Академический Документы
Профессиональный Документы
Культура Документы
Pare, hindi kita kakilala ng personal. Ni hindi nga kita nameet-and-greet sa Luneta e.
Sa libro at TV lang kita nakilala maliban sa bunganga ng aking mga guro at idolong notion(nation)builders. Ang masaklap nga ay puro munomento mo lang ang nahahagilap ko. Minahal kita noong
mahalin ko na rin ang bansang Pilipinas. Hindi ako nagalit sa mga Espanyol dahil nga sa kanila ay
naging bayani ka. Isa kang larawan ng perpektong anak pero hindi padre de pamilya. Noong
kolehiyo ako, isang buong semestre kitang inaral maliban pa sa mga akda mo na araw-araw kong
binabasa dahil requirement.
Tol, iba ka, lalo na ang lovelife mo. Hindi iyon ang pinakamagandang bahagi ng
buhay mo pero tumatak iyon sa isipan naming mga kabataan. Ma-HUGOT ka masyado kaya
gumaya ang mga kabataan sa iyo. Masaya ka ba ngayon sa kalagayan ng kabataan na sabi mo'y
nagdadala ng pag-asa? Hindi ko masasagot iyan ngayon sapagkat hindi magiging patas ang aking
pagsagot. Napakarami mong pinag-aral at inaral dito at sanlabas ng bansa. Rich Kid ka kaya
nainggit kami sa iyo hindi tulad ni Andres na ipinagkaitan pa ng kakayahang mamuno dahil sa
nakalimbag na titik sa mumurahing papel mula sa paaralang nagtuturo ng matalino sa mga kurakot
na opisyal ngayon. (Alam na this. 'Yung iba nakakulong na. Saan ba sila nagtapos?)
Malaki kang tauhan sa kasaysayan at buhay naming mga Pilipino sa dugo at ugali.
Malaking issue nga maging ang pambansang sumisingit sa litrato kapag kukuhanan ng larawan ang
iyong dakilang pwesto sa lipunan. Minsan nga nagtatanong ako KUNG BAYANI KA BA TALAGA O
ISTATWA NA LAMANG? Para sammga mahilig gumimik, pakiramdam ko isa ka na lamang park na
tambayan. Ah basta, di pa ako nakakatambay sa iyong wagas na parkeng pampamilya, pambarkada
at pangrelasyon. (Iba ka!)
Kaarawan mo ngayon, Pambansang Bayani. Masaya. May pagtitipon. May
kasiyahan. May handaan. Ipagdiriwang muli namin ang araw kung kailan ka ipinanganak. Natutuwa
ka kaya na maraming nagsasaya ngayon para isang petsa?