Вы находитесь на странице: 1из 2

Krystel Iris M.

de Castro
FIL 12 S
Hulagway ng Sarili sa Hulagpos ng Masa
Hawak ngayon ng #ALDubEBTamangPanahon ang record ng pinakamaraming tweets
sa loob ng isang araw na umabot ng 41 milyon, at dinaig nito ang 35.6 milyong tweets noong
labanan ng Brazil at Germany sa 2014 FIFA World Cup semi-final.1 Bunsod nito, hindi
maiwasang itampok ng mga bigating lathalain ang tambalang AlDub nina Alden Richards
at Maine Mendoza, o mas kilala sa palayaw na Yaya Dub. Tinagurian itong social media
phenomenon ng BBC News na iniugat ang pamamayagpag ni Yaya Dub, isang personalidad
na sumikat sa kanyang mga Dubsmash o lip-synching, sa pagkahilig ng mga Pinoy sa musika.
Kinilala naman ng Bloomberg na totoong minahan ng ginto ang pares dahil sa
pagkahumaling ng mundo sa seryeng open-ended at hango sa kwento ni Cinderella.2
Pinauso ng AlDub ang Pabebe Wave, isang pambabadya sa pagkaway ng mga
kalahok ng Miss Universe. Lalong bumilis ang pagkalat nito sa pamamagitan ng social
media, isang sangkap ng nakaliligtaan ng tradisyunal na pag-aanunsiyo. Ipinababatid ni Boy
Abunda na tumutungo tayo sa dakong nangangailangang magsanib-pwersa ng social at
mainstream media. Dapat umano itong magamit kagaya ng hakbang ng AlDub na uminog
sa tipanang nagpalitaw sa mga pagpapahalaga, pag-uugali, at panghikayat ng mga tauhang
hindi ipinipilit sa mga manonood.3
Social media ang susi sa pag-usbong ng pabebe culture na nagsimula sa Youtube
videos ng mga pinangalanang Mamon Girl at Pabebe Warriors. Maraming kabataan ang
nahuhumaling rito, isang kulturang popular na hinahamak ng lipunang konserbatibo.
1
2
3

Popular culture are products designed for mass consumption.4 Ginagaya ng mga pabebe
girl ang asal na cute ng mga artista sa KPop at maikukumpara sila sa attention whores ng
ibang bansa. Bilang tugon sa paglaganap ng pabebe culture, inilunsad ni Vice Ganda ang
kantang Huwag Kang Pabebe na lalo lamang nagpatingkad sa pagbubukod ng mga uring
panlipunan na una nang pinagtuunan sa video ni Mamon Girl.
Sa lawak ng naaabot ng mass media, ito na rin ang nagtatakda ng tatangkilikin ng mga
mamamayan. Dahil dito, matatawag na kulturang popular ang mga nililikha ng mass media.5
Masasaksihan ito sa pang-araw-araw na pamumuhay sa mga tahanan, lansangan, at maging
akademya.
Popular has been considered to be that culture which is prevalent amongst the
people. Prominent here is the nostalgic celebration of folk cultures a more
valorised, seemingly authentic collection of cultural forms and practices which are
being erased by modern mass culture. Whether such ideas emanate from a
conservative or radical milieu, the argument is laid down that such rooted, traditional
culture reflects the true nature of the national or regional context in which it is set; it
grows out of the area and reflects the cultural mores of its people, and is located
firmly in place popular culture has been considered to be trivial and shallow.6
Hindi ito dapat ituring na kababawan sapagkat sumasalamin ito sa pagkakakilanlan ng
mga tao sa pook na katatagpuan nito. Samakatuwid, maipagpapalagay na hindi bago ang
pabebe culture sa ating kamalayan. Kinakatawan lamang nito ang mga ideolohiya at
kaugalian ng mga Pilipino.

4
5
6

Вам также может понравиться