Академический Документы
Профессиональный Документы
Культура Документы
Buod
May pinasok na tindahan ng mga tau-tauhang kahoy ang pangkat nina Padre
Camorra. Naghawigan sila-sila. Ang isa raw ay kahawig ni Zayb. Kahawig daw ni
Padre Camorra ang isa. Marami ang lilok na anyong Prayle.
May isang kuwadrong tanso ng babaing pisak ang mata, gula-gulanit ang damit,
nakalupasay at namimirinsa at namimirinsa ng lumang damit. Ayon kay Padre
Camorra ay isang hanggal ang umisip ng larawang iyon. Sumagot si Ben Zayb
na iyon ay ayon sa pamagat: la Prenza Filipina o prinsang ginagamit sa Pilipinas.
Isa namang kuwadro ay naglalarawan ng isang lalaking nakagapos ang mga
kamay at tinuturuan ng mga guwardiya sibil. Pamagat Ang Bayan na Akaba .
Pinagtawanan din nila ito.