Вы находитесь на странице: 1из 2

Game show ni Willie Revillame sa TV5, malabong matuloy!

BALITANG ISANG GAME show ang iho-host


ni Willie Revillame sa TV5 by July – ang The
Price Is Right. Pero mukhang malabo raw itong
matuloy, dahil ayon sa isang Kapamilya insider,
may existing contract pa rin ang TV host sa
ABS-CBN. Kung gustuhin man daw ni Willie
na magpa-release, hindi pa rin daw basta-basta
puwedeng gumawa ng ibang show si Willie sa
ibang channel.

May legal implications kung sakali, dagdag pa


ng insider.

Win-win situation kasi ang ABS-CBN at si


Willie sa kanilang partnership. Malakas sa
rating ang Wowowee, na aminin na natin sa
dahilang ang TV host talaga ang main attraction
nito.

Malaki rin naman ang talent fee ni Willie na kung paniniwalaan nga ay umaabot ng P25-M a
month.

Kaya sa pagbalik ni Willie mula Macau, China, doon pa lang din malalaman kung magkakaayos
sila ng Kapamilya network, dahil balita rin na naka-schedule nang makipag-meeting si Willie sa
top executives ng TV network.

AALIS NG BANSA si Kris Aquino, pero hindi dahil sa sinabi niyang ‘yon ang gagawin niya
kung mananalo ang kuya niyang si Noynoy Aquino na presidente ng bansa at maging cause siya
ng sakit ng ulo nito habang nakaupo ang nakatatandang kapatid.

Inamin ni Kris kay Boy Abunda sa SNN na isinakripisyo niya ang SNN at The Buzz dahil
anuman daw ang sabihin niya sa dalawang showbiz-oriented talk show ay nabibigyan ng ibang
kahulugan. Bago matapos ang June, iiwan na ng TV host-actress ang dalawang programa.

Nakatakda ring magbakasyon ang pamilya ni Kris kapag natapos na ang drama series na Kung
Tayo’y Magkakalayo. May mga bagong shows naman si Kris na gagawin sa ABS-CBN pagbalik
niya mula pagbabakasyon, pero hindi na raw ‘yon kasing-intriga ng SNN at The Buzz.
BLINDITEM. NAGULAT ANG ISANG fan sa asal ng magandang TV host.

Pala-mura raw pala ito. Hindi raw akalain ng fan na sa kabila ng kagandahan ng TV host,
magaspang daw ang ugali nito.

At kung makapagmura, para raw sa iskuwater nanggaling.

Naawa nga ang fan dahil ang napagdiskitahan ng TV host ay ang kanyang personal assistant.
May hindi raw yata ito nagawa nang tama, kaya pinutakti na ng mura ng magandang TV host.

Bore Me
by Erik Borromeo

Вам также может понравиться