Вы находитесь на странице: 1из 1

Teknolohiyang Aerobic Rice para sa mga Pook na Nakararanas ng Kakulangan sa Tubig

Ang Aerobic Rice Technology


Ang suliranin ukol sa kakulangan ng tubig para sa mga pananim lalong lalo na sa palay dito sa ating bansa ay lumalala dahil sa pagtaas ng populasyon. Kasabay ng pagbaba ng sukat ng imbak na tubig na ginagamit sa pagtatanim ng palay, may pangangailangan nang magsagawa ng mga pamamaraang makatitipid sa ating suplay ng tubig upang mabata ang hamon ng tag-gutom at matugunan ang pangangailangan ng sambayanang umaasa sa palay upang maging bigas. Ang aerobic rice technology at controlled irrigation sa kasalukuyan ay mga teknolohiyang nakakikitaan ng kasagutan sa mga suliraning ito. Ang aerobic rice technology ay isang makabagong paraan ng pagtatanim kung saan ay pinatutubo ang ilang variety ng aerobic rice sa mga pook na unflooded at hindi pinuputik ang lupa gamit ang supplementary irrigation. Ang aerobic rice technology ay unang ipinakilala sa PIlipinas ng International Rice Research institute (IRRI) noong 2000 kung saan ito ay nagpakita ng maganda at kapakipakinabang na resulta, gayun din ay mga sulinaranin na maaring makaharap sa pagtatanim nito. Bilang pagtugon sa mga suliraning maaring makasagupa sa pagtatanim nito, napag-alamang ang pamamaraang ito ay mainam sa mga pook na may kakaunting suplay ng tubig ngunit nagkakaroon naman sa panahon ng tag-ulan. Sa normal na kundisyon sa mga pook na sahod-ulan ang mga pananim, ang pamamaraan sa pagtatanim ng aerobic rice ay ginagawang posible ang second cropping matapos anihin ang first crop. Ito ay malinaw na patunay na ang produksyon ng palay at ang dami ng ani ay mapauunlad sa kabila ng kakulangan sa tubig. Ang BASC, BPSU, TCA at CLSU kasama ang ilan pang mga institusyon at SUCs ay patuloy ang pananaliksik upang mapabuti ang teknolohiyang ito at maipamahagi ang inam ng aerobic rice technology sa PIlipinas.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa: Bulacan Agricultural State College Pinaod, San Ildefonso, Bulacan

IRRC SUCs

DA-LGUS NGOS

Office Telefax: (044)9011427; (044)6772264 Mobile Number: 09175011427 Email Address:retbasc@yahoo.com, junelsrn@yahoo.com

Office of the Research, Extension and Auxiliary Services Bataan Peninsula State University City of Balanga, Bataan

Office Telefax: (047) 237-3078 Mobile Number: 09179523260 Email Address: lacayangaj@yahoo.com

International Rice Research Institute Los Baos, Laguna

Office Telefax: +6325805699; 8911292 Tel: +632580 ext. 2366 E-mail: irri@cgiar.org; r.lampayan@cgiar.org Website: www.irri.org/irrc/

Paraan ng Pagtatanim ng Aerobic Rice


4.
Ang mga buto ay maaring ikalat matapos ang huling pagsuyod sa lupa. Makalipas ang 20 25 araw matapos ang pagtubo, magspray ng post emergence herbicide sa pananim. Damuhan ang pananim tuwing kinakailangan. buto. 25 - 30 araw naman para sa early maturing variety at 30 35 sa mga late maturing variety. Magsabog ng 3.0 bag ng ammonium sulfate o 1.5 na bag na urea (WS) at 4.0 bag (AS) o 2.0 bag ng Urea sa panahon ng tag-init sa isang hektarya.

1.

Araruhin at suyurin ang tuyong lupa. Lagyan ito ng organic fertilizer o manure sa huling pagsuyod sa lupang taniman

5.

Sa panahon ng tagaraw, magpatubig sa mga pananim kada linggo sa lalim na 2-5 sentimetro para sa flash irrigation at 5-7 sentimetro sa flood irrigation sa panahon ng pamumulaklak nito. Patubigan ang mga buto kung ang lupa ay tuyo upang ito ay tumubo.

7.

Araruhin ang espayo sa pagitan ng mga tudling ng palay makalipas ang 25 30 araw matapos tumubo ang buto kung kinakailangan.

9.

2.

100 120 kilo ng buto ang kailangan sa isang hektarya ng lupa. Mga binhing maaring gamitin ay PSBRc 9 (Apo), 110 days at NSIC 192 82-90 days.

Makalipas ang 40 45 na araw ng pagtubo ng mga buto o 45 50 na araw para sa mga late maturing variety, maglagay ng 2.0 bags ng ammonium sulfate sa isnag hektarya ng lupa o isang bag ng Urea.

3.

Ang mga buto ay tuwirang itinatanim sa tudling na may lalim na 2 3 sentimetro. Ang layo ng bawat tudling ay 25 35 sentimetro.

6.

Mag-spray ng preemergence herbicide matapos ang unang pagpapatubig.

8.

Lagyan ng dalawang bag ng complete fertilizer ang isang hektaryang lupa 10 15 araw matapos tumubo ang

...maraming bigas, matipid, masaganang ani, masaganang kita

Вам также может понравиться