Вы находитесь на странице: 1из 4

KABANATA 7 AT 8

Performance Task
na ipinasa bilang bahagi ng
Kailanganin sa Filipino 8,
Ikaapat na Markahan

Mga Tauhan:
Florante
Laura
Duke Briseo
Haring Linceo
Hen. Osmalik
mandirigma sa hukbo ni Florante
mandirigma sa hukbo ni Osmalik
Flerida

TAGAPAGSALAYSAY:

Lungkot at pagsubok ang sumalubong kay Florante sa

pagbabalik niya sa Albanya. Pagkakita sa ama, napaluha si Florante nang muling


manariwa ang sakit ng loob sa pagkamatay ng ina. Noon dumating ang sugo ni

Haring Linceo, dala ang sulat ng Hari ng Krotona na humihingi ng tulong sapagkat
nilusob ang Krotona ni Heneral Osmalik ng Persiya. Nagtungo sa palasyo ng Albanya
ang mag-ama.
Humarap si Duke Briseo kay Haring Linceo upang ipakilala ang kanyang anak
na si Florante at ng makilala niya ito namangha ang hari at niyakap niya si Florante.
Ginawa siyang heneral sa isang hukbo na dadalo sa bayan ng Krotona na sinakop
ng mga Moro. Kahit labag sa kalooban ng kanyang ama ay pumayag na lamang ito
at siyay walang sagot na naisabi kundi yakapin na lamang ang magiging kapalaran
sa bayan ng Albanya.
DUKE BRISEO:

Mahal na Haring Linceo, narito na po kami ng aking anak na si

Florante dahil sa paghingi ninyo ng tulong dahil nilusob ni Heneral Osmalik ng


Persya ang Krotona.
FLORANTE:

Kinalulugod po namin kayong pagsilbihan. Naging napakabuti po

ninyo sa amin ng aking ama.


HARING LINCEO:

Maraming salamat at hindi ninyo ako binigo. Labis akong

humahanga sa iyong anak. sa tingin ko ay nakita ko na ang mamumuno ng hukbo


sa Krotona.
DUKE BRISEO:

Maraming salamat po, mahal na hari. Labag man sa aking

kalooban na ikay lumaban sa Krotona. Wala naman tayong magagawa kundi ang
sumunod sa kagustuhan ng hari. Kailangan niya ngayon ang tulong natin. Magiingat ka, mahal kong Florante. Aantayin ko ang iyong pagbabalik.
FLORANTE:

Maraming salamat aking ama. Ikinararangal kong pagkatiwalaan ng

hari na ipagtanggol ang Krotona.


(Mag-aakap sila Florante at Duke Briseo)
TAGAPAGSALAYSAY:

Tatlong araw ang piging ng hari para kay Florante. Sa loob

ng panahong ito ay hindi man lamang nakausap ni Florante nang sarilinin si Laura.
Sa kabutihang-palad, isang araw bago umalis sina Florante upang makipagdigma,
nakausap nito ang dalaga at pinagtapatan ng pag-ibig. Hindi sumagot ang dalaga
ngunit lumuha siya nang umalis si Florante patungong digmaan.

FLORANTE:

Akoy lubos na natutuwa at nagkaroon ng kaunting oras para sa inyo

prinsesa. Sanay sa aking paglisan upang lumaban ay mabaon ko ang iyong pag-ibig
sa akin. Antayin mo ang aking pagbabalik, aking sinta.
(UMIYAK SI LAURA NANG UMALIS SI FLORANTE UPANG MAKIPAGDIGMA)
HENERAL OSMALIK:

Magiting na kawal ng Albanya. Hinahamon kita na akoy

iyong labanan upang malaman kung sino ang dapat na tanghalin na magiting na
mandirigma.
FLORANTE:

Tinatanggap ko ang iyong hamon. Simulan na natin ang labanan.

TAGAPAGSALAYSAY:

Ipinagbunyi ng taong-bayan si Florante lalo nang malaman

itoy apo ng hari ng Krotona. Ngunit nahaluan ng lungkot ang kanilang kagalakan
nang makita ang maglolo. Muling nanariwa ang kirot ng pagkamatay ng ina ni
Florante. Dito naisip ni Florante na walang lubos na ligaya sa mundo. Malaki ang
pasasalamat ng mga mamamayan kay Florante dahil ang bayan raw nila ngayon ay
muling nabuksan na ballot ng kaligayahan.
Pagkaraan ng limang buwan sa Krotona, nagpilit nang bumalik sa Albanya si
Florante upang Makita si Laura. Ngunit nang malapit na at natatanaw na ang moog
ng Albanya, biglang kinutuban si Florante.
FLORANTE:

Tila masama ang aking kutob na may masamang pangyayari sa

Albanya.
TAGAPAGSALAYSAY:

Nang dumating ang hukbo ni Florante sa bayan ng

Albanya, nakita nila ang pulutong ng mga Moro. May nakita siyang isang binibini na
nasa kamay ng mga Moro at itoy nakagapos at pakiramdam nila ito;y pupugutan ng
ulo. Ang puso ni Florante ay lalong naipit ng lumbay dahil nangangamba siya na
itoy si Laura. Hindi niya napigilan ang kanyang galit na nararamdaman at agad
nilang nilusob ang mga Moro, ang ibang Moro ay tumakbo kaya wala na siyang
mapagbubuntungang galit. Isang binibini at tama nga ang kanyang hinala na itoy si
Laura. Kaya raw ito pupugutan ng ulo dahil hindi tinanggap ni Laura ang pag-ibig na
alay ni Emir, kaya nang magtangkang gahasin ni Emir si Laura ay sinampal niya ito.
Kinalag nila Florante ang gapos ng lubid sa kamay ni Laura.

Вам также может понравиться