Вы находитесь на странице: 1из 7

Gintong Abo ng SiIangan

Sa bawat paglipas ng oras at pagpasok ng di-mapipigilang bagong kabanata ng


panahon, di pa rin makakalimutan ang bangis ng mga nobelang kumintal na sa
kasaysayan. Ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo - na nabuo upang mapalaya
ang mga Pilipino at ang nang Bayan sa ilalim ng tiranya ng Espaa mga nobelang
nagpamulat sa mga mamamayang Pilipino at nagbunyag sa buong mundo kung anong
uri ng pamahalaan ang ginawa ng Espaa sa lupain ng gitnang silangan. Walang takot
na inilantad ng mga nobelang ito ang maling pamamalakad ng mga alagad ng
simbahan at ng pamahalaang Espaa, na ginagamit ang kanilang katungkulan upang
mang-abuso ng mga mamamayang Pilipino.
Kung kaya't sa paglabas ng pag-asa na nobela, sinapantaha ng lahat na yun na
marahil ang ginintuang panahon na magiging daan upang masilayan muli ang ngiti ng
mamamayan, makamtan ang minimithing kasarinlan at higit sa lahat muling magbalik
ang pagmamahal sa bawat isa. Ngunit naging mailap ang bituing nais maabot ng mga
Filipino. Nadakip si Dr. Jose Rizal dahil sa likha nitong mga nobela na patuloy na
inililimbag sa loob at labas ng kapuluan at dahil narin sa mga dagdag at planadong
bintang na nagdulot nang ilang buwan na pagkabilanggo at di lumaon, humantong sa
paghatol ng kanyang kamatayan. to'y naging susi sa pagkagising ng kanyang lahi sa
mahabang pagkakatulog, sa isang mapang-abusong panaginip.
Bangungot na naging inspirasyon ng isang Jose Rizal na lubos na nagmamahal
sa bayan, upang magsumikap gamit ang kanyang talento at matinding pananalig sa
Maykapal, mabigyan lamang ng mapayapa at malayang lupain ang mamamayang
Pilipino sa sarili nitong bayan. sang bangungot na sa paggising ng mga tao'y
bumungad sa kanila ang ingay na sanhi ng digmaan, naglilipanang tingga, mga batang
tumatangis, ingit ng karetang hila ng baka at manaka-nakang pag-sigaw. At sa labas
nakatambad sa kanila ang kalyeng bumabaha ng tao at ang maputlang liwanag dulot ng
makapal na usok na bumabalot sa kapaligiran na nagbubuhat sa mga kabahayan na
tinutupok ng apoy.
Masasabing naging matagumpay ang naging dulot ng nobela ni Dr. Jose Rizal
upang ipamulat sa mga Pilipino ang matagal napanahon ng paggamit ng kapangyarihan
ng mga Espaol sa isang napakalupit na pamamalakad. Dahil sa oras na iyon,
nagsimula ang pagkakaisa ng mga Pilipino laban sa Espaa. Simula ng mga
rebolusyong hindi mag-isa hanggang sa tuluyang makamit at sa wakas idineklara ang
kasarinlan ng Pilipinas.
Noon, nangibabaw ang giting, tapang, at ligaya nang makamit ang matagal ng
pangarap ng bawat isa. Bakas sa mata ang pagkauhaw sa malayang pagmamasid sa
mga magagandang tanawin at pagkasabik sa malayang talastasan. Dama ang
matinding pasasalamat kay Dr. Jose Rizal na inalay ang buhay para sa bayan at
mamamayan. pinamalas nya ang talentong kanyang pinagyaman upang lunasan ang
kritikal na kalagayan ng nasyon na kanyang pinagmulan, at maging inspirasyon sa
bawat kayumangging kulay na magsumikap, maging matapang, at manalig sa Diyos.
to'y ilan lamang sa mga naging ambag ni Dr. Jose Rizal sa kasaysayan di
lamang sa bansa kundi sa buong mundo. Mga ambag sa larangan ng agham,
pilosopiya, medisina, pagtututuro, at iba pa na gumuhit sa talaan ng historika sa
mundo. Mga kontribusyong nalilok sa puso at isip ng mga Pilipino sa nakalipas na
panahon at magpahanggang ngayon.
"Ang kabataan ang pag-asa ng baya. Mga salitang namutawi sa labi ng ating
pambansang bayani na hindi maitatangging magpasahanggang ngayon ay nakatala at
patuloy pa rin lumalabas sa pahayagan, libro at maging sa pluma't bibig ng malikhaing
Pilipino. sang propesiya na matapos ang ika-isang daan at limampung taon ay
nananatili pa rin at patuloy na tumatanim sa bawat sibol sa mundo ng dugong Pilipino.
Ngayon, makalipas ang maraming taon. matapos makamit ang kasarinlan ng
ating lupain at lumisan ang oras ng itak laban sa baril, nananatili pa nga ba ang mga
gintong aral ni Rizal?
Oo't maraming ngang ipinagbago ang lupain ng Pilipinas sa nagdaang panahon.
Mga kasalungat ng panahon ng digmaan, na sumasalamin sa kapayapaan na siyang
nagpapayabong ng bawat indibidwal na gumagawa ng walang takot at banta ng isang
pananagutan. Sumunod rin dito ang pagkakaroon at pagtatatag ng Republika na
pinamumunuan ng isang nasalang lider na tinatawag na Presidente , ito'y naluluklok sa
pwesto dahil sa kagustuhan ng sambayanan upang mamuno sa kanila. May mga batas
na rin na ipinatupad na pinamamahalaan ng alagad ng batas o pulisya, na kung sino
man ang lumabag sa mga batas na ito ay may mga kaukulang kaparusahan na
ipinapataw.
Ang diwa ni Rizal sa kasalukuyan ay umaalingawngaw pa rin mula sa nakaraan.
Patuloy ang pagsibol ng mga bagong kaganapan ngunit kaalinsabay nito ang
pagpailanlang ng mga aral at pilosopiya na ipinamana ni Rizal. Ang pambansang
bayani ay siyang tunay na haligi ng bayan. Minulat niya sa katotohanan ang lahing
Pilipino na bulag, pipi at bingi. Pinaigting niya ang dagabdab ng pagmamahal sa bayan
ng bawat isa tungo sa pagtamo ng kasarinlang malaon nang hangad ng kanyang mga
kababayan.
Ang ating bansa sa ngayon ay natitigib ng iba't ibang suliranin mga syuliraning
pilit na inilulubog ang ating bansa sa kawalan ngunit sa kabila nito, nanatili pa rin ang
pag-asa. Pag-asang nagmumula sa sulong ipinama ni Rizal sa kabataang Pilipino.
Ang mga kabataan ay ang mga Rizal ng kasalukuyan. Sa kanilang mga kamay
nakasalalay ang magiging kinabukasan niyaring bayan. Ang kanilang ideolohiya at
karunungan na naksalig sa paniniwala at pilosopiya ng bansang bayani, ang
magsisilbing sandata ng mga ito sa pagtupad ng panagimpan ni Rizal para sa Pilipinas.
Ang diwa ni Rizal ay nasa puso't isipan ng mga kabataan sa ngayon. to ang
kanilang baluti sa pagtalunton sa daang tigmak ng mga hadlang. Bagama't mistulang
napaklaki ng mga suliraning kinahaharap ngayon, ang mga bagong Rizal ay taas-noong
nakikibaka upang ipagpatuloy ang kislap ng sulo na ipinasa ni Rizal sa mga ito.
Ang mga usaping panlipunan sa kasalukuyan ay maiuugnay rin sa mga
paniniwala ni Rizal gaya na lamang ng sinasabing Millenium Development Goals o
MDGS na inaasahan ng bawat bansa sa daigdig na makamit hanggang sa taong 2015.
Una rito ay ang MDG 1 na nagsasaad ng pagtatanggal ng labis na kahirapan at
gutom. Kung matatandaan, sa panahon ng pananakop ng mga Kastila ay naging
talamak ang kahirapan gayundin ang pagkagutom. Kahirapan na idinulot ng mga prayle
na umaangkin ng mga lupa ng mga Pilipino at ang kagutumang sanhi ng walang
pakundangang paniningil ng labis labis na buwis.
kalawa ang MDG 2 na nagsasaad ng pagkakamit ng :niversal primary
ed:.ation. Ang edukasyon ay sinasabing kinang ng bayan, ayon na rink ay Rizal.
Naniniwala siya na ito ang makapangyarihang sandata na maaring gamitin ng bayan
laban sa mga tangkang paniniil at pagsakop ng mga tampalasang banyaga. Binigyang-
diin niya na ang edukasyon ang saplot ng lipunan na mahalaga sa pagkamit ng tunay
na kaunlaran.
Naging sandigan rin ang paniniwala ni Rizal sa pagkakabalangkas ng MDG 3 o
ang pagsusulong ng gender eq:ality at pagpapalakas sa karapatan ng mga
kababaihan. Kung matatandaan ay naglabas ng mga artikulo si Rizal na patungkol sa
mga kababaihan. sa na rito ay ang kanyang akda na pinamagatang, "Sa Mga
Kababaihan ng Malolos. Sa kanya ring mga nobela, isinaad ng bayani ang karapatang
dapat taglay ng mga kababaihan.
Ang MDG 4 o ang pagpapababa ng .ild mortality ay nakaugnay rin sa buhay ng
bayani. Matatandaan na si Rizal mismo ay nakaranas ng ganitong sitwasyon ng
mamatay ang kanyang una at nag-iisang anak kay Josephine Bracken na pinangalanan
nitong Francisco. Ang layuning mapababa ang bilang ng namamatay na sanggol sa
bawat araw ay kuwento pa rin ng nakaraan na ngayon ay patuloy na tinutugunan.
Ang pagpapaunlad ng maternal ealt o kalusugan ng mga nagdadalang-taong
ina ay nakasaad naman sa MDG 5. Matatandaan na si Josephine Bracken ang siyang
tanging babae na nagsilang ng anak sa lahat ng babae na kanyang nakarelasyon. At
ang kanyang pag-aalagang ibinigay sa kanyang asawa ay salamin ng layuning ito.
Ang MDG 6 o ang paglaban sa HV/ADS, malaria at iba pang mga sakit ay
pundasyon rin ng paniniwala ni Rizal. Sa Dapitan, gumawa ng mga pagbabago ang
bayani nang siya'y maipatapon dito. sa na rito ay ang pagpapaunlad ng kalusugan ng
mga mamamayan at ang pagtuklas ng mga halamang-gamot na makalulunas sa mga
dumadapong sakit ng mga kababayan.
Ang pangangalaga ng kalikasan na nakasaad naman sa MDG 7 ay nasasalamin
din sa adbokasiya ni Rizal tungo sa pagkakaroon ng maaliwalas na kapaligiran. Ang
kanyang mga ginawa niyang pagbabago sa Dapitan ay nakasalalay pa rin sa kalagayan
ng kalikasan. Siya rin ay isang magsasaka at siyentista kung saan ilan sa mga s.ientifi.
name ng organismo ay ipinangalan sa kanya.
At ang panghuling target ay ang MDG 6 o ang pagpapaunlad ng global
partnership para sa kaunlaran. Si Rizal ay naglakbay sa iba't ibang bansa sa iba't ibang
panig ng daigdig. Tinuklas niya ang kultura at tradisyon, ang batas at pamahalaan,
maging ang wika at paniniwala, ng mga bansang kanyang nilakbayan. Nakilala siya ng
mga banyaga sa iba't ibang bansang kanyang tinungo. Nakipagtalastasan at
nakipagpalitan ng magaganda, maging mga di-kanais nais na impormasyong
makatutulong sa kanya sa pagbabalangkas ng mga programa para sa kanyang
pagbabalik-bansa.
Salamin ang mga ito na noon pa mang panahon ni Rizal ay buhay na ang MDGs.
At ang kanyang diwa ang ginamit ng kasalukuyan upang ito'y muling isabuhay at unti-
unting kamtin.
Sa takbo ng panahon, marami pa rin ang nagbago. Hindi maiiwasan, hindi
matatanggihan. Ngunit sa ganitong sitwasyon, mamamalas pa rin ang buhay na diwa ni
Rizal sa kasalukuyan. Ngunit sa di inaasahang panahon ng pagbabago, nabago rin ang
ilang paniniwala ni Rizal at naibaon naman sa limot ang ilang aral at pilosopiya na
itinuro niya dahil sa mga ilang pantas na mas pinipiling igawad at itanim sa isipan ng
bata na ang mga naging tanyag at mas kilalang salita na lamang ang tandaan kung
kaya't ang ilang hindi gaano na nakilalang aral ni Rizal ay naglaho na sa kasalukuyang
panahon. Dahil sa magkaibang dulot ng pagbabago makikitang ang layunin ni Rizal ay
natupad. Ngunit kaakibat ng magandang dulot na ito ay ang paglabas ng ilang sugo ng
pagkalimot. Hindi ang paglimot sa katauhan ni Rizal kundi ang kanyang mga
ginintuang aral at payo. Kaya't marahil nang bumubuo pa lamang ng isang
masaganang bansa ang Pilipinas, sandali lang itong nanatili sa paggawa ngunit sa
masaya, maganda, mapayapa, unti-unting nakakalimutan ang mga aral at pundasyon
na hindi dapat mawala sa isang sangkap.
Masakit man na sa pagkakaroon ng sagot ng katanungang hinanap ng matagal
ay bubulaga pala ang di katangap-tanggap na larawan ng unti-unting pagka-ubos ng
mga mahahalagang karunungan. Mga karunungang minsang naging sandigan at
ngayo'y tuntungan na lamang dahil sa paglimot dulot ng masarap na simoy ng
kalayaan na lagi nang naririyan.

Вам также может понравиться