Вы находитесь на странице: 1из 2

(UPDATED) 

Heart Evangelista on snubbing issue with Raymond Gutierrez:


"Honestly, I don't know if he is making an issue out of it."
Noel Orsal

  

Nauna nang lumabas dito sa PEP Alerts


kahapon, January 10, ang tungkol sa
nangyaring dedmahan o hindi pagpapansinan
umano sa pagitan ng dating magkaibigan na
sina Heart Evangelista at Raymond Gutierrez.
 
Ang insidente ay magkasunod daw na
naganap noong Linggo, January 9, sa Party
Pilipinas at sa Showbiz Central.
 
Kapwa hosts sina Heart at Raymond sa Party
Pilipinas. Sa balitang nakarating sa PEP, sa set
diumano ng Sunday musical-variety show ng
GMA-7 ay binati raw ni Heart si Raymond,
pero hindi raw siya pinansin nito.
 
Pero mas lumala pa ang sitwasyon pagdating
sa Showbiz Central noong hapon. Co-host si
Raymond sa show at guest naman ng hapong
iyon si Heart para sa promo ng bagong
telefantasya ng GMA-7 na Dwarfina.
 
Diumano, sa isang bahagi ng show ay nagpasaring si Raymond kay Heart on the air nang
sabihin nito na, "Pati yung mga hindi namamansin, puwede kayong maging involved diyan."
 
At may pahabol pa raw ang male host na, "Thank you, Kuya Ogie [Alcasid], pinansin mo
ako," dahil sa pagpayag daw ng singer na makipag-one-on-one interview sa kanya.
 
Nag-ugat ang conflict sa pagitan nina Heart at Raymond dahil sa nangyaring hidwaan last
year sa pagitan naman ni Heart at ng ina ni Raymond na si Annabelle Rama, co-manager ng
aktres.
 
Hanggang ngayon kasi ay hindi pa nagkakaayos ang dalawang panig. At natural lang naman
siguro na pumanig si Raymond sa kanyang ina.
 
HEART EXPLAINS. Nagkaroon ng pagkakataon na magpaliwanag si Heart tungkol sa
nangyari sa phone-patch interview sa kanya ng showbiz talk show ng QTV 11
naTweetbiz kagabi, January 11.
 
"Honestly, I don't know if he [Raymond] is making an issue out of it. Because from the
technical rehearsal [sa Party Pilipinas], I went up to him.
 
"Nakita ko nakaupo siya. Sabi ko, 'Hi!' Pero hindi naman niya ako kinausap or hindi naman
siya nag-react o nag-hi," kuwento ni Heart.
 
Sa Showbiz Central ay tila may pasaring si Raymond about "pansinan." Alam niya ba ang
tungkol dito at ano ang reaksiyon niya rito?
 
"Actually, I would appreciate it if they stop making fun and just say my name then maybe I
can address [the issue]. Because at this point, I really don't know to whom they are saying
that.
 
"So, next time, I'd appreciate it if they make parinig, it would be better if they say my name
then I can address the issue," saad ng aktres.
 
Ayaw naman daw talagang makipag-away ni Heart.
 
"Mabuting tao naman talaga ako. Maarte lang talaga ako, pero I am a nice person. I just
really hate fighting. I hate it."
 
ANNABELLE'S TWEET. Kaugnay ng dedmahan issue kina Heart at Raymond, isang "blind
item" ang ipinost ng ina ng TV host na si Annabelle Rama sa kanyang Twitter account
(annabellerama2)  noong Lunes, January 10.
 
Narito ang kabuuan ng kanyang tweet:
 
"Mga dong at day at sa lahat ng supporters ko, I have a blind item. Sino itong starlet na
wala pang napatunayan sa kanyang naghihingalong career? Kundi dahil sa akin siguro
hanggang ngayon pakalat-kalat na lang yan. Ang kapal ng mukha biniblame niya ang anak
ko di siya pinansin
 
"At least di plastic ang anak ko sino bang matutuwa sa ginawa niya sa akin? Dapat yung
mga walang utang na loob itali sa gitna ng gma network at lagyan ng maraming korona na
kulay itim. Hahaha, kakarmahin ka rin"

Вам также может понравиться