Вы находитесь на странице: 1из 40

1 sa 40

(Street Art, Art for Social Transformation:


Contextualization of Socio-Political Graffiti in the Philippines)
2 sa 40

Sining sa Lansangan, Sining ng Pagbabagong Panlipunan:

Kontekstwalisasyon ng Sosyo-politikal na Graffiti sa Pilipinas

Tungkol sa Awtor: Si David Michael M. San Juan ay instruktor sa De La Salle University-

Manila at isa sa mga direktor ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang

Filipino/PSLLF; dating nanunuparang tagapag-ugnay (officer-in-charge) ng Kagawaran ng

Filipino sa Mataas na Paaralan ng Colegio San Agustin-Makati; Komisyon sa Wikang

Filipino/KWF-Mananaysay ng Taon 2009 at KWF-Makata ng Taon 2010; Nagtapos ng Master

sa Sining ng Pagtuturo ng Filipino sa Philippine Normal University at Bachelor in Secondary

Education sa Bulacan State University (magna cum laude); May ilang yunit din sa Master of Arts

in International Studies sa DLSU-Manila; Co-founder ng BackPackers Media Group, isang

independent media group na nakapagpalabas na ng mga dokumentaryo sa telebisyon at

nakalikha na rin ng mga short films.

dmmsanjuan@gmail.com

www.kontragahum.blogspot.com

www.facebook.com/lastrepublic

www.supremejedi.wordpress.com

Tungkol sa Papel: Conference paper na inilahad sa 4th De La Salle University (DLSU) Arts

Congress sa Yuchengco Hall, DLSU, Taft Avenue, Manila; Pebrero 16, 2011)

Tungkol sa Larawan: Kuha ng isang graffiti sa Maynila na nagpapakita ng madamdaming

imahe ng kahirapan (sariling kuha ng awtor).


3 sa 40

Abstrak:

Sa bawat kilos-protesta na regular na isinasagawa sa mga pangunahing lunsod ng

bansa, partikular sa pambansang rehiyong kabisera, pangkaraniwang tanawin na ang mga itim,

puti at pulang pinturang naghahayag ng panawagan ng mga aktibista sa mga pader, gilid ng fly-

over, sa mga concrete barrier sa gitna ng kalsada at iba pang lokasyong madalas daanan ng

maraming tao. Sa kabila ng makabuluhang mensahe ng mga sosyo-pulitikal na graffiti na likha

ng mga aktibista – mula sa panawagang Education for All hanggang sa Tunay na Reporma sa

Lupa – bihirang mapag-ukulan ng pansin ang mga likhang-sining na ito. Bagamat walang

gaanong mababakas na pagtatangkang sumunod sa karaniwang pamantayan ng estetika,

maituturing na likhang-sining ang mga ito, kung gagamitin ang depinisyon ni Horace ng

panitikan: “dulce et utile” (‘matamis’ o ‘masining’ at ‘nagagamit’ o ‘may-silbi’). Sinasalamin ito ng

pananaw ng mga Marxista sa sining bilang “kritikal na pagpapalaya mula sa mga

konserbatibong pagpapahalaga” ng lipunan (Werckmeister, 1991). Tahas namang tinukoy ni

McNichols (2006) ang graffiti bilang sining dahil sa panlipunang kabuluhan nito.

Pangunahing layunin ng pananaliksik na ito na magtipon ng larawan ng mga sosyo-

pulitikal na graffiti sa mga lansangan ng Metro Manila at suriin ang namamayaning tema nito,

gayundin ang mga organisasyong “nakalagda” sa mga ito. Isasailalim sa proseso ng

kontekstwalisasyon ang mga graffiti – ang pagpapaliwanag sa nilalaman ng mga ito upang

maipatampok ang kabuluhan ng sining sa lansangan bilang sining na magagamit sa

pagbabagong panlipunan.

Karamihan sa mga graffiti ay nakatuon sa mga panawagang may kaugnayan sa mga

sosyo-ekonomikong kahilingan, ngunit mayroon ding mga nakatuon sa pampulitikang

kahilingan. Mayorya sa mga graffiti ay pawang likha ng mga grupong kabilang sa Bagong

Alyansang Makabayan (BAYAN), isang umbrella organization ng mga grupong progresibo sa

bansa. Gayunman, may mga graffiti rin na walang nakalagda, at mahihinuhang likha ng mga

indibidwal na ang hangarin ay makapagpahayag ng saloobing hinggil sa pagbabagong


4 sa 40

panlipunan. Sa kabuuan, patutunayan ng pananaliksik na ito na mayamang balon ng kaalaman

ang mga graffiti sa pagsusuri ng kasalukuyang kalagayan ng lipunang Pilipino at sa

paghahanap ng mga alternatibong programang sosyo-ekonomiko sa gitna ng kabiguan ng

kapitalistang globalisasyon na magdulot ng kaunlaran sa sambayanang Pilipino. Akma ito sa

pahayag ng isang Indonesian na nagwikang ang graffiti ay "forum para sa pulitikal na

pagsalungat at kritisismo” (Wardany, 2010). Makabuluhang ambag sa pag-aaral ng graffiti ang

kasalukuyang pananaliksik sapagkat sa pinakamalaking archives ng mga graffiti na

matatagpuan sa www.graffiti.org, walong lahok lamang ang bumanggit sa Pilipinas.

***

Abstract:

In every protest action regularly held in main Philippine cities, especially in the National

Capital Region, black, white and red painted slogans expressing the calls of activists on walls,

at the sides of fly-overs, on concrete barriers in the middle of the streets, and other locations

where people commonly converge or pass through, are commonly seen. Inspite of the

meaningful message of these socio-political graffiti – from Education for All to Genuine Land

Reform – few people notice these works of art. While those who produce it give little

consideration for traditional aesthetic standards, political graffiti can still be considered as works

of art, if Horace’s definition of literature will be applied: “dulce et utile” (‘sweet’ or ‘artistic’ and

‘useful’ or ‘meaningful’). This mirrors the Marxist viewpoint on art as

something that triggers the people’s critical liberation from the conservative values of society

(Werckmeister, 1991). Meanwhile, McNichols (2006) directly labeled graffiti as art for its social

relevance.

This research primarily aims to collect pictures of socio-political graffiti in the streets of

Metro Manila and to analyze the prevalent themes and the organizations behind these graffiti.

The collected pictures of graffiti were contextualized to reveal the significance of street art as an

art which can be utilized for social transformation.


5 sa 40

Most of the graffiti express calls for socio-economic reforms, while some contain political

demands. Majority of the graffiti were created by organizations affiliated with the New Patriotic

Alliance or Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN), an umbrella group of progressive

organizations in the Philippines. However, some of the graffiti were unsigned, and presumably

were created by individuals whose aim is to express their yearning for social transformation. In

its totality, this research proves that Philippine socio-political graffiti is a rich source of

information for analyzing the contemporary situation of Philippine society and the search for an

alternative socio-economic program in the midst of capitalist globalization’s failure to bring

progress to the Filipino people. This aim suits the statement of an Indonesian artist asserting

that graffiti is a "forum for political dissent and criticism” (Wardany, 2010). This paper is a

significant contribution to graffiti studies, because in the biggest archives of graffiti available at

www.graffiti.org, only 8 entries mentioned the Philippines.

~~~

“An ordinary picture paints just a thousand words but graffiti contains a thousand dreams.”

Sa bawat kilos-protesta na regular na isinasagawa sa mga pangunahing lunsod ng

bansa, partikular sa pambansang rehiyong kabisera, pangkaraniwang tanawin na ang mga itim,

puti, asul at pulang pinturang naghahayag ng panawagan ng mga aktibista sa mga pader, gilid

ng fly-over, sa mga concrete barrier sa gitna ng kalsada, sa mga waiting shed, at iba pang

lokasyong madalas daanan ng maraming tao. Gayunman, sa kabila ng makabuluhang mensahe

ng mga sosyo-politikal na graffiti na likha ng mga aktibista – mula sa panawagang Education for

All hanggang sa Tunay na Reporma sa Lupa – bihirang mapag-ukulan ng pansin ang mga

likhang-sining na ito. Katunayan, krimen at hindi panlipunang sining ang opisyal na

klasipikasyon ng anumang graffiti sa pananaw ng mga nasa pamahalaan. Halimbawa, sa

Estados Unidos, naglalabas ng mga detalyadong manwal hinggil sa pagsugpo ng graffiti ang
6 sa 40

Office of Community Oriented Policing Services na bahagi ng U.S. Department of Justice, gaya

ng 68-pahinang gabay (c. 2000) na inihanda ni Prop. Deborah Lamm Weisel, direktor ng

pananaliksik sa usaping pampulisya sa North Carolina State University. Ayon sa manwal na

inihanda ni Lamm Weisel, vandalism o pagsira sa pribado o publikong kagamitan/ari-arian ang

anumang uri ng graffiti.

Wala pang pambansang batas na nagbabawal sa graffiti sa Pilipinas, bagamat may mga

panukalang-batas na nakabinbin sa Senado gaya ng Senate Bill No. 1647 o “Anti-Vandalism

Act” (“an act prohibiting vandalism and imposing penalties thereto”) ni Senador Miriam

Defensor-Santiago. Nauna pa rito, noong ika-14 na Kongreso, isinumite naman ni Senador

Antonio “Sonny” Trillanes IV ang Senate Bill No. 3042 o “Anti-Vandalism Act of 2009” (“an act

prohibiting acts of vandalism, imposing penalties for violations thereof, and for other purposes”).

Samantala, pinangangambahan ng mga grupong nagtataguyod ng karapatang pantao na

maaaring gamitin ng pamahalaan ang ilang probisyon ng Human Security Act of 2007 (Batas

“Kontra-Terorismo”) upang lapatan ng parusa ang vandalism at upang gawing krimen ang mga

lehitimong porma ng protesta (Human Rights Watch, 2007). Sa kabila ng kawalan ng malinaw

na legal na batayan sa pagbabawal at pagsawata sa graffiti – bukod sa mga malalabong

probisyon sa Batas “Kontra-Terorismo” at mga lokal na ordinansa – patuloy na ipinatutupad ng

Metro Manila Development Authority (MMDA) ang programang “MMDA Art.” Alinsunod sa

programang ito, pinipintahan ng mga tauhan ng MMDA ng iba’t ibang hugis at kulay ang mga

graffiti upang “mahirapan” ang mga manlilikha-manunulat ng graffiti na muling maglagay ng

graffiti, sapagkat di na lamang isa o dalawang pintura ang kakailanganin upang matabunan ang

halos-kulay-bahagharing “MMDA Art.”

Sinasalungat naman ng mga akademista ang namamayaning opisyal na pagkiling sa

kriminalisasyon ng graffiti sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa kabuluhang pangkultura at

panlipunan ng mga graffiti, lalo na yaong may temang sosyo-politikal. Ang “graffiti ay hindi

vandalism” kundi “isang mahalagang kilusang pangmasa na nagtataguyod ng mural sa mga


7 sa 40

lugar na urban” (“important grassroots urban mural movement”) at ito rin ang

“pinakamahalagang kilusang pansining sa mga huling bahagi ng ika-20 siglo,” depensa ni Dr.

Joe Austin (2001) ng University of Wisconsin-Milwaukee. Tahas namang tinukoy ni McNichols

(2006) ang graffiti bilang sining dahil sa panlipunang kabuluhan nito.

Bagamat walang gaanong mababakas na pagtatangkang sumunod sa karaniwang

pamantayan ng estetika, maituturing pa rin na likhang-sining ang sosyo-politikal na graffiti, kung

gagamitin ang depinisyon ni Horace ng panitikan na “dulce et utile” (‘matamis’ o ‘masining’

at ‘nagagamit’ o ‘may-silbi’). Sa pagbibigay-diin sa motibo o layunin ng mga manunulat-

manlilikha ng graffiti, nagiging malinaw ang ‘silbi, ‘gamit’ o ‘kabuluhan’ nito sa lipunan. Sa

opinyon ni Weinberg (2003), taliwas sa diumano’y pagiging vandalism ng graffiti, “sa mga

lumilikha nito at sa mga humahanga rito…isa itong malikhaing gawain, isang aktibidad na

bumubuo o lumilinang sa pagpapahalaga, kultura at presensya, kung saan ang mga ito’y di

umiiral.” Samakatwid, sa halip na pagwawasak, ang graffiti ay paglikha ng makulay at

makabuluhang likhang-sining at/o sulatin sa mga pader at iba pang espasyong dati’y walang

kulay at walang laman. Hindi lamang paraan ng pagtatala ng presensya ng mga tao, at

“panlipunang pagbuo ng espasyo” ang graffiti, kundi isa ring pagsisikhay na mag-angkin ng

espasyo (Frederick, 2009). Sinasalamin ito ng pagtanaw ng mga Marxista sa sining bilang

“kritikal na pagpapalaya mula sa mga konserbatibong pagpapahalaga” ng lipunan

(Werckmeister, 1991) na ipinaliwanag ni Weinberg (2003) sa pahayag na ang anumang

“Graffiti, kahit di tahas na politikal, ay isang seryosong porma ng paglaban at/o pagtatakwil

(resistance) sa mga pagpapahalaga (values) ng isang dominanteng kultura, na isinasagawa ng

mga kulturang naisantabi.” Sa kaso ng Pilipinas, ang mga sosyo-politikal na graffiti ay pawang

mga tinig ng mga isinantabing hinaing ng mga dukha na naghuhumiyaw upang marinig sa

lipunang pinangingibabawan ng elite at/o elitistang naghaharing uri.


8 sa 40

Graffiti Bilang Balwarte ng Kontragahum at Daluyan ng “Piniping Kasaysayan”

Sa konteksto ng mga pahayag ng Italyanong pilosopo na si Antonio Gramsci, ang mga

graffiti ay maituturing na bahagi ng malawak na hanay ng mga pwersang kontrahegemonya o

kontragahum sapagkat ang mga manunulat-manlilikha ng graffiti ay mula sa mga uri at pangkat

na inaapi at/o pinagsasamantalahan. Ipinaliwanag ni Gramsci (1985) na bukod sa pag-

oorganisang pampulitika at pang-ekonomya, dapat pagtuunang-pansin ng mga naghahangad

ng pagbabagong panlipunan ang pag-oorganisang pangkultura. Bahagi ng pag-oorganisang

pangkultura ang paglikha ng mga sulatin at iba pang likhang-sining gaya ng graffiti na

“naglalahad ng mga makabuluhang tanong (hinggil sa umiiral na kaayusan o status quo) at

nagbabalangkas ng mga mahahalagang katangian ng nililinang na bagong kaayusan o

sibilisasyon” (Gramsci, 1985). Ang konsepto ng graffiti bilang balwarte ng kontragahum ay

sinasalamin ng paglalarawan nina Prop. Kate Giles ng University of York at Prop. Melanie Giles

ng University of Manchester (2007) sa graffiti bilang paraan ng pagtuklas at pag-unawa sa

“nakakubling kasaysayan” ng mga “nakakubling komunidad.” Nilinaw ni Dr. Sherri Cavan (1995)

ng San Francisco State University na karaniwan, ang “mga walang kapangyarihan, ang mga

isinantabing mamamayan, mga mamamayang walang pagkukunang sosyal at/o ekonomiko

(social and/or economic resources), mga mamamayang di nagtatamasa ng karapatan sa pag-

aari (people without property rights)” ang nagsusulat at/o nagpipinta ng graffiti. Samakatwid,

ang “pag-aangkin” ng mga manlilikha-manunulat ng graffiti sa publiko at/o pribadong espasyo

ay manipestasyon at pagpapatunay ng pag-iral ng at protesta laban sa isang di

makatarungangang sistemang panlipunan kung saan malawak ang agwat ng kalagayang

sosyo-ekonomiko ng mga “mayroon” at ng mga “walang-wala.”

“Ang graffiti ay isa lamang sa iilang forum na tahasang nagpapakita ng agwat ng mga

isinantabing pamayanan at ng ‘mas malawak’ na lipunan (Weinberg, 2003).” Silang mga

pinagkaitan ng tinig ng mga institusyong nag-aastang demokratiko – gaya ng pamahalaan – ay

tumatawag lamang ng pansin at sumisigaw lamang ng pagbabago sa pamamagitan ng


9 sa 40

pagmamarka ng kanilang panawagan at hinaing sa mga espasyong publiko at/o pribado. Dinala

na nila sa mga pader at iba pang espasyo sa literal na labas ng mga establisimyento ang kani-

kanilang panawagan at hinaing dahil sa kabiguan ng mga nasa kapangyarihan, lalo na ang mga

nanunungkulan sa pamahalaan, na bigyang-pansin ang mga ito sa pamamagitan ng mga

regular na aktibidad ng estado tulad ng paglikha ng batas, pagsasagawa ng mga dayalogo at

iba pa. Kung gayon, ang pag-iral ng sosyo-politikal na graffiti ay isang pagsasakdal sa di

makatarungang “kaayusan” ng lipunan na kontrolado ng iilang elite. Kung tutuusin, wala nang

magsusulat o lilikha ng sosyo-politikal na graffiti sa panahong mapawi na rin ang kahuli-

hulihang senyales ng mga inhustisyang sosyo-ekonomiko na karaniwang pinapaksa ng mga

ganitong uri ng graffiti o mabigyan man lamang ng sapat na representasyon at/o tinig ang mga

inaapi at/o pinagsasamantalahang sektor ng lipunan sa mga bulwagan ng kapangyarihan. Ang

mga sosyo-politikal na graffiti, gaya ng mga demontrasyon, rali, welga, kilos-protesta, rebelyon

at rebolusyon, ay mga sintomas lamang ng mga nagnanaknak na kanser ng lipunan na di

nabigyang-kalutasan ng mga regular na prosesong burukratiko, lehislatibo at hudisyal. Sa

ganitong diwa, maaaring ilapat ang proseso ng kontekstwalisasyon sa pagsipat at pag-unawa

sa mga kontemporaryong sosyo-politikal na graffiti.

Ang kontekstwalisasyon ay tumutukoy sa paglulugar ng isang partikular na akdang

pampanitikan gaya ng tula, nobela o awit, sa panahong pinagmulan nito. Sa prosesong ito’y

inilalarawan ang lipunang nagluwal sa akdang pampanitikan, partikular ang mga kondisyong

sosyo-ekonomiko ng mga mamamayan sa panahong iyon. Alinsunod ito sa pananaw ni

Gramsci (1985) at ng iba pang Marxista at reyalista na hindi maaaring ihiwalay ang likhang-

sining at ang indibidwal na lumikha nito, sa lipunang kanilang pinagmulan: “…ang alagad ng

sining ay di lamang nagsusulat o nagpipinta – kumbaga, di niya binibigyang-buhay ang kanyang

imahinasyon – para lamang sa kanyang sariling pag-alaala, para lamang kanyang sariwain ang

oras ng paglikha. Siya’y nagiging tunay na alagad ng sining sa pamamagitan ng

kongkretisasyon, obhetisasyon at historisisasyon ng kanyang mga imahinasyon.” Kung


10 sa 40

pahihintulutan ang paglalaro ng mga salita, maibubuod ang sinabi ni Gramsci sa pamamagitan

ng ganitong kaisipan: ang imahinasyon ng isang alagad ng sining ay di simpleng imahinasyon

kundi isang manipestasyon ng imahe ng kanyang nasyon. Gaya ng inilimbag na pananaliksik ni

Dr. Teresita Gimenez Maceda ng Unibersidad ng Pilipinas (1996) hinggil sa “kasaysayan ng

Partido Komunista ng Pilipinas at Partido Sosialista ng Pilipinas sa mga awit” (1930-1955), ang

papel na ito’y nagtatangkang maging alingawngaw ng “mga tinig mula sa ibaba” sa

pamamagitan ng kontekstwalisasyon ng mga magkakaugnay na kwentong-buhay at sanlibo’t

isang pangarap ng mga manggagawa, magsasaka at iba pang maralita upang muling

mabigyang-tinig ang ilang bahagi ng ating kontemporaryong “piniping kasaysayan” sa gitna ng

kawalan ng puwang nito sa mga opisyal na bulwagan ng kapangyarihan.

Panimulang Kontekstwalisasyon: Kwento sa Likod ng Bawat Graffiti

Bago ang pangkalahatang kontekstwalisasyon, makabubuting sipatin muna ang aktwal

na kuha ng mga susuriing graffiti at isailalim ang bawat graffiti sa indibidwal na

kontekstwalisasyon. Narito ang detalyadong paglalarawan sa mga susuriing graffiti para sa

benepisyo ng mga makakukuha ng di malinaw at/o walang kulay na kopya ng papel na ito. Ang

may salungguhit ang mismong “panawagan” (kung pasulat ang graffiti) o pangkalahatang

deskripsyon (kung hindi pasulat ang malaking bahagi ng o ang buong graffiti). Ang pangalan ng

organisasyong nakalagda sa graffiti ay naka-italics naman. Ang nasa panaklong o parenthesis

ay ang lugar kung saan nakita/makikita ang graffiti. Sa ibaba ng larawan ay mababasa ang

deskripsyon ng graffiti at ng pangkat na lumikha nito (kung may nakalagda sa graffiti). Ang mga

larawan ay kinunan sa alinman sa mga sumusunod na: Nobyembre-Disyembre 2010 at Enero

2011. Karamihan ng mga larawan ay sariling kuha ng mananaliksik (maliban sa ilang larawan

na tinukoy naman ang pinanggalingan).


11 sa 40

S.D.O IBASURA! – ANAKPAWIS (Lunsod ng Maynila)

*Spray-paint ang ginamit sa buong graffiti. Ang buong graffiti ay nagtataglay ng

malalaking titik. Kulay-puti ang pintura ng malaking bahagi ng graffiti sa pulang background

(ang concrete barrier sa ilalim ng LRT). Ang ilang titik (“NAKPAWIS” sa salitang “ANAKPAWIS”)

ay ipininta gamit ang asul na pintura. Ang ANAKPAWIS ay tumutukoy sa Anakpawis Partylist,

isang pambansang partido pulitikal na binubuo ng mga manggagawa, magsasaka,

mangingisda, mga pangkat minorya (national minorities), at maralitang tagalunsod at taganayon

(urban and rural poor). Kaalyado ito ng Bayan Muna Partylist.

Ang S.D.O. ay akronim na nangangahulugang “stock distribution option.” Alinsunod sa

Batas Republika Blg. 6657 o Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ang SDO ay

isa sa mga opsyon na maaaring ipalit sa aktwal na distribusyon ng lupa. Sa pamamagitan ng

SDO, maaaring piliin ng mga magsasaka o kasama (tenant-farmer) sa isang hacienda na

maging ka-may-ari o shareholder ng korporasyong nagpapatakbo sa hacienda, sa halip na

aktwal na magkaroon ng sariling lupa. Bagamat ipinagbabawal na ang SDO at iba pang katulad

na programa, sa ilalim ng Batas Republika Blg. 9700 o Comprehensive Agrarian Reform


12 sa 40

Program Extension with Reforms (CARPER), hanggang sa matapos ang pananaliksik na ito ay

SDO pa rin ang namamayaning sistema sa Hacienda Luisita na pag-aari ng angkan ni

Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Cojuangco Aquino III. Wala pang pasya ang Korte

Suprema hinggil sa kaso na isinampa ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita na

kumukwestyon sa legalidad ng SDO.

S.D.O IBASURA! – ANAKBAYAN-PUP (Lunsod ng Maynila)

* Spray-paint ang ginamit sa buong graffiti. Ang buong graffiti ay nagtataglay ng

malalaking titik. Kulay-puti ang pintura ng buong graffiti sa pulang background (ang concrete

barrier sa ilalim ng LRT). Ang ANAKBAYAN ay isang samahan ng mga kabataan sa Pilipinas na

may sangay na rin sa ilang lunsod sa Estados Unidos. Ayon sa website ng Bagong Alyansang

Makabayan (BAYAN), isang umbrella organization ng mga progresibong grupo – na minsang

pinamunuan ni Senador Lorenzo Tañada – ang Anakbayan ay kasaping-organisasyon ng

BAYAN. Ang PUP ay akronim para sa Polytechnic University of the Philippines. Kilala ang PUP,

gaya ng Unibersidad ng Pilipinas (UP), bilang “balwarte” ng aktibismo sa bansa dahil sa

konsolidadong lakas ng mga samahang pang-estudyante roon (De La Cruz, 2006).


13 sa 40

EDUCATION NOT 4 SALE – walang nakalagda (Lunsod ng Maynila)

* Spray-paint ang ginamit sa buong graffiti. Ang buong graffiti ay nagtataglay ng

malalaking titik. Kulay-puti ang pintura ng buong graffiti sa pulang background (ang concrete

barrier sa ilalim ng LRT). Ang slogan na “Education not for sale” ay popular sa buong mundo.

Sa isang sipat sa internet ay makikitang laganap ang panawagang ito sa mga bansang gaya ng

United Kingdom, Canada, USA, Malawi, Pransya, Alemanya, Austria at iba pa. Ang slogan na

ito ay nagpapahiwatig ng pagtutol sa tinatawag na “komersyalisasyon” ng edukasyon – ang

pagtuturing sa mga institusyong akademiko (na pag-aari ng at/o pinatatakbo ng pamahalaan)

bilang mga negosyo na dapat ay magkamal ng tubo, sa halip na serbisyo publiko na dapat

magtamo ng subsidyo o suportang pinansyal mula sa pamahalaan sa layuning magpalaganap

ng kaalaman para sa ikauunlad ng sambayanan (Simbulan, 2007). Ilang halimbawa ng

“komersyalisasyon” ang sosyohan ng mga unibersidad at ng mga malalaking korporasyon gaya

ng ginawa ng UP at ng pamilya Ayala sa pagtatayo ng UP-Ayala Land Techno Hub, o ang

pagpaparenta ng lupa ng paaralan sa Petron, Gerry’s Grill, Figaro at iba pang negosyo na gaya

ng ginagawa ng Bulacan State University sa Lunsod ng Malolos. Sa pananaw ng mga aktibista,


14 sa 40

ang paniningil ng mataas na matrikula at mataas na iba pang bayarin (miscellaneous fee) ng

mga pamantasang pag-aari at/o pinatatakbo ng gobyerno ay isa ring porma ng

komersyalisasyon (Marasigan, 2006 at Kabataan Partylist-Jose Rizal University Chapter, 2010).

Sa konteksto ng Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao o “Universal Declaration of

Human Rights,” anumang imposisyon na magiging dahilan ng paglimita sa pagiging accessible

ng edukasyon ay maituturing na isang porma ng komersyalisasyon sapagkat itinuturing ang

edukasyon bilang isang pangunahing karapatan (Artikulo 26 sa deklarasyon).


15 sa 40

LUPA, SAHOD, TRABAHO, EDUKASYON at KARAPATAN! IPAGLABAN!

– ANAKBAYAN *LFS (Lunsod ng Maynila)

* Spray-paint ang ginamit sa buong graffiti. Ang buong graffiti ay nagtataglay ng

malalaking titik (maliban sa “at”). Kulay-puti ang pintura ng buong graffiti sa pulang background

(ang concrete barrier sa ilalim ng LRT). Ang LFS ay akronim para sa League of Filipino

Students, isang samahan ng mga mag-aaral na ka-alyado ng ANAKBAYAN. May sangay ito sa

maraming unibersidad at paaralang sekundarya sa bansa. Ang panawagang “lupa” ay

tumutukoy sa reporma sa lupa o redistribusyon ng mga hacienda sa mga magsasakang walang

lupa. Ang “sahod” at “trabaho” ay tumutukoy naman sa panawagang pagtataas ng sahod upang

maging “nakabubuhay” ito (living wage), at sa panawagang pagkakaroon ng sapat na lokal na

trabaho para sa mga Pilipino sa pamamagitan ng pambansa at makabansang

industriyalisasyon (pagtatayo at pagpapatibay ng mga industriyang Pilipino). Ang “karapatan” ay

tumutukoy sa pagsusulong ng karapatang pantao at panawagan ng pagrespeto rito.


16 sa 40

TUNAY NA REPORMA SA LUPA, IPAGLABAN – ANAKPAWIS–KMU (Lunsod ng Maynila)

* Spray-paint ang ginamit sa buong graffiti. Ang buong graffiti ay nagtataglay ng

malalaking titik. Kulay-puti ang pintura ng buong graffiti sa pulang background (ang concrete

barrier sa ilalim ng LRT). Ang KMU ay akronim para sa Kilusang Mayo Uno, ang pinakamalaki

at pinakaradikal na pederasyon ng mga organisasyong pangmanggagawa sa bansa. Ang isa sa

pinakakilalang lider ng KMU ay ang yumaong kinatawan ng ANAKPAWIS Partylist sa Kongreso,

si Crispin “Ka Bel” Beltran. Sa pananaw ng mga grupong progresibo, ang panawagang “tunay

na reporma sa lupa” ay nangangahulugan ng pagsusulong ng Genuine Agrarian Reform Bill

(GARB) o House Bill No. 374 (taong 2010)/House Bill No. 3059 (taong 2007), ang bersyon ng

reporma sa lupa na inakda ng mga progresibong partylist gaya ng Bayan Muna, Gabriela at

Anakpawis. Kaiba sa CARP at CARPER, ang GARB ay nagtatadhana ng libreng pamimigay ng

lupa sa mga magsasaka.


17 sa 40

SDO AT CARPER IBASURA – ANAKPAWIS (Lunsod ng Maynila)

* Spray-paint ang ginamit sa buong graffiti. Ang buong graffiti ay nagtataglay ng

malalaking titik (maliban sa “i” sa “ANAKPAWIS”). Kulay-puti ang pintura ng buong graffiti sa

pulang background (ang posteng pansuporta sa LRT). Ang CARPER ay akronim na tumutukoy

sa Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms o Batas Republika Blg.

9700. Ipinababasura ng mga militanteng grupo ang SDO dahil sa pagiging labag nito sa diwa ng

reporma sa lupa (ang aktwal na distribusyon ng lupa). Noong Agosto 2010 ay inihain ng mga

kinatawan ng Anakpawis, Bayan Muna, Gabriela, Kabataan at ACT Teachers Partylist ang

House Bill No. 2521 na naglalayong ipawalang-bisa ang SDO. Samantala, ipinababasura ng

mga militanteng grupo ang CARPER dahil sa diumano’y mga maka-asenderong (pro-landlord)

probisyon nito gaya ng pagkakaroon ng kapangyarihan ng mga asendero na tukuyin kung sinu-

sino lamang ang maaaring maging beneficiary ng reporma sa lupa (Kilusang Magbubukid ng

Pilipinas, 2009).
18 sa 40

NOY2 KONTRA MAGSASAKA – LFS (Lunsod ng Quezon)

* Spray-paint ang ginamit sa buong graffiti. Ang buong graffiti ay nagtataglay ng

malalaking titik at isang numero (ang 2 sa “NOY2” na daglat para sa “NOYNOY,” na tumutukoy

naman kay Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III). Kulay-puti ang pintura ng buong

graffiti sa pulang background (ang bakod ng bulwagan ng Kagawaran ng Agrikultura). Ang LFS

ay akronim na tumutukoy sa League of Filipino Students. Ang pagiging “kontra-magsasaka” ni

Pangulong Noynoy Aquino sa mata ng mga aktibista ay bunga ng kawalan ng masigasig na

interes niya sa pagresolba ng mga usapin sa reporma sa lupa, lalo na ang may kaugnayan sa

Hacienda Luisita na pag-aari ng kanyang angkan. Sa panahong bumisita ang mananaliksik sa

Lunsod ng Quezon upang maghanap ng graffiti noong Enero 2011, isang pangkat ng mga

magsasaka na kabilang sa Task Force Mapalad ang permanenteng nakapiket sa harap ng

tanggapan ng Kagawaran ng Reporma sa Lupa. Bagamat sumusuporta sa CARPER (di gaya

ng Anakpawis at ng iba pang grupong progresibo), hindi pa rin natatamo ng mga nasabing

magsasaka ang kanilang mga parsela ng lupa hanggang sa matapos ang pananaliksik na ito.
19 sa 40

Lupang hacienda Babawiin ng mga magsasaka! – LFS (Lunsod ng Quezon)

* Spray-paint ang ginamit sa buong graffiti. Ang malaking bahagi ng graffiti ay

gumagamit ng maliliit na titik. Kulay-puti ang pintura ng buong graffiti sa pulang background

(ang pader sa bulwagan ng Kagawaran ng Agrikultura). Ang LFS ay akronim na

nangangahulugang League of Filipino Students. Hacienda ang tawag sa mga dambuhalang

parsela ng lupa na karaniwang umaabot sa daan-daang ektarya. Nagsimula ang sistemang

hacienda noong panahon ng mga Kastila at nananatili hanggang sa kasalukuyan sa kabila ng

pagkakaroon ng CARPER. Ang proseso ng pagbawi sa lupa na siyang tinutukoy ng pariralang

“babawiin ng mga magsasaka” ay maaaring pahiwatig ng pagbawi sa pamamagitan ng

pagsusulong ng mga panukalang lehislatibo na gaya ng GARB, o kaya’y mga hakbanging

ekstralegal. Ang mga hakbanging ekstralegal ay tumutukoy sa mga gawaing di direktang

binabanggit sa Konstitusyon at di rin tuwirang pinahihintulutan ng alinmang batas, ngunit di rin

naman direktang ipinagbabawal. Halimbawa nito ang sistemang “bungkalan” na isinagawa ng

mga magsasaka at manggagawang-bukid (farm workers) sa Hacienda Luisita sa panahong

natigil ang produksyon ng hacienda dahil sa pagkakaroon ng welga at lock out o sitwasyon ng

kawalan ng pagkakasundo ng mga magsasaka at manggagawang-bukid, at ng mga


20 sa 40

namamahala ng Hacienda Luisita. Sa pamamagitan ng sistemang ito’y nakapagtanim ang mga

magsasaka at manggagawang-bukid sa ilang bahagi ng hacienda nang walang anumang tulong

mula sa administrasyon ng hacienda at kumita sila nang walang ibinibigay na parte sa mga

asendero (Tabbada, 2006). Nagsagawa rin ng matagumpay na “bungkalan” ang mga

magsasaka sa Lunsod ng Bago, Negros Occidental noong 2008 na sumasaklaw sa mahigit 40

ektarya (Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, 2010). Ayon kay Morilla (c.2010), ang “bungkalan”

sa Negros ay sumasaklaw na ngayon sa 1,381 ektarya na pinakikinabangan ng 933 pamilya o

mahigit 2,000 farmers.

Ang “pagbawi” sa lupa ay maaaring alusyon din sa tinatawag na “rebolusyunaryong

repormang agraryo” ng mga rebeldeng komunista sa ilalim ng Communist Party of the

Philippines (CPP). Sa orihinal na 12-puntong programa ng National Democratic Front of the

Philippines (NDFP) – isang alyansa ng mga organisasyong underground na nagsisilbing

negosyador ng CPP at New People’s Army (NPA) sa usapang pangkapayapaan (samakatwid,

ang NDFP ay siyang political arm ng CPP-NPA) – na inilabas noong 1994, ikaanim sa talaan

ang “reporma sa lupa” sa pamamagitan ng pagkumpiska sa lupa ng mga asendero at ang

libreng pamimigay nito sa mga magsasaka. Ang nasabing 12-puntong programa ng NDFP ay

downloadable sa internet. Ang paggamit ng “rebolusyunaryong retorika” ng mga indibidwal at

grupong legal at di kabilang sa mga organisasyong underground sa isyu ng reporma sa lupa ay

nagpapakita lamang ng matinding kabiguan ng mga solusyong inihain ng pamahalaan kaugnay

nito, gaya ng CARP. Halimbawa, sa isang sanaysay na pinamagatang “Why Land Reform Is No

Longer Possible Without Revolution” (2001) na isinulat nina Marissa de Guzman at Prof.

Walden Bello (na kasalukuyang nanunungkulan bilang kinatawan ng Akbayan Partylist – na

sumuporta sa kandidatura ni Pangulong Noynoy Aquino noong Mayo 2010 – sa Kongreso) ay

nilinaw ang mga historikal na dahilan kung bakit hindi nagtatagumpay ang mga inisyatiba sa

reporma sa lupa ng pamahalaan. Kagulat-gulat na konklusyon ang iniwan ng dalawang may-


21 sa 40

akda na hindi naman bahagi ng mga organisasyong underground: “...rebolusyong agraryo

lamang na bahagi ng mas malawak na proyektong radikal tungo sa pagsasaayos ng lipunang

Pilipino ang tanging makapagliligtas sa mga magsasaka at sa agrikultura ng bansa...”


22 sa 40

LUMAHOK SA DIGMANG BAYAN! – MAKABAYANG KAWANING PILIPINO (Lunsod ng

Quezon)

* Spray-paint ang ginamit sa buong graffiti. Ginamitan ito ng stencil o padron na

nagpapahiwatig ng paghahangad ng mga lumikha nito na mabilis na maipinta ang kanilang

mensahe. Ang buong graffiti ay nagtataglay ng malalaking titik. Kulay-puti ang pintura ng buong

graffiti sa pulang background (ibabang bahagi ng isang posteng pansuporta sa isang waiting

shed na malapit sa bulwagan ng Kagawaran ng Agrikultura). Ang Makabayang Kawaning

Pilipino o MKP ay isang organisasyong underground sa ilalim ng NDFP. Isa ito sa mga

organisasyong lumagda sa 12-puntong programa ng NDFP na masisipat sa internet. Malinaw

kung gayon na ang “digmang bayan” na tinutukoy ng graffiti ng MKP ay walang iba kundi ang

“armadong rebolusyon” na isinusulong ng CPP-NPA-NDFP sa bansa. Ayon kay Guerrero/Sison

(2009), “(i)sa itong pambansa-demokratikong rebolusyon, isang rebolusyong naghahangad ng

paglaya ng sambayanang Pilipino sa pang-aapi’t pagsasamantalang dayuhan at pyudal.”


23 sa 40

CHA-CHA² JUNK – walang nakalagda (Lunsod ng Quezon)

* Spray-paint ang ginamit sa buong graffiti. Ang buong graffiti ay gumagamit ng

malalaking titik (maliban sa “2X” na kumakatawan sa pagdodoble ng “CHA,” o samakatwid

baga’y “CHA-CHA” na siya namang popular na daglat para sa charter change o

pagbabago/rebisyon ng Konstitusyon). Kulay-itim ang pintura ng buong graffiti sa puting

background (ang bakal na kinakabitan ng mga kuntador ng kuryente). Ang graffiti na ito ay

naroroon na bago pa maging pangulo si Noynoy Aquino (at naroroon pa rin nang simulang

gawin ng mananaliksik ang papel na ito). Samakatwid, ang tila napapanahong panawagan ng

nasabing graffiti (sa gitna ng muling paglitaw at/o reaktibasyon ng cha-cha sa pambansang

kamalayan dahil sa isang talumpati ni dating Punong Mahistrado Reynato S. Puno noong Enero

11, 2011 sa Unibersidad ng Pilipinas na nagpapahayag ng panawagang pagbabago sa

Konstitusyon) ay nagkataon lamang. Matatandaang uminit ang usaping cha-cha sa mga huling

taon ng administrasyong Gloria Macapagal-Arroyo bunsod ng pagtatangka ng kanyang mga ka-

alyado na “lutuin” ang pakanang pagbabago sa Konstitusyon na magbabasura sa pagkakaroon

ng term limits (bagay na maaaring nakapagbigay/makapagbigay ng pagkakataon kay

Macapagal-Arroyo na muling tumakbo sa eleksyon para sa pagkapangulo noong Mayo 2010).


24 sa 40

Ipinanukala rin noon (at ipinapanukala na namang muli ngayon sa panahon ni Noynoy Aquino)

ang pagbabasura sa mga maka-Pilipinong probisyong ekonomiko sa Konstitusyon para

bigyang-daan ang pagpapahintulot sa 100% pagmamay-ari ng mga dayuhan sa negosyo at

lupa (alalaon baga’y ang “liberalisasyon” ng negosyo, lupa at mga likas na yaman, alinsunod sa

patakarang kapitalistang globalisasyon na ipinapataw ng mga pandaigdigang institusyong

pinansyal gaya ng International Monetary Fund/IMF at World Bank/WB).

IGINUHIT NA LARAWAN – walang nakalagda (Lunsod ng Maynila)

*Ang graffiti na ito ay nasa kulay-kayumangging papel na idinikit naman sa isang pader.

Itim na pentel pen ang ginamit sa pagguhit ng mukha at katawan ng isang babaeng

miserable/mahirap ang itsura (tila pinatanda ng kahirapan). Hindi mawari kung kamay o sipit

ang bahaging kulay-puti sa dibuho.


25 sa 40

IPININTANG LARAWAN NA MAY PARIRALANG “EVERY DROP COUNTS” – walang

nakalagda (Lunsod ng Quezon)

*Ginamitan ng stencil ang dibuhong hugis missile (bomba) at ang mensaheng “EVERY

DROP COUNTS.” Ang “EVERY DROP COUNTS” ay nangangahulugang “Bawat pagbagsak ng

bomba ay makahulugan.” Kulay-berdeng spray paint ang ginamit sa dibuhong ito na ang

background ay puting pintura ng yero o bakal na pader sa isang parsela ng lupang pag-aari ng

National Book Store. Humigit-kumulang 10 ng ganitong dibuho ang nakapinta sa nasabing

pader, sa anyong kahawig ng eksena ng pagbabagsak ng mga eroplanong pandigmaan ng

bomba mula sa kaitaasan. Samakatwid, mensaheng kontra-digmaan at para sa kapayapaan

ang panawagan ng graffiti na ito. Marahil ay hangad ng lumikha nito na bigyang-diin ang

malaking gastos sa pambobomba at pagbili ng mga armas sa digmaan. Halimbawa, sa tantya

nina Prop. Joseph E. Stiglitz (dating punong ekonomista ng World Bank) at Linda J. Bilmes

(2010), gumastos ng mahigit tatlong trilyong dolyar ang Estados Unidos sa pag-okupa nito sa

Iraq mula 2001 hanggang 2010. Dahil berde ang kulay ng pinturang ginamit ay maaaring may

mensaheng hinggil sa kalikasan din ang graffiti, sapagkat ang pagpapasabog ng bomba ay
26 sa 40

lumilikha rin ng polusyon. Hindi mawari kung tatsulok o bituin ang nasa dulo ng pariralang

“EVERY DROP COUNTS.”

NO TO EDUCATION BUDGET CUT! – ANAKBAYAN (Lunsod ng Maynila)

NO TO BUDGET CUT on SUC’s! – ANAKBAYAN (Lunsod ng Maynila)

*Spray-paint ang ginamit sa buong graffiti. Ang buong graffiti ay nagtataglay ng

malalaking titik (maliban sa “on” at “‘s” sa “SUC’s”). Kulay-itim ang pintura ng buong graffiti sa

dilaw na background ng isang monumentong alay sa kalayaan sa bandang Mendiola. Ang

“education budget cut” na tinutukoy sa panawagan ng graffiti ay ang pagkakaltas ng pondong

inilaan sa mga paaralang tersyarya na pag-aari ng gobyerno (State Universities and Colleges o

“SUC’s”) sa Pambansang Badyet ng Taong 2011 (kumpara sa badyet noong 2010). Ilan sa mga

pamantasan na binawasan ng badyet ang mga sumusunod: University of the Philippines (-

P1.39 billion or 20.11%), Philippine Normal University (-P91.35 million or 23.59%), Bicol

University (-P88.81 million or 18.82%), University of Southeastern Philippines (-P44.39


27 sa 40

million or 20.03%), Central Bicol State University of Agriculture (-P31.65 million or

15.91%). Ang larawang ito’y mula sa www.arkibongbayan.org, isang archives ng mga larawan

ng mga kilos-protestang isinasagawa at/o nilalahukan ng mga pangkat na ka-alyado ng Bagong

Alyansang Makabayan (BAYAN).


28 sa 40

SUUNGIN ANG LANDAS NG REBOLUSYON AT PAKIKIBAKA PAG-ARALAN ANG

LIPUNAN TUMINDIG PARA SA ATING MGA KARAPATAN! SUMAMA SA WELGA NG

KABATAAN AT MAMAMAYAN – KARATULA (Lunsod ng Maynila)

*Spray-paint ang ginamit sa buong graffiti na ipininta gamit ang isang stencil o padron.

Ang buong graffiti ay nagtataglay ng malalaking titik. Kulay-pula at -itim ang pintura ng graffiti sa

kulay-kayumangging-mapusyaw (flesh) na background (isang poste ng street light). Ang

KARATULA ay akronim na nangangahulugang Kabataang Artista Para sa Tunay na Kalayaan.

Ito ay isang pambansang samahan ng mga kabataang artista o alagad ng sining. Bukod sa mga

naka-stencil na mensahe ay may mga naka-stencil na dibuho rin gaya ng isang lalaking

nakataas ang isang kamao. Hindi naman mawari kung ano ang iba pang hugis na naka-stencil

din gamit ang pinturang itim. Hindi maliwanag kung anong “rebolusyon” ang ipinapanawagan ng

KARATULA, ngunit batay sa konteksto ng kabuuan ng graffiti na kinalalagyan ng nasabing

salita, ang “rebolusyon” ay maaaring tumutukoy sa panawagan ng malawakang kilos-protesta

laban sa pagkakaltas ng badyet sa edukasyon (gaya ng protestang isinasagawa kasabay ng

pagpipinta ng graffiti na ito, gaya ng ipinapakita sa larawan mismo). Ang larawang ito’y mula sa
29 sa 40

www.arkibongbayan.org, isang archives ng mga larawan ng mga kilos-protestang isinasagawa

at/o nilalahukan ng mga pangkat na ka-alyado ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN).


30 sa 40

IGINUHIT NA LARAWAN (“Tatsulok ng Lipunang Pilipino” o “Philippine Social Pyramid”)

– SCM-PUP/Catalyst (Lunsod ng Maynila)

*Paint brush ang ginamit sa buong graffiti. Ang buong graffiti ay nagtataglay ng

malalaking titik, mga simbolo, at mga numero sa isang tatsulok na may limang hati. Kulay-itim at

-pula ang pintura ng buong graffiti sa walang-pinturang background (sementadong kalsada).

Ang SCM ay akronim na tumutukoy sa Student Christian Movement (of the Philippines), isang

progresibong organisasyon ng mga estudyanteng relihiyoso. Ang PUP ay akronim na

nangangahulugang Polytechnic University of the Philippines. Catalyst naman ang pangalan ng

opisyal na pahayagang pang-estudyante ng PUP. Inilalarawan ng graffiti ang “tatsulok ng

lipunang Pilipino” o ang “Philippine social pyramid.” Ang PML ay popular na akronim ng mga

aktibista para sa “panginoong maylupa” o mga “landlord.” Samantala, ang MBK naman ay

akronim para sa “malaking burgesya kumprador” o mga malalaking negosyanteng Pilipino o

residente ng Pilipinas na karaniwang kasosyo ng mga malalaking dayuhang korporasyon sa

bansa. Ang “pambansang burgesya” o “national bourgeoisie” ay tumutukoy naman sa mga

negosyanteng Pilipino na naghahangad ng pambansa at makabansang industriyalisasyon.


31 sa 40

Samantala, ang “petiburgesya” o “petibourgeoisie” naman ay tumutukoy sa “middle class” o

“mga panggitnang uri.” Ang uring manggagawa at uring magsasaka ay tumutukoy naman sa

masang Pilipino o ang mayorya ng mga mamamayan sa bansa. Ang aklat ay simbolo ng

pagkakaroon ng maraming intelektwal at/o edukado mula sa petiburgesya, samantalang ang

maso naman ay simbolo ng mahalagang gampanin ng mga manggagawa sa pagbubuo at/o

pagpapatakbo ng mga industriya at/o ng bansa. Ang karit naman ay sumisimbolo sa

karaniwang gawain ng mga magsasaka sa mga bansang walang modernong teknolohiya – ang

paggagapas ng ani, samakatwid baga’y ang mahalagang papel ng mga magsasaka sa

“pagpapakain” ng sambayanan at pagpoprodyus ng mga hilaw na materyales na kailangan sa

pambansa at makabansang industriyalisasyon. Sa kabuuan ay ipinapakita ng graffiti kung anu-

anong mga uring panlipunan ang namamayani sa lipunang Pilipino at anu-anong mga uring

panlipunan naman ang pinangingibabawan o ang inaapi’t pinagsasamantalahan. Mababasa ang

mga detalyadong katangian at pagsusuri sa mga uring ito sa aklat na “Lipunan at Rebolusyong

Pilipino” (ni Amado Guerrero o Jose Maria Sison, ang tagapangulong tagapagtatag ng

Communist Party of the Philippines/CPP) na muling inilimbag ng ANAKBAYAN, LFS, SCMP at

KARATULA noong 2009. Ang larawang ito’y mula sa www.arkibongbayan.org, isang archives

ng mga larawan ng mga kilos-protestang isinasagawa at/o nilalahukan ng mga pangkat na ka-

alyado ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN).


32 sa 40

Matagtag na Republika – walang nakalagda (Lunsod ng Maynila)

*Spray-paint ang ginamit sa buong graffiti na ipininta gamit ang isang stencil o padron.

Ang buong graffiti ay nagtataglay ng malalaking titik. Kulay-kayumangging-sunog (dark brown)

ang pintura ng graffiti sa kulay-dilaw na background (sementadong bloke na pansuporta sa

isang waiting shed). Ang graffiti na ito ay parodiya o sarkastikong panggagagad sa slogan ng

administrasyong Macapagal-Arroyo na “matatag na republika” (tumutukoy sa diumano’y

katatagan ng Pilipinas laban sa mga banta sa seguridad tulad ng rebelyon at terorismo, at sa

diumano’y katatagan ng ekonomya ng bansa). Sa halip na “matatag” o “strong” ay “matagtag” o

“shaky” o “bumpy” ang ginamit ng manlilikha ng graffiti upang ilarawan ang republika.

Graffiti sa Kanbas ng Lipunan: Representasyon ng Dakilang Pangarap ng Sambayanan

Karamihan sa mga sinuring graffiti ay nakatuon sa mga panawagang may kaugnayan sa

mga sosyo-ekonomikong kahilingan, ngunit mayroon ding mga nakatuon sa pampulitikang

kahilingan. Sa halip na mga simpleng reklamo lamang, sinasalamin ng mga graffiti ang mga

matatayog na pangarap ng sambayanang Pilipino, partikular ang pinakadakilang pangarap,

marahil, ng lahat ng makabayan mula pa sa mga propagandista sa panahon nina Jose Rizal
33 sa 40

hanggang sa kasalukuyang panahon ng mga nasyunalista-sa-pangalan-lamang (yaong mga t-

shirt nationalist na nag-aakalang sapat na ang pagsusuot ng kamisetang may mapa ng Pilipinas

o kaya’y mukha ni Rizal upang maging makabayan): ang paglaya ng Pilipinas mula sa tanikala

ng pagdaralita. Ang mariing kritisismo sa miserableng buhay ng sambayanan na dulot ng

umiiral na sistemang sosyo-politikal ay kitang-kita kahit sa mga graffiti na walang lagda gaya ng

larawang-guhit ng isang babaeng pinatanda ng kahirapan at tila humihingi ng awa sa nakakikita

nito (sayang at di nakunan ng larawan ng mananaliksik ang isang stencil graffiti ng isang

pobreng batang lalaki sa isang poste sa gilid ng City College of Manila; buhay na buhay at higit

na dramatiko ang miserableng mata ng tao sa graffiti na iyon), hanggang sa matalinong

parodiyang “MATAGTAG NA REPUBLIKA.” Ang ganitong kritisismo sa status quo ay

sumasalamin sa pangunahing layunin ng bawat manlilikha-manunulat ng sosyo-politikal na

graffiti, na walang iba kundi ang magdulot ng pagbabagong panlipunan, alalaon baga’y ang

negasyon o ang pagresolba sa pinupunang suliraning panlipunan.

Higit na tumitibay ang ebidensya ng katangian ng graffiti bilang representasyon ng

pinadakilang pangarap ng mga makabayan kung bibigyang-pansin ang mga panawagan ng

mga graffiti na nilagdaan ng mga progresibong grupo. Halimbawa, ang panawagang “lupa,

sahod, trabaho, edukasyon at karapatan” ng ANAKPAWIS Partylist at Kilusang Mayo Uno o

KMU ay sumasaklaw sa isang alternatibong padrong pangkaunlaran, isang adyendang

makabayan at makatao na sumasalunga sa napatunayan nang palpak na padron ng

kapitalistang globalisasyon. Nililinaw ng panawagang ito at ng mga kaugnay na panawagang

gaya ng pagtutol sa stock distribution option o SDO, sa Comprehensive Agrarian Reform

Program with Extension and Reforms (CARPER), at sa pagkakaltas ng badyet sa edukasyon,

ang mga kongkretong hakbang na dapat isagawa upang umunlad ang bansa at makinabang sa

kaunlaran nito ang mayorya ng mga mamamayan.

Kung ibubuod, tunay na reporma sa lupa at pambansa (national) at makabansang

(nationalist) industriyalisasyon ang kambal na adyendang makapagbibigay-katuparan sa tila


34 sa 40

watak-watak ngunit sa aktwal ay magkakaugnay na hinaing ng mga mamamayan. Halimbawa,

ang panawagang pagtutol sa pagbabawas ng badyet sa edukasyong tersyarya ay isang paraan

ng pagtiyak sa mataas na kalidad ng edukasyong tersyarya na siyang naghahanda ng mga

mamamayang magiging bahagi ng lakas-paggawa, isang makabayang lakas-paggawa na

pinaaral ng pamahaalaang Pilipino sa layuning malao’y hikayatin silang tumulong sa

pagpapatupad ng mga pangunahing repormang pambansa gaya ng reporma sa lupa,

modernisasyon ng agrikultura at pambansang industriyalisasyon. Sinasalamin ito ng isang

pambansang layuning pang-edukasyon na isinasaad sa Artikulo XIV, Seksyon 3 (2) ng Saligang

Batas ng Pilipinas. Samantala, ang panawagang “trabaho” ay nakaugat pa rin sa reporma sa

lupa at pambansang industriyalisasyon sapagkat gaya ng binanggit sa isang graffiti ng tatsulok

ng lipunang Pilipino, mayorya ng mga Pilipino ay magsasaka. Samakatwid, ang reporma sa

lupa lamang at modernisasyon ng agrikultura ang agad na makapagbibigay ng trabaho sa

mayorya ng mga mamamayan sa bansa. Samantala, ang pag-unlad sa kabuhayan ng mga

magsasakang bumubuo sa mayorya ng sambayanan ay magsisilbing pwersang pampalakas sa

mga industriyang Pilipino, bagay na magluluwal ng karagdagang trabaho at mas de-kalidad na

produkto para sa sambayanan (alalaon baga’y ang proseso ng pambansa at makabansang

industriyalisasyon). Sa mabilis na industriyalisasyon, inaasahang mararating ng Pilipinas ang

First World status, gaya ng landas na tinahak ng Hapon, Timog Korea at Tsina, at ng mga

bansang mauunlad sa Kanluran. Sinasalamin ng mga sosyo-politikal na graffiti ang iba’t ibang

alternatibong programa sa kapitalistang globalisasyon na ipinapaliwanag sa mga obra maestra

ng mga makabayan at/o repormistang radikal na manunulat gaya ng “The Nationalist

Alternative” ni Renato Constantino, “Nationalist Economics” at “Hunger, Corruption and

Betrayal: A Primer on U.S. Neocolonialism and the Philippine Crisis” ni Alejandro Lichauco,

“The Future in the Balance: Essays on Globalization and Resistance” ni Prof. Walden Bello, at

“Social Encyclicals: Commentary and Critique (Second Edition)” ni Padre Pedro Salgado, O.P.
35 sa 40

Mga Pader Atbp. Bilang Pwersa sa Demokratisasyon ng Espasyo at Kapangyarihan

Mayorya sa mga graffiti ay pawang likha ng mga grupong kabilang sa Bagong

Alyansang Makabayan (BAYAN), isang umbrella organization ng mga grupong progresibo sa

bansa. Gayunman, may mga graffiti rin na walang nakalagda, at mahihinuhang likha ng mga

indibidwal na ang hangarin ay makapagpahayag ng saloobing hinggil sa pagbabagong

panlipunan. May ilan ding graffiti na likha ng mga pangkat na underground gaya ng

Makabayang Kawaning Pilipino o MKP na isa sa mga organisasyong kabilang sa National

Democratic Front of the Philippines o NDFP. Samakatwid, batay sa mga graffiti, ang mga

dakilang pangarap ng sambayanan ay maaaring kamtin sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan.

Isang bukod na pananaliksik ang kakailanganin upang sagutin ang tanong na “aling daan ang

totoong matuwid?” Gayunman, sapat nang sabihin na sa kabila ng pagkakaiba-iba sa taktika ng

pagpapatupad ng kani-kanilang layuning naghahangad reporma at/o rebolusyon, nagkakaisa sa

diwa ang mga pangkat na naghahangad ng pagbabagong panlipunan – ang mga pangkat na

sila ring nagluwal ng mga manlilikha-manunulat ng graffiti. Lahat sila’y naniniwala sa kakayahan

ng mga ordinaryong mamamayan na bumangon/magbangon sa kanilang “pagkakahimbing”

upang maisakatuparan ang mga hakbang tungo sa tunay na pagbabagong panlipunan. Ito ang

dahilan, kung bakit, sa kabila ng paulit-ulit na pagbura ng “MMDA Art” at ng iba pang katulad na

programa ng gobyerno sa mga sosyo-politikal na graffiti ay lagi’t laging may sumusulpot na

bagong graffiti sa mga pader, gilid ng tulay, sa mga concrete barrier, sa mga poste ng waiting

shed, sa mismong kalsada at iba pang lugar na dinaraanan ng “madlang pipol.”

Walang sawang nagpipinta at nagsusulat ang mga manlilikha ng graffiti dahil sa pag-

asang balang araw, ang mga mamamayang nagmamasid ay maaantig ng kanilang panawagan,

at balang araw rin, tutulong na ang mga ito sa pagsasakatuparan ng mga dakilang pangarap ng

buong sambayanan. Layunin ng mga lumilikha ng politikal na graffiti na maunawaan ng madla

ang kanilang mensahe, kaya’t ang masa, ang publiko ang kanilang lohikal na audience (Güne

at Yilmaz, 2006). Kaiba sa tradisyunal, elitista at eksklusibong mga pulong, sesyon at iba pang
36 sa 40

gawain ng iba’t ibang sangay ng gobyerno – mula sa Tanggapan ng Pangulo hanggang sa mga

deliberasyon ng Korte Suprema, at mga pagdinig o hearing at imbestigasyon ng Senado ay

Kongreso – ang mga sosyo-politikal na graffiti ay may oryentasyong lubhang demokratiko na

bukas para sa at nangungusap sa lahat. Nag-aalok ng mga alternatibong daluyan ng

pagbabagong panlipunan ang mga sosyo-politikal na graffiti gaya ng pahayag ng isang

Indonesian na nagwikang ang graffiti ay "forum para sa pulitikal na pagsalungat at kritisismo”

(Jakarta Post 2010).

Saliksik sa Graffiti: Ambag ng Akademya sa Pagbabagong Panlipunan

Sa maraming pagkakataon, ang mga graffiti na nakaligtas sa mata at brush ng mga

nasa pamahalaan ay patuloy na nagiging makabuluhan at nananatiling makatotohanan sa

kabila ng pagpapalit ng mukha ng mga okupador sa Palasyo ng Malakanyang. Di nga ba’t ang

panawagang kontra Charter-Change sa isang kuntador ng kuryente sa Lunsod ng Quezon ay

muling nagkaroon ng bisa dahil sa biglang panunumbalik ng usaping pagbabago sa

Konstitusyon sa maagang bahagi pa lamang ng 2011. At sino ang magsasabing “matatag” at di

“matagtag” ang Republika ng Pilipinas – na nasa ranggong ika-97 sa 169 bansa ayon sa 2010

Human Development Index Report na inilabas ng United Nations – sa panahong ito na patuloy

sa pagtaas ang presyo ng mga bilihin habang di naman tumataas ang sahod ng mga

manggagawa? Nananatiling balido kung gayon ang puna ng nagpinta ng “MATAGTAG NA

REPUBLIKA” sa status quo na pinananatili ng gobyernong sumunod sa orihinal na

administrasyong target nito, gaya rin ng sanlibo’t isang hinaing na sinasalamin ng iba pang

sosyo-politikal na graffiti sa bansa.

Sa gitna ng ingay sa at pagmamadali ng mga tao sa kalunsuran, laging mananatili ang

mga graffiti sa gilid-gilid ng lansangan, hanggang sa ang mga isyung panlipunan na kanilang

pinapaksa at inilalarawan ay mahango na sa “gilid-gilid,” sa mga “talababa” (footnotes) ng

masalimuot na kasaysayan at malagay sa pedestal ng pambansang kamalayan at diskursong

nakatuon sa agarang paglutas ng mga suliraning ito. Hangga’t hindi nagkakatinig ang mga
37 sa 40

hinaing ng mga mamamayan na kinakatawan ng mga malikhaing manunulat at tagapinta ng

graffiti, mananatili ang kanilang tiyaga sa pagsulat at pagpipinta ng mga ito sa mga kanbas ng

lipunan – doon sa mga lansangan na lagi’t laging dinaraanan ng lahat ng uri ng mamamayan.

Gaya ng sinabi ng blogger na si Victor Villanueva (2010), “...ang mga graffiti na nagtataguyod

sa karapatan ng mga mamamayan na magtamasa ng mga serbisyong panlipunan at pantaong

kaunlaran (human development) ay mga porma lamang ng lehitimong pagtutol sa umiiral na

kaayusan ng mga bagay-bagay...” (ang di makatarungang status quo kung saan maraming

mamamayan ang namumuhay sa karukhaan habang may iilan naman na namumuhay nang

saganang-sagana). Kaugnay nito, ang mga mananaliksik na naghahangad ng pagbabagong

panlipunan ay obligadong patuloy na itala, suriin at isailalim sa kontekstwalisasyon ang mga

graffiti na ito, upang higit na maging malinaw ang mga makatwirang panawagan na nilalaman

ng mga ito, sa sambayanan at sa pamahalaan na inaasahang mangunguna sa anumang

makabuluhang pagbabago sa lipunan. Wika nga ni Weinberg (2003) “Bago natin barilin ang

mensahero (ang mga manlilikha-manunulat ng graffiti), marahil ay dapat man lamang natin na

pakinggan ang mensahe...” At, kung makabuluhan ang mensahe, di ba’t nararapat lamang na

maging alingangaw tayo nito sa loob at labas man ng akademya?

Bibliyograpiya

!""# $ % & '

Bello, Walden at Marissa de Guzman. “Why Land Reform Is No Longer Possibl


Without Revolution.” The Future in the Balance: Essays on Globalization and
Resistance. 2001. Quezon City: University of the Philippines Press. 192-199

De La Cruz, Jhong. ROTC Revival to Boost Anti-insurgency Drive? 02-08 July 2006.
Manila: Bulatlat.com
<http://www.bulatlat.com/news/6-21/6-21-rotc.htm>

Cavan, Sherri. "The Great Graffiti Wars of the Late 20th Century." 1995.
Paper presented at the Pacific Sociological Association.
<http://www.graffiti.org/faq/greatgraffitiwars.html>
38 sa 40

Giles, Kate and Melanie Giles. “The Writing on the Wall: The Concealed Communities
of the East Yorkshire Horselads.” International Journal of Historical Archaeology.
UK: Springer Science + Business Media. 2007. 336–357
<http://www.springerlink.com/content/wx3n186308512328/fulltext.pdf>
Date of Access: 03 Janurary 2011

() * ) )$ + , & *
, &$
- & *. $ &$- #/0"1 #/22
#//' 3 ( % &$
-- &

Gramsci, Antonio. Selections from Cultural Writings. David Forgacs and Geoffrey
Nowell-Smith (eds.) and William Boelhower (trans.). 1985. London: Lawrence
and Wishart. 41, 112

Guerrero, Amado/Jose Maria Sison. Lipunan at Rebolusyong Pilipino. 2009.


Manila: ANAKBAYAN, League of Filipino Students. Student Christian
Movement of the Philippines and Kabataang Artista Para sa Tunay na Kalayaan.
122

Güne , Serkan at Gülsen, Yilmaz. "Understanding Graffiti in the Built Environment: The
Case in Ankara, Türkiye." 2006.
Paper presented at the 42nd IsoCaRP Congress.
<http://www.graffiti.org/faq/greatgraffitiwars.html>

Frederick, Ursula K. “Revolution is the New Black: Graffiti/Art


and Mark-making Practices.” Archaeologies: Journal of the World
Archaeological Congress (Volume 5, No. 2). Australia: World
Archaeological Congress. 2009. 210-237
<http://www.springerlink.com/content/v021856jj834132x/fulltext.pdf>
Date of Access: 03 January 2011

Kabataan Partylist-Jose Rizal University Chapter. Tutulan ang lumalalang


komersyalisasyon ng edukasyon! Pahayag: 25 February 2010.
< http://jrukabataan.wordpress.com/2010/02/25/tutulan-ang-lumalalang-
komersyalisasyon-ng-edukasyon/ >
Date of Access: 03 January 2011

Kilusang Magbubukid ng Pilipinas. Critics: GMA signing of Carper, an across the


nation tragedy. Press release: 07 August 2009.
< http://www.kilusangmagbubukid.org/press/234 >
Date of Access: 03 January 2011

__________________________. Bungkalan campaign of Negros farmers,


the concretization of the peasant struggle. 31 October 2010.
39 sa 40

< http://www.kilusangmagbubukid.org/resource/bungkalan-campaign-negros-
farmers-concretization-peasant-struggle >
Date of Access: 03 January 2011

Lamm Weisel, Deborah. Graffiti (& $ 14 * * &$ . /5


c.2000. USA: US Department of Justice-Office of Community Oriented Policing
Services.
< -6 6 -- 6
- $ 6 -* 6 -*>
Date of Access: 03 January 2011

Marasigan, Teo S. Tumataas na Matrikula (2). 02 Hunyo 2006.


< http://kapirasongkritika.wordpress.com/2007/06/27/tumataas-na-matrikula-2/ >
Date of Access: 03 January 2011

McNichols, Jeremiah. Visualizing Dissent: Graffiti as Art. 26 Hulyo 2010.


<http://thinkingpictures.blogspot.com/2006/07/visualizing-dissent-graffiti-as-art.html>
Date of Access: 25 November 2010

Morilla, Roy. Land cultivation campaign spreads like fire in Negros Island.
c.2010.
< http://www.arkibongbayan.org/2010/2010-10Oct27-kmpforum/bungkalan.htm >
Date of Access: 03 January 2011

Simbulan, Roland G. “Ang Komersyalisasyon ng Edukasyon sa U.P.” 2007.


Talumpati sa Forum on the Commercialization of U.P. na inisponsor
Department of Social Sciences ng Unibersidad ng Pilipinas.
< http://www.yonip.com/main/articles/UP-017.htmL >
Date of Access: 03 January 2011

Stiglitz, Joseph at Linda J. Bilmes. The true cost of the Iraq war: $3 trillion and
beyond. 05 September 2010. USA: The Washington Post.
< http://www.washingtonpost.com/wp-dyn/content/article/2010/09/03/AR2010090302200.html >
Date of Access: 03 January 2011

Tabbada, Reyna Mae. Bungkalan in Hacienda Luisita: Dreams Realized, One


Tilled Hectare at a Time. 22-28 October 2006. Manila: Bulatlat.com
< http://www.bulatlat.com/news/6-37/6-37-luisita.htm >
Date of Access: 03 January 2011

National Democratic Front of the Philippines. 12-Point Program of the National


Democratic Front of the Philippines.
< http://ndfp.net/joomla/index.php?option=com_content&task=view&id=42&Itemid=60 >
Date of Access: 03 January 2011
40 sa 40

United Nations Development Program (UNDP). Human Development Report 2010 (20th
Anniversary Edition) The Real Wealth of Nations: Pathways to Human
Development. 2010. New York: UNDP.
< http://hdr.undp.org/en/media/HDR_2010_EN_Complete_reprint.pdf >
Date of Access: 03 January 2011

Wardany, Irawaty. Word on the street claims graffiti is legit art. Jakarta Post.
January 29, 2010.
<http://www.thejakartapost.com/news/2010/01/29/word-street-claims-graffiti-legit-art.html>

Weinberg, Rob. Shooting the Messenger: Rethinking Confrontation in the War


Against Graffiti. 2003. USA: Spindrift.org. 3, 17, 18, 20
<http://www.spindrift.org/graffiti.pdf>
Date of Access: 03 January 2011

Werckmeister, O.K. “A Working Perspective for Marxist Art History Today.”


Oxford Art Journal (Volume 14, No. 2). UK: Oxford University Press. 1991. 83-
87
<http://www.jstor.org/stable/1360526>
Date of Access: 25 November 2010

Вам также может понравиться