Вы находитесь на странице: 1из 54

PANIMULA

Iba-iba ang pananaw ng mga Pilipino tungkol sa nasyonalismo. Kapag tinatanong sa mga

kabataang Pilipino kung ano ang kahulugan ng Nasyonalismo, ang kadalasang sinasagot nila ay

ang pagmamahal at pagiging tapat sa bayan o sa mas simpleng konteksto, ang pagiging

makabayan.

Makikita naman sa mga aklat na ang nasyonalismo ay galing sa salitang Latin na

“nacion” o ang “pagpapangkat ng mga taong may iisang lahi na mas mataas kaysa pamilya

ngunit mas maliit kaysa sambayanan” at sa salitang “nasyon” na ang ibig sabihin ay “pangkat ng

mga indibidwal na nagkaroon ng magkakatulad na katangian dahil sa palagian nilang interaksyon

sa isa’t isa” o “isang pangkat ng mga tao na may iisang mithiin at layunin sa buhay at

pinagbubuklod ng iisang lahi , wika, relihiyon, kaugalian at tradisyon.”

Sinasabing ang nasyonalismo ay tumutukoy sa “damdaming makabansa ng mga taong

nagpapakita ng katapatan sa kanilang bayan, hindi lamang sa pangulo o sa ilang pinuno

lamang” . “Higit na binibigyang-diin dito ang pagkakaisa ng mga taong naniniwala na kanilang

sila sa iisang bansa at handang ipagtanggol at pangangalagaan ito.”

Ngunit ano nga ba ang kahulugan ng nasyonalismo para sa isang Pilipino? Ano

ang kahalagahan ng nasyonalismo sa mamamayan ng isang bansa? At higit sa lahat, paano

maipapakita ng isang mamamayan ang nasyonalismo?

Sa mga susunod na pahina ay makakakuha tayo ng ideya kung ano ang sagot sa mga

tanong na ito.

1
Kahulugan ng Nasyonalismo

“Ang nasyonalismo ay isang postibong pwersa kung ito ay gagamitin sa

pagtataguyod ng pagkakaisa at pagkakakilanan at kung ito ay hindi nakasasagabal sa tunguhin ng

ibang bansa. Nagiging masama ito kung gagawing batayan ng militarismo at pagsakop sa ibang

bansa.”- Kabihasnang Daigdig. Kasaysayan at kultura.

“Ang nasyonalismo ay nangangahulugan ng pagmamahal sa bayan. Ito ay ang

pagkakatanto ng isang nilalang o lahi na mahalagang ipagtanggol ang kanyang bansa laban sa

panlulupig ng mga banyaga. Nangangahulugan din ito ng kamalayan ng isang lahi na sila ay

may iisang kasaysayan, wika, at pagpapahalaga. Ito ay nagsisilbing matibay na reaksyon laban

sa imperyalismo at kolonyalismong dumating sa iba’t-ibang panig ng rehiyon nito.” –

Kabihasnang Asyano. Kasaysayan at Kultura.

Para kay Claro M. Recto, “Walang masama sa pagtataguyod ng kapakanan ng

sariling bansa; ang masama ay ang pakikialam sa direksyong tuutunguhin ng iba pang bansa.

Ang pakikialam at panghihimasok sa ibang bansa ay imperyalismo.” (Daigdig kasaysayan at

kultura.)

Ayon naman kay Dr. Ferdinand Dagmang, propesor ng agham panlipunan at pilosopiya,

“Kung titingnan mo ang kasaysayan ng ating bansa, lumabas ung isyu ng nasyonalismo nung

panahon nang tayo ay sinakop lamang. Bago tayo sinakop, wala pa tayong konsepto ng

nasyonalismo dahil bago dumating ang mga kastila ay hindi naman sila nakaranas ng

pagbabastos, pangaalipusta o pagaagaw ng mga lupain ng mga banyaga gaya ng mga dumating

na Portuges, mga arabo, intsik, bago pa man dumating ang mga kastila. Pero wala pa sa

panahong iyon ang isyu ng nasyonalismo. Ngunit pagdating ng mga Kastila, nakaranas tayo ng

2
mga hindi kaayaaya gaya ng pagsisingil ng sobrang buwis, pagkontrol sa mga tirahan ng mga

tao, na kailangan ay lumapit sila sa mga simbahan, at ang pagpapatupad ng mga order na ang

mga lalaki ay kailangang magsilbi ng walang bayad sa mga paggawa ng mga tulay, kalsada o

mga simbahan.

Kung ganoon, ang nasyonalismo ay isang namuong diwa at pag-uugali ng mga Pilipinong

nakaranas ng pang-aapi o karahasan na ipinataw ng mga dayuhan. Ang mga sumunod na

pananakop ng mga Amerikano at Hapon at Amerikano ulit ay nagpadagdag pa ng kahulugan sa

nasyonalismo bilang pagtayo at pagtataguyod sa diwang maka-bayan at maka-kapwa-Pilipino;

dagdag pa dito ang pagsisikap na matayo din ang pansariling kapakanan ng buong bansang

Pilipinas dahil na rin sa mga bantang pananakop ng lahat ng aspeto ng ating pagiging isang

bansa. Ang pag-angat ng sariling wika, sariling kaugalian, sariling kapakanan, at lahat na ng

bagay na may kinalaman sa pagtatayo ng dangal ng Pilipinas ay naging tatak na ng

nasyonalismo.

Kaya ang mga Pilipino noon, naisip kung ano na ba ang nangyayari sa bansa natin noong

panahon kung kalian pumasok ang mga dayuhan dito. Ano bang nangyayari sa atin? (Noon),

simple lang ang buhay, ngayon, mahirap na, kinokontrol na tayo ng mga banyaga, hanggang

nagkaroon na ng pagiisip, lalong lalo na ang mga nakapag-aral sa ibang bansa, kagaya nina Jose

Rizal, Del Pilar, Juan Luna, at iba pa, tungkol sa mga maaari nilang gawin upang maipagtanggol

ang kanilang bansa. Kahit nga si Andres Bonifacio ay nakapagbasa ng mga kwento na may

kinalaman sa kalayaan o sa pagiisip na kritikal sa ibang mga bagay na hindi dapat na gawin sa

tao.

Pag sinabi mo naman ang nasyonalismo, ay meron din iyan sa Europa, isang halimbawa

ay ang pananakop ni Hitler. Matatawag parin iyong nasyonalismo. Pati ang pagusbong ng mga

3
Natzi, matatawag iyong negatibong nasyonalismo o eksklusibo na nasyonalismo. Sinasabi nila

na ang mga taga-Germany, mga Alemanya, ay ang dapat na magkontrol sa Germany, na lahat ng

tao sa loob ng Germany ay kokontrolin nila o kaya, ang konseptong nasyonalismo nila ay ang

pagpapalago sa sariling bansa, mananakop sila ng mga lupain dahil sa tingin nila ay sila ang

pinakamataas sa lahat.. Ang nasyonalismo naman saatin ay ang nasyonalismo na lumalaban sa

mga taong nananakop at sa ganoong paraan, nabubuo ang pagiisip na, bilang isang bansa, tayo’y

may sariling karapatan bilang bayan, at tayong lahat ay magkaisa dapat para isulong ang

karapatan na iyon para sagipin ang sarili nating pagkatao, ng mga Pilipino.”

Hindi lamang ito simpleng pagmamahal sa bayan. Ayon sa ilang aklat, ang nasyonalismo

ay hango sa salitang Latin na “natio” na ang ibig sabihin ay ang pagkakabuklodbuklod ng mga

tao na may iisang lahi. Mula sa salitang “nasyon” na isang katawagan sa pangkat ng mga tao na

may iisang layunin at mithiin sa buhay at pinag-iisa ng parehong wika, relihiyon, lahi, kaugalian

at tradisyon. Tumutukoy ang nasyonalismo sa damdaming makabansa ng mga taong

nagpapakita ng katapatan sa kanilang bayan. Ito ang pagkakaisa ng mga taong naniniwala na

kabilang sila sa iisang bansa at handang ipagtanggol at pangalagaan ito.

Ang “Panatang Makabayan”, kung iintindihin at isasapuso ang nakasaad dito, ito ay isang

panata na nagbibigay ng ideya sa nasyonalismo. Hindi ba nakasaad sa “Panatang Makabayan”

ang mga salitang “…Dahil mahal ko ang Pilipinas, diringgin ko ang payo ng aking

magulang,susundin ko ang tuntunin ng Paaralan. Tutuparin ko ang tungkulin ng isang

mamamayang makabayan….” At isa pa ang “…iaalay ko ang aking buhay, pangarap, pagsisikap

sa bansang Pilipinas.” Tanda ng nasyonalismo ang mga ito sapagkat mensahe nito ang pagiging

tapat ng mamamayang Pilipino sa kanyang sariling bayan at ibibigay at gagawin ang lahat para

dito.

4
“Ang nasyonalismo ang pagmamahal, paggalang at marami pang sangay sa bayan ngunit

dataptwat hindi lang sa bayan kundi sa sariling lahi rin, nasabi nang sa lahi maisasama rin dito

ang malalim na obligasyon ng isang indibidwal na maka nasyonalismo. Mahirap, yan ang

kalimitang nasasabi ng mga tao sa kadahilanan na maski ang mga tao ay nalimutan na ang

kahulugan ng nasyonsalismo at sa ngayon hindi na nila maipahayag kung ano nga ba ang tunay

na kahulugan ng pagmamahal at paggalang, ang mga nararapat na pamantayan upang masabing

nagtataglay ng nasyonalismo ang isang indibidwal.” -Mark Alvin BSE 2-2 (2006)

Paano maipapakita ang nasyonalismo?

Sinabi nga na ang nasyonalismo ay tumutukoy rin sa pagmamahal at paggalang sa

bayan. Sa modernong panahon ngayon, maipapakita mo ito sa paggawa ng mga simpleng bagay

tulad ng pagiging disiplinado at ang pagsunod sa mga batas. Ang batas na ipinapatupad ay para

sa ikabubuti ng bansa, kung susundin ito, tumutulong narin ang mamamayan sa pagpapabuti sa

bayan. Ang paglilingkod sa bayan ay isang paraan din upang makatulong sa pagsulong ng bansa

sa kaunlaran.

Sa mga susunod na pahina ay tatalakayin natin ang iba’t ibang paraan na ginamit ng mga

Pilipino upang maipamalas ang kanilang damdaming Nasyonalimo sa pagdaloy ng kasaysayan

ng Pilipinas.

Ang Dalawang Anyo ng Nasyonalismo

Maraming klase ng Nasyonalismo ang binabanggit sa mga aklat. Mayroong state-

building nationalism, peripheral nationalism, irredentist nationalism, unification nationalism at

5
marami pang iba (Hechter,2000, p.17). Ngunit ang lahat ng ito ay dalawa lamang ang

kalalabasan at anyo ng pagpapakita: ang legal at tahimik na paraan na madalas ay gumagamit ng

pagsusulat, at ang mapaghimagsik na paraan na gumagamit ng dahas.

Sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol ay makikitang ginamit ang parehong paraan

upang maipakita ang pagmamahal ng mga Pilipino sa bayan. Ang pinakakilalang taong

nagpakita ng nasyonalismo sa legal at tahimik na anyo ay si Jose Rizal. Bagamat hindi itinuring

na ligal ang pamamaraan niya ng mga Kastila, ang paraan parin na ginamit niya ay walang dahas

at dinaan lamang sa pagsusulat ng mga aklat upang maimulat ang kapwa niyang Pilipino sa

pangaabuso ng mga mananakop.

Sa kabilang dako, ang KKK ay ipinakita ang kanilang nasyonalismo sa anyong

mapanghimagsik. Gumamit sila ng dahas sa pagpapakita ng kanilang pagmamahal sa bayan at

ipinakitang handa silang mamatay para sa Pilipinas.

Kahalagahan ng Nasyonalismo

“Ang kahalagahan ng Nasyonalismo sa aking pagkatao ay may malaking dulot, dahil dito

nabuksan ang aking isip sa maraming bagay na dapat gawin sa ating bansa, isa na lang

halimbawa ang pagtulong sa kapwa nangangailangan. Nang naisip ko na paano makakatulong

ang isang estudyante sa kanyang mga kababayan kahit na walang sapat na pinansyal? Dumating

ang isang magandang pagkakataon upang ako’y makatulong sa mga nangangailangan, ito ay

nung ako’y napabilang sa isang organisasyon sa loob ng ating unibersidad na ang kanilang pakay

ay tumulong sa mga taong nangangailangan. Nang ako’y nagsimulang tumulong at

makipamuhay sa mga taong kapos palad, naramdaman ko na bakit mas marami ang naghihrap at

nasadlak sa mga siksikang lugar, napag isip isip ko na dapat mas lalo kong bigyan ng halaga ang

6
pakamakanasyonalismo dahil naramdaman ko na talagang kailangan ng ating mga kababayan

ang pagmamahal at pangunawa upang maintindihan din nila na kahit sila’y hirap sa pamumuhay

ay maaring gampanan na lang nila ang pagbibgay ng pagmamahal sa bayan at sa kanilang mga

kababyan.” -Alvin BSE 2-2 (2006)

Sinasabi na ang nasyonalismo ay nanggaling sa salita na ang ibig sabihin ay isang

pangkat ng mga tao na may iisang mithiin at layunin sa buhay at pinagbubuklod ng iisang lahi,

wika, relihiyon, kaugalian at tradisyon. Kung gayon, ang nasyonalismo ay makatutulong upang

umunlad ang bansa. Dahil kung may iisang mithiin ang mga Pilipino, mas madami ang

magtutulungan upang matupad ito at mas magiging madali itong matupad. Magkakaisa rin ang

mga Pilipino dahil sa iisa nilang wika, relihiyon at mga tradisyon. Mas madali silang

pagbuklodbuklorin at pagkaisahin upang matupad ang mga layunin nito.

Ayon nga kay Dr. Ferdinand Dagmang, “Sa mga sitwasyon kung kailan tayo ay

sinasakop o inaabuso, ang nasyonalismo ang naguudyok sa damdamin na nagsasabi saating tayo

ay kailangan na magkaisa. At ang pagkakaisa na iyon ay magiging maganda sa ating mga

Pilipino. Mahalaga rin ang nasyonalismo para sa ating pride o dangal. Maipagmamalaki natin

ang pagiging Pilipino kung mayroon tayong nasyonalismo. Ang diwa ng nasyonalismo ang

nagbibigay sa atin ng magandang pananaw tungkol sa ating mga sarili.”

ANG NASYONALISMO PARA SA PILIPINO SA IBA’T

IBANG YUGTO NG KASAYSAYAN (1565-1946)

7
Ngayon na alam na natin ang kahulugan, halaga at mga paraan kung paano maipapakita

ang nasyonalismo ng mga Pilipino, matutunghayan naman natin ngayon kung sa aling mga

pangyayari sa kasaysayan ng ating bansa naipakita ng mga Pilipino ang kanilang damdaming

Nasyonalismo (at Kontra-nasyonalismo).

KOLONISASYON NG MGA ESPANYOL (1565-1898)

Pakikipaglaban ni Raja Tupas, 1565.

Ilang tropa ng mga espanyol at mahigit 500 na sundalo ang sumakop sa bansa at

inatake si Tupas, ang anak ng dating raja na si Raja Humabon. Nang matalo ng mga

kastila si Raja Tupas, pinaglagda siya sa isang kasunduan na naglalahad na ang Pilipinas

ay napasasailalim na sa Espanya.

Hindi man nila natalo ang mga kastila, nakapagpakita parin sila ng nasyonalismo.

Ipinagtanggol nila ang bansa laban sa mga dayuhan.

Labanan sa Bangkusay, 1570.

Taong 1570 nang maganap ang Labanan sa Bangkusay, isang lugar sa Tondo.

Libo-libong mga katutubo ang lumaban sa mahigit 300 na sundalong kastila. Walang

panama ang sandata ng mga katutubo sa sandata ng mga kastila kung kaya’t madaling

natalo ang hukbo nina Sulayman, Lakandula at Matanda at sinunog ang lugar. Ang

tatlong Raja ay hinuli ni Martin de Goiti. Ang mga buhay na alagad ni Sulayman kasama

ang mga sundalo ni Raja Lakandula at Matanda ay bumalik sa gubat ng Maynila at nang

8
lumaon ay nagsimula ng rebelyon. Matapos ang ilang buwang pakikipaglaban, sumuko

sila nang dumating ang Heneral na si Miguel Lopez de Legazpi.

Wala mang kalaban-laban ang mga Pilipino, pinilit parin nilang makuha ang iisa

nilang mithiin, ang lumaya mula sa mga dayuhan na gusto silang baguhin at

impluwensyahan, gaya ng ginawa ng kanilang mga ninuno. Ipinakita nilang hindi sila

sangayon sa pananakop ng mga Kastila at hindi sila sumuko sa pakikipaglaban kahit na

ilang beses na silang nakaranas ng pagkatalo.

Aklasan sa Pampanga, 1585.

Ang aklasan naman sa Pampanga na naganap noong 1585 ay pinangunahan ng

mga Kapampangan laban sa mga encomenderos dahil sa pang-aabuso nila sa mga

katutubo. Ngunit hindi natuloy ang plano sapagkat isang Pilipina na may asawang

sundalong Kastila ay nagsumbong sa awtoridad. Marahil ay hindi malinaw sa kanya ang

kahulugan ng nasyonalismo at ang layunin ng kanyang mga kalahi na makamit ang

magandang resulta para sa ikabubuti ng maraming Pilipino.

Pagpapalaganap sa Relihiyong Katoliko

Dinala ng Espanya sa bansa ang relihiyong katoliko. Isang prayle, si Padre Juan

de Placencia ay sumulat ng isang Christian Doctrine noong 1593. Halos lahat ng isla sa

Pilipinas, bukod sa Mindanao na nanatiling mga Muslim, ay napilitang maging mga

Katoliko. Hindi payag ang mga Muslim sa pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas

kung kaya’t nagresulta ito ng mga kaguluhan.

9
Ipinakita rin ng mga Muslim ang pagmamahal sa bayan sapagkat lumaban sila

upang hindi masakop ng mga Kastila ang Pilipinas. Nanatili sila sa relihiyong islam,

ipinakita nila na ipinaglalaban nila ang kanilang pinaniniwalaan na sa tingin nila ay

makabubuti para sa nakararaming Pilipino.

Ngunit ang nasyon ay nasabi na isang pangkat ng mga tao na may iisang lahi,

wika, kultura, relihiyon at iba pa. Hindi iisa ang relihiyon ng mga mamamayan ng

Pilipinas dito. Hindi pa malinaw ang pagkakaisa sapagkat halos lahat ng mga Pilipino ay

tinanggap na ang relihiyon ng mga dayuhan at ang Mindanao naman ay patuloy na

nakipaglaban.

Aklasan sa Tributo, 1589.

Ang Aklasan laban sa Tributo ay naganap sa probinsya ng Cagayan, Ilocos Norte

at Ilocus Sur noong taong 1589. Ang mga katutubo, kabilang ang mga Ilocano, Ibanag at

iba pa, ay nag-aklas dahil sa pangongolekta ng hindi makatarungang buwis. Si

Gobernador-Heneral Santiago de Vera ay nagpadala ng mga Kastila upang patahimikin

ang mga lumalaban.

Rebelyong Dagohoy, 1744-1829.

Ang rebelyong pinangunahan ni Francisco Dagohoy ay nagtagal nang 1744-1829.

Natatangi ang aklasan na ito sapagkat may kaugnayan ito sa relihiyon. Matapos ang

isang labanan kung saan namatay ang kapatid ni Dagohoy, hindi pumayag ang pari na

bigyan ng isang burol ang kanyang kapatid sapagkat ang pakikipagduwelo ay isang

kasalanan. Ang pagtanggi ng pari ang nagpamulat sa kaniya ng kawalan ng katarungan

10
sa bansa sa kamay ng mga Kastila. Dahil sa pagnanais ni Dagohoy na mabigyan ng

maayos na burol ang kanyang kapatid ay humantong ito sa pinakamahabang aklasan na

naganap sa Pilipinas sa tagal na 85 taon.

Pagtatag sa La Liga Filipina, 1892.

Itinatag ni Rizal ang La Liga Filipina pagkabalik niya sa Pilipinas noong 1892.

Layunin nito na maipatupad ang reporma sa loob ng kolonya. Ang gobyerno ay

nangangamba sa La Liga kung kaya’t iniutos na sirain ito.

Sa pagkakatatag niya sa La Liga Filipina ay naipakita ni Rizal ang pagiging

makabayan. Hangad niya ang isang pagbabago tungo sa kaunlaran. Hindi lamang

magandang buhay para sa kanyang kapwa ang kanyang layunin kundi kaayusan at

kaunlaran din para sa Inang bayan.

Pagtatag ng Katipunan, 1892.

Ang mga miyembro ng nawasak na La Liga na sina Ladislao Diwa, Teodoro

Plata, Valentin Diaz at Deodato Arellano ay sumali kay Bonifacio sa pagtatag ng

Katipunan sa isang bahay sa Calle Azcarraga noong 1892. Layunin nito na magtatag ng

gobyerno na maipapalit matapos mapatalsik ang administrasyon ng mga Espanyol.

Matagumpay na nabawi ng mga Pilipino halos ang buong Pilipinas maliban lamang sa

Maynila.

11
Kahit na wasak na ang ilang mga samahan, gumawa parin ng lihim na kilusan ang

mga Pilipino na may magandang layunin para sa bansa. Naging bunga ng hindi nila

pagsuko ay ang pagkabawing muli ng maraming lupain mula sa mga Kastila.

Himagsikang Pilipino, 1896-1898

Ang ugat ng inilunsad na Himagsikan ay dahil sa panloob at panlabas na sanhi.

Ang panlabas na sanhi ay ang pagsali ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan, dala ng

pagbukas sa Kanal ng Suez noong 1869. Bukod sa mga produktong pumapasok, pumasok

din ang mga kaisipan tulad ng kalayaan at kasarinlan na dumaan mula sa Suez patungo sa

Pilipinas. Ang panloob na sanhi ay ang hindi makatarungan na pagpatay sa tatlong

paring GOMBURZA. Si Padre Pedro Pelaez, isang paring Pilipino ang namuno ng isang

kilusang sekularisasyon. Layunin nito na ibigay sa mga paring katutubo ang mga

parokya na hawak pa noon ng mga kastilang pari. Matapos mamatay si Padre Pedro

Pelaez, itinuloy ng tatlong pari na sina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos at

Padre Jacinto Zamora, ang kilusan.

Nagkaisa ang mga Pilipino upang umaksyon laban sa mali at di magandang

pamamahala ng mga dayuhan.

PANGONGOLONYA NG MGA AMERIKANO (1898-1946)

12
Isang karikaturang pulitikal noong 1898

na ipinapakita si McKinley, pangulo ng Estados

Unidos kasama ang isang "mabangis" na bata.

Ikinukumpara dito ang pagbalik ng Pilipinas sa

Espanya sa paghagis ng bata sa bangin.

Nagsimula ang relasyon ng US at Pilipinas nang lumaban sila ng magkasama laban sa

Espanya. Dahil sa magkakampi, binigyan ang mga sundalong Pilipino ng mga mahalagang

impormasyon at suporta para sa militar. Ngunit hindi sumuporta ang US sa hangarin ng mga

Pilipino na lumaya at hindi natuwa si Aguinaldo sa pagtutol ng mga Amerikano sa kalayaan ng

Pilipinas. Nasira ang mabuting relasyon ng dalawang bansa at nang lumaon ay lumabas din ang

tunay na hangarin nga mga Amerikano na manatili sa mga pulo.

13
Taong 1898 nang naitala na malaya na ang Pilipinas mula sa Espanya. Sa unang

pagkakataon ay iwinagayway ang bandila ng Pilipinas at tinugtog ang pambansang awit sa

publiko. Naposisyon ang US bilang protektor ng Pilipinas.

Dahil sa Kasunduan na nilagdaan ng Espanya at Amerika noong ika-10 ng Disyembre

1898 sa Paris, nabago ang landas ng kasaysayan at itinanghal ang Estados Unidos ng Amerika

bilang bagong superpower. Naging kolonya ng Amerika ang Cuba, Puerto Rico, Guam, mga isla

ng Marianas, at ang Pilipinas.

Digmaang Pilipino-Amerikano, 1899.

Nagsimula ang digmaang Pilipino-Amerikano noong ika-4 ng Pebrero sanhi ng

pagpatay ng dalawang Amerikanong sundalo sa tatlong Pilipinong sundalo sa San Juan.

Ang kakulangan ng mga sandata ang naging dahilan ng pagkatalo ng mga

Pilipinong sundalo sa mga pangunahing labanan ngunit ang mga Pilipino ay nagwagi sa

mga labanang gerilya.

Pagtatag sa Partido Liberal, 1900.

Itinatag ang Partido liberal na may layuning isali ang Pilipinas sa Estados Unidos.

Pagdakip kay Aguinaldo, 1901.

Taong 1901, nadakip si Aguinaldo sa Palanan, Isabela at dinala sa Maynila.

Nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos at ipinagutos na sumuko na ang kanyang

mga kasama na naging hudyat ng pagtatapos ng digmaan.

14
Sa taong rin iyon ay naganap ang Balangiga Massacre kung saan nilusob

at nilipol ng mga Pilipino ang mga kawal Amerikano sa Balangiga. Gumanti ang mga

kawal sa pamamagitan ng pagsunog sa buong bayan.

1903 nang pasimulan ni William Howard Taft ang polisiyang “The Philippines

for the Filipinos”. Ipinapangako sa polosiyang ito na ibigay ang administrasyon ng

Pilipinas sa mga Pilipino.

1916 naman nang lagdaan ang Jones Act. Nilalaman nito ang pormal na pangako

ng Estados Unidos na kalayaan sa Pilipinas. Ngunit sinasabi dito na maibibigay lamang

ang kalayaan kung makapagtatag ang bansa ng isang matatag na gobyerno.

Ang sinasabi ng mga Amerikano na matatag na gobyerno ay ang gobyerno na

binabalak nilang itatag sa bansa. Ang gobyernong ito ay nakabatay sa mga patakaran ng

mga Amerikano at para sa mga Amerikano. Dito palang ay nakakapanghinala na ang

“kalayaan” na inaalok ng US saatin.

Taong 1934, nilagdaan naman ang Batas Tydings-Mcduffie, kilala rin bilang

Batas sa kalayaan ng Pilipinas. Ito ay ang batas na nagkakaloob ng nagsasariling

pamahalaan ng Pilipinas at ng kalayaan nito mula sa Estados Unidos matapos ang

sampung taon.

PANANAKOP NG MGA HAPONES (1942-1944)

Taong 1941 nang naglunsad ng isang biglaang pag-atake ang mga hapones sa Clark Air

Base sa Pampanga. Matapos ang mga pagbobomba, dumating na ang mga sundalong Hapones

sa Luzon.

15
Sinakop nila ang Pilipinas (na noon ay kinokontrol ng US) noong panahon ng World War

II.

Pagkakatatag sa HukBaLaHap, 1942.

Ang dating president na si Manuel Quezon at ang gabinete ay umalis patungo sa

Estados Unidos.

Sa taon ring ito naitatag ang Hukabalahap (Hukbong Bayan Laban sa Hapon).

Kasapi dito ang mga magsasaka at mga manggagawa na nagmula sa mga probinsya sa

Gitnang Luzon. Isa itong kilusan na ang layunin ay ang makamit ang kalayaan at ang

natatanging gerilya na hindi tumanggap ng mga utos mula kay MacArthur.

Naganap din ang tinaguriang Bataan Death March kung saan ipinamartsa ang mga

bihag na Pilipino at Amerikano mula sa Mariveles, Bataan hanggang Capas, Tarlac.

Pagtatag sa samahang Makapili, 1944.

Itinatag ang samahang kampi sa mga Hapones na tinawag na Makapili.

Treaty of Manila, 1946.

Nakamit na ang kalayaan ng Pilipinas sa paglagda sa Treaty of Manila sa

pagitan ng gobyerno ng Estados Unidos at Pilipinas.

PAGSULONG SA MGA KILUSANG MAKABAYAN

16
Sa dami ng mga kaganapan, hindi basta tumunganga ang mga nasakdal. Ang mga

Pilipino ay gumawa ng iba’t ibang aksyon. Tulad nga ng mga nabanggit, sila ay

naghimagsik, nagtatag ng mga kilusan at organisasyon at iba pang paraan upang

lumaban.

Ilan sa mga organisasyon na itinatag nila ay ang La Liga Filipina, KKK,

Hukbalahap at marami pang iba. Ilang naman sa mga naging salik sa pag-usbong ng

nasyonalismong Pilipino ay ang pagkamatay ng tatlong paring martir, sekularisasyon,

pag-usbong ng mga ilustrado, at frailocracy.

Ang La Liga Filipina ay isang samahan na itinatag ni Jose Rizal na binubuo ng

mga kasapi na nagnanais putulin ang pang-aapi at pang-aabuso ng mga Kastila sa mga

Pilipino. Layunin nito ay maging malaya ang Pilipinas mula sa mga Kastila sa

mapayapang paraan. sa pagsasabi na mapalaya ang Pilipinas sa mapayapang paraan,

naipakita dito ang isang anyo ng nasyonalismo, ang diplomatiko at banayad.

Ang KKK o Kataastaasang Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng

Bayan ay isang lihim na samahan na itinatag ni Andres Bonifacio matapos mawasak ang

La Liga Filipina at iba pang organisasyon. Layunin nito na palayain ang bansa mula sa

mga mananakop na Espanyol.

Nang dahil sa pagpatay sa GOMBURZA, nagalit ang maraming Pilipino sa hindi

makatarungang pagpatay sa kanila. Ang mga prayleng mapang-abuso ay nabigyan ng

posisyon at kapangyarihan sa gobyerno. Umusbong ang nasyonalismo dahil sa galit ng

mga Pilipino sa mga prayle (na kastila) at sa Espanya at sa sa pagnanais na paalisin ang

mga prayleng ito.

17
Ang sekularisasyon ay isang kilusan noong panahon ng pananakop ng mga

Kastila ng mga paring Pilipino na naglalayong mabigyan ng sari-sariling parokya ang

mga ito. Ang mga Pilipinong pari ang namuno sa mga simbahan sa Pilipinas, at dahil

dito, nalaman ng mga Pilipino na kaya nilang magsarili at magpatakbo ng sariling

simbahan.

Ang pagusbong ng mga Ilustrado ay malaki rin ang naitulong sa pagsulong ng

mga kilusang makabayan sa bansa.

Halimbawa ng mga Ilustrado ay sina Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena, Marcelo

del Pilar at iba pa. Sila ang mga Pilipino na nabigyan ng pagkakataon na mag-aral sa

ibang bansa. Natutunan nila ang konsepto ng liberalismo at dahil dito ay tinawag sila na

mga Ilustrado o mga naliwanagan.

Sa liberalismo ay kinikilala ang kakayahan ng isang indibidwal na makapag-

ambag sa lipunan at inaalis ang mga restriksyon dito. Dahil sa kaisipang ito ay nagkaroon

sila ng tiwala sa kanilang mga sarili at napangahas na kalabanin ang mga Kastila.

Ang kaisipang liberalismo ay hindi lamang nila pinag-aralan sa kanilang mga

sarili. Ipinamahagi rin nila ito sa mga Pilipinong hindi nakapag-aral sa ibang bansa. Sila

ang nagsilbing tagapagmulat sa mga Pilipinong mahihirap sa mga paghihirap na

dinaranas ng bansa sa kamay ng mga Kastila at sa kung paano nila ito mawawakasan.

Ang Hukbo ng Bayan Laban sa mga Hapon o kilala rin sa katawagang

Hukbalahap ay isang grupo ng mga Pilipinong kumakalaban sa mga hapon noong sakop

pa ng mga Hapones ang Pilipinas. Nais ng kilusan na ito na makamit ang kalayaan ng

Pilipinas mula sa pagmamalupit ng mga Hapones.

18
Isa lamang ang pangyayari na nakatulong sa pagsulong ng mga kilusang

makabayan at ito ay ang pananakop ng mga dayuhan. Naging dahilan ang galit at lungkot

upang magkaisa ang lahat at gumawa ng aksyon. Iisa lamang ang naging layunin ng mga

ito, ang gawing mabuti ang kalagayan ng ating bansa at ng mga taong nakatira dito.

ANG NASYONALISMO SA KONTEMPORARYONG

PILIPINAS (1946 HANGGANG KASALUKUYAN)

Hulyo 4, 1946 nang idineklara ng Amerika ang kalayaan ng bansang Pilipinas. Mahalaga

ang kalayaan sa pagunlad n gating nasyonalismo. Kasabay ng kalayaang pulitikal ay ang

19
kalayaan ng mga mamamayan na pagtuunan ng pansin ang sariling kapakanan ng bansa at

mapaunlad ito.

Ngunit marami parin ang naghihinala kung tunay nga bang nakamit na natin ang

kalayaan sa pagdating ng petsang ito. Dahil ito sa sunod-sunod na mga kasunduang nilagdaan ng

Pilipinas na nagbigay sa United States ng karapatan sa ekonomiya at base military sa bansa.

Kahit na natapos na ang digmaan at ‘lantarang” pananakop ng mga Amerikano, gumamit

naman sila ng makabagong paraan ng pananakop: ang neokolonyalismo. Ayon kay Renato

Constantino, isang makabayang historyador, “Ang mga naging pundasyon ng istrukturang

neokolonyal ng bansa ay ang Bell Trade Act, Tydings Rehabilitation Act, Military Bases

Agreement at ang Military Assistance Act.” Nagkaroon din ng mga Amerikanong taga-payo ang

sandatahang lakas ng PIlipinas sa pamamagitan ng Joint US Military Advisory Group

(JUSMAG). Dito ay naranasan (at patuloy na nararanasan ngayon) ng Pilipinas ang pagkatali ng

ekonomiya, kultura at mga desisyon nito sa bansang Amerika.

Ang neokolonyalismo ay pumasok sa relasyon ng Pilipinas at United Stated dahil sa

dalawang pangyayari:

Una, ang matinding pagkawasak ng bansa bunga ng digmaan. Mahigit isang milyong

Pilipino ang namatay, malaking halaga ng mga ari-arian ang nawasak at marami ang naghirap.

Dahil dito ay nangailangan ng pondo ang Pilipinas upang makapagsagawa ng restorasyon sa

ekonomiya, mga imprestraktura at pulitika. Kinailangan nila ang tulong ng United States upang

tuluyang makabangon mula sa mga digmaang pinagdaanan nito. Ipinasa sa Kongreso ng US ang

Tydings Rehabilitation Act kung saan binigyan ng US ng pondo ang Pilipinas bilang bayad-

pinsala. Iniwan din ng US ang lahat ng mga kagamitang pandigma nila sa bansa.

20
Pangalawa, ang pagtatanaw ng utang na loob ng mga Pilipino sa mga Amerikano. Bilang

pasasalamat sa “pagtulong” ng mga Amerikano upang “makalaya” ang bansa mula sa kamay ng

mga Hapones, ang mga pinuno ay naging tapat sakanila at iniisip palagi ang kanilang kapakanan.

Layunin ng Amerika na palawakin at dagdagan pa ang kapangyarihan nito. Mahihinuha

mula sa mga patakarang ipinapatupad ng mga Amerikano na balak nilang gawin ang Pilipinas na

kuhanan nila ng likas na yaman at tambakan ng mga produktong Amerikano. Makikita ito sa

ipinatupad na Bell Trade Act kung saan inilulunsad ang “malayang” kalakalan sa pagitan ng US

at Pilipinas ngunit nagbibigay ng mga limitasyon sa Pilipinas sa pagpapasok ng produkto nila sa

US. Ang US ang lubos na nakinabang sa panukalang ito at hindi naging makatarungan sa panig

ng mga Pilipino.

Bilang pasasalamat sa pagbibigay ng Amerika ng pondong panggastos para sa

restorasyon, ginawa ang pag-aamyenda ng Konstitusyon ng Pilipinas upang mas maging malaya

ang US sa paggamit ng likas-yaman ng bansa. Dahil dito ay natamasa ng mga Amerikano ang

parity rights o ang pantay na karapatan ng mga Amerikano sa mga Pilipino sa paglinang ng likas-

yaman ng bansa. Napapayag ang mga Pilipino sa pagbibigay ng parity rights dahil sa inaasahan

nilang dadagsa ang mga mamumuhunang Amerikano sa bansa at dadami ang trabaho para sa

lahat. Bunga nito ay nakapasok sa bansa ang mga mapangabusong mga Amerikano at natabunan

ng mga korporasyong Amerikano ang sa mga Pilipino.

Dalawa pa sa mga panukala na ipinatupad nila ay ang Military Bases Agreement (ika-14

ng Marso, 1947) at Mutual Defense Treaty ( ika-30 ng Agusto, 1951).

Pinahayag ni Manuel Roxas, ang unang presidente pagkalaya ng Pilipinas, noong 1946

ang kanyang paniniwala na ang seguridad at kaligtasan ng Pilipinas ay nakasalalay sa pagtatayo

ng mga base-militar ng mga Amerikano sa bansa. Ngunit makikita sa Military Bases Agreement

21
na ang mga Amerikano ang higit na nakakikinabang nito. Ang mga base sa Pilipinas ay

gagamitin ng mga Amerikano upang nadepensahan at maisulong ang interes nila sa bahagi ng

Asya at mapigilan ang komunismo sa rehiyon. Ngunit sa katunayan, ayon sa ilang historyador,

wala pa talagang naguumpisang paglaganap ng komunismo noon. Sinasabing ginagamit lamang

ito bilang panakip sa layunin ng U.S. na panatilihin ang relasyong kolonyal nito sa Pilipinas.

Pagkamulat ng mga Pilipino, 1950’s.

Pinuna ni Claro M. Recto ang isyu sa mga patakarang ipinapatupad ng Amerika

sa Pilipinas sa kanyang pahayag noong 1949:

(Isinalin mula sa ingles) “Isinakripisyo namin ang aming soberanya sa

pagpapahintulot sa mga Amerikano upang magtayo ng mga base sa aming bansa. Bumili

kami ng mga armas sa bansang Amerika lamang…”

Pinuna nya rin dito ang hindi pagbanggit sa kung kaninong bandila ang

iwawagayway sa mga base. Binanggit niya na sa mga base ng Amerika sa Pilipinas ay

watawat ng Amerika ang namamayagpag.

“Sa kabuuan, sinasabi sa Artikulo XII na ang parusa sa lahat ng krimen at

pagatake sa loob ng mga base ay isasagawa sa ilalim ng Estados Unidos maliban na

lamang kung ang suspek at biktima ay parehong mga Pilipino na kapwa hindi kabilang sa

Armed Forces of the United States. Ngunit ano naman ang gagawin ng mga Pilipino na

hindi kabilang sa pwersa ng E.U. o nagtatrabaho para dito sa loob ng mga base?

Sinasaad rin sa Artikulo XIII na sa panahon ng digmaan, ang anumang krimen na

gawin ng mga miyembro ng Armed Forces of the United States sa loob ng Pilipinas ay

paparusahan sa ilalim ng pamahalaan ng Estados Unidos. Kung ganoon, sa panahon ng

22
digmaan, tayo ay mapapasailalim na ng Estados Unidos at ang bansa ay

mapapangibabawan at kokontrolin na ng mga kaaway na Amerikano.”

Mga 1950’s nang simulang magkalumot ang relasyon ng Amerika at Pilipinas

dahil sa mga kasulatan na ito. Pinalala pa ito nang sinubukang ipagtanggol ng mga

Amerikano ang mga kriminal na miyembro ng pwersa nila na ginawa ang mga krimen sa

labas ng base at sa oras ng kanilang duty. At ang may pinakalaking epekto ay ang

pagpapadala ng mga kriminal sa sarili nilang bansa at pagsasawalang bahala ng Amerika

sa hatol ng korte ng Pilipinas. Dinagdagan pa ito ng prostitusyon na naipalaganap ng mga

sundalong Amerikano sa mga base nito.

Nagkaroon ng ilang mga protesta at mga Pilipinong nais na palabasin ang mga

Amerikano sa bansa. Dito nagumpisang umusbong muli ang nasyonalismo sa mga

Pilipino. Naging malinaw sakanila na balak muling sakupin ng Amerika ang Pilipinas at

sa pagkakataong ito ay lumaban na sila bago pa man maging huli ang lahat.

Sinubukang angkinin ng Amerika ang mahigit 199,580 ektarya na lupain na ginamit para

sa mga base nito sa bansa. Nang malaman ito ng sambayanang Pilipino ay agad itong

tinugunan ng mga nasyonalistang Pilipino at naging nalaman nila na hindi totoo ang

kalayaan na sinasabing ibinigay na sa bansa. Ang imahe ng Amerika ay nadumihan. Sila

ay tinawag na mga oportunista at mapagsamantala.

Humina ang mga kritisismo at akusasyon sa Amerika nang ibinigay nito “ang

soberanya ng gobyerno ng Pilipinas sa mga base”.

23
Anti-Americanism, 1960’s

Ngunit noong 1960’s, naging maingay muli ang Anti-Americanism (ang

terminong ginagamit ng mga Amerikano sa mga Pilipinong tumutuligsa sakanila) bunga

ng dalawang insidente: ang isang Pilipino na pinatay ng isang sundalong Amerikano

noong 1964 at ang pagpatay naman sa isang Pilipinong mangingisda sa loob ng Olongapo

Naval Base sa taong ring iyon. Pinagtanggol ng Amerika ang unang pagpatay. Sinabing

depensa lamang ito sa diumanong plano ng Pilipino na pagpapasabog sa ilang mga

estudyanteng Amerikano. Ngunit hindi naniwala ang mga nasyonalistang Pilipino at

sinabing ginagamit lamang ito upang masira ang reputasyon ng Pilipinas at maipakita sa

mga Amerikano na ang mga Pilipino ay likas na mga mamamatay-tao. Napatunayan

naman na ang bombang ipinakita ng mga Amerikano ay mula pa noong World War II at

imposibleng sumabog. Dahil rito ay naging target ng mga kritisismo ang American

Ambassador. Ang mga Amerikanong estudyante naman, sa tuwing nakikita ng mga

Pilipino, ay binabato ng mga insulto.

Hindi lamang mga Amerikano ang inaakusahan ng mga nasyonalistang Pilipino

kundi pati na rin ang mga Pilipinong sumasali sa kanilang panig ng Amerika. Maging ang

Presidente noon na si Diosdado Macapagal ay tinanong ng mga ito kung aling panig siya

kakampi. (Agoncillo, 1975, p. 292)

Noong ika-25 ng Enero, 1965, ilang mga estudyante at manggagawa, sa

pamumuno ng nasyonalistang grupo na Kabataang Makabayan, ang nagprotesta sa

harapan ng American Embassy. Bagamat tahimik, maayos at walang dahas, karamihan

parin sa mga Amerikano ay napuno ng takot at nakitang mapanganib ang mga

24
nasyonalistang Pilipino at dapat nilang tugunan ang mga daing nito. Nakita ng maraming

Pilipino ang hangarin ng Amerika na sakupin ang bansa natin.

Ayon sa mga Amerikano, ang ginagawa nilang ito ay upang matulungan lamang

ang mga Pilipino na umahon mula sa mga digmaang nagdaan sakanila, lalo na at hindi pa

sila marunong kung paano pamahalaan ang sariling bansa (tinatawag nilang benevolent

assimilation). Kaya naman pinapakialamanan ng US ang mga desisyon ng pamahalaan ng

Pilipinas at si Roxas naman ay nagiging parang isang papet lamang nila. Ngunit para sa

iba, nagiging praktikal lamang siya dahil sa kagustuhang maging matagumpay ang

restorasyon ng bansa. Dahil dito ay nagmumukhang bumababa na ang katayuang moral at

pulitikal ng bansa. (Mateo, Boncan, Balonso, Tadena, Jose, Ponsaran, Ong, 2006, p.320)

Si Roxas ay hindi naging isang magandang ehemplo para sa mga Pilipino. Hindi siya

nagpakita ng damdaming nasyonalismo at inuna ang pangangailangan (at mga pansariling

interes) ng dayuhan.

Ang pagsasang-ayon ni Roxas sa panlalait ng mga Amerikano sa Pilipinas ay

naging dahilan lamang upang bumaba ang tingin ng mga Pilipino sa sariling bayan.

Pinaparating ng mga Amerika at ni Roxas na hindi pa marunong ang mga Pilipino na

tumayo sa sarili nitong mga paa at masyado pang mahina upang makaahon mula sa

digmaan nang magisa. Ang mga panlalait na ito ay malaki ang naging epekto sa kanilang

pride bilang mga Pilipino at sa pagdebelop ng kanilang damdaming nasyonalismo.

Sa pamamahala ni Roxas ay muling umusbong ang armadong kilusan ng mga

magbubukid na Hukbo ng Bayan Laban sa mga Hapon (HUKBALAHAP). Naging isa na

itong samahang radikal na pinamumunuan ni Luis Taruc laban sa pamahalaan. Tinugunan

25
nila ang lumalaking agwat ng mayayaman at mahihirap, konsentrasyon ng lupang

sakahan at ang katiwalian sa pamahalaan.

Inakusahan ni Roxas ang mga rebelde gaya ng mga Huks at Pambansang

Kaisahan ng mga Magbubukid ng pagpapabagsak sa pamahalaan at sa bansa. Ngunit

kung susuriing mabuti ay hindi naman ang pagbagsak ng pamahalaan ang layunin ng mga

rebelde. Ang hinihingi lamang nila ay reporma sa lupa at pigilan ang katiwalian sa

pamahalaan para sa ikabubuti nito. Makatarungan ang kanilang mga hinihingi, ngunit

hindi makatarungan ang naging tugon ni Roxas dito.

Tinawag na isang krimen ang pagsali sa mga kilusang ito at nagsagawa ng

malawakang pagaresto sa mga kasapi. Dahil dito ay lalong sumiklab ang rebelyong Huk

sa sumunod na administrasyon.

Ngunit si Elpidio Quirino, ang pumalit sa puwesto ni Roxas, ay naniniwala rin na

walang halaga ang “kalayaang pampulitikal” na ibinigay sakanila kung wala namang

katatagang pangekonomiya. Pinagpatuloy rin niya ang paghingi ng tulong mula sa US

para sa rehabilitasyon ng bansa. Ang problema sa mga rebelyon ay lalo lamang lumala.

At dahil sa marami sa mga kasapi ng kilusan ay magsasaka, lalong humina ang

agrikultura at ekonomiya ng Pilipinas.

Bago pa man ang digmaan, nagbalak na ang mga magsasaka ng Gitnang Luzon na

labanan ang mga may-ari ng lupa upang makuha ang kanilang mga karapatan. Ngunit sa

pagdating ng mga Hapones ay pagsamantalang itong tumigil, binuo ang HUKBALAHAP

at hinarap naman ang mga bagong mananakop. Ngunit nang makamit ng Pilipinas ang

“kalayaan”, muling lumaban ang mga magsasaka sa mga mapagsamantalang may-ari ng

lupa. Lalo pa silang nagalit nang siningil sila ng back rent, o ang bayad sa renta nila sa

26
lupa sa mahigit tatlong taon na pamamalagi ng mga Hapones sa bansa. Dahil sa paglaban

ng HUKBALAHAP at paninira sakanila ng mga may-ari ng lupa, hindi kinilala ng

pamahalaan ang kanilang kabayanihan noong panahon ng pananakop ng mga Hapones.

Pinapakita lamang nito na walang utang na loob ang pamahalaan sa mga kabayanihan ng

HUKBALAHAP gayong malaki ang nagawa nila upang maipagtanggol ang kapwa nila

Pilipino pero malaki ang kanilang utang na loob sa mga dayuhan na wala sakanilang

ginawa kundi ang paniwalain ang mga Pilipino na tunay nang lumaya ang ating bansa sa

tulong ng mga Amerikano at kontrolin tayo sa pamamagitan ng pagbibigay ng pondo

para sa restorasyon.

Sa naganap na halalan para sa lehislatura noong 1945, nanalo ang ilang miyembro

ng Democratic Alliance, isang samahan ng mga magbubukid at mangggagawa tulad ni

Luis Taruc. Ngunit hindi sila pinayagang umupo sa puwesto ng pamahalaan dahil sa

pagaakusa sakanila ng pandaraya bagamat wala namang ebidensya na nagpatunay nito.

Lalong nagalit ang mga magsasaka dahil sa nawalan sila ng kinatawan sa Kongreso. Ang

mga hinaing nila ay hindi na pinakinkiggan.

Dahil sa kawalan ng katarungan sa panig ng mga Huks, sila ay nagalsa at binuo

ang Hukbong Mapagpalaya ng Bayan (HMB). Pinangakuan sila ng administrasyong

Quirino ng reporma sa lupa, demokrasya at lehitimong karapatan ng mga mamamayan,

pagresolba sa katiwalian ng pamahalaan, pagbasura ng Bell Trade Act at Military Bases

Agreement at pagtutol sa mga patakaran ng Imperyalistang bansa. Ngunit kung titingnan

ay mahirap na matupad ang mga ito sapagkat karamihan ng mga nasa posisyon ay mga

may-ari ng lupa, nakadepende sa mga Amerikano at may mga pansariling interes. Ang

27
layunin lamang nila sa kanilang pagupo sa mga pwesto sa pamahalaan ay ang

maprotektahan ang kanilang mga yaman, ari-arian at kapangyarihan.

Tulad ng inaasahan, hindi natupad ang mga ipinangako. May mga kasapi parin ng

Huks ang nakakulong, wala paring reporma sa lupa, at ang pamahalaan ay nanatiling

sunod-sunuran sa US.

Pamumuno ni Ramon Magsaysay

Sa pamumuno ni Magsaysay bilang pangulo ay naging pangunahin layunin niya

ang pagsugpo sa rebelyon. Naging tanyag siya dahil sa kanyang pakikisalamuha sa masa.

Ayon kay Magsaysay, “Yaong mas mahirap sa buhay ay dapat may higit na pakinabang

sa batas” (“Those who have less in life should have more in law”)( Mateo, Boncan,

Balonso, Tadena, Jose, Ponsaran, Ong, 2006, p.325)

Ipinakita niya ang kanyang damdaming nasyonalismo sakanyang paghahangad na

makatulong sa nakararaming Pilipino. Nagpatupad siya ng reporma sa lupa, mga patubig

at mga programang pangkabuhayan kung kaya’t minahal siya ng masa. Ang mga

talumpati niya ay nasa wikang Tagalog upang makarating ang kanyang mensahe sa

nakararami. Binigyang-pansin rin niya ang kulturang Pilipino. Sa mga espesyal na

okasyon sa Malakanyang ay pinalaganap niya ang paginom ng basi, ang katutubong

inumin mula Ilocos, at ang pagsuot ng Barong Tagalog. Nagluksa ang sambayanang

Pilipino sa kanyang pagkamatay dahil sa maganda niyang relasyon sa masa at matapat

28
niyang panunungkulan bilang presidente na naging solusyon sa suliranin sa

rehabilitasyon at rebelyong Huk.

Nagsilbi siyang isang magandang ehemplo ng nasyonalismo sa mga Pilipino. Nais

niyang makiisa ang masa sa kanyang mga hangarin para sa bansa kung kaya’t

nakikisalamuha siya sa mga ito.

Filipino First Policy

Sa pagupo sa puwesto ni Carlos P. Garcia ay ipinatupad niya ang Pilipino Muna o

ang Filipino First Policy. Layunin nitong paigtingin ang nasyonalismo sa mga Pilipino.

Mas binigyan ng oportunidad ang mga negosyanteng Pilipino kaysa sa mga dayuhang

namumuhunan. Sinuportahan niya ang lokal na industriya at tinangkilik ang mga

produktong Pilipino. Pinatupad rin ang pagtitipid sa pagangkat ng mga produkto mula sa

ibang bansa. Layunin nito na palakasin ang industriyang Pilipino upang makapagipon ng

malaking halaga upang maisakatuparan ang pambansang industriyalisasyon. Pinukaw rin

nito ang pagkamabayan ng mga Pilipino. (Mateo, Boncan, Balonso, Tadena, Jose,

Ponsaran, Ong, 2006, p. 331)

Marami sa mga Pilipino ang natuwa sa polisiyang ito bagamat binatikos ito ng

mga Amerikano at Tsino dahil ito ay naging isang balakid sa kanilang mga pansariling

interes.

Paglaban sa katiwalian at pagpapalit ng petsa ng Araw ng Kalayaan

Sa pamumuno naman ni Diosdado Macapagal ay pinagtuunan niya ng pansin ang

katiwalian sa pamahalaan. Nangampanya siya upang magbayad ng tamang buwis ang

29
mga mamamayan at malabanan ang nepotismo (pagtatalaga ng kamag-anak sa anumang

posisyon sa pamahalaan). Bumaba ang pandaraya at pagsasamantala ng mga pulitiko.

Dahil dito ay nagbalik ang tiwala ng mga mamamayan sa gobyerno. Isang

mahalagang salik sa nasyonalismo ang tiwala ng mga mamamayan sa mga namumuno

rito. Sa pamamagitan nito ay nagkakaroon na sila ng tiwala sa kakayahan ng bansa na

umunlad nang walang tulong mula sa mga dayuhan. Ito rin ay nakakatulong upang

tumaas ang pagtingin ng mga Pilipino sa sarili.

Sa kanya ring panunungkulan ay pinalitan niya ang petsa ng Araw ng Kalayaan

upang maging inspirasyon sa kabatan ang kabayanihan ng mga rebolusyonaryo noong

panahon ng pananakop ng Espanya. Mula Hulyo 4 ay naging Hunyo 12 na ito. Ang

pagpapalit ng rin petsa ng Araw ng Kalayaan ay maaaring makatulong upang mahubog

ang nasyonalismo ng bansa. Dahil noong Hulyo 4, huwad na kalayaan lamang ang ating

natanggap at patuloy parin tayong kinokontrol ng mga Amerikano pagkatapos ng petsang

ito. Samantala noong Hunyo 12 naman ay nakatanggap tayo ng kalayaan nang walang

tulong ng sinuman bagamat agad na pumasok ang mga bagong mananakop. Isa pa, ang

pagtatakda ng Araw ng Kalayaan sa Hulyo 4 ay mas nagpapakita lamang ng pagkakatali

natin sa Amerika. Ipinapahayag lamang nito na tayo ay dapat na magbayad ng utang na

loob para sa “pagpapalaya” nila satin.

Sa panunungkulan rin ni Macapagal ay makikita natin ang mga pulitikong

balimbing na palipat-lipat ng partido upang mapaboran ng namamahala. Ang mga

pulitikong noon ay nasa kalabang partido ni Macapagal ay lumipat na sa kanyang partido.

Makikitang walang damdaming nasyonalismo ang mga balimbing na pulitikong ito

sapagkat ang mga sarili lamang nila ang kanilang iniisip. Wala silang pakialam kung ang

30
panig na sinasamahan nila ay may magagandang layunin para sa bansa. Ang mahalaga

lamang sakanila ay ang masama sa mas makapangyarihang partido.

Rehimeng Marcos

Sa rehimen naman ni Ferdinand E. Marcos ay sinimulan niya ang

rehiyonalisasyon ng bansa. Hinati niya ang bansa sa 12 rehiyon batay sa mga pagkakaiba

nito upang mas madaling matugunan ang pangangailangan ng bawat isa.

Marahil ay isa rin ito sa mga nakaapekto ng nasyonalismo ng bansa. Sa

pamamagitan ng rehiyonalisasyon, nabibigyang-diin ang pagkakaiba ng mga rehiyon sa

isa’t isa. Ang kahulugan ng nasyon ay “isang pangkat ng mga tao na may iisang mithiin

at layunin sa buhay at pinagbubuklod ng iisang lahi , wika, relihiyon, kaugalian at

tradisyon”. Ngunit papaano natin maisasadiwa ang kahulugan ng nasyon kung

ipinapalaganap natin ang ideya ng pagkakaiba-iba ng mga Pilipino sa isa’t isa? Hindi

naman masamang isagawa ang rehiyonalisasyon sapagkat nakatutulong rin ito upang mas

mas madaling masolusyonan ang mga problema ng bawat rehiyon. Ngunit hindi dapat

mapasok sa isipan nating mga Pilipino na magkakaiba ang bawat rehiyon kung kaya’t

hindi na kailangan pang magsama-sama ang mga ito dahil sa magkakaiba naman ang

kanilang mga layunin.

Sa kanyang pagkakahalal ay ipinangako rin niyang walang tropang Pilipino ang

ipapadala niya bilang tulong sa hukbo ng US sa digmaan sa Vietnam. Ngunit kalaunan ay

binawi rin niya ito. Makikita dito na patuloy paring kinokontrol ng US ang Pilipinas sa

kabila ng pagbabasura ng ilan sa mga patakarang ipinatupad nila at pagpapatupad ni

Carlos Garcia ng Filipino First Policy. Pinilit lamang ng Amerika si Ferdinand Marcos

31
na kumampi sa kanilang panig sa isasagawang digmaan laban sa Vietnam upang

ipamukha itong isang “demokratikong” digmaan kung saan kasama nila ang ilang

Asyanong bansa. (Agoncillo, 1975, p. 293)

Martial Law

Sa pagdeklara ng Presidential Decree 1081 noong Setyembre 21, 1972 (na

nilagdaan noon pang Setyembre 17 at inanunsyo sa publiko noong Setyembre 23 pa),

bumulusok ang popularidad ni Marcos. Umani siya ng mga papuri dahil sa

pansamantalang kaayusan at kapayapaan sa bansa. Ngunit sa karamihan, ito ay nagdulot

ng takot at pangamba.

Isinisi ni Marcos ang pagdedeklara niya ng Batas Militar sa lumalalang problema sa

rebelyon, pagbaba ng produksyon, pagkaparalisa sa mga operasyon ng pamahalaan at ang

tumataas na bilang ng mga krimen (Mateo, Boncan, Balonso, Tadena, Jose, Ponsaran,

Ong, 2006, 338). Inakusahan ang mga rebeldeng grupo (Communist Party of the

Philippines at New People’s Army) ng pagpapasabog sa mga lungsod (urban terrorism).

Isinisi rin niya ang kaguluhan sa bansa sa radikalismo ng mga estudyante at

manggagawa. Maging ang pagpapasabog sa Plaza Miranda, na pinaniniwalaang pinlano

ni Marcos upang mapatay ang mga katunggali niya sa kabilang partido, upang maipakita

ang “karahasan” ng mga Pilipino at mabigyan ng katwiran ang pagpapatupad niya ng

Batas Militar. Sa katunayan ay nagsagawa rin si Marcos ng huwad na assassination kay

Juan Ponce Enrile, noong kalihim ng tanggulang pambansa.

Kasabay ng pagdeklara ng Batas Militar ay ipinatupad rin ni Marcos ang kampanyang

Bagong Lipunan. Narito ang mga hakbang na isasakatuparan:

32
1. Ang pagpapaalis ng mga opisyal sa pamahalaan na napatunayang tiwali at

mapang-abuso;

2. Pagpaparusa sa mga nagtutulak sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot;

3. Pagtatakda ng curfew upang masolusyonan ang lumalalang krimen;

4. Pagpapalaganap ng pilosopiyang “Isang Bansa, Isang Diwa” upang pukawin ang

pagkamakabayan ng mga Pilipino; at

5. Pagsasanay sa mga mamamayan na maging disiplinado at masunurin. (Mateo,

Boncan, Balonso, Tadena, Jose, Ponsaran, Ong, 2006, p.340)

Malinaw na naisakatuparan ang lahat ng mga hakbang, maliban ang pang-apat.

Ang paninisi niya sa mga Pilipino ay nakasisira lamang sa kanilang puri. Makikitang

hindi lamang ang mga dayuhan ang nagmamaliit saatin, kundi pati na rin ang kapwa

Pilipino. Maaaring nakasisira ito sa tiwala ng mga Pilipino sa kanilang mga sarili at

bayan.

Ngunit hindi ito sapat upang pigilan ang mga Pilipino na mangahas na lumaban sa

gobyerno. Sa kabila ng pagaaliw ng pamahalaan sakanila sa pamamagitan ng

pagpapatayo ng mga imprastraktura at panunuhol sa mga komentarista upang purihin ang

mga aksyon ng kanyang administrasyon, kaliwa’t kanan parin ang nagsusulputan na mga

rebelyon tulad ng Communist Party of the Philippines (CPP) at New People’s Army

(NPA).

Bunga ito ng laganap na paglabag sa mga karapatang pantao. Lalo na ang sa mga

kalaban ng gobyerno tulad ng mga aktibista at mga manunulat na bumabatikos sa

pamamahala ni Marcos. Nawalan na ng kalayaan sa pagsusulat at isinuspinde ang writ of

habeas corpus na nagbigay ng kalayaan kay Marcos na basta-basta na lamang ipakulong

33
ang mga kalaban nito. Dahil rin dito ay napadali ang pagpapalit ng Konstitusyon ng 1973

na isinagawa upang maging ligal ang mga binabalak ni Marcos.

Tinatayang 22,287 na sibilyan ang ikinulong at 2,491 naman ang naging biktima

ng salvaging o ang pagpatay na hindi dumaraan sa proseso ng batas. Ayon sa Amnesty

International, umabot ng 759 ang bilang ng mga desaparecidos o ang mga idinampot na

kaaway ng gobyeroat hindi na natagpuan pa. Pinaniniwalaan na ang mga ito ay pinaslang

na at itinago ang mga bangkay.( Mateo, Boncan, Balonso, Tadena, Jose, Ponsaran, Ong,

2006, p. 342)

Sa panahong ito, ang pagkakaroon ng damdaming nasyonalismo ay maituturing

na mapanganib. Ngunit pinatunayan ng mga Pilipino na handa silang mamatay para sa

ikabubuti ng nakararaming Pilipino.

Sa katunayan ay dumami pa ang bilang ng mga kasapi ng NPA nang pagdeklara

ng Batas Militar. Mula 1,000 ay naging 30,000 ito. (Mateo, Boncan, Balonso, Tadena,

Jose, Ponsaran, Ong, 2006, p.345)

Noong 1970’s naman ay nagkaroon ng rebelyon ang Moro National Liberation

Front (MNLF) dahil sa hindi pagtugon ng pamahalaan sa kanilang mga pangangailangan.

Hangad nilang ihiwalay ang rehiyon ng Mindanao sa Pilipinas sa pamamagitan ng dahas.

Noong 1975, tinatayang 30,000 tropa ang pinamunuan ni Nur Misuari, isang Muslim na

dating nagtuturo sa Unibersidad ng Pilipinas. Libo libo ang napaslang sa rebelyong ito

kung kaya’t nilagdaan ang Tripoli Agreement noong 1976 kung saan pinagkalooban sila

ng kalayaang pamahalaan ang sarili. Ngunit di nagtagal ay sumiklab muli ang

pagrerebelde ng grupo. Nahati rin ang MNLF at nabuo ang Moro Islamic Liberation

Front o MILF. (Mateo, Boncan, Balonso, Tadena, Jose, Ponsaran, Ong, 2006, p.345)

34
Lumawak naman ang mga kilos-protesta ng mga mamamayan. Tinugunan ito ng

pamahalaan sa marahas na paraan. Sinuhulan nila ang ilang Pilipino upang sumali sa mga

rally at magdulot ng gulo upang mabigyang-katwiran ang paggamit ng dahas ng mga

pulis at militar.

Lumabas rin ang ilang mga akda na may temang pulitikal gaya ng Dekada ’70 ni

Lualhati Bautista, Sebyo ni Carlos Humberto at Mga Ibong Mandaragit ni Amado V.

Hernandez. Ang tulang Prometheus Unbound naman na isinulat ni Jose Lacaba na may

alyas na Ruben Cuevas ay tumuligsa rin kay Marcos. Ngunit malaya itong naipalathala

dahil sa mapalinlang nitong pagkakasulat.

Promentheus Unbound
Ni Ruben Cuevas
I shall never exchange my fetters for slavish servility.
‘Tis better to be chained to the rock than be bound to
the service of Zeus.—AESCHYLOUS, Promentheus
Unbound

Mars shall grow tonight,


Artemis is out of sight,
Rust in the twilight sky
Colors a bloodshot eye,
Or shall I say that dust
Sunders the sleep of just?

Hold fast to the gift of fire!


I am rage! I am wrath! I am ire!
The vulture sits on my rock,
Licks at the chains of that mock
Emancipation’s breath,
Reeks of death, death, death.

Death shall not unclench me.


I am earth, wind and sea!
Kisses bestow on the brave
That defy the damp of the grave
And strike the chill hand of
Death with flaming sword of love.
Orion stirs. The vulture
Retreats from the hard, pure

Thrust of the spark that burns,


Unbounds, departs, returns
To pluck out of death’s fist
A god who dares to resist.

35
Mapapansin na sa mga unang letra sa bawat linya ay mababasa ang MARCOS

HITLER DIKTADOR TUTA, ang mga katagang madalas na isinisigaw ng mga nagpo-

protesta. (Mateo, Boncan, Balonso, Tadena, Jose, Ponsaran, Ong, 2006, p.358) May mga

pahayagan rin na laban kay Marcos na lumabas gaya ng We Forum ni Jose Burgos, Mr.

& Ms. Ni Eugenia Apostol at Malaya, ang pahayagang tinatawag ni Marcos na mosquito

press.

Nagkaroon din ng mga impersonator ng mga pulitiko at mga dulang may temang

pulitikal. Marahil ay nakatulong rin upang magising sa pangaabuso ng pamahalaan sa

mga Pilipino ang mga kanta ni Bob Marley na may karaniwang tema na tungkol sa

pangaalipin, diskriminasyon, etnisidad at rebolusyon. (Mateo, Boncan, Balonso, Tadena,

Jose, Ponsaran, Ong, 2006, p.358)

People Power

Si Benigno Aquino, Jr. ay isa sa mga pinakamahihigpit na kalaban ni Marcos.

Inakusahan siya ng subersyon o paglaban sa estado at ipinakulong. Pagkabalik ni Ninoy

Aquino sa bansa mula U.S. noong Agosto 21, 1983, ay pinaslang siya sa Manila

International Airport. Pinalabas ni Marcos na ang pagpapaslang ay utos lamang kay

Rolando Galman ng CPP-NPA. Ngunit batay sa imbestigasyon ng Agrava Commision,

ang tunay na nasa likod ng pagpatay ay sina Imelda Marcos at Fabian Ver.

Sa pagkamatay ni Aquino ay umigting pa lalo ang damdaming nasyonalismo ng

mga Pilipino. Mahigit isang milyong Pilipino ang nagsama-sama sa paghahatid kay

Ninoy Aquino sa kanyang huling hantungan. Dito ay ipinakita nila ang kanilang

pagdadalamhati sa pagkamatay ng bayani at ang kanilang galit sa mapangabusong

36
pamamahala ni Marcos. Si Aquino ay naging simbolo ng nasyonalismo noong panahon

ng Batas Militar.

Upang ipakita na may suporta parin siya ng mga Pilipino ay nagsagawa si Marcos

ng isang Snap Election noong 1986. Sa kabila ng kanyang pandaraya, nanalo ang

kanyang kalaban na si Corazon Aquino sa pagkapangulo batay sa National Movement for

Free Elections (NAMFREL). Nanalo man siya sa minanipulang resulta ng Commision on

Elections (COMELEC), si Cory Aquino parin ang tinanggap na pangulo ng mga Pilipino.

Nagkaroon ng malawakang kilos-protesta hindi lamang sa Kamaynilaan kundi

pati na rin sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. Nanguna sa kilos-protesta ang civil society

kung saan ang mga kasapi ay mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Dalawa sa mga

popular na samahang nagsasagawa ng mga rally ay ang Justice for Aquino, Justice for All

(JAJA) at August Twenty-One Movement (ATOM).

Si Cory Aquino ay may mahalagang papel sa pagpapaigting ng nasyonalismo sa

mga panahong iyon. Naging simbolo siya ng pakikipaglaban kay Marcos, ng mapayapa at

relihiyosong pakikibaka. Ikinampanya rin niya ang pagboboykot sa mga bangko at mga

produkto ng mga crony ni Marcos. Maging ang kompanya ng kanyang pinsan na San

Miguel Beer at Coca-Cola ay kinampanya niyang boykotin dahil sa isa ito sa mga crony

ni Marcos.

Naging isa siyang magandang imahe ng nasyonalismo. Maging ang mga kamag-

anak niya ay nakaya niyang kalabanin dahil sa mga pagkakampi nito sa taong dahilan ng

kaguluhan sa bansa. Wala siyang pinapanigan. Ang iniisip lamang niya ay ang kapakanan

ng Pilipinas.

37
Pebrero 22, 1986 nang kumalas sina Fidel Ramos at Juan Ponce Enrile mula sa

pamahalaan ni Marcos. Dumagsa ang maraming mamamayan sa Epifanio de los Santos

Avenue (EDSA) bilang tugon sa paghingi ng tulong ng dalawa at ni Jaime Cardinal Sin

upang bigyan sila ng proteksyon mula sa pag-atake ni Marcos. Iba’t ibang uri ng

mamamayan ang dumagsa sa EDSA. Mayroong mga madre, estudyante, manunulat,

propesyunal, manggagawa at iba pa. Hindi lamang mahihirap ang sumama kundi pati na

rin ang mga nasa gitnang uri at mga mayayaman.

Nagkaisa ang lahat sa pagpapabagsak kay Marcos sa mapayapang paraan. Sa

People Power ay naipamalas ng mga mamamayan ang kakayahan nila bilang mga

Pilipino, na kaya nilang magkaisa upang makamit nila ang iisa nilang mithiin. Sa

pangyayaring ito isinabuhay ng mga Pilipino ang diwa ng nasyonalismo. Dahil dito ay

hinangaan ng buong daigdig ang bansang Pilipinas.

Pebrero 25, 1986 nang nagtagumpay ang mga Pilipino na patalsikin si Marcos sa

kanyang puwesto.

PAGKATAPOS NG PEOPLE POWER

Pagbabalik sa Demokrasya

Sa administrasyong Aquino ay pinalitan ang nagtalaga ng mga magiging kasapi

ng Constitutional Commision ang president mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan upang

palitan ang Konstitusyon ni Marcos. Binigyan rin niya ng kalayaan ang iba’t ibang

rehiyon sa Pilipinas na magkaroon ng lokal na pamahalaan.

38
Sa pamamahala ni Aquino ay nanumbalik ang demokrasya. Marahil ay ito na ang

pinakamalaking kontribusyon ng administrasyong Aquino sa pagpapaigting ng

nasyonalismo sa mga Pilipino. Ang demokrasya ay isang napakahalagang salik ng

nasyonalismo dahil sa pinapahalagahan nito ang pagkakaisa ng mga mamamayan sa

pagtatalaga ng mga mamumuno sakanila. Dito mahihinuha kung ano ang kagustuhan ng

nakararaming Pilipino at nang sa gayon ay magtulungan ang lahat para matupad ito.

Ngunit hindi nagtagal at bumalik muli ang kawalan ng katatagang pulitikal ng

bansa. Ang mga mamamayan ay nagkakahati rin sa kanilang paniniwalang pampulitika.

Unti-unti nang humihina ang nasyonalismo sa mga Pilipino.

Hindi parin nawala ang mga rebelyon. May nagaganap parin na labanan sa

pagitan ng mga komunista at mga may-ari ng lupa. Mayroon ding mga rebeldeng

nagtangkang patalsikin sa puwesto si Cory Aquino.

Pagpapaunlad sa Ekonomiya ng Bansa

Sa pamamahala ni Fidel Ramos ay nagtangka siyang solusyonan ang problema sa

rebelyong Muslim at komunista at itinatag ang Southern Philippine Council for Peace and

Development. Naging matagumpay naman ang kanyang pakikipagusap sa MNLF.

Subalit kahit na nasolusyonan na ni Ramos ang problema sa rebelyon na

nakatulong upang mapagkaisa ang Pilipinas, ang pagpapaunlad naman niya ng

ekonomiya ay hindi naging maganda ang epekto sa damdaming nasyonalismo ng mga

Pilipino.

Upang mapaunlad ang ekonomiya ng bansa, sumunod siya sa patakarang

liberalisasyon at naging aktibo sa iba’t ibang organisasyon gaya ng Association of

39
SouthEast Asian Nations (ASEAN), ASEAN Free Trade Area (AFTA), Asia-Pacific

Economic Cooperation (APEC) at World Trade Organization (WTO). Pinagtuunan rin

niya ng pansin ang relasyon ng Pilipinas sa ibang mga bansa. Sa pagsunod niya sa

patakarang liberalisasyon, sumusuporta siya sa neoliberal na kaisipan ng mga

Kanluraning Bansa at ipinapasok ang mga ito sa bansa. Naipalaganap nito ang

kolonyalismo sa bansa.

People Power II

Sa pamamahala naman ni Joseph Estrada ay nilagdaan ang Visiting Forces

Agreement (VFA) kung saan pinahintulutan ang mga sundalong Amerikano sa Pilipinas

upang magsanay ng military exercises kasama ng mga sundalong Pilipino. Marami ang

pumuna sa kasunduang ito at sinabing wala itong pagkakaiba sa pagkakaroon ng mga

base ng Amerikano sa bansa.

Nagpatuloy parin ang rebelyon ng MILF at Abu Sayyaf Group (ASG) sa rehimen

ni Estrada. Ngunit sa pagkakataong ito, naglunsad na ang pamahalaan ng all-out war

laban sa dalawang grupo na ito. Sa pakikipaglaban ng pamahalaan sa mga rebelde ay

nawawala lamang ang kapayapaan sa bansa at naging mas watak-watak ang mga Pilipino.

Napatunayang nagnakaw si Estrada at napatalsik sa pamamagitan ng People

Power II noong Enero 11, 2001. Dito ay natunghayan nating muli ang damdaming

nasyonalismo ng mga Pilipino.

Ang People Power ay naging tanyag sa buong daigdig. Sa katunayan ay isinagawa

rin ito ng mga bansang Poland, Czechoslovakia, Germany, Germany, U.S.S.R. at South

40
Korea. Ang People Power ay isa sa mga bagay na maipagmamalaki natin tungkol sa ating

bansa.

Pamahalaang Arroyo

Sa panahon ng rehimen ni Gloria Arroyo, nagkaroon ng banta ng terorismo.

Bilang tulong ay nagpadala ang Pilipinas ng mga sundalong Pilipino sa mga kritikal na

bansa gaya ng Iraq. Ngunit mayroong mga Overseas Filipino Workers ang nabihag ng

mga terorista at hininging kapalit ang pagpapabalik ng mga sundalong Pilipino sa sarili

nitong bansa. Nahirapang magdesisyon si Arroyo dahil sa isinasaalang-alang parin niya

ang pananagutan nito sa U.S. at ang magiging imahe ng Pilipinas sa ibang bansa. Nang

lumaon ay napagdesisyunan ni Arroyo na pangalagaan ang kaligtasan ng mga Pilipinong

nabihag at ipabalik sa bansa ang mga sundalong Pilipino.

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi parin nawawala ang problema sa mga

rebeldeng komunista at Muslim at ang mga tumutuligsa sa pamahalaan. Dahil rito ay

hindi parin tiyak kung mayroon pa nga bang nasyonalismo ang mga Pilipino o tuluyan na

ba itong nawala sa damdamin ng mga mamamayan.

41
NASYONALISMO SA KASALUKUYAN

ANG PAGDAMI NG MGA OFW

Maraming mga dahilan kung bakit patuloy na dumadami ang bilang ng mga Overseas

Filipino Workers o OFW.

Una, dahil sa pagnanais na umahon mula sa kahirapan. Dahil sa mababa ang sweldo sa

Pilipinas, napipilitan ang mga Pilipinong manggagawa na mangibangbansa at doon kumuha ng

trabaho kung saan makakukuha sila ng higit na mataas na sweldo.

Pangalawa, ang pagnanais nila na tumakas mula sa mga problemang bumabalot sa sarili

nating bansa. Dahil sa mga kaguluhang nagaganap sa Pilipinas ay mas nanaisin pa ng mga

Pilipino na lumuwas ng bansa (madalas ay kasama ang buo nitong pamilya) kaysa ang tiisin ang

42
kahirapan sa sarili nilang bansa. Mayroon pa ngang mga doctor na nagaral pa ng nursing para

lamang mapadali ang pagkuha ng trabaho sa ibang bansa.

Ang mga OFW ay itinuturing na mga bagong bayani. Ngunit paano sila magiging mga

Bagong bayani kung hindi nila ipinapakita ang pinakamahalagang katangian ng isang totoong

bayani, ang nasyonalismo?

Unang una, hindi ang kapakanan ng bansa ang kanilang iniisip nang napagpasyahan

nilang magtrabaho sa ibang bansa kundi ang kapakanan lamang ng sarili nilang pamilya.

Pangalawa, hindi nila naipapakita ang pagiging makabayan, pagmamahal at pagiging tapat sa

bayan sa pamamagitan ng pagalis nila sa bansa. Nasilaw sila sa malaking sweldo na makukuha

nila sa ibang bansa at iniwanan ang kanilang tungkulin sa sarili nilang bayan. Hindi na nila inisip

ang mga naiwan nilang responsibilidad na dapat sana ay pambayad sa utang na loob nila sa

Pilipinas.

MGA REBELYON

MGA ISYUNG KINAKAHARAP NG PAMAHALAAN AT MGA PULITIKO

(ELECTION2010)

MGA SALIK AT HAMON SA PAGBUO NG MATATAG NA NASYON

Sa ating kasaysayan ay natunghayan natin ang iba’t ibang paraan ng pagpapakita ng

damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino at ang mga pangyayaring nagudyok ng mga ito.

Maoobserbahan natin dito ang mga salik sa pagpapaigting ng damdaming nasyonalismo sa

Pilipinas.

43
Una, ang konsepto ng nasyon, kung saan nakapaloob ang nasyonalismo, na binibigyang

pansin ng mga mamamayan.

Ang nasyon na itinatag ng mga nasyonalistang Pilipino noong pananakop ng mga Kastila

ay umiikot sa orihinal na kulturang Pilipino. Ang gusto nilang itatag ay isang bansa kung saan

walang nanghihimasok na dayuhan at ang mga layunin ay para lamang sa mga mamamayan nito.

Ngunit sa pakikipagtulungan ng mga Amerikano sa mga Pilipino upang makamit nito ang

kalayaan, unti-unting nawala ang orihinal na konsepto ng nasyon. Ang layunin nilang makamit

ang kalayaan ay inakala nilang maisasakatuparan gamit ang wikang Ingles (bilang media sa

komunikasyon nila sa mga Amerikano), edukasyon, relihiyon, tradisyon at sistemang pang

pulitika na itinuro ng mga Amerikano saatin upang maging “sibilisado” tayo.

Ang konsepto ng nasyon (o ang sarili nilang pangkat ng mga tao na may iisang mithiin at

layunin sa buhay at pinagbubuklod ng iisang lahi , wika, relihiyon, kaugalian at tradisyon) ng

mga elite na Pilipino ay naimpluwensiyahan ng mga dayuhan. Ang wika, relihiyon, kaugalian,

tradisyon at maging ang kanilang lahi ay halos kapareho na ng mga mga mananakop, lalo na ng

mga Amerikano. Ang itinatag nilang edukasyon ay batay sa wikang Ingles, sa pagtuturo ng

simbahang Katoliko, at sa mga tradisyon ng mga Amerikano gaya ng Mother’s day at Halloween

at sa pamamagitan ng edukasyon na ito ay naipapalaganap ang mga kaisipang kolonyal sa mga

Pilipino. Maaaring napuna na ito ng ilang mga nasyonalistang Pilipino ngunit mahirap nang

baguhin pa ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas dahil sa ito na ang ating nakasanayan at

malaki na ang nabago nito sa ating kultura.

Makikita naman na ang masang Pilipino ngayon ay malaki ang paghanga sa mga elite at

mga banyaga. Para sakanila ay “sosyal”, mas disente, mas umaangat sa buhay at mas mataas

kaysa sakanila ang mga ito. Masasabi lamang ng mga magulang na matalino ang kanilang anak

44
kung marunong itong magingles. Karamihan rin ng mga Pilipino ay nagpapaputi, nagpapakulay

ng buhok at gumagamit ng contact lens upang mabago ang kulay ng kanilang mga mata dahil sa

gusto nilang maging katulad ng mga dayuhan na modelo ng mga umaasensong elite. Pangarap

naman ng maraming Pilipino ang makapunta sa ibang bansa upang doon ay matutunan nila ang

kultura ng mga hinahangaan nilang dayuhan at maging isa sa mga Pilipinong elite.

Kung ito ang iiral na konsepto ng nasyon sa Pilipinas, ang nasyonalismo na madedebelop

natin ay nakapaikot sa mga kaisipang kolonyal at hindi sa orihinal na kulturang Pilipino na

sariling atin. May tendensiyang ang mga Amerikano ang makikinabang sa mga kalalabasan ng

“nasyonalismo” na ito. Ang iisipin ng mga Pilipino sa kanilang mga layunin ay ang kapakanan

ng mga Amerikano at ang mga Pilipinong nakadepende sakanila. Ang kapakanan ng

nakararaming Piliipino (mga masa at mga Pilipinong tumangging tanggapin ang mga

impluwensyang dayuhan gaya ng mga etnolinggwistikong grupo) ay naisasantabi na dahil sa ang

mga elite naman ang siyang naghahari sa bansa at ang kumokontrol sa pulitika, ekonomiya,

edukasyon at maging sa relihiyon nito (makikita sa diskriminasyon na nararanasan ng mga

Muslim mula sa mga Kristiyano).

Ang lumalaganap na konsepto ng nasyon na itinatag ng mga elite ay isang epekto ng

neokolonyalismo. At sa paglaganap ng konseptong ito ay mas mapapadali ang pagkontrol at

pananakop nila saatin.

Hindi lamang impluwensyang Amerikano ang nakaapekto sa konsepto ng “nasyon”

nating mga Pilipino. Sa globalisasyon (ang proseso ng pag-igting ng pagkakaugnay-ugnay ng

mga bansa sa daigdig [depenisyon mula sa WikiAnswers]), naging malapit ang bansa sa mga

banyaga. Hindi lamang teknolohiya at tulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya ang naidala ng

45
prosesong ito sa ating bansa. Kasabay ng mga produktong banyaga ay ang mga kaisipan, wika at

pati ang kultura nila.

Napasok sa mga isipan ng mga Pilipino na ang imported na mga produkto ay mas mataas

ang kalidad at may epektong nakaaangat sa posisyon nila sa lipunan. Ang mga produktong

sariling atin ay minamaliit na ng mga Pilipino at sa halip na ipagbili ang mga ito sa Pilipinas ay

inaangkat na lamang ng mga dayuhan. (Makikita na ang direksyon ng kulturang Pilipino ay

papunta sa labas. Hindi ito umiikot sa loob ng bansa.)

Isa pang salik ay ang tugon ng mga Pilipino sa mga aksyon ng kapwa nila Pilipino, lalo

na ng pamahalaan at mga nakaaangat sa lipunan. Maraming mga tunggalian sa pagitan ng mga

Pilipino ang makikita natin sa kasalukuyang panahon.

Una, ang tunggaliang Muslim at Kristiyano. Ang mga Muslim ay nagrereklamo sa

nararanasan nilang diskriminasyon at pangaapi. Para sakanila ay naisasantabi na ang kanilang

kapakanan at ang laging inuuna ay ang mga Kristiyano lamang. Para naman sa mga Kristiyano,

sila ang nagdudulot ng gulo sa bansa.

Pangalawa, ang labanan ng mga magsasaka at mga may-ari ng lupa. Hanggang ngayon ay

isyu parin ang Land Reform at ang mga magsasaka ay unti-unting nawawalan ng lupang

sasakahan. Ang pangyayari sa Hacienda Luisita ay isa sa mga magpapatunay rito. Ang mga

magsasaka ay lumusob sa Hacienda upang ipaglaban ang lupaing dapat ay sakanila habang ang

mga namumuno naman sa Hacienda ay gumamit ng dahas upang pigilan ang mga nagpoprotesta.

Ang pamilyang may-ari ng Hacienda Luisita ay mayroong mataas na posisyon sa pulitika kung

kaya’t matagumpay nilang naprotektahan ang kanilang Hacienda.

Makikita rin sa pangayayaring ito ang isa pang tunggalian na nagaganap sa ating bansa,

ang tunggalian sa pagitan ng mahihirap at mayayaman at pamahalaan. Sa kasalukuyan, ang

46
karaniwang nakakakuha ng posisyon sa pulitika ay ang mga mayayaman at ang mga may-ari ng

lupa at mga korporasyon. Gaya ng mga Muslim, ang tingin ng mga mahihirap ay hindi sila

naaasikaso ng pamahalaan at ang mga mayayaman lamang ang napagtutuunan ng pansin. Para

sakanila ay ang mga mayayaman at pamahalaan ang may kasalanan sa kanilang kahirapan.

Makikita rin ang tunggaliang mahihirap-pamahalaan sa dalawang nagdaan na People Power at

mga kudeta.

Ang mga tunggaliang ito ay nakasisira sa pagkakaisa ng mga Pilipino. Ang mga Pilipino

ay nagkakawatak-watak at tumatangging makiisa sa mga tinuturing nilang kalaban. Ang mga

Muslim ay gustong humiwalay sa mga Katolikong umaabuso sakanila, ang mga magsasaka ay

nakikipaglaban sa mga may-ari ng lupa at ang mga mahihirap ay galit sa mga mayayaman at

isinisisi sa pamahalaan ang kalagayan nila sa buhay.

Mahalaga rin na magkaroon ng pride o magandang tingin sa sarili ang mga Pilipino para

mapaigting ang kanilang damdaming nasyonalismo. Kung hindi nila kayang maipagmalaki ang

sarili nilang bansa, mahirap na magkaroon sila ng pagmamahal dito.

Ang mga ideolohiyang nakapasok sa Pilipinas ay malaki rin ang naging epekto sa

nasyonalismo nating mga Pilipino.

Sa konserbatismo, pinahahalagahan ang pagpapanatili ng status quo at ang mga tradisyon

ng mga nakaraang henerasyon (Mateo, Boncan, Balonso, Tadena, Jose, Ponsaran, Ong, 2006, p.

321). Tumatanggi sila sa mga makabagong paraan na hindi pa malinaw ang magiging resulta at

47
ipinipilit na panatilihin ang mga kaugaliang subok na. Kung ito ang iiral sa ating mga Pilipino,

tatanggihan natin ang anumang pagbabago na gustong gawin saatin ng mga dayuhan.

Sa liberalismo naman ay kinikilala ang kakayahan ng isang indibidwal na makapag-

ambag sa lipunan at inaalis ang mga restriksyon dito.

Makabubuti ito sa damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino dahil sa makatutulong ito

upang magkaroon ng tiwala ang bawat Pilipino sa kanyang sarili at magamit ang mga kakayahan

nito upang makatulong sa bayan.

Mga Hakbang sa Pagpapalakas ng Nasyonalismo

Upang mapalakas ang damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino, mahalaga na

malagpasan muna natin ang mga hamon na tinalakay.

Una, dapat na matuto tayong tanggapin ang ating nasyonalidad. Tingnan ang mga naging

tagumpay at magagandang nagawa ng mga ninuno natin sa kasaysayan. Hindi dapat maging

layunin natin ang maging presentable sa mga dayuhan at umayon sa kanilang mga batayan (kung

ano ang tingin nila na maganda at katanggap-tanggap). Hindi dapat natin palaging ikinukumpara

ang sariling bansa sa mga dayuhan.

Dapat ay pumili tayo ng isang nararapat na lider na magiging isang magandang imahe

saatin at hindi iniisip ang imahe nito at ng Pilipinas sa paningin ng mga dayuhan. Hindi isang

lider na sunud-sunuran lamang sa mga banyaga at ang isinusulong lamang ay ang sarili nitong

interes at ng mga taong pinapakinabangan nito.

Makatutulong rin na basahin lamang ang kasaysayan na gumagamit ng pantayong

pananaw at hindi ang gumagamit pangkaming pananaw (kung saan ang laging bida ay ang mga

48
dayuhan). Kung papansinin lamang natin ang mga nagging tagumpay ng mga ninuno natin ay

mas magiging madali na mapamahal tayo sa ating bansa.

Ang mga taong nagpapakita naman ng dammdaming kontra nasyonalismo ay dapat na

magsilbing isang imahe na hindi dapat gayahin ng mga Pilipino.

Pangalawa, dapat tayong matutong tumanggi sa impluwensiya mula sa mga dayuhan.

Mahalagang ipalaganap ang paggamit ng wikang Tagalog lalo na sa edukasyon. Dapat na gawing

pangunahing wika sa pagtuturo ang Tagalog upang maipasok sa isipan ng mga estudyante na

dapat gamitin ito sa pangaraw-araw. Hanggang ngayon ay sinusunod parin natin ang sistema ng

edukasyon na itinatag ng mga Amerikano kung saan isa sa pinakamahahalagang sabjek ay ang

pagaaral ng wikang Ingles. Mas makatutulong kung mas malaki ang matatanggap na insentib.

Dapat ay maging prayoridad rin ang negosyo ng mga Pilipino. Kung lalago ang mga

negosyong ito ay hindi na natin kakailanganin pang magangkat ng mga produkto mula sa ibang

bansa at mapipigilan ang mga dumadating na impluwensya sa bansa na kasabay ng mga

produktong dinadala ng mga dayuhan.

APENDIKS
49
Panayam kay Dr. Ferdinand Dagmang:

- Para saiyo, ano ang kahulugan ng nasyonalismo?

- “Kung titingnan mo ang kasaysayan ng ating bansa, lumabas ang isyu ng nasyonalismo

noong panahon nang tayo ay sinakop lang. Bago tayo sinakop, wala pa yang konsepto ng

nasyonalismo kasi ang mga tao noon, bago dumating ang mga kastila ay hindi naman sila

ung binabalasubas, binabastos o inaagawan ng mga lupain o kaya inaalipusta ng mga tao

mula sa ibang bansa gaya ng mga nakasulat sa kasaysayan na may mga Portuguese na

dumating, o mga arabo, intsik. Pero wala pa ung isyu ng nasyonalismo. Ngayon,

pagdating ng mga kastila, nakaranas tayo ng mga hindi kaayaaya gaya ng pagpapatupad

ng pagsisingil ng buwis, o kaya pagpapatupad sa pagkontrol sa mga tirahan ng mga tao,

na kailangan ay lumapit sila sa simbahan, o kaya pagpapatupad ng mga order na ang

mga lalaki ay kailangang magsilbi sa mga pagawaan ng tulay o kaya daanan o mga

simbahan.

So ung mga Pilipino noon, naisip na ano ba ang nangyayari dito sa bansa natin. Ano bang

nangyayari sa ating sitwasyon sa buhay dahil (noon), simple lang ang buhay, ngayon,

hirap na, o kaya ay kinokontrol na ng mga banyaga, hanggang nagkaroon na ng pagiisip,

lalong lalo na ang mga kabataan na nagaral sa ibang bansa. Kahit nga si Andres

Bonifacio na nakapagbasa ng mga kwento namay kinalaman sa kalayaan o sa pagiisip na

medyo kritikal sa ibang mga bagay na hindi karapatdapat na gawin sa tao. So may mga

Pilipinong nasasaktan, an gating pride bilang mga Pilipino, nang ang bansa natin ay

nasakop, naisip nila na, “ano nang nangyayari sa bansa natin?” So ngayon, umusbong

doon sa sitwasyon na tayo ay nasakop.

50
Pag sinabi mo naman ang nasyonalismo, ay meron din yan sa Europa, kagaya, halimbawa

nung panahon ni Hitler, nasyonalismo rin un, e. (Pati) ung pagusbong ng mga Natzi, pero

negatibong nasyonalismo, parang eksklusibo na nasyonalismo. Sinasabi nila na ang mga

taga-Germany, mga Alemanya, ay ang dapat na magkontrol sa Germany,na lahat ng tao

sa loob ng Germany ay sasakupin nila o kaya, ang konseptong nasyonalismo nila ay ang

pagpapalago sa sariling bansa at magiging parang sila ang mananakop ng sariling bayan

dahil sa tingin nila ay sila ang pinakamataas sa lahat. Ibang klase ng nasyonalismo un,

nasyonalismo na nananakop. Ung nasyonalismo naman satin, nasyonalismo na lumalaban

sa mga taong nananakop at sa ganoong paraan, nabubuo ang pagiisip na , bilang isang

bansa, tayo’y may sariling karapatan bilang bayan, at tayong lahat ay magkaisa dapat

para isulong ang karapatan na iyon para sagipin ang sarili nating pagkatao, ng mga

Pilipino.”

- Kahit na nananakop ka, nasyonalismo parin ang ipinapakita mo?

- “Ang nasyonalismo sa Europa, ung mga Natzi, nationalism rin un,e. Kaya pag sinabing

nasyonalismo sa Europa, hindi maganda ang tingin nila doon kasi lagi nilang naaalala

ung pananakop ni Hitler, ung pananakop ni <?> sa Italy—kasi magkasama sila,e. O kaya

ung nasyonalismo ng mga hapon, dominante sila at gustong manakop ng bansa.

Samantala ang nasyonalismo sa mga Pilipino, depensa sa ating pagkatao iyon, bilang mga

Pilipino sa bansang Pilipinas.”

- Paano ung mga rebelde, kahit na nananakit sila ng kapwa Pilipino, nasyonalismo parin ba

ung tawag doon?

- “Halimbawa, ung mga muslim? Kailangan ay tingnan mo ang kasaysayan ng mga

Muslim. Kung titingnan mo, hindi naman nila ginagamit ung katagang nasyonalismo, e.

51
Ang sinasabi nila, kailangan nila magkaroon ng sariling bayan, na independent, na

hiwalay sa Pilipinas. So kung titingnan ay wala silang konsepto ng nasyonalismo bilang

mga pilipino. Kundi ang konsepto ng pagiging isang grupo ng mga tao na gustong

humiwalay sa Pilipinas at gustong bumuo ng sariling estado. So kung sasabihin natin na

magtatayo sila ng sarili nilang estado, ang pagiging Muslim nila, ay magbubunsod rin

iyan ng pagiisip sa sarili nilang bayan. At later on, magkakaroon rin sila ng konsepto ng

nasyonalismo na nagugat sa pagmamahal nila sa sarili nilang pamayanang muslim.

- Ang pananaw kasi na iyon (nasyonalismo) ay nakaugat sa pananaw mo sa iyong bayan,

na sa tingin mo ay iyon ang kailangan mong depensahan, kailangan mong panagutan, na

kung meron mang halimbawa manakit sa iyo, bilang isang Pilipino, may manakit saiyo

bilang isang Muslim, may karapatan kang lumaban at depensahan ang sarili mong bayan.

Iyon ang isang konsepto ng nasyonalismo na ang pinagugatan ay ung mga negatibong

experience.

- Bakit mahalaga ang nasyonalismo? Ano ang magagawa nito para saatin?

- Pag may mga sitwasyon, halimbawa na negatibo gaya ng pananakop, ung nasyonalismo

kasi ay isang pakiramdam na tayo ay kailangan na magkaisa. At ang pagkakaisa na iyon,

siyempre, ay magiging maganda iyon sa ating mga Pilipino. Maganda rin ang

nasyonalismo para saating pride. Tayo ay magiging proud maging Pilipino kung mayroon

tayong nasyonalismo. Hindi lamang dahil tayo ay sinakop kundi dahil rin tayo ay

mayroong tinatawag na identity. Mahalgang mahalaga kasi ang identity, eh. So un, ang

diwa ng nasyonalismo ang nagbibigay satin ng magandang pagiisip tungkol sa ating

pagkatao. Ang iniisip kasi ng iba, ano pa ang kahalagahan ng nasyonalismo kung ang

52
bansa naman natin ay minamata ng ibang tao? Pero kung tayo ay magkaisa, mababago

natin ang sitwasyon ng Pilipinas sa pamamagitan ng diwa ng nasyonalismo.

- Sa ngayon, meron parin bang nasyonalismo, dahil sabi nyo, ang nasyonalismo ay

lumalabas lamang tuwing may nagtatangkang manakop satin?

- Mahirap nga na asahan na ang mga Pilipino ay magkaroon ng ganoong pananaw. Kasi,

ang mga Pilipino, hindi nila nararamdaman masyado ung dating nadama ng mga taong

lumaban sa mga mananakop. At mahirap na maalala iyon (araw ng kalayaan) dahil hindi

lubos na naaalala ng mga tao ang pangyayari na iyon dahil nang lumaya tayo mula sa

mga Kastila, pumasok naman ang mga Hapon, mga Amerikano at hindi natin nakita ang

pagusbong ng bayang Pilipino dahil sa pagdating ng mga bagong mananakop. At

hanggang ngayon ay hawak parin ang ating kultura. Sa TV, sa pananamit, nagiingles ang

mga guro, mga aklat, mga gamit, mga kinakain, mga dollar, anime… Nawawala na ang

pagiging makabayan. Ang mga Pilipino ngayon ay hindi na nakaugat sa mga karanasan

ng mga Pilipino noon na sana dapat ay makaimpluwensya sakanila. E ang tanong nga ay

paano ka magiging makabayan kung ang bansa mo ay naiimpluwensiyahan na ng mga

dayuhan? At ang kultura natin ngayon ay state-side na ang pinanggalingan.

- May paraan ba para mapalakas uli ang nasyonalismo natin? Kailangan ban a may

sumakop muli satin?

- Hindi naman kailangang may sumakop. Kailangan lang, maging aware tayo na ang

kultura na ating sinusunod, ay parang pananakop na rin. Bagong pananakop iyan na hindi

mo nakikita. Walang sandata pero ang kultura nila, pumasok sa atin. Kaya ang hirap

maging makabayan. Ang mga magulang, tinuturuan ang mga anak nila magingles at ng

mga kaugalian Amerikano, at sa paglaki nila, litonglito sila kung ano ba talaga ang

53
mahalaga para sakanila. Kasi ang mahalaga nalang ay ang paghahanap ng trabaho, hanap-

buhay, Makita ang sariling distinction in the future—maging matagumpay, not

necessarily as a Filipino, but as a doctor, hindi makabayang doctor, as an engineer, pero

di makabayang engineer,. So nasaan ang value ng pagiging makabayan? Wala na.

54

Вам также может понравиться