaking nakapupuwing kayat huwag maliitin ang inaakalang maliit
na kakayahan ng kapwa.
5. Mayaman ang bansa sa kalikasan. Patunay nito ang magagandang paligid o
tanawin na dinarayo ng mga turista.

DEPED COPY

Pagsasanay 2: Balikan ang tekstong Ako ay Ikaw. Suriin ang mga salitang may
salungguhit sa ilang pangungusap, tuwiran ba o di-tuwiran ang pahayag? Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

Pagsasanay 3: Sumulat ng sariling sanaysay na may mga tuwiran at di-tuwirang
pahayag tungkol sa kasalukuyang pangyayari sa bansa na ang layunin ay
makapanghikayat sa kaniyang mambabasa. Maaaring gamitin ang sumusunod na
mga transitional device. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
sa katunayan
sa totoo lang
ang totoo
bilang patunay
isang katotohanan

patunay nito

ebidensiya ng

Pagnilayan at Unawain

Ngayong naunawaan mo na ang pagkakaiba at pagkakatulad ng sanaysay
sa iba pang akdang pampanitikan at ang gamit ng tuwiran sa di-tuwirang pahayag,
sa bahaging ito ay tatayahin kung naunawaan mo na ang mahahalagang konsepto
sa aralin.
1. Mabisa bang paraan ang sanaysay sa paglalahad ng mahahalagang
impormasyon sa kultura ng Africa?
2. Paano nakatutulong ang angkop na mga tuwiran at di-tuwirang pahayag sa
pagkuha ng mahahalagang impormasyon?

271

Paano nakatutulong ang angkop na mga tuwiran


at di-tuwirang pahayag sa pagkuha
ng mahahalagang impormasyon?

Ngayong nauunawaan mo na ang kahalagahan ng sanaysay sa paglalahad ng


mahahalagang impormasyon at ang paggamit ng tuwiran at di-tuwirang pahayag, pagaralan ang sumusunod na impormasyon at ilipat mo sa isang kapaki-pakinabang na
gawain ang iyong mga natutuhan.

DEPED COPY
Ilipat

Upang matiyak na naunawaan ang araling ito, gumawa ka ng balangkas sa


napakinggang talumpati

Ikaw bilang stenographer ng isang pahayagan ay naatasang gumawa ng
balangkas ng mahahalagang impormasyon sa napakinggang talumpati. Ito ay
ibabalangkas mo at iuulat mo sa punong-patnugot sapagkat ilalathala niya ito sa isang
pahayagan. Ito ay ibabahagi mo sa iyong punong-patnugot at sa mga manunulat
ng inyong pahayagan. Tatayahin ang iyong balangkas batay sa: a.) nilalaman,
b.) pagkawasto ng pagkuha ng mahahalagang impormasyon, c.) wastong balangkas,
at d.) makatotohanan.
MGA PAMANTAYAN SA PAGTATAYA SA PAGGAWA NG BALANGKAS
A Napakahusay
B Mahusay
C Hindi mahusay
D Paunlarin pa
Pamantayan
Nilalaman maayos at organisado

Taglay ang wastong pagkuha ng mahahalagang impormasyon


Wastong balangkas taglay ang wastong pamamaraan sa
pagbalangkas
Makatotohanan totoo ang mga impormasyong ipinakita

272

Narito ang ilang gabay sa pagsukat ng balangkas.


Anyo ng Balangkas
Ang balangkas ay maaaring gumamit ng paksa o pangungusap. Sa anyong salita o
parirala, hindi ginagamitan ng bantas. Madaling mailahad ang maikling kabuuan ng
paksang tatalakayin at mabilis pa itong isulat kaysa pabalangkas na pangungusap.
Ang pabalangkas na pangungusap ay gumagamit ng buong pangungusap sa
lahat ng entrada at nilalapatan ng wastong bantas. Kung sisimulan nang patanong
ang balangkas, dapat ay patanong din ang iba pang bahagi nito.
Halimbawa:
Mga Karapatan ng Mamamayan
I.

II.

Karapatang Likas
A. Karapatang mabuhay
B. Karapatang maging maligaya
C. Karapatang umibig
Karapatang Konstitusyonal
A. Karapatan sa Saligang Batas
1. Kalayaan sa paghalughog
2. Kalayaan sa komunikasyon
3. Karapatan sa pamamahayag
4. Kalayaan sa relihiyon
5. Kalayaan sa paninirahan
B. Karapatang itinatakda ng batas
1. Karapatan sa pagmamana

DEPED COPY
Interpretasyon:
16 - 20 Napakahusay! Ipagpatuloy ang kahusayan o kagalingan sa mga
gawain.
11 - 15 Mahusay! Hindi man perpekto, naipakita mo ang iyong kahusayan o
kagalingan.
6 - 10 Hindi mahusay! Nakita ang iyong pagsisikap subalit kailangan ng
pagrebisa upang mapaunlad pa ang gawain.
1 - 5 Ulitin pa ang gawain upang maging makabuluhan ito sa sarili at sa titingin
ng iyong likha.

Napakahusay mo, binabati kita sa naging bunga ng iyong pagtitiyaga ang
tagumpay. Inaasahan kong ang iyong natutuhan sa aralin, sa tulong ng mga tanong
at gawain ay iyong isasabuhay. Muli, ang bagong hamon para sa bagong aralin ay
binubuksan ko na para sa iyo.

273

Aralin 3.4
A. Panitikan:
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay

(Tula mula sa Uganda)

Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora mula sa
Salin sa Ingles ni Jack H. Driberg ng
A Song of a Mother To Her Firstborn
B. Gramatika at Retorika: Wastong Gamit ng Simbolismo at
Matatalinghagang Pananalita
C. Uri ng Teksto:

Nagsasalaysay

Panimula
Sa lumipas na dantaon, ang kababaihan ng Africa ay lumikha ng mga tula na
kanilang inaawit. Hitik ito sa matatamis at magigiliw na pananalita at oyaying
inuulit-ulit upang ipahayag ang pagmamahal ng ina na nagsisilbi ring pang-aliw
at pampaamo sa anak. Itoy isa sa nakaugalian ng tribong Lango o Didinga ng
Uganda na naniniwalang ang kanilang mga supling ay tila imortalidad ng kanilang
magulang. Kaya naman ipakikita sa tulang tatalakayin ang maingat na pagpili ng
ina sa pangalan ng anak, mga pangarap ng ina para sa kaniyang anak, panghuhula
ng ina sa magandang kinabukasan ng anak at ang positibong pagbabagong hatid
nila sa kanilang magulang.

DEPED COPY

Sa Aralin 3.4, inaasahang maipamamalas mo ang pag-unawa at


pagpapahalaga sa tulang Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay na isinalin sa
Filipino ni Mary Grace A. Tabora mula sa salin sa Ingles ni Jack H. Driberg na
A Song of a Mother to Her Firstborn. Matututuhan mo rin ang kahalagahan ng
paggamit ng simbolismo at matatalinghagang pananalita sa pagiging masining sa
pagbuo ng tula. Sa pagtatapos, ay kakatha ka ng sariling tula na lalapatan mo ng
himig. Tatayahin ang nasabing pagganap batay sa sumusunod na pamantayan:
a.) kahusayan ng pagkakabuo ng tula, b.) himig/melodiya, at c.) paraan ng
presentasiyon nito.
Sa pagtatapos ng araling ito ay masasagot mo nang may pag-unawa
ang mga tanong na: Paano naiiba ang tulang tradisyonal sa tulang malaya?;
Paano nasasalamin sa tulang malaya o tulang tradisyonal ang kultura ng
bansang pinagmulan nito? at Paano nakatutulong ang paggamit ng simbolismo
at matatalinghagang pananalita sa pagiging masining sa pagbuo ng isang tula?

274

Yugto ng Pagkatuto

Tuklasin
Upang masagot mo ang tanong na paano naiiba ang tulang tradisyonal sa tulang
malaya at paano nasasalamin sa tulang malaya o tulang tradisyonal ang kultura ng
bansang pinagmulan nito ay makabubuting isagawa mo ang mga na gawain.
GAWAIN 1: Ibahagi Mo!
Awitin ang isang bahagi ng obra ni Gary Granada na Magagandang Anak. Pagkatapos
ay isagawa ang Think-Pair-Share. Pag-uusapan ng inyong kapareha ang kadakilaan
ng ina. Ibahagi ito sa klase.

Ang aming inay, masinop na maybahay
Adhikain niyay kagaya ni itay
Kami ay pag-aralin, pakainin, bihisan at
Katulad ng inyong magagandang anak.

DEPED COPY
Sana, sana ang kawalan ay malunasan.
Sana, sana ang kapayapaay maranasan.

GAWAIN 2: Isa-isahin Mo!


Paramihan ng maibibigay na matatalinghagang pananalita at simbolismo sa salitang
nasa puso. Isulat ito sa sagutang papel at sumulat ng tulang may isang saknong gamit
ang simbolismo at matatalinghagang salitang ibinigay.

275

GAWAIN 3: Pagbulayan Mo!


Suriin at paghambingin ang dalawang tula sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong.
Isulat ang pagsusuri sa sagutang papel.
Ako ang Daigdig
ni Alejandro Abadilla
I
ako
ang daigdig
ako
ang tula
ako
ang daigdig
ng tula
ang tula
ng daigdig
ako
ang walang maliw na ako
ang walang kamatayang ako
ang tula ng daigdig

Gabi
ni Ildefonso Santos
Habang nagduruyan ang buwang ninikat
sa lundo ng kanyang sutlang liwanag,
isakay mo ako. Gabing mapamihag,
sa mga pakpak mong humahalimuyak!
Ilipad mo ako sa masalimsim
na puntod ng iyong mga panganorin;
doon ang luha ko ay padadaluyin
saka iwiwisik sa simoy ng hangin!
Iakyat mo ako sa pinagtipunan
ng mga bituit mga bulalakaw,
at sa sarong pilak na nag-uumapaw,
palagusan mo ako ng kaluwalhatian!

DEPED COPY
II
ako
ang daigdig ng tula
ako
ang tula ng daigdig

ako ang malayang ako


matapat sa sarili
sa aking daigdig
ng tula
ako
ang tula
ng daigdig
ako
ang daigdig
ng tula
ako

Sa gayon, ang aking pusong nagsatalay


makatatanglaw din sa pisngi ng lupa;
samantala namang ang hamog kong luha
sa sangkalikasay magpapasariwa!
At ano kung bukas ang ating silahis
ay papamusyawin ng araw ang langit?
Hindi bat bukas din tayo ay sisisid
Sa dagat ng iyong mga panaginip?

Kaya ilipad mo, Gabing walang maliw,


ang ilaw at hamog ng aking paggiliw;
ilipad mo habang gising ang damdamin
sa banal na tugtog ng bawat bituin!

III
ako
ang damdaming
malaya
ako
ang larawang
buhay

276

ako
ang buhay
na walang hanggan
ako
ang damdamin
ang larawan
ang buhay
damdamin
larawan
buhay
tula
ako
IV
ako
ang daigdig
sa tula
ako
ang tula
sa daigdig

DEPED COPY
ako
ang daigdig
ako
ang tula

daigdig
tula
ako....
TANONG:
1.
2.
3.
4.

Ano ang sukat at tugma ng mga tula?


Paano naging marikit ang mga tulang binasa?
Ano ang talinghaga ng mga tulang binasa? Ipaliwanag.
Nasalamin ba sa dalawang tula ang kultura ng bansang pinagmulan nito?
Patunayan.

277

Alam mo ba na...
ang tula ay anyo ng panitikan na binubuo ng saknong o taludtod? Bawat saknong
naman ay binubuo ng mga taludtod o linya at ang bawat taludtod ay nahahati sa mga
pantig. Ang mga pantig ng taludtod o mga salita o paraan ng pagbuo ng pahayag
ay piling-pili, may mga tayutay o mayaman sa matatalinghagang pananalita, at
simbolismo, at masining bukod sa pagiging madamdamin, at maindayog kung
bigkasin kayat maaari itong lapatan ng himig.

Sa pagsulat ng tula kailangang masusing isaalang-alang ang mga elemento
nito. Ito ay ang sumusunod:
1. Sukat- Ang bilang ng pantig sa bawat taludtod.
Hal.: Mula sa tanaga ni Ildefonso Santos
A/li/pa/tong/ lu/ma/pag
Sa/ lu/pa/ -- nag/ka/bi/tak
Sukat-Pipituhing Pantig
2. Tugma- Ang tunog ng mga huling pantig sa bawat taludtod.
Hal.: Mula sa tulang Kundiman ni Jose Rizal
Tunay ngayong umid yaring dilat puso
Sintay umiilag, tuway lumalayo.
Tugmang - Ganap

DEPED COPY

3. Kariktan- ang pagpili at pagsasaayos ng mga salitang ilalapat sa tula at ang


kabuuan nito.
Hal.: Mula sa tulang Tinig na Darating ni Teo S. Baylen
Ito ba ang mundong hinila kung saan
Ng gulong ng inyong/Hidwang Kaunlaran?
Kariktan- lalabindalawahing Pantig, Tugmang Ganap at Tayutay

4. Talinghaga- ito ang pinakapuso ng tula sapagkat ito ang kahulugan ng tula o
ang ipinahihiwatig ng may-akda.
Hal.: Mula sa tulang Tinapay ni Amado V. Hernandez
Putol na tinapay
at santabong sabaw
sa nabiksang pintoy iniwan ng bantay
halos ay sinaklot ng maruming kamay
Talinghaga-Nararanasang gutom ng isang mahirap.
Ngayon namay humakbang ka sa susunod na bahagi ng iyong pag-aaral nang sa
gayoy matuklasan mo ang sagot sa mga tanong na paano naiiba ang tulang tradisyunal
sa tulang malaya at paano nasasalamin sa tulang malaya o tulang tradisyunal ang
kultura ng bansang pinagmulan nito?

278

Linangin

Unibersal na kaalaman na ang bawat magulang ay naghahangad ng magandang
kinabukasan sa kaniyang anak. Ito ang pinapaksa ng tula ng isang inang taga-Uganda
para sa kaniyang sanggol sa akdang, Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay. Basahin
at unawain mo ang akda upang iyong matuklasan ang katangian ng tulang malaya
at makita ang kaibhan nito sa tulang tradisyunal, maging ang kultura ng bansang
pinagmulan nito. Mapatutunayan mo rin na ang mga simbolismo at matatalinghagang
pananalita ay nakatutulong sa pagiging masining ng pagbuo ng taludturan ng isang
tula.
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay
A Song of a Mother to Her Firstborn salin sa Ingles ni Jack H. Driberg
Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora
Mangusap ka, aking sanggol na sinisinta.
Mangusap ka sa iyong namimilog at nagniningning na mga mata,
Wangis ng mata ng bisirong-toro ni Lupeyo.
Mangusap ka, aking musmos na supling.
Ang iyong mga kamay na humahaplos sa akin.
Na puno ng tibay at tatag bagaman yariy
munsik.
Magiging kamay ito ng mandirigma, aking anak.
Kamay na magpapasaya sa iyong ama.
Tingnan mot nananabik na akoy sapulin:
Nagbabalak nang humawak ng panulag na
matalim.
Aking giliw, ngalan ng mandirigma sayo ilalaan,
at mamumuno sa kalalakihan.
At ikay hahalikan sa yapak ng mga kaapoapohan,
Kahit pa malaon nang naparam sa sanlibutan.
Ngunit lagi kong maaalala ang pagkapit mo sa
akin,
Maging ang paghimlay mo sa aking dibdib,
At ang pagsulyap-sulyap sa akin.
Kapag ikay itinanghal na gererong marangal,
Akoy malulunod sa luha ng paggunita.

DEPED COPY

Munting mandirigma, paano ka namin pangangalanan?


Masdan ang pagbubuskala sa pagkakakilanlan.
Hindi hamak na ngalan sa iyoy ibibigay,
Hindi ka rin ipapangangalan sa iyong amang si Nawal sapagkat ikay panganay.
Higit kang pagpapalain ng poon at ang iyong kawan.
Ikaw bay tatawaging Hibang o Kapusugan?
Ikaw bay tatawaging waring dumi ng baka na anak ng kamalasan?
Ang pooy di marapat na pagnakawan,
Sa iyoy wala silang masamang pinapagimpan.
Ikay kanilang pinaliguan at dinamitan ng kagandahan.

279

Ikay biniyayaan ng mga matang naglalagablab.


At ang pambihirang pangungunot ng iyong kilay
Ay hindi ba palatandaan na ikay maingat nilang pinanday?
Yaman ni Zeus at Aphrodite sa iyoy kanilang inalay.
At ang katalinuhang nangungusap sa iyong mga mata,
Maging sa iyong halakhak.
Paano ka pangangalanan, aking inakay?
Ikaw bay lahi na iyong lahi o naiibang nilalang?
Munting mandirigma, sinong anito sa iyoy nananahan?
Kaninong mapagpalang kamay ang sa aking dibdib dumadantay?
Sinong yumuyungyong sa iyot nagpapasigla ng buhay?
Ikaw bay kanlong ng kapayapaan?
Ngunit ikay tila leopardong nasa palumpong at tumatanaw.
Hayaan, sa araw na yaoy iyong ibubuyangyang.
Aking supling, ngayon akoy nasa kaluwalhatian.
Ngayon, akoy ganap na asawa.
Hindi na isang nobya, kundi isang ina.
Maging maringal, aking supling na ninanasa.
Maging mapagmalaki kaparis ng aking pagmamalaki.
Ikay magbunyi kaparis ng aking pagbubunyi.
Ikay irugin kaparis ng pagliyag na aking nadarama.
Anak, na ibinunga ng pag-ibig ng matipunong kabiyak.
Sa wakas, akoy kahati ng kaniyang puso, ina ng kaniyang unang anak.
Ang kaniyang kaluluway ligtas sa iyong pag-iingat,
Aking supling, ako, ako na sadyang sa iyoy humulma.

DEPED COPY

Samakatuwid, akoy minahal.


Samakatuwid, akoy lumigaya.
Samakatuwid, akoy kapilas ng buhay.
Samakatuwid, akoy nagtamasa ng dangal.

Iingatan mo ang kaniyang libingan kung siyay nahimlay.


Tuwinang gugunitain yaring kaniyang palayaw.
Aking supling, mananatili siya sa iyong panambitan,
Walang wakas sa kaniyay daratal mula sa pagsibol ng yong kabataan.
Ikaw ang kaniyang kalasag at sibat, pag-asat kaligtasan sa hukay.
Sa iyo, siyay muling mabubuhay tulad ng suwi sa kalupaan.
At ako ang ina ng kaniyang panganay.
Ikay mahimbing, supling ng leon, nyongezat nyumba.
Ikay mahimbing,
Akoy wala nang mahihiling.

280

GAWAIN 4: Paglinang sa Talasalitaan


Isaayos mula bilang 1-5 ang mga salita batay sa sidhi ng damdaming ipinahahayag
ng bawat isa, ang 5 ang pinakamataas na antas. Gamitin ang tsart at gawin ito sa
sagutang papel.
Batayang mga Salita
kagalakan
katuwaan
kaluwalhatian
kaligayahan
kasiyahan

Ayos ng mga Salita Batay sa Sidhi ng Damdamin


5.
4.
3.
2.
1.

Paliwanag sa
Pag-aantas

Batayang mga Salita


lungkot
lumbay
dalamhati
pighati
pagdurusa

Ayos ng mga Salita Batay sa Sidhi ng Damdamin


5.
4.

DEPED COPY
3.
2.
1.

Paliwanag Sa
Pag-aantas

GAWAIN 5: Tarukin Mo!


Sagutin ang mga gabay na tanong sa isang sagutang papel.
1. Sino ang persona sa tula? Ano ang kaniyang pangarap?
2. Masining ba ang tulang tinalakay? Patunayan ang sagot.
3. Sa ano-anong bagay inihambing ang sanggol? Bakit ito ang mga ginamit sa
paglalarawan sa katangiang taglay niya?
4. Anong kaugalian at kultura ng mga taga-Uganda ang lumutang sa tula? Ibigay
ang iyong pananaw ukol dito?
5. Alin sa mga kaugaliang ito ang naiiba sa kaugalian ng mga Pilipino? Sangayon ka ba rito? Bakit?
6. Makatuwiran bang iugnay ang pagkakakilanlan at katangian ng isang anak sa
kaniyang ama? Sa poon?
7. Anong bisang pangkaisipan at bisang pandamdamin ang natutuhan pagkatapos
basahin ang akda? Ipaliwanag.

281

GAWAIN 6: Patunayan Mo!


Sa sagutang papel, bumuo ng kongklusyon sa tulong ng kasunod na grapikong
representasiyon sa kabilang pahina.
Suriin ang tulang binasa. Ito bay isang tulang malaya o tulang
tradisyonal? Malinaw bang naisalaysay ang kultura ng bansang
pinagmulan nito?

PATUNAY

PATUNAY

KONGKLUSYON

DEPED COPY

Ang akdang Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay ay isang tulang malaya na


nagsalaysay ng nadarama at pagpapahalaga ng isang ina sa kaniyang anak. Sa
pagkakataong ito, pag-aralan mo ang isa pang tula na isinulat ni Rafael Palma, Ang
Matanda at ang Batang Paruparo. Basahin at alamin kung ito bay tulang malaya o
tulang tradisyonal.
Ang Matanda at ang Batang Paruparo
Rafael Palma
Isang paruparo na may katandaan,
Sa lakad sa mundo ay sanay na sanay;
Palibhasay di nasisilaw sa ilaw
Binigyan ang anak ng ganitong aral:
Ang ilaw na iyang maganda sa mata
Na may liwanag nang kahali-halina
Dapat mong layuan, iyoy palamara,
Pinapatay bawat malapit sa kaniya.
Ako na rin itong sa pagiging sabik!
Pinangahasan kong sa kaniyay lumapit,
ang aking napalay palad ko pang tikis
nasunog ang aking pakpak na lumiit.
At kung akoy itong nahambing sa iba
na di nagkaisip na layuan siya,
disin ako ngayoy katulad na nila,
nawalan ng buhay at isang patay na.

282

Ang pinangaralang anak ay natakot


at pinangako ang kaniyang pagsunod;
ngunit sandali lang. Sa sariling loob
ibinulong-bulong ang ganitong kutob;
Bakit gayon na lang kahigpit ang bilin
ng ina ko upang lumayo sa ningning?
Diway ibig niyang ikait sa akin
ang sa buong mundoy ilaw na pang-aliw.
Anong pagkaganda ng kaliwanagan!
isang bagay na hindi dapat layuan,
itong matanda ay totoo nga namang
sukdulan ng lahat nitong karuwagan!
Akalay isa nang elepanteng ganid
ang alin mang langaw na lubhang maliit,
at kung ang paningin nila ang manaig
magiging higante ang unanong paslit.
Kung akoy lumapit na nananagano
ay ano ang sama ng mapapala ko?
Kahit na nga niya murahin pa ako
ay sa hindi naman hangal na totoo.

DEPED COPY
Iyang mga ibay bibigyan ng matwid
sa kanilang gawa ang aking paglapit,
sa pananakaliy di magsisigasig
sa nagniningningang ilaw na marikit.

Nang unang sandaliy walang naramdaman


kundi munting init na wariy pambuhay,
itoy siyang nagpapabuyo pang tunay
upang magtiwalat lumapit sa ilaw.
Natutuwa pa ngat habang naglalaro
ay lapit nang lapit na di nahihinto
sa isang pag-iwas ay biglang nasulo
tuloy-tuloy siyang sa ningas nalikmo.

Nang unang sandaliy walang naramdaman


kundi munting init na wariy pambuhay,
itoy siya pa ngang nagpabuyong tunay
upang magtiwalat lumapit sa ilaw.
At siyay hindi na muling makalipad
hanggang sa mamatay ang kahabag-habag,
ang ganyang parusay siyang nararapat
sa hindi marunong sumunod na anak.
- Mula sa Diwang Kayumanggi. 1970
Marahil natalastas mo ang nais ibahagi ng may-akda sa tula. Itoy patunayan sa
pamamagitan ng pagsasagawa ng mga gawain.

283

GAWAIN 7: Ipaliwanag Mo!


Isagawa ang pasaklaw na pagpapaliwanag sa sagutang papel gamit ang kasunod na
grapikong representasiyon.
ELEMENTO NG TULA

PAGSUSURI

a. Sukat
b. Tugma
c. Kariktan
d. Talinghaga
Paglalahat Batay sa Pagsusuri
Ito bay tulang tradisyonal o malaya? Patunayan.
Nasalamin ba sa tula ang kultura ng bansang pinagmulan nito? Sa paanong
paraan? Patunayan.
Sagutin ang tanong sa loob ng Speech Balloon sa iyong sagutang papel.

Ano ang layunin ng tulang binasa? Anong uri ito ng teksto?


_______________________________________________
_______________________________________________

DEPED COPY

Paano naiba ang unang tulang binasa sa ikalawang tula?


Magkatulad ba ang pagiging masining ng dalawang tula?
Patunayan.
_______________________________________________
_______________________________________________
Pagsasanib ng Gramatika at Retorika

Naririto ang karagdagang kaalaman sa matatalinghagang pananalita at simbolismo


upang mapatunayan na nakatutulong ang paggamit ng mga ito sa pagiging masining
sa pagbuo ng taludturan ng isang tula.
Alam mo ba na
nakadaragdag sa kagandahan at kabisaan ng katha ang hindi karaniwang paggamit
ng mga salita? Kaya naman ang tula ay mayaman sa mga tayutay na nakatutulong
upang maging mabisa at kaakit-akit ang akda. Maliban sa tayutay, nagagamit din
sa pagkakaroon ng kariktan ng tula ang mga simbolismo at matatalinghagang
pananalita.
Ang matatalinghagang pahayag o pananalita ay may malalim o hindi lantad
na kahulugan. Sinasalamin ng paggamit nito ang kagandahan at pagkamalikhain
ng anumang wika.

284

Halimbawa:
1. butas ang bulsa - walang pera
2. ilaw ng tahanan - ina
3. kalog na ang baba - gutom
4. alimuom - tsismis
5. bahag ang buntot - duwag
Bakit kaya rito sa mundong ibabaw
Marami sa taoy sa salapi silaw?
Kaya kung isa kang kapus-kapalaran
Wala kang pag-asang umakyat sa lipunan.
(Panambitan ni Myrna Prado salin ni Ma. Lilia Realubit)

Ang mga may salungguhit sa tula ay matatalinghagang pananalita sapagkat
ang unay nangangahulugang pagiging mukhang pera ng tao samantalang ang
ikalaway tumutukoy sa mahirap.
Ang simbolismo naman ay naglalahad ng mga bagay, at kaisipan sa
pamamagitan ng sagisag at mga bagay na mahiwaga at metapisikal. Ito ay
ordinaryong bagay, pangyayari, tao, o hayop na may nakakabit na natatanging
kahulugan.

DEPED COPY

Halimbawa: 1. silid-aklatan- karunungan o kaalaman


2. gabi- kawalan ng pag-asa
3. pusang-itim-malas
4. tanikalang-bakal-kawalan ng kalayaan
5. bulaklak- pag-ibig

Palay siyang matino,


Nang humangiy yumuko,
Nguniy muling tumayo:
Nagkabunga ng ginto!
(Palay, Tanaga ni Ildefonso Santos)


Ang salitang palay sa tula ay sumisimbolo sa taong dumaan sa pagsubok na
kaniyang nilampasan at nagsilbing susi sa kaniyang pagtatagumpay.
Pagsasanay 1: Basahin ang mga pahayag sa mga piling saknong o taludtod ng
tula. Hanapin ang matalinghagang pananalita at simbolismo na ginamit at isulat ang
kahulugan nito sa sagutang papel.
1.
Matay napapikit sa aking namasdan;

Apat na kandila ang nangagbabantay.
(Ang Pagbabalik ni Jose Corazon de Jesus)
2.
Ang kahulugan moy isang paglilingkod

na walang paupa sa hirap at pagod;

minsan sa anyaya, minsan sa kusang-loob,

pag-ibig sa kapwa ang lagi mong diyos.
(Kabayanihan ni Lope K. Santos)

285

3.
May tanging laruan isang bolang-apoy

Aywan ba kung sino ang ditoy napukol.

At sino rin kaya ang tagapagsindi

Ng parol na buwang pananglaw kung gabi?
(Ang Tahanang Daigdig ni Ildefonso Santos)
4.







Siyay mabiyayang inilatag,


Sa tubong matamis ay matingkad,
Itong disyertoy kaniyang buhok.
Ginintuang paay namumukod,
At ang kaniyang dibdib ay bundok
Na sa ilog ng Nile nalulunod,
Kayat siyay pinong itinakda,
Na ginawarang itim tuwina.
(Salin mula sa tulang Africa ni Maya Angelou)

5.



Sandaling lisanin ang nakasanayan


Unatin yaring kaluluwat katawan
Kawangis ng paghalik ng Maylalang
Sa burol, dalampasigat kaparangan.
(Salin sa tulang All The Hemispheres ni Daniel Ladinsky mula sa tula ni Hafiz)

DEPED COPY

Pagsasanay 2: Itala ang matatalinghagang pananalita at simbolismo mula sa


napakinggan at napanood na tulang liriko/sabayang pagbigkas mula sa link na ilalahad
ng guro. Ipaliwanag ang kahulugan ng mga ito sa sagutang papel.
Pagsasanay 3:
A. Sa sagutang papel, kompletuhin ang isang saknong ng tula na salin mula sa tulang
Pilgrimage of African ni Wayne Visser sa pamamagitan ng paglalagay ng wastong
salita sa patlang na makukuha sa katabing kahon.
Tinalunton, ang ________ ng kalikasan,

tribo

Akoy _______ dumating, isang buhay.

hangin

Binuklod ng _______ng mga ninuno,

bakas

Kamiy ________ dumating, isang _________.

leon
kamay

286

B. Sa sagutang papel, kompletuhin ang tula sa pamamagitan ng paglalagay ng


matatalinghagang pananalita at simbolismo. Bigyan din ito ng sariling pamagat.

Sa amiy...

Sa amiy...

______________________
Isa kang ______ na may dalang ligaya,
Ikay tuwinang bukas-palad sa iba.
Ang iyong gawiy hindi ________________,
Kayat kamiy humahalik sa yong paa.
Isa kang __________ na laging sandata,
Di _____________ sa hampas ng pala
Ditoy nasisilip, maningning na _______,
Kayat kamiy humahalik sa yong paa.

Pagsasanay 4: Sumulat ng tulang mayaman sa matatalinghagang pananalita at


simbolismo na tungkol sa kadakilaan ng ina, tiyaking hindi bababa sa tatlong saknong
ang tulang lilikhain. Mamarkahan ito batay sa sumusunod na pamantayan: kayarian,
kasiningan, at kaangkupan.

DEPED COPY

Maayos mong naisakatuparan ang mga gawain kayat ipagpatuloy mo ang iyong
pagkatuto.

Pagnilayan at Unawain

Masusing pag-aralan ang mga salita sa loob ng magkahiwalay na kahon at gamitin ang
mga ito sa pagbuo ng tatlong mahahalagang konsepto. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

1.

2.
3.

tradisyonal
tula
sapagkat

sukat

malaya

tugma

kultura

bansa

pinagmulan

simbolo

kariktan

pahayag

tula
isinasalaysay

matalinghaga

Ikinagagalak kong pinagbuti mo nang lubos ang iyong pagkatuto. Narito ka na ngayon
sa huling hamon ng araling ito.

287

Ilipat

Sa bahaging ito masusubok ang kaalaman mo tungkol sa pagkakaiba ng tulang


tradisyonal at tulang malaya maging ang karunungan mo sa simbolismo at
matatalinghagang pananalita. Mailalapat mo na ang mahahalagang konseptong iyong
napagtibay. Kung mayroon ka pang mga alinlangan tungkol sa aralin, makabubuting
magtanong ka sa iyong guro o balikan mo ang mga naunang gawain sa pagkatuto.
Magkakaroon ng Reunion ang inyong mag-anak sa mismong Araw ng mga Ina.
Isang presentasyon ang iniatang sa iyong balikat, nahilingan kang maghanda ng
isang rendisyon ng tulang iyong kakathain na nagsasalaysay ng dakilang pagaaruga ng isang ilaw ng tahanan sa kaniyang mga anak upang silay alayan ng
natatanging pagpapahalaga.
Ang iyong pag-awit ay lubos na maiibigan ng iyong mga kamag-anak at
lalong-lalo na ng iyong ina kung titiyakin mong sumunod ito sa pamantayang:
kahusayan ng tula, harmoniya ng awit, at kabuuang pagtatanghal.
Tunghayan ang pamantayan kung paano mamarkahan ang isinagawang pagganap.

DEPED COPY
Pamantayan

Bahagdan

Kahusayan ng Tula
(Kasiningan at Talinghaga)

60 puntos

Himig o Melodiya
(Tinig)

30 puntos

Kabuuang Pagtatanghal
(Presentasiyon)

10 puntos

Kabuuang Marka

100 puntos


Binabati kita. Salamat at matiyaga mong pinag-ukulan ng panahon ang pagaaral sa araling ito. Handa ka na ngayong pag-aralan ang susunod na aralin ng
modyul.

288

Aralin 3.5
A. Panitikan:
Ang Alaga (Maikling Kuwento mula sa East Africa)
ni Barbara Kimenye

Isinalin sa Filipino ni Magdalena O. Jocson
B. Gramatika at Retorika: Mga Salitang Naglalahad ng Opinyon
C. Uri ng Teksto:

Naglalarawan

Panimula
Matapos mong pag-aralan ang mito, anekdota, sanaysay, at epiko, ang maikling
kuwento naman ang iyong bibigyang-pansin sa araling ito.
Nilalaman ng araling ito ang maikling kuwento ni Barbara Kimenye, Ang
Alaga na isinalin sa Filipino ni Prof. Magdalena O. Jocson. Inilalahad sa akdang
ito ang tungkol sa pagmamahal na inukol ng isang tao sa kaniyang alaga. Bahagi
rin ng aralin ang pagtalakay sa mga salitang nagsasaad ng paghihinuha na
makatutulong sa pag-unawa sa tatalakaying paksa at sa paglalahad.

DEPED COPY

Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makabuo ng isang


patalastas na pasulat batay sa sumusunod na pamatayan: a.) makatotohanan,
b.) masining, c.) kaalaman sa paksa, at d.) maayos ang paglalahad.
Aalamin natin kung paano nakatutulong ang maikling kuwento sa
pagkakaroon ng kamalayan sa pandaigdigang pangyayari sa lipunan. Gayundin,
kung bakit mahalagang maunawaan ang salita o pahayag na naglalahad ng
opinyon.

Yugto ng Pagkatuto

Tuklasin
GAWAIN 1: Checklist
Lagyan ng tsek (a) ang patlang bago ang bilang na may kaugnayan sa maikling
kuwento. Mula sa naging sagot, bumuo ng isa o dalawang pangungusap na
magpapahayag tungkol sa maikling kuwento.
_____ 1. naglalahad ng mahahalagang kaisipan
_____ 2. maaaring pormal at di-pormal
_____ 3. banghay
_____ 4. wakas
_____ 5. simula
_____ 6. suliranin
_____ 7. tunggalian
_____ 8. may mga kabanata
_____ 9. kasukdulan
_____ 10. mga tauhan

289

Batay sa aking mga naging kasagutan, ang maikling kuwento ay ______________


______________________________________________________________.
GAWAIN 2: Anticipation Guide
Bago basahin ang akda, basahin ang mga pangungusap sa ibaba at isulat sa unang
kolum kung sang-ayon o di-sang-ayon na mababasa ang pahayag sa tatalakaying
akda. Pagkatapos mabasa ang akda, lagyan ng tsek (a) ang ikatlong kolum na wasto
ang iyong naging hinuha.
Sang-ayon o
Pahayag
di-sang-ayon?
Hindi na naging interesado ang mga kasamahan
ni Kibuka sa kaniya.
Sa pag-iisa ni Kibuka ay naiisip niyang kasiyasiya ang kaniyang buhay kayat kailangan niyang
magpatuloy sa pakikibaka.
Isang biik ang pasalubong ng paboritong apo ni
Kibuka sa kaniya.
Sa una ay naisip ni Kibuka na ang biik ay alagaan.
Sa paglipas ng mga linggo, habang lumalaki ang
baboy ay maraming problemang dumarating.

DEPED COPY
Sa naganap na aksidente, ang baboy na alaga ni
Kibuka lamang ang nakaligtas.
Sa huli ay naisip din ni Kibuka na makakatulog na
siya nang maayos.

GAWAIN 3: Sa iyong Palagay


1. Piliin sa kasunod na kahon ang sa iyong palagay ay mga salita o pahayag na
naglalahad ng opinyon.
ayon sa/kay... batay sa/kay...
kung ako ang tatanungin...
maliban sa...
naniniwala akong...
sa aking palagay...
sa tingin ko...
tunay na
2. Sa iyong palagay, bakit kaya mahalagang maunawaan ang mga salitang ito?
Ang iyong dati nang kaalaman sa maikling kuwento at sa mga salitang naghahayag ng
opinyon ay mas lalawak pa sa pagpapatuloy ng aralin. Makatutulong ang pagbasa sa
mga akda upang lubos mong maunawaan ang tungkol dito. Halinat simulan.
Alam mo ba na
ang maikling kuwento o maikling katha ay nililikha nang masining upang mabisang
maikintal sa isip at damdamin ng mambabasa ang isang pangyayari tungkol sa
buhay ng tauhan o ng lugar na pinangyarihan ng mahahalagang pangyayari? Taglay
nito ang pagkakaroon ng (1) iisang kakintalan; (2) may isang pangunahing tauhang
may mahalagang suliraning kailangang bigyan ng solusyon; (3) tumatalakay sa
isang madulang bahagi ng buhay; (4) may mahalagang tagpuan; (5) may kawilihan
hanggang sa kasukdulan na agad susundan ng wakas.

Isa sa mga uri ng maikling kuwento ay ang kuwento ng tauhan ang
binibigyang diin ay ang ugali o katangian ng tauhan. Ang maikling kuwentong iyong
binasa ay nakatuon sa katangian ng tauhan. Ang tauhan sa akda ay kumilos ayon
sa kaniyang paligid.

290

Linangin
Basahin at unawain ang maikling kuwento upang malaman kung paano nakatutulong
ang maikling kuwento sa pagkakaroon ng kamalayan sa pandaigdigang pangyayari
sa lipunan.
Ang Alaga
ni Barbara Kimenye
Isinalin sa Filipino ni Prof. Magdalena O. Jocson
Naniniwala si Kibuka na hindi para sa kaniya ang pagreretiro. Isa siyang
mapagkakatiwalaang kawani sa Ggogombola Headquarters. Hanggang isang araw,
may pinapunta mula sa Komisyon ng Serbisyo Publiko sa kanilang tanggapan
upang alamin kung sino ang mga kawaning dapat nang magretiro. Ang sumunod na
pangyayari sa likod ng maitim na kulay ng kaniyang buhok, may pensiyon na siya,
may Sertipiko ng Serbisyo, at wala ng trabaho.

Sa pagkakaretiro niya, nag-aalala pa rin siya kung paano ginagawa sa
kasalukuyan ang dati niyang trabaho. Minsan, ipinatawag siya sa dati niyang
tanggapan upang tingnan kung kailangan ng kaniyang kapalit ang payo at tulong.
Hindi siya makapaniwala sa nadatnan niyang makalat na mga papeles at napatunayan
niya ang kawalan ng kaayusan. Sa buong paligid ng tanggapan, nagkalat din ang ibat
ibang papeles, maging ang mga kompidensiyal na papeles na hindi dapat makita ng
kung sino-sino ay nababasa na ng lahat. Sa ganitong sitwasyon tila walang pakialam
ang kaniyang kapalit. Mas binibigyang-pansin pa nito ang pakikipag-usap sa telepono
habang napaliligiran ng ilang babae.

DEPED COPY


Hindi naging maganda ang pagpunta niya sa dating tanggapan. Maging ang
dati niyang mga kasamahan ay hindi na interesado sa sinasabi ni Kibuka.

Ngayon, gugugulin niya ang kaniyang buhay sa maliit niyang dampa sa tabi
ng ilog sa Kalansanda na maraming muling babalikan ngunit hindi gaano sa kaniyang
haharapin. Nagkataon pa na ang matalik niyang kaibigan na si Yosefu Mukasa ay
nasa Buddu Country para sa pagnenegosyo. Naiisip ni Kibuka na kaawa-awa na siya
at mabuting mamatay na lamang. Paulit-ulit niya itong naiisip habang nag-iinit ng tubig
para sa iinuming tsaa. Sa ganoong sitwasyon, nakarinig siya ng tunog ng paparating
na kotse. Sabik niyang tinungo ang pinto ng bahay upang alamin kung sino ang
dumating. Siya ang pinakamatanda sa kaniyang mga apo, mataas, payat, at kaboses
ni Kibuka.

Masayang-masaya si Kibuka habang nanginginig na niyakap ang apo.


Napakagandang sorpresa! Tuloy ka mahal kong apo, tamang-tama naghanda
ako ng maiinom na tsaa.

Lolo, sandali lang po ako. Hindi po ako magtatagal. Tiningnan ko lamang po
ang katayuan ninyo at dinalhan ko po kayo ng pasalubong.

291


Napakabuti mo, aking apo. Ang biglang pagbisita mo at may pasalubong pa
ay lubha kong ikinatuwa. Dahil dito, nabaligtad na lahat ang hindi niya magagandang
naiisip tungkol sa buhay, puno na siya ng kapanabikan.

Isang biik ang pasalubong ko po sa inyo mula sa Farm School. Hindi na siya
mapakain doon at naisip ko na baka gusto ninyong mag-alaga nito.

Kinuha ng apo ni Kibuka ang itim na biik.


Tuwang-tuwa si Kibuka. Ngayon lang siya nakakita ng napakaliit na biik.
Sampung minuto ang ginugol niya para tingnan ang kabuuan ng biik: ang mapupungay
na mata, mga kuko sa paa, at pagwagwag ng buntot. Masayang nagpaalam si Kibuka
sa apo at habang kumakaway siya rito, sumisiksik naman sa kaniyang dibdib ang biik.

Sinabi niya sa apo na dadalhin niya sa Markansas ang biik at kakausapin si
Miriami na ihanda ang biik bilang espesyal na pagkain sa hapunan para sa pag-uwi ni
Yosefu.

Nagdalawang-isip si Kibuka para sa planong gagawin sa biik sapagkat sunod
nang sunod ang biik at bawat pag-upo niya laging nasa paanan niya ito. Hindi ito
umaalis sa tabi niya. Parang taong nakikinig sa bawat sasabihin ni Kibuka.

Pagdating ng gabi, biglang maiisip ni Kibuka na pakainin ang biik ng tirang
pagkain sa sarili niyang pinggan, bukod pa sa talagang kinakain niyon. Pagkalipas
ng ilang araw, lumalaki na ang biik, malakas nang kumain at kailangang manguha ng
matoke si Kibuka sa mga kaibigan at kapitbahay.

DEPED COPY


Nalaman na sa buong Kabzanda na may alagang baboy si Kibuka. Mula noon,
hindi na nagbabahay-bahay si Kibuka upang manguha ng matoke para sa alaga
niyang baboy sapagkat ang mga babae at bata na nag-iigib ng tubig na malapit sa
bahay ni Kibuka ang nagdadala na ng mga matoke. Nagiging dahilan iyon upang
makita at makipaglaro sila sa alagang baboy ni Kibuka. Para na nilang kamag-anak
ito na sinusundan at inaalam ang paglaki nito.

Ito lamang ang baboy na napakalinis dahil naaalagaan ito nang maayos. Dahil
dito, pinapayagan ni Kibuka na matulog ito sa kaniyang paanan bagaman ingat na
ingat siya na malaman ito ng kaniyang mga kapitbahay. Naging mabilis ang paglaki ng
alagang baboy. Lumaki ito sa maayos na kapaligiran at higit sa lahat, napamahal na
iyon kay Kibuka.

Sa paglipas ng mga linggo, habang lumalaki ang alagang baboy, maraming
problema ang dumarating. Halimbawa, kailangan na nang mas maraming pagkain at
hindi naman ganoon karami ang makukuha sa mga kapitbahay kaya kapag wala nang
makain ang baboy, pupunta ito sa shamba ng mga kapitbahay at kakainin ang tanim
na mga gulay at kape. Maging si Kibuka ay naninimot sa sarili niyang mga pagkain
maibigay lamang sa alagang baboy.

Hindi na rin gusto ni Kibuka na natutulog sa kaniyang paanan ang alagang
baboy gaya noong biik pa lamang ito. Ngayon, napakalakas niyong maghilik na
nakapagpapapuyat kay Kibuka. Isang mabigat na desisyon na hindi na magtatagal ay
ilalabas na niya ang alagang baboy at itatali na lamang sa puno.

292


Kung sino kaya ang magdurusa, si Kibuka o kaniyang alagang baboy ay
mahirap na sagutin. Walang malayang alagang baboy at si Kibuka lamang ang
makapagsasabi.

ilog.

Sa araw, malayang nakagagala pa ang baboy, bagaman laging nahuhulog sa


Hindi tiyak ang lalim ng ilog sa Kalansanda. Karaniwang naliligo o nagtatampisaw
ang mga taga-Kalansanda sa nasabing ilog. Minsan, kapag umuulan, malakas ang
agos ng tubig na maaaring madala nito ang isang bata. Ibig na ibig ng alagang baboy
na magtampisaw rito. Naglalaro sa imahinasyon ni Kibuka na baka paglaruan ang
alagang baboy ng mga batang naglalaro na maaaring hulihin at dalhin sa gitna ng ilog
at lunurin ang baboy.

Para hindi ito mangyari, tuwing magdidilim na, pinapasyal niya ang alagang
baboy na kinasanayan nang makita ng mga taga-Kalansanda at tanging hindi mga
tagaroon ang tila nagugulat sa ginagawa niyang pagpasyal sa alagang baboy
habang may tali ito. Naging magandang ehersisyo ito ni Kibuka dahil sa pananakit
ng kaniyang mga kalyo na sa bawat hakbang niya upang masiyahan ang alagang
baboy ay katumbas naman ng labis na sakit ang dulot sa kaniya na halos ikaiyak niya.
Sinabi niya kay Daudi Kulubya na nagmamalasakit sa papilay-pilay niyang lakad na
nasisiyahan naman siya sa ginagawa niya sa alagang baboy. Masaya siyang uuwi at
ibababad ang mga paa sa isang palanggana ng mainit na tubig ng isang oras. Hindi
na niya iisipin ang pananakit ng kaniyang mga kalyo.

DEPED COPY


Gaano pa katagal ang ganitong sitwasyon? May mga pagkakataon na
kinakausap ni Kibuka ang ilang kilala niyang bumibili ng alaga niyang baboy. Ngunit
ang pagmamahal sa alagang baboy ang namamayani kay Kibuka kaya hindi niya ito
maipagbibili dahil para na rin itong pagtataksil sa alaga.

Isang araw, habang papunta si Kibuka sa Sagradong Puno at habang
naghahalukay sa kumpol ng mga sanga ang alagang baboy, isang di inaasahang
pangyayari ang naganap. Si Kibuka, ang alagang baboy, at ang drayber ng isang
motorsiklo ay tumilapon sa ibat ibang direksiyon. Nasagasaan sina Kibuka at alagang
baboy ng isang motorsiklo. Nang magkamalay na siya, natuwa siya sapagkat buo
pa rin ang kaniyang katawan maliban sa isang balikat na sumasakit at dugo sa mga
kamay niya. Nakilala niya ang drayber na si Nathaniel Kiggundu na tila hindi naman
gaanong nasaktan. Inalis niya ang mga damong nakatabon sa kaniyang mukha at
makikita ang mahabang punit ng pantalon sa tapat ng isa sa kaniyang tuhod.


Mula sa kung saan, narinig nila ang napakalakas na iyak ng alagang baboy ni
Kibuka at doon nagpunta ang dalawang lalaki. Pagdating nila, ay umiiyak ang baboy
dahil sa pagkakaipit ng leeg nito at namatay na. Totoong nakasama kay Kibuka ang
aksidente na nag-iwan sa kaniya ng kondisyong walang katiyakan. Habang nakaupo
siya sa tabi ng namatay na alagang hayop, iniisip niya ang kasunod na mga pangyayari.
Marami nang taong nag-uusyoso, titingnan si Kibuka at namatay na alagang hayop
at pagkatapos ang motorsiklo naman ang kanilang titingnan. Dumating si Musisi, ang
Hepe ng Ggogombola. Kinuha ang pahayag ni Kiggundu at pagkatapos nilapitan si
Kibuka at pinipilit na isakay sa kaniyang sasakyan upang iuwi sa bahay niya.

Sir, mukhang hindi pa maganda ang lagay ninyo, bukas na lang kayo kukunan
ng pahayag. Magpahinga muna kayo.

293

Pero hindi ko maaaring iwanan ang namatay kong alagang baboy.


Maaari po nating ilagay sa likod ng aking sasakyan kung ibig po ninyo. Mas
mabuti sana kung puputol-putulin na ito ng matadero dahil hindi na ito maaaring
magtagal sa klase ng klima ngayon.

Kailanman ay hindi pumasok sa isipan ni Kibuka na kainin ang alagang hayop.
Iniisip niya kung saang bahagi ng shamba ililibing ang alagang hayop. Sinabi niya
na ang pagkain ng isang napamahal na alaga ay isang barbarong gawain. Naiisip
niya na naghuhukay na siya ng paglilibingan ng alaga. Natitiyak niyang hindi siya
tutulungan ng mga taga-kalsada na gawin ito. Sa bandang huli, naisip niya na bakit
hindi magkaroon ng bahagi ang kaniyang mga kapitbahay sa namatay niyang alaga.
Sila naman ang nagpakain sa nasabing alaga.

Dinala sa Ggogombola Headquarters ang nasabing alaga ni Kibuka at
ipahahati-hati ito sa askaris na naroon. Sinuman ang may gustong kumain ng baboy
ay pumunta roon bago mag-ikapito ng gabi, ayon kay Musisi na siya nang nag-asikaso
sa namatay na baboy.

Sa pagbalik ni Kibuka sa kaniyang tahanan, ginamot niya ang kaniyang
balikat ng gamot na karaniwang ginagamit niya sa anumang sakit na nararanasan
niya. Umupo sandali habang umiinom ng tsaa. Maaga siyang natulog at nagising sa
magandang sikat ng araw. Nasabi niya sa kaniyang sarili na ito ang pinakamaganda
niyang pagtulog at nasiyahan siya pagkatapos ng maraming buwan na nagdaan.
Dumating si Musisi habang papaalis na si Kibuka upang tingnan kung ang pata ng
alaga niyang baboy ay nadala kay Yosefu at Miriamu.

DEPED COPY


Hindi pa, Sir, ngayon ko pa lamang dadalhin doon, ibig ba ninyong sumabay
na sa akin pagpunta roon?

Pumayag si Kibuka na makisabay. Tinanggihan naman niya ang laman ng
baboy na dinala sa kaniya ni Musisi.

Sa iyo na iyon, anak, hindi ako mahilig kumain ng baboy.


Kinuha ni Miriamu ang pata ng baboy at ang interes naman ni Yosefu ay ang
mga detalye ng aksidenteng naranasan ni Kibuka. Pinilit ni Yosefu at Miriamu na
mananghalian sa kanila ang dalawa. Ngunit kailangang dumalo sa isang pulong ni
Musisi sa Mmengo, kaya si Kibuka na lamang ang iniwan. Maraming napag-usapan
sina Kibuka at Yosefu. Matagal silang hindi nagkita kaya magiging masarap ang
pagkain nila ng pananghalian.

Talagang napakahusay mong magluto, Miriamu, wika ni Kibuka habang
naglalagay ng maraming pagkain sa kaniyang pinggan.

Napakalambot ng karne ng baboy na iyon na parang isang manok at
napakasarap pa, pahayag naman ni Miriamu.

May ilang sandali na nalulungkot siya sapagkat alam niya na karne ito ng mahal
niyang alaga at masaya niyang kinakain ito. Ngunit sandali lamang ito at patuloy pa
rin niyang nilalagyan ng karne ang kaniyang pinggan. Natatawa siya sa sarili at alam
niya na hindi na siya maglalakad tuwing hapon at sa halip makakatulog na siya nang
maayos.

294

GAWAIN 4: Paglinang ng Talasalitaan


Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na salitang may salungguhit. Pagkatapos,
gamitin ang mga ito sa sariling pangungusap.
1. Ngayon, gugugulin niya ang kaniyang buhay sa maliit niyang dampa sa tabi ng
ilog sa Kalansanda.
2. Maging si Kibuka ay naninimot sa sarili niyang mga pagkain maibigay lamang
sa alaga niyang baboy.
3. Karaniwang nagtatampisaw ang mga taga-Kalansanda sa ilog.
4. Ang pagmamahal sa alagang baboy ang namamayani kay Kibuka kaya hindi
niya ito maipagbibili.
5. Si Kibuka, ang alagang baboy at ang drayber ng isang motorsiklo ay tumilapon
sa ibat ibang direksiyon.
6. Habang naghahalukay sa kumpol ng mga sanga ang alagang baboy, isang di
inaasahang pangyayari ang naganap.
GAWAIN 5: Sa Antas ng Iyong Pag-unawa
Sagutin ang mga gabay na tanong.
1. Sino ang pangunahing tauhan sa akda? Itala ang kaniyang kalakasan at
kahinaan bilang tauhan.
2. Batay sa mga pangyayari sa akda, paano mo ilalarawan ang isang alaga nang
may pagpapahalaga?
3. Ano ang suliraning nangibabaw sa akda? Iugnay ito sa pandaigdigang
pangyayari sa lipunan.
4. Paano ka naapektuhan ng akdang iyong nabasa?
5. Ibigay ang kahalagahan ng akdang binasa sa pansarili, panlipunan at
pandaigdig.

DEPED COPY

sarili
____________________
Kahalagahan ng akda
____________________
lipunan
sa...
____________________
____________________
______ daigdig
____________________
6. Alin sa mga pangyayari ang makatotohanan at di-makatotohanan? Patunayan.
7. Masasalamin ba ang kultura ng Africa sa akdang iyong binasa? Ipaliwanag.
8. Ipaliwanag: May ilang sandali na nalulungkot siya sapagkat alam niya na
karne ito ng mahal niyang alaga at masaya niyang kinakain ito. Ngunit sandali
lamang ito at patuloy pa rin niyang nilalagyan ng karne ang kaniyang pinggan.
Natatawa siya sa sarili at alam niya na hindi na siya maglalakad tuwing hapon
at sa halip makakatulog na siya nang maayos.
9. Naibigan mo ba ang wakas? Kung ikaw ang may-akda, paano mo ito
wawakasan? Isalaysay.
10. Bakit isinulat ng may-akda ang maikling kuwentong tinalakay? Magsaliksik sa
lugar at kondisyon ng panahon sa pagkakalikha nito.

295

Basahin ang kasunod na teksto na nagsasaad ng katangian ng isang tao na


inilarawan ayon sa pagkakakilala sa kaniya ng isang taong malapit sa kaniyang buhay.
Pansinin ang mga salitang may salungguhit.
ROSALIA VILLANUEVA TEODORO, DAKILANG INA
Mapagmahal, maasikaso, malambing, matalino at higit
sa lahat may takot sa Diyos, iyan ang aking ina. Walang
hindi gagawin para sa kapakanan naming magkakapatid.
Sa tingin ko nga, mas mahal pa niya kami kaysa
kaniyang sarili. Nang mawala ang aming ama, ganoon na
lamang ang pag-aalala namin sa kaniya, inaakala ko na
manghihina ang kaniyang katawang pisikal at espiritwal
subalit nanatili siyang matatag at nakakapit sa Diyos.
Sa paniniwala ng aking mga kapatid lalo pa nga siyang
tumapang at tumatag, iyon ay upang patuloy niya kaming
magabayan. Sa ganang akin, wala nang papantay pa sa
kadakilaan ng aking ina.

DEPED COPY

Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Ilarawan ang katangian ng ina sa teksto. Gumawa ng paghahambing sa ina sa


binasang teksto at sa iyong ina.
Paglalarawan sa Ina sa
teksto

Pagkakatulad
_____________
_____________
Pagkakaiba
_____________
_____________
_____________
______

Paglalarawan sa iyong
Ina

2. Paano mo maipakikita ang pagmamahal sa iyong ina?


3. Batay sa pagkakalahad, anong uri ito ng teksto? Patunayan.
4. Ano ang layunin ng mga salitang may salungguhit?
Pagsasanib ng Gramatika at Retorika
Basahin at unawain ang impormasyon tungkol sa gramatika upang maunawaan
kung bakit mahalagang maunawaan ang salita o pahayag na naglalahad ng opinyon.
Makatutulong ang mga pagsasanay sa bahaging ito upang mas lalo mo pang
maunawaan ang kahalagahan nito.

296

Alam mo ba na
ang salita o pahayag na naglalahad ng opinyon ay mahalagang maunawaan natin?
Nais nitong ipahiwatig ang ipinahahayag ng ating kausap o ng mambabasa.
Mga Salitang Nagpapakilala ng Pagsasaad ng Opinyon:
sa palagay ko
ipinahihiwatig sa kaniyang sinabi
batay sa aking paniniwala
sa tingin ko
maaaring
baka
siguro
Pagsasanay 1: Bumuo ng pangungusap gamit ang mga salita o pahayag na
naglalahad ng opinyon batay sa sumusunod na sitwasyon.
1.
2.
3.
4.
5.

Pagkakaroon ng Senior High School


Pagtaas ng bilihin
Ekonomiya ng bansa
Krimen na nangyayari sa bansa
Pag-abuso sa ipinagbabawal na gamot

DEPED COPY

Pagsasanay 2: Masdang mabuti ang larawan sa ibaba. Sumulat ng tekstong


naglalarawan tungkol dito. Maglahad din ng opinyon kung paano makatutulong upang
mabawasan ang ganitong senaryo sa bansa.

Pagsasanay 3: Suriin ang patalastas sa telebisyon tungkol sa isa sa mga produktong


tinatangkilik ng lipunan. Ilahad ang iyong pananaw tungkol dito. Gamitin at salungguhitan
ang pahayag na naglalahad ng iyong opinyon.

Ngayong alam mo na ang kahalagahan ng mga salitang nagbibigay-hinuha
sa paglalarawan at ang katangiang taglay ng mga tao na may pagkakaiba-ibang
katangian, kailangan na matiyak ang iyong natutuhan.

297

Pagnilayan at Unawain
Sagutin ang sumusunod upang matiyak na naunawaan ang mahalagang konsepto ng
aralin.
1. Paano nakatutulong ang maikling kuwento sa pagkakaroon ng kamalayan sa
pandaigdigang pangyayari sa lipunan? Gamitin ang diagram sa pagsagot.

Paano nakatutulong ang


maikling kuwento sa
pagkakaroon ng kamalayan
sa pandaigdigang
pangyayari sa lipunan?
2. Bakit mahalagang maunawaan ang salita o pahayag na naglalahad ng
opinyon?

DEPED COPY
Ilipat

Layunin mo sa bahaging ito na mailapat ang mga konseptong natutuhan sa mga


araling tinalakay. Balikan ang impormasyon tungkol sa patalastas bago mo ito gawin.
Patalastas

Ang patalasatas ay maaaring pasalita at pasulat. Ang pagsasahimpapawid
ay ginagamit sa pagbibigay ng patalastas sa paraang pasalita tulad ng ginagawa sa
radyo at sa telebisyon. Ipinakikita rito ang mga produktong maaaring magustuhan
ng mga tao o kayay mga paligsahang ipinababatid sa publiko.

Sa paraang pasulat ay maaaring ipakita o ilathala sa pahayagan, billboards,
poster, at magasin. Nakalimbag dito ang nais ianunsyong mga gawain o hanapbuhay
na kailangan ng isang tao o kompanya; mga larawan o hitsurat katangian ng
produkto o kayay panawagan para sa mga nagnanais lumahok sa paligsahan.

298

Halimbawa ng patalastas na pasulat:

Basahin nang may pang-unawa ang sitwasyon sa ibaba upang maisagawa ito.
Sa nalalapit na foundation day sa inyong bayan, bilang Presidente ng
organisasyong MAMAYBAY o Mamamayang Ipinagmamalaki ang Bayan,
naatasan kang magbigay ng impormasyon sa iyong bayan upang magkaroon ng
kamalayan ang ibang tao rito. Gagawin mo ito sa pamamagitan ng patalastas:
na pasulat. Ang magiging panauhin na magtataya ng iyong ginawa ay ang
Gobernador at Bise Gobernador ng inyong lalawigan, Mayor, Bise Mayor, at
konsehal ng bayan. Tatayain nila ang iyong ginawa batay sa sumusunod na
pamantayan: a.) makatotohanan, b.) masining, c.) kaalaman sa paksa, at
d.) maayos ang paglalahad ng impormasyon gamit ang patalastas.

DEPED COPY
Rubriks sa Paggawa ng Patalastas na Pasulat
Mga Pamantayan
5
4
3

A. Makatotohanan
B. Masining
C. Kaalaman sa paksa
D. Maayos ang paglalahad
Gabay sa Pagmamarka
21 25 Napakahusay
16 20 Mahusay
11 15 Katamtamang Husay
5 10 May husay subalit kailangang dagdagan pa ang
sikap
Napakahusay! Tunay ngang naunawaan mo ang araling ito. Isabuhay mo ang iyong
natutuhan. Inaasahan kong ang dedikasyon mo sa mga naging gawain ay iyong
ipagpapatuloy sa mga susunod pang aralin.

299

Aralin 3.6
A. Panitikan:
Sundiata: Ang Epiko ng Sinaunang Mali


(Epiko mula sa Mali, West Africa)
Mula sa Sundiata: An Old Epic of Mali

ni D.T. Niane salin sa Ingles ni G.D. Pickett

Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora
B. Gramatika at Retorika: Mga Ekspresiyon sa Pagpapahayag ng
Layon o Damdamin
C. Uri ng Teksto:

Nangangatuwiran

Panimula
Ang Imperyong Mali na kilala rin sa tawag na Imperyong Manding ay naging
makapangyarihan sa West Africa noong 1230 hanggang 1600 na siglo. Sa
pamamayagpag nito, ang imperyoy higit pang malawak sa Western Europe. Ditoy
umusbong ang isang epiko na kabilang sa maituturing na dakilang kayamanan
ng panitikang pandaigdig, maihahanay ito sa epiko ng Hindu na Ramayana at
Mahabarata at epikong Griyego na Iliad at Odyssey. Ang epikong pag-aaralan
ay taal na tulang pasalaysay na pinagsalin-salin ang mga berso ng mahuhusay
na mananalaysay na sinasaliwan ng instrumentong musikal. Itatampok dito ang
mabuting pagbabagong dala ng pagtatagumpay laban sa kasamaan.

DEPED COPY

Sa Aralin 3.6, inaasahang maipamamalas mo ang pag-unawa at


pagpapahalaga sa epikong Sundiata: Ang Epiko ng Sinaunang Mali na isinalin sa
Filipino ni Mary Grace A. Tabora hango sa salaysay ni D.T. Niane at salin sa Ingles
ni J.D. Pickett sa pinakatanyag na epiko ng Africa sa kasalukuyan, ang Sundiata:
An Epic of the Old Mali. Layon ng araling ipakita ang kaugnayan ng epiko sa
kasaysayan at malinang ang kasanayan sa mga ekspresiyong sa pagpapahayag
ng damdamin o layon. Bilang pangwakas na gawain, magsasagawa ng isang
pagtatalo tungkol sa katangian ng mga pangunahing tauhan ng dalawang epiko.
Susukatin ang husay sa pagmamatuwid batay sa sumusunod na pamantayan:
a.) paglalatag at pag-aanalisa ng katibayan, b.) pangangatuwiran at panunuligsa,
at c.) pagpapahayag.
Sa araling ito, matatalos mo rin ang kasagutan sa mga pokus na tanong
na: bakit hinalaw ang pangunahing-tauhan ng epiko sa Africa sa bayani ng
kanilang kasaysayan at nakatutulong ba ang paggamit ng mga ekspresiyon sa
pagpapahayag ng ibat ibang damdamin o layon ng pakikipagtalastasan?

300

Yugto ng Pagkatuto

Tuklasin
Marahil handa ka na, simulan mong isagawa ang mga gawain upang matutuhan ang
sagot sa mga pokus na tanong na: Bakit hinalaw ang pangunahing-tauhan ng epiko
sa Africa sa bayani ng kanilang kasaysayan at nakatutulong ba ang paggamit ng mga
ekspresiyon sa pagpapahayag ng ibat ibang damdamin o layon ng pakikipagtalastasan?

GAWAIN 1: Tilamsik ng Saloobin

Sa iyong sagutang papel, ibigay ang iyong posisyon o paninindigan tungkol sa paksang
nasa timbangan. Mainam na batay ang iyong paninindigan sa mga napagtibay nang
impormasyon o ebidensiya.

DEPED COPY
Ang mga manggagawa ba ay bayani ng
makabagong panahon?

GAWAIN 2: Itugon ang Layon


Isulat sa sagutang papel ang layon ng mga pahayag.
1. Halika, maupo kat pakinggan mo ang plano ng ating pag-atake.
2. Pangako, babalik ako at babawiin ang pag-aari ko na iyong kinamkam.
3. Sumige kat makikita mo ang lupit ng aking kapangyarihan.
4. Mas makatutulong ang digmaan sa pagkamit ng ating kalayaan.
5. Tama ang iyong paniniwala na dapat mag-ingat sa mga lihim na kaaway.
GAWAIN 3: Magkatulad na Bayani
Ibigay ang hinihingi sa bawat kahon. Gawin ito sa sagutang papel.

Dalawang Kilalang Bayani ng Epiko


Ihambing sa Kilalang Bayani ng Kasaysayan
Patunay ng Paghahambing

301

Alam mo ba na
ang paninindigan ay isang paraan ng pagmamatuwid o pangangatuwiran? Layon
ng naninindigan na mahikayat ang tagapakinig na tanggapin ang kawastuhan o
katotohanan ng pinaniniwalaan sa pamamagitan ng paglalatag ng sapat na katibayan
o patunay upang ang panukala ay maging katanggap-tanggap o kapani-paniwala.
Gayundin sa paninindigan ay maaaring gumamit ng ibat ibang ekspresyon upang
maipaabot ang layon o damdamin ng pagpapahayag.

Linangin
Ang epiko ay maihahambing sa tulay na nagdurugtong ng nakaraan sa hinaharap.
Ito ay salaysay ng buhay ng mga naglahong bayaning kalahatiy tao at kalahatiy
supernatural. Masasalamin sa epiko ang mataas na pagpapahalaga ng lipunan,
kasaysayan, at napapaunawa sa kultura at tradisyon. Kaya mainam na basahin at
unawain mo ang akda upang masuri at mapagtibay mo na ang bayani ng epiko ng
Africa ay hinahalaw sa kanilang magigiting na bayani ng kasaysayan.
Alam mo ba na
ang epikong Sundiata ay unang naitala sa Guinea noong 1950 na isinalaysay ng
griot (mananalaysay) na si Djeli Mamoudou Kouyate na mahusay na alagad ng
kuwentong-bayan na si D.T. Niane? Isinalin niya ito buhat sa Mandigo sa wikang
Pranses. Kalaunan, ang kaniyang salin ang naging batayan sa paglilipat sa Ingles.

DEPED COPY


Si Sundiata Keita o Mari Diata (Mari Jata), ang bayanit pangunahing tauhan
ng epiko ay totoong nabuhay. Isa siya sa labindalawang magkakapatid na lalaki
na tagapagmana ng trono. Siyay isang makapangyarihang pinuno na tumalo sa
estadong Sosso sa Kanlurang Africa noong 1235. Itinatag niya ang Imperyong
Mandingo ng Matandang Mali. Ang kaniyang pamamayagpag ay tumagal nang
mahigpit 250 taon.
- Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, USA

302

Sundiata: Ang Epiko ng Sinaunang Mali


Sundiata: An Epic of the Old Mali salin sa Ingles ni J.D. Pickett
Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora
Maghan Sundiata, na tinatawag ring Mari Djata, anak siya ni Haring Maghan Kon
Fatta ng Mali sa kaniyang ikalawang asawa, si Sogolon Kadjou. Isang mahiwagang
mangangaso ang humula na ang kanilang anak na lalaki ay magiging isang
makapangyarihang pinuno na makahihigit pa kay Dakilang Alexander, ang maalamat
na Griyegong mananakop. Ilang tao lamang ang naniniwala sa propesiya sapagkat
pitong taong gulang na si Mari Djata ay hindi pa nakalalakad. Tila walang katiyakang
mapabilang siya sa mga pagpipiliang maging emperador.

Namatay si Haring Maghan Kon Fatta kayat hinirang ng kaniyang unang
asawang si Sassouma Brt ang sariling anak na si Dankaran Touma na tagapagmana
ng trono ng ama. Madalas silang naninibugho kay Mari Djata at sa kaniyang ina, kayat
ipinatapon niya ang mag-anak sa likod ng palasyo. Napilitan ang mga itong mamuhay
na isang kahig isang tuka.

Nabuhay si Sogolon Kedjou sampu ng kaniyang mga anak sa tira ng Inang
Reyna, pinagyayaman niya ang maliit na halamanan sa likuran ng nayon. Sa taniman,
nagagalak siya na pagmasdan ang mga tanim na ubas at gnougous. Isang araw,
kinapos siya ng pampalasa at nagtungo sa Inang Reyna upang magmakaawa ng
kaunting dahon ng baobab.

DEPED COPY


Tingnan mo ang iyong sarili, wika ng mapanghamak na si Sassouma. Ang
aking calabash ay puno. Tulungan mo ang iyong sarili, maralitang babae. Para sa
akin, mayroon akong anak na nakalalakad sa edad na pito at siya ang nangangalap
ng mga dahon ng baobab na iyan. Maaari mong kunin ang mga iyan sapagkat ang
iyong anak ay hindi makalalamang sa aking anak. Siyay nanunudyong humalakhak
nang matinis na pumupunit sa laman at tumatagos sa kaibuturan.

Natigagal si Sogolon. Hindi niya maisip na ang galit ay may puwersang
napakalakas. Nilisan niya si Sassouma nang may bikig sa lalamunan. Sa labas ng
kanilang kubo, si Mari Djata ay nakaupo sa kaniyang walang silbing mga binti at walang
pakialam na sumusubot tangan-tangan ang calabash. Hindi napigilan ni Sogolon ang
kaniyang sarili, siyay napahikbi at dumampot ng kaputol na kahoy, hinagupit niya ang
anak.

Oh anak ng kasawiang-palad, hindi ka ba makalalakad? Dahil sa iyong
pagkukulang akoy nakaranas ng matinding pangdudusta sa aking buhay! Ano ang
aking pagkakamali? Panginoon, bakit mo ako pinarurusahan nang ganito?

Dinampot ni Mari Djata ang kaputol na kahoy at matiim na tumitig sa ina, Inay,
anong problema?

Manahimik ka, walang makapaparam ng pang-iinsultong aking tinamo.

Ano ba yaon?


Si Sassoumay pinahiya ako dahil lamang sa dahon ng baobab. Sa edad
mong iyan, ang kaniyang anak ay nakapipitas na ng dahong iyon para sa kaniyang
ina.

303

Huminahon ka ina, kalimutan mo na iyon.

Hindi. Itoy sobra na. Hindi maaari.


Mahusay, kung gayon, akoy maglalakad sa araw na ito, sabi ni Mari Djata.
Puntahan mo ang panday ni ama at utusang hulmahin ang pinakamabigat na bakal.
Inay, dahon lamang ba ng baobab ang iyong kailangan o nais mong dalhin ko sa iyo
ang buong puno?

Ah aking anak, upang tangayin ng hangin ang pang-aalipustang ito, ibig ko ng
punot ugat sa aking paanan sa labas ng ating dampa.

Nang oras na iyon ay naroroon si Balla Fassk, humangos siya sa
pinakamahusay na panday, si Farakourou, upang magpagawa ng tungkod na bakal.

Umupo si Sogolon sa harapan ng kanilang dampa. Siyay tahimik na lumuluha
habang sakbibi ng kalungkutan. Binalikan ni Mari Djata ang kaniyang pagkain na tila
walang nangyari. Mayat maya niyang sinusulyapan ang kaniyang ina na bumubulong,
Ibig ko ang buong puno, sa harap ng aking dampa, ang buong puno.

Walang ano-ano, sumambulat ang isang malakas na tinig na humahalakhak
mula sa likod ng kubo. Itoy likha ng buktot na si Sassouma na nagsasalaysay sa
kaniyang utusan tungkol sa panghihiyang ginawa kay Sogolon, sinasadya niyang
madinig ito ng huli. Mabilis na pumasok si Sogolon sa kaniyang silid at tinakpan ang ulo
ng kumot upang hindi masilayan ang pabayang anak na abalang-abala sa kaniyang
pagkain kaysa sa ano pa mang bagay. Walang tigil sa pananangis si Sogolon. Nilapitan
siya ng kaniyang anak na babae, Sogolon Djamarou, at tumabi sa kaniya, Tahan na
ina. Bakit ka umiiyak?

DEPED COPY


Nasimot ni Mari Djata ang kaniyang pagkain at pilit na kinaladkad ang katawan,
umupo sa malilim na dingding ng kubo sapagkat nakapapaso ang sinag ng araw.
Kung ano ang nanunulay sa kaniyang kamalayan, tanging siya ang nakaaalam.

Ang laksang panday na nasa labas ng maharlikang pader ay okupado ng
paggawa ng panat palaso, sibat, at kalasag na ginagamit ng mga mandirigma ng
Niani. Nang dumating si Balla Fassk at humiling ng tungkod na bakal, napabulalas
si Farakourou, Dumatal na ba ang dakilang araw?

Tumpak, ngayon ay isang namumukod na araw, isisiwalat ang hindi pa
nasaksihan sa anomang pagkakataon.

Ang puno ng mga panday ay anak ng matandang si Noufari, at kawangki
ng ama niya ay isa ring manghuhula. Sa kaniyang pagawaan ay katakot-takot ang
nakaimbak na bareta ng bakal na niyari ng kaniyang ama. Lahat ay nagtataka kung
saan nakalaan ang mga bakal. Tinawag ni Farakourou ang anim na baguhang
manggagawa at ipinabuhat ang mga bakal upang dalhin sa tahanan ni Sogolon.

Nang maibaba ang mga dambuhalang bakal, ang ingay na nilikha nitoy
nakapangingilabot,pati si Sogolon ay nagulantang at napalundag. Pagkatapos ay
nangusap si Balla Fassk, anak ni Gnankouman Doua, Naririto na ang dakilang
araw, Mari Djata. Ikay aking kinakausap, Maghan, anak ni Sogolon. Ang kristal ng
Niger ay pumapawi ng mantsa ng katawan ngunit hindi kayang lipulin ang pang-uusig.

304

Tumindig ka, batang leon, umatungal, at ihayag sa palumpong na simula ngayon sila
ay may panginoon.

Sumaksi ang mga baguhang panday sa nagaganap, lumabas si Sogolon at
pinanood si Mari Djata. Siyay painod-inod na gumapang at lumapit sa mga baretang
bakal. Sa tulong ng kaniyang tuhod at isang kamay siyay lumuhod, samantalang
ang isang kamay ay umaabot ng baretang bakal na walang kaabog-abog na itinindig.
Humawak ang dalawang kamay sa mga bakal habang nakaluhod. Isang nakamamatay
na katahimikan ang sumakbibi sa lahat. Mariing pumikit si Sogolon Djata, kinuyom ang
mga kamaot umigting ang kalamnan. Sa isang marahas na paghila, iwinasiwas ni
Djata ang katawan at umangat ang kaniyang tuhod sa lupa. Pinagtuunan ng pansin ni
Sogolon ang mga binti ng anak na nangangatal na tila kinukoryente. Pinagpapawisan
nang malapot si Djata na umaagos mula sa kaniyang noo. Buong igting niyang itinuwid
ang katawan gamit ang mga paa subalit biglang bumaluktot at nagbagong anyo ang
bakal na hawak, itoy naging pana!

Biglang umawit si Balla Fassk ng Himno ng Pana sa madamdaming tinig:


Kunin mo ang iyong pana,
At tayo ay humayo.
Kunin mo ang iyong pana,
Butihing gerero.

DEPED COPY


Nang makita ni Sogolon ang anak na nakatayo, siyay saglit na naumid,
pagkatapos ay kara-karakang humimig ng papuri sa Diyos na naghimala sa anak:
Anong rikit ng umaga?
Araw ng labis na saya.
Allah, makapangyarihang Allah,
Banal na manlilikha,
Yaring anak ay may halaga!


Ang tinig ni Balla Fassk ang namalita sa buong palasyo ng nagaganap, ang
mga taoy humahangos na nagtungo sa kanilang kinaroroonan at ang lahat ay namangha
sa nasaksihang pagbabago sa anak ni Sogolon. Ang Inang Reyna ay napasugod din
at nang makitang nakatayo si Mari Djata siyay nangatog at pinanghinaan ng tuhod.
Matapos mahabol ang hininga, inalis ni Djata ang bakal, ang kaniyang unang hakbang
ay dambuhala. Napayukod at itinuro ni Balla Fassk si Djata, siyay napasigaw:
Ang lahat ay tumabi,
Tayoy gumalaw.
Ang leon ay nabuhay,
Antelopey magkubli.


Sa likuran ng Niani ay nakatanim ang munting puno ng baobab, doon namimitas
ng dahon ang mga supling ng nayon para sa kanilang ina. Buong lakas na binunot at
pinasan ni Djata ang puno. Inilagak niya ito sa harapan ng kanilang kubo, Inay, naririto
ang ilang dahon ng baobab para sa iyo. Simula ngayon, itoy mananatili sa labas ng
ating dampa at ang lahat ng kababaihan ng Niani ay tutungo rito upang mangalakal.

305


Nakalakad si Mari Djata. Buhat nang araw na yaon, hindi na natahimik ang
kalooban ng Inang Reyna. Ngunit sino nga ba ang makasasalungat sa tadhana? Wala,
ang taong nasa impluwensiya ng kahibangay naniniwalang kaya niyang baguhin ang
itinakda ng Panginoon. Subalit itoy binabalangkas Niya sa paraang kailanman ay
hindi malilirip ng kamalayan ng tao. Samakatuwid, lahat ng hakbang ni Sassouma
laban sa anak ni Sogolon ay nawalan ng saysay. Hamakin ang mga nakalipas na
panahon at tutulan ang panlilibak sa harap ng madla. Ngayon, ang anak ni Sogolon ay
kasing palasak ng dating pang-aalimura sa kaniya. Hindi mabilang ang nagmamahal
at nasisindak sa kaniyang angking lakas. Sa bayan ng Niani, walang ibang pinaguusapan kundi si Djata; ang mga inay hinihikayat ang kanilang mga anak na lalaki
na samahan si Djata sa pangangaso o makipaglaro sapagkat nais nilang makinabang
ang mga inakay sa tinatamasang kabantugan ng anak ng babaing magsasaka.
Ang pahayag ni Doua sa araw ng pagngangalan sa anak ni Sogolon ay nanariwa
sa kalalakihan. Si Sogolon ay napapalibutan ngayon ng mataas na paggalang; sa
mga umpukan madalas na inihahambing ang kayumian ni Sogolon sa kapalaluat
masamang hangarin ni Sassouma Bart sapagkat ang unay isang huwarang asawa
at ina kayat dininig ng Panginoon ang kaniyang panalangin, pinananaligang kung higit
na lumalalim ang pagmamahal at paggalang sa kabiyak at ang pagsasakripisiyo para
sa anak ay magiging magiting at matapang ang kanilang anak pagsapit ng tamang
panahon. Ang bawat anak ay anak ng kaniyang ina, hinding-hindi makahihigit ang anak
sa kaniyang ina. Hindi kataka-taka kung bakit si Dankaran Touma ay walang kabuhaybuhay, palibhasay ang kaniyang ina ay hindi man lamang nagpamalas nang kahit na
katiting na pagpapahalaga sa kaniyang asawa, sa naparam na Haring Maghan Kon
Fatta, hindi siya nagpakita ng pagpapakumbaba na isinasabuhay ng bawat asawang
babae sa kanilang kaisang-dibdib. Ginunita ng mga tao ang mga tagpo nang siyay
nanibugho, nayamot at nagbitiw ng mga maaanghang na pananalitang ikinalat laban
sa mga kapwa niya asawang babae at mga anak nito. Kayat seryosong napagtibay ng
mga tao, Sino ang nakakaalam ng misteryo ng Diyos. Ang ahas ay walang bintit paa
ngunit kasimbilis ng mga hayop na may apat na paa.

DEPED COPY


Bata pa lamang si Sundiata ay naging mahusay ng mangangaso. Naging
matalik niyang kaibigan si Manding Bory, ang anak ng kaniyang ama sa ikatlong
asawa. Nang mabigo ang balak na pag-utas kay Djata nina Sassouma at Dankaran,
ipinatapon nila ang mag-anak. Ang bayani sampu ng kadugo ay nakahanap ng
kanlungan sa kaharian ng Mema.

Habang nagbibinata si Sundiata, ang maitim na budhing si Soumaoro Kant,
isang manggagaway na hari ng kanugnog na kaharian ay nang-aagaw at nananakop
ng maraming bayan. Gayon pa man si Sundiatay nakagawa ng paraan na makarating
sa Sosso, ang kabisera ng lungsod ni Soumaoro upang makaharap ang halimaw
na pinuno. Maraming digmaan ang pinangunahan at pinagtagumpayan ni Sundiata
habang patungo sa Sosso. Siyay naging popular na lider, maraming kawal ang sumapi
sa kaniya.

Humayo si Sundiata at nagtayo ng kampo sa Dayala na nasa lambak ng
Niger. Hinarangan niya ang daan ni Soumaoro patungo sa Timog. Sa panahong iyon,
patuloy ang labanan sa pagitan ng dalawa bagaman wala ni isa man ang naghayag ng
digmaan. Walang nagtataguyod ng isang digmaan nang hindi inilalahad ang ugat nito.
Ang nagtutunggali ay nararapat na isa-isahin ang kanilang karaingan bago ihudyat
ang simula ng digmaan. Kaparis ng isang salamangkero na kailangang huwag lusubin
ang isang tao nang hindi siya inaanyayahang tanggapin ang tungkulin na gawin ang
masamang gawain, dahil dito ang hariy hindi dapat mandigma nang hindi ibinubuka
ang bibig sa sanhi ng pagsasakatuparan nito.

306


Sumulong si Soumaoro hanggang sa Krina, malapit sa nayon ng Dayala na nasa
Niger at nagpasyang sabihin ang kaniyang karapatan bago lumusong sa madugong
labanan. Batid ni Soumaoro na si Sundiata ay kagaya niyang salamangkero kayat sa
halip na magpadala ng sugo, ipinasaulo niya ang kaniyang saloobin sa isa sa alagang
kuwago. Nang gabing iyon, dumapo ang ibon sa bubong ng kulandong ni Djata at
nangusap. Ang ginoo namay nagsugo rin ng kuwago kay Soumaoro. Nagsagutan ang
dalawang salamangkerong-hari:

Hinto, binata. Ako ang Hari ng Mali. Kung hinahangad mo ang kapayapaan,
bumalik ka sa iyong pinagmulan, litanya ni Soumaoro.

Akoy nagbabalik Soumaoro upang muling yakapin ang aking kaharian. Kung
hangad mo ang kapayapaan, ikay magbayad-pinsala sa aking mga kapanalig at
umuwi sa Sosso kung saan ikay hari.

Ako ang Hari ng Mali sa pamamagitan ng puwersa ng aking kamao. Ang aking
karapatan ay maluwat nang napatunayan ng aking pananakop.

Kung gayon, aagawin ko ang Mali sa iyo gamit ang puwersa ng aking kamao
at tutugisin kita hanggang sa iyong kaharian.

Samakatuwid, kailangan mong mabatid na ako ang mabangis na nami sa
batuan, walang sinomang makapagpapalayas sa akin sa Mali.

DEPED COPY


At kailangan mo ring mabatid, akoy may katotong pitong panday na dudurog
sa batuhan. Pagkatapos, nami, ikay aking lalamunin.

Ako ang makamandag na kabute na nagdudulot ng mabangis na pagbuga.


Para sa akin, ako ang mapanagpang na tandang; ang lason ay walang bisa
sa akin.

Ikay magtino, munting bata, baka pagliliyabin ko ang iyong mga paa, dahil
ako ang pulat mainit na baga.

Datapuwat ako, ako ang ulan na papawi sa baga: Ako ang malakas na agos
na tatangay sa iyo.

Ako ang makapangyarihang sutlang-puno ng bulak, na matayog sa ibang
puno.

At ako, ako ang nananakal na baging na gagapang sa tuktok ng higanteng
kagubatan.

Husto na ang pangangatuwirang ito. Hindi mo mapapasakamay ang Mali.


Tandaan, walang silid para sa dalawang hari sa isang reyno Soumaoro;
pahintulutan mo akong agawin ang iyong puwesto.

Magaling, sapagkat digmaan ang iyong ninasa, ikay hindi ko uurungan subalit
itimo mong siyam na hari ang aking pinugutan ng ulo at inadorno sa aking silid. Tunay
na kaawa-awa, ang iyong uloy matatabi sa kapwa mo pangahas.

307


Ihanda mo ang iyong sarili Soumaoro, ang delubyoy mananalasa, sasalpok
at bubura sa iyo sa lupa.

Sa ibang banda, ang griot ni Djatang si Ball Fassk at Nana Triban, kapatid
niyang babae sa ama na nadakip at nakulong sa karsel sa palasyo ni Soumaoro ay
nakatakas. Sumali sila sa pakikipagdigma ni Sundiata sa gabi ng mismong labanan
sa Krina. Si Fakoli Korona, pamangkin ni Soumaoro ay dumating din sa kampo. Dahil
sa dinukot ni Soumaoro ang kabiyak niya, sumumpa siyang maghihiganti. Ipinangako
nina Nana Triban at Fakoli ang katapatan kay Sundiata. Inilantad ni Nana Triban
ang lihim ni Soumaoro, inilahad niya kung paano matitiyak ni Sundiata na magagapi
niya ang kalaban sa pamamagitan ng pagdampi sa balat niya ng tari ng tandang.
Pagsapit ng bukang-liwayway bumuo ng plano sina Sundiata at Manding Bory upang
mahubaran ng kapangyarihan si Soumaoro.

Kapatid, naihanda mo na ba ang iyong pana? tanong ni Manding Bory.

Oo, iyong masdan, ang sagot ni Sundiata.


Inalis niya ang mahiwagang palaso sa pagkakasabit sa dingding. Itoy tila
hindi bakal, waring kahoy, at ang duloy ang matalim na tari ng puting tandang na
makatatanggal ng tana ni Soumaoro, isang lihim na nailabas ni Nana Triban sa Sosso.

Kapatid, sa oras na itoy pihadong batid na ni Soumaoro na akoy nakatakas.
Pilitin mong makalapit sa kaniya sapagkat asahan mong siyay iiwas sa iyo, ang
paalala ni Nana Triban.

DEPED COPY


Nabahala si Djata sa mga binitiwang pahayag ni Nana Triban subalit kinalamay
ni Balla Fassk ang kaniyang kalooban sa pagsasabi sa kaniyang panaginip ay
kaniyang malulupig ang mortal na kaaway.

Sa kabilang ibayoy mahinhing sumikat ang araw at nagsabog ng liwanag sa
kapaligiran. Ang pangkat ni Sundiatay pumuwesto mula sa gilid ng ilog hanggang sa
kabilang ibayo, ngunit bulto ang bitbit na hukbo ni Soumaoro kayat ang ibang sofas na
naiwan sa Krina ay umakyat sa burol upang panoorin ang digmaan. Dahil sa malaking
koronang suot ni Soumaoro, agad siyang nakitat natukoy mula sa kalayuan. Ang
kaniyang sandataan ay hindi mahulugang karayom, pinuno ang magkabilang ibayo
ng burol.

Hindi ikinalat ni Sundiata ang lahat ng kaniyang kawal. Ang mga namamana
ng Wagadou at Djallonks ay pumuwesto sa hulihan at handang magpaulan ng
palaso sa bahaging kaliwa ng burol kapag tumagal ang digmaan. Sina Fakoli Korona
at Kamandjan ay kahilera ni Sundiata at nangunguna sa bungad sampu ng kaniyang
kabalyeriya.

Sa kaniyang makapangyarihang tinig, sumigaw si Sundiata An gwewa! Ang
kautusan ay umalingawngaw sa bawat tribo at nagsimulang sumulong ang bataliyon.
Si Soumaoroy nakatindig sa gawing kanan kasama ang kaniyang kabalyeriya.

Mabilis na sumalakay sina Sundiata ngunit silay napigilan ng mga kabalyero
ng Diaghan at ang pagsasagupaan ay nagsimula nang kumalat. Si Tabon Wana at
ang mga mamamana ng Wagadou ay sumulong sa direksiyon ng burol at matuling
lumaganap ang digmaan habang ang araw ay hindi natitinag sa pamamayagpag sa

308

himpapawid. Ang mga kabayo ng Mema ay lubhang maliksi at tumakbong nakataas


ang unahang paa na sumikwat sa mga kabalyero ng Diaghan. Nagpagulong-gulong,
at tinapakan ng mga kabayo. Nagbigay ng puwang ang pagbagsak at pag-atras ng
mga kalalakihan ng Diaghan. Ang pusod ng kalaban ay nabuwag.

Sa puntong iyon, biglang kinabig ni Manding Bory si Sundiata at ibinalitang si
Soumaoroy palusob kasama ang mga itinagong kawal kay Fakoli at sa mga panday
nito upang lantarang parusahan ang nagtaksil na pamangkin. Pagkat nalipol ang
malaking bilang ng mga sofas ni Soumaoro, ang mga kasamahan ni Fakoli ay untiunting nagkawatak-watak. Ang digmaay hindi pa naipapanalo.

Nagliliyab ang mga mata ni Sundiata sa poot. Tinipon niya ang kabalyeriya
sa kaliwang dako ng burol kung saan magiting na iniinda ni Fakoli ang panlulupig ng
tiyo. Kaalinsabay nito, ang lahat ng maraanan ni Sundiatay namamalita na nagagalak
si Kamatayan at ang kaniyang panandaliang pagtigil ay nagpapanumbalik ng
pagtitiwala ng kaniyang kawal bagaman hindi nauubos ang mga sofas ni Soumaoro.
Hinanap ni Djata ang salamangkerong-hari. Nasulyapan niya ito sa gitna ng labanan.
Sinunggaban ni Sundiata ang bawat Sossong sofas, kaliwat kanan ang ginawang
pagbalya, nagkakandahirap na tumatabi ang mga ito kung kayat madali siyang
nakalapit kay Soumaoro. Nang mapansin ng huli ang ikinikilos ni Djata, siyay dahandahang bumuwelta subalit siyay nasundan ng tingin ng matapang na bayani.

Huminto si Sundiata at hinutok ang kaniyang pana. Lumipad ang palaso at
dumaplis sa balikat ni Soumaoro. Nang tumama ang tari ng tandang, naramdaman
niyang itoy hindi lamang munting gasgas kayat kagyat naglaho ang kaniyang
kapangyarihan. Nagtagpo ang mata nila ni Sundiata. Siyay nangatal na tila dinapuan
ng matinding lagnat, napatingala ang nauupos na si Soumaoro sa langit. Isang
malaking ibon ang paikot-ikot na lumilipad at kaniyang napagtanto. Ito ay ang ibon ng
kasawian.

DEPED COPY

Ang ibon ng Krina, ang kaniyang naungol.


Ang Hari ng Sossoy sumigaw nang ubod lakas. Napalingon ang kaniyang
kabayo at siyay tumalilis. Nakita ng mga Sosso ang kanilang hari, siyay kanilang
pinarisan, lumiko ang mga Sossong sofas at mabilis ding tumakas. Ang kamatayan
ay mamamasdan sa paligid, nagkalat ang mga duguan at naghihingalo. Sino
ang makapagsasabi kung ilang Sosso ang nasawi sa Krina? Ang pagtakas ay
naisakatuparan at hinabol ni Sundiata si Soumaoro.

Hindi nagtagumpay sina Sundiatat Fakoli na tugisin si Soumaoro datapuwat
napasakamay nila si Sosso Balla, ang anak ng haring umalpas patungo sa yungib at
naglahong parang bula. Pumunta si Sundiata sa kalapit na nayon, Koulikoro, dito niya
hinintay ang kanilang hukbo.

Ang panalo sa Krinay nakasisilaw. Ang mga Sossong sofas ay umuwit nagtago,
ang Imperyong Sosso ay natalo. Lahat ng mga hari sa kapuluan ay nagpasailalim sa
kapangyarihan ni Sundiata. Ang Hari ng Guidimakhan ay nagpadala ng mamamahaling
muwebles kay Sundiata at ipinagkasundo ang kaniyang anak na babae sa nagwaging
binata. Natipon ang mga sugo sa Koulikoro subalit nang nakumpleto ang hukbo ni
Sundiata silay nagmartsa sa direksiyon ng Sosso na lungsod ni Soumaoro. Itong
Sosso ay lungsod ng mga dalubhasang panday sa paghawak ng sibat.

309


Sa pagkawala nina Soumaoro at Sosso Balla, si Noumounkeba, ang puno ng
tribo ang tumayong lider upang depensahan ang lungsod. Daglian niyang tinipon ang
lahat maging ang mga kalapit na kabukiran upang makapaghanda.


Ang Sosso ay maringal na lungsod. Ang makaikatlong tulis ng tore nitoy halos
umabot sa langit. Ang lungsod ay binubuo ng walungput walong muog at ang palasyo
ni Soumaoroy maaaninag sa itaas ng lungsod tulad ng isang malaking tore. Ang
Sosso ay mayroon lamang isang pasukan; gahiganteng gawa sa bakal na ginawa ng
mga anak ng apoy. Umasa si Noumounkeba na magapi si Sundiata sa labas ng Sosso
sapagkat ang kanilang pagkain ay husto lamang para sa isang taon.

Papalubog na ang araw nang marating nina Sundiata ang Sosso. Sa tuktok
ng burol, minalas nina Sundiata at ng kaniyang heneral ang kinatatakutang lungsod
ng mapandigmang hari. Ang hukbo niyay nagkampo sa kapatagan na kabilang ibayo
ng malaking tarangkahan ng Sosso. Napagpasiyahan ni Sundiata na sakupin ang
bayan sa loob nang maghapon. Binusog niya nang labis ang mga sofas na katoto
habang walang humpay ang pagtambol ng mga tam-tam upang ipaalalat pukawin
ang pagtatagumpay sa Krina.

Sa pamimitik ng araw, ang torey nagkulay itim sa pagkakahanay ng mga sofas.
Ang iba ay nakaposisyon sa mga muog, sila ang mga mamamana, ang mga Mandingo
na bihasa sa sining ng pagkubkob ng bayan. Sa harap ni Sundiata nakapuwesto
naman ang mga sofas ng Mali. Samantalang ang mga may bitbit ng hagdan ay nasa
ikalawang linya na nakakubli sa mga kalasag ng mga maninibat. Ang pinakapunong
katawan ng hukbo ang siyang aatake sa pasukan ng lungsod. Nang handa na ang
lahat, inihudyat ni Sundiata ang paglusob. Ang mga tambol at tambuliy sabay-sabay
na pinatunog, katulad ng kati unti-unting umusad ang mga Mandingong nasa harapan
na ginigiya ng mga makapangyarihang sigaw. Nakatakip ang mga kalasag sa ulo,
marahan silang sumulong sa paanan ng pader, at nagsimulang maghulog ng malalaking
bato ang mga Sosso sa mga kaaway. Gumanti ang mga Wagadou na nasa dulong
hanay, silay nagbuhos ng sunod-sunod na palaso. Si Sundiata ay may itinatagong
kawal na pinakamagaling, sila ang mga mamamana ng Hari ng Bobos na kaagad na
ipinadala bago pa man naganap ang sa Krina, ang pinakadalubhasa sa pamamaraan.
Pinaulanan ng nagniningas na mga palaso ang kuta ng mga Sosso. Nagliyab ang
mga kabayanan. Naitayo ng mga Mandingo ang mga hagdan at umakyat sa tuktok
ng pader. Sinaklot ng sindak ang mga Sosso nang makitang nasusunog ang kanilang
bayan, silay natigilan. Bumagsak ang bakal na pasukan sa palad ng mga panday ni
Fakoli sapagkat sila ang maestro nito. Napasok nila ang lungsod, ang hiyawan ng
mga batat kababaihan ay nagbunsod ng pagkalito sa mga Sosso kayat nabuksan ang
pasukan, ang pangunahing pangkat ng hukbo ni Sundiata ay tuluyang nakapasok.


Pagkatapos ay nagsimula ang nakahihindik na patayan. Ang kababaihan at
kabataan na nasa kalagitnaan ng pagtakas ay nagsumamo. Napadpad sina Sundiata
at ang kaniyang kabalyeriya sa harap ng kamangha-manghang palasyo ni Soumaoro.
Kahit natitiyak ni Noumounkeba na siya ay talunan, pangahas na itinaas niya ang
espada at akmang uundayan si Sundiata, ngunit siyay nalansi ng huli, nadakmat
malupit na pinihit ang kaniyang bisig, marahas na inginudngod sa sahig hanggang
mailaglag niya ang espada. Hindi pinatay ni Sundiata si Noumounkeba bagkus ay
inilagak sa kamay ni Manding Bory.

DEPED COPY


Sa wakas, nasa pagpapala na ni Djata ang reyno ni Soumaoro.Habang
saanmang dako ng Sossoy mauulinig ang pagbabangayan ng magkakanayon.

310

Pinangunahan ni Balla Fassk kasunod ni Sundiata ang pagpasok sa tore ni


Soumaoro. Alam ng griot ang pasikot-sikot at kasulok-sulukan ng palasyo mula sa
kaniyang alaala nang siyay mabihag, itinuro niya kay Djata ang maharlikang silidtulugan.

Nang buksan ni Balla Fassk ang pinto ng silid, natuklasan nilang naiba
ang anyo nito buhat nang matamaan ng mortal na palaso ang nagmamay-ari ng silid
na nawalan ng kapangyarihan. Ang ahas sa babasaging pitsel ay naghihingalo, ang
mga kuwagong nasa dapuan ay kalunos-lunos na pumapagaspas padausdos sa
sahig. Lahat ay nag-aagaw-buhay sa adobe ng salamangkero, lahat ng nakakabit
sa kapangyarihan ni Soumaoro. Sinamsam ni Sundiata ang mga anting-anting ni
Soumaoro at marahas na tinipon ang lahat ng asawat mga prinsesa ng kaharian.
Itinali ang mga bilanggot sama-samang pinastol. At ayon sa kagustuhan ni Sundiata,
napasakaniya ang Sosso nang araw na iyon. Nang makalabas ang lahat, inatas ni
Djata ang ganap na paggunaw sa Sosso. Sinunog ang mga kabahayan, walang itinira
at ginamit ang mga preso sa pagtibag ng mga pader. Samakatuwid, ang balak ni
Sundiatang wasakin ang pundasyon ng Sosso ay maningning na naisagawa.

Tama, ang Sosso ay naging alikabok at humalo sa lupa, ang matayog na
lungsod ni Soumaoro na dating niyuyukuran ng mga hari. Ito ay naging nangungulilang
parang, ang Sosso ay tahanan ngayon ng mga naliligaw na hayop.

Gumulong ang panahon, patuloy ang pagbagtas ng buwan sa kalangitan. Sa
kasalukuyan, ang Sosso ay isa na lamang balintataw sa panaginip ng mga griot. Ang
mga hayna ay nananaghoy sa pook sa kailaliman ng gabi, ang mga usat liyebre naman
ay naging silong ito sa paghahanap ng pagkain, nasaan na ang haring nakadamit ng
roba na gawa sa balat ng tao?

DEPED COPY


Tanging si Sundiata, anak ng magsasaka, ang naghandog ng kapanglawan sa
pook. Matapos lamunin ng lupa ang lungsod ni Soumaoro, ang mundoy walang ibang
kinilalang panginoon kundi si Sundiata.
GAWAIN 4: Paglinang ng Talasalitaan
Ihanay sa dalawang pangkat ang mga salitang magkakaugnay at tukuyin ang lohika
ng isinagawang pagpapangkat. Gamitin ang grapikong representasiyon at gawin ito
sa sagutang papel.
salamangkero
mangangaso
panday
mahiwaga
anting-anting
kawal
manghuhula
kapangyarihan
mamamana
mananalaysay

PANGKAT 1
LOHIKA NG PAGPAPANGKAT:
PANGKAT 2
LOHIKA NG PAGPAPANGKAT:

311

GAWAIN 5: Mabisang Tugon


Sagutin ang mga gabay na tanong sa isang sagutang papel.
1. Ano-ano ang katangian ni Sundiata na kahanga-hanga?
2. Mayroon bang suliranin o mga suliraning nangibabaw sa epiko? Isa-isahin ang
mga ito.
3. May kaugnayan ba ito sa nagaganap sa kasalukuyan? Pangatuwiranan ang
sagot.
4. Sa iyong tingin, si Sundiata ba ay tunay na bayani ng kasaysayan ng Africa?
Bakit?
5. Pumili ng bahaging naibigan sa akdang binasa. Ipaliwanag ito.
6. Kaninong tauhan sa epiko maihahambing ang sarili? Ipaliwanag ang sagot.
7. Tama ba ang ginawa ni Sundiata sa lungsod ng Sosso? Bakit?
8. Sa iyong tingin, bakit mahalagang magplano upang matiyak ang pagtatagumpay
sa hinaharap?
GAWAIN 6: Mahalagang Perspektibo
A. Ibigay ang hinihingi sa grapikong representasyon. Sagutin ito sa sagutang papel.
Isa-isahin ang mga pahayag sa akda na may kaugnayan sa sumusunod:

DEPED COPY
Kondisyon ng
Panahon

Lugar

Kasaysayan ng Akda

Kahalagahang Binigyang-Diin sa Akda

Pansarili

Panlipunan

Pandaigdig

B. Pumili ng kapareha. Gawin ang gawain sa sagutang papel. Gamitin ang Analyzing
Perspective Organizer.
Tanong: Masasabi mo bang ang pangunahing-tauhan ng epikong
tinalakay ay isang bayani ng kasaysayan ng Africa?
Sariling Perspektibo:
Dahilan:
Pespektibo ng Iba:
Dahilan:
Kongklusyon:

312

GAWAIN 7: Ipost ang Puna


Sa nilikhang grupo ng guro sa Facebook site, isulat ang puna sa napanood na teaser
o trailer na may kaugnayan sa akdang binasa.

Sa ilang pahayag ng epikong pinag-aralan ay gumamit ng mga ekspresiyon
upang maipahayag ang layon o damdamin ng nagsasalita. Ang susunod na tekstong
susuriin ay naglalaman din ng mga ekspresiyon sa pagpapahayag ng layon o
damdamin nang mapagtanto mo na nakatutulong ang mga ito sa pakikipagtalastasan.
Basahin at unawain ang daloy ng pagtatalo.
Dakilang Bayani: Rizal o Bonifacio?
ni Maricel T. Nucup
Ang argumentong ito ay naging pangkaraniwan na. Itoy matagal nang isyu na
paulit-ulit nang tinitimbang: sino nga ba ang dakilang bayani ng Pilipinas si Jose
Rizal o Andres Bonifacio? Pareho silang may prinsipyo at hangarin- ang ipaglaban
ang karapatan ng mga Pilipino at kamtin ang kalayaan ng Inang- bayan. Kanino ka
papanig?
Maka-Bonifacio: Kung ako ikaw kaibigan, papanigan ko si Bonifacio sapagkat
lumaban siya at nagbuwis ng dugo. Kung babasahin natin ang
kuwento ng Sigaw ng Pugad Lawin, makikita mo ang kaniyang
katapangan, handa talaga siyang ibuwis ang buhay alang-alang
sa bayan.

DEPED COPY

Maka-Rizal: Subalit kaibigan tila ikay nagkakamali. Hindi tamang sabihin na tapang
lamang ang puhunan sa pagiging bayani. Si Rizal ay gumamit ng
tapang at katalinuhan. Ito ang naghuhumiyaw sa kaniyang mga hindi
mabilang na akdang isinulat. Kailangan ko pa bang isa-isahin ang
kaniyang obra? Kaya, higit na mabuting sang-ayunan mo na ang aking
paniniwala.
Maka-Bonifacio: Maghinay-hinay ka, ikay mapapahamak sa matalim mong
pananalita. Si Rizal ay puro salita lamang at kulang sa gawa.
Inaanyayahan kitang mataman akong pakinggan. Si Bonifacio ay
sumulat din naman ng mga akdang pumukaw sa puso ng kapwa
katulad ng Pag-ibig sa Tinubuang Lupa. Kayat masasabi kong
nagtataglay siya ng talino sa kabila ng kakulangan ng pormal na
edukasyon. Mas karapat-dapat tanghaling bayani si Bonifacio
dahil sa maalab siyang napanday ng karalitaan.
Maka-Rizal: Huwag kang masyadong magtiwala, baka ikay mahulog sa balong
malalim. Bagaman si Dr. Jose Rizal ay lumaki sa karangyaan, puspos
pa rin ang kaniyang buhay ng mga makabuluhang karanasan.
Nasaksihan niya sa ibat ibang panig ng mundo ang bunga ng
karahasan kayat ayaw niyang maganap din ito sa sariling bayan at
pinili niyang daanin sa mahinahong paraan ang pagharap sa suliranin
ng bayan. Ito ang itaga mo sa bato, kailanman hindi siya mapapalitan
bilang dakilang bayani.
Ipinunto ng isang panig ang paglabang walang dugo at ang kabilay paglabang
madugo, gayundin ang epekto ng pagiging maralita at may-kaya sa paghubog ng
pagkatao ng isang bayani. Kayo na ang humusga kung sino ang tunay na bayani sa
isip, sa salita, at gawa: Si Rizal ba o si Bonifacio?

313

Sagutin mo ang kasunod na gawain upang mapatunayan na nauunawaan mo ang


pagtatalo.
GAWAIN 8: Pinagdugtong na Kaalaman
Sa sagutang papel, kompletuhin ang Making The Connection Organizer.
Anong uri ng
teksto ang
binasa?

Ipinahahayag ng
teksto ang tungkol
sa

Ipinaalala ng teksto na
(Kaugnayan sa Epikong
Binasa)

Pagsasanib ng Gramatika at Retorika


Sa pag-aaral ng kaalamang nakapaloob sa bahaging ito ng Modyul, masasagot mo
ang tanong na nakatutulong ba ang paggamit ng mga ekspresiyon sa pagpapahayag
ng ibat ibang damdamin o layon ng pakikipagtalastasan?
Alam mo ba na
ibat ibang ekspresiyon ang maaaring gamitin sa pagpapahayag ng layon o
damdamin?

DEPED COPY

1. Ginagamit ang mga initiman sa kasunod na mga pangungusap sa pagpapayo


at/o pagmumungkahi.
Kung ako ikaw, mas pipiliin ko ang magpahinga muna.
Ano kaya kung pumanig ka na sa amin?
Mas makatutulong sa iyo ang masusing pag-aaral.
Siguro makabubuting ibahin mo ang iyong panimula.
Higit na mabuting ito ang unahin mo.
Inaakala kong mas makabubuti kung hindi susunugin ang mga hindi
natutunaw na basura.
2. Ang mga initiman sa sumusunod na pangungusap ay ginagamit sa pagaanyaya o pag-iimbita/ panghihikayat.
Halika, tingnan mo itot napakarikit.
Gusto mong sumang-ayon sa aking pinaniniwalaan?
Puwede ka ba bukas sa ating pagpaplano?
Inaanyayahan kitang pakatimbangin ang mga bagay-bagay.
3. Ang mga salita/pariralang initiman sa kasunod na mga pangungusap ay
ginagamit sa pagbababala na maaaring may kasamang pananakot (mahalaga
ang intonasyon sa pahayag) at/o pag-aalala (may kasamang inilalarawang
sitwasyon).
Babalang may kasamang pananakot
Huwag kang sinungaling; kung hindi lagot ka sa akin!
Kung hindi ka titigil, pupulutin ka sa kangkungan!
Babalang may kasamang pag-aalala
Hinay-hinay sa inyong pagsasalita, mag-ingat kayo.
Mapanganib iyan, kaya tingnan ang tinatahak.

314

4. Ginagamit ang mga initiman sa sumusunod na pangungusap sa panunumpa


at/o pangangako.
Pangako, hindi kita iiwan.
Sumpa man, ang iyong paniniwala ay isang malaking pagkakamali.
Itaga mo sa bato, ang aking winika ang katotohanan.
Hindi ako nagsisinungaling, tamaan man ako ng kidlat.
5. Ginagamit ang mga initiman sa sumusunod na pangungusap sa pagsangayon at pagsalungat .
Tama, mahusay ang mga patakarang kaniyang ipinatupad.
Ganyan din ang aking palagay, iyan ang solusyon sa suliraning
ating kinaharap.
Mali ang iyong ipinagdidiinang panukala.
Walang pakinabang na maidudulot iyan.
Ikinalulungkot ko ngunit di iyan magbubunga ng positibo.

Ang mga ekpresiyong ginagamit sa pagpapahayag ng layon o damdamin ay


maaaring pangkatin sa sumusunod:
Salita/Parirala

Matatalinghagang
Pananalita
itaga mo sa bato
tamaan man ako
ng kidlat
pupulutin sa
kangkungan

Pang-ugnay

Patanong/
Tanong
Ano kaya?
Puwede ka
ba?

DEPED COPY
kung ako ikaw
pangako
sumpa man
pangako
lagot ka
ganyan ang aking palagay
inaanyayahan
mag-ingat kayo
tingnan ang tinatahak
lagot ka

mas
wala
mali
tama
siguro
higit/na
ngunit

Pagsasanay 1: Piliin sa teksto at epikong tinalakay ang mga pangungusap na


ginamitan ng ibat ibang ekspresiyon at ilagay ito sa wastong kahon batay sa layon o
damdaming inihahahayag. Gamitin ang pormat sa ibaba at gawin sa sagutang papel.

Pag-aanyaya
o Pag-iimbita
Paghihikayat

Pagbababala
(Pananakot/
Pag-aalala)

Panunumpa
at/o
Pangangako

315

Pagpapayo at/o
Pagmumungkahi

Pagsangayon at
Pagsalungat

Pagsasanay 2: Sa sagutang papel, ilahad ang iyong matuwid sa sumusunod na


isyu. Gamitan ito ng mga ekspresiyong nagpapahayag ng layon o damdamin ayon sa
hinihingi dito.
1. Isyu: Kabutihan o Kasamaan ang tunay na kampeon?
Layon: Pang-aanyaya/Pag-iimbita/Panghihikayat
Matuwid: ____________________________________
2. Isyu: Kailangan muna bang mamatay bago kilalaning bayani?
Layon: Pagsalungat/Pagsang-ayon
Matuwid: ____________________________________
3. Isyu: Susi sa pagtatagumpay: Katalinuhan at Kalakasan?
Layon: Pagpapayo/Pagmumungkahi
Matuwid: ____________________________________
4. Isyu: Sino sa ina o ama ang malaki ang ambag sa pagkatao ng anak?
Layon: Pagbababala (Pananakot/Pag-aalala)
Matuwid: ____________________________________
5. Isyu: Nasa palad ba ng tao ang kaniyang pag-unlad?
Layon: Panunumpa/Pangangako
Matuwid: ____________________________________

DEPED COPY

Pagsasanay 3: Pumili ng kapareha at sumulat ng diyalogong nagtatalo/nagdedebate


na nilangkapan ng mga ekspresiyon sa pagpapahayag ng layon o damdamin upang
mabuo ang komik istrip na hindi bababa sa dalawang frame.

316

Naisagawa mo na ang yugto ng pagkatuto, tumungo ka ngayon sa kasunod na bahagi


upang mapagtibay ang natutuhan.

Pagnilayan at Unawain
Sa bahaging ito, mahusay mong ilahad ang paglalahat sa mahahalagang konseptong
natutuhan. Balikan at sagutin ang mga pokus na tanong. Gamitin ang E-chart sa
pagsagot at ilagay sa sagutang papel.

Mahahalagang Konsepto sa
Panitikan

Patunay

Mahahalagang Konsepto sa
Gramatika at Retorika

Patunay

Magaling! Subalit hindi pa rito natatapos ang pagsubok sa mga kasanayang iyong
natutuhan, narito pa ang isang pagsubok.

DEPED COPY
Ilipat

Ilapat lahat ng kasanayang natutuhan sa makabuluhang performance na nasa kahon


tungkol sa pangunahing-tauhan ng epiko ng Africa na hinalaw sa bayani ng kanilang
kasaysayan at sa mga ekspresiyon sa pagpapahayag ng layon o damdamin. Kung
mayroon ka pang mga alinlangan tungkol sa aralin, mainam na magtanong ka sa
iyong guro o balikan mo ang mga naunang gawain sa pagkatuto. Bago mo isagawa
ang performance, pagbulayan mo muna ang mga impormasyong nasa kahon.
Alam mo ba na
ang pagtatalo ( Arrogante, 2000 ) ay isang sining ng gantihang katuwiran o matuwid
ng dalawa o higit pang magkasalungat na panig tungkol sa isang kontrobersiyal
na paksa? Isinasagawa ito pamamagitan ng pagpapahayag ng mga katuwiran at
naaayon sa itinatakdang alituntunin at pamantayan. Ang gawaing ito ay nakasalalay
sa masining at maingat na pagbibitiw ng mga salita, gayundin kung pasulat. Mayroon
itong dalawang uri, ang pormal na pagtatalo na kung saan ang paksa sa uring ito
ay masining na pinag-uusapan at masusing pinagtatalunan. Ito ay may takdang
panahon, araw, at oras kung kailan gaganapin. Kailangan dito ang paghahanda.
Mayroon itong tatlong hakbang: (1)Pangangalap ng datos; (2) Paggawa ng dagli
o balangkas (3) Pagpapatunay ng katuwiran. Sa pagtutuligsa naman ay tukuyin
ang sumusunod: (1) maling katuwiran, (2) mga pahayag na walang batayan, (3)
kahinaan ng katibayan, at (4) mga pahayag na labas sa buod ng napagkasunduan.
May tatlong uri ng pormal na pagtatalo- ang Debateng Oxford, Debateng Oregon
at Debateng Oxford-Oregon. Samantalang ang di-pormal na pagtatalo ay hindi
maayos na pagpapalitang-kuro at palagay matapos ihayag ng tagapangulo ang
paksang pagtatalunan.

317

Narito ang pagganap/performance na iyong isasakatuparan at kasunod ang


pamantayan kung paano ito tatayahin.
Nalalapit na ang pambansang halalan at isang programa sa telebisyon ang
nag-anyaya ng mga political analyst upang maging kalahok sa masinsinang pagtatalo
tungkol sa karapat-dapat iluklok na pangulo sa pagitan nina Gilgamesh at Sundiata.
Silay ipinangkat batay sa kandidatong kanilang napipisil. Itoy pihadong tututukan
ng sambayanan kayat marapat na ipakita ang kagalingang nakabatay sa mahusay
na paglalatag at pag-aanalisa ng katibayan, pangangatuwiran at pagtuligsa at talas
ng isip sa pagpapahayag.

Pamantayan

Bahagdan

Paglalatag at Pag-aanalisa ng Katibayan

40%

Pangangatuwiran at Panunuligsa

40%

Pagpapahayag

20%

Kabuuan

100%

DEPED COPY


Binabati kita! Ang pagpupunyagi upang matuto ay labis na kahanga-hanga.
Tuklasin mo naman ngayon ang susunod na aralin ng modyul.

318

Aralin 3.7
A. Panitikan:

Paglisan (Buod)

Nobela mula sa Nigeria
ni Chinua Achebe

Isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera
B. Gramatika at Retorika: Pang-ugnay na Gamit sa Pagpapaliwanag
C. Uri ng Teksto :

Naglalahad

Panimula
Ang Nigeria ay isa sa mga bansa sa Africa na may malaking ambag sa panitikan.
Sa kasalukuyan, maraming akdang pampanitikang mula sa Nigeria ang nasusulat
sa Ingles dahil na rin sa impluwensiya ng mga bansa sa Kanluran.
Ang panitikan ng Nigeria ay sadyang nakapagpataas ng kamalayan
ng mamamayan ng bansa pagdating sa isyu ng uri ng pamumuhay, kultura,
tradisyon, at suliranin sa politika. Gayundin ang tungkol sa kasarian at kalagayan
ng kababaihan sa lipunan. Mga akdang pampanitikan din ang nakatulong upang
maiangat ang kanilang kalagayan tungo sa pagkakaroon ng makabagong talakay
sa mga akda na aagapay sa makabagong uri ng pamumuhay ng mga taga-Nigeria.
Sinasabing ang kakaunting mga akda na nasusulat sa ilang diyalekto ng Nigeria
ay mas tumatalakay sa kung ano ang nakaraan, lumipas, o naglaho na.

DEPED COPY

Kabilang ang nobela sa mga genre na nalinang ng Nigeria. Gayunpaman,


ang tuon ng kanilang panitikan ay sa mga prosa, tulad ng drama at tula kung saan
sadyang kinilala at nagbigay sa Africa ng pagkakakilanlan pagdating sa panitikan.
Sa nobela ni Chinua Achinebe na pinamagatang Things Fall Apart,
ipinakita sa atin ang kumplikadong mga batas at gawi ng angkang pinagmulan
ni Okonkwo, sa pagpapanatili ng maayos na ugnayan. Halimbawa nito ay ang
pagsasalo o pag-aalok ng lambanog at kola nuts na binabanggit sa kabuuan ng
nobela ang isang paraan ng mga Igbo ng mapayapang pakikiharap sa sino mang
tatanggaping bisita sa tahanan o sino mang taong pakikiharapan. Ang gayong
gawi ay pagpapakita ng maayos na paraan ng pagtanggap o pagtanggi sa kung
ano man ang pakay o layon ng paghaharap. Isang paraan ng pakikipagkapwatao ng mapayapa para sa mga Igbo ang nasabing gawi. Kapag nakapanghiram
ng pera at sisingilin na, mahusay namang hinaharap ng mga Igbo ang nasabing
maniningil. Bumabanggit sila ng mga sawikain na angkop sa nais nilang ipabatid
na mensahe. Tulad na lamang halimbawa kapag hindi sila makababayad agad,
sasambitin ang mga kasabihang maaaring makapagpabago ng isip ng maniningil
upang ipagpaliban muna ang paniningil. Malinaw na sinasabi ng mga kultura at
nakagisnang tradisyon ng mga Igbo ang kanilang pagiging payapa sa pagharap
ng ganitong suliranin.

319

Paulit-ulit na binabanggit ni Chinua Achebe ang kapayapaan ng mga


Igbo bagamat sila sa maraming pagkakataon ay may komplikadong tradisyon at
nakagisnang mga gawi. Ginawa ni Achebe ito sa nobela upang maipabatid na
hindi barbaro ang mga Africano tulad ng pagkakakilala sa kanila ng mga Europeo.
Ang Aralin 3.7 ay naglalaman ng buod ng nobelang Paglisan mula sa
Nigeria na isinulat ni Chinua Achebe at isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera. Sa
pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang magpapamalas ng pag-unawa at
pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Africa sa tulong ng mga pangugnay na ginagamit sa pagpapaliwanag at mabisang pagsusuri sa halaw ng
isang nobela. Inaasahan din na makapagtatanghal ka ng isang puppet show na
nagpapakita ng mga kulturang nananatili pa sa inyong lugar.

Yugto ng Pagkatuto

Tuklasin
GAWAIN 1: Scrambled Letter, Gawing Better
Ayusin ang mga letra sa bawat bilang upang makilala ang sinisimbolo ng mga bagay
na tanyag sa bansang Africa. Ang unang letra ay ibinigay na. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

DEPED COPY

1. 4.
KMOUINAKYSNO

EPSRIUTI

2. 5.
P G A L L I I W N G A A

T A R D I S O Y N


3.
I N G N N- BYANA

320

GAWAIN 2: Kahulugan ng Salita, Ilantad Na!


Magbigay ng kahulugan sa salitang nakasulat. Isulat sa iyong sagutang papel ang
sagot.

Katapangan

GAWAIN 3: Pang-angkop, Iangkop


Lagyan ng wastong pang-angkop ang bawat patlang.

DEPED COPY


Masaya __ nag-aagahan ang pamilya __ Rivera isang malamig __ umaga.
Nagluto ng ginisa __ kangkong ang kanila __ kasambahay. Nilagyan ito ng kaunti __
toyo upang magsilbing pampalasa sa ulam. Naging tampok ng kanila __ kuwentuhan
ang nagdaan __ gabi. Sari-sari __ katatawanan ang naganap bago sila natulog.
Nagbiruan. nagtawanan at nauwi sa seryosohan ang usapan. Dahil sa nakalilibang na
gabi, kinain ng pusa ang tira __ ulam sa mesa. Dapat sana ito ay kanila __ umagahan
pa. Kaya naman nauwi sa ginisa __ kangkong ang kanila __ umagahan. Sa kabila
nito, batid nila ang sustansiya __ dulot ng ginisa __ kangkong.
GAWAIN 4: Hula-ooppss!
Hulaan ang tinutukoy ng saknong sa ibaba.
Gamit sa teatro at telebisyon
artistiko at produktibong solusyon
sa komersyoy mainam na produksyon
sa kalusugan bawas alta presyon
sa mga bata ay isang atraksyon
karilyo ito noong unang panahon
ano ito sa ating panahon?
Sagot:__________

321

Linangin

Basahin at unawaing mabuti ang bahagi ng nobelang mula sa Nigeria.
Kasunod ang ilang salita na tutulong sa iyo upang lubos mong maunawaan ang akda
upang sa gayoy maipamalas mo ang iyong pagpapahalaga at pag-unawa sa kultura
ng bansang Africa lalo na sa Nigeria.
Alam mo ba na
ang nobela ay isang mahabang kathang pampanitikan? Naglalahad ito ng
mga pangyayaring pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang
pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng tauhan at ng
hangarin ng katunggali sa kabila. Isang masining na pagsasalaysay ng maraming
pangyayaring magkasunod at magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may
kaniya-kaniyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawiliwiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela.
May mga elemento ang nobela tulad ng sumusunod:
1. Tagpuan Lugar at panahon ng mga pinangyarihan
2. Tauhan Nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela
3. Banghay Pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela
4. Pananaw Panauhang ginagamit ng may-akda a.) una - kapag kasali ang
may-akda sa kwento, b.) pangalawa - ang may-akda ay nakikipag-usap, at
c.) pangatlo - batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda
5. Tema Paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela
6. Damdamin Nagbibigay kulay sa mga pangyayari
7. Pamamaraan Istilo ng manunulat
8. Pananalita Diyalogong ginagamit sa nobela
9. Simbolismo nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay, at
pangyayarihan

DEPED COPY

Cowrie Yari sa shell na ginagamit bilang palamuti ng mga Afrikano. Ginagamit din
sa ritwal at paniniwalang panrelihiyon.
Ekwe Isang tradisyunal na kagamitang pangmusika na yari sa sanga ng kahoy.
Isang uri ng tambol na may ibat ibang uri at disenyo.
Egwugwu Espiritu ng mga ninuno. Gumagamit ng mascara ang tribu at sumasanib
sila kung may nais lutasin na isang krimen. Pinaniniwalaan na ang mga
Egwugwu ang pinakamataas na hukom sa lupain ng Nigeria.
Ogene Malaking metal bell na ginawa ng mga igbo sa Nigeria.
Igbo Katutubong tao mula sa Timog-Silangang Nigeria. Karamihan sa kanila ay
magsasaka at mangangalakal.

322

Paglisan (Buod)
Things Fall Apart ni Chinua Achebe
Isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera
Si Okonkwo, isang matapang at respetadong mandirigma, nagmula sa lahi ng mga
Umuofia, isang hindi gaanong kilala at hindi kalakihang tribo sa Nigeria.
Labingwalong taong gulang noon si Okonkwo nang matalo niya sa isang
labanan si Amalinze, ang Pusa. Dahil dito kinilala ang katapangan ni Okonkwo mula
Umuofia hanggang Mbaino. Sa maraming pagkakataon, ipinamalas ni Okonkwo
ang kaniyang katapangan upang mapagtakpan ang laman ng kaniyang dibdib laban
sa kaniyang ama, si Unoka na sa kaniyang tingin ay mahina at talunan. Walang
nagawang mahusay ang kaniyang amang si Unoka dahil sa kaniyang katamaran. Sa
halip, puro kahihiyan ang iniwan nito sa kanilang pamilya sapagkat nag-iwan pa ito
ng maraming utang sa mga kanayon bukod pa sa pinabayaan niya ang kaniyang
pamilya. Ang naging buhay na ito ni Unoka ay laban kay Okonkwo. Kaya pinatunayan
niyang naiiba siya sa kaniyang ama. Para patunayan ang kaniyang kakayahan sa
pamumuno, pinamahalaan niya ang siyam na nayon. At siya ay nagtagumpay. Tatlo
ang kaniyang naging asawa, nakapundar ng mga ari-arian na nagpapatunay lamang
ng kaniyang pagiging masipag. Naging matapang na mandirigma at makapangyarihan
siya sa buong nayon. Dahil dito, siya ay kinilalang lider ng kanilang tribo.

DEPED COPY

Dahil sa kaniyang kakayahan sa pamumuno, pinili si Okonkwo ng mga kanayon


upang ipagtanggol si Ikemefuna, ang lalaking kinuha bilang tanda ng pakikipagkasundo
sa kapayapaan sa pagitan ng Umuofia at isang nayon pagkatapos mapatay ng tatay
ni Ikemefuna ang isang babaeng Umuofian. Tumira ang batang lalaki kina Okonkwo.
Naging magiliw at magkasundo naman ang dalawa. Itinuring ng bata si Okonkwo
bilang pangalawang magulang.
Isang araw, lihim na ipinaalam ni Ogbuefi Ezeudu, isa sa matatandang tagaUmuofia, ang planong pagpatay kay Ikemefuna. Binalaan ni Ezeudo na huwag
makialam sa planong ito si Okonkwo. Hindi ka dapat makialam sa isasagawang iyon
ng kalalakihan ng Umuofia sapagkat isang ama na ang turing ni Ikemefuna sa iyo,
wika ni Ogbuefi Ezeudu kay Okonkwo. Dahil dito, gumawa ng paraan si Okonkwo.
PInaniwala niyang ihahatid na si Ikemefuna sa kaniyang tunay na ina. Naglakbay ang
bata kasama ang ilang kalalakihan ng Umuofia. Sa gitna ng kanilang paglalakbay,
sinugod ng mga kasamang lalaki si Ikemefuna upang patayin ngunit nakatakas ang
bata. Nagpasaklolo ito sa kaniyang ama-amahan. Noon ay nasa harapan ng mga
katribo si Okonkwo upang mapanatili ang ipinakitang katapangan, tinaga niya ang
bata sa harapan nila sa kabila ng paghingi ng awa sa itinuring na ama. Nakalimutan ni
Okonkwo ang naging usapan nila ni Ogbuefi Ezeudu. Umuwi si Okonkwo na mag-isa.
Wala na ang batang tumulong at gumabay sa kaniya. Naging simula naman iyon ng
malaking pagbabago kay Okonkwo. Hindi na siya makakain, hindi na makatulog, hindi
na rin makapag-isip nang maayos. Ramdam niya sa kaniyang sarili ang depresyong
siya rin naman ang may pagkakamali kayat upang maibsan ang kapighatian at huwag
matulad sa kaniyang ama na isang sawi ay nagtungo siya sa kaniyang kaibigang si
Obierika. Humingi siya ng payo rito at nakaramdam naman siya ng kaunting gaan ng
loob. Nagkasakit naman noon si Ezinma, anak na babae ni Okonkwo, ngunit gumaling
din sa tulong ng mga halamang gamot na ipinanlunas ng kaniyang ama.

323


Lumipas ang panahon, nabalitaan ni Okonkwo na namatay si Ogbuefi Ezeudu.
Nakaramdam ng konsensiya si Okonkwo sapagkat nang huling makausap niya ito ay
noong bigyan siya nito ng babala tungkol sa pagkonsulta sa orakulo na papatayin si
Ikemefuna. Pinuno ng malalakas na tunog ng tambol na sinasabayan ng alingawngaw
ng malakas na putok ng baril ang maririnig sa paligid habang nakaburol si Ogbuefi
Ezeudu. Kagimbal-gimbal na trahedya ang bumulaga sa lahat ng mga naroroon nang
pumutok ang baril ni Okonkwo at tamaan ang labing-anim na taong gulang na anak
ng yumao. Dahil dito, kailangang pagbayaran ni Okonkwo ang nagawang kasalanan
laban sa kaniyang kaangkan. Isang malaking pagkakasala sa diyosa ng Lupa ang
pumatay at makapatay ng kauri. Hinakot lahat ni Okonkwo ang kaniyang mga ariarian at mahahalagang kagamitan at nagtungo sa Mbanta, lugar ng kapanganakan
ng kaniyang ina dala ang kaniyang buong pamilya. Sinunog ang mga natirang hayop,
kubo, at mga naiwang pag-aari ni Okonkwo tanda ng paglilinis sa buong pamayanan
sa kasalanan nito. Malugod naman silang tinanggap ng mga kaanak higit lalo ang
tiyuhin nitong si Uchendu. Tinulungan nila sina Okonkwo na makapagpatayo ng
kanilang munting pamayanan at pinahiram ng mga butil na pagsisimulan ng kanilang
munting kabukiran. Malagim at mahirap man ang sinapit ni Okonkwo, pinilit niyang
tanggapin ang lahat at muling magbalik sa kung saan siya nagmula.

Dumaan ang dalawang taon ng pagkakapatapon kina Okonkwo. Sa mga taong
iyon matiyagang kinukuha at inaani ni Obierika ang mga pananim ni Okonkwo sa
dating lugar. Ibinebenta niya ito at ibinibigay ang pinagbilihan kay Okonkwo. Buong
sipag niya itong ginagawa hanggang sa makabalik na si Okonkwo sa Umuofia. Isang
masamang balita naman noon ang ipinabatid ni Obierika nang minsang nagdala
siya ng pinagbilhan kay Okonkwo. Winasak daw ng mga puti ang Abame, isa ding
pamayanan ng mga Umuofia.

DEPED COPY


Hindi naglaon, may mga dumating na misyonero sa Mbanta. Sa tulong ng isang
interpreter na si G. Kiaga, kinausap ni G. Brown, lider ng mga misyonero ang mga
taga-Mbanta. Ayon sa kanila, ang pagsamba sa mga diyos-diyosan ay isang malaking
kasalanan at hindi katanggap-tanggap sa simbahan. Lalong hindi maunawaan ng
mga taga-Mbanta kung paanong ang Tatlong Persona ay naging iisang Diyos katulad
ng ipinaliliwanag ng mga misyonero tungkol sa dapat na pagsamba sa iisa lamang
na Panginoon. Layunin ng mga misyonero na dalhin ang Kristiyanismo sa Mbanta
at hindi ang tuligsain sila. Nagkasakit si G. Brown at pinalitan ni Rev. James Smith,
isang malupit at bugnuting misyonero. Nagkaroon ng relihiyon ang mga taga-Mbanta.
Habang isinasagawa ang taunang seremonya para sa pagsamba sa Bathala ng Lupa
hinablot ni Enoch ang takip sa mukha ng isang Egwugwu, katumbas ng pagkitil sa
espiritu ng mga ninuno. Kinabukasan, sinunog ng Egwugwu ang tahanan ni Enoch at
ang simbahang itinayo nina Rev. Smith.

Ikinapanlumo ng Komisyoner ng distrito ang naganap na panununog sa kanilang
simbahan. Dahil dito humiling siya ng pakikipagpulong sa pinuno ng mga Umuofia. Sa
pulong, pinosasan ang mga dumalong pinuno ng mga Umuofia at ikinulong. Nakatikim
ng pandudusta, masasakit na salita at pang-aabuso ang mga pinuno ng Umuofia.

Pagkatapos mapalaya ang mga bilanggo, agad silang nagpulong at
napagkasunduang tumiwalag. Inakala ni Okonkwo na nais ng mga kaangkan
na maghimagsik kung kayat gamit ang machete pinatay niya ang pinuno ng mga
mensaherong lumapit sa mga kaangkan niya. Hinayaan naman ng tao na makatakas
ang iba pang mensahero at doon napagtanto ni Okonkwo na hindi handa ang kaniyang
mga kaangkan sa isang giyera.

324


Dumating sa lugar ni Okonkwo ang Komisyoner ng Distrito upang imbitahan siya
sa isang pagdinig sa korte subalit natagpuan na lamang niyang nakabitin si Okonkwo.
Nagpatiwakal si Okonkwo. Ibinaba nina Obierika ang katawan ni Okonkwo. Gumimbal
sa buong nayon ang nangyaring ito sapagkat kinikilala nila na ang pagpapatiwakal ay
isang malaking kasalanan at bukod dito si Okonkwo ay nakilala sa pagiging matapang
at malakas. Ang taong iyan ay kilala at tanyag sa buong nayon, dahil sa kaniyang
ginawang pagpapatiwakal, matutulad lamang siya sa isang inilibing na aso. Sabi ni
Obierika, ang kaniyang kaibigan.
- Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, USA
GAWAIN 4: Paglinang ng Talasalitaan
Piliin sa pares ng salita sa bawat bilang ang angkop na kahulugan ng salita. Gamitin
ito sa makabuluhang pangungusap. Isulat sa papel ang sagot.
1. palamuti

2. ipinabatid

abubot

dekorasyon

ipinaalam

isinangguni

DEPED COPY

3. napagwagihan

4. magpatirintas

napagtagumpayan

nalampasan

nagpasalapid

nagpapusod

kagulat-gulat

kataka-taka

5. kagimbal-gimbal

GAWAIN 5: Tradisyong Africa, Pahiwatig Ano Ba?


Ipaliwanag ang sumusunod na tradisyon mula sa Africa. Isulat sa sagutang papel ang
sagot.
1. Pagsasalo sa alak na gawa sa palm at koala nuts sa tuwing may pag-uusapang
mahalagang bagay.
2. Paggamit o pagbigkas ng mga Igbo ng mga sawikain kapag dumarating ang
mga maniningil ng utang.
3. Pagkonsulta sa Orakulo ng mga Igbo bago lumusong o magdeklara ng giyera
4. Pagkakaroon ng kinikilalang relihiyon.
5. Pagsunog sa mga ari-ariang maiiwan ng nagkasala kapag siya ay naipatapon.

325

GAWAIN 6: Fan-Fact Analyzer


Gamit ang graphic organizer, pagsunod-sunorin ang mga pangyayari sa binasang
buod ng isang nobela mula sa Nigeria.

GAWAIN 7: Komprehensiyon at Reaksiyon sa Leksiyon


Sagutin ang mga gabay na tanong.
1. Ilarawan mo si Okonkwo batay sa iyong binasang buod.
2. Ano-anong mukha ng kahinaan ang iniiwasan ni Okonkwo? Ano ang sinisimbolo
ng pagkakaroon ng asal-babae ng kalalakihan para kay Okonkwo?
3. Makatuwiran ba ang ginawa ni Okonkwo kay Ikemefuna? Patunayan.
4. Batay sa mga ipinakita ni Okonkwo karapat-dapat ba siyang kilalaning isang
magiting na mandirigma? Bakit?

DEPED COPY

5. Paanong ipinakita ni Okonkwo ang kaniyang katatagan sa kaniyang paniniwala


at paninindigan?
6. Sa paanong paraan ipinakita sa akda ang pagtanggap ni Okonkwo sa kaniyang
pagkatalo at muling magbalik sa kaniyang pinagmulan?
7. Sang-ayon ka ba sa naging wakas ng nobela? Pangatuwiranan ang sagot.

8. Kung isasapelikula ang nasabing nobela, ano-anong bahagi ang iyong


bibigyang kulay? Bakit?
GAWAIN 8: Iskrip: Basahin at Suriin
Narito ang bahagi ng iskrip ng Sarah, Ang Munting Prinsesa na isinulat ni Shaira MellaSalvador sa Direksiyon ni Romy V. Suzara. Gamit ang pormat na kasunod, suriin ang
bahagi ng iskrip.
I. Pamagat
II.
Mga Tauhan
III.
Buod ng Pelikula
IV.
Banghay ng mga Pangyayari (story grammar)
a. Tagpuan
b. Protagonista
c. Antagonista
d. Suliranin
e. Mga Kaugnay na Pangyayari o Mga Pagsubok sa Paglutas ng Suliranin
f. Mga Ibinunga
V.
VI.

Paksa o Tema
Mga Aspektong Teknikal
a. Sinematograpiya

326

VII.

b. Musika
c. Visual Effects
d. Set Design
Kabuuang Mensahe ng Pelikula

Adaptasyon mula sa nobelang A Little Princess.


Matapos mamatay ang ina ni Sarah (Camille Pratts) ay napilitan siyang iwanan ng
kaniyang amang si Capt. Ralph Crewe (Matt Ranillo III) sa isang boarding house.
Nang ibalita ni Mr. Barrow na patay na si Mr. Crewe ay ayaw panatilihin si Sarah sa
boarding house ng head mistress na si Miss Minchin (Jean Garcia). Ipinagtatanggol
siya ng kapatid ni Miss Minchin na si Miss Amelia (Rio Locsin).
SEQ. 19-A. INT. HALLWAY OUTSIDE MISS MINCHINS OFFICE. DAY.
Sarah hurries down the stairs. Bitbit niya si Emily (doll). Hustong nakalabas na ng
office ni Miss Minchin si Mr. Barrow. He walks towards the main entrance. Sarah
sees him.
SARAH : Papa! Papa!
Mr. Barrow does not look back. Tuloy-tuloy ito sa paglakad.
Sarah runs after him.
Finally, when Mr. Barrow nears the school entrance, he turns around to look at her.
Show the surprise and the disappointment on Sarahs face. Mr. Barrow shakes his
head sadly and walks away.
SEQ. 19-B INT. MINSHINS OFFICE. SAME DAY
Back in the office, Miss Minchin and Miss Amelia discuss the issue. Miss Amelia is
depressed about Sarahs situation.
MISS AMELIA: (naiiyak) Kawawa naman si Sarah kailangang tulungan natin siya
Ate.
MISS MINCHIN: (sharply) Anong kawawa? Mas kawawa tayo!
Hindi tayo bahay ampunan, baka akala mo.
MISS AMELIA: Saan siya pupunta, Ate? Narinig mo ang sinabi ni Mr. Barrow walang
ibang kukupkop kay Sarah.
MISS MINCHIN: Hindi ko na problema iyon
MISS AMELIA: Alangan namang itaboy natin ang bata?
MISS MINCHIN: Alam mo namang nakasangla sa banko ang eskwelahang ito baon
na baon na tayo sa utang kay Mr. Crisfordnasaan na ang utak mo, Amelia?
MISS AMELIA: Nasaan ang kunsensiya mo, Ate?
MISS MINCHIN: (raises her voice) Bakit kasalanan ko ba kung bakit namatay ang
ama ni Sarah?
Because of their heated discussion, the two women failed to take notice of Sarahs
presence. Sarah is standing outside Miss Minchins door, crying softly. Miss Amelia
sees her.
MISS MINCHIN: Sarah
Miss Minchin looks over her shoulder at Sarah. The little girl quietly walks away,
clutching Emily close to her.

DEPED COPY

GAWAIN 9: Kaya Mo
Sagutin ang mga gabay na tanong.
1. Ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagsusuri ng isang pelikula?
2. Bakit mahalagang ihanda muna ang iskrip ng isang nobela bago ito isapelikula?
3. Ano-ano ang dapat nilalaman ng isang iskrip?

327

Pagsasanib ng Gramatika at Retorika


Alam mo ba na...
sa pagsusuri o pagbibigay ng ebalwasyon sa isang iskrip may mga bagay tayong
dapat bigyan ng pansin? Ayon kay Ricky Lee sa kaniyang aklat na Trip To Quiapo
Scriptwriting Manual, una, kailangang maging malinaw muna ang konseptong
pinag-uusapan. Ikalawa, malaman ang major concepts ng materyal. Ikatlo,
dapat konektado ang lahat ng gustong sabihin ng sumulat ang kung tungkol saan
ba talaga ang istorya. Kailangang masagot ang anomang mga tanong tungkol
dito. Kailangang ang bawat bahagi ay magkakaugnay. Makakamit naman ang
maayos na paghahanda ng iskrip kung masusing bibigyang-tuon hindi lamang ang
pagkakaugnay ng mga pangyayari kundi sa pagbuo ng mga diyalogo. Malaki ang
maitutulong ng mga pang-ugnay sa pagbuo ng mga diyalogong ito.

Sa pagsusuri naman ng isang pelikula, bumubuo ka ng pagpapaliwanag sa
mga detalyeng nais na bigyan ng pansin. Maaaring pagpapaliwanag sa magandang
nakita sa iskrip at o sa pelikulang pinanood gayundin naman sa pagpapaliwanag
ng mga naging kahinaan ng iskrip at/o ng pelikulang pinanood. Ayon sa aklat na
Gramatikang Pedagohikal ng Wikang Filipino ni Vilma M. Resuma, maipaliliwanag
ang isang argumento o punto sa tatlong paraan: (1) pagpapalawak at/o
pagpapaliwanag ng kahulugan, (2) pagbibigay ng mas tiyak, detalyado, at higit na
maliwanag na deskripsiyon, kabilang na sa puntong ito ang mga paggamit ng pangugnay, pagtutulad at pag-iiba-iba, at (3) pagbibigay ng halimbawa. Makatutulong
nang malaki ang paggamit ng mga pang-ugnay upang maging mabisa ang
pagpapaliwanag. Ilan sa mga ito ay ang mga pang-angkop na ginagamit bilang
pang-ugnay upang mapadulas ang pagbigkas ng salita. Ang pang-angkop na na,
ng, g. Ginagamit ang na kapag ang salitang aangkupan ay nagtatapos sa katinig,
ang g naman ay ginagamit sa mga salitang nagtatapos sa n at ginagamit naman
ang ng sa mga salitang aangkupan na nagtatapos sa patinig. Maliban dito, ang mga
pangatnig na bagamat, upang, at, tulad ng, kapag, kung, at iba pa ay magagamit din
sa mahusay na pagpapaliwanag.

DEPED COPY

Pagsasanay 1: Gamit ang 3Rs, Read, React, Reenact, isagawa ang tungkol sa
sumusunod na sitwasyon na mula sa iskrip ng Ang Munting Prinsesa.
MISS MINCHIN: (sharply) Anong kawawa? Mas kawawa tayo!
Hindi tayo bahay ampunan, baka akala mo.
Hindi ko na problema iyon Alam mo namang nakasangla sa banko
ang eskwelahang itobaon na baon na tayo sa utang kay Mr.
Crisfordnasaan na ang utak mo, Amelia? Bakit kasalanan ko ba kung
bakit namatay ang ama ni Sarah???

1. Planong pagpapaalis ni Miss Minchin kay Sarah


Read _________________________________
React _________________________________
Reenact _______________________________
2. Kabutihang loob ni Miss Amelia kay Sarah
3. Hindi pagtatapat agad kay Sarah ng nangyari sa kaniyang ama
4. Pagtatalo ng magkapatid na Minchin at Amelia

328

Pagsasanay 2: Lagyan ng angkop na pang-ugnay ang mga patlang upang mabuo


ang talata.
Sa nobelang isinulat ni Chinua Achebe matagumpay na nailahad ang kagiliw-giliw
________ tradisyon ng mga taga-Africa. ________ sa simula ay negatibo ang
ipinamalas na paraan ni Okonkwo, lumilitaw naman na sa kabuuan ng nobela, siya
ang protagonista. ________ susuriing mabuti, kapansin-pansin ang isa pang kultura
na mababanaag sa mga taga-Umuofia. Akala ng mga Kanluranin, ang mga tagaAfrica ay likas na tahimik ________ malinaw na ipinakita ni Achebe ang kabalintunaan
nito sa ugaling taglay ng Umuofia na sila ay may komplikadong wika, punong-puno
ng talinhaga ________ may masining na paraan ng pamamahayag. Kapansinpansin din ang pagbabalik loob ni Okonkwo sa kaniyang pinagmulan, pagkilala sa
kaniyang pagkagapi, at pagtanggap sa mga parusang ipinataw sa kaniya sa kabila
ng imahe ng katapangan na siya niyang ipinamumukha sa kaniyang mga katribo.
Pagsasanay 3: Sumulat ng isang talatang naglalarawan sa bansang Africa o Persia.
Gumamit ng mga pang-ugnay. Guhitan ang lahat ng pang-ugnay na iyong ginamit.
Pagnilayan at Unawain
1. Gamit ang Venn Diagram, ano-anong kultura at tradisyon ng mga taga-Africa
ang may pagkakatulad at pagkakaiba sa Pilipinas. Tandaang mula ito sa
limitado nating kaalaman tungkol sa dalawang kultura.

DEPED COPY

2. Sa paanong paraan makatutulong ang kaalaman sa paggawa ng iskrip at gamit


ng pang-ugnay sa pagpapaliwanag sa pagbuo ng panunuring pampelikula?
Ilipat
Binabati kita sa kahusayang ipinamalas mo sa pagsusuri sa mga tradisyon ng mga
taga-Africa at mga pang-ugnay. Ngayon, pihadong maisasagawa ang pagganap sa
yugtong ito.
Nalalapit na ang pista sa inyong lugar at ikaw ay kilalang magaling na event organizer.
Nakiusap ang Kapitan ng inyong barangay na pamahalaan mo ang pagkakaroon
ng puppet show upang maitanghal ang kultura at tradisyong namamayani pa sa
inyong lugar na kinamulatan pa ng inyong mga magulang.
Itataya ang iyong pagganap batay sa sumusunod na pamantayan:
Pagbuo ng Iskrip
30 puntos
Pagganap 25 puntos
Aspektong Teknikal 25 puntos
Kaangkupan ng paksa
20 puntos
Kabuuan 100 puntos

329

Alam mo ba na...
ang puppet show ay isang pagtatanghal na ang pangunahing tauhan ay mga
puppet? Ang puppet ay isang uri ng sining na ginagamitan ng ibat ibang mga midya,
kagamitan, at pamamaraan. Dito mo maipakikita ang iyong pagkamalikhain at
kakayahan sa paggawa ng isang likhang- sining sa pamamagitan ng mga patapong
bagay. May mga puppet na pinagagalaw sa pamamagitan ng pisi o sinulid, puppet
na pang kamay o hand puppet tulad ng medyas na puppet, puppet na supot, at
puppet na bag at stick puppets. Ang stick puppet ang pinakapayak sa lahat ng uri
nito. Mayoon lamang mga larawang ginupit at idinikit sa stick. Ang medyas na mga
puppet ay simple rin. Isusuot lamang ng bata ang medyas sa kanyang kamay at
pagagalawin niya ito sa pamamagitan ng mga daliri habang nagsasalita kasama
ang hinlalaki para magmukhang bibig ng puppet. Maaaring lagyan ng tali, butones
at kapirasong damit para magmukhang mukha ng tao.

Pagkatapos makalikha ay maaari nang magtanghal ng isang puppet. Ang
mesa na nababalutan ng tela ang magsisilbing tanghalan habang nakatago sa likod
nito ang nagtatanghal (puppeteers).
Narito ang ilang halimbawa ng paggawa ng puppet:
Puppet na Supot
Pamamaraan:
1. Kumuha ng isang supot na papel.
2. Gumuhit ng mukha ng tao sa isang puting papel, gupitin sa paligid at idikit sa
dakong ilalim ng supot.
3. Itapat ang bibig ng larawan sa lupi ng supot.
4. Gupitin nang pahalang ang bahagi ng larawan na nakatapat sa bibig at lupi
ng supot upang huwag magkahiwalay ang nguso at labi. Huwag gugupitin
ang supot.
5. Ibuka ang dakong bibig at dikitan ng papel na hugis bilog upang mag-anyong
loob ng bibig. Maaari mong dikitan o guhitan ng maliit na dila.
6. Isuot ang kamay sa supot na ang palad ay nakaharap sa larawang idinikit.
Iaros ang apat na daliri sa dakong itaas at ang hinlalaki sa ibaba. Sa
pamamagitan ng mga daliri ay maaari mong pagsalitain ang puppet habang
ikaw ay nagkukuwento.

DEPED COPY

Puppet na Medyas
1. Gupitin paloob ang dulo ng medyas. Ito ang magsisilbing bibig.
2. Gumupit ng tela o retasong hugis bilohaba na kulay dalandan, pula o rosas,
at itahi sa paligid ng ginupit na bahagi ng medyas.
3. Isuot ang kamay sa medyas na ang apat na daliri ay nasa dulo ng dakong
talampakan ng medyas at ang hinlalaki ay nasa dulo ng dakong ibabaw ng
medyas upang malaman kung saang dako mo ilalagay ang mga mata at ilong.
4. Lagyan ng mga mata at ilong ang puppet sa pamamagitan ng mga butones,
abaloryo o ano mang patapong bagay. Maaari mo ring iburda ang mga mata
at ilong
5. Ang ulo ay maaari mong lagyan ng binungkos na sinulid upang magmukhang
buhok o sombrero.
6. Suotan ng damit ang iyong puppet upang matakpan ang iyong braso.

330

Puppet na Gumagalaw
1. Gumawa ng isang manika sa pamamagitan ng mga retaso o sirang stockings
na binalumbon at itinali sa mga hugpungan.
2. Lagyan ng mga mata, ilong, at bibig sa pamamagitan ng mga butones at
patapong mga bagay.
3. Lagyan ng buhok na binigkis na estambre o sinulid.
4. Balutan ng ibang retaso ang dakong ibaba upang magkaroon ng damit.
5. Lagyan ng tig-iisang pisi o sinulid ang mga lugar na nais pagalawin at itali
ang kabilang dulo sa pinag-ekis na patpat. Maaari mo itong pagalawin sa
pamamagitan ng paggalaw sa patpat.
6. Isipin kung paano pa maaaring pagalawin ang puppet at kung saan pang
bahagi ng katawan maaari itong talian.
Binabati kita! Maluwalhati mong natapos ang mga gawaing nakatulong sa iyo upang
maipamalas mo ang iyong galing. Ngayon namay simulan mo na ang pangwakas na
gawain.

PAGNILAYAN AT UNAWAIN (PARA SA MODYUL 3)

DEPED COPY

Sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao, isa sa mga bumubulaga sa atin ay ang mga


makatawag-pansing patalatas tulad ng mga nababasa sa mga pahayagan, magasin,
tarpaulin, billboard, at polyeto, narinig sa radyo at napapanood sa telebisiyon, at
internet/online sites.

Ang patalastas o anunsiyo ay isang mabisang instrumento ng komunikasiyon
na nanghihimok sa mga manonood, tagapakinig at mambabasa na patuloy na kumilos
o gumawa. Nakatutulong din ito sa pagpapalaganap ng mahalagang impormasiyon
at nakaiimpluwensiya sa mga mamimili na tangkilikin ang produktong iniaalok. Ang
mga Egyptian ang nagpasimula nito sa pamamagitan ng paglalathala ng mga paskil o
karatula sa mga bato o haligi gamit ang papyrus at ang katibayan nitoy matatagpuan sa
Pompeii at matandang Arabia. Samantalang isang karaniwang anyo ng patalastas ang
pagpipipinta sa mga tabike o bato sa Asia, Africa at South America hanggang sa itoy
lumaganap at sumikat kasabay ng modernisasiyon. Tunay na hindi mapasusubalian
ang ambag ng patalastas o anunsiyo sa ekonomiya.

Kaya naman isa sa popular na komposisiyon ang malikhaing paglikha ng
patalastas. Anupat ang mga mag-aaral ay sinasanay sa pagbuo at pagdidisenyo nito
upang higit na mahasa ang kanilang kasanayan sa pakikipagtalatasan.

331


Ngayon, ikaw naman ang magtatanghal ng natatanging pagganap na bunga
ng mahahalagang kasanayang nalinang sa iyo. Lilikha ka ng isang palatalastas
pantelebisyon na nagpapakita ng kagandahan ng kultura ng alinmang bansa sa
Africa at Persia batay sa mga binasang akdang pampanitikan. Tatayahin ang iyong
pagganap ayon sa sumusunod na pamantayan: kasiningan, kaangkupan, kawastuhan,
at kawilihan. Ngunit bago mo gawin ang inaasahang pagganap maingat mo munang
sagutin ang mga gawain sa yugtong ito.

GAWAIN 1: Katibayan ng Kaalaman

Gumawa ng paglalahat/sintesis sa kabuuan ng Modyul sa tulong ng organizer. Gawin


ito sa sagutang papel.

DEPED COPY
GAWAIN 2: Natatandaan Ko

Sa pamamagitan ng Text Connection Organizer, sagutin ang mga tanong.


Aralin

Ano ang aking nabasa?

Aralin 3.1
Aralin 3.2
Aralin 3.3
Aralin 3.4
Aralin 3.5
Aralin 3.6
Aralin 3.7

332

Ano ang aking natutuhan?

GAWAIN 3: Kayang-kaya Mo

Sagutin ang sumusunod na tanong sa sagutang papel.


1. Bakit kailangang pag-aralan ang mga saling-panitikan ng Africa at Persia?
2. Nabago ba ang iyong pananaw tungkol sa Africa at Persia matapos mabasa
ang mga saling akda mula sa mga bansa nito? Bakit?
3. Masasabi mo bang may pagkakatulad ang kultura ng mga bansang pinagmulan
ng mga saling akdang pampanitikang pinag-aralan sa kultura ng Pilipinas?
Pangatuwiranan.
4. Isulat ang sagot sa mga tanong sa sagutang papel. Gamitin ang pormat ng
Graffiti Wall Organizer.
Paano naiiba ang mga akdang
pampanitikan buhat sa Africa at Persia
sa iba pang akda mula sa ibang panig
ng mundo?

Paano nakatutulong ang mga


kaalaman sa gramatika at retorika sa
pagpapalawak ng iyong kaalaman sa
kultura ng ibat ibang bayan ng Africa
at Pesia?

DEPED COPY

Sapagkat ganap nang natimo sa iyong isip ang mga kansanayang nakapaloob sa
Aralin 3.1 hanggang Aralin 3.7, marahil handa ka nang isagawa ang inaasahang
produkto/pagganap para sa modyul. At upang matiyak na magiging mahusay ito,
makabubuting isaalang-alang mo ang sumusunod na hakbang:
Mga Dapat Isaalang-alang sa Paghahanda
ng Palatastas na Pantelebisyon
1. Ang patalastas na lilikhain ay dapat na orihinal. Kakaiba ang estilong ginamit
at mahusay ang bubuing mga diyalogo.
2. Itoy dapat na nagtatanghal ng kagandahan ng alinmang bansang napili.
Makatotohanan ang mga impormasyong ilalangkap.
3. Tiyaking ang haba ng pagpapalabas nito ay tatagal lamang ng dalawa
hanggang tatlong minuto.
4. Maaari itong ihanda sa Movie Maker o Power Director.

333

ILIPAT (PARA SA MODYUL 3)

Nakuha ng inyong adverstising agency ang isang malaking proyekto mula sa isang
internasyonal na kompanyang panturismo. Nagkasundo kayong lumikha ng isang
patalastas pantelebisyon na magtatampok sa kagandahan ng alinmang bansa sa
Africa at Persia na tatagal ng dalawa hanggang tatlong minuto at itoy ipalalabas sa
ibat ibang panig ng mundo. Mahigpit na hiniling ng kompanya na tiyakin ninyong ang
patalastas ay makapanghihiyakat ng mga dayuhan na tumaas ang kita ng turismo
sa bansa gayundin marapat na itoy maging a.) masining, b.) kawiwili-wili, c.) wasto
ang pagkakasulat ng mga linya, at d.) totoo ang impormasyong ilalahad.
Naririto ang mga pamantayan sa pagmamarka sa inaasahang pagganap.
Pamantayan

Puntos

Kasiningan orihinalidad at estilo ng pagsulat at


pagkakabuo

40 puntos

Kaangkupan totoo/tunay ang ipinakitang kagandahan ng


kultura ng bansa

30 puntos

Kawastuhan wasto at angkop na gamit ng gramatika at


retorika

15 puntos

Kawilihan hikayat sa manonood/nakaaaliw

15 puntos

DEPED COPY
KABUUAN

100 puntos


Binabati kita! Matagumpay mong naunawaan ang mga aralin at natutuhan
ang mga kasanayang nakapaloob sa Modyul 3. Tiyak na masasagutan mo ang mga
katanungan sa pangwakas na pagtataya. Matapos nito, pagtuunan mo ang walangkamatayang nobelang El Filibusterimo ni Dr. Jose Rizal.

334

Вам также может понравиться

  • Module 10 Esp
    Module 10 Esp
    Документ30 страниц
    Module 10 Esp
    Vaughn Ganelo
    0% (2)
  • Ikot (Unang libro sa Talaarawan ng Bampira)
    Ikot (Unang libro sa Talaarawan ng Bampira)
    От Everand
    Ikot (Unang libro sa Talaarawan ng Bampira)
    Рейтинг: 4 из 5 звезд
    4/5 (4)
  • Ang Pamana
    Ang Pamana
    Документ13 страниц
    Ang Pamana
    lydenia raquel
    50% (4)
  • 3rd Quarter Output
    3rd Quarter Output
    Документ3 страницы
    3rd Quarter Output
    Kryztian Deramos
    100% (1)
  • Tayu Tay
    Tayu Tay
    Документ26 страниц
    Tayu Tay
    COLIN Esquivel BARBA
    Оценок пока нет
  • PAGPAPATIWAKAL
    PAGPAPATIWAKAL
    Документ2 страницы
    PAGPAPATIWAKAL
    Jhune Dominique Galang
    Оценок пока нет
  • Sanaysay
    Sanaysay
    Документ2 страницы
    Sanaysay
    ANGEL MARIE GONZAGA
    Оценок пока нет
  • Esp (7&8)
    Esp (7&8)
    Документ4 страницы
    Esp (7&8)
    angela
    Оценок пока нет
  • Week 2 SLK in Fil 10 - Q2
    Week 2 SLK in Fil 10 - Q2
    Документ23 страницы
    Week 2 SLK in Fil 10 - Q2
    Jerome Giangan
    Оценок пока нет
  • Filipino-10-Las-Qtr 2 - Week-3
    Filipino-10-Las-Qtr 2 - Week-3
    Документ12 страниц
    Filipino-10-Las-Qtr 2 - Week-3
    Rey Salomon Vistal
    Оценок пока нет
  • Week 7 SLK in Fil 10 - Q4
    Week 7 SLK in Fil 10 - Q4
    Документ16 страниц
    Week 7 SLK in Fil 10 - Q4
    KEICHIE QUIMCO
    Оценок пока нет
  • I Am Sharing 'Epiko - Quarter 3 Filipino 10' With You
    I Am Sharing 'Epiko - Quarter 3 Filipino 10' With You
    Документ12 страниц
    I Am Sharing 'Epiko - Quarter 3 Filipino 10' With You
    Charish Navarro
    Оценок пока нет
  • Civic Engagement Answers
    Civic Engagement Answers
    Документ2 страницы
    Civic Engagement Answers
    Keano Gelmo
    0% (1)
  • Module 3.1 Gr. 10
    Module 3.1 Gr. 10
    Документ28 страниц
    Module 3.1 Gr. 10
    Febe Vera Cruz
    100% (2)
  • AP10 Q4 M1 WK 1 2shortened
    AP10 Q4 M1 WK 1 2shortened
    Документ13 страниц
    AP10 Q4 M1 WK 1 2shortened
    Patricia Tomboc
    Оценок пока нет
  • EsP Reviewer 3rd Quarter
    EsP Reviewer 3rd Quarter
    Документ2 страницы
    EsP Reviewer 3rd Quarter
    Maria Fe Vibar
    50% (2)
  • Gabay Sa Makataong Kilos
    Gabay Sa Makataong Kilos
    Документ13 страниц
    Gabay Sa Makataong Kilos
    frances miles tv
    Оценок пока нет
  • EsP10 Q3 Module4 Final For Posting
    EsP10 Q3 Module4 Final For Posting
    Документ15 страниц
    EsP10 Q3 Module4 Final For Posting
    SAR
    100% (1)
  • Esp Reflection
    Esp Reflection
    Документ4 страницы
    Esp Reflection
    julian laine
    67% (18)
  • Aralin 1.6
    Aralin 1.6
    Документ14 страниц
    Aralin 1.6
    Karen Saavedra Arias
    Оценок пока нет
  • ESPQUIZ#2
    ESPQUIZ#2
    Документ11 страниц
    ESPQUIZ#2
    Jho Dacion Roxas
    0% (1)
  • Gawain Filipino
    Gawain Filipino
    Документ1 страница
    Gawain Filipino
    Pearl Irene Joy NiLo
    Оценок пока нет
  • Q4G10W2
    Q4G10W2
    Документ6 страниц
    Q4G10W2
    Nylinam
    Оценок пока нет
  • Araling Panlipunan
    Araling Panlipunan
    Документ1 страница
    Araling Panlipunan
    Gene Roy P. Hernandez
    Оценок пока нет
  • Filipino-Lahat-Ng-Gawain-Ika-4kwarter 3
    Filipino-Lahat-Ng-Gawain-Ika-4kwarter 3
    Документ8 страниц
    Filipino-Lahat-Ng-Gawain-Ika-4kwarter 3
    Ginang Pantaleon
    Оценок пока нет
  • Gawain-Modyul 2
    Gawain-Modyul 2
    Документ8 страниц
    Gawain-Modyul 2
    Deiana Pagkaliwagan
    Оценок пока нет
  • Esp10 Q2 Ans
    Esp10 Q2 Ans
    Документ2 страницы
    Esp10 Q2 Ans
    Keila Ashley Santos
    Оценок пока нет
  • Module ESP 10
    Module ESP 10
    Документ19 страниц
    Module ESP 10
    Nicolette Formales
    100% (1)
  • Fil 10 Q2 Week 1
    Fil 10 Q2 Week 1
    Документ24 страницы
    Fil 10 Q2 Week 1
    Leann Leong
    100% (1)
  • G10 Plan 2.4
    G10 Plan 2.4
    Документ3 страницы
    G10 Plan 2.4
    Welson Cuevas
    100% (1)
  • Bend I CT Nepomuceno
    Bend I CT Nepomuceno
    Документ1 страница
    Bend I CT Nepomuceno
    Benedict Nepomuceno
    Оценок пока нет
  • EsP10 LM U4
    EsP10 LM U4
    Документ125 страниц
    EsP10 LM U4
    Kristela Mae Manlongat
    100% (1)
  • MODYUL 3 Gawain
    MODYUL 3 Gawain
    Документ11 страниц
    MODYUL 3 Gawain
    Rica Yvonne Junsay
    71% (7)
  • TG Filipino 10 q4
    TG Filipino 10 q4
    Документ78 страниц
    TG Filipino 10 q4
    Susan Barrientos
    Оценок пока нет
  • ESP10 Q3 Modyul 9 12 LAS
    ESP10 Q3 Modyul 9 12 LAS
    Документ73 страницы
    ESP10 Q3 Modyul 9 12 LAS
    kaizer poroc
    Оценок пока нет
  • Esp 10 Class Observation
    Esp 10 Class Observation
    Документ32 страницы
    Esp 10 Class Observation
    Benjie Lumanao
    100% (1)
  • G-10-Worksheet-Week-5
    G-10-Worksheet-Week-5
    Документ3 страницы
    G-10-Worksheet-Week-5
    Benjie Ramirez
    Оценок пока нет
  • Filipino: Kwarter 2-Aralin 2
    Filipino: Kwarter 2-Aralin 2
    Документ5 страниц
    Filipino: Kwarter 2-Aralin 2
    Christian Barra Creo
    Оценок пока нет
  • Group Output 3
    Group Output 3
    Документ1 страница
    Group Output 3
    Danlie Arcigal
    Оценок пока нет
  • EsP10 - Q1 - Mod6 - Ang Tunay Na Kahulugan NG Kalayaan - FINAL07282020
    EsP10 - Q1 - Mod6 - Ang Tunay Na Kahulugan NG Kalayaan - FINAL07282020
    Документ19 страниц
    EsP10 - Q1 - Mod6 - Ang Tunay Na Kahulugan NG Kalayaan - FINAL07282020
    Jeffrey Alburo
    Оценок пока нет
  • Esp Week 6 AP Week 5&6
    Esp Week 6 AP Week 5&6
    Документ4 страницы
    Esp Week 6 AP Week 5&6
    Ray Mart
    67% (3)
  • Filipino10 Q3 Modyul-3
    Filipino10 Q3 Modyul-3
    Документ11 страниц
    Filipino10 Q3 Modyul-3
    Shanaiah Charice Ganas
    Оценок пока нет
  • Pagsasawa NG Sariling Pamamaraan
    Pagsasawa NG Sariling Pamamaraan
    Документ1 страница
    Pagsasawa NG Sariling Pamamaraan
    Loraine Tangalin
    100% (1)
  • Modyul 14
    Modyul 14
    Документ3 страницы
    Modyul 14
    Nash Saquiton
    Оценок пока нет
  • AP10-Q3 Final SLModule 7
    AP10-Q3 Final SLModule 7
    Документ11 страниц
    AP10-Q3 Final SLModule 7
    Aaron Delacruz
    Оценок пока нет
  • Filipino10 Q3 M5 L6-7 Sanaysay
    Filipino10 Q3 M5 L6-7 Sanaysay
    Документ20 страниц
    Filipino10 Q3 M5 L6-7 Sanaysay
    SAR
    Оценок пока нет
  • Book Report Matilda
    Book Report Matilda
    Документ3 страницы
    Book Report Matilda
    Isabel Tolentino
    Оценок пока нет
  • Kabanata 9
    Kabanata 9
    Документ8 страниц
    Kabanata 9
    Jozzel Kaiser Gonzales
    Оценок пока нет
  • Isyung Moral Tungkol Sa Buhay
    Isyung Moral Tungkol Sa Buhay
    Документ24 страницы
    Isyung Moral Tungkol Sa Buhay
    Josephine Navarro
    Оценок пока нет
  • Kahinahunan Bilang Angkop 2
    Kahinahunan Bilang Angkop 2
    Документ2 страницы
    Kahinahunan Bilang Angkop 2
    Erika Jane Geli
    50% (2)
  • Screen Print 2-Circle Venn Diagram
    Screen Print 2-Circle Venn Diagram
    Документ3 страницы
    Screen Print 2-Circle Venn Diagram
    KAIRA GRC
    Оценок пока нет
  • AP10 Q4 Mod6&7 - v3
    AP10 Q4 Mod6&7 - v3
    Документ108 страниц
    AP10 Q4 Mod6&7 - v3
    Elein M. Rosinas
    Оценок пока нет
  • Diagnostic Test Fil 10
    Diagnostic Test Fil 10
    Документ8 страниц
    Diagnostic Test Fil 10
    Annabelle Reyes Sucgang
    Оценок пока нет
  • Test
    Test
    Документ7 страниц
    Test
    nelsbie
    0% (1)
  • Lagumang Pagsusulit 3rd Quarter
    Lagumang Pagsusulit 3rd Quarter
    Документ5 страниц
    Lagumang Pagsusulit 3rd Quarter
    chen de lima
    100% (1)
  • Filipino 10
    Filipino 10
    Документ7 страниц
    Filipino 10
    Angelica Rumbaua Guillermo
    Оценок пока нет
  • Fil Review Test 3RD
    Fil Review Test 3RD
    Документ5 страниц
    Fil Review Test 3RD
    Micah Calimlim
    Оценок пока нет
  • Filipino 591ab3a216ee0
    Filipino 591ab3a216ee0
    Документ19 страниц
    Filipino 591ab3a216ee0
    RJ Lagansua
    0% (1)
  • Ikatlong Lagumang Pagsusulit 4
    Ikatlong Lagumang Pagsusulit 4
    Документ6 страниц
    Ikatlong Lagumang Pagsusulit 4
    Erjohn Oca
    Оценок пока нет
  • Pre-Test 3RD Quarter
    Pre-Test 3RD Quarter
    Документ6 страниц
    Pre-Test 3RD Quarter
    DAREN DAZ
    100% (1)