Вы находитесь на странице: 1из 1

Hindi ba’t kapansin-pansin na kadataon na lang ay may hindi kanais-nais na

pangyayaring nagaganap sa ating bansa? Kapuna-puna ring palala ng palala ang mga
pangyayaring ito. Anu kaya ang puno’t dulo ng mga kaganapang ito? Halina’t tuklasin natin!

Sa kasalukuyan, ang ating bansa ay di mapagkakailang hirap. Isa sa mga itinuturong


dahilan ay ang gobyerno, gobyernong pinamumugaran ng korapsyon. Ang ating bansa na
nooý bantog sa tawag na “Perlas ng Silangan” ay ngayoý maituturing nang “Kalat ng
Silangan”. Ito ay dahil sa ‘di mabilang na basura sa ating paligid. Isang maliit na basura na
maaaring pag-ugatan ng isang napakalaking sakuna. Ang mga puno ay ang nagbibigay
buhay sa daigdig, at sa bawat pagputol nito, ay tila pag-kitil sa buhay ng ating inang
kalikasan.

Sa pagdaan ng panahon, iba’t-ibang bagyo narin ang ating nasagupa. Taong 2006, si
Milenyo at makalipas ang isang taon, dumating naman si Frank. Ngunit, ang tunay na
sumubok sa ating katatagan ay si Ondoy. Ondoy, ang ipinangalan sa matinding bagyong
dumating sa ating bansa noong ika-26 ng Setyembre ng nakaraang taon. Ang bagyong ito
ay tunay na nagmarka sa ating puso’t isipan. Sa umpisa ay inakala nating si Ondoy ay
ordinaryong bagyo lamang, ngunit habang tumatagal, ang buhos ng kanyang ulan ay ‘di
tumitigil o humihina man lang. Sa kalaunan ay pumasok ang tubig sa bawat butas ng
maraming kabahayan at nagdulot ng matindi at hindi inaasahang pagbaha. Ang mga eksena
noong mga panahong iyon ay parang isang pelikula. Ang mga tao ay hindi magkamayaw,
hindi alam kung anung gagawin at kung san pupunta.

Sa wakas ang ulan ay unti-unti ng humina. At sa paghina ng ulan ay ang paglinaw ng


mga sawing larawan na iniwan ni Ondoy. Ang mga kagamitan na naipundar galing sa dugo’t
pawis ng mga mamamayan, sa isang iglap ay nawala. Ang mga pangarap ng mga Pilipino ay
tila sabay na nalunod sa mataas na baha. Ang mga buhay na kinitil ay isa sa
pinakamatinding kasawiang hinarap ng buong sambayanan. Ang bagyong Ondoy ay
delubyong nagbago sa pananaw ng bawat Pilipino.

Doble ang nararamdamang kaba ng mga Pilipinong nangingimambansa para sa


kanilang mga pamilya at mga kababayanng mga panahong iyon, mabuti na lamang at may
media. Isang taos-pusong pasasalamat ang dapat nating ialay sa Media. Ang media, ang
nagsilbing tulay upang maabot ang mga nangangailangan ng mga panahong iyon. Gamit
ang simpleng cellphone na may kamera ay nalalaman na kung san lugar naroon ang
biktima.

Sa kabila ng kasawian, pagtutulungan ang sýang nangibabaw. Mahirap man o


mayaman ay buong pusong tumulong ng walang pag-aalinlangan sa mga ‘di pinalad nating
kababayan. Artista man o Politiko, sikat man o hindi ay handang tumulong sa abot ng
kanilang makakaya. Pagtutulungan. Ito ang ugali ng mga Pinoy na hindi matatapatan ng
kahit na magkanong halaga.

Tunay ngang ang pangyayaring ito ay naka-ukit na sa kasaysayan, lumipas man ang
panahon ay hinding-hindi natin kalilimutan.

Ngayon, isang taon na ang nakalipas. Tunay ngang ang bawat kasawian ay may
kakambal na leksyon. At sa pag-aalala natin sa delubyong nagdaan, dapat nating itanim sa
ating puso’t isipan ang leksyong ating natutunan. “Laging maging handa.” aral na iniwan ni
Ondoy sa ating bayan.

Justice Flores -Ondoy

Вам также может понравиться