Вы находитесь на странице: 1из 11

Si Florante ay nakagapos sa gubat. Marami roong mababangis na hayop.

Bumagsak siya sa patibong ni


Adolfo, ang taksil na kondeng umagaw ng kaharian ng Albanya. Ipingapos ni Adolfo si Florante sa gubat
upang ipasila sa mga hayop.

Sisilain na lamang si Florante ng dalawang leon nang dumating si Aladin, ang prinsipe ng mga Moro. Iniligtas
ng Moro ang Kristiyano. Isinalaysay ni Florante sa kanyang tagapagligtas ang buong pangyayari na humantong sa
kanyang pagkagapos sa gubat.

Si Florante ay isang prinsipe. Anak siya nina Duke Briseo ng Albanya at ni Prinsesang Floresca ng Krotona.
Bata pa lamang ay nanganib na sa ilang pagkakataon ang buhay ni Florante. Minsay muntik na siyang dagitin ng
isang bwitre. Nailigtas siya ng kanyang pinsang lalaki na si Menalipo. Sumunod, may alkon na dumagit sa
diyamanteng alahas na nasa kanyang dibdib. Ang kanyang mga libangan nung bata siya ay ang pumatay ng hayop
at pumana ng ibon sa burol gamit ang kanyang palas

Nang siyay magbinata, ipinadala siya ng ama sa Atenas upang mag-aral sa ilalim ng gurong si Antenor.
Naratnan niya roon ang kababayang si Adolfo na nooy kinikilalang pinakamarunong at pinakamabait sa mga

tinuturuan ni Antenor. Anak ng isang konde sa Albanya si Adolfo. Ngunit dinaig siya ni Plorante pagkaraan ng ilang
panahon.

Sa isang dula sa paaralan ay nagsiganap na papel na magkapatid na nag-kalaban sina Florante at Adolfo.
Nang itanghal ang dula, tinotoo ni Adolfo ang pagpatay kay Florante. Nailigtas si Florante ng kanyang kaklaseng si
Menandro, pamangkin ni Antenor. Noon lumitaw ang matinding galit ni Adolfo kay Florante. Pinauwi ni Antenor sa
Albanya si Adolfo noong gabi ring iyon.

Makalipas ang ilan pang panahon ay kinaon ng isang barko si Florante. Kamamatay ng nyang inang si
Prinsesa Floresca. Isinama ni Florante ang kaibigang si Menandro sa pag-uwi sa Albanya. Kubkob noon ng mga Moro
ang kaharian ng Krotona. Sumaklolo ang hukbo ng Albanya na pinamumunuan nina Florante at Menandro. Nabawi
nila ang Krotona na ang hari ay nuno ni Florante.

Minsang nakikipaglaban si Florante sa Etolya, nagbangon ang mga taga Albanya na sinulsulan ni Adolfo.
Sinamantala iyon ni Adolfo upang agawin ang trono, patayin ang hari, si Duke Briseo at lahat ng di niya kapanig.
Gumawa ng lalang si Adolfo. Pinabalik mula sa Etloya si Florante nang mag-isa. Nahulog sa bitag si Florante.
Matapos na siya ay ibilanggo, siya ay dinala sa gubat at iginapos doon. Ang pinakamatinding hinanakit ni Plorante
sa mga pangyayari ay ang napabalitang pakakasal si Laura kay Adolfo.

Matapos ang pagsasalaysay ni Florante, si Aladin naman ang nagkuwento ng kanyang kasawian. Ang
prinsipeng Moro ay nahatulang pugutan ng ulo ng sarili niyang amang sultan ni si Ali Adab. Nagkainteres kasi ang
sultan sa kasintahan ng anak, kay Flerida. Sa pakiusap ni Flerida, pumayag ang sultan na ipatapon na lamang si
Aladin. Pagkatapos ay nagtanan si Flerida upang paghanapin si Aladin.

Tumutol si Laura na ipakasal kay Adolfo. Dinala ng konde ang prinsesa sa gubat upang pagsamantalahan.
Ngunit dumating si Flerida. Pinana nito si Adolfo. Nagsama sa paglakad ang dalawang dalaga. At sa gubat ay
nagkita-kita sina Florante at Laura at sina Aladin at Flerida.

Dumating ang hukbo ni Menandro. Nabawi na niya ang Albanya sa mga kampon ni Adolfo. Isinama nina
Florante, Laura ang magkasintahang Moro sa palasyo sa Albanya. Nagdiwang ang mga mamamayan. Di nagtagal ay
nagpabinyag sina Aladin at Flerida. Nang mamatay si Sultan Ali Adab ay umuwi ang magkasintahang Moro.

Вам также может понравиться