Вы находитесь на странице: 1из 4

SEAT NO.

:
ST. THOMAS MORE ACADEMY, INC. Avenida Rizal St., Molino III, Bacoor City SY 2012 2013

UNANG MAHABANG PAGSUSULIT SA FILIPINO III Ikatlong Markahan


Pangalan: Guro: ______________________________ Pangkat: Puntos: ______________________ _______ Marka: _______

G. DANILO VILLAR ROGAYAN JR. ______________________________

PANGKALAHATANG PANUTO. Ang hindi susunod sa panuto ay mamarkahang mali. Anumang bakas ng pagbura o pagpapalit ng sagot ay hindi kikilalanin. Tanging itim na panitik lamang ang maaaring gamitin sa pagsagot. I. MAY PAGPIPILIAN. Piliin ang pinakawastong sagot sa mga sumusunod. Isulat sa patlang ang sagot na nasa malaking titik. _____ 1. Ang malabay na puno sa malawak na bukirin ang tanging alaalang naiwan ng kanyang malambing na asawa. Ang mga pang-uring ginamit sa pangungusap ay nakahanay sa anong kaantasan ng pang-uri? A. Lantay K. Pasukdol B. Pahambing D. Pasahol _____ 2. Di-gaanong maagap si Bb. Salazar na gaya ni G. Salandanan. Ang pang-uring nasalungguhitan ay nakahanay sa anong uri ng pahambing? A. Pahambing K. Palamang B. Patulad D. Pasahol _____ 3. Sa mga sumusunod na lipon ng mga salita, tukuyin ang mga pang-uring nasa pasukdol na kaantasan. A. nakaririmarim, nakasusulasok K. mahinusay, napakayabong B. pinakamasinsin, napakahitik D. napakasikhay, matigib _____ 4. Kauna-unahang nobelang Tagalog na naisatitik sa kasaysayan ng Pilipinas na isinulat ni Pedro Paterno. A. Nena at Neneng K. Ninay B. Mga Ibong Mandaragit D. Luha ng Buwaya _____ 5. Ang institusyong naatasang sumuri ng mga nobelang isinulat sa panahon ng Kastila ay ang __________________. A. Commission Censura de Novela B. Commission Permanente de Censura K. Commission Censura Permanente D. Commission Novela Censura Permanente _____ 6. Ang Doctrina Christiana na isinulat ni Padre Juan de Plasencia ang itinuturing na kauna-unahang aklat na nailimbag sa Pilipinas. Anong taon ito nailathala? A. 1590 K. 1592 B. 1591 D. 1593 _____ 7. Ano ang naging tema ng kuwentong Impeng Negro ni Rogelio Sikat? A. Pagsubok sa buhay K. Pagpapakasakit B. Kondisyon ng pang-aapi D. Kasalatan ng buhay
Unang Mahabang Pagsusulit sa Filipino III 1

_____ 8. Tila may pinapasan siyang suliranin, hindi siya makausap at hindi lumalabas ng kanilang bahay. Ang nasalungguhitang pang-abay ay nakahanay sa anong uri? A. Pang-agam K. Pananggi B. Panggaano D. Panulad _____ 9. Alin sa mga sumusunod na salita ang nakauri sa pang-abay na panggaano? A. taimtim K. sanlaksa B. higit D. liwasan _____ 10. Bahagi ng pananalitang nagbibigay-uri o turing sa pandiwa, pang-uri at pang-abay. A. Pangngalan K. Pang-abay B. Pandiwa D. Pang-uri II. PAGHAHANAY. Hanapin sa hanay B ang tinutukoy sa hanay A. Isulat nang malaki ang titik ng tamang sagot sa patlang. A ___ 1. Lumikha ng panghugos ___ 2. Nakatunggali ni Ibarra sa pananghalian ___ 3. Nang-api sa ama ng gumawa ng panghugos ___ 4. Nagbasbas sa itinatayong paaralan ___ 5. Sinisi sa aksidenteng naganap ___ 6. Nagbawal kay Maria Clara na makipagkita kay Ibarra ___ 7. Nakadama ng pangamba nang marinig ang tinig ng umaawit ___ 8. Musa ng mga gwardya sibil ___ 9. Namamahala sa palabas ___ 10. Artistang nag-akalang bahagi ng palabas ang kaguluhan B A1. Crisostomo Ibarra B2. Taong Madilaw C3. Prinsipe Villardo D4. Don Santiago delos Santos E5. Padre Damaso Verdolagas F6. Don Filipo G7. Donya Consolacion H8. Don Saturnino I9. Padre Hernando Sibyla J1. Elias K2. Padre Bernardo Salvi L3. Donya Victorina M4. ol Juan N5. Maria Clara

III. MINODIPIKANG TAMA O MALI. Isulat sa patlang ang DAN kung wasto ang diwa ng pahayag. Kung mali, isulat ang salitang dapat humalili sa salitang may salungguhit. _________________ 1. Ang pang-uring panlarawan ay mga salitang nagpapahayag ng katangian ukol sa laki, kulay, hugis o kalagayan ng pangngalan. _________________ 2. Si Deogracias Rosario ay isa sa mga dakilang tagapagtaguyod ng Philippine fiction at siyang kumatha ng kuwentong Impeng Negro. _________________ 3. Ang pang-abay na pananggi ay nagsasaad ng pagpapatotoo sa binibigyang turing na pahayag. _________________ 4. Nais makausap ng gobernadorsilyo si Ibarra sapagkat pinukaw nito ang kanyang interes. _________________ 5. Magalang na bumati ang mga pari sa kapitan heneral liban kay Padre Sibyla. IV. PAGKILALA. Tukuyin ang isinasaad sa bawat pangungusap. Pumili ng sagot sa kahon na nasa kabilang pahina. Maling baybay, mali! ___________________ 1. Nakahihigit sa katangian ang isa sa dalawang pangngalang pinaghahambing. ___________________ 2. Pantay sa katangian at uri ang dalawang pangngalang pinaghahambing. ___________________ 3. Nagbibigay diin sa kalayaan, reporma, pagbabago, at diwang nasyonalismo ang uri ng nobelang ito. ___________________ 4. Nobelang isinulat ni Amado V. Hernandez na kinasuhan ng libelo.
Unang Mahabang Pagsusulit sa Filipino III 2

___________________ 5. Ang nobelang Ginto ang Kayumangging Lupa ni Dominador Mirasol ay nasa panahong ito. ___________________ 6. Uri ng pang-abay na tumutukoy sa kung paano ginawa ang aksyon ng pandiwa. ___________________ 7. Uri ng pang-abay na nagsasaad ng pagtutol o di pagsang-ayon. ___________________ 8. Kasong ipinataw kay Ibaraa nang hindi nito nalalaman. ___________________ 9. Salitang madalas pagtalunan ng mag-asawang alperes at Donya Consolacion. ___________________ 10. Gusto ng kabataan at ayaw ng katandaan ayon kay Padre Damaso.

pamanahon pananggi patulad Mapaghimagsik Panrelihiyon Aves de Rapea Luha ng Buwaya Birhen

pamaraan pasahol palamang excomunyon Panahon ng Republika Bagong Lipunan Filipinos Prayle

V. TALASALITAAN. Isaayos ang mga ginulong mga titik upang mabuo ang kahulugan ng salitang tinutukoy. Isulat sa patlang ang nabuong salita. Maling ayos, mali! 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10. GAANANMGLIR matuyo MMAAARNGLION namamaga AKATNOGLUNAK nakaupo INTTONALUN tinungo SUALPANAI hamakin BIIILDNU pinarusahan GLAPGMAKAUAN makakilos RBMUADBO matapat GMLDUUO lumapit ATAGTONAPN nalaman _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________

VI. PAGBABALANGKAS. Gawan ng balangkas ang texto na nasa ibaba ayon sa tamang pamamaraan. Isulat ang balangkas sa kabilang pahina. (6 puntos) San Pedro Calungsod de Cebu: Ikalawang Santong Filipino Si San Pedro Calungsod o San Pedro Calonsor ay isang Pilipinong migrante, karpintero, sakristan at misyonaryong katekistang Katoliko. Siya ay ipinanganak noong 1654 at namatay noong Abril 2, 1672. Ayon sa mga dokumento, si Calungsod ay ipinanganak sa Cebu. Siya ay itinanghal na beato ng Santa Iglesia Romana Katolika noong Marso 5, 2000 sa isinagawang beatipikasyon sa kanya ni Beato Papa Juan Pablo Segundo. Noong Disyembre 2011, inanunsyo ni Cardinal Tarcisio Bertone ang pag-apruba ni Papa Benito XVI sa pagbusising ginawa ng Congregacion para sa Causa ng mga Kasantuhan sa isang himalang nakamit umano sa pamamagitan ng pagdulog sa beato. Ito ay ang paggaling sa loob lamang nga dalawang oras ng isang ginang na idineklarang "brain dead." Noong Pebrero 18, 2012, ipinaalam ng Santo Papa ang kanyang pasyang pagtalaga ng mga bagong Santo kasali na dito si Pedro Calungsod. Itinalagang Santo si Calungsod noong Oktubre 21, 2012 sa isinagawang kanonisasyon ni Papa Benito XVI. Ang kalendario ng Martiriologia ng Romana Katolika ay hinirang ang kanyang kapistahan tuwing Abril 2 kada taon.

Unang Mahabang Pagsusulit sa Filipino III 3

Si Calungsod ay sumama sa mga paring Hesuita at dahil siya ay nagsilbi kasama ang Hesuitang ordenes, maaaring nakasalamuha niya ang mga ito sa isa sa mga paaralang itinatag nila sa Cebu, Iloilo, o Bohol. Kasama siya sa mga binatilyong katulong nga mga paring Heswita na pumunta sa Guam noong 1668. Sa pamamagitan ng kanilang misyonaryong gawain, maraming Chamorros ang naging Romano Katoliko. Sa kanilang pagpupunyagi ay marami ang nakatanggap ng mga Sakramento lalong lalo na ng Binyag. At doon din siya pinatay habang nagsasagawa ng misyonerong gawain.

Ang susi ng pagtamo ng karunungan at pagpapanday ng isipan ay nakakubli sa iyong sariling kamay. - DVRJ

ALL FOR THE GREATER GLORY OF GOD


Unang Mahabang Pagsusulit sa Filipino III 4

Вам также может понравиться