Вы находитесь на странице: 1из 2

Kabanata XXXV

Ang Piging

Buod

Ikapito ng gabi nang magsisimulang dumating ang mga may paanyaya. Una ang
maliliit. Sunod ang palaki sa katayuan sa tungkulin at sa kabuhayan. Lahat ay
pinagpupugayan ni Don Timoteo.

Dumating ang bagong kasal. Kasama si Donya Victoria. Batian. Kamayan.


Naroon na sina Padre Salvi nguni’t wala pa ang Heneral. Nais tumungo ni Don
Timoteo sa palikuran nguni’t di siya makaalis at wala pa ang Heneral. May
pumintas sa mga kromo sa pader. Nagalit si Don Timoteo. Iyon saw ang
pinakamahal na mabibili sa Maynila. Sisisngilin daw niya ang utang ng namintas
kinabukasan.

Dumating na rin ang heneral. Nawal ang mga dinaramdam ni Don Timoteo. May
nagsabi na ang araw ng kapitan dahil natititigan na tio nang harap-harapan.

Si Basilio ay nasa harap ng bahay at pinapanood ang mga nagdaratingan.


Naawa siya sa mga inakala niyang mga walang malay na mamamatay roon.
Naiisip na bigyan ng babala ang mga iyon. Nguni’t siyang pagdating ng sasakyan
nina Padre Slavi at Padre Irene. Nagbago siya ng isip.

Hindi ako dapat magmalabis sa pagtitiwalang inilagak sa akin. Ako’y may utang
na loob sa kanya; sa kanila’y wala. Siya ang humukay ng libingan ng aking ina
na pinatay nila. Ako’y nagpakabuti; pinagsikapan kong magpatawad, ano ang
ginawa sa akin? Mangamatay na nga sial na ang aming pagtitiis, nasabi ni
Basilio.

Nakita niya si Simoun, dala ang ilawan. Waring kakila-kilabot ang anyo ni Simoun
na naliligid ng apoy. Parang nag-alinlangan sa pagpanhik sa hagdan si Simoun.
Nguni’t nagtuloy rin ito. Nang dumating ang Kapitan Heneral ay sandaling
nakipag-usap dito at sa ibang naroon ang mag-aalahas. Saka ito nawala sa
paningin ni Basilio.

Namayani na naman ang kabutihang-loob ni Basilio. Nalimot ang ina, ang


kapatid, si Huli, ang sariling kaapihan. Ninais na iligtas ang nangasabahy. Nguni’t
hinadlangan siya ng mga tanod dahil sa marusing niyang anyo. Namutla si
Simoun nang makita si Basilio na iniwan ng tanod-pinto upang magpugay sa
mag-aalahas. Matigas ang mukha ni Simoun na tumuloy sa sasakyan at nag-
utos. Sa Eskolta. Matulin!

Mabilis ding lumayo si Basilio. Nguni’t may nakita siyang isang lalaking tatanaw-
tanaw sa bahay. Si Isagani! Niyaya niya itong lumayo. Marahang itinulak ni
Isagani ang kaibigan. Nagpilit si Basilio. Bakit ako lalayo Bukas ay hindi na siya
ang dati. May hapdi ang tinig ni Isagani. Ipinaliwanag ni Basilio ang ukol sa
ilawan. Hinila niya si Isagani. Tumutol ito. Mabilis na lumayo si Basilio.

Nakita ni Isagani na nagtungo sa kainan ang mga tao. Naisip niyang sasabog
ang bahay kasama si Paulita. Mabilis na nagpasya ito.

Sa loob ay nagkatagpo ang nagpipiging ng isang kaputol na papel na ganito ang


nakasulat.

MANE THACEL PHARES

JUAN CRISOSTOMO IBARRA

Isa raw biro iyon, ani Don Custodio. Patay na raw si Ibarra. Nang makita ni Padre
Salvi ang papel at sulat ay namutla ito. Sinabi nitong iyon nga ang lagda ni
Ibarra. Saka nahilig sa sandigan ng silya ang kura nanlambot sa takot.

Nagkatinginang takot na takot ang lahat. Tatawag sana ng mga kawal ang
Kapitan Heneral. Walng nakita kundi mga utusang di niya kilala. Nagkunwang
hindi takot. Magpapatuloy tayo sa pagkain, aniya. Huwag intindihin ang isang
pagbibiro.

Nguni’t nagsalita si Don Custodio. Ipinalagay kong ang kahulugan ng sulat ay


papatayin tayo ngayong gabi .

Di nakakibo ang lahat. May nagsabi. Baka lasunin tayo. Binitiwan ang mga
kubyertos. Lumabo ng ilawan.

Iminungkahi ng Kapitan Heneral kay Padre Irene na itaas ng huli ang mitsa ng
ilawan. Biglang may mabilis na pimasok, tinabig ang utusang humadlang, kinuha
ang ilawan, itinakbo sa asotea at itinapon sa ilog, May humingi ng rebolber, may
magnanakaw raw. Ang anino ay tumalon sa rin sa ilog.

Вам также может понравиться

  • Kabanata XXXIX
    Kabanata XXXIX
    Документ3 страницы
    Kabanata XXXIX
    api-3820895
    Оценок пока нет
  • Kabanata XXXIV
    Kabanata XXXIV
    Документ1 страница
    Kabanata XXXIV
    api-3820895
    Оценок пока нет
  • Kabanata XXXII
    Kabanata XXXII
    Документ1 страница
    Kabanata XXXII
    api-3820895
    Оценок пока нет
  • Kabanata XXXVII
    Kabanata XXXVII
    Документ2 страницы
    Kabanata XXXVII
    api-3820895
    100% (2)
  • Kabanata XXX
    Kabanata XXX
    Документ2 страницы
    Kabanata XXX
    api-3820895
    100% (1)
  • Kabanata XXXI
    Kabanata XXXI
    Документ1 страница
    Kabanata XXXI
    api-3820895
    50% (2)
  • Kabanata XXVII
    Kabanata XXVII
    Документ3 страницы
    Kabanata XXVII
    api-3820895
    Оценок пока нет
  • Kabanata 20
    Kabanata 20
    Документ1 страница
    Kabanata 20
    Donna
    Оценок пока нет
  • Kabanata XXI
    Kabanata XXI
    Документ2 страницы
    Kabanata XXI
    api-3820895
    Оценок пока нет
  • Kabanata XXIII
    Kabanata XXIII
    Документ1 страница
    Kabanata XXIII
    api-3820895
    Оценок пока нет
  • Kabanata VI
    Kabanata VI
    Документ1 страница
    Kabanata VI
    api-3820895
    Оценок пока нет
  • Kabanata XXV
    Kabanata XXV
    Документ1 страница
    Kabanata XXV
    api-3820895
    Оценок пока нет
  • Kabanata XVI
    Kabanata XVI
    Документ1 страница
    Kabanata XVI
    api-3820895
    Оценок пока нет
  • Kabanata 11
    Kabanata 11
    Документ4 страницы
    Kabanata 11
    Donna
    100% (2)
  • Kabanata 12
    Kabanata 12
    Документ3 страницы
    Kabanata 12
    Donna
    100% (1)
  • Kabanata V
    Kabanata V
    Документ1 страница
    Kabanata V
    api-3820895
    Оценок пока нет
  • Kabanata VII
    Kabanata VII
    Документ3 страницы
    Kabanata VII
    api-3820895
    100% (3)
  • Kabanata X
    Kabanata X
    Документ2 страницы
    Kabanata X
    api-3820895
    100% (1)
  • Kabanata IV
    Kabanata IV
    Документ1 страница
    Kabanata IV
    api-3820895
    Оценок пока нет
  • Buod NG El Filibusterismo
    Buod NG El Filibusterismo
    Документ25 страниц
    Buod NG El Filibusterismo
    Marvel XD
    100% (1)