Вы находитесь на странице: 1из 5

Alamat ng Lansones

Tumunog ang kampana sa munting Kapilya ng isang nayon sa bayan


ng Paete, lalawigan ng Laguna. Napabalikwas si Manuel at masuyong
ginising ang nahihimbing na kabiyak. "Gising na Edna, at tayo'y mahuhuli sa
misa." Marahang nagmulat ng mga mata ang babae, kumurap-kurap at nang
mabalingan
ng
tingin
ang
asawa
ay
napangiti.
Mabilis na gumayak ang mag-asawa upang magsimba sa misang
minsan sa isang buwan idinaraos sa kanilang nayon ng kura paroko ng
bayan. Hindi nagtagal at ang mag-asawa ay kasama na sa pulutong ng mga
taga-nayong patungo sa Kapilya. Magkatabing lumuhod sa isang sulok ang
magkabiyak at taimtim na nananalangin. "Diyos ko," and marahang
panalangin ni Edna, "Patnubayan mo po kami sa aming pamumuhay, nawa'y
huwag magbago ang pagmamahal sa akin ni Manuel." Si Manuel naman ay
taimtim ding dumadalangin sa kaligtasan ng asawa, na alam niyang
nagtataglay sa sinapupunan ng unang binhi ng kanilang pag-iibigan.
Nang matapos ang misa ay magiliw na inakay ni Manuel ang kabiyak at sila'y
lumakad na pauwi sa kanilang tahanan. Sa kanilang marahang paglalakad ay
biglang
napahinto
si
Edna.
"Naku! kay gandang mga bunga niyon," ang wika kay Manuel sabay turo sa
puno ng lansones na hitik na hitik sa bunga. "Gusto ko niyon, ikuha mo ako,"
ani Ednang halos tumulo ang laway sa pananabik. Napakurap-kurap si
Manuel. Hindi niya malaman ang gagawin. Alam niyang ang lansones ay
lason at hindi maaring kainin ngunit batid din naman niyang nagdadalangtao ang asawa at hindi dapat biguin sa pagkaing hinihiling. Sa
pagkakatigagal ng lalaki ay marahan siyang kinalabit ni Edna at muling
sumamong
ikuha
siya
ng
mga
bunga
ng
lansones.

"Iyan ay lason kaya't hindi ko maibibigay sa iyo." Pagkarinig ni Edna sa wika


ng asawa ay pumatak ang luha. Sunod-sunod na hikbi ang pumulas sa
kanyang mga labi. Parang ginugutay ang dibdib ni Manuel sa malaking
habag sa asawa ngunit tinigasan niya ang kanyang loob.
Masuyong inakbayan ni Manuel ang asawa at marahang nangusap. "Huwag
na iyan ang hilingin mo, alam mo namang iya'y lason. Hayaan mo at
pagdating natin sa bahay ay pipitas ako sa duluhan ng mga manggang
manibalang."
Walang imikan nilang tinalunton ang landas patungo sa kanilang
tahanan. Ang maaliwalas na langit ng kanilang pag-iibigan ay biglang
sinaputan ng ulap. Ni hindi sinulyapan ni Edna ang mga manggang
manibalang na pitas ni Manuel sa kanilang duluhan. Ang babae'y laging
nagkukulong sa silid, ayaw tumikim man lamang ng pagkain at ayaw
tapunan ng tingin ang pinagtatampuhang asawa.
Hindi nagtagal ang babae'y naratay sa banig ng karamdaman. Hindi
malaman ni Manuel ang gagawin sa kalunoslunos na kalagayan ng
asawa."Edna, ano ba ang dinaramdam mo?" lipos na pag-aalalang wika ni
Manuel habang buong pagsuyong hinahaplos ang noo ng maysakit.
Marahang iling lamang ang itinugon ng nakaratay at dalawang butil ng luha
ang nag-uunahang gumulong sa pisngi. Balisang nagpalakad-lakad si Manuel
sa tabi ng maysakit. Hindi niya matagalang tignan ang payat na kaanyuan
ngayon na kaibang-kakaiba sa dating Ednang sinuyo niya't minahal. Wala na
ngayon ang namumurok na pisngi, ang dating mapupungay na mga mata'y
malalamlam, wala na ang ningning ng kaligayahan, maputla ang dati'y
mapupulang mga labi at mistulang larawan ng kamatayan.
Noong hindi na niya makaya ang damdaming lumulukob sa kanyang
pagkatao ay mabilis siyang nagpasiya. Kukunin niya ang mga bunga ng
lansones. Ang bunga ng kamatayang pinakamimithi ng kanyang asawa. Sa
wakas ay isinuko rin niya ang katigasan ng kanyang loob, dahil sa matinding
habag sa kabiyak.
Nanaog siya at tinungo ang puno ng lansones. Nanginginig ang kamay na
pinitas ang isang kumpol ng bunga ng kamatayan
.
"Diyos ko, tulungan mo po kami, pinakamamahal ko ang aking asawa at wala
ng halaga sa akin ang buhay kung siya'y mawawala pa sa aking piling,"
nangangatagal ang mga labing marahan niyang naiusal kasabay ng mariing
pagpikit ng mga mata. Sunod-sunod na patak ng luha ang nalaglag sa
pagkagunitang ang bungang iyon ang tatapos sa lahat ng kanilang
kaligayahan.

Sa pagmumulat niya ng paningin siya'y nabigla. Anong laking himala! May


nabuong liwanag sa kanyang harapan at gayon na lamang ang kanyang
panggigilalas noong iyon ay maging isang napakagandang babaing binusilak
sa kaputian. Humalimuyak ang bangong sa tanang buhay niya ay noon
lamang niyang masamyo. Sa tinig na waring isang anghel ay marahang
nangungusap ang babae. "Anak ko, kainin mo ang bungang iyong hawak."
Nagbantulot sumunod si Manuel sapagkat alam niyang ang bungang iyon ay
lason. Sa nakitang pagaalinlangan ni Manuel ay muling nangusap ang
babaeng nakaputi. "Huwag kang matakot, kainin mo ang bungang iyong
hawak." Pagkasabi noo'y kumuha ng isang bunga sa hawak na kumpol ni
Manuel at ito'y marahang pinisil.
Mawala ang takot ni Manuel at mabilis na tinalupan ang isang bunga ng
lansones. Anong sarap at anong tamis! Nang ibaling niya ang paningin sa
babaeng nakaputi ay nawala na ito. Biglang naglaho at saan man niya igala
ang kanyang mata ay hindi makita. "Salamat po, Diyos ko!" ang nabikas ni
Manuel. Biglang sumigla ang katawan ni Manuel at hindi magkandatutong
pinitas ang lahat ng mga bungang makakaya niyang dalhin at
nagdudumaling umuwi sa naghihintay na asawa.

Si Langgam at si Tipaklong
(Pabula / Fable)

Maganda ang panahon. Mainit ang sikat ng araw. Maaga pa lamang ay


gising na si Langgam. Nagluto siya at kumain. Pagkatapos, lumakad na
siya. Gaya nang dati, naghanap siya ng pagkain. Isang butil ng bigas ang
nakita niya. Pinasan niya ito at dinala sa kanyang bahay. Nakita siya ni
Tipaklong.
Magandang umaga, kaibigang Langgam, bati ni Tipaklong. Kaybigat ng
iyong dala. Bakit ba wala ka nang ginawa kundi maghanap at mag-ipon ng
pagkain?
Oo nga. Nag-iipon ako ng pagkain habang maganda ang panahon, sagot ni
Langgam.
Tumulad ka sa akin, kaibigang Langgam, wika ni Tipaklong. Habang
maganda ang panahon tayo ay magsaya. Halika! Tayo ay lumukso, tayo ay
kumanta.
Ikaw na lang, kaibigang Tipaklong, sagot ni Langgam. Gaya nang sinabi ko
sa iyo, habang maganda ang panahon, ako ay maghahanap ng pagkain.
Ito'y aking iipunin para ako ay may makain pagsumama ang panahon.
Lumipas pa ang maraming araw. Dumating ang tag-ulan. Ulan sa umaga,
ulan sa hapon at sa gabi ay umuulan pa rin. At dumating ang panahong
kumidlat, kumukulog at lumalakas ang hangin kasabay ang pagbuhos ng
malakas na ulan.
Ginaw na ginaw at gutom na gutom ang kawawang Tipaklong. Naalaala
nilang puntahan ang kaibigang si Langgam.
Paglipas ng bagyo, pinilit ni Tipaklong na marating ang bahay ni Langgam.
Bahagya na siyang makalukso. Wala na ang dating sigla ng masayahing si
Tipaklong.
Tok! Tok! Tok! Bumukas ang pinto.
Aba! Ang aking kaibigan, wika ni Langgam. Tuloy ka. Halika at maupo.

Binigyan ni Langgam ng tuyong damit si Tipaklong.


naghanda siya ng pagkain.

Saka mabilis na

Ilan pang sandali at magkasalong kumain ng mainit na pagkain ang


magkaibigan.
Salamat, kaibigang Langgam, wika ni Tipaklong. Ngayon ako naniwala sa
iyo. Kailangan nga pa lang mag-ipon habang maganda ang panahon at nang
may makain pagdating ng taggutom.
Mula noon, nagbago si Tipaklong. Pagdating ng tag-init at habang maganda
ang panahon ay kasama na siya ng kanyang kaibigang si Langgam. Natuto
siyang gumawa at natuto siyang mag-impok

Вам также может понравиться

  • Mga Alamat
    Mga Alamat
    Документ11 страниц
    Mga Alamat
    Rockie Geronda Esmane
    Оценок пока нет
  • Alamat NG Ampalaya
    Alamat NG Ampalaya
    Документ3 страницы
    Alamat NG Ampalaya
    Aimee Hernandez
    Оценок пока нет
  • Ang Alamat NG Matsing
    Ang Alamat NG Matsing
    Документ5 страниц
    Ang Alamat NG Matsing
    Maycelle Rose Panoy
    Оценок пока нет
  • Maikling Kuwento
    Maikling Kuwento
    Документ4 страницы
    Maikling Kuwento
    allan lazaro
    0% (1)
  • Hardinerong Tipaklong
    Hardinerong Tipaklong
    Документ3 страницы
    Hardinerong Tipaklong
    EllaAdayaMendiola
    Оценок пока нет
  • Buhay Marino
    Buhay Marino
    Документ3 страницы
    Buhay Marino
    Ramellio de Guzman
    Оценок пока нет
  • Alamat
    Alamat
    Документ36 страниц
    Alamat
    EJ Barrios
    Оценок пока нет
  • Diwata NG Karagatan
    Diwata NG Karagatan
    Документ2 страницы
    Diwata NG Karagatan
    Justsmile Itsokay
    100% (1)
  • Filipino Doxc.
    Filipino Doxc.
    Документ10 страниц
    Filipino Doxc.
    JohnLloyd Zalsos
    100% (1)
  • Mga Bugtong
    Mga Bugtong
    Документ6 страниц
    Mga Bugtong
    Geraldine Fernandez Juare
    Оценок пока нет
  • Impeng Negro Story
    Impeng Negro Story
    Документ3 страницы
    Impeng Negro Story
    Charina May Lagunde-Sabado
    Оценок пока нет
  • Kwentong Barbero
    Kwentong Barbero
    Документ3 страницы
    Kwentong Barbero
    sINO iTO
    Оценок пока нет
  • Mga Tula
    Mga Tula
    Документ9 страниц
    Mga Tula
    Dronio Arao L-sa
    Оценок пока нет
  • Ano Ang Bugtong
    Ano Ang Bugtong
    Документ3 страницы
    Ano Ang Bugtong
    Jennifer Barbosa
    100% (1)
  • Ang Alamat NG Siopao
    Ang Alamat NG Siopao
    Документ4 страницы
    Ang Alamat NG Siopao
    Kate Ashley Sampang
    Оценок пока нет
  • Ang Aso at Ang Uwak
    Ang Aso at Ang Uwak
    Документ1 страница
    Ang Aso at Ang Uwak
    Shona Geey
    33% (3)
  • Alamat, Pabula, Maikling Kwento
    Alamat, Pabula, Maikling Kwento
    Документ9 страниц
    Alamat, Pabula, Maikling Kwento
    cris
    Оценок пока нет
  • Biag Ni Lam Buod
    Biag Ni Lam Buod
    Документ1 страница
    Biag Ni Lam Buod
    Hasz Ronquillo
    Оценок пока нет
  • Folk Songs Low Land and High Land
    Folk Songs Low Land and High Land
    Документ9 страниц
    Folk Songs Low Land and High Land
    Ronald Dalida
    100% (1)
  • Ang Gorilya at Ang Alitapta1
    Ang Gorilya at Ang Alitapta1
    Документ7 страниц
    Ang Gorilya at Ang Alitapta1
    Brian Cernal
    Оценок пока нет
  • Ang Batik NG Buwan
    Ang Batik NG Buwan
    Документ8 страниц
    Ang Batik NG Buwan
    Jojo Lumarda
    Оценок пока нет
  • Mga Alamat
    Mga Alamat
    Документ25 страниц
    Mga Alamat
    Jeni P
    50% (4)
  • Ang Maikling Kwento Ni Baste at NG Aso Niyang Si Pancho
    Ang Maikling Kwento Ni Baste at NG Aso Niyang Si Pancho
    Документ1 страница
    Ang Maikling Kwento Ni Baste at NG Aso Niyang Si Pancho
    Unknown Lagalag
    Оценок пока нет
  • Alamat NG Lansones
    Alamat NG Lansones
    Документ2 страницы
    Alamat NG Lansones
    Beth Alcontin
    Оценок пока нет
  • Ang Alamat NG Lansones
    Ang Alamat NG Lansones
    Документ3 страницы
    Ang Alamat NG Lansones
    Victor Bobier
    Оценок пока нет
  • Alamat NG Lansones
    Alamat NG Lansones
    Документ2 страницы
    Alamat NG Lansones
    Judith Fernandez-Olay
    Оценок пока нет
  • Mga Alamat
    Mga Alamat
    Документ19 страниц
    Mga Alamat
    DanicaEdonFelarca
    100% (1)
  • Mga Alamat
    Mga Alamat
    Документ19 страниц
    Mga Alamat
    Raquel Moral Jane
    Оценок пока нет
  • Alamat
    Alamat
    Документ13 страниц
    Alamat
    Jhandy Bolando
    Оценок пока нет
  • Ang Alamat NG Unang Saging
    Ang Alamat NG Unang Saging
    Документ3 страницы
    Ang Alamat NG Unang Saging
    나비김
    100% (1)
  • Alamat 1
    Alamat 1
    Документ17 страниц
    Alamat 1
    Beepoy Briones
    Оценок пока нет
  • Lian
    Lian
    Документ20 страниц
    Lian
    Ryan Christian Caldejon
    Оценок пока нет
  • Alamat NG Butiki
    Alamat NG Butiki
    Документ12 страниц
    Alamat NG Butiki
    マーク シアン
    Оценок пока нет
  • Masteral-The Solstice of Summer
    Masteral-The Solstice of Summer
    Документ12 страниц
    Masteral-The Solstice of Summer
    Liza May Bueno
    Оценок пока нет
  • Ang Tema NG Sanaysay Ay Patungkol Sa Kung San1
    Ang Tema NG Sanaysay Ay Patungkol Sa Kung San1
    Документ9 страниц
    Ang Tema NG Sanaysay Ay Patungkol Sa Kung San1
    Rosemelenda Pico Babida
    Оценок пока нет
  • Filipino
    Filipino
    Документ9 страниц
    Filipino
    rickarecinto
    Оценок пока нет
  • ALAMAT
    ALAMAT
    Документ10 страниц
    ALAMAT
    Nicole Regine
    Оценок пока нет
  • Proj
    Proj
    Документ6 страниц
    Proj
    Krystal Heart Pangan
    Оценок пока нет
  • Alamat NG Gansa
    Alamat NG Gansa
    Документ4 страницы
    Alamat NG Gansa
    Elmer Gratil Doronila
    Оценок пока нет
  • ALAMAT
    ALAMAT
    Документ26 страниц
    ALAMAT
    jesjay mimay
    Оценок пока нет
  • Module 1 Sa Filipino IV
    Module 1 Sa Filipino IV
    Документ28 страниц
    Module 1 Sa Filipino IV
    Negielyn Subong
    Оценок пока нет
  • Isang Basong Gatas
    Isang Basong Gatas
    Документ15 страниц
    Isang Basong Gatas
    mallory coronel
    Оценок пока нет
  • Alamat NG Lansones
    Alamat NG Lansones
    Документ9 страниц
    Alamat NG Lansones
    Richelle Anne Alariao
    100% (1)
  • Filipino 13 Maikling Kwento
    Filipino 13 Maikling Kwento
    Документ6 страниц
    Filipino 13 Maikling Kwento
    Lyka Raymundo Santos Gabatino
    Оценок пока нет
  • Pangarap Sa Dilim
    Pangarap Sa Dilim
    Документ4 страницы
    Pangarap Sa Dilim
    Quennie
    Оценок пока нет
  • Ang Babae Sa Nam
    Ang Babae Sa Nam
    Документ7 страниц
    Ang Babae Sa Nam
    Neljen Barcelo
    67% (3)
  • Alamat NG Pinya
    Alamat NG Pinya
    Документ8 страниц
    Alamat NG Pinya
    Chariss Mangonon
    100% (1)
  • Kwento
    Kwento
    Документ4 страницы
    Kwento
    Benjamin Ileto
    Оценок пока нет
  • Trabaho
    Trabaho
    Документ5 страниц
    Trabaho
    Quennie
    Оценок пока нет
  • Nena at Neneng PDF
    Nena at Neneng PDF
    Документ8 страниц
    Nena at Neneng PDF
    Leiko Ravelo
    Оценок пока нет
  • Shanyl
    Shanyl
    Документ8 страниц
    Shanyl
    Jenelin Enero
    Оценок пока нет
  • Nena at Neneng
    Nena at Neneng
    Документ8 страниц
    Nena at Neneng
    Mhaine Aletre
    Оценок пока нет
  • The Unexpected Journey (Tagalog Edition)
    The Unexpected Journey (Tagalog Edition)
    От Everand
    The Unexpected Journey (Tagalog Edition)
    Рейтинг: 3.5 из 5 звезд
    3.5/5 (3)
  • Maikling Kwento
    Maikling Kwento
    Документ3 страницы
    Maikling Kwento
    Florie Mae Guteza
    Оценок пока нет
  • Ang Alamat NG Kasoy
    Ang Alamat NG Kasoy
    Документ20 страниц
    Ang Alamat NG Kasoy
    Evangeline Base Dugelio
    0% (1)
  • Ang Alamat NG Bayabas
    Ang Alamat NG Bayabas
    Документ8 страниц
    Ang Alamat NG Bayabas
    Evelyn Magbaril
    Оценок пока нет
  • Noong Araw Sa Bayan NG Paete
    Noong Araw Sa Bayan NG Paete
    Документ3 страницы
    Noong Araw Sa Bayan NG Paete
    Angelica P. Raby Angieh
    Оценок пока нет
  • Angel in Disguise
    Angel in Disguise
    Документ3 страницы
    Angel in Disguise
    Eunice Albert Dela Cruz
    Оценок пока нет
  • Uhaw Ang Tigang Na Lupa
    Uhaw Ang Tigang Na Lupa
    Документ3 страницы
    Uhaw Ang Tigang Na Lupa
    Mirriamy Palati
    Оценок пока нет
  • Ang Alamat NG Kasoy
    Ang Alamat NG Kasoy
    Документ2 страницы
    Ang Alamat NG Kasoy
    Catherine Bacus Pequit
    Оценок пока нет