Вы находитесь на странице: 1из 7

SEAT NO.

:
ST. THOMAS MORE ACADEMY, INC. Avenida Rizal St., Molino III, Bacoor City SY 2012 2013

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT FILIPINO III


Pangalan: Guro: ______________________________ Pangkat: Puntos: ______________________ ______________________

G. DANILO VILLAR ROGAYAN JR. ______________________________

PANGKALAHATANG PANUTO. Ang hindi susunod sa panuto ay mamarkahang mali. Anumang bakas ng pagbura o pagpapalit ng sagot ay hindi kikilalanin. Tanging itim na panitik lamang ang maaaring gamitin sa pagsagot. I. MAY PAGPIPILIAN. Piliin ang pinakawastong sagot sa mga sumusunod na pangungusap. Isulat sa patlang ang sagot na nasa malaking titik. _____ 1. Itinatadhana ng batas na ito ang malawakan at pambansang pagpapalawig ng kamalayan at kaalaman ng mga mamamayan hinggil sa pangangalaga ng kapaligiran. A. Batas Republika Blg. 9729 K. Batas Republika Blg. 9072 B. Batas Republika Blg. 9512 D. Batas Republika Blg. 9147 _____ 2. Anong batas pangkalikasan ang sumasakop sa pangangalaga at pagpapanatili ng malinis na katubigan sa bansa? A. Batas Republika Blg. 8749 K. Batas Republika Blg. 8048 B. Batas Republika Blg. 9275 D. Batas Republika Blg. 9729 _____ 3. Sa kabuuan ng pananakop ng mga Kastila, lumaganap ang dula na itinatanghal sa tatlong magkakaibang lugar. Anu-anong mga pagtatanghal ang karaniwang ipinalalabas sa tanghalan? A. panuluyan, tibag, pangangaluluwa, karilyo B. duplo, karilyo, sarswela, bugtungan K. karagatan, bugtungan, duplo, dulog-pamanhikan D. senakulo, sarswela, moro-moro, karilyo _____ 4. Tumutukoy sa aliwang varayti na kinapapalooban ng musika, sayawan, mahika at nakakatawang iskit na dinala sa Pilipinas mula sa Amerika noong 1916. A. broadway K. bodabil B. karilyo D. sarswela _____ 5. Ang Bakood Festival ay ipinagdiwang ng mga mamamayan ng Lungsod ng Bacoor kamakailan. Anong tinig ng pandiwa ang inilarawan sa pangungusap? A. balintiyak K. sudlong B. katawanin D. tahasan _____ 6. Tinig ng pandiwa na kung saan ang simuno ang gumaganap ng kilos o galaw. A. tahasan K. sudlong B. katawanin D. balintiyak _____ 7. Alin sa mga sumusunod na lipon ng mga salita ang nakahanay sa pandiwa? A. humandusay, dagabdab, bubot K. sumikad, dinagil, haraya B. nagiyagis, bumalakid, tumanghod D. lindig, nakawil, tagipanglaw

Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Filipino III

Buwan ng Wika 12 idinaos


Ikatlong Taon humakot ng parangal
ni Jean Pierre D.M. Corpuz

IMUS CITY Upang patatagin ang Wikang Filipino at palakasin ang pagka-Pilipino, ipinagdiwang ng St. Thomas More Academy (STMA) ang Buwan ng Wikang Pambansa sa Phase 4 Covered Court, Brgy. Pinagbuklod dito, Agosto 31. Namayagpag ang Ikatlong Taon at nasungkit ang pangkalahatang kampeonato sa ibat ibang patimpalak na pinangunahan ng Kagawaran ng Filipino. Itinampok sa pagdiriwang ang paligsahan sa Madulaing Pagbigkas na may piyesang, Sa Himagsikan, Huwag Kaming Idamay. Nakamit ng IV - St. Robert ang kampeonato sa nasabing patimpalak na sinundan ng II - St. Lorenzo Ruiz at Grade 7 - St. Charles sa ikalawa at ikatlong gantimpala. Pinatunayan naman ng III St. Placid ang kanilang pagkamalikhain at naiibang konsepto

matapos makuha ang parangal sa Pinakamagandang Bulletin Board na sinundan ng IV St. Rita, II St. Lorenzo Ruiz at Grade 7 St. Charles sa ikalawa, ikatlo at ikaapat na gantimpala. Napili namang pinakamahusay ang sanaysay ni Dianne Therese Espanillo (III St. Peter) na may pinamagatang Wika: Buklod ng Bansa. Pumangalawa sa pagsulat ng sanaysay si Kyle Denise Ederadan (III St. Placid) at pumangatlo si Jennylyn Mobilla (III St. Philomena). Ginawaran namang pinakamahusay sa pagsulat ng tula si Marmay Lesica Santillana (III St. Paul) habang naupo sa ikalawa at ikatlong gantimpala sina Jam Angelo Realubit (III St. Philomena) at John Patrick Elnar (III St. Placid). Samantala, itinayo naman ni Denize Allison Cammayo ang bandera

ng III St. Placid nang makuha niya ang kampeonato sa paggawa ng islogan. Hindi naman nagpahuli sina Carmela Barroga (IV St. Raphael) at Hadriyan Gimao (III St. Peter) na lumuklok sa ikalawa at ikatlong gantimpala sa nasabing paligsahan. Ang mga nagwagi sa bawat patimpalak ay nagkamit ng tropeo, katibayan ng pagkilala at medalya na iginawad nina Bb. Esther M. Moscoso, Punong-guro, at Gng. Avelina C. Ocampo, Ikalawang Punong-guro. Ang taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wika ay pinangunahan ng mga guro sa Filipino na sina G. Danilo V. Rogayan Jr. (Ikatlong Taon), G. Russel Gonzales (Una at Ikalawang Taon) at G. Marvin Cabrera (Una at Ikaapat na Taon). Tatag ng Wikang Filipino, Lakas ng Pagka-Pilipino, ang naging paksa ng taunang pagdiriwang.

_____ 8. Ang Imus City sa binasang balita ay tumutukoy sa pinangyarihan ng balita. Ito ay tinatawag na ______________. A. headline K. bannerline B. byline D. dateline _____ 9. Ang pamatnubay ang masining na buod ng mga impormasyon ng balita. Sa binasang halimbawa, sa anong talata matatagpuan ang pamatnubay? A. una K. ikatlo B. ikalawa D. ikaapat _____ 10. Ang ni Jean Pierre D.M. Corpuz ay tumutukoy sa nagsulat ng balita. Ito ay tinatawag na __________. A. byline K. bannerline B. headline D. dateline _____ 11. Ano ang pangunahing paksa ng binasang balita? A. Ang pagpapatatag ng wika at pagpapalakas ng Pagka-Pilipino. B. Ang kahalagahan ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika. K. Ang paggunita ng Buwan ng Wika at pagpaparangal sa mga nagwagi. D. Ang pagtanggap ng mga tropeo, medalya at katibayan. _____ 12. Sa anong uri nakahanay ang binasang balita? A. Balitang Pambansa B. Balitang Ibayong Dagat

K. Balitang Lokal D. Balitang Pampalakasan

_____ 13. Hindi man ipinapakita nang sunud-sunod, ang pelikula ay nahahati sa simula, gitna at wakas. Ito ay tumutukoy sa anong elemento ng pelikula? A. Scene K. Frame B. Shot D. Act
Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Filipino III

_____ 14. Ayon sa kuwentong Matamis ang Liwanag, sa anong pamamaraan ipinakilala ni Gurong Ignacio ang kanyang anak? A. Pagdaraos ng Piging K. Pagtuturo B. Pagpipinta D. Pagsusulat _____ 15. Nahihintakutang mga mata ang humanap kay Miling at sa ina. Sa isang sulok, doon nakita ng batang lalaki ang kanyang ina na nakalikmo sa sahig. Ang pahayag na ito ay nasa anong uri ng kaganapan ng pandiwa? A. Kaganapang Resiprokal K. Kaganapang Kagamitan B. Kaganapang Direksyunal D. Kaganapang Sanhi

Ipasa na ang Freedom of Information Bill!


Malinaw na nakasaad sa 1987 Constitution na karapatan ng mamamayan na malaman ang mga nangyayaring transaksyon na ginagawa ng pamahalaan. Karapatang mabatid ang lahat ng polisiya, proyekto at mga programa ng gobyerno kung saan sangkot ang pera ng taumbayan. Bilang taxpayers, dapat mabatid at malinawan ng mamamayan kung saan napupunta ang kanilang ibinabayad. Pero hanggang ngayon, ang panukalang Freedom of Information (FOI) Bill ay hindi pa nagiging batas. Pawang sa pangarap na lamang ninanamnam ang katuparan ng panukala. Labing-apat na taon nang nakatingga sa kamay ng mga mambabatas at walang makitang liwanag kung kailan aaktuhan. Marami ng panukalang batas ang naipasa sa Kongreso subalit ang FOI Bill ay nananatiling naiwan at nalampasan nang nalampasan. Ilang beses nang pinagpaliban ang pagpapasa na labis namang nagbigay ng duda sa mga mambabatas na umakda sa nasabing panukala. Kung ganap na magiging batas ang FOI Bill, maaari nang magkaroon ng access ang mamamayan sa lahat ng mga programang ginagawa ng public officials. Malalaman na ng mamamayan kung paano ginagastos ng kanilang official ang pondo. Malalaman ng mamamayan kung ano ang mga pinasok na kontrata at mga kasunduan at maaari nang makalahok ang mamamayan sa pagsasagawa ng mga desisyon. Malalaman na ng mamamayan kung ano ang ginagawang programa ng public officials para mapabilis ang pagbibigay ng serbisyo. Dalawamput anim na taon na ang nakalilipas mula nang mawala ang diktaduryang pamahalaan ni Marcos at natikman ng mamamayan ang kalayaan sa maraming bagay subalit hilaw pa rin sapagkat ang karapatang malaman ang ginagawa at balak ng pamahalaan ay salat pa rin. Noong 2010, na nangangampanya si Pangulong Noynoy Aquino, sinabi niyang susuportahan ang FOI Bill. Mahigit dalawang taon na siya sa puwesto subalit nananatiling pangako ang panukalang FOI. Ngayon, kaisa kami sa mga nananawagan na ipasa na ang FOI Bill. Dinggin sana ito nina Aquino, Senate President Juan Ponce Enrile at House Speaker Feliciano Belmonte Jr. Ngayon na ang panahon.

_____ 16. Ano ang pangunahing ideya ng binuod na teksto? A. Agarang pagpasa ng panukalang Freedom of Information Bill B. Ang karapatan ng mga mamamayan na makakuha ng impormasyon. K. Ang pagdududa ng mga mambabatas sa di pag-usad ng FOI bill. D. Ang nakalipas na diktadurya ni dating pangulong Marcos. _____ 17. Sakali mang maipasa ang panukalang batas, ang mga sumusunod ay magiging epekto nito maliban sa isa. A. Pagkakaroon ng access ng mamamayan sa mga programang ginagawa ng mga pampublikong opisyal. B. Kaalaman sa pamamaraan ng paggasta sa kaban ng bayan. K. Pagtikim ng mamamayan ng kalayaan sa maraming bagay. D. Paglahok ng mamamayan sa pagsasagawa ng mga desisyon.

Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Filipino III

_____ 18. Malinaw na nakasaad sa 1987 Constitution na karapatan ng mamamayan na malaman ang mga nangyayaring transaksyon na ginagawa ng pamahalaan. At ito ang pangunahing layunin ng panukalang Freedom of Information Bill na ipinasa noong taong ______________. A. 2012 K. 1995 B. 2010 D. 1998 _____ 19. Sinasamo sa binasang teksto ang agarang pagpasa ng FOI Bill. Anong sangay ng gobyerno ang responsable sa pagsasabatas nito? A. hudikatura K. ehekutibo B. lehislatura D. departamento _____ 20. Ang panghalip na siya sa huling pangungusap sa ikaapat na talata ay tumutukoy kay _______________. A. Pangulong Ferdinand Marcos K. Pangulong Noynoy Aquino B. Senate President Juan Ponce Enrile D. Speaker Feliciano Belmonte Jr. _____ 21. Conservador: Partido ng mga matatanda :: ____________ : Partido ng mga kabataan. A. Nacionalista K. Coadjutor B. Frailocracia D. Liberal _____ 22. Ito ay ang pagkawala ng gana at pag-asa ng isang tao upang gamitin ang karunungan para sa magandang adhikain. A. pusillamous K. pusillimous B. pusillanous D. pusillanimous _____ 23. Naniniwala siyang hindi katapangan kundi kahangalan ang makipaglabang mag-isa sa daigdig. A. Pilosopo Tasyo K. Padre Damaso B. Crisostomo Ibarra D. Elias _____ 24. Piloto ng Bangka : Elias :: Tagapamahala ng konstruksyon ng paaralan : _________. A. Hermana Rufa K. Ibarra B. ol Juan D. Kapitan Basilio _____ 25. Anong wika ang sinasabing biyaya mula sa Diyos ayon kay Padre Damaso? A. Kastila K. Latin B. Ehipsiyo D. Pranses II. MINODIPIKANG TAMA O MALI. Isulat sa patlang ang DAN kung wasto ang diwa ng pahayag. Kung mali, isulat ang salitang dapat humalili sa salitang may salungguhit. _________________ 1. May bisang pangkaisipan ang akda kung ito ay may ibinabahaging kaalaman na maaring nababatid na o matutuklasan sa pagbasa. _________________ 2. Si Jose Abad ay nakilala sa Mga Kuwento ni Lola Basyang. _________________ 3. Ang tahasan ang tinig ng pandiwa kung saan hindi simuno ang gumaganap ng kilos ng pandiwa. _________________ 4. Ang dateline ay nagsisilbing pamagat ng isang balita. _________________ 5. Ang balitang pambansa ay uri ng balita na tumutukoy sa mga kaganapan sa mundo ng isports. _________________ 6. Si Mariano C. Pascua ang nag-akda ng kuwentong Matamis ang Liwanag. _________________ 7. Ang kaganapang resiprokal ay nagpapakita ng pangngalang nagbunsod ng paggawa ng pandiwa. _________________ 8. Ang kaganapang kagamitan ay nagsasaad ng panuto ng kilos na taglay ng pandiwa.
Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Filipino III

_________________ 9. Si Mila ang kapatid ng batang lalaki sa kuwentong Bangkang Papel. _________________ 10. Sa loob ng ilang saglit, akala ng batang lalaki ay Bagong Taon noon. _________________ 11. Ang unang bahagi ng sermon ni Padre Damaso ay sa Latin at sumunod ay sa Kastila. _________________ 12. Kinurot ni Hermana Rufa ang anim na taong gulang na apo upang makinig nang mabuti sa sermon. _________________ 13. Kulay pilak ang karo ni San Diego de Alcala sa araw ng pista. _________________ 14. Ang kapistahan ni San Diego de Alcala ay ipinagdiriwang tuwing Nobyembre 13. _________________ 15. Ang pamagat ng artikulo sa pahayagan na naglalaman ng mga papuri ukol kay Crisostomo Ibarra ay Tularan Siya. III. PAGHAHANAY. Hanapin sa hanay B ang tinutukoy sa hanay A. Isulat nang malaki ang titik ng tamang sagot sa patlang. A ___ 1. Nakalaro ni Ibarra ng ahedres matapos ang tanghalian ___ 2. Nag-utos sa sarhento na guluhin ang pistang pambukid ___ 3. Nagboluntaryo na manghihingi ng abuloy sa bayan kapag kinapos ang pondo ___ 4. Umakyat sa pulpito at nagbigay ng sermon sa misa matapos ang prusisyon ___ 5. Hiningian ni Sisa ng paboritong pagkain ni Basilio ___ 6. Nagsabing may sayad daw sa utak ang kura dahil hindi kumakain at naliligo ___ 7. Tumanggap ng imbitasyon upang patunayan na hindi siya nagtatanim ng galit ___ 8. Nakakuha ng pinakamabuting sagot sa Gulong ng Kapalaran ___ 9. Ginawang modelo ng mga kabataang lalaki at mga estudyanteng taga-Maynila ___ 10. Nagmungkahi na tawagin ang paaralan na Paaralan ni San Francisco ___ 11. Bumasag ng lampara dulot ng hindi pagkapanalo sa sugal ni minsan ___ 12. Namanghang tumingin sa nagsesermon na si Padre Damaso ___ 13. Nagdala ng mga gulay para sa kura ___ 14. Bata at magandang asawa ni Don Filipo ___ 15. Hinahanap ng mga gwardya sibil sa gubat B A. Alperes B. Padre Bernardo Salvi C. Donya Consolacion D. Don Santiago delos Santos E. Kapitan Basilio G. Donya Teodora Via H. Tiya Isabel J. Padre Hernando Sibyla K. Padre Manuel Martin L. Donya Victorina de Espadaa M. Sinang at Andeng N. Crispin O. Don Crisostomo Ibarra R. Elias S. Hermana Rufa T. Maria Clara delos Santos U. Basilio W. Don Anastacio Y. Padre Damaso Verdolagas Z. Sisa

IV. PAGKILALA. Tukuyin ang isinasaad sa bawat pangungusap. Isulat nang malaki ang titiknumero ng sagot sa patlang. (Nasa kabilang pahina ang kahon ng mga pagpipilian) ___ 1. Batas na nagtatadhana ng pangangalaga sa daigdig laban sa climate change. ___ 2. Sumulat ng dulang Tanikalang Ginto. ___ 3. Tawag sa pandiwang walang banghay na ay. ___ 4. Tinig ng pandiwa na dapat gamitin sa pagsusulat ng balita. ___ 5. Uri ng balita na tumutukoy sa mga kaganapan sa labas ng bansa. ___ 6. Elemento ng pelikula na binubuo ng mga pinangkat na mga eksena. ___ 7. Elemento ng pelikula na nagpapakita ng sunud-sunod na frames. ___ 8. Elemento ng pelikula na binubuo ng maraming shots mula sa isang lokasyon. ___ 9. Elemento ng pelikula na may sunud-sunod na pagpapakita ng mga imahe o larawan. ___ 10. Pamagat ng obra maestra ni Propesor Ignacio na nagkamit ng unang gantimpala.
Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Filipino III

___ 11. Kaganapan ng pandiwa na nagpapakita ng gantihang kilos na isinasaad ng pandiwa. ___ 12. Kaganapan ng pandiwa na ginagamitan ng panandang ni o ng. ___ 13. Maykatha ng kuwentong Bangkang Papel. ___ 14. Bilang ng nangapatay sa sagupaan ng mga kawal at taong-bayan. ___ 15. Bilang ng bangkang papel na ginawa ng batang lalaki. ___ 16. Ipinabibili ni Pilosopo Tasyo na panghuli ng kidlat. ___ 17. Iniregalo ni Kapitan Tiyago kay Maria Clara. ___ 18. Bansang pinagtularan ng modelo ng paaralang ipinatatayo. ___ 19. Matandang paraan ng pagsulat ng Ehipto. ___ 20. Kapatawaran sa mga naghihirap na kaluluwa sa purgatoryo.
A1. Shot B2. Labinglima C3. Pangawing D4. Kamusmusan E5. Jose Abad F1. Agnos G2. Kaganapang Resiprokal H3. Indulgencia plenaria I4. Batas Republika 9279 J5. Batas Republika 9729 K1. Pararayos L2. Balitang Nasyonal M3. Balitang Ibayong Dagat . N4. Apat O5. Frame P1. Sequence Q2. Kaganapang Kagamitan R3. Heroglipiko S4. Scene T5. Tahasan U1. Genoveva Edroza Matute V2. Tatlo W3. Act X4. Alemanya Y5. Juan Abad Z1. Pransya

V. PAGSUSURI NG PAHAYAG. Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang malaking titik na nagpamali sa bawat pangungusap. ___ 1. Ang bisang pangkaasalan (A) ay uri ng bisang pampanitikan (B) na nag-aantig ng kasalanan (K) ng bumabasa ng akda (D). ___ 2. Ang pelikula ay isang anyo ng sining (A) na pinagagalaw sa pamamagitan ng kamera (B) o di kaya sa paghahahati-hati ng mga imahe (K) gamit ang animation techniques o visual effects (D). ___ 3. Ang upright pyramid ng balita (A) ay nagmumungkahi na ang balita (B) ay dapat iulat (K) ayon sa pagkakasunud-sunod ng mahahalagang kaganapan (D). ___ 4. Sa gitna ng bulwagan (A) ay nakatayo ang isang malaking kwadrong (B) nalalambungan ng isang tabing (K) na makapal at uring perlas (D). ___ 5. Ang hapis ng kanyang anak (A) na nasilip niya nang gabing iyon (B) ay iwang sakdal hapdi sa puso ng isang magulang (K), ngunit hapis na wala siyang kakaya-kayang sansalain (D). ___ 6. Sa bawat hakbang na palapit (A) sa bahay na pawid at sa munting bukid (B) na kanyang tahanan (K) ay nararagdagan ang agwat ng ulila sa kanyang kabataan (D). ___ 7. Nagsunud-sunod (A) ang tila malalaking (B) batong gumugulong (K) sa kanilang sahig (D). ___ 8. Idinaan niya (A) ang kaaliwang kamay (B) sa pagitan ng baywang at bisig (K) ng ina (D). ___ 9. Bago siya tuluyang nakalimot (A), ang kahuli-hulihang larawan sa kanyang balintataw ay ito (B): tatlong malalaking bangkang yari sa papel (K) na inaanod ng ulan sa kanilang tapat (D). ___ 10. Ang umagang yaon ng mga dagundong at sigwa (A), ng mga pangarap sa kinabukasan at ng mga bangkang papel (B) ang gabing yaon ang kahuli-hulihan (K) sa kabataang sasansaglit lamang tumagal (D). ___ 11. Ang Nasyonalistiko ay genre ng pelikula (A) kung saan komprehensibong tumatalakay (B) sa tunay na buhay ng isang tao (K) na may diin sa pinakamakasaysayang kabanata ng kanilang buhay (D). ___ 12. Ang Science Fiction ay genre ng pelikula (A) na na nagbibigay-diin sa dramang pantao (B) sa mas malawak na anggulo (K) na karaniwang tumatalakay sa mga kaganapang maalamat, mahiwaga at makasaysayan (D).
Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Filipino III

___ 13. Ang Musikal ay genre ng pelikula (A) kung saan nakadepende sa mas malalim na pagbuo (B) ng mga realistikong karakter (K) na tumatalakay sa mga temang emosyonal (D). ___ 14. Ang Katatakutan ay genre ng pelikula (A) na humihikayat ng positibong (B) reaksyong emosyonal (K) mula sa mga manonood (D). ___ 15. Ang Komedya ay genre ng pelikula (A) kung saan ang mga nagsisiganap (B) ay nagsasaad ng kasiyahan o ilihitimong pagpapatawa (K) sa bawat salitang mamumutawi sa kanilang bibig (D). VI. PAGSUSUNUD-SUNOD. Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari batay sa nakasaad sa kwento ng Matamis ang Liwanag. Isulat ang bilang 1 - 5 sa patlang. ________ ________ ________ ________ ________ Nakapagpaalam na ang huling panauhin ng Gurong Ignacio. Marahang ipininid ng guro ang pinto. Maugong na palakpakan ang pumukaw sa Gurong Ignacio sa kanyang pagdidilidili. Inapuhap ni Corazon ang ama at nasambit, Diyos ko! Anong tamis marahil ng liwanag! Yumukod ang gurong pinapalakpakan at nakangiting lumapit sa kuwadrong natatakpan sa gitna ng salas. Nagsisikip sa panauhin ang salas ng bahay ng Gurong Conrado Ignacio nang gabing iyon.

VII. PAGTUTUKOY. Ibigay ang mga mga pokus ng pandiwa. Maling baybay, mali! 1. _________________________ 2. _________________________ 3. _________________________ 4. _________________________ 5. _________________________

Nasusukat ang karunungan ng isang tao hindi lamang sa dami at lawak ng alam niyang mga bagay, Bagkus ito ay nakikita sa kanyang katauhan at kaasalang tinataglay. - DVRJ

ALL FOR THE GREATER GLORY OF GOD

Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Filipino III

Вам также может понравиться