Академический Документы
Профессиональный Документы
Культура Документы
Set. 5, 2011
Nakakain ka na ba ng balut? Makakakita ka nito sa tabi-tabi ng kalye o makakabili ka nito kay manong mambabalut na umiikot sa kalsada at sumisigaw ng balut! na malakas at paulit-ulit. Bahagi ng Pilipinong kultura ang kumain ng balut, ang isang itlog ng pato na hindi pa nadedebelop ang embryo. Maraming mga dayuhan ang naaaliw, o di kaya nadidire, sa pagkain natin nito, dahil ito ay hindi karaniwang pagkain sa kanila. Kung ikay may balak, dapat mong malaman ang tamang paraan ng pagkain nito upang malasap at linamnam ng balut sa halip ng di kaaya-ayang hitsura. Kapag meron ka nang pinakuluang balut, gumamit ng kutsara or kahit anong matigas na pwede ipampukpok at basagin ang mas malapad o pa-bilog na bahagi ng balat ng itlog. Tanggaling lamang ang bahagyang parte at higupin ang sabaw. Maari mong lagyan ng asin o suka depende sa iyong panlasa. Kapag may nakitang puting balat sa loob na manipis, butasin ito. Higupin muli ang mga natirang sabaw. Pagkatapos ng sabay, tanggaling ang natirang balat ng itlog. Kapag nakakita ng malapot na bahagi ng balut, kainin ito hanggan sa maabot ang fetus. Minsan ay may bilugang parang buto na matigas. Depende sayo kung gusto mo ito kainin o itapon. Sa huli, madadatnan mo na ang ulo ng pato. Mararamdaman mo ang paa, kaya mas maigi na kanin mo nang buo ang pato upang lalong matikman ang lasa. Hindi mo pwedeng kainin ng buo ang balut dahil ito ay malaki. Sundin ang gabay upang maayos ang pagkain. Kahit na hindi kaaya-aya ang hitsura, hindi na rin napapansin ng karamihan sa Pilipino dahil malasangmalasa.