Вы находитесь на странице: 1из 2

Muli

Ni: Alvin Jason C. Bravo

Tara na, anak. Mukhang luto na ang pagkain na inihahanda ng Nanay. Sumunod ka nalang, sabi sa akin ng aking Tatay habang kanyang pinupunasan ang mga luhang tumulo mula sa kanyang mga mata. Hanggang ngayon, naninibago pa rin ako sa mga pangyayari. Hindi ko inakala na ngayon pala sisikat ang araw na matagal ko nang hinihintay mula pa noong aking kapanganakan. Ang bilis ng mga pangyayari. Parang kahapon lang nang pinagtatataga ko ang lambat. Ngayon, sama-sama na naming iwawasto ang maginaw, tahimik at madilim na nakaraan. Sana hindi ako mali. Sana nga sama-sama naming muling mabuo ang pamilyang sinira ng isang pagkakamali. Sana nga maging masaya na kami sa pagkakataon na ito. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nawalan ng malay. Ang tanging nararamdaman ko sa ngayon ay mahinang-mahina ako. Sumunod ako sa kusina tulad ng sinabi ni Tatay. Ngayong may malay na si Celso, ano na ang plano mo Isidra? Itutuloy mo pa ba ang desisyon mo? narinig kong sinabi ni Tatay kay Nanay. Ramdam ko ang kalungkutan sa boses ni Tatay. Ano ba ito?Anong desisyon ang pinag-uusapan nila?Akala ko ba magiging tama na ang lahat? Nagkamali ba ako na isiping maayos na ang pamilya ko. Tulala ako nang biglang humarap si Tatay sa direksyon ko at akoy nakita at sinabi, Celso, ah, andiyan ka na pala. Ano pang hinihintay mo? Halika nat kumain.. Nakita kong may mga ngiti sa kanyang labi ngunit hindi maikakaila na may itinatagong damdamin si Tatay. Alam ko ang mga matang iyon. Alam kong may lungkot siyang nadarama. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala ang aking Nanay, Anak, tulala ka. Ayos ka lang ba? Siguro magpahinga ka muna dahil mukhang mahina ka pa. Pero, mayroon akong naitabi na kakanin kaninang hapon. Iyon na lang muna ang kainin mo para man lang magkalaman ang tiyan. Tapos, magpahinga ka na ulit.Opo, nalang ang aking naging tugon. Nagising ako sa isang malakas na kalabog. Kinusot ko ang aking mga mata at sumilip sa bintana. Umaga na pala.Napa-isip ako, Ano kaya iyong kumalabog? Alam kong nanggaling iyon sa kwarto nila Nanay. Muli akong napaisip, Nag-away nanaman ba ang aking mga magulang? Sana hindi. Bumangon ako mula sapapag at pumunta sa kwarto nila. Si Nanay lang ang nasa kwarto. Nay, ano po iyong kumalabog? Napatingin siya sa pinto at akoy nakita. Bigla nalang niyang isinara ang aparador. Tila nagulat siya sa bigla kong pagdating. Ah eh, wala iyon, nauutal na sagot ni Nanay, Matulog ka na ulit. Tila mahina ka pa.Bumawi ka muna ng lakas.Bakit kaya siya nagulat? Isa lang ang nakikita kong sagot. Ang bagay na nasa aparador. Ngunit, ano iyon? May lihim na naman bang itinatago ang aking Nanay? Ayos napo ako, ang sabi ko,Nay, siya nga pala, asan po si Tatay? Malapit na pong sumikat ang araw pero wala pa siya. Ako nga rin ay nagtataka kung bakit wala pa siya. Sana naman walang nangyaring masama sa kanya, tugon ni Nanay. Bigla kong naalala ang mga mata ni Tatay kagabi. Alam kong may problema nanaman ngunit hindi ko alam kung ano. Napatingin ako sa pintuan ng aming bahay nang narinig ko ang mga hakbang sa hagdanan. Si Tatay. Nang nakita niya ako, ngumiti siya, Kamusta ka na Celso? Kagigising mo lang ba? Opo, kagigising ko lang. Ayos naman na po ang aking pakiramdam, ang tugon ko. Biglang nagsalita si Nanay at sinabing, Tomas, may nais akong sabihin sa iyo. Napatingin muli si Tatay sa akin at

sinabing, Celso, kumain ka na ba? Kumain ka muna.May inihanda ang iyong Nanay.Tumango nalang ako at pumunta ng kusina. Pagkatapos kong kumain, bumalik ako sa kwarto. Kailan mo balak sabihin kay Celso? narinig kong itinanong ni Tatay. Hindi nila namalayan na nasa pintuan na ako. Ano kaya ang sasabihin sa akin ni Nanay? Kailangan kong magtanong. Ayoko nang maulit ang mga nangyari noon. Ayoko na muling hayaang lumipas ang ilang taon bago ko pa malaman ang katotohanan. Ano pong sasabihin niyo sa akin? Nakita kong biglang lumuha si Nanay nang narinig ang aking boses. Humarap siya sa akin. Celso, anak, ang sabi ni Nanay habang nahikbi, Kailangan ko munang lumayo. Kailangan ko munang makapag-isip sa mga bagaybagay. Alam kong nakikita mo na ayos na ang lahat. Oo, anak, ayos na ang lahat. Napatawad na ako ng iyong Tatay. Tanggap ka na rin ng Tatay mo at mahal na mahal ka niya.Mga bagahe. Iyon pala ang nasa loob ng aparador. Aalis pala si Nanay. Nanay, ayos naman na po pala ang lahat eh. Hindi niyo na po kailangang umalis. Alam ko pong magiging masaya na ang lahat, tumingin ako kay Tatay,Hindi ba, Tay? Nay, alam kong kaya nating buuin ang pamilyang ito. Sa gilid ng aking mga mata, nakita ko ring naluha na si Tatay. Anak, hindi mo naiintindihan.Sampung taon. Ganyan ko katagal hinintay na patawarin ako ng Tatay mo. Iyon lang naman ang hinihintay ko. Kapatawaran. Hindi ko naman hinihiling na mahalin pa niya ako matapos ang mga nangyari. Ayos na sa akin na napatawad niya ako, ang sabi sa akin ni Nanay habang pinupunasan ang luha niya sa kanyang mga mata. Hindi ko na naiwasang lumuha na rin. Nay, eh paano na po ako? ang tanong ko. Huwag kang mag-alala, Celso, ang sabi ni Nanay,Nandiyan naman ang Tatay mo eh. Alam kong aalagaan ka niya nang higit pa sa pag-aalaga ko. Alam kong napakalaki ang utang ko sa iyo dahil hindi kita masyadong nasubaybayan sa mga nagdaang taon pero lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita at hindi iyon magbabago kahit kailan. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Gabi na pala. Lumabas ako ng aking kwarto. Naramdaman ko ang lamig ng ihip ng hangin. Bukas pala ang pinto. Biglang pumasok sa isip ko si Nanay. Mabilis kong tinungo ang pinto at nakita sa labas ang isang lalaking nakaupo, naiyak. Hindi ko maanigan ang kanyang mukha pero alam kong si Tatay iyon. Umalis na si Nanay. Hindi ko napigilang umiyak. Mali nga ako. Akala ko pa naman ay sama-sama naming muling bubuuin ang pamilya namin. Akala ko pa naman magiging masaya na kami sa pagkakataon na ito. Lumabas ako ng bahay.Tumakbo ako patungo kay Tatay at siyay niyakap.Celso, anak, umalis na ang Nanay mo. Sinubukan ko siyang pigilan sa huling pagkakataon pero mukhang buo na talaga ang kanyang desisyon. Kung alam ko lang na sa ganito pala hahantong ang lahat, sana hindi ko hinayaang maging sarado ang aking isipan. Mahal na mahal ko siya pero hinayaan kong mabulag ako ng matinding galit. Noong nagkamalay ka na, naisip ko na ang swerte ko dahil binigyan ako ng Diyos ng isa pang pagkakataon na iwasto ang lahat ng pagkakamaling nagawa ko. Pero sinayang ko ang pagkakataong iyon. Sinayang ko ang pagkakataon na muling mabuo ang aking pamilya, ang sabi niya sa akin. Hindi ko na nagawang sumagot. Tumayo nalang ako. Hindi ko matanggap ang mga pangyayari. Parang nawasak muli ang aking pag-asang mabuo ang aking pamilya nang masaya. Napansin kong tumayo na rin si Tatay. Lumakad na siya patungong bahay at ako naman ay sumunod. Hindi pa kami nakakarating sa hagdanan papasok ng bahay ng nakarinig kami ng mga yapak. Tiningnan ko ang pinanggalingan ng tunog ng mga yapak at, sa gilid ng aking mga mata, nakita kong nabuo ang isang ngiti sa mga labi ni Tatay.

Вам также может понравиться