Вы находитесь на странице: 1из 1

16.) Trace the historical backgrounds of Hinduism.

How didi it evolve and become deeply embedded among the Hindus? What was the universal religions view about life, afterlife and the world at large? Ang hinduismo ang pangunahing relihiyon sa India. Sumilang ito mga 4000 taon na ag nakalilipas ngunit hindi masabi ang tagapagtatag nito. Nang dumating ang mga Aryan ay mayroon silang dalang paniniwala. Ganoon din naman ang nadatnan nilang katutubong Dravidian. Kaya ang hinduismo ay ang pinaghalong paniniwala ng Indo-Aryan at Dravidian. Kung sa katoliko mayoong bibliya na itinuturing na banal na aklat ganoon din naman sa hinduismo. Ang lahat ng nakasulat sa Vedas ay sinusunod nila kung kayat naging ganap ang pagtangkilik dito ng mga taga-sunod. Mayroon din silang kulturang Veda kung kayat dito nila naipalaganap ang relihiyon. Binibigyang diin ng hinduismo ang knonsepto ng dharma o matuwid na landas ng buhay. Ang Dharma ang nagbabadya ng mga tiyak na tungkuling nararapat na gampanan ng isang indibidwal. Nakabatay naman ito sa apat na caste ang bhraman, Kshatriya, Vaisya at Sudra. Mayroon ding untouchables na hindi maaaring makihalubilo sa caste. Pangunahing layunin kung bakit mayroong dharma ay dahil nais ng bawat tagasunod ng hinduismo na makamit ang nirvana. Ito ang pinaka mataas na antas ng kabanalan upang makipag-kaisa kay Bhrama,ang kanilang Diyos. Nakabatay sa karma o uri ng buhay ang pagiging madali ng pagtatamo ng nirvana. Kapag hindi mabuti ang karma, ag kaluluwa ay dadaan sa proseso ng reinkarnasyon. Ang kaluluwa ng makasalanan ay sasanib sa mababang uring caste hanggang sa maging karapat-dapat ito na makipag-kaisa kay Bhrama. Kaya upang hindi dumanas ng mahabang proseso, ang pagsunod sa Dharma ang sagot doon.

Вам также может понравиться