Академический Документы
Профессиональный Документы
Культура Документы
December 12 2011 Mahal na Ginoo/ Ginang/ Binibini Isang mapagpalang araw sa inyong lahat Paskoy sumapit na, tayoy magdiwang at mag-kaisa. ating damhin ang tunay na diwa ng kapaskuhan. Tayoy magmahalan manalangin at magbigayan. Kami po ay kumakatok sa inyong tahanan at sa butihin ninyong puso. Nais po sana naming muling magsagawa ng isang Chrismas Party para sa ating mga kabataan sa looban ng Villanueva Street Ang naturang pagdiriwang ay gaganapin sa ika-24 ng disyembre taong kasalukuyan, sa ganap na ika-5 ng hapon . Ito po ay nasimulan na naming noong nagdaan na taon naging masaya po ito at matagumpay sa ating pag tutulong tulong at pakiki-isa ng lahat. Kami po ay lumalapit sa inyong mapagpalang kamay upang humingi ng tulong upang muling maisakatuparan ang nasabing pagdiriwang. Ang layunin po ng pagdiriwang na ito ay upang maipadama sa lahat na wala pa ding papantay sa Paskong Pinoy at dito lang ito mararanasan sa atin. Kami po ay umaasa sa positibo ninyong pagtugon sa aming liham panulisit. Maligayang pasko at Masaganang Bagong Taon po sa ating lahat. Maraming salamat po at sawa'y pagpalain ang inyong pamilya ng poong Maykapal.
Sumasainyo,
SAMAKU