Вы находитесь на странице: 1из 4

Kabanata 17 Si Basilio Sinasabi ni G, Daniel Anciano na ang kabanatang ito ay isang lihim na pagahahandog ni Rizal sa kanyang nakakatandang kapatid

na lalaki na si Paciano na tumayong pangalawang ama niya. Si Paciano ang naging dahilan kung bakit nakapagaral sa ibang bansa si Rizal at siya rin ang gumising sa isipan at damdamin ni Rizal. Sa kabanatang ito ipinakikita ang kalagayan ni Sisa at ng magkapatid na Basilio at Crispin sa isang mapang aping lipunan at ama. Ipinahahayag ditto ni Rizal na si Sisa ay isinisimbolo ang Inang Bayan samantalang ang kanyang asawa naman ay inilalarawan para sa pamahalaan at ang magkapatid na Basilio at Crispin bilang mga Pilipino. Ipinakikita ditto ni Rizal na ang Inang Bayan at ang mga Pilipino ay nasa kamay ng mapangabuso at irresponsableng pamahalaan at nararanasan nila ang lungkot at kawalang katarungan sa kamay ng mga ito. Sinasabi rin ni G. Anciano na kung responsible lamang ang ating pamahalaan di sana tayo nakakaranas ng hirap mula sa mga dayuhan at di rin sana tayo isang alipin sa sarili nating lupain. Ipinahayag din ditto a ng sakit nating mga Pilipino na isinasawalang bahala natin ang mga nangyayari sa ating lipunan.

Kabanata 18 Mga Kaluluwang nasa Parusa Ditto inilarawan ni Rizal kung paano ginamit ng mga Espanyol na prayle ang relihiyon sa panloloko sa mga Pilipino. Makikita na tinatakot ng mga prayle ang mga Pilipino na pag may nagawa silang kasalanan o di mabuti ay mapupunta sila sa purgatoryo at upang mailigtas sila ditto kailangan nilang magbigay ng indulgencia sa simbahan. Ang mga indulgencia na ibinibigay ng Pilipino noon ay napupunta lamang sa bulsa ng mga prayle. Ginagawa lamang nila iyon para makapanikil ng pera.

Kabanata 19 Ang Pakikipagsapalaran ng Isang Guro

Ditto naman ipinahihiwatig ang buhay ng isang guro. Sila ang isa sa mga tao o pangkat ditto sa lipunan na hindi masyadong binibigyan ng halaga at pansin ng ating pamahalaan.inilalarawan din sa kabanatang ito ang kalunos lunos na nagyayari sa mga guro noong panahon ni Rizal hanggang ngayon tulad ng pang-aabuso sa mga guro.Sinasabi rin na simula pa noong panahon ni Rizal hindi na rin binibigyang pansin ang edukasyon. Nais din iparating ni Rizal sa mga kabataan na mahalaga ang edukasyon kailangan magsikap ng mga kabataan para magkaroon sila ng kaalaman na magagamit nila hanggang sila ay makaalis o makapagtapos ng pag-aaral. Kailangan din bigyan ng pansin n gating pamahalaan ang makabagong paraan sa pagtuturo para hindi tayo mapag-iwanan. Hindi dapat isisi sa mga guro ang mababang kalidad ng edukasyon dahil ang programa ay meron ding pagkukulang lalo na sa suporta na kailangan ng paaralan, mga guro at mga mag-aaral.

Kabanata 20 Ang Pulong sa Tribunal Ditto isinalarawan ni Rizal ang mga pag-uusap ng mga tao sa pamahalaan at kung anuano naman ang kanilang pinag-uusapan. Inihalintulad naman ni G. Anciano ang pag-uusap at mga desisyon ng pamahalaan sa panahon ni Rizal sa panahon natin ngayon. Isa sa pinag-uusapan sa pulong sa tribunal ang tungkol sa budget, naglalaan ang ating pamahalaan ng malaking halaga ng budget para sa bagay na hindi nman kapakipakinabang o walang katuturan na bagay. Imbes na ilaan ang malaking bahagi ng budget sa pag-aaral o sa pagpapagamot inilalaan nila ang pera sa bagay na hindi naman mapapakinabangan ng lahat lalo nan g mahihirap na mamamayan. Isa rin daw ito sa sakit ng mga Pilipino, gumagastos tayo ng malaking halaga para sa bagay na kung tutuusin ay hindi namn talaga mahalaga o sa mga bagay na luho natin. Ipinahayag din ditto na ang mga pinuno n gating pamahalaan ay sunud- sunuran lamang sa mga dayuhan. Hindi sila nakakakilos ng mag-isa. Bawat desisyon at gawin ay kailangan na alam ng mga dayuhan kung hindi naman, base ang kanilang kilos at desisyon batay sa kagustuhan ng mga dayuhan. Imbes na ang bawat desisyon at gawain nila ay para sa ikabubuti at ikakaunlad ng ating bayan, parang baliktad pa ang nangyayari ang desisyon nila ay para sa kapakinabangan ng mga dayuhan. Nagpapahawak sa leeg ang ating mga pinuno para sa sarili nilang pakinabangan.

Вам также может понравиться