Вы находитесь на странице: 1из 64

in • vitro /Ǻn ɑviətrǩȚ/

adjective & adverb

Biology
(of processes or reactions) taking place in a test
tube, culture dish , or elsewhere outside a living
organism:
[as adjective] :in vitro fertilization

Origin:
Latin, literally 'in glass'

Oxford English Dictionary


INTRODUKSYON
Ang kahulugan nito ang mismong diwa sa likod ng In Vitro – isang
artipisyal na kapaligiran sa labas ng buhay na organismo.
Ginagawa ang pamamaraang ito sapagkat walang
kasiguraduhan na ang pagsusuring gagawin ay aangkop sa
kondisyon sa loob ng nasabing organismo.

Laman ng librong ito ang mga personal na pagsasalaysay ng mga


piling indibidwal kung saan nahaharap sila sa isang kulob na
kapaligirang hinulma ng mga magulang, eskwelahan, kaibigan,
pamilya upang masiguro ang ganap na paglaki. Tulad na lamang
ng mga organismong In Vitro.

Ang pagkakaroon ng malay sa totoong silip ng buhay ay


bumubunga sa pagtatanong sa sarili; sa paghuhulagpos sa
nakasanayang ritwal, sa pagdadalawang-isip sa kung ano nga ba
ang katotohanan at kamalian; kung ano ang mabuti sa hindi.

Nais ng mga manunulat na bumuwag sa salaming nakakahon sa


kanilang katauhan at mamuhay sa sariling natural na
kapaligiran.

Mababasa sa In vitro ang kanilang pagsubok na makatakas. Kung


hindi man pagka-kawala, mahahapyawan ang kanilang
karanasan sa pamumuhay rito. Nais ibahagi ng mga manunulat
ang isang katotohanan sa likod ng mga artipisyal na pamamaraan
at kapaligiran. Nais nilang ipaalam na kaya ang mabuhay sa
gitna ng mga di-kasiguraduhan.

Narito ang mga munting sulyap sa nasabing mga organismo.


Tignan In VIVO.
Mundo’t Himpapawid
Dana Madulid

N
adurog sa libo-libo ang puso ko noon. Tila
humiwa sa bawat kalamnan ko ang mga pirasong
basag. Napahinto ako sa paglalakad sa pasilyo ng
ika-tatlong palapag ng gusali kung saan
matatagpuan ang mga silid-aralan ng ika-tatlo at ika-apat na baitang.
Maingay. Bagsak ang pinto dito, “Hoy, halika bilis!” ang hiyaw doon.
Uwian na kasi. Tila mga nakakawalang daga sa lungga ang mga
estudyante. Madalas kasi’y hindi na rin nagsasaway ang mga guro
kapag hapon na’t uwian. Pagod na marahil mula sa buong araw na
pagtuturo’t pagkakatayo.

Damang-dama ko ang sinag ng Hapong Araw nang napatigil


ako noon. Tila hinigop ng basang lupa at ang mga paa ko’t lumubog
bigla. Sinabi kasi sa akin ng isa kong ka-baitang na nakapasa daw
ako sa U.P. Diliman. Nalungkot ako. Nainis. Tila naloko ako hindi
lamang ng tadhana, kundi pati Niya - ng Panginoon. Kinasuklaman
ko ang balitang iyon. Kinalaunan, nabaling ang pagkasuklam ko sa
aking sarili. Napagtanto ‘ko kung gaano ako kahindik-hindik. Hindi
ko man lang nagawang magpasalamat sa nangyari. Hindi ko mawari
kung bakit naging ganoon ang reaksyon ko, nakahihiya.

Nang mapansin kong kaya ko nang igalaw ang aking mga


paa, na tila dahan-dahang inuluwa na ito ng lupa, dali-dali akong
bumaba papuntang Student Council Office. Tinakasan ko ang mga
hiyawan, tawanan, mga pintong nagsasagutan at mga mag-aaral na
naghaharutan. Gusto ko munang mapag-isa, makakawala. Nais ko
munang i-plano kung ano ang makakaya kong gawin.

Sinarado ko ang pinto ng opisina. Umupo ako sa ibabaw ng


mesa at hinayaang i-kuyakoy ang mga paa. Isa-isang pumasok ang
iba pang miyembro ng konseho. May miting nga pala kami. Habang
isa-isang nagbabatian ang bawat miyembro, naghahabulan ang iba’t
ibang imahen sa utak ko. Naroon ang screen sa aking kompyuter.
Hindi raw ako tanggap sa Ateneo. Mula sa imaheng ito, biglang
gugunaw ang gitnang bahagi’t lalamunin ng mga isa-isang pagsulpot
ng mga puno ng U.P., ng Palma Hall, ng mga tindahan ng isaw, ng
epikong Sunken Garden at ang imahen ng sarili ko na mag-isang
naglalakad sa kawalan.

Kinamumuhiaan ko ang sarili noon. Alam kong ilang libong


estudyante ang nagnanais na mapunta sa kinalalagyan ko. Alam
kong marami sa kanila ang gagawin ang lahat makapasa lamang sa
U.P. – ang tila tanging salbabida nila mula sa nakalulunod na
kahirapan. Hindi ko matanggap sa sarili ko kung gaano ako kawalang
hiya sa biyayang aking natanggap. Alam kong hindi ako ang taong
iyon, “at least I try not to be that person”, habol ko pa. Ngunit hindi
ko kaya atang labanan ang puwersang nagtutulak sa akin na sa U.P.
ako mag-aaral. Ayoko ko doon.

Dumating ang bakasyon. Pinilit kong mapalapit ang loob sa


pinasahang unibersidad. Nagbabasa ako ng mga blog ng mga taga-
“peyups.” Maghapon akong tumitingin sa mga litratong
nagpapamalas ng angking ganda ng Diliman. Inilublob ko ang sarili
ko sa samu’t saring bagay na nagtatatak ng pagka-tunay na Iskolar ng
Bayan – mula sa mga terminolohiya, mga tambayan, mga kilalang
personalidad, mga tanyag na propesor at marami pang iba. Madalas
ko pa ngang ayain ang mga magulang ko noon na iikot ako sa U.P. at
baka sakaling mahulog ang loob ko, tulad ng iba, sa gayuma’t
mistikang hatid nito. Pinipilit ko rin ang kapatid kong samahan ako
para maglakad-lakad, magliwaliw-liwaliw.

Isang beses, Mayo, nang magkataong kinailangan kong


magpasa ng mga papeles pang-medikal, natupad ang hiling ko.
Hinatid ako ng mga magulang ko. Hindi ko maikakailang sabik ako na
sa wakas mauumpisahan ko na ang mga hakbang ng isang pagiging
ganap kong “Iska.” Sa loob-loob ko, “Langya, kung ikaw hindi pa ma-
in love diyan, ewan ko na ha. Pangatawanan mo!”

Tila isang pawikan akong mula pagkapanganak ay sa


kaptibidad na lumaki at ngayo’y isasabak sa malawak at totoong
mundo ng karagatan. Sinabi sa center na hindi pinapayagan ang mga
magulang na samahan ang anak sa pagkumpleto ng mga medical
forms. Isa na daw itong pagsasanay sa bata na maging indipende.
Napangiti ako nang kaunti matapos magpaalam sa aking ina.
Pakiramdam ko ito ang hatid ng pag-aaral ko sa U.P.: kaunting
kawala sa sanktuwaryong ibinahagi nila sa akin mula pagkabata.
Pinakinggan ko ang sinasabing direksyon ng guwardiya. “Sundan
niyo lamang po ang mga arrows,” turo ng manong. Maingat kong
sinuri ang paligid para sa mga karatula - takot mawala’t
magmukhang aanga-anga sa simpleng pasikut-sikot ng buhay.
Tinungo ako ng mga arrows sa isang puting pinto. Nang ini-angat ko
na ang aking kanang kamay upang ipihit ang hawakan ng pinto, nag-
alinlangan ako. Hindi ko mawari kung medyo may kalawang o iyun
na mismo talaga ang natural na kulay nito. Dumausdos agad sa aking
harapan ang mga taong umaatsing at umuubo at biglang pipihit sa
hawakan na ito. Napaisip ako kung paano ito bubuksan. Wala akong
tissue na dala. Hindi ko naman maaring gamitin ang panyo ko.
Napagresolbahan kong gamitin ang parte ng braso ko mula siko
hanggang kamay. Ang kaliwa sa ilalim ng pihitan. Ang kanan naman
sa ibabaw. “Wagi! Buwahaha! Ilang hawakan pa kaya ng pinto ang
mas masahol pa sa isang ito?” tanong ko sa sarili. Pumasok ako sa
kuwartong maliwanag.

Ayos naman ang pagkumpleto ko ng mga requirement. Sulit


pa nga sapagkat kahit isang kusing wala kaming binayaran. Ang tip
lamang siguro sa taong nagbantay ng sasakyan sa parking ang gastos
namin.

Isang misyong tagumpay. Pakiramdam ko pa noo’y may


consolation prize pa sa akin ang Panginoon. Tila isa pa Niyang hirit
upang tanggapin ko nang buong puso ang U.P.. Nakilala ko noon si
Noy. 18. Nagkatabi kami noon sa kuwartong maliwanag. Maputi,
may maayos na pangangatawan. Maliit ng kaunti kaysa sa mga
ideyal kong lalaki, 5’9’’ – 5’10’’ siya siguro. Nagkausap kami habang
naghihintay sa isang pila. Galing ata siyang Davao o Zambaoanga, di
ko na matiyak. Tungkol sa musika ang kurso niya ang tanda ko. Kung
hindi trumpet o saxophone, trombone ang instrumento niya. Doon
ako namangha. Sinabi ko sa sarili ko na bibihira na lamang ang mga
taong katulad niyang ipinagpapatuloy ang “passion” hanggang
kolehiyo. Ikinatuwa ko ang ideyang iyon. Naaliw ako at naglaro sa
isipan ang mga imahen ng iba’t iba pang extraordinaryong taong
madadaupang-palad ko sa hinaharap. Kuwento pa niya sa akin na
isang taon na daw siya roon. Nakalimutan daw niya kasing i-reserve
ang slot niya. Ipinaalam niya sa direktor kung maaaring i-reconsider.
Hindi na raw. Pinahintulutan na lamang siyang mag-sit in sa kung
saan mang klase na naisin niya. Namangha na naman ako.
Nabuksan ang isipan ko na hindi lahat ng bagay may hangganan. Na
kung gusto, laging may paraan. Na kahit dead end na, kailangan
lamang na magtabas ng damo’t gumawa ng sariling landas.
Dumating ang oras na kinailangan na naming magpaalam sa isa’t isa.
Sabi pa namin na magkikita din kami. Huwag magkakalimutang
magbatian ang biro pa sa isa’t isa. Sabay pa nga daw kami kumain
kapag break dahil magkalapit naman daw halos ang gusali namin.

Hindi na dumating ang pagkakataong iyon.

Dalawang araw na lamang at enrolment ko na sa U.P. Lunes


nang umaga iyon. Sa bahay. Papasok ako ng kuwarto namin upang
kunin ang laptop. Balak ko kasing magbasa ng bagong nobela sa
eBook. Maaaring matapos pa ng tatlumpong segundo o maghintay
pa ako ng isang oras bago ko dulugin ang udyok na ito ng aking
katawan, tila udyok pa nga ata ng kaluluwa. Maaaring pinagwalang
bahala ko pa nga ito kung tutuusin. Pero may malakas na puwersang
nagtulak sa akin na pumasok sa kuwartong iyon. Pagkatapak ko,
agad-agad na narinig ko ang telepono kong tumutugtog ng ringtone
nito. “Waaah! Oh my God!” sigaw ko. Paborito ko kasing kanta iyon.
Ninamnam ko pa nga ang bawat melodiya’t salita. Huminto pa nga
ako sa paglakad at pumikit pa. Naghintay pa ako ng mga kulang-
kulang pito pang segundo bago ito lapitan at tingnan kung sino ang
tumatawag. Nang sa tingin ko’y nasulit ko na ang pagnanamnam sa
kantang iyon, tinukoy ko na agad ang numero sa screen. Ito ang
parehong numero na tumatawag sa akin noong Sabado’t Linggo.
Hindi ko ito pinapansin sapagkat inakala kong ito ang numero ng isa
kong ka-Komisyon at sa puntong sagutin ko ito, trabaho na naman.
Naturingang kasama ko ang buong pamilya ko naman noong Linggo –
nasa Batangas at nagswi-swimming, kaya hindi ko na napansin.

Pinindot ko ang “Answer.” Hindi ko alam na sa isang milli-


segundong iyon magbabago ang tadhana ko. Siya daw si Niccolo
mula sa Admissions Office ng Ateneo de Manila University.
Lumundag ang puso ko pagkarinig sa huling apat na salitang iyon.
Nasa harapan ko pa noon ang malaking brown envelope na
naglalaman ng mga ipapasa kong papel para sa enrolment sa U.P,
dalawang araw na lamang kasi. Ipinaliwanag sa akin ni Niccolo na
na-reconsider daw ang appeal letter na ibinigay ko noong Marso pa.

Halong pagkagulat, pagkamangha, at di pagkapaniwala and


nadama ko. Tila gusto kong akapin ng buong-buo ang kasasagap
lamang na balita, o biyaya – mas nais kong tukuyin ito gamit ang huli.
Ngunit bago ako humiga sa kasiguraduhan ng nangyari, pinigilan
agad ito ng malay kong isipan. “Huwag ka agad aasa. Siguraduhin
mo muna at baka…”, ang sabi sa akin. Nasanay na kasi ako mula
pagkabata na maging tiyak muna sa mga bagay-bagay upang hindi
agad mapahiya, masaktan o umasa.

Nang patuloy pa niyang ipinaliwanag ang mga dapat kong


gawin sa loob ng isang linggo – pagpunta nang personal upang
kumpirmahin ang slot, magpasa ng mga karagdagang sertipikasyon
at papel, gawing kunpidensyal at huwag munang ipaalam bukod sa
pamilya ang balita, unti-unti akong sumuko, bumigay at
napapaniwalang totoo ang lahat. “Nakatakda ito na mangyari”,
sambit kong muli sa aking isipan habang pinakikinggan ang mga tila
utal na na mga salitang ibinabanggit niya. Nang matapos sa
maraming pasalamatan ang usapan namin, dali-dali akong tumakbo
sa bahay ng mga lola ko upang tawagan ang aking ina. Nagkataong
sira ang telepono namin noon, tingnan mo nga naman. Kaya pala sa
cellphone ako tinawagan.

Humagusgos ako ng takbo. Pumasok ako sa bahay ng lola


ko at nagpalingon-lingon pa. Tinanong ko kay Ate Suleng, 40-taong
kasambahay nila na tinuturing na naming kapamilya, kung nasaan
ang telepono. Tinuro niya sa akin. Nagmadali akong i-pindot ang
mga numero. Habang naghihintay ako ng “Hello” sa kabilang linya,
nagtanong siya kung bakit daw. Nagdalawang isip pa ako noon kung
sasabihin ko. “Panatilihing sa pamilya muna ang balita.” Sinabi ko na
lamang nang bahagya na wala iyon, na may sasabihin lamang ako kay
Mommy.
“Hello?”
“Ma?”
“Uy, oh?”

“Ummm… Ma, may tumawag po sa akin kanina sa


cellphone.”
“Oh..”
Halatang may kaunting pangamba sa boses niya.
“Ayun, e tapos sabi po taga-Admissions Office daw po ng
AdMU.”
Hindi ko alam kung ano ang isusunod kong mga salita. Alam
ko kasi na sa ngayon, may ideya na siya kung ano ang aking ibabalita.
Pinatili pa rin niya ang kanyang kalmadong boses, marahil
naghahangad ng mas mababa sa inaasahan niya, hindi itinatataas
ang ekspektasyon.

“Na-accept daw po ang reconsideration letter ko.”


“Oh my God, anak. Talaga?”
“Opo..” Nabalot na ng nginig ang boses ko rito.
“Talaga? Wow, congratulations, wow. Wow. Mag-thank
you ka anak…wow!”

Halata ko rin ang pagkamangha niya. Manginig-nginig na rin ang


boses niya. Pareho na kaming nasa punto ng pag-iyak. Pareho din
naming pinipigilan ito.

Napuno ang isang saglit na iyon ng mga malalalim na


paghinga’t di kapaniwalaan. Alam kong naririnig ako ng lola at ng
kasambahay. “Patay, bahala na”, sabi ko sa isip ko nun. “Malaman
na nila kung malaman.” Di naglaon, nagtanong muli ang nanay ko na
magpapa-alinlangan sa aking ituloy ang pagkokonpirma ko ng slot.

“E paano na iyong sa U.P.?”


Alam kong gusto nila ako doon.

“Ummm…e ayun.”
Alam kong naintindihan kaagad ako ng nanay ko. Alam niyang mas
gusto ko sa Ateneo. Alam niyang doon ang pangarap ko.

“Ah…e ano pang sabi, may mga kailangan daw bang ibigay
o ano man?”
Ipinaliwanang ko muli sa kanya ang nangyari. Ibinanggit ang
mga sinabi ni Niccolo – iyong birth certificate, grade copies,
confirmation fee, at pati ang pagbawi ng mga pinasang papel sa U.P.,
kung mayroon man daw. Ikinuwento ko rin kung paano noong
Sabado’t Linggo pa pala siya tumatawag. Idinitalye ko rin ang bawat
pangyayari. Takot na baka may makalimutan ako sa mahalagang
eksenang iyon ng buhay ko. Pinaulit-ulit ko ang mga imahen upang
ma-ikuwento ng walang labis, walang kulang, sa Mommy ko.

Hindi naglaon, matapos kong ibaba ang telepono, ipaliwanag


sa aking lola na gawin munang sikreto ang narinig na balita, dali-dali
akong bumalik ng bahay. Napaisip tuloy ako. “E paano na iyong sa
U.P.?” Muli’t muli ko itong tinanong sa aking sarili. Naisip ko ang
mga kathang aking binuo habang pilit na itinatatak sa isipang
mahalin ang nasabing unibersidad – ang mga puno, mga propesor,
mga gusali, mga estudyante.

Alam ko na malaking ginhawa para sa mga magulang ko ang


pagpasok sa U.P.. Menos gastos. Ito na ata ang pinakamabuting
paraan upang kahit papaano’y masuklian ko sila. Pakiramdam ko’y
obligasyon ko ito bilang isang anak, tulad ng nakasanayan na ng mga
nagdaang henerasyon. Tinimbang ko ang lahat ng mga opsyon ko
noon. Gusto ko lamang ba sa AdMU dahil simula pagkabata’y
pangarap ko na ito? Nais ko lamang bang mag-aral dito dahil may
hatid itong ihip ng pagkamataas bukod sa iba pang unibersidad?
Hangad ko lamang ba ang prestiryosang dulot ng pagiging una sa
buong mag-anak na makakapasok dito?
Tumatakbo ang oras. Bawat minuto’t sandali sa dalawang
araw na iyon ginugugol ko na ata sa pagdedesisyon. Alam kong mas
pansariling kagustuhan ko lamang ang mag-aral sa Ateneo. Ngunit
masama ba ito? Hindi ba’t may karapatan ako kahit papano na
hangarin ang isa sa mga pangarap ko na ngayo’y abot-kamay na
lamang? Kultural na aspekto lamang ba ang pag-iisip na kailangang
suklian pa ang mga magulang, kahit na ang kapalit nito’y iyong
pagtitiis? Mainam kong pinagtantuan ang mga bagay na ito.

Hindi ako pagbubuksan ng bintana ng Panginoon kung hindi


Niya nilaan iyon para sa akin. Maaaring pinili ko ang U.P., ngunit
habangbuhay ko namang panghihinayangan ang ideyang sa AdMU
sana ako. Habangpanahon kong ililingon ang aking mga ulo sa
direksyon ng Asul na Agila sa tuwing maglalakad ako sa Academic
Oval. Hindi ko iyon kayang masikmura sa apat na taon ko, o kahit sa
pagtapos man. Lagi kong sasambitin ang “Paano kaya kung nasa
AdMU ako ngayon?…” kung ipinagpatuloy ko ang pagyuko sa
ikinaugaliang kortesia sa mga magulang. Hindi kayang pawiin ang
nag-aalab na pithaya ng puso’t damdamin. Pinili ko ang tumayo sa
itutuktok ng burol, sa gitna ng mundo’t himpapawid.

Nang itakdang hanggang dalawang


taludtod na may parehong tuldok, naisip
na magdagdag ng tutuldok, kuwit,
tuldok-kuwit, gitling, panipi - napahanga
ang sarili. Saka umusbong tandang
pananong, napakamot sa tuktok,
napatanong: Tapos, ano na ngayon?
Pinitas at Nahulog
Jill Santos

L ahat ng mga pamilya may mga pinagdaraanang saligutgot


anomang hugis o porma. Gayunman, ang mga kumplikasyon
ng pamilya na kanilang dinadanas ay sinadya upang
makatulong sa palakasin ang relasyon sa loob ng mga pamilya.
Walang bagay na kung magkano ang isang pamilya sumusubok na
maging perpekto at maiwasan ang mga problem, sila ay agad
mapagtanto at tiyak na nangyayari ang mga kumplikasyon. Sa
halip na maging desperada upang maiwasan ang problema, isipin
na lang siguro kung paano mapapanatili ang pagmamahal.
Karamihan sa mga karaniwang problema o stress na pumapasok
pamilya 'labangan pinansiyal na paghihirap, pagtataksil, trabaho
pagkawala, na substansiya pang-aabuso at Spousal o bata pang-
aabuso. Hindi nalalayo ang mga nabanggit sa naranasan na ng
aking pamilya. Kapag ang mga nakababahalang mga kadahilanan
ipasok sa isang pamilya na madalas na ang mga pamilya ay
magreresulta sa isang hiwalayan. Mahalagang naguusap ang
buong pamilya upang malutas ang mga problema na maaaring
maging sanhi ng stress at sa wakas upang makakuha ng solusyon.

Upang simulan na may pinansiyal na paghihirap lagi tila sa akin


ang unang dahilan na kung bakit. Maaga nagpakasal ang aking
mga magulang. Hindi sinasadya pero wala na silang magagawa.
Andyan na ako. Bata pa talaga siguro at hindi madaling
makahanap ng trabahong makatutulong sa pagsustento ng
pamilya. Pinansyal na kahirapan ang pumasok sa pamilya ko. Isang
tagapuno ng tangke ng tubig lang ang tatay ko. Paulit-ulit na
pakikibaka upang magbayad para sa mga pangunahing
pangangailangan sa kaligtasan at kalusugan ng pamilya. Stress na
ito sa wakas ay nagiging tunay na malalim at patuloy na
makakaapekto sa aming pamilya at sa huli nagging sanhi ng galit
at puot. Pera talaga ang isa sa mga dulot ng paninikip ng dibdib.
upang maging tunay nalulumbay at pakiramdam na parang asa
ang lahat ay nawala. Ang stress na dulot ng mga pinansiyal na
kahirapan ay talagang masama para sa isang pamilya at sa huli ay
maaaring humantong sa mga isyu tungkol sa kasal, o Spousal bata
pang-aabuso at higit pa kung ang mga pagkabigo ay hindi
kailanman ipaalam sa labas ng bahay. Ito ay mahalaga na kapag
pamilya mukha pinansiyal na paghihirap na ang makahanap ng
panahon upang makipag-usap sa bawat isa upang tinig pinansiyal
aalala sa halip na hayaan ang stress ang lumaki sa loob. Ang isang
mabuting paraan para sa isang pamilya sa makaya sa mga
pinansiyal na kahirapan ay upang humingi ng pinansiyal na tulong
budgeting. Paghahanap ng tulong ay makakatulong sa insure na
pinansiyal na pilay ay hindi kasalukuyan. Salamat sa Diyos at
nakapagpatayo ang tatay ko ng sarili niyang kompanya. Hanggang
sa kasalukuyan, ito ang nagbibigay ng buhay sa pamilya namin.
Pagtataksil ay isa pang stress kadahilanan na ang mga pamilya ay
madalas na mukha madalas. Isang punto sa buhay ko, kinailangan
kong tumira sa dalawang bahay. Nagkaroon ng pansamantalang
hiwalayan ang mga magulang ko dahil lamang sa mga haka-haka
tungkol sa pagtataksil. Naapektuhan ang aking pag-aaral dahil sa
mga emosyong aking dinidibdib.

Alam mo ba ang pakiramdam kapag ginawa mo ang tama at hindi


mo na makakuha ng kinikilala ngunit kapag nagkamali ka, ikaw ay
laging pinapaalalahanan? Ang aking kapatid na babae, sa edad na
labindalawa, nakapunta na sa kanyang pinakaunang party.
Walang kaalam-alam ang aking mga magulang. Aking mga
magulang ay hindi kailanman nagtataka sa mga ginagawa niya.
Sinusubukan kong pagtakpan ang aking kapatid upang
maprotektahan ngunit may isang puntong hindi na ako makatiis.
Hindi nila makakuhang magalit sa aking kapatid na babae ngunit
sila ay nagalit sa akin dahil alam ko na pala, hindi pa ako nagsalita.
Hindi ko matanggap na siya na nga ang may kalokohan ako pa rin
ang may kasalanan. Palagi naming ganito. Ako ang palaging mali.
Siguro na rin dahil ako ang panganay. Hindi maiiwasan talaga na
ako ang mapagbuntungan ng galit. Ako dapat ang nakakaalam ng
tama at kinakailangan kong ipamalas ito sa aking mga kapatid. Ni
minsa’y hindi ko nakitang saktan siya ng aking mga magulang.
Tanggap ko na naman na ako lang talaga ang kinagagalitan.

Noong mas bata pa ako, ang aking ina, hindi niya talaga mapigilan
na hampasin ako. Kahit maliliit na pagkakamali at ako ay
makakuha ng isang sampal na. Gusto ko palaging sumigaw at
makakuha ng naninibugho dahil ang aking kapatid na babae ay
palaging makakuha ng mas magandang pagtrato. Kami ay may
mga magkaparehong mga pagkakamali at ako laging nakakukuha
ng mas masahol sa parusa. Ito ay dahil ako ay matanda na. Dapat
ako ang nagiging isang magandang halimbawa. Ito ay hindi
makatarungan naman dahil tao rin lang naman ako. Katulad ng
ang aking kapatid na babae na tumakas at hindi nagkagulo ngunit
sa akin, ang isa na nagtanong pahintulot at ang lahat ay hindi
makakuha pinapayagan at sa problema dahil ako ay nagngungulit
na payagan sa pagpunta sa labas. Hindi patas.

Siguro hindi pisikal ngunit sa pamamagitan ng puso at isip, hindi


ako mapalagay sa bahay. Hindi ko talaga madama na kami ay
isang pamilya. Sinasabihan ako na, "Huwag na akong malungkot,
sinusustentahan naman ako. Sila ay nagbibigay ng para sa iyo.”
Oo, iyon ang totoo. Sila ay nagbibigay ng para sa akin, mga
material na bagay na aanhin ko kung walang pagmamahal. Sa
katunayan, hindi ko lang matanggap ang mga ito dahil ninanais ko
lang ang normal na buhay. Hindi ko nadama ang pagibig.
Mataimtim at matapat. Sila ay hindi kailanman maipagmamalaki
ang mga naabot ko na sa buhay dahil sa aking mga pagkakamali.

Napalayas na ako, nasaktan na ako, nasigawan, nahampas,


naiwan. Kung tutuusin ayoko nang maalala ang mga ito pero dito
hinugot ang aking pagkatao. Naging mas matatag ang puso ko at
ang aking tindig. Matanda na ako, ang lahat ng aking nabanggit,
tanggap ko na. May mga pagbabago naming nangyari eh. Kung
dati ay iiyak-iyak ako, ngayon kaya ko nang mabuhay ng may mas
panatag na loob. Hindi ko na kailangan pang ibulgar ang buong
istorya upang palawakin ang aking gusting iparating.

Napatawad ko na ang mga magulang ko at sa tulong ng Diyos,


hindi na ako maaabala pa.

Si Jill Santos ay parang isang tula


mahirap buklatin. Kapag iyong
sinuri at binasa maiintindihan
mo ang kwento ng kanyang
buhay
Bawat Yapak; Bawat Hakbang
Zygphryg Co

A
ko si Zygphryg Gustave Lee Co, anak nina
Manuel Chua Co at Cheruby Lee Co.
Lumaki ako sa siyudad ng Maynila sa
kamay ng pamilyang may kaya.

Maraming agad-agad ma humuhusga sa aking pagkatao


nang hindi man lang ako nakikilala nang lubusan. Akala nila, isa
akong mapagmataas na tao (isang isnabero, kung tutuusin), laki sa
layaw, matapobre at kung ano-ano pa. Sa palagay ng nakararami,
ang buhay ko ay pumapalibot lang sa kung ano ang masarap,
maganda at kaaya-aya. Kung isa kayo sa mga taong humusga at
nananatiling humuhusga sa akin, kayo’y nagkakamali.

May kasabihan nga na “Huwag basta-bastang husgahan


ang libro batay sa kanyang panlabas na anyo” dahil nakahihigit
dito. Lahi ko’y Instik. Ngunit ano naman ngayon kung iyon ang lahi
ko? May higit pa sa isa’t kalahating bilyong tao sa buong mundo
na may lahing Instik. Ano nga ba ang nangyayari sa buhay ng Intsik
na katulad ko? Isinulat ko ito para ibahagi sa inyo ang aking
pinagdaanan. Ako si Zygphryg Co at ito ang aking buhay.

Ang tatay at nanay ko’y lumaking anak pawis.


Manuel Co ang pangalan ng aking tatay. Lumaki siya sa
probinsya ng Pangasinan. Napadpad ang mga magulang niya sa
Pilipinas dahil sa nangyaring dignmaan noong panahon. Siya’y
pang-anim sa labing anim na magkapatid. Maagang namatay ang
tatay nila at ang kanyang nanay ay nasa malubhang kalagayan
dahil may cancer siya sa tainga at mayroon lamang siyang ilang
taon para mabuhay. Masama ang kapalaran ng nanay ayon sa
isang manghuhula ngunit magiging mapalad at magkakaroon ng
masaganang buhay ang susunod na henerasyon. Ngunit para
gawin ito, kailangan kumpletuhin niya ang labing dalawang
Chinese zodiac signs kaya umusbong na labing anim silang
magkakapatid. Labindalawang taong gulang pa lang ang tatay ko
nang pumanaw ang mga magulang niya at wala siyang magawa
kundi magtrabaho’t kumayod upang masuportahan ang kanyang
mga kapatid hanggang sa naiahon na sila sa kahirapan. Ganyan
katindi ang hirap na naranasan ng tatay ko, na tila isang
telenobelang kuwento tungkol sa buhay rags-to-riches

Halos ganito rin ang buhay ng nanay ko, ngunit ang nanay
ko nama’y lumaki sa pamilyang may-kaya sa buhay. Nasa
katamtaman lang; hindi naghihirap ngunit hindi rin mayaman.
Cheruby Lee ang pangalan ng aking nanay. Nag-aral siya sa isang
pribadong paaralan, ang Immaculate Conception Academy o ICA.
Siya’y kilala sa kanyang makulit, makisig at magulong
personalidad. At dahil doon, hindi siya mapakali at nananatili sa
isang lugar na walang ginagawa. Bukod dito, bata pa lamang siya’y
naging hilig na niya ang pagkuha ng litrato at sa ikasampu niyang
kaarawan, kamera ang ipinangregalo sa kanya ng mga magulang
niya. Ang maganda dito’y hindi niya lamang linaru-laro ang
kamera kundi kaagad-agad niyang ginamit ito bilang hanapbuhay
upang kumita ng pera. Nasa mataas na paaralan lamang siya’y
naging litratista na siya ng paaralan. Sa kasalukuyan, nagmamay-
ari na siya ng isang photo company.at namahinga na siya sa higit
na dalawampu’t limang taong serbisyo sa walong paaralan.

Batay sa mga pinagdaanan ng mga magulang ko, tingin


ninyo masuwerte ang aking buhay, hindi ba? Yung tipong anak-
mayaman na walang ginagawa kundi kumain at matulog. Sa
kasamaang palad, hindi ganyan ang buhay ko. Ang pinakaayaw at
pinakakinaiinisan ng magulang ko’y makita akong nagsasayang
lamang ng oras na walang ginagawa. Ayaw nilang lumaki ako
bilang mangmang at umaasa lamang sa iba. Hindi nila hahayaang
magsayang ako ng oportunidad at potensyal dahil ayon sa kanila,
ang oras ay mahalaga; ang bawat segundo ay katumbas ng ginto.
Mas gugustuhin pa nila akong bumagsak kaysa sa sumuko nang
hindi man lang susumubok.

“Wala tayong lahing tamad!” ang madalas kong naririnig


sa aking mga magulang. Sa sobrang dalas kong marinig ito, halos
nagiit na ito at napukpok sa aking utak. Sa murang edad na
sampung taong gulang, napatikim na ako ng aking mga magulang
ang buhay ng isang trabahador. Litratista ang nanay ko at nasa
negosyo ng konstruksyon ang aking tatay. Gayunman, simula pa
lang iyon at hindi puno’t dulo ng lahat dahil habang ako’y
tumatanda, iba’t ibang trabaho ang aking naranasan. Sa simula pa
lamang, kinainisan ko nga ang magtrabaho dahil nawawala ang
oras ko upang magsaya o maglibang. Ngunit kahit sa paanong
paraan natuto ko ring pahalagahan ang pagtratrabaho datapwat
hindi puro saya at paglalaro ang buhay, may kasamang paghihirap
din ito.

Tuwing bakasyon, marahil matatagpuan ninyo ako sa


talyer, sa office o sa lugar ng konstruksyon(construction site) ng
aking magulang upang makatulong sa kanila. Sa totoo lang, medyo
nasanay na ako dito ito. Naging bahagi na ng buhay ko ang
pagtratrabaho kung may nalalabing oras. Sa aking pananaw: ang
bawat trabaho ay katumbas ng isang hamon o pagsubok na
nakakatulong sa pagpapahasa ng sariling talento at kakayahan.
May kasabihan nga na kailangang paluin o masugatan upang
matuto ang bata sa kanyang pagkakamali. Ang mga munting
bahay na ito ang siyang nagpapalakas sa puso’t diwa ng tao.

Masasabi kong naranasan ko ang hirap sa bawat


trabahong aking napasukan. Ang takot na magkamali ng sukli
bilang isang kahero sa Jolibee, ang presyon at istress sa pagkuha
ng litrato, ang pagod sa pagtratrabaho sa itlugan ng manok, ang
lamig sa pagtratrabaho sa pabrika ng sorbetes, ang pagkainip sa
pagtratrabaho sa talyer, maging sa tindi ng init, pawis, sugat at
kalyo na resulta sa aking pagtratrabaho ng konstruksyon site ay
kabilang sa aking mga naranasan. Ngunit, gaano man kahirap ang
mga naranasan ko, masasabi kong dahil dito na lumabas akong
mas mahusay at mas mabuting tao na handa sa kung anong
kayang ibato sa akin ng mundo. Mananatili lagi sa akin ang mga
karanasan kong ito magpakailanman dahil para sa akin, ito ang
nagsisilbing tunay na kayamanan.

Kahit papaano, maihahalintulad ko na rin ang aking sarili


sa aking mga magulang dahil hindi na rin ako mapakali at hindi
ako mapanatili sa isang lugar na nagsasayang lamang ng oras. Lagi
akong naghahanap ng magagawang produktibo. Nakikita ko na
ako’y sumusunod sa yapak ng aking magulang.

Higit pa dito nais ko pang payamanin ang aking karanasan.


Gusto ko pang dagdagan ito. Hindi lamang para mapatunayan sa
aking mga magulang kundi para rin ito sa aking sarili. Tunay na
nakatulong ang aking karanasan sa trabaho sa iba’t-ibang aspekto
sa paaralan magging sa pang-araw-araw na buhay. Naging mas
praktikal ako pagdating sa mga proyekto at naging maganda ang
aking pakikisalamuha sa tao. Dahil dito, napag-isipan ko ring
sumali sa mga komite at organisasyong pampaaralan katulad ng
Student Council at komite ng Variety Show. At halos sa bawat
komiteng sinalihan ko, binigyan ako ng posisyon o nakaambag ako
ng makabuluhang kontribusyon. Kamakailan lamang ay nagtayo
kami ng negosyo dito sa Unibersidad ng Ateneo de Manila at
matagumpay na bumuo ng isang Christmas Party.

Saan nga ba ako patungo? Ang lahat ng ito’y aking nakamit


dahil sa aking mga karanasan sa trabaho. Hindi magiging posible
ang mga ito kundi sa aking mga magulang at malaking utang na
loob at pasasalamat ang aking igagawad sa kanila.

Ako si Zygphryg Gustave Lee Co, kabilang ng pamilyang


mula sa kahirapan at ngayo’y may kaya, lahing lntsik, trabahador
at lider. Mahalin man ako o kasuklaman, ito ang aking
ipagmamalaki! Ano ang natatangi sa akin? Sa totoo lang, wala
akong maisasagot sa tanong na ito. Ngunit, ito ako at ganito ang
buhay ko; kuntento na ako sa mga ito ay sapat na ito para sa akin.

Isang natatanging indibidwal


na ang buhay ay punong-puno
ng mariwasang karanasan.
ATENISTA o, “atenista”?
Francis Madlambayan

sa N oong nasa mataas na paaralan pa lamang ako ng


Ateneo, naging kasapi ako sa Tulong Dunong. Para
mga hindi nakakalam ang tulong dunong ay isang
proyekto at asignatura ng mataas na paaralan ng Ateneo de
Manila kung saan ang mga estudyante na nasa ika-apat na taon na
sa mataas na paaralan ay pupunta sa isang eskwelahang pang
publiko at magtuturo doon sa buong taon. Noong unang beses
namin pumunta doon naisip ko sa sarili ko na hindi ko
magugustuhan ang asignaturang ito. Paano ko naman
magugustuhan ang asignaturang ito kung parati kaming linulunod
sa mga paggagawa ng mga lesson plan, paghahanda ng mga
masasagutan ng bata na sobrang makulit na minsan ay hindi pa
nakikinig, at marami pang kinakailangang gawin. Pero hindi ko
naman kayang i-cut ito, oh kaya magabsent kasi kinakailangan ito
para magtapos, at ang naging guro naming ay ang pinaka
mabagsik at pinaka kinakakatukan na guro sa department ng
asignatura na iyon, kaya’t inisip ko na titiisin ko na lamang ang
sampung buwan ng pagpapapuyat at pagpapahirap dahil
kailangan ko ito para makapagtapos sa mataas na paaralan.

And pagsisimula ng aking karanasan sa tulong dunong ay


noong nakikila ko ang mga “kids”. Ang una kong karanasan sa
kanila ay hindi gaanong mabuti. Akala nila na ako ay isang malaki
at nakakatakot na nilalang. Noong nagpakilala ako, nakatingin lang
sila at walang sinasabi, kaya natakot naman ako na baka hindi sila
marunong magsalita. Hindi naman sa na akalo ko na pipe sila,
pero sa paraan na hindi sila mahilig magsalita, at ingles pa naman
ang asignatura na tuturuan ko sa kanila kaya medyo nagtaranta
ako noon. Sinubukan ko silang makilala pero ayaw talaga nila
magsalita, at dahil doon lumapit ang aking guro at pinagsabihan
sila, at pagkatapos silang paggalitan ako naman ang pinagsabihan
niya. Sinabi niya sa akin na kung language subject ang tuturuan ko
sa kanila dapat ko rin malaman kung paano makakadaan ang mga
sinasabi ko sa kanila kundi hindi sila matututo. Paulit-ulit niya
itong pinaalala sa akin at mga iba kong kaklase na magtuturo rin
ng ingles sa mga bata, kasi mahalaga daw talaga ito para sa
gagawin naming pagtuturo.

Sa unang pagkakataon kong turuin ang mga bata


sinubukan kong maging mahigpit sa kanila para mas lalo silang
makinig sa akin, pero hindi ito gumana; mas lalo lang silang
natakot at manahimik. Kaya sinubukan ko namang maging hindi
mahigpit, gumana ito ng sandal pero naging maingay at bastos
naman sila. At hindi lang ako ang nagkaroon ng problemang ito,
pati na rin ang iba kong mga kaklase. Kaya noong pauwi na kami,
nakasakay sa dyip namin ang aming guro at narining ang mga
sinasabi naming pati na rin ng mga iba kong kaklase pati na rin ako
tungkol sa ano ang tingin namin sa mga ibang bata. May mga
nagsabi na ang bobo nila dahil hindi nila maunawaan ang mga
sinasabi namin, meron namang mga nagsabi na ang yayabang nila
dahil nagmamagaling na marunong na sila pero pagdating ng
pagsusulit hindi man sila umaabot ng kalahati. Hindi naman ako
makakontra dahil ganun din minsan ang tingin ko sa mga “kids”
ko, kung hindi mayabang, sila naman ay masyadong tamad at
minsan natutulog pa sa klase, kahit sinusubkan kong gawing
nakakainteresado ang aking tinuturo.

Sa susunod na pagkikita ng klase naming at ng aming guro,


pinagalitan kaming lahat. Ang klaseng iyon ay isa sa mga sandaling
hindi ko makakalimutan kahit ano. Sa klaseng iyon tinanong ng
aming guro sa amin kung anong klaseng “Atenista” kami, kami ba
ang atenistang nagaaral lang sa Ateneo, o kami ba ang Atenista,
ang totoong Atenistang nagtutulong sa mga mahihirap at mga
nangangaylangan at ginagawa para sa Diyos, ang Atenistang
sinabuhay ang ‘virtue’ ng MAGIS. Sinabi rin niya na kahit mahirap
ang ginagawa naming dapat hindi kami agad sumuko sa ginagawa
namin dahil kasama ito sa mga kailangan naming bago magtapos,
at ito ay ang commitment, ang hindi pagsusuko at pagbibigay ng
lahat para makuha at makapkap ang nais mong gawin. Binukas
niya ang aking mata, hanggang tinanong ko sa sarili ko na kung
anong klaseng Atenista nga ako. Kung Atenista ako, o kung
“atenista” lamang.

Pagkatapos ng araw na iyon, sinubukan kong siguraduhin


ko sa sarili ko na Atenista nga ako at hindi “atenista”. Simula
noon, ginagawa ko ang lahat para maturuan ko ng mabuti ang
mga “kids” ko. Ginagawa ko ang lahat para maintindihan nila ang
tinuturo ko at ang paramaensayo rin nila ito, para marunong din
silang gamitin ang tinuturo ko sa kanilang araw araw na gawain.
At hindi lang rin ingles ang tinturo ko sa kanila. Minsan-minsan
tinuturuan ko rin sila sa mga ibang mahalagang bagay kung
makatapos kami ng mas maaga, tinuruan ko sila ng mga ‘life
lesson’.

Sa pagkakataon na iyon, dun ako mas naging malapit sa


aking mga estudyante, sa totoo lamang, hindi ko nga sila natignan
bilang estudyante lamang kung kaibigan na rin. Lumapit sila sa
akin upang magkwento at magtanong kung ano dapat ang
gagawin nila sa mga iba’t ibang kalagayan. Nakakausap ko rin sila
bilang kaibigan at nakikipag gagohan rin minsan. Patapos na rin
ang taon at palapit ng palapit rin ang oras na kailangan naming
bisitahin ang mga tahanan nila.

Noong pinuntahan ko ang mga bahay ng aking mga bata,


natatakot ako na baka may mangyari sa akin na masama; na baka
makidnap ako o kaya mahold up. Nang makarating ako doon sa
lugar nila sa may Marikina, na kita ko kung gaanong kahirap ang
buhay nila. Ang ilan sa kanila ay nakatira lamang sa barong-
barong, pero kahit mahirap sila masaya pa rin silang tingnan.
Minsan nga naiisipan ko na masmasya pa minsan sila kaysa sa
akin. Dito ko naisipan na baka mas mahirap unawain ang
kasayanang ng isang taong maykaya kaysa sa isang taong mahirap.
Ang isang taong may kaya ay kailangan may gamit parati o kaya
dapat may ginagastos para maging ‘masaya’, ang mga mahihirap
naman ang kailanagan lang nila para maging masaya ay pagkain,
na minsan pinagbabayaan lamang ng may kaya, o kaya’t maging
kumpleto lamang sila sa pamilya, na minsan ay hindi na rin
masyadong pinapansin ng mga may kaya dahil ang lahat ng iniisip
nila ay “ako, ako,ako”.

Pagkatapos ko napansin ito, naisip ko kung ano ang


kinasasayahan ko minsan. Inisip ko kung mas nagpapasaya sa akin
ang pagbibile ng bagong electronic na gamit, o ang pagkakaroon
ng ‘full meal’ sa araw-araw. Kung mas masaya ako kasama ang
aking kaibigan kaysa sa paglalaro lamang ng mga video games.
Dito ko na pansin na ang kasayahan sa panahon na ito ay
napakaiba depende sa iyong kalagayan sa lipunan. Bilang isang
Atenista masasabi ko na minsan mas masaya ako na makakuha ng
bagong gamit kaysa sa pagkakaroon ng pagkain sa mesa araw-
araw. Pero masasabi ko rin na mas gusto ko naman kasama ang
aking mga kaibigan at pamilya, kaysa sa pagkakataon na lumabas
para bumili ng gamit. Inisip ko rin na kung ganun nga ang aking
pagiisip totoong Atenista ba ako, o kaya’y tao na nagaaral lamang
sa Ateneo.

Hanggang ngayon hindi ko pa masabi kung ano nga ba


talaga ako sa dalawa. Pero gusto ko sanang masabi na ako ay
isang totoong Atenista, kahit may mga ibang bagay na nagsasabi
na hindi ako ganun. Nakakalungkot kong sabihin na wala pa rin
talaga akong ideya kung ano nga ako sa dalawa pagkatapos ko
magaral sa Ateneo pagkatapos ng apat na taon ko sa mataas na
paaralan, sana na lamang masasagot ko na ang tanong kong iyon
pagtapos ko ng kolehiyo sa Ateneo ulit. At sana pagtapos ko dito
masasabi ko na ako ay isa ngang totoong Atenista.

Si Francis Madlambayan ay
isang tunay na Atenista.
Mga Munting Sorpresa sa Buhay
Cara Farin

A
las siyete ng umaga na ako nakaupo sa
pahingahan sa paliparan. Tinititigan ko
lamang ang siyam na ibang tao na
makakasama ko sa paglalakbay na ito. Habang hinihintay ko ang
oras ng pag-alis, nagsimula sa pag-aanod ang aking isipan. Halo
halo ang pagkatakot, pagkakaba at ang pagka-ditiyak sa aking
buong sarili. Sa nakaraang labing pitong taon, tunay na babahagya
lamang ang ideya ko tungkol sa aking kalahatang pagkatao. Gayon
pa man, sa isang marilag, natatangi at talagang dakilang
karanasan, marami akong natanto tungkol sa aking sarili na
kailanman ay hindi ko nabatid.

Patungo sa Tokyo, Japan kaming pitong babae and tatlong


lalaking mag-aaral mula sa iba’t-ibang paaralan sa Metro Manila.
Bahagi kaming sampu sa isang exchange program na tinatangkilik
ng organisasyong Youth For Understanding. Dalawampu’t siyam
na araw dapat kami manatili sa kani-kanyang nakatalagang
lalawigan kasama ng aming mga pamilyang Hapon. Ang mag-aral,
maglinis at matuto sa kanilang kultura ay ilan sa mga gawain
naming bilang mga iskolar.

Para sa karamihan, tila tatalon sila sa pagkakataong


nabiyaya sa akin. Noong una, napakasaya kong nalaman na isa ako
sa mga napiling makapupunta sa Japan. Subalit nang papalapit
nang papalapit ito, mas lalo akong naging alanganin dahil lamang
sa pagkatakot. Naghanap ako ng mga katwiran at dahilan na
nagpipigil sa aking tumungo sa ibang bansa. Maliban sa takot,
kinabahan ako na baka mahuli ako sa eskuwelahan. Naganap ito
noong nasa ikatlong taon ng mataas na paaralan ako kaya’t
mahirap talaga ang lumiban sa klase, lalo na ng isang buong
buwan. Mababaw man ito, nalungkot din ako nang malaman ko
hindi ako makadadalo sa prom ko at ng aking kasintahan noon.
Bilang babae, ang pagplano sa prom ay naganap noon pa man.
Sabi nga nila, ang prom daw ay isa sa mga makasaysayang
pangyayari na maaaring mararanasan ng isang dalaga at binata.
Itinuring kong bilang isang trahedya ang hindi ko pagdalo. Mas
mahalaga dito, ang paghihiwalay ko sa aking pamilya, kasintahan
at mga kaibigan ay ang higit na pumipigil sa akin.

Kung may humahanggan naman sa akin, siyempre


mayroon ding mga dahilan na labis na tumutulak sa akin na
dakmain ang pagkakataong ito. Lahat tayo ay nagsasawa sa mga
pangkaraniwang nagaganap sa ating mga buhay at hindi ako
kataliwasan doon. Sumali ako sa programang ito dahil mayroon
akong matinding pagnanasa para sa pagbabago at pagkaiba.
Nakakapagod din pumasok kaya ngunit mahuhuli ako sa klase,
ninais ko na kahit paano magkaroon ng munting bakasyon.
Ako ang nag-iisang anak ng aking magulang. Maari mo lang
gunigunihin kung gaano kahigpit sila sa akin. Ako ang kanilang
unica hija kaya ginamit ko ang pagkakataong ito para makawala sa
hawak nila. Inibig kong saliksikin ang aking sarili at aking mga
kakayahan. Inasahan ko pa nga na makatuklas ng ilang mga bagay
tungkol sa aking pagkatao. Gusto kong matuto kung paano
tumayo sa aking sarili at maglakad gamit ang aking sariling
dalawang paa kaya hindi na ako nag-atubiling tanggapin ang pag-
aalok na ito na baka hindi na maulit muli.

Noong panahon noong nangyayari itong lahat, dalawang


taon na kaming magkasama ng kasintahan ko. Inaamin ko na sa
maikling panahon na ito, ako ay naging kalakip at dependyente sa
kanya. Hindi ako mapakali tuwing nag-aaway kami at nababaliw
ako sa maliliit na bagay lamang. Nakakainis at nakakasuklam pa
ngang isipin na naging isa akong taong pinangako kong kalian man
ay hindi magiging. Nag-iba ako ng lubos. Natanto ko na ako ay
naging makasarili, wala sa katwiran at parang inaasahan ko siya
para sa lahat ng bagay. Hindi ko ito nagustuhan at ninais ko na
magbago ako o sa kasong ito, bumalik sa dati kong pagkatao. Ang
pagktao na gusto ng lahat, lalong-lalo na ako. Nung nasa Japan
ako, bihira lang ako gumamit ng kompyuter dahil lagi kaming
lumalabas ng pamilya ako at nakahihiya naman laging manghiram
sa kanila. Dahil dito, natuklasan ko na kaya ko palang mabuhay na
wala siya. Natuto akong ipagpatuloy ang aking buhay na hindi siya
iniisip. Natuwa ako sa aking sarili dahil pinaalala ng biyaheng ito
na umiikot pa rin ang mundo kahit mag-isa ako. Pinaniwalaan ko
na makakatulong sa akin maging malakas na tao at maging isang
taong may kasarinlang yung paglaklakbay na iyon.
Ilang araw bago ang aking pag-alis, eksaktong labinlimang
araw bago ito, yumao ang aking tanging nabubuhay na lolo.
Daddy lo ang tawag naming magpipinsan sa kanya. Bagama’t
naghiwalay sila ng lola ko noon pa man, madalas pa rin siyang
bumibisita sa amin. Tuwing kaarawan, pasko, araw ng mga ama at
bagong taon, iniimbita pa rin si Daddy Lo sa aming mga
pagtitipon. Sinuri siya ng maraming doktor at pareho ang sinabi
nilang lahat – siya ay may kanser at tatlo hanggang anim na
buwan na lamang meron siya. Apat na buwan pa ang inabot ng
aking lolo at nakakasayang isipin na nakasama pa namin siya
noong pasko at bagong taon. Noong yumao na ang aking Daddy
Lo, natamaan ako nang sobra. Ito yung unang beses na nawalan
ako ng taong malapit sa aking puso. Hindi ko alam kung paano
kumilos, mag-isip, makaramdam. Tunay na isang trahedya ang
nangyari sa aking pamilya. Malumbay na malumbay ako noon at
naniwala ako na kailangan ko yung biyahe para makatakas sa
aking kalungkutan at gamitin ito para sa paghilom. At sa
katunayan, nakatulong ito. Nakatulong ang pananatili ko sa iba at
bagong lugar na makagamot ng mga kirot. Nakatulong din ang
biyahe ko sa Japan na panatilihing okupado ang aking isip. Totoo
nga ang sinasabi nila, ang oras o panahon ay nagpapagaling sa
lahat ng mga sugat.

Maaari mong isipin na ang isang buwan ay walang


katuturan at hindi nakakaapekto sa pagkatao ng sinuman. Ngunit
kung talagang nag-iisa ka sa kakaibang teritoryo, mapipilitan kang
umangkop sa kanilang mga paraan at kultura. Napakatradiyunal at
konserbatibo ng lipunan ng mga Hapon at kinailangan ko
sumunod dito. Mas lalo kong natutunan kung paano makisama
hindi lamang sa mga taga-ibang bansa kung hindi sa mga kapwa
Pilipino ko din. Natutunan ko kung paano alagaan ang aking sarili
– mula sa pag-impake ng aking mga kagamitan hanggang sa pag-
alaga ng aking pera. Gumawa rin ako ng mga sariling desisyon,
pinangasiwaan ko ang lahat ng mga pagsubok na dumaan habang
nandoon ako at nadiskubre ko ang iba ko pang lakas at kahinaan
na walang ibang may alam. Ipagpapalagay ko na maari mong
sabihin na sa isang buwan, ako ay tumanda. Kagulat-gulat na isang
pangyayaring sobrang saya ay nakatulong din sa akin sa iba’t
ibang paraan. Sa ating mga araw-araw na karanasan, importante
na tumigil muna tayo at subukan na pahalagahan ang maliliit na
bagay na karaniwang binabalewala lang natin.

Sa palagay ko, mas maraming nagawa para sa akin ang


paglalayag na ito kaysa sa nagawa ko sa kanya.

Mahirap na paniwalaan na ang isang buwan ay


makababago kanino man. Naniniwala ako na ang ating
personalidad ay pinaghalong maraming karanasan. At itong
katangi-tanging karanasan ay tunay na nag-ambag kung sino ako
ngayon. Isa akong tao na may tamang prayoridad at na alam ang
gusto sa buhay at kung ano ang pinakamabuti para sa sarili. Isa
akong taong nakakaalam kung ano ang mahalaga sa mundong ito
at alam na hindi dapat ito bitawan marahil lamang sa takot at
kawalan ng tiwala.
Dapat sulitin natin lahat ang ating mga sarili, dahil ang
sarili lang natin mismo ang mayroon tayo. Ang pagpunta ko sa
Japan ay tiyak na isa sa, kung hindi ang pinakamagandang bahay
na nangyari sa akin. Pinagmamalaki ko na nagbago ako sa
maraming paraan. Ako ay ganap na, hindi umaasa sa iba at sapat
na matatag na upang ipagpatuloy ang pagbuo ng aking pagkatao
sa kolehiyo at sa wakas, ang tunay na mundo.

Kahit na ang Japan ay lubhang napakahalaga sa aking


buhay, alam ko na kung ano ang nasa dating dako at kung ano ang
nasa sumusunod na dako ay mga maliliit na usapin ka pag
ihahambing sa kung ano ang nasa loob nating lahat. Ang ating
mga looban ang naglilikha ng daan patungo sa ating paglago at
kaligayahan. Sa maikling panahon ng isang buwan, natagpuan ko
ang aking sarili ngunit alam ko na ang pagkatuklas ko ay hindi
hihinto doon. Nagaganyak akong makita ang susunod na
mangyayari. Gayunpaman, para sa ngayon, labis akong
nagpapasalamat sa munting pangyayari na iyon. Kamangha-
mangha talaga ang buhay.

Si Cara Farin ay isang


babaeng napakasaya—
mahilig kumain at
tumawa.
Pagsulat
Pauline Dedel

H
indi ako sanay sa pagsulat tungkol sa aking sarili.
May isang tiyak na antas ng pagtuligsang
binabahagi ang isang tao kapag nagsusulat siya
tungkol sa kanyang sarili. Minsan, mahirap magsulat ng sariling
ideya at damdamin dahil sinusulat mo ang isang bahagi ng iyong
sarili sa bawat salita. Ang iyong mga saloobin, ang iyong pagkatao,
ang iyong tunay na sarili na walang pagkukunwari ay magiging
isang bahagi ng iyong pagsulat. Nakikita ng buong mundo ang
isang bahagi ng iyong sarili at hahatulan ka sa iyong pagkatao
kapag ang iyong sariling salita ay naihayag sa papel. Maaring
basahin ng mundo ang iyong pagkatao batay sa iyong pagkasulat,
at puwede naman ding iba sa sa iyong pinaniniwalaan.

Sa kasamaang palad, kapag kinakailangan ang isa na


magsulat ng isang papel para sa isang klaseng kailangan niyang
ipasa, ang pagsulat ng bahagi ng iyong sarili sa gawain ay tiyak na
mangyayari. Maaari siyang pumiling magsulat tungkol sa isang
bagay na mababaw, o sa isang tipikal na karanasan, at
magpapanggap siyang matibay ang kanyang loob. At dahil dito,
puwede siyang umasta-asta na mabuti at masigla siya. Ngunit,
darating ang isang punto kung saan masyadong baldado ang
pagpapanggap at nakasasawa ang kababawan. Sumusuko siya at
nagsisimulang matuklasan ang susi sa aparador ng kanyang puso
na siya sinumpahang niyang hindi bubuksang muli. Bubuksan niya
na ang aparador nang dahan-dahan habang nagsusulat siya.
Matatanto niya na umaapaw ito sa masakit na alaala na inakala
niyang nabitiwan at kinalimutan.

Marso 2010 – Nanonood ako ng pangwakas na tagpo sa


pelikulang "First Daughter". Nasa bahagi ako ng pelikula kung saan
ang ama ay nakipagkasundo sa kanyang anak na babae at nagka-
isa silang muli. Ito ang pinakamagandang tagpo na aking nakita.
Pinilit kong pigilan ang mainit na luhang pumapatak sa aking
mukha. Kinuskos ko ang aking mga mata at umubo bilang isang
palihim na paraan ng pagtuyo sa aking luha dahil ayaw kong
mabatid ng aking mas nakababatang kapatid na umiiyak ako at
baka gumawa lang sila ng eksena dahil lamang dito. Ano ba yan.
Ano bang mayroon ang mga eksenang ganito? Nagtapos ako sa
kaisipang palaging sumusobra at hindi nakaaalam ng limitasyon
ang aking pagiging sensitibo. Sa kasamaang palad, maaari ko
lamang tigilan ang aking luha sa isang tiyak na hangganan, kaya
tumakbo ako sa aparador at umiyak nang todo-todo hanggang
wala nang mailabas ang aking mga mata. Naka-upo ako sa tahimik
ng kadiliman nang tinanong ko sa aking sarili kung bakit ako
ngumangawa tulad ng isang sanggol. Hapdi ba ito? Kagalakan?
Stress? Hay, bahala na. Walang kuwenta naman ito. Sayang ang
oras ko. Kailangan ko nang tumanda at tigilan ang kabaliwan na
ito.
Nobyembre 2006 – Nakatulala ako sa mga bintana habang
sinubukan niyang magpaliwanag, ngunit ang kanyang unang
pahayag lamang ang umaalingawngaw sa aking tainga.
"Sasalubungin natin ang iyong mas nakatatandang kapatid na
lalaki at kapatid na babae- ang anak ng iyong Tita Peggy". Naka
parada kami sa kanto ng Jupiter Street at Makati Ave. Naririnig ko
ang kanyang tinig na nagpapaliwanag kung saan at kailan kami
magkikita ng aking mga “kapatid”, ngunit hindi ako nakikinig.
Inaral ko ang plaka ng sasakyan na dumadaan sa amin. Nakakita
ako ng lumang plakang kinakalawang na, makintab na plaka, at
ang ilang medyo bago ngunit may kaunting kupas. Nang
nawatasan kong biglang tumahimik ang kotse, naghanap ako ng
tibay ng loob upang lumingon sa kanya. "Dad, magagawa mo pa
rin bang mahalin ako gaya ng dati… kahit na mayroon kang ibang
mga anak?" Tinitigan ako nang kawalang-paniniwala. Mukha
siyang sinuntok at binugbog ng isang tao. Subalit wala siyang
sinabi sa loob ng tatlong minuto, hanggang sa wakas tumugon
siya, "Huwag kang mag-aalala, walang magbabago sa atin..." Hindi
ko alam kung paano ko tatanggapin iyon. Dapat bang mapayapa
ang aking puso dahil mahal pa rin ako ng aking ama, o magdududa
na ako sapagkat tumagal ito ng isang daan at walumpong segundo
bago siya makasagot? Para akong plaka ng isang lumang trak-
kinakalawang at hindi espesyal. May biglang pumukaw na naisin
sa aking puso na maging tulad ng isang "bagong plaka" upang
tiyakin na mamahalin pa rin ako ng aking tatay kahit pagkatapos
ng pagpulong ng kanyang mga "bagong" anak. Hindi ko sigurado
kung ano ang aking nadama, ngunit alam ko na malayo sa
pagmamahal.
Abril 2008 – Malakas na bulyawan ang aking narinig at ang
tunog ng pagbagsak ng mga bagay at pinto. Parang musika lang sa
aking tainga. Sa bagay, hindi naman ito kakaiba kaya’t sinubukan
ko lang na hindi na maapektuhan. Nakinig ako sa mga pinagsasabi
nila ngunit malabo ang pagkarinig ko sa tinig ng aking mga
magulang dahil sa pader. Ang narinig ko lamang ay "Isa pang
babae" at "Taksil!" Winalang-bahala ko ito at naupo sa tabi ng
aking kapatid na nawili sa kanyang Hot Wheels na laruan.
Pinapanood ko siyang maglaro. Sinusubukang magkabanggaan
ang dalawang kotseng hawak niya. Ginawa niya ito nang ilang
beses, hanggang sa wakas, nagkabanggaan din ang mas maliit na
kotse ay lumagpak sa kabilang direksyon. Tiningnan ng aking mas
nakababatang kapatid ang talunang kotse, tumalikod mula sa ito
at kinuha na lamang ang nanalong kotse. Tinitigan ko ang
nakataob na kotse at ginamit ang aking guniguni kung paano ang
kotse gumanti kung may damdamin ito. Siguro makadarama ito ng
pagkabigo sa kanyang sarili dahil hindi siya naging mas malakas o
masasaktan dahil nakahanap ang aking kapatid ng mas mahusay
na kotse, o maaaring maramdaman niya na walang kuwenta siya
at nag-iisa. Habang inaaral ko ang kotse, nakadama ako ng tiyak
na pagkakatulad sa kotse. Isang bagay sa aking sistema ay
nagsimula nang madurog. Natanto ko na mga patak ng tubig
kumakayat sa aking mga mata. Bakit ako umiiyak! Nakaupo sa
katahimikan habang sinusubukang taluntunin ang mga ugat ng
aking mga luha. Sa huli, nagsimulang pumukaw ang sakit ngunit
pinigilan ko ito bago masaktan ako nang husto. Bahala na.
Nagpasya ako na mas ninanais kong hindi ko alam ang sanhi ng
aking luha dahit baka mas masakit kapag nalaman ko ito.

Darating ang panahon kung kailan hindi na nagiging isang


opsyon ang pagiging manhid. Darating sa isang punto na
mahahanap ka ng sakit na iyong tinataguan. Darating ang
panahon kung kailan kailangan mo nang tumigil sa pagtakbo at
harapin ang katotohanang ibinigay sa iyo. Sa puntong iyon,
matatanto mo na puwedeng hindi maging mabuti’t masaya. Lalo’t
ang mga nagmamahal sa iyo ang nagiging dahilan ng iyong
pagkabigo, at marahil nagpapababa ng tingin mo sa iyong sarili.
Maaaring iwan ka nila, pagdudahan ang iyong mga kakayahan;
iparamdam na hindi ka minamahal, o ipamukha sa iyo ang
katotohanan na hindi ka sapat. Ngunit hindi nila kasalanan kung
makikinig ka at maniniwala sa mga sinasabi nila. Hindi ko sinisisi
ang aking ama para sa aking mga pagdududa sa sarili at pang-
agam-agam. Oo,masakit ito. Oo, nasaktan ako. Oo, nagpabago ito
sa aking pananaw. Oo, apektado ang isang malaking bahagi sa
akin, ngunit tumutukoy ito sa aking pagkatao.

May isang tiyak na antas ng pagtuligsang binabahagi ko


kapag nagsusulat ako tungkol sa aking sarili. Ang aking mga
saloobin, ang aking pagkatao, ang aking tunay na sarili sa aking
natural na kalagayan ay isang bahagi ng aking pagsulat. Nakikita
ng buong mundo ang isang bahagi ng aking sarili at hahatulan ako
sa akong pagkatao kapag ang aking sariling salita ay naihayag sa
papel. Maaring basahin ng mundo ang aking pagkatao batay sa
aking pagsulat, at kaya nilang husgahan ako sa kahit ano mang
paraang ninanais nila. Ang sandata ng manunulat ay naglalabas at
nagpapahiwatig ng mga bagay na nagtatago at iniingatan (masakit
man ito o hindi), at darating ang panahon kung kailan
matatagpuan ang susi sa paghahanap ng kapayapaan ng iyong
sarili.

Si Pau Dedel ay mahilig sa


tsokolate. Para sa kanya,
nagdudulot ng kasiyahan
ang pagmamahal sa
Panginoon.
Panibagong Pasko
Gian Caparas

M
alamig ng araw na iyon. Buwan na kasi ng
Disyembre. Ramdam na ng halos lahat ang
nalalapit na pagsapit ng pasko. Nakasilip na
ako sa bintana ng ospital na iyon sa siyudad ng Mandaluyong nang
lumabas mula sa isang silid ang doktor at lumapit sa amin. May
ngiti sa kanyang mga labi sabay bigkas ng “babae po ang sanggol”.
Ito ang mga katagang huli kong narinig bago pumatak ang luha
mula sa aking mga mata. Agad-agad akong pumunta sa banyo at
tumingin sa salamin, hindi ko namalayan kung gaano katagal. Kay
daming tanong ang tumakbo sa aking isipan. Ako pa rin ba ang
bibigyan ng mas maraming atensyon? Mababago na ba ang lahat
pagkatapos ng mga nakasanayan ko ng halos labindalawang taon?

Asul ang inihandang disenyo ng silid para sa bagong


miyembro ng aming pamilya, mula sa pintura ng mga pader
hanggang sa kulay ng punda, unan, at laruang pambata. Sanggol
na lalaki noon ang lumabas sa resulta ng ultrasound ng aking ina.
Walang sino man ang nag-akalang babae ang lalabas mula sa
sinapupunan nya. Agad-agad pinalitan ang mga kagamitan ng
kulay pink upang umakma sa kasarian ng aking nakababatang
kapatid. Hindi naging madali ng mga panahon na iyon ang
pagtanggap sa katotohanan na sa isang bubong lamang kami
maninirahan.
Dalwa kaming magkapatid ng halos labindalawang taon,
ako at ang aking kuya, na isang taon ang itinanda sa akin. Madalas
kaming nag-aaway nong bata pa lamang. Nagbubugbugan sa
kama, nagbabatuhan ng laruan, o kaya'y nagsisiraan ng gamit ang
eksenang laging naabutan ng aming mga magulang sa tuwing
umuuwi galing sa trabaho. Nahirapan kaming maging malapit sa
isa't isa dahil siguro sa pinagdaanan namin noong bata pa lamang
at marahil na rin sa napakaliit na pagitan ng aming edad. Ngunit
unti-unti kaming naging hiyang sa isa't isa habang tumatanda at
nagkaroon na ng kamalayan sa mga nanyayari sa aming paligid.
“Gian, gusto mo sumama sa eskuwelahan ko?” tanong ng aking
kuya sapagkat may fair noon sa La Salle. “Oo, sige,” sagot ko nang
may ngiti sa aking labi. Simula noon hindi na kami nag-away,
bihira na lamang. Binibigyan niya ako ng kendi sa tuwing bibili siya
sa tindahan. Alam na rin niya ang mga paborito ko. Masaya na
sana ang lahat kaso dumating siya. Nalipat na rin ang atensyon ng
aking kuya sa pag-aalaga sa bagong bunso. Mayroon na ulit na
tatawag sa kanyang “kuya”.

Lexene ang naging palayaw niya. Tunay na kinagiliwan at


hinangaan siya ng nakararami dahil sa angking kalistuhan at
kasiyahan. Hindi siya katulad ng ibang bata na mahiyain at
parating nakatago sa likuran ng ina. Talagang pinagtuunan siya ng
pansin ng lahat, lalo ng aming mga kamag-anak at kapitbahay.
Nag-uumapaw sa bisita ang aming tahanan sa tuwing
ipinagdiriwang ang kaarawan ng aking kapatid. Puspusan ang
preparasyon na ginagawa ng aking mga magulang, malayo sa
naaalala ko na pagdiriwang ng sariling kaarawan. Isang simpleng
handaan lamang ang aking naranasan noon-- nasa garahe lamang
kami, may cake at ilang batang bisita, kaunting handa at iilang
regalo mula sa aking malalapit na kaibigan. Ngunit noong unang
kaarawan ng aking kapatid, may cotton candy, fishball, catered
ang pagkain, clowns, presentasyon na inihanda ng aking mga
pinsan, mga souvenir na ipinagawa pa, iba't ibang kulay ng lobo at
nag-uumapaw na regalo. Lalong uminit ang dugo ko sa aking
kapatid dahil siya na naman ang bida, siya nanaman ang
pinagkagastusan.

Nagkaroon ng isang kagimbal-gimbal na pangyayari noong


ilang buwan pa lamang si Lexene. Naglalaba ang aming
kasambahay at ako ang naatasang mag-alaga sa aking kapatid.
Nakahiga siya sa salas samantalang nakaupo ako sa sahig, ngunit
sa sobrang panonood ko ay nakalimutan kong pagtuunan ng
pansin ang aking kapatid sa pag-iisip na katabi ko naman siya.
Hindi ko namalayan at biglang gumulong ang sanggol na
napakabata pa lamang at nalaglag sa sahig na, sa kabutihang
palad, ay may carpet. Agad pumasok ang aming kasambahay
pagkatapos marinig ang aking sigaw. Hindi makahinga ang aking
kapatid, namumutla. Hindi ko mawari ang gagawin. Siguradong
ako ang sisisihin at malalagot sa oras na may mangyaring masama
sa kanya. Nakahinga na ako nang maluwag pagkatapos ng ilang
segundo sapagkat nakagalaw at nakahinga na ang aking kapatid
kasabay ng napakalakas na iyak. Pinatahan ko siya noon.
Napagtanto ko na dapat ko pa bang hintayin na may mangyari pa
ulit bago ko baguhin ang pakikitungo sa kapatid?

Nakalimutan ko na ang insidenteng iyon makalipas ang


ilang buwan o taon, hindi ko na mabilang. “Nag-iiba nag ugali niya
habang lumalaki,” iyan ang lagi kong sinasabi sa aking sarili pati na
rin sa aking mga kaibigan. Natatak na marahil ito sa aking isipan
kaya bawat kilos ng aking kapatid ay kinokontra ko. Araw-araw
siya nag-aaya sa mall para magpabili ng gamit na nakita niya sa
kanyang kaklase at kailanman ma'y hindi tumanggi ang aking mga
magulang. Nagselos ako sapagkat dati ako ang binibilhan ng lahat
ng magustuhan. Ngayon, kailangan ko na mag-ipon para sa
ninanais na damit o kagamitan. Ngunit bakit ko nga ba siya
sinisisi?

Marahil totoo nga ang haka-haka na kapag isa ka nang


teenadyer ay mas napapalapit ka sa mga kaibigan mo na sa
palagay mo'y mga taong pinakanakakaintindi sa kalagayan mo.
Lalong nag-iba ang pakikitungo ko sa aking pamilya pagtungtong
ng hayskul. Sa mga kaibigan umikot ang aking mundo. Ang gusto
ko lamang ay makasama sila kahit tuwing Sabado at Linggo. Lagi
kaming may lakad-- manonood ng sine, tatambay sa bahay ng
kabarkada, pupunta sa mall, o kaya sa tabing-dagat. Parati akong
pinapayagan ng mga magulang ko at madalas ay inihahatid pa nila
ako sa pupuntahan. Naisip ko tuloy na wala na siguro silang
pakialam sa akin dahil lamang mayroon na silang bagong
inaatupag o binibigyan ng oras. Wala nang alam ang mga
magulang ko sa akin noon kahit ang mga marka na nakukuha ko sa
pagsusulit, ang mga responsabilidad ko bilang isng lider sa iba't
ibang aktibidad sa eskuwelahan, at pati ang mga sinasalihan kong
extracurricular tulad ng pagiging miyembro ng volleyball varsity at
Pep squad. Naisip ko na hindi na rin naman sila nagpapakuwento
kaya't bakit pa ako maglalaan ng oras para ibahagi sa kanila ang
mga pangyayari na naging pinakamasayang araw ko sa hayskul.

Madalas siguro kaming umaalis ng aking ina tulad ng


ginagawa namin noon; kami'y manonood ng sine o kaya ay kakain
sa labas. Nag-uumapaw ang libreng oras para sana sa aming
dalawa upang pagkuwentuhan kahit ang mga napakababaw na
bagay na nangyayari sa aming pangaraw-araw na buhay.

Lumipas ang panahon at patuloy na lumalim ang hinanakit


sa aking puso at dahil dito lalo rin akong napalayo sa mga
magulang na takbuhan ko noon. Noong nasa ikatlong taon ako ng
hayskul, napatawag ang aming barkada sa opisina ng prinsipal
dahil sa mga litratong nakalap sa internet noong kaaraw ng aking
kaibigan na si Stacey. Kay lakas ng kabog ng aking dibdib sapagkat
hindi ko alam kung paano sasabihin sa mga magulang ko na
kailangan nilang mag-absent sa opisina para pumunta sa
eskuwelahan, kasama ang iba pang ina, at kausapin ang aming
mga guro. Agad kong napagtanto na hindi niya ito maiintindihan
dahil hindi naman niya alam ang mga nangyayari sa akin at
ngayon'y magdadala pa ako ng panibagong problema. Desperado
na akong sabihin ngunit hindi ko alam kung paano. Isang gabi,
nagsulat ako ng liham para sa ina, Sinabi ko halos lahat ng nais
sabihin dati pa na kinimkim ko ng medyo matagal na panahon.
Kung gaano na ako napalayo at na sana maintindihan niya ang
kasalanang nagawa ko na hindi ko naman pinagsisihan.
Nagkasiyahan lamang kami ng aking kabarkada at walang mali sa
paglagay ng litrato sa internet dahil nais namin itong ibahagi sa
isa't isa. Nabigyan lamang ng ibang kahulugan ito ng iba na
marahil ay walang magawa sa buhay. Umabot ng apat na pahina
ng papel ang sulat ko sa ina. Hindi ko napigilang umiyak habang
ginagawa iyon ng halos dalawang oras. Parang nabunutan ako ng
tinik pagkatapos ko ilathala ang aking mga hinanakit sa
nakababatang kapatid at pati na rin sa mga magulang na inisip
kong ayaw na rin gumawa ng paraan para mapalapit muli sa akin.
Humingi ako ng tawad dahil naging makasarili ako at inisip lamang
ang mga bagay na inakala ko na magpapasaya sa akin. Iniwan ko
ang sulat na ito sa aparador ng aking ina at kumaripas sa pag-alis
papunta sa bahay ng kaibigan. Pagbalik ko, walang sinabi ang
aking ina. Hindi siya nagalit ngunit hindi rin siya nagpaliwanag.
Pumunta siya sa Assumption ng may mga ngiti sa labi, kitang-kita
na handa siyang ipaglaban ako at ang aking mga kaibigan sa mga
nanghuhusgang guro. Hindi ako nagkamali. Pagkatapos ng
pagpupulong, agad ibinahagi ng ina ni Stacey kung paano ako
ipinagtanggol ng sariling ina sa harap ng lahat. Hindi mawari ang
ngiting abot tenga na buong araw ko suot.

Dito na nagsimula ang mga pagbabago. Nakakausap ko na


minsan ang aking bunsong kapatid. Minsa'y sabay pa kaming
nanonood ng telebisyon, kumakain ng tsokolate, at naliligo.
Tuwing umuuwi galing eskuwelahan, ibinabahagi ko ang
nangyayari sa aking mga klase. Anim na taon na ang nakalilipas
ngunit minsan ay duma-dausdos pa rin sa aking isipan, bago
matulog, ang mga pangyayaring para sa akin ay sumubok sa
relasyon ko sa aking pamilya. Tunay ngang sila lamang ang
matitirang andyan para sa iyo sa mga panahong wala nang
handang tumulong. Hindi nila ako pinabayaan o itinakwil kahit
naging isa akong masamang anak. Madalas na kaming kumakain
sa labas at nagsisimba bilang isang pamilya. Ako na ang
tinatanong nila kung saan kakain o kung ano ang magandang
palabas na papanoorin. Tuwing umuuwi ang aming ina, mayroon
na siyang pasalubong sa aming lahat hindi lamang sa aking
bunsong kapatid. Nakatulong din siguro ang patuloy kong
pananalig sa Diyos at pagdarasal na sana magbago na rin ang
lahat, maibalik sa dati ngunit kasama na sa eksena ang aking
bunsong kapatid. Napagtanto ko na wala na akong magagawa
kaya't bakit hindi ko pa tanggapin. Anak din siya ng Diyos tulad ko
at hindi niya kasalanang mabuhay sa mundo.

Labingwalong taon gulang na ako ngunit hindi ko pa rin


mawari kung bakit hindi ko pa rin pilit makalimutan ang poot na
nadama ko sa aking puso. Pero handa na akong magsimula ng
panibagong yugto. Mahirap ang buhay sa kolehiyo ngunit alam
kong kahit tuwing sabado na lamang ako umuuwi sa aming bahay,
sasalubungin pa rin ako ng aking pamilya nang buong puso.
Minsan, dumadalaw sila sa condominium na tinitirahan ko upang
magdala ng pagkain at kagamitan. Hindi ko man masabi sa harap
ng ina na mahal ko siya, alam kong nadarama niya ito. Unit-unti
na akong nag-iipon ng lakas ng loob para masabi ito. Siguro mas
magiging masaya ang Pasko namin ngayon dahil bumalik na ang
pakikitungo namin sa isa't isa gaya ng dati. Totoong hindi pa huli
ang lahat, maaari pang magkaroon ng pagbabago at tunay na
maging masaya kung nanaisin ito ng aming mga puso.

Si Gian ay isang
diksyunaryo kung
pagmamasdan. Sya ang
magbibigay ng kahulugan
sa buhay ng bawat
nilalang.
XY
Vicky Marquez

M
edyo salat sa Y chromosome ang bahay namin.
Tantsa ko mga apat o lima lang, kasama na dun
ang aso naming si Mikee at malamang
mangilan-ilan sa mga isda namin sa pond. Bukod sa kanila,
nalulunod ang bahay namin sa X chromosomes. Estrogen overload
talaga. Siguro naman kaya mong isipin kung gaano kalala ang
sitwasyon namin kapag sabay-sabay kami dinatnan. Parang limang
(ako, isang nakababatang kapatid, ang aking ina at dalawang
kasambahay) Miriam Defensor-Santiago na naninirahan sa ilalim
ng iisang bubong, handang mangain ng kung sino mang mangahas
na manakit ng kahit sino sa tribo namin.

Dahil sa “hormonal imbalance” na ito, hindi maiiwasan ang


pagkakaroon ng problema. Ngunit noong una, wala akong angal sa
living arrangement na ito. Dahil wala nang lalaki sa bahay, nawala
ang lahat ng bagay na hindi pwedeng gawin kapag may lalaki.
Libreng pag-usapan ang “buwanang bisita”, ang iba-ibang paraan
para magtanggal ng mga hindi kanais-nais na buhok sa katawan,
pwede ngang lumabas ng kwarto nang naka-underwear lang eh.
Libre kaming magchismisan tungkol sa mga kapitbahay, at tumili
kapag pinaguusapan ang mga natitipuhan naming mga lalaki dahil
wala nang susutsot sa amin, wala nang kalalakihan at ego na
kailangang pangalagaan. Sa madaling salita, naging mas liberal ang
aming pamumuhay nang nawala ang ama ko. Para bang yung mga
slumber party sa mga pelikula. Yun nga lang, permanente.

Isang gabi, napansin ko na ayaw umilaw ng isang


importanteng bumbilya sa bahay. Ang ilaw na ito ang nagsisilbing
“warning device” sa mga magtatangkang magnakaw (nakatira kasi
kami malapit sa squatter’s area), nakabukas kapag tulog na ang
lahat sa bahay. Hindi ko rin maintindihan kung paano, pero sa
kung anong dahilan, gumagana naman ito laban sa kriminal. Kami
na lang ata ang hindi nananakawan ng mountain bike, ng alahas o
ng pera na kayang buhayin ang isang baranggay.

Lalabas sana ako ng bahay para kunin ang naiwan kong


libro sa loob ng sasakyan. Tinangka kong buksan ang ilaw. Wala.
Tinanong ko ang kasambahay kung kelan pa hindi gumagana ang
ilaw. Mangilang buwan na rin raw. Bakit hindi ipaayos? Hindi pa
libre ang stay-out driver namin, siya kasi kadalasan ang nagaayos
ng mga pumapalyang kagamitan sa bahay. Bakit hindi niyo ayusin?
Hindi alam kung ano ang problema. Sinubukan niyo na? Oo. O,
okay
.
Doon lang ako napaisip na marahil mayroong hindi tama sa
pamumuhay namin. May “imbalance” nga talaga. Papaano kung
may magtangkang magnakaw, sino ang mangangahas na lumabas
ng bahay at protektahan ang mga naninirahan sa loob nito?
Barako’t maton man ang mga babae sa bahay, ibang usapan na
kapag may nagtangka sa buhay namin. Parang may bumbilya na
umilaw bigla sa taas ng ulo ko at doon naging klaro sa akin ang
kulang—lalaki.

Aaminin ko na wala masyadong pakialam ang mga babae


sa mga bagay-bagay na elektrikal, mekanikal at teknikal. Sinasabi
ko ito kahit IT graduate ang nanay ko. Alam ko, dahil naninirahan
ako sa isang bahay kung saan laging may sira—washing machine,
kung hindi washing machine, microwave, kung hindi microwave,
ilaw, kung hindi ilaw, sound system—at minsan inaabot kami ng
ilang buwan bago pa mapansin na hindi na ito gumagana. Kaya
namin nang walang microwave, o na sira ang washing machine, o
na hindi gumagana ang sound system nang matino. Okay lang sa
amin manood sa TV na malabo ang cable channel. Noong
naninirahan pa ang tatay ko sa bahay, parang well-oiled machine
ang lahat ng elektrikal na kasangkapan sa bahay. Kating-kati siya
lagi na ayusin ang kahit anong may sira. Kahit ang lolo ko, kapag
bumibisita diyan, siya ang unang nakakapuna kapag may
kailangan na kaming ipaayos sa kanya at sa mga trabahador niya
(siyang furniture/construction company). Kating-kati ang mga
lalaki na ayusin ang mga hindi ayos sa bahay. Pakiramdam nila na
trabaho nila butingtingin ang mga bagay na sira (o minsan kahit
hindi sira). Hindi ko sinasabing hindi kaya ng kababaihan na ayusin
ang mga elektrikal na kasangkapan at kung anu-ano pang hindi
maganda ang takbo sa bahay. Ang napansin ko lang, mas may
inklinasyon ang mga lalaki para sa mga bagay na ganito.
Bukod pa diyan, kailangan rin ang lalaki para sa proteksyon.
Sabi ko nga kanina, kahit mga maton at barako kaming mga
babae, mas gugustuhin parin namin na lalaki ang maunang
lumabas at tignan kung mayroon mang magtatangkang manakit sa
amin.

Matagal-tagal rin bago ko natanggap na may mali sa aming


pamumuhay at na “kulang” kami ng lalaki. Kahit ngayon, mahirap
sabihin, at kahit ngayon ay kelangan ko pang pigilan ang mga
peministang boses na sumisigaw sa utak ko ng
HINDEEEEEEEEEEEEE!!! Pinalaki kasi ako na hindi umaasa sa kahit
sino, lalo na sa mga lalaki. Pero kulang. Para sa akin, kakatawa
mang pakinggan, kulang ang buhay na walang lalaki. Lalo na kung
ang ama mo ang kulang na lalaki sa buhay mo.
Lalaki. Tulad ng sabi ng milyon-milyong magasin diyan,
can’t live with them, can’t live without them. Isang pananaw na
ikinagagalit ng maraming peminista. Oo nga naman, sinong
nagsabing hindi natin kayang mamuhay nang wala sila?
Sumasang-ayon naman ako. Sabi ko nga, wala naman nagbago sa
bahay nang nawala ang tatay ko, at hanggang ngayon ay kaya
kong panindigan ang sinasabi kong iyan. Bumaba lang ang grocery
bill namin (sinusustentuhan niya dati ang kerida niya gamit ang
perang pinagtrabahuhan ng nanay ko), naging mas malaya kami,
at pwede na akong magkwento kung sino ang “crush of the
month” ko. Kaso parang may kulang talaga. Hindi ko malaman
kung ano.
Bilang batang babae na nasa bukana ng pagdadalaga,
mahirap lumaki nang walang tatay. Andiyan nga siya simula
pagpapanganak ko hanggang sa ika-11 kong taon, ngunit parang
mas importante yata na andiyan siya para sa ika-12 kong taon
pataas. Bakit? Ito ang mga taon ng pagdadalaga, at mas
importante pa, ito ang taon na napapansin namin na uy, cute
boys! Kailangan ng dalaga ang kanyang ama para ipakita sa kanya
kung papaano dapat umarte ang asawa, ang ama, ang kapatid,
ang kuya, ang lalaki, para hindi siya mapariwara sa sarili niyang
relasyon sa kabilang kasarian. Alam kong kinailangan ko yun.
Malay ko bang hindi kaakit-akit ang babae na nananampal?

Malas rin, no? Kayang diktahan ng kanyang pakikisama sa


ama ang mga magiging relasyon ng babae sa hinaharap.
Dinidiktahan rin kaya ng kanilang pakikisama sa ina ang mga
relasyon ng mga lalaki? O kaya ng pakikisama nila sa ama?

Medyo tumindi ang pangangailangan ko sa aking ama


nung umabot ako ng 15 taong gulang. Dahil a) matino ang
pagpapalaki sa akin, b) hindi ako kagandahan at c) nangangain ako
ng lalaking mangmang, hindi naman ako nagboy-hopping tulad ng
ginagawa ng mga ibang may mga “absentee father” (kung hindi
hiwalay ang mga magulang at naninirahan kasama ang ina,
seaman/OFW naman ang tatay) na papalit-palit ang kalaguyo.
Marahil kung kagandahan ako at mas approachable, nagboy-
hopping rin ako. Pero ang kinulang ko sa boyfriend, dinaan ko sa
dami ng boy friends. Mga lalaking kaibigan. Napansin ko na unti-
unti akong nalalapit sa mga kaibigan kong lalaki kaysa sa mga
kaibigan kong babae. Nagsawa ako sa diskurso nila tungkol sa
branded na damit na lagi nilang pinaguusapan pero hindi naman
binibili, sa mga artista sa Hollywood at ang mga kasalukuyan
nilang (kalandian). Mas ginusto ko ang diretsong pag-uusap ng
mga lalaki—tuwang-tuwa ako sa mga asaran nila, sa kanilang mga
problema sa kababaihan, sa kanilang mga hilig, sa kanilang
kakaibang pananaw sa mga bagay-bagay. Dahil diyan, kahit saan
ako pumunta, hindi ako masyadong nahihirapan makipagkaibigan
sa mga lalaki (basta hindi ko siya tipo. Kapag tipo ko ang lalaki,
hindi ko siya makausap). Ganoon ko pinuno ang puwang na iniwan
ng tatay ko—sa mga kaibigan kong lalaki. Hindi rin ako nawalan ng
crush ni minsan. Talagang gusto ko napapalibutan ako ng
kalalakihan. Suwerte ko naman, dahil nga hindi ako kagandahan,
hindi ako natawag na malandi. Kahit mala-tuko na ang dikit ko sa
kanila, hindi parin ako pinagsuspetsahan ng mga babae. Alam
kong totoo yun, na kung kagandahan ako at malapit sa lalaki,
tatawagin akong malandi. Marami akong kaibigan na ganun eh.
Alam ko dahil kinailangan ko rin silang ipaglaban sa mga
umaalipusta sa kanila. Kaya nga kadalasan, kuntento na ako sa
pagiging di-kagandahan, kasi a) may personality ako at b) marami
akong interes at kinahihiligan at c) masarap kaya ako kasama.
Liban na lang kung sinulot ng kaibigan kong kagandahan mula sa
akin ang crush ko. Kung ginawa niya yon, malandi siya at sana
tamaan siya ng kidlat. Pero iiyak pa rin ako sa sulok.
Hindi nga ba ayon sa prinsipyo ng peminismo ang pagamin
sa pangangailangan ng kalinga ng lalaki? Hindi ba patas sa
kababaihan ang pag-amin ng pangangaliangan ng kalalakihan?
Bakit parang hirap na hirap akong isulat at sabihin nang malakas
na kailangan ko ng lalaki, kahit na ito ang katotohanan?
Naghahanap ako ng kalinga ng lalaki dahil hindi ko makuha ang
tamang pagmamahal at atensyon na nakukuha ko sa ama ko.
Masama ba na gustuhin ko na hagkan at i-baby ako ng ama ko sa
dulo ng araw na tila wala nang magandang nangyari? Kahinaan
nga ba talaga ang paghahanap ng kalinga mula sa lalaki?

Minsan nakakasakal narin ang peminismo, lalo na


kung ihinahambing ka sa mga radikalista na talaga namang talo pa
ang prosecutor sa panghuhusga ng kalalakihan. Hindi ko
maintindihan kung bakit dapat magalit sa lahat ng kalalakihan,
kung bakit dapat isisi sa patriarkal na lipunan ang bawat
kalamidad at kamalian sa mundo. Palagay ko kasi, wala na tayong
magagawa sa pagiging patriarkal ng lipunan. Ilang libong taon na
rin ganito ang kalagayan ng buong mundo, wala ring saysay kung
maglaan tayo ng enerhiya sa pilit na pagbabaliktad ng bagay na
mahirap na baguhin. Mabuti sana kung sa Pilipinas lang
dominante ang kalalakihan (kung tututuusin, mas mabuti pa ang
kalagayan ng kababaihan dito kumpara sa ibang bansa). Oo,
marami sa kalalakihan ang walang pakundangan at talaga namang
masarap ibato sa kalawakan, pero naniniwala akong may mga
disenteng mga lalaki diyan. Hindi ko sinasabi na hindi kailanman
magbabago ang kondisyon ng mundo, o na hindi kailanman
magiging pantay ang pagtrato sa kalalakihan at kababaihan. Ang
sinasabi ko ay sana, habang nagbabago ang mundo at umuunlad
ang sibilisasyon, umunlad rin ang mga pananaw ng lipunan. Hindi
na sana kailanganin pa na magpagalingan ng mga kasarian, na
makipagtalo sa isa’t isa sa paniniwalang may mas nakaaangat na
kasarian. Hindi komo nakakasimpatiya ako sa mga lalaki ay okay
lang sa akin na mambugbog at magmaliit sila ng kababaihan.

Kung tutuusin, mahirap rin maging lalaki sa mundong ito.


Mas mataas ang inaasahan mula sa mga lalaki, at minsan
masaklap sa kanilang kalalakihan ang pagiging isang “houseband”
(tulad ng tatay ko), ngunit hinahayaan na lamang nila ito para
mapakain ang pamilya. Kapag lalaki ka, maraming hindi pwede sa
iyo. Ni wala ngang nagtataguyod ng mga karapatan ng
kalalakihan. Kung lalaki ka, ang bawat galaw mo ay pinapanood, at
isang maling galaw, patay ka.

Dahil diyan, kinaya kong patawarin ang ama ko, kahit na


nagawa niyang pagtaksilang ang ina ko. Pinili ko nalang na
magparaya at buksan ang puso ko sa kanya (kahit medyo matagal
at mahirap) dahil para sa akin, mas kailangan niya ako ngayon. Sa
isang iglap, nawala ang lahat para sa ama ko. Bahay, anak, ang
kasiguraduhan na may pagkain siyang kakainin bukas.

Patuloy ko parin na hinahanap ang kalinga ng ama ko sa


ibang tao, at hindi ko ito ikinakahiya. Kahit maayos na ang aming
pakikitungo sa isa’t isa (dati talaga ayaw na ayaw kong
nakikipagkita sa ama ko), iba parin talaga kasi kapag uuwi kang
pagod at luging-lugi, at may amang nagaabang sa iyo sa bahay,
handang protektahan ka mula sa mga masasamang elemento at
masasaklap na katotohanan ng mundo, kahit panandalian lamang.

Si Vicky Marquez ay magiging


artista balang araw, para naman
makantahan siya ng kras niya sa
ASAP kapag kaarawan niya.
Nagkita lang sila ng kanyang ama
nung huling Linggo.

Вам также может понравиться