Вы находитесь на странице: 1из 25

ADN 403 Disyembre 12 - 18, 2011 EDITORYAL Ang pag-okupa sa Mendiola Sa kabila ng paglamig ng hanging-Disyembre hudyat ng papalapit na araw

ng Kapaskuhan, tila pinapainit ng pangatlong araw na na protesta ng ibat-ibang sektor ng lipunan sa Kamaynilaanang mga eksena sa internet at telebisyon, na naririnig tiyak sa mga radio stations. Sinimulan simula pa Disyembre 6 hanggang 10, sinabayan ng mga militante ang penomenon ng kilusang protestang Occupy sa US at iba pang bahagi ng mundo para bigyang-liwanag sa publiko ang bulok na sistema na umanoy pinangingibabawan ng isang porsiyentong mayayaman at makapangyarihan at 99 porsiyentong naghihirap. Sa unang araw habang nakakampo sa Mendiola, ibat-ibang mga aktibidad ang nakalatag katulad ng mga pangkulturang presentasyon, porum, diskusyon, workshops, at iba pang gawain na may ugnay sa pagpapalalim ng kanilang kaalaman sa kasalukuyang krisis sa ekonomiya at pandaigdigang krisis. Subalit tulad ng inaasahan, ang kanilang martsa ay tinangkang idispers ng mga bata-batalyong pulis, kasama na rito ang pangkaraniwang pagdidispers sa mga raliyista sa pamamagitan ng water cannon. Inasahan na rin ang paghahabulan, paluan at ang pinakamalala, pagkasugat at pagkakakulong ng ilan. Ayon sa tala mula sa Kabataan-ST, hindi bababa sa anim ang sugatan at dinala sa ospital. Tatlo naman ang hinuli. Kabilang, ayon sa ulat, ay dalawang manunulat-pangkampus. Ayon sa rekord ng mga mga marahas na dispersal noong panahon ni Gloria Macapagal-Arroyo, hindi pa inabot ng lampas ng Legarda ang mga dispersal. Kahit noong panahon ng

Calibrated Preemptive Response (CPR) ni Arroyo. Ngayon lang. Ngayong panahon ni Benigno Simeon Aquino III. Magtataka pa ba, gayong mismong modelo nga ng hindi pagkakapantay ang kanyang Hasyenda Luisita? Asahan na ang muling pagtatangkang okupahin ang Mendiola sa mga susunod na araw. MGA KOLUM ANO BA YAN! By Johnny G. Glorioso Safety First Everyone should take some time to read this it may save your life or your loved ones life. Its crucial because of the recent abduction incidents that happened in broad daylight. After reading these crucial tips, share them with your love ones, it never hurts to be careful in this dangerous world of ours. 1. Tip from Tae Kwon Do : The elbow is the strongest point of your body. Of you are close enough to use it, do! 2. If a robber ask for your money and/or purse, throw it away from you do not hand it to him, chances are, he is more interested with your money and/or purse and he will go after it. Now is your chance to run as fast as you could. Run like mad in the other direction. 3. If you are ever thrown into the trunk of a car, hit the tail light with your foot then stick your hand out of the hole then wave like crazy to attract attention. The driver wont be able to see you but all the others will. This has save lives. 4. Women have the tendency to get in their car after shopping, eating working etc, and just sit their fixing their make up, checking their list or just talking with their cellphones. Dont do this, the

predator might be just watching you and will grab this opportunity to get into your car on the passenger side, put a gun to your head and declare holdup or command you where to go. Remember, always lock your car after you get in and leave. 5. If someone is in your car with a gun pointed to your head, run the engine and speed your car into anything, the car will be wreck and you will be saved by the airbag. If the predator is in the back seat, he will suffer the most. As soon as the car crashes, bail out and run. It is better to be this way than finding your body laying dead in a remote place 6. A few notes about getting into your car in a parking lot or in a parking garage. A. Be aware, look around you, look in to your car, in the passenger side floor and in the back seat. B. If you are park beside a big van, enter through the passenger side. Most serial killers have the tendency to pull their victims into their vans while the women are attempting to get into their cars. C. Look at the car parked at the drivers side of your car and at the passenger side. If there is a lone man sitting in a car parked beside yours, you may want to walk back in to the mall, to work, and a guard/policeman, to get some help in driving you out of the parking lot/garage. It is always better to be safe than sorry. 7. Always take the elevators rather than stairs, stairwells are horrible places to be alone especially at night. 8. If a predator has a gun and you are not under his control run as fast as you can. The chance of hitting a running target is only 4 against 100 times. Even then, it will not most likely be a vital organ, Run, preferably in a zigzag pattern. 9. Women are always trying to be sympathetic. Stop! It may get you raped or killed. Sometimes, serial killers are good looking, well educated who always plays in the sympathies of unsuspecting women. Remember, the world we lived in has a lot of crazies in it and it is always better to be safe than sorry.

ALIMPUYO Ni Criselda Cabangon David Real life teleserye Ang hospital arrest ni former President Gloria-Macapagal Arroyo ay sadyang teleserye in real life. Bakit kanyo? Ang daming plots. Ang daming pangyayari. Ikaw ba Budoy? Nakakatawa. Very timely kasi yung pagpaopera niya sa ospital. LOL. Politically speaking, ano kayang nakuha nyang leverage sa kanyang timely operation? Eto pa, akalain mo pina-renovate pa ang presidential suite bago mag-transfer? At nanghihingi pa umano ng access to computers at internet? Ikaw na ang maging GMA! Eh kung nangyari yan sa pangkaraniwang Juan at Juana dela Cruz yan..ay tae! Sa obvious na strategy niyang ma-hospital arrest na lang kaysa ma-subject sa trial by publicity (c/o the Legislative branch) at, in the long run na mapatunayan nga, makukulong siya sa bilangguan. On the other hand, sakaling totoo nga na lumalala na kondisyon ng spinal cord niya to the effect na posibleng ma-paralyze siya, baka naman KARMA na yan slowly creeping up her bones. Tawa din naman ako ng sabihin ni Atty. Topacio before na ipupusta nya ang kanyang sariling balls na babalik ang magasawa (nung magtangkang umalis na napigilan nga.) Pathetic hehe.. And now, after 1 and a half year, nakasuhan na si GMA (sa wakas!), it makes me wonder kung bakit ngayon lang nila ito ginawa ng nagbabalak ng umalis si GMA. Handa ba talaga sila sa mga ebidensya o minadali lang ang pagsampa ng kaso? Show force, eh? Also, its a VERY BAD precedent ang pagdisregard ni De Lima sa TRO ng Korte Suprema. People may be rejoicing na hindi nakaalis si GMA but little do they realize ang repercussions na ginawa ng DoJ.

Well anyway, siguro there will come a time that we will just have to get over this GMA thing and focus more on how we can improve the stature of the country. GMA in jail will not lower oil prices nor increase the minimum wage. The government is spending too much time pinning down Arroyo when there are too many other things to act upon. MGA BALITA Front news Suspek sa pangingidnap sa Bumbay sa Quezon, notoryus na miyembro umano ng Gerona group Ni Madel Ingles CANDELARIA, QUEZON --- Inihayag ng pulisya na ang nakasagupa nilang grupo na nagtangkang kumidnap sa Indian National na si Gurnek Singh Y Kaur sa Brgy. Lagalag Tiaong, Quezon ay pawang mga miyembro ng Gerona Group na sangkot sa mga kaso ng pagpaslang, pagnanakaw, pangho-hold-up at pangingidnap ng mga mayayamang negosyante sa Quezon at Laguna. Ayon kay Police Chief Inspector Allen Rae Co, company commander ng Quezon Police Public Safety Company (QPPSC) na ang dalawa sa nakasagupa nilang limang kalalakihan na kumidnap sa nasabing bumbay noong Nobyembre 25, sa nabanggit na lugar ay miyembro umano ng notoryus na kriminal na Gerona Group na sangkot sa mga illegal na aktibidades sa lalawigan maging sa kalapit-lalawigan. Batay sa patuloy na pagsisiyat, napag-alaman pa ang tunay na ipagkakakilanlan ng dalawa sa limang suspek na sina Philip Miranda at Nilo Padua bilang miyembro ng Gerona group. Naberipika ng Quezon police sa tulong ng Laguna-Criminal Investigation Detection Team (CIDT) na ang tunay na pangalan ng dalawa ay Chivas Gerona alyas Sniper at Kelly Nilo Gerona alyas Ka Benjie. Bukod pa dito, nadiskubre din na sila ay pawang

mga dating miyembro ng RPA/ABB (Alex Buncayao Brigade) na nagkaroon na rin ng mga kriminal na kaso sa San Pedro, Laguna. Ang magkapatid na Gerona ay kasalukuyang tumatayong lider ng naturang grupo kung saan sangkot sa mga nakawan, kidnap for ransom at hold-up activities. Humalili ang magkapatid matapos mapatay sa loob ng kulungan ang tunay na lider nito na nakilala na si Nilo Gerona alyas Ka Andy. Ayon pa sa ilang sources, responsible din ang grupo sa Eqquivel Ambush Incident at ang bank robbery na naganap sa San Pablo City. Binata, tepok sa pangalawang pagpapakamatay LUCBAN, QUEZON Nagtagumpay sa hangaring wakasan ang kanyang buhay ang isang binatang magsasaka ng siya ay magbigti gamit ang plastic straw kamakalawa ng gabi bandang 11:30 sa Brgy Nagsinamo, Lucban, Quezon. Ang biktima ay kinilalang si Michael Lara y Marasigan, 23 taonggulang at residente ng naturang lugar. Ayon sa mga awtoridad, natagpuan ng isang Ricky Marasigan, pinsan ng biktima ang wala ng buhay na labi ng biktima na nakabitin sa loob ng kanilang bahay gamit ang plastic straw. Ayon pa kay Marasigan, nagtangka ng magpakamatay ang biktima sa pamamagitan ng paglalaslas ng pulso dalawang linggo na ang nakakaraan. Ang labi ng biktima ay kasalukuyang nakahimlay sa Funenaria Mancenido ng nasabing bayan habang hinihintay ang isasagawang postmortem examination. Leo David Nang dahil sa sakit ng tiyan, magsasaka, nagpakamatay SAN ANTONIO, QUEZON Winakasan ng isang magsasaka ang kanyang sariling buhay matapos umanong makaranas ng matinding pananakit ng tiyan kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay kinilalang si Cresinciano Mercado, 75 taonggulang, may-asawa at residente ng Brgy Matipunso, San Antonio, Quezon. Ayon sa ulat ni SPO1 Joseph Salvador Ramirez ng San Antonio Municipal Police Station, bandang 8:30 ng umaga ay ipinaalam ni Nemecio Endozo, 58 taong-gulang at isang Brgy. Tanod ng nasabing lugar ang nasabing insidente na kaaggad namang pinuntahan ng mga awtoridad. Ayon sa imbestigasyon, nagising ang asawa ng biktima na si Ledia Mercado y Insinas bandang ala-una ng medaling araw at natuklasang wala sa katabi niya ang asawa kung kayat pinagpasayahan niyang hanapin ito. Nagulat na lang siya ng matagpuan niya itong nakabitin sa kanilang kusina na may lubid sa kanyang leeg at wala ng buhay. Kaagad niyang tinawag ang kanyang anak na si Isidoro Mercado para magpatulong. Ayon sa ginang, bago pa sila matulog kinagabihan ay inirereklamo na ng kanyang asawa ang matinding pananakit ang tiyan subalit hindi aniya niya inaasahan na magpapakamatay ito dahilan dito. Ang biktima ay kasalukuyang nasa Cuevas Funeral parlor ng nasabing bayan para sa kaukulang Postmortem Examination. Leo David

Asphalt batching plant, planong muling buksan LALAWIGAN NG QUEZON - Pinaplano ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pangunguna ni Quezon Gov. David Suarez na muling buksan ang asphalt batching plant na

matatagpuan sa Barangay Tumbaga, Sariaya na matagal na ring napatigil ang operasyon. Layon nito na higit na mapaglingkuran ang mga taga-Quezon kasama na ang mga programang farm to market road sa buong lalawigan. Sakaling mabuksan ang planta, malaki din umano ang matitipid ng mga taga Quezon dahil hindi na bibili pa sa malayong lugar o sa mga karatig na lalawigan ng aspalto para gamitin sa pagkukumpuni ng mga nasirang kalsada at iba pang mga gawain at proyektong imprastraktura. Bukod dito, posible ding tumaas o madagdagan ang kita ng pamahalaang bayan ng Sariaya sa muling pagbubukas ng planta at magbigay-daan sa pagkakaroon ng trabaho sa ilang mga Sariayahin. Ronald Lim

Lalaki, utas sa kainuman sa Tiaong, Quezon TIAONG, QUEZON - Dead on the spot ang isang lalaki matapos na pagsasaksakin ito ng kaniyang kainuman sa Tiaong, Quezon. Nakilala ang biktimang si Levirato Llaga, 50, residente ng Brgy. San Agustin sa naturang bayan. Base sa isinagawang imbestigasyon ng Tiaong PNP, pasado alas diyes ng gabi habang nag-iinuman ang biktima ang ang kinilalang suspek na si Eliseo Hernandez ay nagkaroon ito ng pagtatalo. Dahil na rin sa sobrang kalasingan, nauwi sa isang away ang pagtatalo ng dalawa dahilan upang pagsasaksakin ni Hernadez si Llaga.

Agad na binawian ng buhay ang biktima dahil sa natamo nitong saksak sa ibaibang parte ng katawan. Kasalukuyan ngayong nakahimlay ang labi ni Llaga sa Ace Funeral Homes sa San Pablo City habang pinaghahanap na ngayon ng pulisya ang tumakas na suspek. Ronald Lim

Magkapatid na Talaga, nagbigay ng tulong sa pamilyang nasunugan LUCENA CITY - Matapos na tupukin ng apoy ang tahanan ng mahigit sa tatlumpung pamilyang naninirahan sa Flores Subd. sa Brgy.7 sa lungsod ng lucena, ay mabilis na sinuportahan ng pamahalaang panglungsod ang mga pamilyang ito. Pinangunahan ng magkapatid na sina Lucena City Councilor Ramil Talaga at 2nd District Board Member Romano Franco Talaga ang pamamahagi ng tulong sa mga nasunugan. Kabilang sa mga tulong na ibinigay ng magkapatid na Talaga ay ang bigas, delata, kumot, kulambo, banig at ilang piraso ng damit. Ayon kay Konsehal Talaga, paunang tulong pa lang ang kanilang ibinigay sa mga naging biktima ng sunog. Inihahanda naman ng pamahalaang lunsod ang karagdagang tulong katulad ng pamamahagi ng mga gamit para maitayong muli ang tahanan ng mga ito. Samantala, nananawagan naman si Konsehal Talaga sa mamamayan ng lungsod na maging maingat sa pagbili ng mga Christmas lights.

Aniya, kadalasan na sa panahon ng holiday season ay mumurahing mga Christmas lights ang nagiging sanhi ng sunog kung kayat pinayuhan nito ang mga mamimili na maging mapanuri sa kanilang bibilhing mga Christmas lights. Ronald Lim

Negosyante, patay matapos pagnakawan REAL, QUEZON - Hindi na nagising sa kanyang pagkakatulog ang isang negosyante matapos na hampasin ito sa ulo ng kahoy ng kaniyang caretaker sa Real, Quezon. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Maribel Morilla, 50, biyuda at residente ng Brgy. Ungos sa nasabing bayan. Batay sa imbestigasyon, bandang alas tres ng hapon, habang natutulog si Morilla sa kwarto ng kaniyang tahanan ay dumating ang suspek na kinilalang si Michael Guevarra, 21, residente naman ng Brgy Cawayan. Nang makita ng suspek na natutulog ang biktima ay walang sabisabing pinaghahampas nito ng kahoy sa ulo ang negosyante at mabilis na tinangay ang di-pa malamang halaga ng pera ng biktima. Mabilis namang isinugod ng kanyang mga kaanak si Morilla sa ospital ngunit binawian rin ito ng buhay habang inililipat naman patungo sa isang ospital sa Maynila. Pinaghahanap na naman ngayon ng mga owtoridad ang suspek na agad ring tumakas matapos maisagawa ang krimen. Ronald Lim

Magsasaka, patay sa pamamaril SAN ANDRES, QUEZON - Dead on the spot ang isang magsasaka matapos na barilin ito ng isang di-pa nakikilalang suspek sa San Andres, Quezon. Kinilala ng San Andres PNP ang biktimang si Dione Bustamante, 35 residente ng Brgy. Pansoy sa naturang bayan. Base sa isinagawang imbestigasyon, pasado ala una ng hapon habang ipinapasok ng biktima ang isang sako ng uling sa loob ng kanilang tahanan ay nakarinig ang anak nito ng isang putok ng baril. Agad na tinungo ng anak kinaroroonan ng kaniyang ama at laking gulat nito ng makitang nakahandusay na ito sa sahig at wala ng buhay. Nagtamo ng tama ng baril sa tainga si Bustamante at tumagos sa tuhod na nagging sanhi ng agaran nitong pagkamatay. Kasalukuyan ngayong nakahimlay ang labi ng biktima sa Brgy. Mangero habang pinaghahanap na ng pulisya ang nakatakas na suspek. Ronald Lim

Paligsahan sa dyurnalismo ng mga mag-aaral sa elementary at sekondarya, isinagawa LUCENA CITY - Mainit na tinanggap ng lungsod ng Lucena ang mga delegado mula sa ibat-ibang Provincial at City Schools Division sa Region 4-A para sa ginaganap na 2011 Regional School Press Conference (RSPC). Pinangunahan naman ni Dr. Lorna Dig Dino, Regional Director ng Department of Education Region 4-A kasama sina Dr. Aniano

Ogayan, Lucena City Schools Division Superintendent at iba pang kinatawan mula sa DepEd ang pormal na pagbububkas ng nasabing aktibidad. Pinasalamatan rin ng opisyal si Mayor Barbara Ruby Talaga at City Administrator Ramon Talaga Jr. sa pagpapaunlak nito na sa lungsod ng Lucena ganapin ang RSPC at sa pagbibigay ng seguridad sa mga batang kalahok na pansamantalang manunuluyan sa ilang eskwelahan sa lungsod. Samantala, siniguro naman ni City Administrator Talaga, na magiging Masaya at puno ng magagandang ala-ala ang pansamantalang pananatili ng mga delegado at hinikayat pa ni Talaga na subukan ang masasarap na pagkain sa Lucena, gayudin ang pagpunta sa mga lugar na maaaring puntahan sa lungsod. Ang RSPC ay isang kompetisyon kung saan magtatagisan sa larangan ng journalism ang mga kabataan mula sa elementary at sekondarya na napiling ilaban ng kanilang eskwelahan. Kabilang sa mga kasali sa RSPC ay ang mga mag-aaral buhat sa 15 schools division sa Region 4-A na kinabibilangan ng Batangas City, Cavite Province, Calamba City, Quezon, Laguna, Rizal Batangas Province, Tanauan City, Cavite City, Lipa City, Antipolo City, Lucena City, Sta. Rosa City, Dasmarinas City at San Pablo City na tatagal ng limang araw. Ronald Lim

Pag-iilaw sa Belen at parol sa harap ng lumang City Hall sa Lungsod ng Lucena, isinagawa

LUCENA CITY - Pormal ng isinagawa ang taunang pag-iilaw sa belen sa harapan ng City Hall ng Lungsod ng Lucena kabilang rin ang mga parol sa ilang panig ng lunsod bilang bahagi ng pagsisimula ng selebrasyon ng kapaskuhan sa lungsod. Pinangunahan ni Mayor Barbara Ruby Talaga kasama ang mga opisyal ng Pamahalaang Panglungsod at mga Lucenahin ang pagsisindi ng Belen at higit na pinatingkad ang city hall ng mga ilaw at ibat ibang palamuti. Ayon kay Mayor Talaga, ang pag-iilaw ay sumisimbolo sa bagong pagsilang ng pag-asa at ang Belen sa ilalim ay kumakatawan sa tradisyon at samahan ng pamilyang Lucenahin. Sa mensahe ng Alkalde, nagpasalamat siya sa lahat ng dumalo at nangako siya na lalo pang pagagandahin ang mga programa ng Pamahalaang Lungsod tuwing Kapaskuhan. Bukod sa pagsindi, inabangan naman ng mga kawani ng pamahalaang panglunsod ang pag-aanunsyo ni Mayor Talaga ang halagang ipagkakaloob sa kanilang Christmas Bonus ngayon taon. Ayon kay Talaga, P15 libong piso ang bonus na matatanggap ng bawat empleyado na magsisimulang ibigay sa December 15. Bagamat wala itong pinagkaiba sa ibinigay noong nakalipas na taon, tiniyak naman ni Talaga na hindi ito bababa sa kabila nang nakaambang pagbaba ng Internal Revenue Allotment ng lokal na pamahalaan ng Lucena. Ronald Lim

Sampung taong gulang na bata, patay matapos na malunod SARIAYA QUEZON Dead on arrival ng dalhin sa Greg hospital ang sampung taong gulang na kinilala ng pulisya na si John Lester Cruz, residente ng Purok 4, Brgy. Sampaloc 2, Sariaya, Quezon. Itoy matapos na itoy malunod sa ilog malapit sa planta ng Alcamon Crushing sa bahagi ng Sitio Socoro ng nabanggit na barangay. Batay sa imbestigasyon ni SPO1 Banaag at PO2 Radones ng Sariaya PNP sa pamumuno ni PSUPT Francisco Ebreo, bandang alas 2:00 ng hapon ng umalis ang biktima sa kanilang bahay nang walang paalam kasama ang ilang pang kabataan. Subalit makalipas ilang sandali ay bumalik ang isa sa kasama ng biktima na si Wilmar Tan upang sabihin sa kanyang lola ang nangyari kay John Lester. Agad naman nagtungo ang mga ito sa pinangyarihan ng insidente upang dalhin sa nasabing ospital ngunit hindi na ito umabot pa ng buhay. Topher Reyes Mag-asawa, pinagnakawan ng limang katao SARIAYA QUEZON Pinagnakawan ng limang hindi pa nakikilalang mga suspek ang bahay ng mag-asawang kinilala ng pulisya na sina Renieto at Maricris Martinez, residente ng Brgy. Balubal, Sariaya, Quezon. Sa isinagawang imbestigasyon ni PO2 Alnor Tagara at PO1 Reynaldo Delia ng sariaya PNP sa pamumuno ni PSUPT Francisco Ebreo, bandang alas 9:00 ng umaga habang nanonood

ng T.V. sa loob ng tindahan nang ang mga suspek ay kumatok sa gate upang bumili ng beer at nang buksan ng mister na si Rinieto. Tatlo sa mga suspek na armado ng baril ang pwersahang pumasok at nagdeklara ng holdap habang ang dalawa pang kasamahan nito ay pinasok naman ang rest house kung saan naroon ang misis na maricris. Tinangay ng mga ito ang pera at mga celphone ng mga biktima isang laptop, relo, booklet checkbook, perang nagkakahalaga ng mahigit sa 30,000 libong piso at ilang mahahalagang dokumento. Mabilis na tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng Brgy. Gibanga dala ang mga ninakaw. Samantala patuloy ang imbestigasyon ng pulisya at paghahanap sa mga nakatakas na mga suspek. Topher Reyes

Binatang drug user, binoga sa ulo, patay CANDELARIA QUEZON Patay ang biktimang si Felix Magno Jr., 28 anyos residente ng Purok 4, Brgy. Malabanban Sur, Candelaria, Quezon matapos na barilin ito ng hindi pa nakikilalang suspek. Batay sa imbestigasyon ng Candelaria PNP, pasado alas 8:00 ng gabi habang ang biktima ay natambay sa isang kubo nang bigla na lamang barilin ito ng suspek at mabilis na tumakas patungo sa hindi malamang direksyon at iniwan ang biktima na nakahandusay at may tama ng bala ng baril sa ulo na agad nitong ikinamatay. Paniwala ng mga awtoridad, droga ang dahilan ng nasabing pagpaslang sa biktima dahil sa bukod sa dalawang basyo ng bala

ng kalibre 45 baril na nakita sa pinangyarihan ng krimen, narekober rin ang ilang drug paraphernalias katulad ng tatlong aluminum toother at dalawang lighter. Ayon pa sa pulisya, hindi solo ang biktima ng mangyari ang krimen at posibleng isa sa kasama nito ang bumaril dito. Dagdag pa rito positibo ang mga awtoridad na nag-pot session ang mga ito gamit ang pinagbabawal na droga bago naganap ang pagpatay kay Felix. Samantala, patuloy ang imbestigayon ng Candelaria PNP kung ano ang motibo ng pag patay sa biktima na kung saan ito ang magiging batayan nila sa posibleng pagkakakilanlan sa suspek at kung saan nagtatago ito. Topher Reyes

Banggaan ng tricycle at bus, isa sugatan, isa patay SARIAYA QUEZON Namatay habang ginagamot sa greg hospital ang biktimang kinilala ng pulisya na si Melvin Bonete, 32 anyos at drayber ng tricycle na may plakang VU-9237 habang sugatan naman ang misis nito na si Vicky, 22 taong gulang at residente ng Brgy. Sampaloc 2, Sariaya, Quezon. Itoy matapos na mabangga ito ng Philtranco Bus na may plakang TYX-270 at minamaneho ng driver na si Darryl Dyben Pilarca ng Bocator, Tangub City, Misamis Oriental. Sa isinagawang imbestigasyon ni PO2 Alnor Tagara ng Sariaya PNP sa pamumuno ni PSUPT Francisco Ebreo, pasado alas12:00 ng hating gabi habang binabagtas ng mga biktima ang kahabaan ng Maharlika Hhighway patungo ng Brgy. Sampaloc 2

ng nasabing bayan, nang mabangga ito ng nabanggit na bus galing ng Maynila patungong Davao. Agad naman nakita ang mga ito ng ama ng biktima kaya mabilis itong isinugod sa ospital. Inilipat ang asawa ng biktima sa Lucena United Doctors Hospital upang lapatan ng kaukulang lunas. Nakilala naman ang suspek sa pamamagitan ng kanyang I.D. kung saan ito nag-tratrabaho na tumakas matapos ang insedente. Samantala patuloy ang imbestigasyon pulisya at paghahanap sa suspek upang harapin ang kaso laban dito. Topher Reyes

Rider, patay ng salpukin ng isang tren LUCENA CITY Dead on the spot ang biktimang si Magno Relova 48 anyos, residente ng Purok Maligaya, Brgy. Ibabang iyam lucena city matapos salpukin ang minamanehong motorsiklo na may palakang WL-5418 ng isang tren. Kinilala naman ng pulisya ang driver ng naturang tren na si Fernando Bangalan ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Ocampo ng Lucena PNP, habang papatawid ng riles ang biktima sakay ng kanyang motorsiklo nang aksidente itong mabangga hanggang sa kaladkarin ng tren na galing maynila patungo sa direksyon ng bicol. Ang biktima ay nagtamo ng sugat sa ibat-ibang bahagi ng katawan at ulo na agad nitong ikinamatay. Ayon sa nakasaksi ng insedente, hindi bumusina ang driver ng tren hanggang sa hindi napansin ng biktima ang mabilis na paparating nito kaya inabot ang motorsiklo kung saan lulan ito.

Patuloy naman ang paghahanap ng mga awtoridad sa nakatakas na suspek habang ang labi ni Magno ay nakalagak ngayon sa Funeraria tayabas. Topher Reyes Front news Oplan Trojan War, ilulunsad Ng Calabarzon Pnp ni Reymark Vasquez LALAWIGAN NG QUEZON - Dahil sa dumaming bilang ng mga wanted persons ang patuloy na nakakalaya ay ilulunsad ng CALABARZON police ang Oplan Trojan War. Ayon kay PCSupt. Gil Meneses, regional director ng Police Regional Office Calabarzon ang Oplan Trojan war ay kampanya sa paghahanap ng mga wanted persons na mayroong nakaserved na warrant of arrest upang ang mga ito ay mapiit sa kulungan. Kahit ang mga wanted persons ay nagtatago sa malalayong lugar ay magsasagawa sila plano at operasyon upang mga masakote lamang ang mga ito. Samantala nag-ulat din ng kanilang accomplishment ang QPPO sa pamumuno ni Col. Erickson Velasquez provincial director ng Quezon PNP tungkol sa pagbaba ng volume ng krimen ngayong taon. Inaasahan ng Calabarzon police ang tuloy-tuloy na pagbaba ng bilang ng krimen sa buong Region-4A lalot ngayong panahon ng kapaskuhan.

Front news Giant christmas tree, naabo sa loob ng ilang minuto LALAWIGAN NG QUEZON - Halos kinse minutos lamang ang kinailangan upang masunog at ganap na maging uling ang bagong pasinayang Giant Coconut Christmas Tree na dalawang linggong ginawa at siya sanang sentro ng atraksyon sa harap ng kapitolyo sa Perez Park, lungsod na Lucena. Bagamat hindi kalayuan ang pinagmulan ng mga bumbero, hindi na nakaya pang maapula ang pagkasunog nito dahil yari sa mga highly combustible na bagay ang mga materyales nito tulad ng bao, bunot, kahoy at dayami ang Christmas Tree. Ayon sa mga stall holders na nakasaksi sa sunog, biglang umusok sa may gawing kanan ng paanan ng Christmas tree, sinikap man nilang patayin agad ang apoy ay hindi naman sapat ang kanilang available na tubig, lalo pat agad na nagliyab ang mga dayami sa Belen at mga bunot at bao. Bagamat wala pang opisyal na deklarasyon ang mga bumbero at ang provincial government, ayon sa mga saksi, maaari umanong faulty electrical wiring ang pinagmulan ng apoy. Samantala, hindi naman isinasarado na posibleng may naghagis o nalipad ng hangin na may sindi pang upos ng sigarilyo. Samantala, ang 56 na talampakang Christmas tree ay itinuturing na pinakamataas na yari sa coconut materials sa buong bansa at unang inilawan kamakailan sa saliw ng magarbong fireworks display. Reymark Vasquez

BANNER NEWS ANTAS NG SEGURIDAD SA QUEZON, ITATAAS NGAYONG PANAHON NG KAPASKUHAN Ni: Reymark Vasquez LALAWIGAN NG QUEZON - Tiniyak ng Quezon Provincial Police Office o QPPO ang pag-papaigting ng seguridad sa lalawigan ng Quezon ngayon darating na panahon ng kapaskuhan. Patuloy na isinasagawa ang Oplan Checkmate sa mga motorista na nagsimula pa noong November 7 ngayon taon sa layunin na mapababa ang crime rate sa lalawigan. Sinabi ni Region 4A Rregional Director Gil Meneses na ang pangunahing target ng oplan checkmate ay ang mga riding in tandem at mga carnap na motorsiklo. Maglalagay din ng bomb at drug sniffing k-9 unit sa mga check points sa bawat bayan at lungsod sa lalawigan. Magkakaroon din umano ng pagdaragdag ng mga pulis sa mga matataong lugar o mga business districts sa buong quezon. Ayon pa din kay Meneses, makikipagtulungan ang kapulisan sa mga opisyal ng barangay upang mapabilis ang responde ng awtoridad kung magkakaroon man ng insidente.

Ginang patay makaraang barilin, suspek nagbaril din sa sarili

INFANTA, QUEZON - May isang oras lamang makaraang barilin ng suspek ang isang 49 na taong gulang na ginang ay namatay din ito matapos na magbaril sa sarili sa Infanta, Quezon.

Kinilala ang ginang na si Herminia Serafines ng Purok Gumamela samantalang ang suspek na nagbaril din sa sarili ay si Jose Par ng Purok Ilang Ilang, Brgy. Comon sa naturang bayan. Ayon kay P/CInsp Alexis Nava, hepe ng pulis sa bayang ito, dakong alas tres ng hapon at kabababa lamang ng biktima sa isang tricycle ng lapitan ito ng suspek at kaagad na pinaputukan ito sa ulo na agad nitong ikinasawi noon din. Mabilis na tumakas ang suspek makaraan ang pamamaril subalit nakilala ito ng isang testigo nasa di kalayuan. Makaraan ang isang oras, napaulat naman na nagbaril sa sarili ang lalaki habang nasa second floor ng kanilang bahay. Nakuha mula sa tabi nito ang isang Caliber 38 snub Nosw revolver na may 3 bala at 2 basyo mula sa chamber nito. Iniimbestigahan pa din ng mga pulis ang naturang pangyayari. Johnny Glorioso

Financial consultant, patay sa riding in tandem GUMACA, QUEZON - Apat na tama ng bala sa ulo at katawan ang kumitil sa buhay ng isang financial consultant makaraang pagbabarilin ito ng dalawang suspek na magkaangkas sa motorsiklo sa bayan ng Gumaca.

Ayon sa mga pulis, sakay sa kanyang Suzuki motorcycle ang biktimang si Phillip Penaroyo, 32 taong gulang ng Brgy. Mabini ng bayang nabanggit at angkas ang kasamahan sa trabaho na si Zenaida Nakpil patungo sa direksiyon ng Lopez, Quezon. Pagsapit sa crossing ng train sa may bahagi ng Brgy. Lagyo, tinapatan ito ng 2 suspek na riding in tandem at 2 ulit na pinaputukan sa ulo ang biktima, Nang mabuwal mula sa motorsiklo, dalawng ulit pa itong muling pinaputukan sa ulo na naging dahilan ng daglian nitong kamatayan. Hindi naman naano ang kasama nitong babae na kaagad na nagulat sa mga pulis. Apat na basyo mula sa kalibre 45 baril ang narekober ng mga pulis sa lugar na pinangyarihan ng krimen. Inaalam pa ng mga pulis posibleng motibo ng pamamaril. Johnny Glorioso Front news Supplemental budget no.3 ng lalawigan ng quezon, aprubado na LALAWIGAN NG QUEZON - Magandang balita para sa mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon, matapos maaprubahan sa Sangguniang Panlalawigan ang Supplemental Budget No.3 ng probinsya ng Quezon para sa taong 2011 sa isinagawang regular session kahapon. Ang Supplemental Budget No. 3 sa taong 2011 ay nagkakahalaga ng P57, 797, 113. Nakapaloob sa supplemental budget na ito ang P29M para naman sa extra bonus ng mga kawani ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon.

Kasama rin sa mga naaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ang mga budget at ordinansa ng ibat-ibang bayan ng lalawigan. Samantala hindi naman naging maganda ang pagtatapos ng session nitong nakaraang linggo sa Sangguniang Panlalawigan matapos tila parang nag-walk out si Vice Governor Vicente Kulit Alcala bilang presiding officer sa biglang pag-adjourned ng session ng walang pagresume habang naka-recess ang Sanggunian. Reymark Vasquez

LEGAL AND EXTRAJUDICIAL NOTICES una


Republic of the Philippines City of Lucena AFFIDAVIT OF LOSS I, JASON W. SZE, Filipino.. ) )

3rd Publication December 12, 2011 ADN: November 28, Dec. 5 & 12, 2011 pangalawa
REPUBLIKA NG PILIPINAS ) LALAWIGAN NG QUEZON ) S.S. LUNGSOD NG LUCENA ) SINUMPAANG SALAYSAY NG PAGMANA AKO, ROSARIO L. VALERIO, may sapat na gulang, balo, Pilipino at naninirahan sa Lungsod ng Lucena, matapos makapanumpa ng sang-ayon sa ipinaguutos ng batas

ay malaya at kusang-loob na nagsasalaysay at ngpapahayag gaya ng mga sumusunod: 1) Na ako ay asawa ng Melquiades Valerio na namatay noong Hunyo 24, 2011 sa Lungsod ng Lucena at ako ang iniwang tagapagmana. 2) Na sa pagkamatay ng nabanggit na Melquiades Valerio siya ay walang naiwan testament o huling habilin at wala din siyang iniwang pagkakautang sa kaninumang tao. 3) Na sa pagkamatay ng aking asawa siya ay nakaiwan ng kalahating bahagi (1/2 share) sa isang bahay at lupa na natatayo sa Brgy. Iyam, Lungsod ng Lucena at makikilala gaya ng mga sumusunod: TRANSFER CERTIFICATE OF TITLE NO. T-137702 (Registry of Deeds for the City of Lucena) A parcel of land (Lot 5, of the consolidation-subdivision plan, Pcs-04-004189, being a portion of the consolidation of Lots Nos. 1 to 32, Blk. 37, (LRC) Psd-145888, L.R.C. Record No.), situated in the Bo. of Iyam, City of Lucena. Bounded on the SW., along line 1-2 by Lot 4, of the subdivision plan, on the NW., along line 2-3 by Road Lot 12, (LRC) Psd-145888 (10.00 m. wide), on the NE., along line 3-4 by Lot 6, and on the SE., along line 4-1 by Lot 60, both of the subdivision plan. x-x-x-x-x-x-x. Containing an area of NINETY (90) SQUARE METERS, more or less. 4) Na bilang asawa ng nabanggit na Melquiades Valerio ay aking ISINASALIN AT aking MINAMANA ang kalahating bahagi (1/2 share) ng nabanggit na bahay at lupang ito at ang lubusang pakamay-ari ng nabanggit na bahay at lupang ito ay malilipat at masasalin sa aking pangalan ayon sa itinatakda ng Sec. 4, Rule 74 ng Bagong Rules of Court malaya sa anumang pananagutan at walang sinuman ang maghahabol. 5) Na hinihiling ko sa Rehistrador de Titulo ng Lungsod ng Lucena na ilipat sa aking pangalan ang lubusang pagkamay-ari ng nabanggit na bahay at lupa sang-ayon sa nilalaman ng kasulatang ito, matapos mabayaran ang lahat ng kagastusan sangayon sa ipinag-utos ng batas. SA KATUNAYANAN NG LAHAT NG MGA ITO, ako ay lumagda ng aking pangalan ngayong ika-24 ng Oktubre, 2011 dito sa Lungsod ng Lucena. ROSARIO L. VALERIO Tagapagmana NILAGDAAN SA HINAHARAP NINA: Maribel L. Monterola Marycel A. Esguerra

SUBSCRIBED AND SWORN TO, before me this 24th day of October, 2011 at Lucena City, affiant exhibited to me her CTC No. 12315281 issued on 01-12-2011 at Lucena City. ATTY. JUAN A. BARDELOSA, JR. Notary Public Until December 31, 2011 PTR No. 03789088 01-03-2011 L.C. TIN No. 114-038-141 IBP No. 791323 12-21-10 L.C. ATTYS ROLL No. 11715 MCLE COMPLIANCE No. IV-

Doc. No. 417 Page No. 84 Book No. 68 Series of 2011 0000167

1st Publication December 12, 2011 ADN: December 12, 19 & 26, 2011 ADS

Вам также может понравиться