Вы находитесь на странице: 1из 28

Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Alamat

Ang salitang alamat ay panumbas sa “legend” ng Ingles. Angkatawagan namang ito ay nagmula sa
salitang Latin na “legendus”, na ang kahulugan ay “upang mabasa”.

Noon pa mang 1300 AD ( After Death ), ang ating mga ninuno, nakilala sa katawagang Ita, Aetas,
Negrito o Baluga ay may sarili ng mga karunungang-bayan, kabilang ang alamat. ( Sila ang mga
taong walang permanenteng tirahan.) Ayon sa mga heologo ( geologists ), nakuha at nalikha nila ang
mga ito dahil sa kanilang pandarayuhan sa iba’t ibang lupain sa Asya. Dahil sa wala silang sistema
ng pamahalaan ( bunga
marahil ng kakauntian ), panulat, sining, at siyensya, ang mga ito aynagpapasaling-dila o lipat-dila
lamang.

Pagkalipas ng 4,000 taon dumating sa ating kapuluan ang mgaIndones na may dalang sariling
sistema ng pamahalaan, panitikan atpananampalatayang pagano. Ang matatandang alamat ng ating
mga
ninuno ay nalangkapan ng kanilang mga katutubong alamat na angnilalaman ay tungkol sa mga
anito, buhay ng mga santo at santa, bathala,at pananampalataya sa Lumikha.

Sumunod na nandayuhan sa ating kapuluan ang mga Malay.Katulad ng mga Indones, sila rin ay may
pananampalatayang pagano.May dala rin silang sariling mga alamat, kwentong-bayan at mga
karunungang bayan. Sila rin ang nagturo sa ating mga ninuno ng alpabetona tinatawag na Alifbata o
Alibata. Dahil dito, ang ilan sa ating mga alamatna pasaling-dila o bukambibig lamang ay naisatitik ng
ating mga ninuno sa mga kawayan, talukap ng niyog, dahon, balat ng kahoy, at maging sa mga bato
sa pamamagitan ng matutulis na kahoy, bato, o bakal. Sa panahong ito, higit na lumaganap ang mga
alamat hinggil sa pananampalatayang pagano at sumibol ang “Maragtas” at “Malakas at Maganda”.

Nandayuhan din sa ating kapuluan ang mga Intsik, Bumbay, Arabe at Persyano. Ang mga ito ay may
mga dala ring kani-kaniyang kultura na nakaambag sa patuloy na pag-unlad ng mga alamat sa ating
kapuluan. Sa
mga panahong ito higit na umunlad ang wika at panulat ng ating mga ninuno kaya’t marami sa mga
alamat ang naisulat at naipalaganap. Gayunpaman, nakahihigit pa rin ang mga alamat na
nagpasalin-salin sa bibig ng mga taong-bayan.

Sumunod na nandayuhan sa ating kapuluan ang mga Espanyol na may layuning mapalawak ang
kanilang kolonya, at magpalaganap ng pananampalatayang Kristyanismo. Ipinasunog ng mga
prayleng Espanyol
ang mga naisulat na panitikan ng ating mga ninuno. Ang iba’y ipinaanod sa ilog sapagkat ayon sa
kanila ang mga iyon raw ay gawa ng demonyo. Ngunit ang mga alamat at iba pang panitikang
nagpasalin-salin lamang sa
bibig ng mga taong-bayan ay hindi nila masira. Nanatili ang mga alamat...nakitalad, nakipagsubukan
sa mahaba at masalimuot na panahon at nanatiling buhay hanggang sa kasalukuyan.
Ang mga Pang-ugnay sa Pagsang-ayon at Pagtutol

1. Totoo / Tinatanggap ko / Tama ka / Talaga / Tunay(nga) pero / subalit /


ngunit/datapwat

Totoo, lahat tayo’y nagkakasala pero hindi naman napakalaking pagkakasala ang nagawa ni
Amparo para parusahan siya ng ganoon.

Tinatanggap kong nagkamali ako subalit huwag naman sanang ang kinabukasan ko ang maging
kaparusahan.

Tama ka, dapat na pagsabihan kung minsan ng mas nakababata ang mas nakatatanda kung
talagang kinakailangan ngunit ang ganuong sitwasyon ay pambihira lamang.

Talagang nalungkot ang sambayanang Pilipino sa pagkamatay ni Gng. Corazon Aquino datapwat
lalo naman nitong pinatingkad ang diwa ng kalayaan.

2. Tama ka / totoo ang sinasabi mo , pero / ngunit/ subalit

Marahil nga’y tama ka , pero di maitatangging may katwiran din ako, di ba?

Totoo ang sinasabi mo ngunit huwag mong kalilimutang dinamdam din nang husto ni Amparo
ang sinapit ni Rosalina.

3. Sadyang / Totoong / Talagang, pero / ngunit

Sadyang napakahirap para sa magkapatid ang maagang pagkawala ng kanilang mga magulang
ngunit kinaya pa rin nilang mamuhay na dalawa.

Talagang nakapanghihinayang ang buhay ni Rosalina ngunit kung iisipin ay nakapag-iwan naman
siya ng isang magandang halimbawa ng makabuluhang kaisipan.

Totoong napakaikli ng buhay ng tao ngunit walang kamatayan sa puso ng buong sambayanan ang
alaala ng ginawang kabutihan.
ANG PUSO NG MGA DALAGA (Kwentong bayan/Bicol)
Salin ni Ms. Lilia F. Realubit

Noong unang panahong wala pa ang mundo at isa lamang ang planeta – ang buwan.Sa
planetang ito dalawang lahi ng tao ang nakatira, ang taong puti at ang taong itim. Ang mga puti ang
Panginoon at iyong mga itim ang utusan. Ang mga puti ay magaganda: maputi ang kulay ng balat at
ang buhok ay kulay ginto. Nakatira sila sa lunsod. Ang mga utusan ay sa kuweba ng kagubatan
nakatira. Sila’y maliliit at maiitim na tao. Sila ang
tagapag-alaga ng maganda at malaking hardin. May iba-ibang mababangong bulaklak at masasarap
na bungangkahoy sa halamanan. Ang mga taga-buwan ay may kaugalian na bigyan ng salu-salo ang
mga dalaga. Taon-taon, pagdating ng mga dalaga sa edad na labingwalong taon, tinatawag at iniipon
sila roon sa hardin. Ito’y kung kabilugan ng buwan sa Mayo. Sila ay tumutugtog, kumakanta,
sumasayaw hanggang sa umumaga. Ang buong bayan ay masaya.
Isang araw na hindi inaasahan, lumindol nang malakas sa buwan. Nabiyak ang planeta at
ang hardin ay nawala. Ang mga utusan ay nakasama sa kalahating nabiyak. Sa tagal ng panahon,
nalaman ng mga matatalinong tao sa buwan na ang iyong kabiyak ng planeta ay lulutang-lutang sa
ibang lugar. Tinawag nila ito ng “lupa” – na ang ibig sabihin, “Kabiyak ng buwan.” Hindi nagtagal,
naisip ng mga taga-buwan na dalawin ang
lupa. Nakita nila na iyong magandang hardin ay naroon sa lupa at mabuti ang kalagayan. Madali
itong puntahan kung iibigin. Kaya sila’y nagbalak na dumalaw sa lupa sa pagbibilog ng buwan.
Pagdating ng Mayo nagsipunta ang mga dalaga sa lupa. Itinaon nila sa pista ng Mayo.
Pagkatapos na magawa ang dating kaugalian bumalik sila sa buwan na walang anumang masamang
nangyari. Mula noon sila ay dumadalaw sa lupa taun-taon pagbibilog ng buwan sa gabi. Hindi nila
alam na may mga buhay na tao sa lupa, na kalahati ng kanilang buwan. Nakikita ng mga tao sa
gubat ang pagdalaw ng mga taga-buwan. Malaking pagtataka para sa kanila iyong mga kasayahan
ng taga-buwan. Sabi ng isang matandang taga-gubat: “Taun-taon pagbilog ng buwan kung Mayo
nagsisipunta rito sa lupa ang mga engkanto.” Naisipan ng mga binatang taga-lupa na abangan ang
pagbabalik na muli ng mga engkanto.
Dumating ang Mayo. Handa ang mga taga-lupa sa pagbibilog ng buwan, Hapon pa lamang,
nagsipunta n sila sa gubat at nakita nila sa malawak na kapatagan ang pagbasa ng mga taga-buwan.
Ang mga taga-buwan ay handa rin sa pagpunta sa lupa. Nang sumikat ang buwan, ito’y parang
gintong bola. Nang malapit nang bumaba sa lupa ang mga taga-buwan, umugong ang hangin.
“Parang sila na iyan,” sabi ng isang nagbabantay. Mayamaya, narinig ang tugtog ng musika at mga
tining ng kumakanta. “Ayan na,” sabi nila. Pagdating nila sa langit nakita nilang lumilipad sa harap ng
hardin ang mga dalaga na kasimputi ng gatas ang mga damit at nakalugay ang buhok na parang
gintong sinulid. Tuloy ang tugtog ng musika habang dahan-dahang naglilibot pababa ang mga
dalaga. Isa-isa silang bumaba sa lupa at pinaligiran ang isang puno na nasa gitna ng hardin. Nang
nasa lupa na ang lahat ng dalaga, sila ay sumayaw at kumanta sa paligid ng
punong kahoy. Ang musikang galing sa langit ay hindi humihinto. Tumigil sila sa pagsasayaw at isa-
isang lumapit sa punongkahoy. Mayroon silang kinuha sa dibdib at ito’y isinabit sa mga sanga ng
kahoy. Pagkatapos nito, itinuloy nila ang sayaw. Mahuhusay silang kumilos na parang mga puting
alapaap na lumilipad sa ibabaw ng sodang alpombra. Mag-umaga na, huminto sila at pumunta sa
sapa na ang tubig ay parang pilak at doon sila naligo. Samantala ang mga taga-gubat naman ay
tumakbo palapit sa kahoy at kinuha ang isinabit doon ng mga dalaga at nagtago silang muli. Pag-
ahon ng mga dalaga sa sapa, sila ay masasaya. Ngunit nang kukunin na nila iyon mga isinabit nila sa
puno hindi na nila ito makita. Hinanap nila sa paligid pero wala rin.
“Ninakaw! Ninakaw!” ang kanilang sigaw. “Mamamatay tayo dahil wala ang mga puso natin.” Ang
kanilang iyak at ang mga panambitan ay narinig ng mga nagnakaw. “Isauli natin, “ sinabi noon mga
naawa. “Kawawa naman, sabi ng isa. “Kailangan pabayaran natin,” pahayag ng iba. Lumapit ang
isang binata sa mga baba at nagtanong. “Ano ang nangyari sa inyo?” “Ninakaw ang aming puso na
iniwan naming sa punong itong,” ang sagot ng isang babae. “Ano? Puso ninyo, iniwan ninyo sa
puno?” ang tanong ng lalaki. “Oo, dahil kung kami ay naglalakbay sa malayong lugar, inilalabas
naming ang puso upang hindi naming makalimutan ang oras.” “Mga duwende ang kumuha ng puso
ninyo,” tugon ng lalaki. “Maawa kayo sa amin. Tulungan ninyo kami,” ang pagmamakaawa ng mga
babae. “Hintay kayo. . . hahanapin ko ang mga duwende. . . . babalik ako kaagad,” sabi nga lalaki.
Nag-usap-usap ang mga taga-kuweba. Sabi nila: “Kung ang mga babae ay papayag na
tumira sa lupa ng isang taon, ibibigay natin ang mga kinuha natin.” May mga sumang-ayon:
“Mabuting kaisipan iyan,” ang sabi naman ng iba. Bumalik ang lalaki sa kinaroroonan ng mga babae.
“Naroon sa mga duwende ang
mga puso ninyo. Kaya lang, isasauli daw nila sa inyo kung kayo ay payag na tumira dito sa amin sa
loob ng isang taon. “Mabuti pa ang mamatay kaysa tumirang buhay dito,” sabi ng isang babae.
“Dapat sumang-ayon tayo sa kanilang hinihingi,” tugon ng isa, :ito an ating kapalaran. Ang isang taon
ay katapusan.” Lumabas ang mga lalaki na dala ang mga kinuha nilang mga puso. Isa-isang ibinalik
nila ito sa mga babae, at bawat isang babae naman ay natutwang kinuha ang kanilang puso at
ipinasok sa kanilang dibdib. Masaya ang mga taga-Lupa dahil ang bawat isa sa kanila ay may
makakasamang isang dalaga. Dinala nila ang mga babae sa kuweba ngunit nagreklamo ang mga ito.
“Mamamatay kami kapag tumira dito sa kuweba. Kaya sa mga bahay sila nanirahan,
Masaya ang buhay nila. Dumaan ang mga araw. Mabilis ang takbo ng panahon; dumating at lumipas
ang mga buwan. “Hindi maglalaon at darating na ang buwan ng Mayo,” sabi ng mga babae sa mga
lalaki. “Pagdating ng Mayo, “sa pagbibilog ng buwan, dadalawin natin ang punong sinabitan naming
ng mga puso naming noong isang taon.” Pumayag ang mga lalaki bilang alaala ng mapalad na taon
nila. Noong gabing iyon nang magbilog ang
buwan, nagsama-sama sila sa pagdalaw sa puno. Nang sila’y papalapit na sa punong kahoy nakita
ng mga lalaki ang mga gintong bungang nakasabit sa mga sanga. “Ano iyan?” ang tanong ng mga
lalaki. “Iyan ang mga bungang kahoy sa buwan,” sagot ng mg babae.
Tinalupan nilosong bunga at pinatikman sa mga lalaki. Matamis! Masarap! “sabi ng mga
lalaki. Habang sinisipsip ng mga lalaki ang tamis ng mangga, isang malakas na ragasa ng hangin
ang kanilang narining. Nang itaas ang kanilang mga mata, wala na ang mga babae. Dinakot sila ng
hangin at nawalan parang usok. Ang buto ng mangga ang naiwan sa kanila – alaala ng mga dalaga.
ANG PINAGMULAN NG BOHOL (Alamat/Boholanos)
“Myth of Bohol”
Salin ni Patrocinio V. Villafuerte

Ang mga tao noon ay naninirahan sa kabila ng ulap. Isang araw, ang kaisa-isanganak na babae
ng datu ay nagkasakit. Hindi mapalagay ang datu.“Tanod, may sakit ang anak ko. Humayo ka,
papuntahin mo rito ang manggagamot.Ngayon din!”“Ngayon din po, Mahal na Datu!”
Nang dumating ang matandang manggagamot at ang tanod sa tahanan ng Datu. . .“Magagawa ng
matandang lalaki ang anuman na makagagaling sa kanya!” ang sabing datu.Sinuring mabuti ng
matandang manggagamot ang maysakit. Pagkatapos ng pagsusuri, nag-usap ang manggagamot at
ang Datu sa labas ng kubo. . Tumawag ng pulong noon din ang datu. . .“Mga kalalakihang
nasasakupan ng aking barangay. Makinig kayo sa akin. Maysakit ang aking anak na babae at ang
tanging hinihiling ko ay ang inyong tulong. Sundin ninyong lahat ang mga tagubilin ng
manggagamot. . . . upang magbalik ang dating lakas ng aking anak.” “Mga lalaki, dalhin ninyo ang
maysakit sa malaking puno ng balite. Hukayin ninyo ang lupang nakapaligid sa mga ugat, ang utos
ng manggagamot.
“Gagawin naman ang iyong ipinag-uutos alang-alang sa pagmamahal namin sa datu at sa
kaniyang kaisa-isang anak na babae!” Nagsimulang kumilos ang mga tauhan ng datu. Pinuntahan
nila ang lugar na
kinatatayuan ng puno ng balite. Ang maysakit na anak ng datu ay isinakay sa duyan. Hinukay ng
ilang lalaki ang lupa sa paligid ng mga ugat ng puno ng balite. Nang ito’y matapos.
“Dalhin ang maysakit sa kanal! Ang tanging makagagaling sa kanya ay ang mga ugat ng malaking
puno ng balite.” Buong ingat na inilagay sa kanal ang maysakit.
Ngunit sa di-inaasahang pangyayari, bumuka ang lupa. “Ooooops, Aaaa. Ama ko, tulungan ninyo ako
Ama. . .”
At babae’y tuluyang nahulog sa hukay ng ulap. “O, Diyos ko. Ang aking anak. Ibalik ninyo siya sa
akin. . . O, hindi! Ang aking anak!”
“Huli na ang lahat, Datu. Siya’y patay na.!”
Sa ilalim ng ulap ay may malaking daluyan ng tubig. Gumulong sa hangin ang maysakit bago
tuluyang bumagsak ang kanyang katawan sa malaking daluyan ng tubig. Nakita ng dalawang bibe
ang pagkahulog ng babae. “Isplas! Wasss! Isplas!
Nagmamadaling lumangoy ang dalawang bibe at mabilis na bumagsak sa likod nila ang katawan
ng babae. Sa kanilang mga likod namahinga ang may sakit. “Kwak, kwak, kwak, kwak!”
“At isang pulong ang idinaos. Ang babaeng kababagsak lamang mula sa ulap ay labis na
nangangailangan ng tulong. Kailangang tulungan natin siya.” “Oo, dapat tayong gumawa ng bahay
para sa kanya.”
“Lumundag ka, palaka, at dalhin mo ang dumi ng puno sa ibaba,” ang utos ng pagong. Sumunod ang
palaka ngunit hindi siya nagtagumpay. Inutusan naman ng malaking pagong ang daga. Siya ma’y
sumunod ngunit nabigo. Hanggang sa. . . “Susubukin ko, ang kusang-loob na sabi ng malaking
palaka.
Sa pagkakataong ito, ang lahat ng hayop ay nagsigawan at naghalakhakan, maliban sa malaking
pagong.
“Natitiyak naming hindi mo iyon magagawa. He-he-he! Ha-ha-ha.” “Subukin mo, baka ikaw ang
mapalad.”
Huminga nang malalim ang matandang palaka at nanaog. . . nanaog. . Sa wakas, ang samyo ng
hangin ay dumating at sumunod ang matandang palaka. Sa kanyang bibig, nagdala siya ng ilang butil
ng buhangin na kanyang isinabog sa paligid malaking pagong. At isang pulo ang lumitaw. Ito ang
naging pulo ng Bohol. (Kung susuriin ang likod ng pagong, mapapansin ang pagkakatulad nito sa
hugis at anyo ng Bohol). At dito nanirahan ang babae. Nanlamig ang babae kayat muling nagdaos ng
pulong. . .
“Kailangang gumawa tayo ng paraan para siya mainitan. “Kung makaaakyat ako sa ulap,
makukuha ko ang kidlat at makagagawa ako ng liwanag, “ang sabi ng maliit na pagong. “Gawin mo
ang iyong magagawa. Marahil ay magiging mapalad ka.
Isang araw, nang hindi pa gaanong dumidilim, uminog ang ulap at tinangay ang
pagong nang papaitaas. “Uww-ssss ! Brahos !” Mula sa ulap, kumuha siya ng kidlat. . .
“Brissk ! Bruumm ! Swissss !” Nabuo ang araw at ang buwan na nagbigay ng liwanag at init sa
babae. Mula noon, naninirahan ang babae sa piling ng matandang lalaking nakita niya sa pulo. At
nanganak siya ng kambal. Sa kanilang paglaki, ang isa’y naging mabuti at ang isa’y naging masama.
“Ihahanda ko ang Bohol sa pagdating ng mga tao.” Ang mabuting anak ay gumawa ng mga
kapatagan, mga kagubatan, mga ilog at
maraming hayop. Lumikha rin siya ng mga isdang walang kaliskis. Ngunit ang ilan sa mga ito’y sinira
ng masamang anak. Tinakpan niya ng makakapal na kaliskis ang mga isda kaya’t mahirap kaliskisan
ang mga ito
“Ano ang ginawa mo?”
“Walang halaga lahat ‘yan.” “Walang halaga?” “Bakit mo pinahihirapan ang iyong sarili sa paggawa
rito? Hangal ka!”
“Inihahanda ko ang lugar na ito para sa pagdating ng mga tao.”
“Dito, dito’y wala tayong kinabukasan. Samantalang sa ibang lugar ay hindi ka kailangang gumawa.
Isa kang baliw ! Kaya’t naglakbay sa kaunlaran ang masamang anak. Dito siya namatay.
Samantalang ang mabuting anak ay nagpatuloy ng pagpapaunlad ng Bohol at inalis ang mga
masasamang ispiritung dala ng kanyang kapatid. Hinulma ang mabuting anak ang mga Boholano sa
pamamagitan ng pagkuha ang dalawang lupa sa daigdig at hinugis ang mga ito ng katulad ng tao.
Dinuran niya ang mga ito. Sila’y nabuhay.
“Ngayong kayo’y naging lalaki at babae, iniiwan ko sa inyo ang mga magagandang katangiang ito:
kasipagan, mabuting pakikitungo, katapatang kabutihang-loob, at mapagmahal sa kapayapaan.”
Ikinasal ang dalawa at nagsama. Isang araw, kinausap sila ng mabuting anak. “Narito ang iba’t
ibang uri ng buto. Ibig kong itanim ninyo ang mga butong ito para kayo matulungan. Gawin ninyong
laging sariwa at magandang tirahan ang lugar na ito.” Nang malaunan, ang mabuting anak ay
lumikha ng igat at ahas katulad ng isda sa ilog. Lumikha rin siya ng malaking alimango.
“Humayo kayo, dakilang igat at dakilang alimango saan mang lugar na ibig ninyong pumunta.”
Sinipit ng malaking alimango ang malaking igat. Nagkislutan ang dalawa at ang
kanilang paggalaw ang lumikha ng lindol. Ito ang dahilan kung bakit maraming alimango sa Bohol,
maging sa lupa o sa dagat, at ang igat na kaunaunahang nilikha ng mabuting anak. Gustong-gusto
kainin ito ng mga
Boholanos. Hindi sila kumakain ng palaka dahil iginagalang nila ang mga ito. Hindi rin nila kinakain
ang mga pagong katulad ng ibang mga Bisaya kahit maaaring ihain ang mga ito sa handaan.

ANG UNANG HARI NG BEMBARAN (Alamat ng Maguindanao)


Salin ni Venacio L. Mendiola ng “The First Ruler of Bembaran”
ni Bolawan Manalisig/Lawa Cali

Noong unang araw, kakaunti ang mga tao sa mundo at marami sa kanila ang mangmang at walang tao
sa kanilang gawain at bagamat di pa umuunlad ang lugar na ito ay masasabing maganda na. Sa buong
Bembaran, kulang lamang na 20 pamilya ang nasasakop ng Ayonan, si Diwantandaw Gibon. At sapagkat
malapit sa dagat ang Bembaran ang mga alon ay sumasalpok sa gitna nito. Nababatid ng mga tao na walang
kasingganda ang kanilang pook. Batid nilang ligtas sila sa kanilang mga kaaway pahintulot buhat sa
kinatatakutang tagapayong ispiritwal, si Pinatolo i kilid, ang kakambal na isipiritu ni Diwatandaw Gibon, ang
unang hari ng Iliyan a Bembaran. Walang palagiang anyo ang ispiritung ito. Sa dagat, ito ay buwaya; sa lupa
ito ay isang tarabosaw* at sa himpapawid, ito ay isang garuda. Isang araw ang mga tao sa Torogan ay
nabahala sapagkat napansin nila na malungkot ang Ayonan. Inanyayahan ni Mabowaya Kaladanan, isa sa
mga nakatatanda, na magpunta s torongan upang tulungan ang Ayonan sa kanyang suliranin. Nang ang lahat
ay naroroon na, nagtanong si Dinaradiya Rogong, isang iginagalang na pinuno, sa kapulungan kung may
nakakaalam sa lugar, na kasingganda at kasingyaman ng Bembaran, na kung saan may nakatirang prinsesa
na maaaring mapangasawa ni Diwatandaw Gibon. Ang lahat ay nag-isip sumandali ngunit walang
makapagsabi ng ganoong lugar. Tumayo si Dinaradiya Rogong at iginala ang kanyang paningin sa mga taong
nangakakatipon upang alamin kung ang lahat ng tao roon ay dumalo. Pagkatapos ay namataan niya ang isang
mangingisdang nakaupong malapit sa pinto at malayo sa karamihan. Tinawag niya ito at tinanong “Samar,
sa lahat ng iyong pangingisda sa iba,t ibang lugar, nakarating ka na ba sa isang lugar na kasingganda ng
Bembaran, na may isang magandang prinsesa na maipapantay sa ating Ayonan?” Ngumiti ang mangingisda
at nagsalita: “Opo, dato, alam ko ang ganyang lugar at ito’y di maihahambing sa ganda sa anumang bagay
rito. Ito’y tinatawag na Minango’aw at ang pangalan ng hari ay Minangondaya a Linog. Ang hari ay may isang
anak na babae na pinangalanang aya Paganay Ba’i, ang pinakamagandang babae sa pook.”
Nang marinig ng mga tao ang sinabi ng Samar, napagusap–usapan sila. Marami ang naniniwala sa
kanyang sinabi sapagkat siya’y isang mangingisda at maaaring nakita niya ang lugar. Ngunit nagalit si
Dinaraduya Ragong sapagkat siya’y marami ring nalakbay at kailan man sa kanyang paglalakbay ay hindi siya
nakatagpo o nakarinig ng tungkol dito. Naisip niyang nagbibiro ang Samar o niloloko sila kaya’t nagbabala
siya: “Mag-ingat ka sa iyong sinasabi. Nakapaglakbay ako sa maraming lugar at kalian ma’y di ko narinig ang
ganyang lugar. Mabuti pa’y magsabi ka ng totoo ‘pagkat hahanapin naming ang lugar na ito, at parurusahan ka
naming kapag hindi naming natagpuan ito.” Tiningnan ng Samar ang datu at nakita niyang namumula sa galit
ang mukha nito. Lumundag siyang palabas sa torogan. Nagpunta ang ibang pinuno sa Dinariya a Rogong at
hinikayat siyang hanapin ang Minago’aw a Rogong. Nang sumunod na araw, naghanda sila sa kanilang
paglalakbay at nanguha at naghanda ng pagkain at ilang pangangailangan. Nang handa na ang lahat, umalis
ang pangkat ngunit sa halip na maglayag sa karagatan, sila’y naglakbay sa dalampasigan at nagtatanong sa
mga tao kung saan nila matatagpuan ang Minago’aw. Ngunit wala kahit sinuman ang nakarining sa ganoon
lugar.
----------------------------------------------
*tarabosaw - isang higanteng kumakain ng tao at hayop
garuda - agila
Pagkatapos ng isang buwan paglalayag, nakakita sila, isang madaling araw, ng dalawang
mangingisdang nag-aaway. Nang halos magpang-abot na ang dalawa, nangagsidating ang mga lalaki sa
Bembaran at sumigaw si Diwatandaw Gibon, “Hinto! Kung kayo’y maglalaban, masasaktan kayo o
mamamatay at magdurusa anuman ang mangyari. Isipan ninyo ang inyong mga pamilya!” Huminto sa pag-
aaway ang dalawa at tinanong ng hari kung saan sila nakatira. Sumagot ang isa sa kanila, “Dato, ako’y taga-
Minango ‘aw.” Nang marinig nila ito, nagalak ang pangkat sapagkat natapos na ang kanilang paghahanap.
Inutusan ng Ayonan ang mga mangingisda na lumipat sa kanilang bangka upang patnubayan sila sa pagpunta
sa kanyang lugar. Sa paglalakbay pinagtatanong nila ang mangingisda na kanya naming sinagot sa kanilang
kasiyahan. Noong papalapit na sila sa bukana ng look, nakiusap ang mangingisda na magpauna sa kanila sa
kanyang sariling bangka upang ipagbigay-alam sa kanyang hari ang kanilang pagdating at ibalita sa kanya na
sila’y mga kaibigan, at hindi mga pirata. Pagkalunsad nito, dali-dali siyang nagtuloy sa torogan ibinalita sa
Ayonan ang tungkol sa mga panauhin. Tinipon ng hari ang kanyang mga nasasakupan at napagkasunduan
nilang salubungin ang mga panauhin sa dalampasigan.
Naghanda ng isang malaking piging ang hari ng Minango’aw para sa kanyang mga panauhin. Nag-
handa ang mga babae ng masasarap na pagkain. Pagkakain nag mga panauhin ay inaliw nila sa
pamamagitan ng sayaw kolintang, sagayan at ang lahat ng uri ng paligsahan sa pag-wait o sak’ba. Nang
matapos na ang lahat ng uri ng palaro, tumayo at nangusap ang tagapag-salita ng hari at tinanong ang mga
panauhin kung bakit sila nakarating sa Minango’aw. Ang kinatawan ng Diwatandaw Gibon ay tumayo. Sinabi
niya na dinala nila ang kanilang batang hari at magalang na ipinakilala. Pagkatapos ay nalaman ng mga tao na
ang sadya ng mga panauhin ay upang pakasalan ng Ayonan ang kanilang prinsesa.
Tinanggap ang handog at ang paghahanda ay nagsimula. Napakasaya ni Diwatandaw at ang kasal ay
ginanap sa gitna ng kasayahan at labis na pagpipiyesta. Namalagi si Diwatandaw Gibon sa Minango’aw ng
limang taon at sa panahong ito’y nanganak ng dalawang lalaki ang kanyang kabiyak. Hinandugan siya ng
kanyang biyenan ng korona nito at kapangyarihan. Sa buong panahong naturan, hindi niya dinalaw ang
Bembaran at nagyon siya’y puno ng malakas na pag-asam at pananabik na makabalik sa kanyang lupain.
Nilapitan niya ang kanyang biyenan at nagsabi: “Aking biyenan, kung pahihintulutan ninyo, nais kong
makabalik sa Bembaran. Ibig kong makita kahit ang damo ng pook na aking sinilangan.” Tumango si
Minangondaya Linog. “Tama ka. Humayo k.” Pagkatapos ay tinawagan niya ang kanyang dalawang apo,
inakbayan ang bawat isa at sinabi sa nakatatanda: “Ikaw ay si Tominaman sa Rogong. Balang araw pupunta
ka sa Bembaran, ang lugar ng iyong ama. Katungkulan mong paunlarin ang lugar at pasayahin ang mga tao
ng Bembaran.” Bumaling sa nakababata at sinabi: “Ikaw ay si Mangondaya Boyisan. Bilang bunso dapat mong
tulungan ang iyong kapatid sa pagpapaunlad ng Bembaran at Minango’aw. Humanda ka sa pagtulong at
pagtatanggol sa mga tao sa dalawang lugar na ito.”
Pagkatapos ay binigyan ng hari ang dalawa niyang apo ng sumusunod na pamanang gamit: isang
mahiwagang bangka, ang Riramentaw Mapalaw, na lalong kilala bilang Rinayong , na nakapaglalayag sa
dagat na hindi na kailangan ang sagwan sapagkat ispiritu ang nagpapadpad dito. Binigyan rin niya ang mga
apo ng isang agong na pinangalang Magandiya a Oray. Ito’y minana pa niya sa kanyang lolo, isang ginintuang
agong na kung pinapalo ay maririnig sa lahat ng lugar ang tunog at kagyat na matatawag ang lahat ng tao;
at dalawa pang agong: Rogongan a Posaka at Momongara Dayiring. Tinawag niya ang kanyang anak na si
Prinsesa Aya Paganay Ba’i. Nang lumapit ang prinsesa at maiharap sa kanya ama, sinabi ng ama sa anak na
maaari siyang magtungo sa Bembaran kasama ng asawa at mga anak. Pagkatapos ay kanyang pinayuhan
ang anak. “Anak ko, ang iyong unang katungkulan ay sundin ang iyong asawa at pangalagaan ang
kanyang kalusugan kapakanan. Mahalin mo siya at alaming kapwa kayo mabuhay nagkakasundo. Buhayin at
mahalin mo ang inyong pamilya at tingnan mo na sila’y nasa mabuting kalusugan.
“Ipaglaban mo ang iyong karapatan at ang karapatan ng iyong hari. Humanda kang ipagtanggol ang
iyong dalawang bansa ng Bembaran at Minango’aw. Igalang mo ang mga matatanda at bata. Mahalin mo ang
mahihirap at ang mga ulila. Bigyan mo ng pagkakataon ang bawat isa na magtagumapy sa buhay. Maging
matapat ka sa lahat. “Kung dumating ang mga panauhin, tanggapin mo silang pantay-pantay kahit na sila
ay maharlika pa alipin. Turuan mo ng mabubuting bagay ang iyong mga anak. Lagi mong tupdin ang anumang
pangako. Maging mabuti kang maybahay at panatilihing mong malinis ang iyong bahay, sa loob at labas, sa
ibaba at itaas, pati ang bakuran. Tinapos ng Ayonan ang kanyang pangaral at hinati ang kanyang ari-arian sa
dalawa. Kalahati ang ibinigay niya sa anak niyang prinsesa sa kanyang pag-alis. Dinala ni Diwatandaw Gibon
ang kanyang mag-anak at ang lahat ng kayamanan ibinigay sa kanila ng kanyang biyenan. Sakay ng
Rinayong, siya ay naglalakbay kasama ng kanyang mag-anak. Nang malapit na sila sa bayang sinilangan,
inutos ni Diwatandaw Gibon na patunugin ang mga agong sa buong lupain upang ibalita ang kanyang
pagdating. Nagtakbuhan ang mga taga-Bembaran at inilabas ang lahat ng kanilang mga bandera at
magagandang mga palamuti at iniladlad ang mga ito. Ang mga bandera at palamuti ay masayang dinapyuan
ng amihan at ang lahat ng bahay sa daanan at nagpatugtog ng kolintang. Ginayakan ang isang tanging silya at
dinala sa dalampasigan samantalang sa torogan ay may itinanghal na mga pamanang ari-arian na yari sa
tanso, pilak at ginto.
Sa pagadaong ng bangka, nagpaputok ng kanyon upang salubungin si Diwatandaw Gibon at ang
kanyang mag-anak. Pumila ang lahat ng tao sa dalampasign at sila’y masayang sumalubong sa Ayonan at sa
kanyang magandang asawa at mga anak. Dinala nila ang silyang pinalamutian nang magandang tangkongan
– para upuan ni Aya Paganay Ba’i at binuhat siyang buong ringal at kamaharlikahan papunta sa torongan.
Tatlong taon ang matuling lumipas sa Bembaran. Isang araw, habang ang Ayonan at ang kanyang asawa ay
nakaupo sa lamia* namasdan ni Diwatandaw Gibon n kakaunti ang mga batang nagsisipaglaro sa bakuran.
Naisip niya, na kaawa-awa na ang isang maganda at mayamang lugar tulad ng Bembaran ay may kakaunting
tao lamang na magtatamasa nito? Tinanong niya ang asawa. “Ano ang palagay mo sa kaisipang ito?
Papayagan mo ba akong mag-asawa ng marami pang mga babae upang madagdagan ang populasyon ng
Bembaran? Narining ko na maraming mabubuting mga babae sa Lombayo’an a Lena, Kodaranyan a Lena,
Bagombayan Miyaraday dali’an at sa MinisalawGanding.”
Nagulat ang prinsesa. Nasabi niya sa sarili na kung nalaman lamang niya na binabalak niyang gawin
ito, disin sana’’y hindi siya pumayag na magtungo sa Bembaran. Malakas niyang sinabi, “Mahal kong asawa,
napakahirap kong tanggapin ang balak mo. Kung maririnig ng mag-anak ko ang ang iyong kagustuhan na
mag-aasawa ng mga ibang babae, makakagalitan nila ako at sisisihin tungkol dito. Sa palagay ko’y magiging
mabuti para sa iyo na ako’y diborsyuhin mo upang malaya mong mapangasawa gaano man karaming babae
ang gusto mo. Babalik ako sa Minango’aw sa sandaling payagan mo ako.” Niyakap ni Diwatandaw Gibon ang
asawa at sinabi sa kanya, “Huwag ka nang magalala. Nagbibiro lamang ako.” Pinangako niya ang asawa at
ipinaghele sa kanyang braso. Umawit siya ng “pinakamamahal kong kabiyak, huwag kang magalit sa akin sa
pagkabitiw ko ng mga salitang nagbigay pasakit sa iyong kalooban. Alam ko na nagpalungkot ito sa iyo, ngunit
katungkulan ko bilang isang namumuno na magbalak at mag-aral at mag-isip tungkol sa ikauunlad ng kanyang
kaharian. Ang mag-isip, ang magbalak kumilos – ito ang mahalagang katungkulan ng isang namumuno
maging lalaki o babae. Dapat niyang pagaralan ang lahat ng bagay upang matuklasan kung alin ang totoo, alin
ang mali at alin ang biro lamang.” Nakinig siya sa kanyang mahinang awit at pinakiusapan niyang ibaba siya
sa malaking panggaw.*
Tinawag ng prinsesa ang kanyang asawa sa kanyang tabi at winika sa kanyang asawa, pag-uusapan
pa natin ang iyong balak. Sa palagay ko ay tama ka. Dapat ngang magkaroon ng maraming nasasakupan ang
Bembaran. Makinig ka, kung kulangin ang iyong ari-arian sa paghahanda sa kasal sa lahat ng mga babaeng
yaon, sabihin m osa akin upang makakuha pa ako ng ilang ari-arian ko sa Minango’aw.”
Nang sumunod na araw tinipon ni Diwatandaw Gibon ang lahat ng tao ng Bembaran at ipinahayag ang
kanyang mga balak. Ang mahiwagang bangkang Rinamentaw ay inihanda at pagkatapos matipon ang lahat ng
kailangan, sinimahan ng piling tauhan si Diwatandaw Gibon sa panliligaw. Una silang nagpunta sa
Kodarangan a Lena para kay Walayin Dinimbangew, sa Bagombayan a Lena para kay Walayin Pitagaman, sa
Songgaringa a dinar para kay Walayin si Remotak at sa Minisalaw Ganding para kay Walayin Mangobabaw.
Kasama ang kanyang mga bagong asawa, bumalik si Diwatandaw Gibon sa Bembaran at sa sandaling
marating niya ang Baroraw a Lena’an ang lugar ni Pamanay Masalayon, sa pagitan ng Bembaran at
Kadera’an, inutos niyang patunugin ang mga agong upang malaman ng lahat ang kanilang pagdating at
makapaghanda sa pagsalubong sa kanya at sa kanyang mga bagong asawa.
------------------------------------------
* lamia – ang tore ng prinsesa
panggaw – kama
Nang marinig ni Aya Paganay Ba’i ang agong siya’y di mapalagay at malungkot sapagkat alam niya
ang kahulugan nito. Pinawisan mabuti ang kanyang mukha. Ngunit naalala niya ang itinuro sa kanya ng
kanyang magulang at gaya ng isang tunay na mahinhing babae, tumindig siya at tinawag ang lahat ng mga
kababaihan at mga alipin. Inutusan ang bawat isa na maglinis at gayakan ang torogan at ang lahat ng
kapaigiran nito. Naghanda siya ng limang malalaking silid tulugan, pinalamutian ang mga ito, at hinintay niya
ang pagdating ng asawa. Dumating ang Ayonan at magiliw na binati ang kanyang asawa at ipinakilala ang
mga bagong asawa sa kanya. Binati niya sila nang magiliw at sinalubong sila sa Bembaran. Kaya ang hari at
ang kanyang mga asawa ay nabuhay nang magkakasundo sa maraming taon. Buhat sa kanyang limang
asawa, nagkaroon ng maraming anak si Diwatandaw Gibon, na pawang babae. Sila’y sina Mabolawan Pisigi
ng Kadorangan a Lena; Walayin Dirimbangen o Mapatelama Olan ng Lambayo’an a Lena; Garugay a
Rawatan ni Bagombayan a Lena; Romentak a Bolawan ng Sanggiringa a Dinar at Mapagalong an sirig
ng Minisalaw Ganding. Pagkatapos mabuhay ng maligaya ng labinlimang taon, tinipon ni Diwatandaw Gibon
ang kanyang malaking pamilya isang araw at nagsimula siyang magbigay ng kanyang huling testamento.
Nakaupo sa kanyang silya, nag-atas siya sa kanila. Sinabi niya sa kanyang mga asawa na kung ayaw nilang
magbalik sa kanilang tahanan pagkamatay niya, manatili sila sa Bembaran at pantay-pantay sila ayon sa
kapangyarihan ng aya Paganay Ba’i. Inamuki niya ang kanyang dalawang anak na lalaki na magpakabuti
sapagkat pagkamatay niya, sila ang papalit sa kanya. Binalangkas niya para sa kanila ang pagiging mabuting
pinuno. “Kung makarinig kayo na anumang alitan sa inyong nasasakupan,” simula niya, “dapat ninyo itong
ayusin sapagkat katungkulan ninyo ito, anyayahan man kayo o hindi na ayusin ito. Huwag kayong kakampi sa
anumang panig upang ang inyong pagpapasya ay maging karapt-dapat. Kung may utang na babayaran at ang
isang panig ay kulang sa salapi, ibigay ito buhat sa sarili ninyong salapi.
“Mayroon kayong limang kapatid na babae. Pagsapit ng panahon na sila ay dapat mag-asawa
isangguni ang tungkol dito sa inyong kamag-anak, sa panig ko at sa panig ng inyong ina. Huwag kayong
makikialam, kahit anuman ang mangyari hanggat nagkakasundo ang dalawang panig sapagkat alam nila na
kayong dalawa ang huli nilang daraingan at hihingan ng kapasyahan.” “Lagi ninyong ipagtanggol ang mga
karapatan ng inyong mga nasasakupan sa Bembaran at Minango’aw. Kayo ang kanilang tagapagtanggol at
may karapatan silang asahan ito sa inyo sapagkat kayo’y aking mga anak.”
“Kung may sinumang magsalita laban sa inyo, kahit sino man sila, maging dugong bughaw, mga
karaniwang mamamayan, matanda o bata, dayuhan o katutubo, lalaki o babae, huwag kayong sasagot
kaagad. Isipin munang mabuti ang bagay-bagay. Kung ito’y gagawin ninyo, hindi kayo magkakamali. Maging
mapagpatawad kayo at matiyaga. Gayon man, kung ang pag-insulto ay inulit pa, hamunin ang tao at
ipagtanggol ang inyong karangalan hanggang kamatayan.” Ang pamana ko lamang sa inyo ay ang
mahahalagang manang-ari at iba pang ariarian. Alagaan ninyo ang mga ito, lalung-lalo na ang torogan, ang
tore, ang bangkang Rinamentaw, ang tatlong agong, Magindaya a Oray, Rogongan at Momongano Dayiring.”
Pagkatapos mawika ang mga ito, namatay si Diwatandaw Gibon. Namahala sa lahat si Aya Paganay
Ba’i. Inutos niya na palamutian ang torogan at pinatugtog sa mga tao ang lahat ng mga agong. Iniutos niyang
isabit ang lahat ng bandera sa paligid ng torogan at sa harap ng bakuran nito. Nagtayo ang mga tao ng
osonan upang ipahiwatig sa lahat ng kalapit na upang dumalo sa libing ng patay na hari at pinagsabihan rin
ang lahat ng kamaganak ng kanyang limang asawa.
Pagkalibing sa Ayonan, ipinaayos ang kasal ng kanyang anak na lalaking si Tominamansa Rogong kay
Prinsesa Lalawanan ng Jolo. Pagkatapos ng kasalan, namuno si Tominaw sa Rogon sa Bembaran na
sinusundan ang bakas ng kanyang ama, ang matalinong Haring Diwatandaw Gibon, ang unang hari ng Iliyan a
Bembaran.

Ang Pinagmulan ng Kodla ng mga Ifugao


Salin mula sa Ingles ni Elvira B. Estravo
ng “The Origin of the Ifugao Kodla”

Noong unang panahon ay may mag-asawang naninirahan sa Lamut na nangngangalang Cabigat at


Bugan. Sila ay masasaya dahil marami silang nakukuhang pagkain at mga hayop. Isang araw lumabas si
Cabigat upang mamasyal na karaniwag isinasagawa sa mga kalapit na nayon. Habang sila’y wala, inilabas ng
kanyang asawang si Bugan ang kanyang panghabi upang humabi ng isang tapis. Noong dakong hapon,
isinampay niya ang natapos na tapis sa silong ng bahay. Sila,y nagbayo ng palay para sa hapunan at agahan.
Sa ambato, naisipan ni Puwek, ang bathala ng bagyo, na mamasyal sa mga kabundukan, burol at lambak.
Sinimulan niya ang kanyang paglalakbay sa
pamamagitan ng pagdaraan sa ilang nayon hanggang sa makarating siya sa Lamut. Isa itong mapanirang
paglalakbay dahil sa lahat ng naraanang mga punongkahoy at pananim ay walang awang nasisisra. Ang
panghabi ni Bugan ay tinangay din at nasira, ata ang palay na kanyang binayo ay kumalat sa lupa. Ang
kaawa-awang si Bugan ay umiiyak na napaupo samantalang nagdaraan ang
nagngangalit na hangin. Pagkatapos ng bagyo, si Cabigat ay umuwi. Subalit ano ang kanyang nakita? Nakita
niyang ang lahat ng kanyang mga punong namumunga ay nabuwal at ang panghabi at palay ay nakakalat sa
lupa. Namamaga rin ang mga mata ni Bugan dahil sa pag-iyak. Walang kibo si
Cabigat. Wala siyang masabi kahit isang salita dahil sa ang laman ng kanyang puso ay pulos pagkagalit.
Matapos na minsan pang pagmasdan ang nagging masamang kapalaran, madamdaming nasabi ni Cabigat na
“Bakit, sino ang gumawa ng lahat ng ito?’
Dahan-dahang itinaas ni Bugan ang kanyang ulo at sumagot, “Dumating sa hapong ito si Puwek at
walang awing ibinuwal ang lahat n gating mga namumungang puno, sinira ang aking panghabi at ikinalat ang
lusong. Sumisisgaw ako sa pagmamakaawa ngunit hindi niya ako pinakinggan. Tulad ng isang ulol na leon,
pumasok sa bahay si Cabigat at kinuha ang kanyang sibat at palakol. Nagbalot siya ng ilang pandikit at
nanaog. At saka sinabi sa kanyang asawa, “Bugan dumito ka sa bahay at alagaan ang naiwan nating aria-
arian. Susundan ko si Puwek, ang bathalaa ng bagyo. Nais ipaghiganti ang lahat ng paninirang kanyang dinala
sa ating masayang tahanan.”
At pagkatapos ay di naghintay ng kasagutan, si Cabigat ay nagsimula sa kanyang mapanganib na
paglalakbay. Madali niyang nasundan ang kanyang kaaway dahil sinundan lamang niya
ang mga daang may palatandaan ng paninira . Mahaba ang paglalakbay, ngunit matapang niyang nilakbay
ang mga kabundukan hanggang sa wakas ay marating niya ang Ambato. Sa kanyang labis na pagkamangha,
natagpuan niyang ang bahay ni Puwek ay isang engkantong lugar. Ito ay malaki at panay bato. Sa ilalim ay
may isang tanel na siyang kinaroroonan ng kuwarto ni Puwek. Walang nabubuhay na bagay sa paligid-ligid ng
bato. Pagpapakamatay sa sinuman ang lumapit sa engkantong lugar, ngunit di natakot si Cabigat. Naroroon
siya upang maghiganti. “Anong aking gagawin para siya ay mapatay?” tanong niya sa kanyang sarili. “a,
siyanga pala, sasarhan ko ang kanyang pintuan at hahayaan siyang mamatay sa gutom sa sarili niyang
kuwarto.”
Sinimulang isagawa ni Cabigat ang kanyang balak. Kinuha niya ang kanyang palakol at pinutol ang
lahat ng malalaking puno sa pintuan. “Ngayon , Puwek, hipan mong mabuti at tingnan ko kung gaano ka
kalakas.” Sigaw ni Cabigat. Nagmamadaling lumabas ang bathala ng bagyo at hinipang lahat ang mga torso.
Lumipad silang lahat at sa itaas sa lahat ng direksyon. Muling pumasok si Puwek sa kanyang kuwarto nang
walang sinabi kahit na isang salita. Hindi nawalan ng pag-asa, ang galit na galit na si Cabigat ay naupo upang
umisip ng ibang balak para makapaghiganati. Naisip niyang sarhan ang pinto ng mabibigat na mga torso.
Kinuha niyang muli ang kanyang palakol at nagnguha ng mga punong yakal. Dinala niya sa bungad ng pinto at
itinayo niya ang kanyang pader sa pangalawang pagkakataon. Sa pamamagitan ng dinala niyang pandikit,
pinagdikit niya ang mga siwang sa mga torso. At pagkatapos ay buong lakas siyang sumigaw, “Puwek, hipan
mong muli.. Gusto kong subukin ang iyong lakas.”
Kaya muling lumabas si Puwek at hinipang palayo ang bakod. Pinagsikapan
niyang mabuti, susbalit hindi siya makalabas, Naramdaman niyang nahihirapan siyang huminga.
“Sino kang napakatapang para pumarito sa engkanto kong tahana? Ikaw lamang ang taong nakarating sa
bungad ng aking pintuan,” sigaw ng bathala ng bagyo.
“Ako si cabigat ng Lamut. Sinundan kita dahil sinira mo ang aking mga namumungang puno at ang
panghabi ng aking asawa, at iyon itinapon ang palay na kanyang binabayo.”
Naramdaman ni Puwek na siya ay lalong hindi makahinga sa loob ng kanyang kuwarto. Kaya nagmakaawa
siya kay Cabigat na buksan na ang pinto at nangakong di siya saasaktan. “Hindi,” galit na sagot ni Cabigat.
“Hindi mo kinaawaan ang aking asawa nang siya’y magmakaawa sa iyo. Kaya gusto kong ipaghiganti ang
lahat ng mga paninirang iyong ginawa sa aking masayang tahanan.”
Sa loob ng tanel, humina nang humina si Puwek. Pinilit niyang hipan ang bakod ngunit wala siyang
magawa. Halos di siya makahinga dahil ang pintuan ay sinarhan. Kaya muli siyang nagmakaawa. “Cabigat,
maawa ka, Iligtas mo ang aking buhay. Kung ako’y iyong ililigtas, ituturo ko sa iyo ang seremonya sa
paglilinang ng palay. Magiging higit kang mayaman kaysa noon kung matutuhan mo ang bagay na ito,” sigaw
ni Puwek.
Muling sumagot si cabigat, “Hindi. Hindi ko kailangan ang iyong iniaalok. Mayaman ako sa Lamut at
alam ko ang seremonya sa paglilinang ng palay.” Nang ang bathala ng bagyo ay nasa bingit na ng kamatayan,
muli siyang nagmakaawa. Ang wika niya’y “ibibigay ko sa iyo ang aking kodla at ituturo ko sa iyo ang kiwil.
Isang bagay itong makapangyarihan at magpapayaman sa iyo.” Dahil sa malaking pagnanais na malaman ang
ituturong karunungan, napaniwala si cabigat. Inalis niya ang mga torso at masayang lumabas si Puwek.
Pagkatapos ay ngumanga siya ng hitso. Inilabas ni Puwek ang mahiwagang bato at ipinakita sa kanyang
bagong kaibigan. “Mahalaga sa akin ang batong ito, wika niya. “Hindi ako nararapat mawalay ditto, ngunit
iniligtas mo ang aking buhay. Ibibigay ko ito sa iyo gaya ng aking pangako.” Pagkatapos ay itinuro niya kay
Cabigat ang seremonya. “Sa iyong pag-uwi, huwag mong kalilimutang alayan ako at ang ibang mga bathala
ng mga manok at baya, katutubong alak, upang manatili magpakailanman ang kapangyarihan ng iyong
kodla..”
“Oo,” wika ni Cabigat , “Gagawin kong lahat ang iyong mga sinabi.” Kaya tinanggap ni Cabigat ang
kodla mula sa nag-aatubiling kamay ni Puwek. Sa kanyang daraanan, nakakita si Cabigat ng isang pulang
ibong umaawit ng isang nagbababalang awit na nangangahulugan ng masamang kapalaran. Nagalit siya at sa
pamamagitan ng kanyang daliri ay itinuro ang pulang ibon.
Ang tuka ng pulang ibon ay agad nabuksang tulad ng isang pares ng gunting. Ang kaawa-awang ibon ay di
makapagsalita. Pagkatapos ay tumawa si Cabigat. “mabuti, isa na akong makapangyarihang tao ngayon,”
wika niya sa kanyang sarili. Ipinagpatuloy ni Cabigat ang kanyang paglalakbay. Sa isang bahagi ng daan
nakita niya ang isang kawan ng mga balang na nagliliparan sa kanyang
daraanan. Batid niyang isa itong masamang palatandaan para sa isang manlalakbay. Kaya kinuha ni Cabigat
ang kanyang sibat at tinungayawan ang kawan ng mga balang. Ang kapangyarihan ng kanyang kodla ay
muling nasubok sa pangalawang pagkakataon. Mula noon at si Cabigat ay lubos na naniwala sa
kapangyarihan ng kanyang gantimpala.
Pagdating niya sa kanyang tahanan, tinipon niya ang kanyang mga kamaganak at kapitbahay. Sa
pamamagitan ng mga inihandang alak at mga manok, isinagawa nila ang seremonya ng pagpapasalamat.
Hiningi nila ang pagpapala ng mga bathala sa daigdig sa itaas, gitnang daigdig, daididg sa ibaba at kay Puwek
na nagkaloob kay Cabigat ng kodla at nagtuaraioa sa kanya ng kiwil.
Ipinagatapat ni Cabigat sa kanila kung paano niya nakamit ang gantimpala. Iginalang ng mga tao ang kanilang
pinuno nang higi kaysa noon. Masayang namuhay si Cabigat at ang kanyang asawa. Naging higit silang
mayaman at higit na minahal ng mga tao, Tinuruan ni Cabigat ng kiwil ang ilan
sa kanyang mga tao. Lagi siyang tinatawag upang magsagawa ng seremonya
para sa kanila. Mula noon ang Lamut ay naging higit na mapayapa at maunlad
sa pamamagitan ng kapangyarihan ng kodla at kiwil.
Sa kasalukuyan, ang mga Ifugao, lalo na ang mga matatanda ay nag-iingat pa ng kodla Natatandaan
nilang mabuti sina Bugan at Cabigat para dito. Ang seremonya ng kodla at kiwil at binibigkas sa gayog mga
okasyon na matapos ang isang mahabang paglalakabay, kung nag-uuwi sa bahay ng ilan ng bagong karne at
sa pakakasakit gaya ng pinaniniwalaan na dala ng masasamang
espiritu. Pinaniniwalaan pa rin na ang taong nag-aangkin ng kodla ay ligtas sa
alinmang panganib saan man siya magtungo.
Mga Kawsatib na Pang-ugnay

Ang iyong binasa/napakinggan ay isang uri ng tekstong exspositori o


naglalahad. Sa pagbuo

ng ganitong uri ng teksto, mahalagang mapagsunudsunod ang mga ugnayang lohikal


tulad ng sanhi

at bunga ng mga pangyayarI.

Mahalaga rin na maging malinaw at makahulugan ang mga konseptong


pinaguugnay o

pinagsasama sa talata at ito ay maisasagawa sa pamamagitan ng paggamit ng mga


kawsatib na

pang-ugnay.

Sa tulong din ng mga kawsatib na pangugnay ay madaling matutukoy sa mga


pahayag kung

alin sanhi o dahilan at alin ang bunga o resulta ng pangyayari. Sundan sa ibaba ang
mga paliwanag

at halimbawa ng mga kawsatib na pang-ugnay.

Maipapahayag ang relasyon o ugnayang sanhi at bunga sa iba’t ibang paraan.

Ginagamit ang mga kawsatib na pang-ugnay na sapagkat/ pagkat, dahil /


dahilansa, at kasi sa

pagsasabi ng sanhi o dahilan samantalang naglalahad naman ng bunga o resulta ang


mga pang-

ugnay na kaya/kaya naman, dahil dito, bunga nito, at tuloy .


“ANG ALAMAT NG PALENDAG (Kwento/Magindanaw).
Salin ni Elvira B. Estravo ng “The Legend of Palendag”

Ang palendag ay isang instrumentong pang-musika ng mga Magindanaw. Ito’y


galing sa salitang Magindanaw na lendag, na nangangahulugang “paghikbi.” Gawa ito sa isang
uri ng kawayang tinatawag na bakayawan ang mga katutubo. Ito’y may habang dalawa
hanggang tatlong talampakan, may tigdadalawang butas sa magkabilang gilid na isang pulgada
ang pagitan. Tinutugtog ito na gaya ng plauta.
Karaniwang tinutugtog ito ng isang nabigong mangingibig upang aliwin ang sarili.
Nabibigyang-kahulugan ng isang mahusay na tumugtog sa palendag ang iba’t ibang damdamin
at nakalilikha ng isang maganda at makaantig- damdaming musika. Ayon sa alamat, may isang
binatang umibig sa pinakamagandang dalaga sa pook. Nagkakaisa ang kanilang damdamin,
ngunit dahil sa ipinagbabawal ng tradisyong Magindanaw ang pagliligawan, ang kanilang
pagmamahalan ay nanatiling lihim. Lihim man ang pag-iibigan, waring walang hanggan ito.
Isang araw, tinawag ng datu ang binata. Bilang isang kawal ng sultan, binigyan siya ng misyon
sa isang malayong lugar. Sa pamamagitan ng isang kaibigan, nagkita ang dalawa bago makaalis
ang binata. Nalungkot ang dalaga sa nalamang misyon ng lalaki. Inaliw siyang aalalahanin at
uuwi agad pagkatapos ng misyon. Ipinangako rin niyang susulat nang madalas.
Sa unang ilang linggo, panay ang dating ng sulat na punung-puno ng pagmamahal at
pag-aalaala. Pagkatapos ng ilang buwan, dumalang ang dating ng sulat hanggang sa ito’y
tuluyang nawala. Isang araw, nabalitaan niya sa isang pinsan ang nakalulungkot na balitang ang
binata ay ikinasal sa ibang babae, sa lugar ng kanyang misyon. Lubhang nasaktan ang dalagang
manghahabi. Upang maitago ang kalungkutan sa mga magulang, maraming oras ang ginugugol
niya sa kanyang habihan. Parati siyang umiiyak nang tahimik. Ang kanyang luha’y laging
pumapatak sa kapirasong kawayang ginagamit sa paghabi. Nagkabutas ang kawayan dahil sa
laging pagpatak dito ng luha ng dalaga.
Isang araw, sa di sinasadyang pagkakataon, nahipan niya ito at lumabas ang isang
matamis at malungkot na tunog. Mula noon, inaliw niya ang sarili sa pagtugtog ng palendag,
ang pangalang ibinigay sa kakaibang instrumentong pangmusika.
VISAYA
Ang Alamat ng Basey
(Bahagi ng The Beautiful Bungangsakit)
Salin ni Reynaldo S. Reyes
Mula sa”The Legend” by Damiana L. Eugenio, UP Press

Dahil sa ipinakitang kalupitan ng mga tulisang-dagat, ang mga naninirahan sa Balud, sa


pangunguna ng mga misyonerong Heswita ay nagtungo sa Binongtoan, isa sa kuta na yari sa mga
batong adobe. Pinatatag nila ang kanilang nayon. Naglagay sila ng mga pamigil na harang laban sa
marahas na pananalakay ng mga tulisang-dagat. Ang mga tagapamuno ng Binongtoan ay sina
Ambrocio Makarumpag, Francisco Karanguing, Juan Katindoy at Tomas Makahilig. Sa pagpupulong
ng mga tagapamuno na dinaluhan ng mga misyonerong Heswita, sila’y nagkasundo na pangalanan
ang lugar na Baysay na may kahulugang ‘maganda’ bilang parangal at sa alaala ng kanilang
magandang si Bungangsakit.

Samantala, ang mga taga-Omit na nakasalamuha ni Bungangsakit nang kanyang kabataan


ay hindi sumama sa pagtatatag ng bayan ng Baysay. Sa halip sila’y nagkaisa at nagtatag ng
kanilang sariling barangay na pinangalanang Guibaysayi, na may kahulugang ‘Ang Pinakamaganda’
bilang pagbibigay parangal din sa kagandahan ng kanilang si Bungangsakit. Ang mga naninirahan sa
Baysay ay nagtatag ng pangkat ng mga tagapagtanggol na binubuo ng matatapang na kalalakihan sa
kanilang lugar na pinamumunuan ni Katindoy, isang matapang na mandirigma. Batid nilang ang mga
tulisang-dagat ay muling babalik kaya’t nagtayo sila ng kuta na yari sa matitigas na bato sa Bungal na
matatagpuan sa bukana ng ilog. Sa kutang ito magtitipon ang matatapang na tagapagtanggol ni
Katindoy upang planuhin ang kanilang mga gagawing depensa laban sa mga tulisang-dagat at upang
mamatyagan ang paparating na mga vinta. Nuong 1832, ang ilang piling lugar sa Bungal ay inihanda
para sa pagtatayo ng Simbahang Katoliko ng mga Heswita.

Subalit sa kakapusang-palad , ang walo-walo ay dumating at sinalanta ang buong kuta. Ang
walo-walo ay walong araw na walang tigil na pa - ulan nang malakas na may kasamang malalakas na
hangin. Pagkalipas ng ilang araw, dumaan pa ang napakalakas at nagngangalit na bagyo sa lugar na
kumitil sa napakaraming buhay at sumira ng napakaraming ari-arian. Sapagkat walang matirahan at
sinalanta ng bagyo, ang mga natirang buhay na naninirahan sa Baysay ay ay nagpasyang muling
kumilos upang humanap ng lugar namay mga burol na magsisilbing pananggalang sa malalakas na
hangin. Napili nila ang asalukuyang kilalalagyan ng bayan ng Baysay.

Malapit sa lugar na ito ay matatagpuan ang mga burol na isa sa mga ito ay tinayuan ng mga
katutubo ng mataas na tore. Mula sa tore ay matatanaw ang paparating na mga vinta at ang mga
burol ay maaaring mapaglikasan sa mga panahon ng pagbaha at kublihan kapag may malalakas na
bagyo.
MINDANAO
Ang Alamat ng Bundok Pinto
(Bahagi ng « The Legend of Mount Pinto” ng Maguindanao)
Mula sa “The Legends” by Damiana L. Eugenio

Labis na nakamamangha at napakahiwaga ang tungkol sa yungib. Ito ay pinanirahan ng


mga supernatural na nilikha tulad ng mga diwata at reyna na pinaniniwalaang lumitaw nuong unang
panahon. Sila ang pinaniniwalaang magagandang nilikha ng diyos na may napakaraming aria-arian
tulad ng iba’t ibang uri
ng mga alahas.
Mayroon din silang mga bagay-bagay na yari sa tanso tulad ng mga agong (gongs),
mga kulintang, mga gandingan at iba pang mga bagay-bagay na may kaugnayan o kabilang sa
kumpletong mga instrumentong musikal na yari sa tanso. Ang mga sinaunang nanirahan sa nayon ay
maingat na nagmatyag at malapitang sinaksihan ang mga pambihirang gawi at mga kakatwang
gawain ng mga kakaibang naninirahan sa yungib. Napuna ng mga taga-nayon na tuwing maaliwalas
na mga gabi ay nagkakaroon ng pambihirang kasayahan sa bundok. Ang malamyos na musikang
likha ng mga instrumentong musikal ay maririnig mula sa bunganga ng yungib.
Mapagkikilalang ang musika ay likha ng kagamitang musikal na yagi sa tanso. Sa
katahimikan ng gabi, ang musikang nagmumula sa bundok Pinto ay nakapagdudulot ng tunay na
kasiyahan at kaligayahan sa mga naninirahan malapit sa bundok. Ang gayong kakaiba at kamangha-
manghang nakaaaliw at masasayang pangyayari ay nagtagal at nagpatuloy ng maraming mga taon.
May pagkakataon pang ang ilang malalakas ang loob na lalaki ay di pa nasiyahan sa pakikinig
lamang ng nakaaaliw na matamis at masarap pakinggang tugtuging idinudulot sa mga tao ng mga
supernatural na nilikha. Isang gabi, tatlong mapangahas
na lalaki ang sumubok na lumapit sa yungib ng bundok. Sila’y dahan-dahan at tahimik na gumapang
hanggang sa makarating sa pinakamainam na lugar malapit sa bunganga ng yungib at doo’y nagkubli
ng ilang sandali.
Ano ang kanilang nakita? Sila’y buong kapanabikang nangabigla nang makita ang mga
kaibig-ibig tingnang mga nilalang na tumutugtug gamit ang mga intrumentong musikal na yari sa
magagaang kawayan na makinis ang pagkayari.
Sa pinakaloob na bahagi ng yungib, ang ibang mga reyna ay buong kasiyahang
tumutugtog gamit ang mga kulintang, agong, gandingan at iba pang mga instrumento. Nang
maramdaman nilang may mga tao sa di kalayuan, kaagad silang napatugil sa pagtugtog. Madali
nilang nalamang may tao sa paligid dahil sa kanilang matalas na pang-amoy. Ang mayuyumi,
magaganda at kabigha-bighaning mga nakababatang diwata at reyna ay biglang naglaho.
Nahintakutan sila sa pagdating ng mga tatlong kalalakihan.
Ang mga nakatatandang mga diwata at reyna lamang ang nanatili roon ngunit di
kumikibo at nakamasid lamang. Naumid naman ang tatlong lalaki at di malaman ang sasabihin ng
makita nang harapan ang mga mga kabigha-bighaning nilalang.
Iba’t Ibang Paraan ng Pagtatanong

1. Mga tanong na humihingi ng higit sa isang impormasyon sa


tulong ng dalawang panghalip.

Sa ganitong uri, isang panghalip lamang ang inilalagay sa unahan ng tanong maliban
kung pinaguugnay ng at ang dalawang pananong.

Mga halimbawa:

Tanong 1: Sino ang pinarusahan ng ano?


Sagot : a.) Pinarusahan ng langit ang lalaking balo.
b.) Ang langit ang nagparusa sa lalaking balo.

Tanong 2: Bakit at paano lumaganap ang mga alamat sa ating bansa?


Sagot: a.) Lumaganap ang mga alamat sa ating bansa dahil sa mga dayuhan.
b.) Nagpasalin-salin sa bibig ng mga mamamayan ang mga alamat kaya nanatili ang
mga ito hanggang sa kasalukuyan.

Tanong 3. Sino ang dapat magpahalaga sa ating mga alamat at paano?


Sagot: Tayong mga Pilipino ang dapat magpahalaga sa ating mga alamat sa pamamaigitan
ng pagtangkilik dito.
Maaari namang paghiwalayin sa isang serye ng tanong ang mga naunang halimbawa
tulad nito:

Sino ang pinarusahan ng langit? Ano ang ginawang parusa sa lalaking balo?
Bakit mayroon tayong mga alamat ngayon?
Paano lumaganap ang mga alamat sa ating bansa?
Sino ang dapat magpahalaga sa ating mga alamat?
Paano natin pahahalagahan ang ating mga alamat?

2. Mga magalang na tanong na nangangahulugan ng pakiusap.

Mga halimbawa:

Puwedeng magtanong? / Puwede po bang magtanong?


Posible (po) kayang bigyan ako ng pagkakataong makasali sa usapan?
Maaari (po) bang mahingi ang inyong opinyon tungkol sa paksang
pinag-uusapan?

3. Mga tanong na panagot sa pangungusap at nagpapahiwatig ng iba’t


ibang layunin.

Hindi nangangailangan ng sagot ang mga pangungusap, tulad ng tanong. Ngunit sa


isang usapan, karaniwang inaasahan ang pagbibigay ng reaksyon sa maraming
pangungusap upang maipakita sa nagsasalita ang interes at pagsang-ayon o pagtutol, o para
maipakita lamang na nakikinig sa nagsasalita. Isang uri ng reaksyon ang pagtatanong, at
kapag ginawa ito, matitiyak lamang na may natatanging layunin ang tanong gaya ng
sumusunod:
Mga tanong na signal o hudyat ng atensyon at interes sa sinasabi ng kausap. May
kasama itong intonasyon na naghahayag ng interes.
Mayaman pala tayo sa mga alamat. Talaga? (naninigurado)
Oo, marami na akong nabasang alamat. Ow? (parang di makapaniwala)
May paligsahan daw sa pagsulat ng alamat. Totoo ba? (naniniyak)

Mga tanong na humihingi pa ng ibang impormasyon mula sa kausap.


Pinaiikli rin ang ganitong tanong.
Pupunta ako sa library. Bakit? Kailan (ka pupunta sa library)?
Manghihiram ako ng libro. Anong libro (ang hihiramin mo)?
Basahin mo ito. Bakit (ko iyan babasahin)?
Iba’t Ibang Kaantasan ng Pang-uri

Sa pagbibigay ng tiyak na paglalarawan/deskripsyon ng isang lugar ay mahalagang mailarawan


ito nang katulad na katulad ng inilalarawan at ito ay maisasagawa sa tulong ng paggamit sa iba’t
ibang kaantasan ng pang-uri tulad ng :

1. Payak
ang anyo ng pang-uri kung ito ay binubuo lamang ng salitang ugat tulad ng mga ito.
sariwa lagas puti
lukot lampas butas
dukha sabik mahal
baluktot payapa hantad
dakila salbahe hayok
Mga Halimbawa:

a. Ang magkapatid na Bala-as at Bala-os ay namuhay ng payapa sa Mindanao.


b. Laging sariwa ang hanging nagmumula sa laot ng Lanao.

2. Pahambing o Komparatibo
ang pang-uri kung pinaghahambing o pinagtutulad ang dalawang bagay. Sa ganitong uri,
mahuhulaan ang magkakaibang kahulugan ng bawat modipayer dahil sa salita o panlaping
nagpapahiwatig ng paghahambing.

3. Palamang
ang paghahambing kung gumagamit ng mga salitang mas, higit na...kaysa kay / sa,
Lalong.. kaysa / sa
Mga Halimbawa:

a. Mas / Higit na mabilis umakyat sa bundok si Bala-as kaysa kay Bala-os.


b. Lalong maganda ang Mindanao ngayon kaysa noon sapagkat patuloy itong iniingatan at
pinauunlad ng mga naninirahan.
IBALON

Kilala ang Bicol sa kanilang matandang epiko na Ibalon na isinalaysay ng isang


makatang manlalakbay na si Cadugnung na isinalin Fr. Jose Castaño. Ang nasabing epiko ay
nalathala sa Madrid sa tulong ni Wenceslao Retana. Ibalon o Ibalnon ang naging tawag ng mga
Español sa sinaunang lupain ng mga Bicolano. Naging batayan nito ang mga “ibal” o “ibay” na kauna-
unahang pangalan ng tangway
ng Bicol. Salitang pinaikli ang “ibal” ng Ibalyo na nangangahulugan na naging tawiran mula sa Visaya
patungo sa kabilang ibayo sa dakong Timog Luzon.

Binubuo ng sampung saknong na may tig-4 na linya o talutod. May sukat na


lalabindalawahin. May dalawang bahagi ang epiko. Naglalaman ng kahilingan ni Iling (isang ibong
laganap sa kabikulan at kung inaalagaan ay madaling turuang bumigkas ng ilang salita) kay
Cadugnung na awitin ang mga pangyayaring magpakilala sa kabayanihan ni Handyong.

Ang ikalawang bahagi naman ay ang awit ni Cadugnung na naglalaman ng mga


pangyayaring naganap noong matagal na panahon.

Sa pagsisimula ng epiko, si Baltog ang kauna-unahang lalaking nakarating sa Kabikulan


buhat sa lupain ng Botavara. Dahil sa mayamang lupain ng Bicol at sa likas nitong kagandahan,
naakit si Baltog. Isang gabi, tinambangan ni Baltog ang baboy-ramo. Sinaksak niya ang mabangis na
hayop sa pamamagitan ng kanyang sibat. Pagkatapos ay sinunggaban niya ang mga panga at binali
ang buto. Isinabit ni Baltog ang dalawang panga sa puno ng Talisay. Labis na humanga ang mga
mangangasong buhat sa ibang lugar nang kanilang makilala at Makita ang pangit at panga ng baboy-
ramo gayundin ang panga nitong nakausli. Ang baboy-ramong ito ay buhat daw sa bundok ng
Lingyon at tinatawag na Tandayag. Dahil sa ipinamalas ni Baltog na pambihirang lakas kaya’t kinilala
siyang pinuno ng pook na Ibalon. Naging mabuti siyang pinuno. Binigyan niya ng katarungan ang
lahat ng kanyang nasasakupan.

Matapos ang panahon ng kapayapaan at kasaganaan, naghari naman sa buong Ibalon


ang lagim at kapinsalaan dahil sa poot ng mga dambuhalang tulad ng mga pating na may pakpak,
kalabaw na lumilipad at higanteng buwaya. Nalungkot si Baltog dahil siya ay matanda na at hindi na
niya kayang ipagtanggol ang kanyang mga nasasakupan. Hindi nagtagal, isang batang-batang
mandirigma ang nagngangalang Handyong ang dumating sa Ibalon. Nang marinig niya ang
karaingan ng mga tao ay muli siyang naging tagapagligtas. Naging matagumpay naman siya sa
paglipol ng mga dambuhala. Hinikayat ni Baltog si Handyong na magkaroon ng isang pangkat ng
mga mandirigma upang tumulong sa paglipol ng mababangis na dambuhala. Kaya’t mula noon si
Handyong naman ang humaliling bayani ng epiko.

Nakalaban din at napatay ni Handyong si Ponong nang bigla itong lumusob sa kanila. Isa
rin itong dambuhala na iisa ang mata at tatlo ang bibig. Ito ay napatay ni Handyong. Ang labanan ay
umabot ng sampung buwan. Ang pating na may pakpak at Simarong kalabaw na lumilipad ay nalipol
lahat. Ang mabangis na “Sarimaw” ay itinaboy sa bundok ng Kolasi. Ngunit isa pang dambuhala ang
nakaligtas sa kamay ni Handyong. Siya’y si Oryol, isang tusong ahas na nakukuhang maging isang
anyo ng kaakit-akit na babae at ang tinig ay parang sirena. Ang mapanlinlang na serpyente ay
nagtatangkang gayumahin si Handyong. Sa kabila ng pang-aakit na ginawa kay Handyong,
pinatunayan ni Oryol na hindi niya mapapasuko si Handyong, kaya’t naghandog siya ng tulong upang
mapuksa ang mga dambuhalang buwaya sa ilog Bicol.

Pagkatapos ng labanan, ang ilog Bicol ay namula sa dugo ng mga buwaya. Nasaksihan
ng ilang orang-utang ang labanang ito at sila’y nasindak. Nang malipol ang mga dambuhala sa pook,
namahinga si Handyong. Mula noon siya’y nagpatuloy sa pamamahala sa kanyang mga kababayan
nang buong tapat at katalinuhan. Sa kanyang pagpapahinga siya’y nagtanim ng gabi ang laman ay
kasinlaki ng pansol. Nagtanim
din siya ng isang uri ng palay na nagtataglay ng kanyang pangalan. Lalo siyang napamahal sa
kanyang mga sakop nang nahikayat niya nang buong lugod ang mga mamamayan upang gumawa
ng mga kapaki-pakinabang na kasangkapan sa ikakabuti ng lipi. Binanggit din sa epiko na si
Handyong ang kauna-unahang gumawa ng bangkang naglayag sa ilog Bicol na si Cuinantong.
Lalong naging kahanga-hanga si Cuinantong nang magdagdag siya ng timon at layag sa bangkang
gianwa niya. Ginawa rin ni Cuinantong ang araro, suyod, pagalong, singkaw, gulok, asarol at salop.
Ang iba pang nagsigawa ng kasangkapan ay si Hablom na tumuklas ng habihan, ang unanong si
Dinahon naman ang lumikha ng tapayan, kalan, palayok at iba pa. Si Surat naman ang gumawa ng
ABAKADA at inukit sa batong libon.

Inilalarawan din sa epiko ang bahay nina Handyong na kung tawagin ay “moog” sapagkat
ito’y nakasalalay sa punongkahoy. Alinsunod sa epiko sila’y tumatahan sa itaas ng punungkahoy
upang maiwasan ang labis na init at maligtas ang mga sarili sa insekto’t hayop na naglipana sa pook.
Ibinigay ni Handyong ang batas na makatarungan na magpapahintulot na manirahan nang sama-
sama ang alipin at umaalipin nang may karangalan at katiwasayan sa pamilya.

Sa gitna ng kapayapaang naghahari sa lupain ay nagkaroon ng isang delubyo. Ang baha


ay kagagawan ni Inos. Isang nakasisisndak na bagyo na may kasamang malakas na ulan ang
nasabing delubyo. Pagkatapos ng delubyo, isang tangway ang lumitaw na ngayon ay tinatawag na
Pasacao. Nagbago rin ang takbo ng agos ng ilog Inarihan. Ang epiko ay nagwakas sa kasaysayan ni
Bantong, isang batang-batang kaibigan ni Handyong na lagi niyang kasa-kasama. Sa panahong iyon,
ang katahimikan ng Ibalon ay muling binulabog ni Rabut, isang dambuhalang kalahating tao at
kalahating hayop ang katawan. Siya’y isang
mangkukulam at nagagawa niyang bato ang sinuman.

Isang araw, kasalukuyang bumabaha, nagtungo si Bantong kasama ang kanyang mga
tauhan sa yungib at sinalakay si Rabut samantalang ito’y natutulog. Tinaga ni Bantong ang tulog na
dambuhala. Namilipit sa sakit sa Rabut at umalingawngaw ang kanyang tinig sa buong bayan. Dinala
ni Bantong ang bangkay ni Rabut sa Libnaman. Ipinakita niya kay Handyong ang dambuhala at hindi
siya makapaniwala sa kapangitan ni Rabut. Dito nagwakas ang salin ni Fr. Jose Castaño.

Nangako si Cadugnung na ipagpapatuloy niya ang kuwento sa ibang araw. Subalit


maaaring hindi na naisalin ang iba pang bahagi ng epiko o kaya hindi na natapos kung kaya’t
nananatiling walang karugtong ang epiko.

INDARAPATRA AT SULAYMAN
(Isinatula ni Bartolome del Valle)

Noong unang panahon ayon sa alamat ng pulong Mindanaw,


ay wala ni kahit munting kapatagan. Pawang kabundukan
ang tinatahanan ng maraming taong doo’y namumuhay
maligaya sila sapagkat sagana sa likas na yaman.
Subalit ang lagim ay biglang dumating sa kanilang bundok
na dati’y payapa. Apat na halimaw ang doo’y nanalot.
Una’y si Kurita na maraming paa at ganid na hayop
pagka’t sa pagkain kahit limang tao’y kanyang nauubos.
Ang Bundok Matutum ay tinirhan naman ng isang halimaw
na may mukhang tao na nakatatakot kung ito’y mamasdan,
ang sino mang tao na kanyang mahuli’y agad nilalapang,
at ang laman nito’y kanyang kinakain na walang anuman.
Ang ikatlo’y si Pah na ibong malaki. Pag ito’y lumipad
ang Bundok na Bita ay napadidilim niyong kanyang pakpak,
ang lahat ng tao’y sa kuweba tumahan upang makaligtas
sa salot na itong may matang malinaw at kukong matalas.
Ang Bundok Kurayang pinananahanan ng maraming tao
ay pinapaglagim ng isa pang ibong may pitong ulo;
walang makaligtas sa bagsik ng kanyang matalas na kuko
pagkat maaaring kanyang matanaw ang lahat ng dako.
Ang kalagim -lagim na kinasapitan ng pulong Mindanaw
ay nagdulot ng lungkot sa maraming baya’t mga kaharian;
Si Indarapatra na haring mabait, dakila’t marangal
ay agad nag-utos sa kanyang kapatid na prinsipeng mahal.
“Prinsipe Sulayman, ako’y sumasamo na iyong iligtas
ang maraming taong nangangailangan ng tulong mo’t habag.”
“O mahal na hari na aking kapatid, ngayon di’y lilipad
at maghihiganti sa mga halimaw ang talim ng tabak.”
Binigyan ng singsing at isang espada ang kanyang kapatid
upang sandatahin sa pakikibaka. Kanyang isinabit
sa munting bintana ang isang halaman at saka nagsulit;
“ang halamang ito’y siyang magsasabi ng iyong nasapit.”
Nang siya’y dumating sa tuktok ng bundok na pinaghaharian
nitong si Kurita, siya ay nagmasid at kanyang natunghan
ang maraming nayong wala kahit isang taong tumatahan;
“Ikaw’y magbabayad, mabangis na hayop!” yaong kanyang sigaw.
Di pa nagtatagal ang kanyang sinabi, nagimbal ang bundok
at biglang lumbas itong si Kuritang sa puso’y may poot;
sila ay nagbaka at hindi tumigil hangga’t malagot
ang tanging hininga niyong si Kuritang sa lupa ay salot.
Tumatag ang puso nitong si Sulayman sa kanyang tagumpay
kaya’t sa Matutum, ang hinanap naman ay si Tarabusaw;
sa tuktok ng bundok ay kanyang namalas ang nakahahambal
na mga tanawin: “Ngayon di’y lumabas nang ikaw’y mamatay.”
Noon di’y nahawi ang maraming puno sa gilid ng bundok,
at ilang saglit pa’y nagkakaharap na silang puso’y nagpupuyos.
Yaong si Sulayma’y may hawak na tabak na pinang-uulos;
ang kay Tarabusaw na sandata nama’y sangang panghambalos.
At sa paghahamok ng dalawang iyong balita sa tapang
Ang ganid na hayop sa malaking pagod ay napahandusay.
“Ang takdang oras mo ngayo’y dumating na,” sigaw ni Sulayman
At saka sinaksak ng kanyang sandata ang tusong halimaw.
Noon di’y nilipad niyong si Sulayman ang Bundok ng Bita;
siya’y nanlumo pagka’t ang tahanan sa tao’y ulila;
ilang sandal pa ay biglang nagdilim gayong maaga pa
at kanyang natantong ang kalabang ibon ay dumating na.
Siya’y lumundag at kanyang tinaga ang pakpak ng ibon,
datapwat siya rin ang sinamang-palad na bagsakan niyon;
sa bigat ng pakpak, ang katawan niya sa lupa bumaon
kaya’t si Sulayman noon ay nalibing nang walang kabaong.
Ang kasawiang ito ay agad nabatid ng mahal na Hari
pagka’t ang halaman noon di’y nalanta’t sanga’y nangalabi;
“Siya ay patay na!” ang sigaw ng kanyang namumutlang labi,
“Ang kamatayan mo’y ipaghihiganti buhay ma’y masawi.”
Nang siya’y dumating sa Bundok ng Bita ay kanyang kinuha
ang pakpak ng ibon. Ang katawang pipi ay kanyang namalas
nahabag sa kanya ang kanyang bathala; biglang nagliwanag
at ilang saglit pa ay nakita niya ang tubig na lunas.
Kanyang ibinuhos ang tubig na iyon sa lugaming bangkay,
at laking himala! Ang kanyang kapatid ay dagling nabuhay,
sila ay nagyakap sa gitna ng galak at ng katuwaan,
saka pinauwi itong si Sulayman sa sariling bayan.
Sa bundok Kurayan na kanyang sinapit ay agad hinanap
ang ibong sa tao’y nagbibigay-lagim at nagpapahirap;
dumating ang ibong kaylaki ng ulo at kukong matalas
subalit ang kalis ni Indarapatra’y nagwagi sa wakas
Sa kanyang tagumpay may isang diwatang bumating magalang,
“Salamat sa iyo butihing bayani na ubod ng tapang,
kaming mga labi ng ibong gahaman ngayo’y mabubuhay.”
at kanyang namalas ang maraming taong noo’y nagdiriwang.
Nabihag ang puso ng mahal na hari sa ganda ng mutya
kaya’t sa naroon ay kanyang hiniling na lakip ang sumpa
na sila’y ikasal. Noon di’y binuklod ng isang adhika
ang kanilang puso. “Mabuhay ang hari!” ang sigaw ng madla.
Ang tubig ng dagat ay tila hinigop sa kailaliman;
at muling lumitaw ang lawak ng lupang pawang kapatagan,
si Indarapatra’y hindi na bumalik sa sariling bayan,
at dito naghari sa mayamang lupa ng pulong Mindanaw.

MARAGTAS
(Ang Kasaysayan ng Sampung Datu ng Borneo)

Sinugbuhan, isang pulo sa Panay na ang nakatira ay ang mga Ita, pinamumunuan ni Datu
Pulpolan. Sa katagalan ng panahon at dahil na rin sa kanyang katandaan upang pamahalaan ang
isang pulo, napagpasyahan niya na isalin ang kanyang kapangyarihan sa kanyang anak na si Datu
Marikudo. Tinataglay ng kanyang anak ang mga katangian ng isang datu kaya’t ito naman ay sinang-
ayunan ng lahat. Isang kaugalian nila nabago manungkulan ang isang datu, nararapat na siya ay
pakasal. Sa dami ng babae na naghahangad sa kanya ang mahirap na si Maniwantiwan ang
kanyang pinakasalan.
Ang mga Ita sa Sinugbuhan ay nabubuhay sa pamamagitan ng pagtatanim at pangingisda.
Ang kanilang paboritong pagkain ay usa, baboy-ramo, butiki, pusa, isda at iba pang pagkain na
matatagpuan sa gubat at ilog. Di sila nahihiyang lumakad na walang damit, subalit nang may
dumating sa kanila ang mga bagay na wala sa kanila, natuto silang magtakip ng katawan, tulad ng
dahon balat ng kahoy o hayop. Naiiba ang uri ng pag-aasawa ng mga Ita, ang babae ay dinadala sa
bundok at pinatatakbo lamang, kung siya ay aabutan ng lalaki saka lamang sila ikakasal.
Ang isang babae naman na malapit nang magsilang ay dinadala sa bundok na ang tanging
nagbabantay ay ang lalaki at kung ito ay nataon sa tag-ulan ang lalaki ay nagtatayo ng kubong
masisilungan
upang sila ay malayo sa panganib. Ang pangalan ng bata ay pinangangalanan ng kahoy na malapit
sa pinagsilangan. Sila ay naniniwala na ang sinumang magkasakit sa kanila ay gawa ng masamang
espiritu, kaya’t upang ang may karamdaman ay gumaling agad, naghahandog sila ng pagkain sa
masasamang espiritu. Kasamang ibinabaon sa Itang namatay ang isang bagay na
mahalaga sa kanila sapagka’t lubha daw nag-aalala ang namatay kung ito ay maiiwan.
May ibang paraan sila ng paglilibing, sa loob ng ilang araw, ito’y patayong nakabaon sa lupa
nang
may salakot bago ito tabunan ng lupa. Sinasabi rin na ang lupang pinagbaunan ng isang patay
ay isang mabisang lupang dapat pagtaniman. Ang mga Ita ay magagalang sa bawa’t isa. Walang
inggitan at ang Datu ang siyang lumulutas ng lahat ng alitan o suliranin ng bawa’t isa. Ang sinumang
magkasala ay
pinarurusahan tulad ng pagtatapon sa dagat o pagpapabaon ng buhay.
Ang mga nabanggit ang mga uri ng kalinangan, kaugalian ng mga Ita bago dumating ang
Sampung Datu buhat sa Borneo, na tumakas kasama ang kanilang mga asawa, mga katulong at
mga ari-arian upang iwasan ang pagmamalupit ni Datu Makatunaw. Ang sampung datu ay sina:
1. Datu Puti
2. Datu Sumakwel
3. Datu Bangkaya
4. Datu Paiburong
5. Datu Paduhinogan
6. Datu Domongsol
7. Datu Lubay
8. Datu Dumangsil
9. Datu Domalogalog
10. Datu Balensuela
Galit at pagkamuhi ang nadama ng mga Ita nang dumaong ang mga Datu sa Panay, subalit
sa maayos at makataong pakikipag-usap na ginawa ng mga dayuhan kay Datu Marikudo, sila’y
nagkasundo at ang unang lupang natapakan ng dayuhan at napagkasunduan ay ibinigay sa
pamamagitan ng pagpapalitan. Nagkaroon ng malaking kasaysayan ang pangyayaring ito. Ang mga
Ita ay naghanda ng pagkain at dahil sa ipinakitang kagandahangloob ng mga Ita, hinandugan ng
makukulay na kwintas, at mga gamit sa pakikidigma ang mga Ita.
Bilang kabayaran sa lugar na napagkasunduan, binigyan ni Datu Puti si Datu Marikudo ng
isang gintong salakot at isang batyang ginto na may timbang na limampung bas-ing. Isinuot ni Datu
Marikudo ang salakot sa kasayahan.
Malandog ang pangalan ng napiling lugar ng mga dayuhan na ayon kay Datu puti, anglaki ay
sapat na upang sila ay magtanim para sa kanilang ikabubuhay at malapit sa ilog upang doon kumuha
ng ibang makakain. Umalis si Datu Puti na batid na niyang mabuti ang kalagayan ng kanyang mga
kasamahan. Bumalik siya sa Borneo sapagka’t ayon sa kanya ay kaya na niyang tagalan ang
pagmamalupit ni Datu Makatunaw. Pitong Datu ang naiwan sa Panay sa pamamahala ni Datu
Sumakwel, sina Datu Dumangsil at Datu Balensuela ay nagpunta naman sa Luzon.
Si Datu Sumakwel ay isang matalino at mabagsik na Datu. Ang sinumang nagkasala ay
pinarurusahan, pinuputol ang kamay ng sinumang magnakaw at ang mga tamad ay pinagbibili na
isang alipin o kaya’y pinagagawa sa ibang lupa. Masasabi ring ang mga dayuhan ay magagalang at
mapagmahal. Bulalakaw ang pangalan ng kanilang diyos na matatagpuan sa Bundok ng Madyas.
Ang kanilang pag-aasawa ay naiiba sa mga Ita. Bago tanggapin ng babae ang lalaki, sila ay
nagbabaon ng pana sa paligid ng bahay at ito ay tatanggalin kung may kapahintulutan na ang mga
kalalakihan, at sa lugar na pinag-alisan ay ilalatag ang banig upang paglagyan ng mga pagkain.
Habang nag-uusap ang dalawang pangkat ang babae ay pansamantalang nakatago. Pinaiinom ng
alak ng paring magkakasal ang dalawa sa gitna ng karamihan, pinangangaralan at hinahangad ng
magkaroon ng malulusog, matatapang, magaganda at marurunong na anak.
Bago mamatay ang isa sa kanila ay pinaliliguan ng katas ng mababangong bulaklak,
binibihisan ng magagandang damit na may gintong pera sa bibig sapagka’t isang paraan daw ito
upang ang patay ay di mabulok. Pagkatapos ng anim na araw na pagbabantay, ang patay ay
inilalagay na sa kaban na may iba’t ibang uri ng pagkain at kung ang namatay ay isang mayaman,
isang katulong ang sa kanya’y isasama upang magbantay daw sa kabilang buhay. Kung ang
namatay ay nag-aari ng isang bangka, ang bangkay ay hindi ibinabaon, sa halip ay inilalagay sa
bangka na maraming pagkain at papaanurin sa dagat. Ang mga mauulila naman ay nagsusuot ng
puting damit bilang pagluluksa.
Ang mga nabanggit ay ilan sa mga kaugalian at paniniwala ng mga dayuhan na dumating
sa Panay, subalit isang pangyayari sa buhay ni Datu Sumakwel ang nagdulot sa kanya ng
kapighatian at kalungkutan. Lumipas ang maraming taon na paninirahan sa Malandog, naisipan ni
Datu Sumakwel na magpunta sa bundok na kinalalagyan ng kanilang diyos na si Bulalakaw. Umalis
siya na iniwan ang kanyang mga gamit sa pangingisda, bahay at asawa, na ipinagbilin niya kay
Gurung-gurung na kanyang pinagkakatiwalaan. Di niya batid na si Kapinangan na kanyang asawa ay
may gusto kay Gurung-gurung.
Nakapansin ng pagbabago si Datu Sumakwel nang dumating siya sa kanilang lugar at
tahanan. Kaya’t upang mapatotohanan, nagbalak siyang umalis sa kanila, pinahanda ang lahat ng
kanyang kailangan sa paglalakbay, na di batid ng kanyang asawa na iyon ay isa lamang pakana.
Nagkataon naman kinabukasan, pinatawag ni Kapinangan si Gurung-gurung upang utusan daw,
subalit sa bahay siya ay nakahiga na at talagang hinihintay ang pagdating ni Gurung-gurung. Subalit
ang kanyang balak ay di nagkaroon ng katuparan sapagkat patay na bumagsak si Gurung-gurung na
may tama sa likod. Ganoon na lamang ang pagdadalamhati ni Kapinangan, naisaloob niya na mabuti
pa ang kanyang asawa ang namatay sa oras na iyon. Pinagputul-putol niya ang kamay at paa at
ibinalot ng kumot upang di-gaanong mapansin.
Dumating si Datu Sumakwel na nagbalatkayong bagong dating bago’y siya ang pumatay
kay Gurung-gurung sa pamamagitan ng sibat habang siya ay nakatago sa kisame. Pinagluto niya si
Kapinangan. At sinabing siya’y gutom na gutom. Nagtaka siya nang magreklamo si Kapinangan nang
sabihin niyang putul-putulin ang isda na dati rati’y kanyang ginagawa. Upang di-parisan ng mga
kababaihan, ipinatapon niya ang kanyang asawa sa gitna ng dagat, subalit ang kanyang inutusan ay
nagdalang habag, kaya’t dinala na lamang niya si Kapinangan sa malayong pook at doon nila iniwan.
Sa pangalang Alayon, nakikilala sa Kapinangan sa lugar na kanyang narating, at siya’y
sinambang diyosa dahil sa taglay niyang kabaitan. Lumipas ang maraming taon, subalit ang nangyari
kay Sumakwel ay di rin niya nalilimutan. Minsan siya ay naglalakbay upang maghanap ng mga
pananim, at sa diinaasahang
pangyayari ang narating niyang lugar ay ang kinalalagyan ni Kapinangan. Di na niya nakilala si
Kapinangan sa tagal ng panahong pagkakalayo. Naging mahusay ang pagtanggap sa kanila sa
nasabing lugar at sa loob ng ilang araw na pananatili doon, si Alayon at Datu Sumakwel ay
nagkagustuhan, subalit sa tuwing sasagi ang nangyari sa kanyang buhay, parang ayaw na niyang
makipagsapalaran.
Aalis siya sa lugar upang iwasan si Alayon. Si Alayon ay lumuluha dahil sa napipinto
niyang pag-alis, subalit di nagkaroon ng pagkakataong umalis si Datu Sumakwel sapagka’t sila’y
pinaglapit ng kanilang mga kasamahan at humantong sa kasalan. Nagsama at namuhay nang
matiwasay ang dalawa hanggang sa kahuli-hulihang sandali ng kanilang buhay, ay di nakilala ni Datu
Sumakwel na ang kanyang muling pinakasalan ay si Kapinangan na dati niyang asawa.

Вам также может понравиться