Вы находитесь на странице: 1из 6

KOMERSYALISASYON

Hindi ko akalaing totoo pala ang isyu ng komersyalisasyon Plano pa lamang daw ngunit ginagawan na ng aksyon Ayan ngayon nagtaas ang bayarin sa laboratoryo Pati ang mga serbisyo doon sa dormitoryo Maliit ang badyet ng gobyerno para sa edukasyon Pambayad utang muna raw at militarisasyon Kaya tayo na naman ang pahihirapan nito Pati ang gobyerno ay umaayon sa programang ganito KORO: Hindi inilalako ang edukasyon Kaya tutulan ang komersyalisasyon O, tutulan ang komersyalisasyon Isko ng bayan bakit sobra ang mga binabayaran Pangakong libreng pasilidad nagayon ay nasaan? Magkamal ng kita ang interes ng administrasyon Kaya parang gulay inilalako itong edukasyon (Ulitin ang KORO) Itoy hindi hiwalay na isyu ng pamantasan Bunga lamang ito ng matinding krisis sa lipunan Hindi tayo mananahimik sa ganitong kaayusan Pinatunayan ng kasaysayan lumalaban ang sambayanan (Ulitin ang KORO)

MAGSASAMA,MAGKASAMA Bawat damdaming lipos ay bigkisin Lahat ito sa unos ay bigkasin Tatanggaling lubos ang alinlangan Tatanghaling unos ang kailangan Sasama ako, kasama ako koro: Magsasama, magkasama sa malaon at madali Yayakapin ang aral ng pakikitunggali Yayakagin ang lahat na huwag mag-atubili Magsasama, magkasama sana hanggang huli Animoy bundok itong ating ibubuwal Aninot tanglaw sabay nating iluluwal Tatawirin hagdan ng bahaghari Tutuwirin hanggang wala nang uri Sasama ako, kasama ako ulitin koro Suyuin ang musa ng kasaysayan Suungin ang dusa na kasabayan Maglalayag tulat mga talata Maghahayag pulang mga panata Sasama ako, kasama ako koro2x Sana hanggang huli Sana hanggang huli

FEE

O akoy tuwang-tuwang mag-eenroll sa Maynila Sa kahit na anong pamantasan Subalit ako ay nabigla sa mga bayarin Tuition fee, miscellaneous fee, may surcharge fee Ang dami-daming fee Fee, fee, fee, fee, fee, fee, fee, fee, fee, fee Nang akoy pumasok sa eskwela aking napansin Mga basag na salamin Basag na bumbilya, bulok na pisara, Mga silyang tatlo ang paa Ang taas ng tuition fee pero bulok naman Ang facility Ty, ty, ty, ty, ty, ty, ty, ty, ty, ty Ang laki ng bayad sa eskwela Di kaya ng bulsa ng erpats ko Sa kahit anong pamantasan Kayraming bawal sa eskwela, bawal magprotesta Samut-saring policy ang estudyante Pag nagreklamoy suspindi Di, di, di, di, di, di, di, di, di, di unang saknong

KAY HIRAP NG BUHAY koro Kay hirap ng buhay Walang asenso Kaming mahihirap ay lagi na lang talo Giniba ang tahanan Tinanggal sa trabaho Ganiyan ang aming buhay Salamat, salamat sa gobyerno *rap Sa araw-araw na lang ang ginawa ng gobyerno Ay laging magpahirap at laging mang-abuso Wala nang tirahan, wala pang makain Kahit ang lupa ay inagaw pa sa atin koro *rap Dahil sa sobrang taas matrikula sa pamantasan Maraming kabataane ang hindi na nakakapag-aral Maraming estudyante ang humihinto na lamang Maraming mga tambay at walang hanapbuhay koro *rap Kung iyong iisipin at iyong titignan Iilan lang nagpapasasa sa kaban ng bayan Huwag mong naising ikay laging magtitiis Ibangon ang iyong uri sa pagkaka-alipin Balang araw ang uri ko ay babangon Kami ang huhukay at gagawa ng kanilang kabaong Silang nagpapasasa sa aming pawis at pinaghirapan Ay makakatikim din ng galit at ganti ng taumbayan Kailangang mamulat, kailangang magbigkis Huwag kang papayag na ikay laging magtitiis Ganiyan ang ating buhay, kailangang lumaban Darating din ang araw ng tagumpay ng ating dakilang himagsikan

KUNG HINDI NGAYON, KAILAN PA? VERSE 1: Tayong lahat ay maglalaho Sa mundo Katawang lupay magbabalik sa abo Aral mong iniway magtitimo sa tao Buhay mo sa lupay di malilimot Pag-ibig sa bayay di mapapantayan Pag-ibig na singbigat ng kabundukan. Hindi mabibigo ikaw may pumanaw man Pagkat may magpapatuloy Ng iyong nasimulan REFRAIN: Ating bayan ngayoy hawak ng agila Sakmal sa leeg at di makahinga Kailan makikita, kailan madarama Ang hirap at sakit, ang lungkot at dusa CHORUS: Kung hindi ngayon kailan pa, kung hindi tayo Sino ang kikilos? Hanggang saan, hanggang kailan, Tayo magitiis, Hanggang kailan, hanggang saan Tayo maglalakbay. VERSE 2: (same as verse 1) Ito na ang panahon ng pagbabalikwas Ng mga manggagawa at magsasaka. Tayoy makiisa sa kanilang digma Upang lupat karapatan ay matamasa REFRAIN: Ating bayan ngayoy hawak ng agila Sakmal sa leeg at di makahinga Kailan makikita, kailan madarama Ang hirap at sakit, ang lungkot at dusa CHORUS: Kung hindi ngayon kailan pa, kung hindi tayo Sino ang kikilos? Hanggang saan, hanggang kailan, Tayo magitiis, Hanggang kailan, hanggang saan Tayo maglalakbay. BRIDGE: Nagtatanong, naghahanap, Nagiisip ng paraan. Nagtatanong, naghahanap

Ng ibang dahilan. Kumilos ka, kumilos ka Yan lang ang paraan Sa pagbabago ng lipunan Tayo ang gagampan. CHORUS: Kung hindi ngayon kailan pa, kung hindi tayo Sino ang kikilos? Hanggang saan, hanggang kailan, Tayo magitiis, Hanggang kailan, hanggang saan Tayo maglalakbay.

Вам также может понравиться