Академический Документы
Профессиональный Документы
Культура Документы
Lukas 17:32
v32 alalahanin ninyo ang nangyari sa asawa ni Lot PANIMULA: ang mga babae ay laging kabahagi din sa pagbuo ng mga kwento sa Biblia. Marami sa kanila ay may mga ilang malalaki at mahahalagang papel na ginampanan. Marahil kapag tinanong tayo kung sinong mga tauhang babae ang ating maaalala sa Biblia, ay mababanggit ang mga babaeng ito. Si Eba, Sara, Rebeka, Leah, Raquel, Ruth, Ester ang ating unang naaalala. Sino ang magkakaabalang aalalahanin ang asawa ni Lot?
I. Sino ang asawa ni Lot? A. Ang kaniyang pinagmulan 1. Walang binanggit na talaan ng angkan 2. Hindi binanggit kung ano ang kaniyang pangalan. 3. Walang palatandaan na siya ay napangasawa ni Lot mula sa kanilang paglalakbay. 4. Maaaring kasama siya ni Abraham at Lot na lumabas sa Haran upang tumugon sa tawag ng Diyos. Gen 12:5;Gen 13:5 -Posibleng kamaganak ni Abraham at Lot o isa sa mga alipin.
B. Pribilehiyo at karanasan sa Diyos 1. Pribilehiyo a. asawa ng matuwid na lalake. 2Pedro 2:7-8 - v7 ngunit iniligtas ng Diyos ang mabuting si Lot na labis na nababahala sa kahalayan ginagawa ng masasama.v8 Naghihirap ang kalooban ng matuwid na taong ito sa gayong kasamaang nasaksihan niya araw-araw samantalang siya ay nakikipamayan sa Sodoma.
b. May katiyakang nakakasama ni Lot at ni Abraham sa pagsamba. k. Kasama sa mga tinawag ng Diyos 2. Karanasan sa Diyos a. Proteksyon sa kanilang paglalakbay b. Pagliligtas kay Faraon. Gen 12:20 k. Pinaunlad sa ari-arian. Gen 13:5 d. Mahimalang nasagip sa pagkabihag. Gen 14:16 e. Nakaranas na dalawin ng mga anghel. Gen 19 g. Nakarinig ng babala sa pag-gunaw ng Sodoma. h. Nakaalis sa lugar ng kapahamakan.
II. Ang kapahamakan ng asawa ni Lot. A. Siyay lumingon. Gen 19:17 B. Hindi sumunod sa babala. K. Naging haliging asin. - 2Corinto 4:18 kayat ang paningin namin ay nakapako sa mga bagay na hindi nakikita, kung hindi sa nakikita. Sapagkat panandalian lamang ang mga bagay na nakikita, ngunit walng hanggan ang mga bagay na hindi nakikita.
Paniwakas: marami tayong matutuhang aral sa buhay ng asawa ni Lot kaya iniutos ng Panginoong Hesus na alalahanin siya. 1. unang mahalin ang Diyos kaysa mga bagay na nasa mundong ito. 2. maingat na sundin ang mga utos ng Diyos. 3. patatagin ang pananalig sa Diyos. 4. Sumunod sa taga-panguna.