Вы находитесь на странице: 1из 4

ALAMAT NG

BAHAGHARI
Noong unang panahon may mag -asawang Manobo na naninirahan sa
baybayin ng mga Isla ng Saranggani.Bagamat maginhawa ang kabuhayan,
malungkot ang mag-asawa sapagkat hindi sila biniyayaan ng ng kahit na
isang anak man lamang.Lahat ng uri ng mga halamang gamut na ipinayo sa
kanila ay walang naidulot na mabuting epekto. Ito ang dahilan kung kaya
malungkot na malungkot ang dalawa.
Sumangguni sila sa mga nakakatanda na nagpapayong. Kung hindi
magamot ng tao, diyos ang balingan ninyo.
Nagpasyang makipagkita kay Walian ang mag-asawa. Ang Esperatista ay
nagdasal upang ihatid ng Diwata ng pagdadalantao ang kanilang kahilingan.
Ilang buwan lang ang nakaraan ay tuwang-tuwa nang ibalita ng babae sa
asawa na siya buntis na. Nagpasalamat ang mag-asawa kay Bathala sa
magandang handog sa kanila.
Isang malusog na sanggol na babae ang naging supling nila na
pinangalanang Blunto. Lumaking napakaganda nito. Ipinagkapupuri ng mga
tribung Manobo ang angking kariktan ni Blunto.
Bukod sa ganda,masipag na masipag din ang dalagita. Tinamnan niya ng
makukulay na bulaklak ang paligid ng bahay nila. Magaganda ang lumaking
mga rosas,ilang-ilang at kamya. Nakakatawag pansin ang bugambilya,
santan at ehampaea. Nakakabighani rin ang rosal, dama de noehe at
orkidya.
Parang may magneto ang mga kamay niya. Bawat halamagng madiligan ay
pinamumulaklakan. Bawat bulaklak na bumubukadkad ay kinagigiliwan. Lagi
nang nagpapasalamat si Blunto sa Araw at Buwan sapagtanglaw nila sa mga
bulaklak dumilim man o lumiwanag.
Isang gabi, habang pinanonood ni Blunto ang marahang pamumukadkad ng
mga bulaklak ay nagulat siya sa isang parang panaginip na mabanaagan
niya mula sa dagat-dagatan. Hindi siya nagkakamali. Isang makisig na binata
ang sakay ng isang puting kabayong lumilipad sa alapaap.
Hindi alam ni Bluto na ang Araw at Buwang pinasalamatan niya ay ang Hari
at Reyna ng Kaitaasan ay natanaw siyang namimintana sa kanilang
tinitirahan. Alam nilang mabuti ang kalooban ni Blunto na angkop na
makilala ng kaisa-isa nilang anak. Iyon ang dahilan kaya parang panaginip na
ipinatanaw nila sa dalagita ang katauhan ng anak nila.

Maya-maya pa ay biglang naglaho ang papalapit na sanang binata.


Kinaumagahan, iniisip-isip ni Blunto kung panaginip nga lang ba ang nakita
niyang makisisig na binata, at puting kabayong lumilipad sa alapaap?
Isang umagang nagdidilig ng bulaklak si Blunto ay binulaga siya ng isang
tinig. Paglingon niya ay hindi siya makapaniwala. Ang lalaking makisig sa
kaniyang panaginip ang kaharap niya. Nakikiusap itong makikiinom sa
matinding uhaw sa pamamasyal. Hindi na inusisa pa ng dalaga kung saan
galing ang kausap niya. Para sa kaniya, sapat nang masaya siya habang
kinakausap ng bisita.
Nakipagkilala ang makisig na binata. Sinabi nitong saisang napakalayong
lugar siya nakatira na mahirappuntahan ninuman. Naging pala-isipan kay
Blunto ang misteryong binata. Hindi na niya itinatanong kung ito nga ba
yung binatang nakasakay sa putting kabayong lumilipad sa alapaap.
Sapagkat nahihiya naman siyang sundan at tingnan kung nasaan ang may
pakpak na kabayo, nakuntento na siyang nakita niya ang maamong mukha
at nangungusap na mga mata ng isang binatang taos pus0ng iibigin niya.
Laging hinihintay ni Blunto ang paglubog ng araw. Nangangahulugan kasi
itong maari nmang maligaw sa hardin ang makisig at mabait na binatang
tinitingala niya.
Hindi nagkamali ng sapantahaang dalagita. Tuwing hapon nga ay dinadalaw
siya ng panauhin niya. Lubos na napagsino ni Blunto ang kabaitan at
katapangan ng binate. Ang makisig na panauhin ay nabighani rin sa
kagandahan ni Blunto. Bukod sa panlabas na anyo, ang binata ay humanga
sa natural na pag-uugali ng dalagita. Matapat at simpleng-simple lang ang
mga gawi nito.
Mapagkakatiwalaan mo sa Blunto. Naniniwala ang makisig na binata na hindi
panlabas na anyo ang dapat maging husgahan ng isang pagmamahal.
Kailangan may katuwaan ka sa puso kapag kasama mo ang dalagang
pakakasalan mo. Kailangang iisa ang tinatanaw ninyong pangarap.
Kailangang gusto mo siyamg makasama sa buhay at kamatayan.
Pero bata pa si Bluto upang tumanggap ng seryosong pakikipag-ibigan.
Sapagkat wagas ang pagmamahal, matagal ding naghintay ang binata.
Ilang taon din ang binilang ni Bluto ang pag-ibig ng binate.
Nang sagutin siya ng matamis na oo ay ipinagtapat ng misteryosong ginoo
ang kanyang tunay na katauhan.
Blunto, mahal ko, gusto kong malaman mo kung sino talaga ako.

Sinabi ng binata na anak siya ng Haring Araw at Reyna Buwan. Na bumaba


sa lupang sakay ng kabayong my puting pakpak mula kaitaasan. Na
ipinadala siya ng mga magulang upang ipasabi sa dalagang nakarating sa
kanila ang mga dasal at pasasalamat na siyang dahilan upang ang mga
tanim niya ay mag-usbong at mamulaklak. Na natutuwa ang mga magulang
niya sa pagkakaroon ng isang nilalang sa daigdig na may busilak na
kaloobang hindi mapapantayan ng anumang kayamanan.
Binanggit din ng binata na alam ng mgA magulang niya ang damdamin nito
sa dalaga. Na siya ay numiibig nang wagas kay Blunto. Na ipagsasama niya
ang dalaga upang pakasalan sa kanilang kaharian sa kaitaasan.
Nang pituhan ng binate ang putting kabayo na nagkakanlong sa mga puno
ay naniwala na si Blunto sa sinasabi ng binata. Totoo nga palang may puting
pakpak ang kabayo na katulad sa panaginip na nabanaagan niya maraming
taon na ang nakaraan.
Hindi panaginip ang nakita mo, mahal ko. Ako yon na nagpakita sa iyo mula
sa alapaap sa ibabaw ng dagat!
Sapagkat matagal nang minahal ni Blunto ang misteryong mangingibig ay
pinakiusapan niya itong ipagpaalam siya sa mga magulang.
Sapagkat parang kabubukadkad pa lang na bulaklak si Blunto kaya tumutol
ang mga magulang niya sa pag-papaalam. Ayaw mawalay ng mga magulang
sa nag-iisa nilang anak.
Nagtangkang magtanan ang magsing-irong pero nahuli sila. Lalo tuloy
hinigpitan ang dalaga. Bilang parusa ikinulog si Blunto sa bahay nila at
itinaboy angmisteryong binata. Sa sobrang kalungkutan, ang dalaga
nagkasakit. Lubos na nag-aalala ang kasintahan niya. Kahit anong sibat ang
iharang ay nagmamakaawa pa rin itong dalawin ang kasintahan. Sa
pagpupumilit ng binata ay naawa ang mga magulang ni Blunto. Ibinase nila
ang pagpapalaya sa anak sa matapat na pag-ibig ng binata. Sa takot nab aka
magkasakit na muli ang kaisa-isang anak ay pumayag na silang iuwi ng
binata sa kaharian ng Araw at Buwan ang kaisa-isa nilang anak na
pinakamamahal.
Nanindigan ang mga magulang ni Blunto na kailangan munang maikasal sa
lupa ang dalawa bago umalis papuntang kaitaasan.
Simple subalit makabagbag-damdamin qng idinaos na kasalan. Magkahalong
lungkot at saya ang nadama ng mga magulang ni Blunto. Saya na may
makakatuwang na sa hirap at ginhawa ang anak nila. Lungkot, sapagkat
mailayo na ang tanging anak na pinanggagalingan ng kanilang katuwaan
saaraw-araw.

Pagkatapus na pagkatapos ng seremonya ay nagpaalam na ang mga


bagong kasal. Sakay ng putting kabayong maglilipad sa kanila sa kaitaasan,
dala-dala nila ang mga makukulay na bulaklak na pararamihin nila sa
kaitaasan.

Ama, Ina,luhaang pagpapaalam ni Blunto,kung malulungkot po kayo ay


tumingin kayo sa kalangitan at tiyak makikita ninyo ang mga bulaklak na
tanim ko. Kapag nakita ninyo ang makukulay na arko ng mga bulaklak ay
tiyak na naroroon ako at tinatanaw ko kayo.
Mahigpit na niyakap ng mga magulang ang kaisa-isang anak at matapat na
kinamayanang manugang nila. Sa isang kisap mata ay nasa kalawakan na
ang mga bagong kasal na kumakaway sa mga Manobong nagsisipagbunyi.
Ilang araw lang ang lumipas ay malungkot na ang ama at ina ni Blunto.
Subalit tulad ng pangako ng anak ay natatanaw nga naman sa kaitaasan ang
arko ng mga bulaklak na sa lupa ay parang makulay na bahag ng Hari.
Bagamat pinanginginigan ang mga labi ng malungkutan ay mapapasin din
naman ang katuwaan sa mga mukha ng mga magulang. Habang tumatagal
ay lalong lalong nagiging makulay amg bahaghari ng kalikasan.

Вам также может понравиться