Вы находитесь на странице: 1из 4

SEAT NO.

:
ST. THOMAS MORE ACADEMY, INC. Avenida Rizal St., Molino III, Bacoor City SY 2012 2013

IKALAWANG MAHABANG PAGSUSULIT SA FILIPINO III Ikalawang Markahan


Pangalan: Guro: ______________________________ Pangkat: Puntos: ______________________ ______________________

G. DANILO VILLAR ROGAYAN JR. ______________________________

PANGKALAHATANG PANUTO. Ang hindi susunod sa panuto ay mamarkahang mali. Anumang bakas ng pagbura o pagpapalit ng sagot ay hindi kikilalanin. Tanging itim na panitik lamang ang maaaring gamitin sa pagsagot. I. MAY PAGPIPILIAN. Basahin nang mabuti ang binuod na teksto sa ibaba. Piliin ang pinakawastong sagot sa mga sumusunod na pangungusap. Isulat sa patlang ang sagot na nasa malaking titik.
Manindigan sa RH Bill Lumalawak ang sigalot sa Reproductive Health Bill at tila galit na si Pang. Noynoy Aquino. Ngayon ay hindi lamang ang Simbahan ang kanyang kabangga kundi pati ang grupong nagbabanta na magsasagawa ng civil disobedience campaign at kabilang dito ang hindi pagbabayad ng buwis. Isang buwan na ang nakararaan, nagbanta ang Catholic Bishops Conference of the Philippines na iwi-withdraw nila ang suporta kay PNoy kapag inaprubahan ang RH Bill. Hindi naman dapat matakot si PNoy sa mga banta na ito. Dapat siyang manindigan at ipaglaban ang tama para sa kapakanan ng sambayanan. Kung ititiwalag siya ng Simbahan, dapat niyang tanggapin ito at ipaglaban ang alam niyang nararapat sa bansa. Dapat siyang magpasya at ipakitang mayroon siyang isang salita ukol sa kontrobersiyal na isyu. Sa isang pag-aaral kamakailan ukol sa takbo ng ekonomiya ng Pilipinas, lumabas na masyadong mababa ang rating ng pag-unlad ng ekonomiya. Usad-pagong umano ang ekonomiya at mas mataas pa ang rating noong nakaraang taon kung saan ang nanunungkulan pang presidente ay si Gloria Macapagal-Arroyo. Lumabas na ang pangunahing dahilan kaya mabagal ang pag-unlad ng ekonomiya ay dahil sa hindi mapigil na pagdami ng populasyon. Ikalawang dahilan ay ang talamak na katiwalian sa gobyerno. Wala umanong ngipin ang batas laban sa mga magnanakaw sa pamahalaan. Ang unang dapat solusyunan ng pamahalaan ay ang paglobo ng populasyon. At magkakaroon lamang ng katuparan kapag naipasa na ang RH Bill. Magkakaroon ng population management. Mabibigyan ng lubos na kaalaman ang pagpaplano ng pamilya. Sa ilalim ng RH Bill maaaring makapili ang mag-asawa ng gagamitin para maiwasan ang pagbubuntis. Lumolobo ang populasyon. Marami ang naghihirap. Marami ang hindi makapag-aral. Maraming ina ang walang muwang sa pagpaplano ng pamilya. Kung paniniwalaan ang iba na masama ang RH Bill kaya hindi dapat ipasa, mananatiling maghihirap ang bansa. Ipaglaban ni PNoy ang RH Bill. Hindi dapat matakot sa mga pagbabanta. Bigyang-leksiyon ang mga nagsasabing hindi sila magbabayad ng buwis at iba pang pananakot. Huwag hayaang masira ang tinatahak na landas patungo sa kaunlaran.

_____ 1. Ito ang pinaniniwalaang pangunahing maiaambag ng RH bill sa bansang Pilipinas kung kayat patuloy ang pagsulong ng panukalang ito upang maging ganap na batas. A. Kaayusan sa pagitan ng gobyerno at simbahan. B. Maayos na pagmamasid sa paglaki ng populasyon ng bansa. K. Pagkakataong makapag-aral ang mga kabataang Pilipino. D. Mataas na koleksyon ng buwis para sa mga pambansang proyekto.

Ikalawang Mahabang Pagsusulit sa Filipino III 1

_____ 2. Ang mga sumusunod ay mga epekto ng hindi agarang pagpasa ng RH Bill sa bansa liban sa isa. A. Talamak na kahirapan ng sambayanang Pilipino. B. Mataas na bahagdan ng mga kabataang wala sa paaralan. K. Mababang koleksyon ng buwis na panustos ng mga proyekto ng gobyerno. D. Kawalan ng kamuwangan ng maraming ina sa family planning. _____ 3. Dapat siyang magpasya at ipakitang mayroon siyang isang salita ukol sa kontrobersiyal na isyu. Ano ang tinig ng pahayag na ito na halaw mula sa teksto? A. Nanghihikayat K. Nanlilibak B. Nagpapabatid D. Nang-iinis _____ 4. Hindi naman dapat matakot si PNoy sa mga banta na ito. Ano ang tinutukoy na banta sa pahayag na ito? A. low economic stability rating K. population management B. tax payment D. civil disobedience campaign II. PAGHAHANAY. Hanapin sa hanay B ang tinutukoy sa hanay A. Isulat nang malaki ang titik ng tamang sagot sa patlang. A ___ 1. Nagsilbing piloto ng bangka sa pangingisda sa lawa ___ 2. Nakalaro ni Ibarra ng ahedres matapos ang tanghalian ___ 3. Inihagis umano ni Elias sa putikan ___ 4. Nag-utos sa sarhento na guluhin ang pistang pambukid ___ 5. Taong magiging bangka sa gagawing sabong ___ 6. Naniniwalang ang pag-ilag sa punglo ay hindi karuwagan ___ 7. Tagapamahala ng itinatayong bahay-paaralan ___ 8. Nagboluntaryo na manghihingi ng abuloy sa bayan kapag kinapos ang pondo ___ 9. Nangako kay Ibarra na tutulong sa pagpapagamot kay Sisa ___ 10. Umakyat sa pulpito at nagbigay ng sermon sa misa matapos ang prusisyon B A. Kapitan Tiyago B. Pilosopo Tasyo K. Alperes D. Padre Martin E. Padre Sibyla G. Ibarra H. Elias L. Hermana Rufa N. Maria Clara O. Donya Consolacion R. Kapitan Basilio S. Donya Victorina U. Padre Damaso W. ol Juan Y. Padre Salvi

III. MINODIPIKANG TAMA O MALI. Isulat sa patlang ang DAN kung wasto ang diwa ng pahayag. Kung mali, isulat ang salitang dapat humalili sa salitang may salungguhit. _________________ 1. Si Mariano C. Pascual ang nag-akda ng kuwentong Matamis ang Liwanag. _________________ 2. Si Cora ang bulag na anak ng pintor na nag-aasam ng tamis ng liwanag. _________________ 3. Kabataan ang obra maestra ni Propesor Conrado Ignacio na nagkamit ng unang gantimpala sa pambansang patimpalak. _________________ 4. Isang esposisyon ang dadaluhan ng pintor sa Nuweba Jersey at maipakikilala niya ang kanyang anak. _________________ 5. Mamalas ng buong daigdig ang kagandahan ng katauhan ng anak ng pintor. _________________ 6. Nasa kaganapang resiprokal ang pangungusap na, Kumuha siya ng magagandang larawan sa Palawan Underground River. _________________ 7. Nasa kaganapang sanhi ang pangungusap na, Hinukay niya ang nabaong yaman sa pamamagitan ng pala.
Ikalawang Mahabang Pagsusulit sa Filipino III 2

_________________ 8. Ang pagbabalangkas ay paraan ng pagpapaikli ng nilalaman ng isang nabasang teksto o akda. _________________ 9. Ang isang batang lalaki ay gumawa ng dalawang malalaking bangkang papel na hindi niya napalutang kailanman. _________________ 10. Ang Tularan Siya ang pamagat ng artikulo sa pahayagan na naglalaman ng mga papuri ukol kay Ibarra. IV. PAGKILALA. Tukuyin ang isinasaad sa bawat pangungusap. Isulat nang malaki ang titik ng sagot sa patlang.
A. Adventure B. Kaganapang Resiprokal K. Pagkabulag D. Miling E. Pinsel G. Action H. Crime L. Fantasy M. Pintura N. Kaganapang Direksyunal O. Mariano C. Pascual S. Liwanag T. Genoveva E. Matute U. Horror W. Epic Y. Kaganapang Kagamitan

Ito umano ang kababalaghan kay Propesor Conrado Ignacio. Aanhin ang paghanga ng daigdig kung pinagkaitan naman nito. Ipinapakita ang pagtutuwangan o gantihang kilos na isinasaad ng pandiwa. Ipinapakita nito ang panuto ng kilos na taglay ng pandiwa. Pangalan ng kapatid ng batang lalaki sa kuwentong Bangkang Papel. May-akda ng kuwentong Bangkang Papel. Pelikula kung saan ang kwento ay nagaganap sa iba't ibang lugar at tumatalakay sa mga tao o lunan ukol sa angkop na pagkakarehistro ng nangyari sa kwento ng pelikula. ___ 8. Pelikula na nagbibigay-diin sa dramang pantao sa mas malawak na anggulo na karaniwang tumatalakay sa mga kaganapang maalamat, mahiwaga at makasaysayan. ___ 9. Pelikula na humihikayat ng negatibong reaksyong emosyonal mula sa mga manonood. ___ 10. Pelikula kung saan ang isa o mas marami pang bida ay inilagak sa sunud-sunod na mga pagsubok o hamon na nangangailangan ng pisikal na pakikipatunggali. V. PAGSUSURI NG PAHAYAG. Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang malaking titik na nagpamali sa bawat pangungusap. ____ 1. Mataimtim na sinasalat ng bata ang laman ng kuwarto at pagkatapos ay
A B K D

___ 1. ___ 2. ___ 3. ___ 4. ___ 5. ___ 6. ___ 7.

nagbuntunghininga. ____ 2. Maugong na sigawan ang pumukaw sa Gurong Ignacio sa kanyang pagdidili-dili.
A A B B K D K

____ 3. Biniyayaan ang dilag ng kapalarang mamalas ang daigdig, ang daigdig namang iyay pilit na hahanga.
D

____ 4. Ipinapakita sa kaganapang sanhi ang pang-uring dahilan ng paggawa ng pandiwa.


A A B B K K D D

____ 5. Binabanggit sa kaganapang kagamitan ang kagamitang ginamit sa pagsasakilos ng pang-abay. ____ 6. Sa pagbubuod, iwasang maging paliguy-ligoy pagkat makatataas ito ng interes ng
A B K D

mambabasa.

Ikalawang Mahabang Pagsusulit sa Filipino III 3

____ 7. Ang araw na humahaliliy tigib ng ligaya at ng mga katanungang inihahanap ng tugon.
A A A K D A K D B B B K B K D D

____ 8. Ang mukha ng kanyang ina ay nakita ng batang higit na madilaw kaysa rati. ____ 9. Ang drama ay genre ng pelikula na nakadepende sa mas malalim na pagbuo ng mga realistikong karakter na tumatalakay sa mga temang pilosopikal.

____ 10.

Ang science fiction ay genre ng pelikula na base sa mga pangyayari na tanggap

ng agham gaya ng daigdig ng mga aliens at paglipad sa ibang panahon.

VI. PAGSUSUNUD-SUNOD. Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari batay sa nakasaad sa kwento ng Bangkang Papel. Isulat ang bilang 1 - 6 sa patlang. ________ ________ ________ ________ ________ ________ Ang batang lalaki ay napuno ng pangamba at ng mga katanungang naghahanap ng tugon. Nalaman ng bata na napatay ang kanyang ama sa sagupaan sa pagitan ng mga kawal at taong-bayan. Malakas na dagundong na pumuno sa bahay at ang biglang pagliwanag na inakala ng batang lalaki na pahiwatig ng Bagong Taon. Nilisan nila ang kanilang tahanan, palabas ng bayan kasama ang lahat ng kanilang kapitbahay at kani-kanilang balutan. Nagulat sa kanyang nakita pagkagising, na maraming tao sa kanilang bahay at hindi maaninag ang kanyang ina at kapatid. Pinangarap na kinabukasan ay magtatampisaw at magpapaanod ng mga bangkang papel.

Ang katapatan ng puso ay ligayang tunay, ang kalinisan ng isip ay gaan ng buhay, ang kabutihan ng kamay na wagas at lantay Sa mata ng Maylikha, biyaya ang naghihintay. - DVRJ

ALL FOR THE GREATER GLORY OF GOD

Ikalawang Mahabang Pagsusulit sa Filipino III 4

Вам также может понравиться