Вы находитесь на странице: 1из 22

Pulang Manlalakbay

Mga tula ni Monico M. atienza at para sa kanya

Pulang

Manlalakbay

Mga tula ni Monico M. Atienza at para sa kanya Inilathala ng Kilometer 64

Pulang

Manlalakbay

Mga tula ni Monico M. atienza at para sa kanya

Pulang Manlalakbay

Mga tula ni Monico M. Atienza at para sa kanya

Pulang

Manlalakbay

Mga tula ni Monico M. atienza at para sa kanya

atIndIng IkInalungkot ng kilometer 64 ang pagkakaranas ni Propesor Monico M. atienza noong disyembre 23, 2006 ng matinding atake sa puso na naging sanhi ng pagkawala ng kanyang ulirat sa loob ng halos isang taon. lalo pang ikinalungkot ng kilometer 64 ang kanyang pagpanaw noong disyembre 5, 2007.
Si atienza, na lalong kilala ng mga malapit sa kanya bilang ka nic, ay isa sa mga aktibista at manunulat na ang mga ambag sa progresibong kilusan at sa panitikang Pilipinoy lubusang pinahahalagahan ng kilometer 64. kung sa kaso ng maraming manunulat maging sa hanay ng ilang may panlipunang pakikisangkot diumano ay hindi miminsang nangyayari ang paghihiwalay ng mga kaakuhan bilang mamamayan at bilang alagad ng panitikan, kay ka nic ay hindi kailanman nangyari ito. kung ano ang kanyang iniukit sa papel ay siya niyang isinabuhay, di paris ng di iilang manunulat na wariy dr. Jekyll at Mr. Hyde. Bukod pa ito sa katotohanang kabilang si ka nic sa mga manunulat na hindi kailanman nagbili ng paninindigan sa mga nasa kapangyarihan hindi paris ng di iilang manunulat, maging yaong ilang diumanoy may prinsipyong panlipunan, na walang nakikitang

salita

Paunang

Mga tula ni Monico M. atienza at para sa kanya

Pulang

Manlalakbay

problema sa pagsasabing pera-pera lang ang ibang trabaho nila kahit na sa pamamagitan ng mga gawang itoy nakapagaambag pa sila sa pagtibay ng namamayaning huwad na kamalayan. Ilang kasapi ng kilometer 64 ang nagkaroon ng pagkakataong makatrabaho siya nang kahit sandali. Itoy nang inihahanda ng grupo ang aklat nitong 40: Mga Tulang Alay sa mga Martir na Kabataan para sa ika-40 anibersaryo ng kabataang Makabayan (kM). ang mga impormasyong ibinigay ni ka nic hinggil sa marami sa mga martir na nabanggit sa mga tula sa 40 ay nakatulong nang di biro upang tuluyang mabuo ang nasabing aklat. Bilang isang progresibong grupo, ang kilometer 64 ay kumikilala sa mga pamana ng tinaguriang Sigwa ng unang kuwarto (First Quarter Storm o FQS) ng 1970. Batid ng kilometer 64 ang susing papel na ginampanan ni ka nic sa yugtong ito ng kasaysayan ng bansa. Bilang ambag sa paggunita sa anibersaryo ng FQS ngayong taon, inilalabas ng kilometer 64 ang munting koleksiyong ito ng ilang tula ni ka nic isa sa mga namuno sa naturang serye ng mga pag-aaklas at para sa kanya. Kilometer 64 http://kilometer64.multiply.com/ Enero 2008

Mga Tula ni

Monico M. Atienza

Mga tula ni Monico M. atienza at para sa kanya

Pulang

Manlalakbay

KARANGALAN
Sa ngayon ang tao sa lusak lugami Walang tinitingnan kundi ang salapi, upang lumigayay nagsisilbing binhi ang kinang ng pilak: pansilaw-pighati. (naitatanong ko: sapat na nga kaya na ang yaman lamang ang gawing adhika?) Walang alinlangang unay karangalan... at bago hangarin yaong kayamanan kailangan munay magandang pangalan. kadakilaan nga ang maging marangal ginto mat salapiy di makakapantay tataglayin ito hanggang kamatayan. Maging marangal kat pagdating ng araw ay dadakilain ng sangkatauhan nang taos sa pusot may lawrel na taglay.

Nalathala sa the advocate, opisyal na pahayagang pang-estudyante ng Far Eastern University.

Pulang

Manlalakbay

Mga tula ni Monico M. atienza at para sa kanya

KAIBIGAN II
Pagtulay pagdama, pagwari, pag-isip; Pagbasat pagbigkas ng loob at gilid, tinipong salitang sinulat ding nais... laging may pagpilit iwi ang pag-ibig, at kung may pagyapos, pag-igkas ding pilit. Pangusap nga ito, walang pagdududa at tiyakang sabi ng isip at dama... di nga paghahabi ng mga pantasya; tumatanaw ito mula sa tuntungan ng mundot lipunan ng tulat pag-alam, naghuhumindig ngang pagtuklas ng paham, na kung umaawit tiyakan ang laman. Pagtulay maganda kung laging masinop. Pinagsulsing dama at isip sa mundo ng mga payasot mga pilosopo, umiibig manding sumpa ng pagbago. Pangarap panimdim...nililikhay tao.

Bulatlat, agosto 18-24, 2002

Mga tula ni Monico M. atienza at para sa kanya

Pulang

Manlalakbay

KAIBIGAN XXXIII
Sabiy kay diana ang pakikipaghunta ng tangkang tinula-inawit-dinama: ito ang totoo lupa mang duhagiy sentro ring dagitab ng pagtatangkang tula. Hindi nga miminsang sa pakikitalad ay kakawing siya, ng daang habagat at mga tag-araw pakikipagtagis; pangarap-pagkilos ng lungsod at bukid, ng pagpapakataot makauring tindig, sambitla ang ngalan, anino ay kanlong; tila saping igkas sa patag at parang. ganYan SI dIana. dI MagHIHIMakaS.

kung ang bawat tulay may sentrong dagitab, isa si diana maimpit mang ningas. Sa pakikilamas nga ng mundong hinamak waring agos-dugo, buhay at pagbulas. Sa sinsin ng punong pananggol ng gubat siyay nakatagpo, kayakap ang sakbat at namumutawi sa senyas ng bukas; maalab ang ngiti, may apoy ang palad ang kaunting ngimiy iwi ang halakhak galaw at pagwikang pagbulas ng araw ng lipong hinamak, na nagbabanyuhay. Sa bundok at patag ng pakikitalad. Mula sa Subverso: Mga Tula at Kuwento Laban sa Pulitikal na Pandarahas

Pulang

Manlalakbay

Mga tula ni Monico M. atienza at para sa kanya

KAIBIGAN XIV
Bawat salitat panalita ay may teorya, maiteteorya; maipaliliwanag, malilinaw, ibig sabihin. Pagtulang biseral o serebral, meron din; di nakakaiwas pati paglulubid ng buhangin. Pagkapayaso kot tangkang tulain sa silong teoryay salikop din; kundi nga, di na ta konsistent. Salitat panalitang nakararami, di dapat pigilin dapat alamin; mapaglimi, usisain. Sila may may sasabihin, sinabi na nga maging ang pinakamunti, pinakamangmang. Pigilin ang teoryat pinatay mo sila. 29.VII.93

Mga tula ni Monico M. atienza at para sa kanya

Pulang

Manlalakbay

KAIBIGAN XV
May salita ang maliit at mangmang, di lamang sa dESIdERata sa totoo at lipunan man, maniwala ka kaibigan. Mas madalas ay may puntirya, nakaangklang kamalayan, minumunti man, minamangmang. May teorya ngat pagteteoryang tuntungay riyalidad, bumabago at nagbabago sa praktika ng buhay, produksyon at pakikitalad; di nga pormal dahil di akademiko, di panlibro dahil panalita. ng kontekstong karanasang sapupunan ng pagwika. ang sa akiy panagimpan, sa payasong paninimbang pagpilosopo ng mangmang. 29.VII.93

Pulang

Manlalakbay

Mga tula ni Monico M. atienza at para sa kanya

KAIBIGAN XXIX
Batas-buhay ang sigalot, mula maliit tungong malaki ng daigdig at lipunan: wika mo nga kay Ibarra may nais ding pagbabago, sistemang walang galit bawat isay nasisiyahan; Iyong mawiwika: ng langit sa lupa. di nagbait ang lipunan, walang patid ang pagtugis sa repormang ninanais. hanggang dulo kung magngalit; Walang pintong di pininid, mga sintay pinagsakit; hinati ang mga ina mga amay pinipilan; kalupaay di naglangit sa susog ng panaginip; paghahariy nagpatuloy. kalaguyo ang sigalot. (kinuha mula sa pinoyweekly.org)

Mga tula ni Monico M. atienza at para sa kanya

Pulang

Manlalakbay

PAGSUYONG PITA
Pagbubuwag ng etikang ginagawi, ng ugaling nahirati, ng damat isipang kahulip, ang himagsik at pagbago. Paghahatag ng iisang etika, ng miminsang ugali, ng ubod ng malay, ang pagbago at himagsik. Pag-iisang pulot-gata ang himagsik pagbabago; umaagos, tumitining, nagtutunaw, naghuhulma, tigmak-sining, tigmak-akda. katauhat kadiwaang inaagnas, nililikom, paglalakip at prosesong duyong-duyo ng pagsuyo. ang himagsik, ang pagbabago. (Nalathala sa lagda, dyornal ng Departamento ng Filipinoat Panitikang Pilipino, Unibersidad ng Pilipinas, Hulyo 1993)

Pulang

Manlalakbay

Mga tula ni Monico M. atienza at para sa kanya

SOLIPSISMO
lunti ang halamang bumabati bawat hapon ngumingiti kung umaga kung tanghali ay kasalo; kalaguyo ng magdamag, ng nagasgas, ng semento. agos-puso ang kaliwa ng malunting dinisyerto, pula-lunting lumalamyos ng luntiang tila tao; waring laging ang parating pagbabagoy daloy-puso. Pagsalamat ang kasalo: daloy-pusong hugis-tao; ang nagasgas, ang semento, nilalamig, nilulumo. kabaliwan kung pag-ibig kundiy lisyang pagkatao; panangis ngang pag-iisa, ginagaping panagimpan. Bumubukad mang bulaklak ng pinipitak na tigang. (Nalathala sa lagda, dyornal ng Departamento ng Filipino at Panitikang Pilipino, Unibersidad ng Pilipinas, Hulyo 1993)

Mga Tula para kay

Monico M. Atienza

Pulang

Manlalakbay

Mga tula ni Monico M. atienza at para sa kanya

PAGPUPUGAY KAY KASAMANG MONICO ATIENZA


E. San Juan, Jr. tuwing dalaw namin, naghuhuntahan tayo sa lagusan ng diliMall ngitit biro moy testimonyo, sa gitna ng terorismong umiiral, Sa masiglang pagsulong ng proletaryong masa sa bansat buong daigdig Buhat pa sa mahimalang pagkaigpaw sa tortyur sa Cramet Bicutan tunay ngang bawat sakit at sakunay katambal ng tuwat ligaya Sumalubong ka sa ulan ng punglo, di alintana ang panganib sa bukana, Walang pangambang binagtas ang diyalektikong landas ng pakikibaka Walang pakundangan sa ahos at tukso ng imperyalismong humahadlang nagmamadali sa pagtawid sa rumaragasang agos ng kasaysayan Malayo ka na, pulang manlalakbay, ngunit aantabayanan pa rin namin Habang libu-libong pusoy nagpupumipiglas sa Crame, abu ghraib, guantanamo, Sa susunod nating pagtatagpo sa lagusan ng diliMall, ka nick, Sasalubungin ka namin, tiwala na naghihintay sa dulo ng daang magubat ang himala ng ngiti mong bumabati sa tagumpay ng rebolusyon. Bulatlat, Enero 21-26, 2007

Mga tula ni Monico M. atienza at para sa kanya

Pulang

Manlalakbay

KUMBAGA SA PARUPARO
Noel Sales Barcelona para kay Ka Nic Atienza kumbaga sa paruparo ang pakpak mo sa bawat pagaspas ay buhawing wawasak sa mga pakpak ng limbas!

Pulang

Manlalakbay

Mga tula ni Monico M. atienza at para sa kanya

HIS LIFE WAS NOT GLITTER BUT LIGHT


Alexander Martin Remollino In memory of Monico M. Atienza -- revolutionary, writer and teacher (1947-2007) death tried thrice to take him: the first and second attempts were failures, and the third was the last. He vehemently refused to just let go of life like that: twice he stubbornly resisted deaths attempts on him -even as he had a wound that refused to heal, even as his consciousness refused to return. And rightly so, for his was a life that was worth fighting for to the death. In a nation grown enamored by the glitter of foil, his life was not glitter but light: a bright star, steadfast amidst the dark sky and long night in this country of our sorrows.

Ukol kay

Ka Nic

Pulang

Manlalakbay

Mga tula ni Monico M. atienza at para sa kanya

I MonICo M. atIEnza ay isinilang sa Cuenca, Batangas, sa isang pamilyang kabilang sa mababang gitnang uri.
Maaga siyang nagpamalas ng kahusayan sa pag-aaral at iba pang gawain sa paaralan, kaya naman lagi siyang napabibilang sa mga estudyanteng may karangalan at iba pang gantimpala. Sa Far Eastern university (FEu) Boys High School, naging pangulo siya ng konseho ng mga mag-aaral, at nagtapos bilang valedictorian. Sumapi siya sa Student Cultural Association of the University of the Philippines (SCauP) noong 1965, matapos ang isang taon ng kolehiyo sa FEu. naging kasapi na siya ng kabataang Makabayan (kM) noong siyay nasa FEu. kalaunay naging pangkalahatang kalihim siya ng kM at hawak niya ang nasabing katungkulan nang sumiklab ang Sigwa ng unang kuwarto ng 1970. Habang aktibo sa kilusang kabataan-estudyante, narekluta rin si atienza sa Partido komunista ng Pilipinas (PkP). naging aktibo siya sa tinatawag na unang kilusang Pagtutuwid, na humantong sa muling pagkakatatag ng PkP sa pamumuno ni Jose Maria Sison noong 1968. kalaunay naging kagawad siya ng komite Sentral at tagapangulo ng national organizing department (nod) ng PkP. nadakip siya ng militar noong 1974, pinahirapan nang husto at sa isang pagkakataoy naratay nang matagal sa V. luna Hospital.

Mga tula ni Monico M. atienza at para sa kanya

Pulang

Manlalakbay

ngunit sa kabila nitoy hindi niya ipinagkanulo ang mga kasama sa rebolusyonaryong kilusan. Matapos mapalaya noong 1980, nagbalik si atienza sa uP at nagtapos ng pag-aaral, at doon na rin siya nagturo ng Philippine Studies hanggang sa dapuan siya ng isang matinding atake sa puso noong disyembre 23, 2006. noong 1982, tumulong siya sa pagbubuo ng komite para sa pagpapalaya kay Sison, na nadakip din noong Batas Militar at pinahirapan din sa bilangguan. napalaya si Sison noong 1986 sa bisa ng pangkalahatang amnestiya na ipinatupad ng nooy Pangulong Corazon aquino. tumulong din siya sa pagbubuo ng progresibong Partido ng Bayan (PnB), na nagpatakbo ng mga kandidato sa pagkasenador at sa lokal na antas noong 1987. nang taong iyon ay tinambangan siya, ang kandidato ng PnB sa pagkasenador na si Bernabe Buscayno, at ilan pang kaspai ng PnB. Malubhang nasugatan si atienza at hindi na gumaling ang isang sugat niya sa binti, habang isa piraso naman ng bala ang bumaon sa kanyang ulo at hindi na naalis. Hanggang sa siyay dumanas ng matinding atake sa puso, tumulong siya sa ibat ibang progresibong organisasyon sa maraming paraan. naging pangulo rin siya sa pagtatatag ng First Quarter Storm Movement (FQSM). Isang matinding atake sa puso ang nagpawala ng kanyang ulirat noong disyembre 23, 2006. Hindi na siya nagkamalay at pumanaw siya noong disyembre 5, 2007.

PULANG MANLALAKBAY
Mga tula ni Monico M. Atienza at para sa kanya

disenyo at Paglalapat: Jason Valenzuela larawan: Pinoy Weekly, Internet

Inilathala ng Kilometer 64, Maynila, Enero 2007

Вам также может понравиться