Вы находитесь на странице: 1из 1

July 17, 2011

SANA MAUNAWAAN TAYO


Bakit kaya kakaunti ang halaga ng dalawampung pisong papel kapag ginagamit na pang-shopping, pero nagiging malaking halaga ito para sa atin kung ibibigay sa Simbahan? Bakit kaya lubhang napakabagal ng oras kapag nasa loob tayo ng Simbahan, subalit napakabilis naman ng takbo nito kung nanonood tayo ng konsyerto o palaro mas gusto nating umupo sa unahan pero kapag dumadalo tayo sa Misa gustong-gusto nating maupo sa hulihan? Bakit kaya? Hindi ba kayo nagtataka? Ito ang mundong ginagalawan natin ngayon, punungpuno ng mga bagay na hindi natin lubusang maunawaan kung bakit nangyayari. Hindi ito malayo sa karanasan ni Jesus noong siyay nangangaral sa mga tao. Karamihan sa kanyang tagapakinig ay hindi lubos na nakakaunawa sa kanyang sinasabi. Kaya gumagamit siya ng talinghaga upang maunawaan nila. Ayon kay San Mateo, wala siyang sinabi sa kanila nang hindi gumagamit ng talinghaga. Gumamit si Jesus ng talinghaga upang mangaral tungkol sa Kaharian ng Diyos. Hindi siya gumamit ng mataas na antas ng pilosopiya tulad ng ginawa ng mga Pariseo at Eskriba. Bumaba siya sa antas ng kanyang tagapakinig upang mas maunawaan nila ang mensahe ng Mabuting Balita at matugunan ang hinaing ng kanilang mga puso. Ito ang dahilan kung bakit tagumpay ang kanyang pagtuturo. Ito rin ang istilo ng pangangaral na ginawa nina Pedro at ng ibang apostol. Hindi sila nakapag-aral nang pormal subalit nahikayat nila ang maraming tao na maging tagasunod ni Jesus. May puso ang kanilang pangangaral dahil hindi sila malayo sa tunay na nararamdaman at sitwasyon ng mga taong kanilang pinagsisilbihan. Ganito rin sana ang mangyari sa bawat naninilbihan, lalot higit sa Simbahan. Tulad ni Jesus, maiparating nawa natin sa tao ang Magandang Balita nang may kababaang loob upang mas maunawaan nila ang ating misyon tungo sa ikaluluwalhati ng Diyos. Sikapin nating makiisa sa nararamdaman at kalagayan n gating kapwa lalo na ng mahihirap upang maging makahulugan at kapani-paniwala an gating paglilingkod.

Вам также может понравиться