Академический Документы
Профессиональный Документы
Культура Документы
Talaan ng Nilalaman
Ang Lalakeng Nakaputi........3 Ang Love Story ng isang Halimaw..7 Bedsheet..................................................9 SM (Soulmate at Secret Marriage).11 Sakit ng Kahapon.......................14 Pagasa para sa puso ni Tessie...16
siguro ang pag iyak ay malamang nauna pa siyang nilibing. Pero hindi, ang sakit sakit na ng dibdib niya, at ng ulo niya sa kakaisip kung paano na ang magiging buhay niya. "Bella, kumain ka na naman." Buti na lamang at nasa tabi niya si Martin. Umiling si Isabella. "Ayoko Martin, hindi ako kakain hangga't hindi sila tumatayo at nagsasalita at... at buhay. Gusto ko silang mabuhay Martin..." Patuloy pa rin sa paghihinagpis ang batang dalagita na para nang baliw sa pinagsasasabi. "Bella, kailangan mo ng tanggapin na wala na sila." "Bakit sila pa ang kailangang mamatay? Marami namang masasamang tao sa mundo ah, bakit sila pa?" "Oras na nila Bella, kailangan na nilang pumunta sa lugar kung saan sila mas magiging masaya." "No Martin, madamot siya. Hindi naman niya kailangan ng Mama at Papa ko ah, aanhin niya ba sila? Ano ang magiging silbi nila sa langit? Hindi ko maintindihan. Mabait naman akong bata, tumutulong ako sa lahat ng tao na pwedeng tulungan, I was willing to do everything good, but what did I do to deserve this?!!" Humarap si Isabella sa altar na nasa di kalayuan at sabay na inusal, "I hate you." Lumipas ang ilang araw ay nilibing na din ang kanyang mga magulang. Mataas ang sikat ng araw, asul ang kalangitan, maririnig mo pa ang mga huni ng ibon, masayang masaya ang kapaligiran pwera lamang sa mga nagluluksa sa pagkamatay ng Mama at Papa ni Isabella. Lumipas naman ang dalawang taon ay mayroong isang binalita si Martin kay Isabella na lalong nagpausbong ng galit nito sa nasa itaas. "Isabella," kinabahan siya nang marinig ang buong pangalan, hindi ito natural kay Martin dahil ang tawag nito sa kanya ay Bella lamang. Si Martin ang tanging karamay niya sa mga panahong hindi pa niya matanggap na patay na ang kanyang mga magulang. Si Martin lang din ang tanging tao na nagbibigay sa kanya ng lakas ng loob, eto na din siguro ang huling dahilan kung bakit pa siya nabubuhay. "May pagtatapat sana ako sayo." "Ano yun Martin?" "Kailangan na nating maghiwalay." "H- ha? Bakit?" Napalunok ang lalake na naka puting polo at itim na slocks, kasalukuyan silang nakaupo sa madalas nilang tambayan, ang swing sa isang lumang playground na mga bata pa ata sila ay naroroon na. "M- magpapari ako." Lalong gumuho ang mundo ni Isabella nang marinig niya ang mga katagang iyon, para siyang nilunod ng tanging tao na inaasahan niya, yung tipong nalulunod ka na nga, nilulunod ka pa lalo, at ang masama doon ay hindi ka pa mamatay matay sa sobrang sakit na nararamdaman mo. "K- kailan pa?" tanong niya kahit pa hirap na hirap na siyang magsalita. "Matagal na, Isabella. Hindi ko lang masabi sayo dahil alam kong malaki ang galit mo sa kanya, sinubukan kong maibalik ang pagtitiwala mo sa kanya sa lahat ng paraan na alam ko, at alam ko etong pagsabi ko sayo ay hindi isa sa mga paraan, pero ang pitong taon ng buhay ko ay ginawa kong sayung sayo. Hindi naman siguro ako makasarili kung iisipin ko din ang buhay ko. Matagal ko na itong naiisip, pero hindi kita maiwan." Saka pumasok sa isip ni Isabella ang mga senyales na hindi niya pinansin matagal na. Kaya pala sa pisngi at noo lang siya nito hinahalikan, kaya pala hindi niya madalas hawakan ang kamay ko, kaya pala hanggang ngayon ay birhen pa din ako, kaya pala mabait siya sa lahat, at kaya pala panay ang pagtatanggol sa kanyang nagiisang kaaway. "Wag ka sanang magalit sa kanya, wag mo ibuhos sa kanya, sa akin ka magalit Isabella, nagsinungaling ako sayo." Pero hindi na siya nakapagsalita, tumalikod na lamang siya at umalis. Sinubukan niyang umahon mula sa pagkakalunod. Lumipas ang ilang taon, nakagraduate na siya sa kolehiyo, at dahil siya naman talaga ang nagiisang tagapagmana ng kumpanya na tinaguyod ng mga magulang niya ay hindi na siya nahirapan, at dahil din sa kanyang pagkakadalubhasa sa real estate ay mas lalo niyang napalago ang naipundar ng kanyang mga magulang. Hindi siya naghirap pagdating sa pera. Lahat ng pwede niyang bilhin ay binili na niya, isa na dito ang pagibig. Hindi na siya nagkanobyo pang muli mula nang nakipaghiwalay sa kanya si Martin na balita niya ay nasa
malayong probinsya na. Bagamat marami pa ring nanliligaw, hindi niya pinapansin ang mga ito. Mahirap na, baka masaktan na naman siyang muli. Natutunan niya na kaya nga palang bilhin ng pera ang lahat ng bagay sa mundo.
Katatapos lang ng party ng isang kaibigan niya na may ari ng fashion line, naghihintay na siya sa kanyang driver nang biglang bumuhos ang kanina pang nagbabadya na malakas na ulan. Alas onse na ng gabi at iilan na lamang ang tao sa establisyementong iyon. "Hilo mam, bad news po, nasiraan po ang sasakyan natin. Malabo na po na masundo pa namin kayo." "Anong sabi niyo? Paano ako ngayon makakauwi niyan?" "Mam pasinsya na po, grabe po talaga ang lagay ngayon, hahanap pa po ako ng magaayos nito tapos tatawagan ko po kayo." D%mn it. Napaupo si Isabella sa isang bench sa lobby, sabay napapikit. Kanina pa siyang umaga dito at pagod na pagod na siya, bigla niyang na miss na naman ang kanyang malambot na kama. Pagdilat niya ay nabigla siya sa nakita. Hindi niya akalain na isang maliit na chapel pala ang kaharap ng malahiganteng building kung saan siya nakaupo. "Hi miss." bati ng isang lalake, nakaputi ito, clean cut, pati sapatos ay puti. Hindi ito pinansin ni Isabella at nagpatuloy na lang ito sa paglalaro ng kanyang telepono. "Miss yohooo! Pwede mo naman po i pause yan." Yun nga ang ginawa niya at sabay na tiningnan ang lalake, dimples ang unang napansin ni Isabella, mapungay ang mga mata nito, mapula ang manipis nitong labi. "Kamusta ka?" "Sigurado ka ba na ako ang kausap mo?" Tumango ang lalake. "Oo ikaw nga." "Anong kailangan mo? Pera ba? Hindi ka naman mukhang pulubi ah." "Haha, miss naman, sa gwapo kong ito mukha ba akong pulubi?" "Hindi naman, mukha kang... nagsosolisit. Anyway wag mo na ako pagaksayahan ng panahon, pwede?" "Uhm pwede kitang ihatid sa bahay niyo kung gusto mo." "Ha? Talaga? Paano?" "Naniniwala ka ba sa hiwaga ng Diyos?" "Ha?" "Maniniwala ka ba kung sasabihin kong pinadala niya ako sayo para tulungan? Isabella ang pangalan mo, tama?" Nabigla siya sa narinig. Ano ang pinagsasasabi ng lalakeng ito? "Alam kong malaki ang galit mo sa kanya pero sana 'tol wag naman ganoon." "Wow, hindi ka pala solicitor, manghuhula ka pala." "Bahala ka kung ayaw mo maniwala, napagutusan lang talaga ako." anito nang nakangiti kahit pa puro pagtataray lang ang ginagawa ni Isabella. "Anong sindikato ka ba? Papatayin mo din ba ako at kukunin ang mga laman loob? O baka naman engkanto ka?" "Alam mo, hanga na ako sayo, lakas ng loob mo. Mukhang wala kang kinatatakutan. Tama nga si Manong God." "Whatever." anito, Sugo nga ba siya ng Diyos? Kung makapagsalita ang lalakeng ito parang hindi siya pangkaraniwang tao. Lalong lumakas ang ulan at nawalan na din siya ng signal sa hindi malamang dahilan. "Sa ganitong ulan, sa tingin ko kailangan mo na talaga ng tulong ko." "Paano mo naman ako matutulungan? May sasakyan ka ba? Ite teleport mo ba ako?" "Hmm, malapit doon sa sagot mo." anito. "Ano, payag ka ba?" tanong ng lalake. Nagdadalawang isip pa sana siya nang bigla na lang siyang halbutin ng lalake ito at niyakap siya bigla, nabigla man si Isabella, sa hindi na namang malaman na dahilan ay hinayaan niya lang ito. Para bang meron itong kapangyarihan, dahil sa tigas ng loob ng Isabella, nakayanan siyang pasunurin ng lalake. Sa unang pagkakataon ay nakaramdam siya ng kakaibang samut samong emosyon, mga emosyong hindi niya naramdaman sa matagal na panahon. Nakaramdam siya ng saya, ng pagmamahal. Napapikit siya, at maya maya ay idinilat niya ang kanyang mga mata, tanaw tanaw niya ang chapel. Yakap pa din siya ng
lalakeng nakaputi na tila magaan ang mga kamay, para siyang nakalutang sa hangin, muntikan pa siyang maluha dahil unti unting gumagaan ang loob niya, para siyang nasa... langit. And for the first time in
many years, she found peace on that single embrace of a stranger "Uhm, a- ano nga pala ang pangalan mo?" Naramdaman ni Isabella ang paghigpit ng yakap nito, nakaramdam siya ng pagyanig. Lumilindol ba? "Ako si Gabriel..."
Napabalikwas si Isabella mula sa kanyang hinihigaan, nasa kanyang kwarto na siya. Napatingin siya sa bintana, malakas pa din ang ulan. Nasapo niya ang ulo, "Panaginip lang ba iyon?" aniya. Tumayo siya sa kanyang higaan at isinuklay ang kanyang kamay sa kanyang buhok, para siyang may nasapo sa ulo, nang tingnan niya iyon, nakita niya ang isang piraso ng puting pakpak. "Saan ito galing?" Saka lang naisip ni Isabella na suot niya pa din pala ang suot niya kanina sa party ng kaibigan. "Nalasing ba ako kanina? Wala naman akong ininom? Bakit hindi ko maalala kung paano ako nakauwi?" Lumabas siya ng kwarto at bumaba patungo sa kusina. "Yaya, yaya?? Pakuha nga po ng tubig." Parang nakakita ng multo si Yaya Marie nang makita siya. "Anong problema?" "Eh kasi po Ma'am, katatawag lang po nung driver, sabi niya nasa talyer daw po siya, pinapaayos yung sasakyan, sabi niya po sa akin, hindi niya daw po kayo ma contact. Eh hindi naman po kayo nagta taxi di ba Ma'am? At sa alam ko po kahit anong mangyari, hihintayin niyo talaga ang driver, paano po kayo nakauwi?"
sasakyan. Humarap sa kanya ang driver na ngayon niya lang napansin na naka itim na salamin pala ito sa mata. Tinanggal ng lalake ang suot nitong salamin at lumantad kay Joana ang mukha ng isang pamilyar na lalake, ang lalakeng palagi niyang kinikita sa kanyang panaginip.
Bed Sheet
Binuksan ni Jessa ang switch ng ilaw nang siya ay makarating sa kanyang inuupahang condo sa Makati. Tulad ng dati ay nakakaramdam na naman siya ng kalungkutan, wala pa man din siya sa mood makipagkita sa kanyang mga FuBu, kahit pa nakatanggap na siya ng ilang tawag kanina habang siya ay nasa trabaho, nagyayaya na makipagkita sa kanya. Magisa lang siyang naninirahan sa siyudad, ang kanyang Ina na tanging katuwang niya sa buhay ay nagasawa nang muli matapos ang halos sampung taon na pagkamatay ng kanyang Ama. Buti pa si Mommy, kahit fifty years old na, nakahanap pa din ng taong pang habambuhay na makakasama niya, ako magtre treinta na ako ah, bakit ba hindi ko pa din ulit nararandaman ang magmahal? Ang iba kong mga kaibigan ay may kanya kanya ng pamilya, samantalang ako SINGLE. Magisa na lang ata ako tatanda eh. Padabog na sinabi ni Jessa sa sarili habang siya ay nagaayos ng gamit. Kumain na siya sa labas kung kaya tanging shower na lang ang natitira niyang gawin at matutulog na siya. Ganoon lang naman ang routine niya araw araw, matapos magtrabaho, kung hindi siya makikipagkita sa mga lalake niya ay kakain siya magisa at saka matutulog. SEX. Iyon ang tanging ginagawa niya upang makatakas sa tunay niyang mundo, sa kanyang malungkot na mundo. Nandyan si Jason na may ari ng isang restaurant na iilan na din ang branches, gwapo naman ito, hindi lang magaling magluto kung hindi ay magaling din sa kama. In- offer- an na din siya nito na pakakasalan siya pero itong si Jessa ang umaayaw. Kahit kasi ilang beses na silang nagsama ni Jason sa iisang kama ay hindi niya maramdaman dito ang spark na hinahanap niya. Ganoon din ang pakiramdan niya kay Lance na isang waiter sa bar na madalas niyang tambayan. Hindi tulad ni Jason, si Lance naman ay alam niyang katawan lang ang habol sa kanya. Bago humiga sa kama si Jessa ay pinalitan niya muna ng mas malinis na bedsheet ang kanyang kama. Ginagawa niya iyon tatlo o apat na beses sa isang Linggo, isa ito sa pinakatatago niyang sikreto. Obssess siya sa pagpapalit ng bedsheet. Gusto niya ay palagi itong malinis at laging mabango. Pinatay niya ang lahat ng ilaw at itinira ang ilaw sa banyo, hindi niya pa din kasi kayang matulog magisa na madilim ang buong kabahayan. Sa wakas ay naayos na niya ang lahat, saka siya humiga sa kanyang queen size bed na malaki para sa kanya. At dahil magisa lang siya sa condo na iyon, hindi siya sanay na magdamit. Nakakapaglakad siya sa kahit na anong parte ng bahay nang nakahubad, pero syempre sinisigurado niyang sarado ang lahat ng kanyang kurtina. Sinubukang matulog ni Jessa, pero halos magiisang oras na at hindi pa din siya mapakali. Hindi niya pa din mahuli ang tamang posisyon ng pagtulog, hindi niya akalain na kahit pala pagod na pagod ka na, may panahon pang mapagod ang tulog mo. Isa lang naman ang tanging solusyon niya pag ganitong hindi siya makatulog. Kinuha niya ang remote at Ini -on ang TV, nilipat niya ito sa isang cable channel na madalas niyang puntahan, ang playboy channel. Habang pinapanood niya ito ay bigla siyang nakaramdam ng kakaibang kiliti at init sa kanyang katawan. Dahan dahan ay naglakbay na ang mga kamay niya sa parte ng kanyang katawan na alam niyang magugustuhan niya... Matapos ang ilang minuto, natapos ang pinapanood niya sakto din ng kanyang pagtatapos sa kanyang ginagawa. Isang ipit na ungol ang kanyang pinakawalan at saka huminga ng malalim. Kinuha niya ang tissue sa bedside table at saka pinunasan ang dapat punasan. Napangiti siya. Kani kanina lang ay masamang masama ang mood niya at napakadaming bagay ang tumatakbo sa isip niya, kung dapat pa ba siyang mag asawa, kung paano siya maghahanap ng karamay niya sa buhay, kung tatanda na lang ba siya magisa? Bigla niyang naalala ang ibang kaibigan niya, may asawa nga ito, may pamilya at may mga anak, pero ano ang mga kinukwento nito sa kanya? Na nagsisisi ang mga ito dahil sa pinili nitong lalake? Na inis na sila dahil uuwi lang ang kanilang mga asawa galing sa trabaho at kailangan pang pagsilbihan ang mga ito, when in fact may trabaho din naman sila sa umaga? Hay, puro frustration lang naman ang naririnig niya mula dito. Siguro kaya hindi na din siya
nagatubili pang ma- inlove, dahil sigurado siyang hindi niya mararanasan ang ganitong kaligayahann. Sex lang ba? Kaya naman niyang paligayahin ang sarili niya. Sa wakas ay napapikit na din siya at mahimbing na nakatulog. Bukas ay magpapalit na naman siya ng bedsheet.
10
tagpong iyon, I was actually thinking kung masama ba talagang ipaglaban ang pagiging masaya? Paano
11
kong ito lang ang nakakapag pasaya sa akin? Sayang lang ang buhay ko kung mamamatay akong walang pinaglalaban. Kaya kung hindi ko man naidala ito sa santong dasalan, idadaan ko na lang ito sa santong paspasan. Pero paano? Wala ni isa man sa pamilya ko ang sinabihan ko na uuwi ako, this is it. Wala ng atrasan ito. Akala ko nga ay makakarating ako sa Pilipinas nang hindi nalalaman nina Mommy. Pero nangyari ang hindi ko inaasahan. Nalaman niya. Galit na galit siya nang mga oras na iyon, pero being the parents that they are, ihinatid nila ako sa airport. At eto na nga ako ngayon, nakaupo sa eroplanong ito na nilalamig. Nakalimutan ko na din kasing magdala ng jacket. Makalipas ang isang oras ay lumapag na din ang eroplano at dahil madaling araw ang dating ng flight na ito ay madali na lang ang pagdaan ko sa immigration at sa customs na mukha din namang antok na antok, it's one in the morning. Pagkalabas ko ng arrival hall ay hinanap ko sa mga taong naghihintay si Jake. Naglakad lakad ako hanggang sa makarating ang mga mata ko sa dulo at doon ay may nakita akong kumakaway. Muntikan nang tumalon ang puso ko at malaglag ang panty ko, si JAKE! Tumakbo ako papunta sa kanya, galak na galak na sa awa ng Diyos ay mayayakap na din kita. Naglapat kaagad ang aming mga labi ng ilang segundo, ang kanyang kanang kamay ay nasa likod ko, ang kaliwa naman ay nasa batok. Nararandaman ko na sana ang kanyang dila, pero nagsalita na ako kaagad. "Baka naman bukas ay nasa TV na tayo nito dahil sa eksenang ito." "Tama ka, sa bahay na lang." aniya na pabiro. "Ang daming istorbo dito." Sumakay kami sa van na inarkila niya at kahit nasa van na kami ay pinigil pa din namin ang aming mga sarili. Pagdating namin sa bahay nila ay hindi na kami nagaksaya pa ng panahon. Sabay kaming naligo at pagkatapos ay dumiretso na kami sa isang kama na mukhang inayos niya para sa pagdating ko. Bago ang comforter, bago ang punda, bago ang lahat. Pinatay agad ang ilaw and then we made love. Nang sumunod na araw ay maaga kaming nagising. Nauna akong naligo at saka siya sumunod. Eto na ang araw na ikakasal kami. Nilakad na kasi niya ang lahat, binayaran ang dapat bayaran kung kaya naman ay hindi na namin kinailangang dumaan ng seminar, hindi pa din nagbabago dito, nadadaan pa din ang lahat sa bayaran. Inaayos ko ang bag na dadalhin namin nang may napansin ako sa loob ng bag niya. Isang maliit na asul na kahon. Hindi ko akalaing nakabili na siya ng singsing. Wala naman kasi siyang sinabi tungkol dito. Dumating ang van na inarkila niya at kami na nga ay papunta na sa munisipyo ng Maynila. Hindi tulad ng mga normal na ikakasal, si Jake ay naka puting polo at maong na pantalon lang, isabay mo pa ang converse niyang rubber shoes. Habang ako ay naka itim na blouse na may bulaklak sa kaliwang dibdib at itim na skirt, sa paa ko naman ay nakasandal na 3 inches ang takong. At dahil nga late na kami ay mabilis ang patakbo ng van, nahuli pa kami ng isang traffic enforcer pero muli namin itong binayaran at kami ay nakadaan. Ang tanging witness namin sa araw na ito ay si Manong driver ng van. Pagdating namin sa Munisipyo ay naalala ko ang mga horror stories na napapanood ko sa TV tungkol sa lugar na ito, tama nga sila, it's a bit spooky here. "At dahil late kayo, kailangan niyong magdagdag dito." sabi ng matandang mukhang pera na reverend sa amin. Pero wala kaming choice, buti na lang at may perang dala itong si Jake at binayaran agad ang madaldal na reverend. Sabi niya tatlong oras na kaming late. Okay, kami lang siguro ang tanging taong ikakasal na late ng ganoon katagal. Nagsimula na nga ang seremonyas at nagtapos ang lahat sa mga katagang "you may kiss the bride". Masaya kami nang araw na iyon, sa wakas at naikasal na din kami. Ilang gabi na lang ako dito. Balak namin, matapos ang ilang buwan pag nakaipon, ay kukunin ko siya sa Hong Kong at doon kami magsasama. Mas okay ang future doon. Alam kong magagalit ang mga magulang ko sa akin, pati na din siguro mga kaibigan ko, but who cares? Alam kong dadating ang panahon na matatanggap din nila kami, matatanggap din kami ng mundo. Ang importante lang sa ngayon ay masaya ako, eto ang kasiyahang hindi nababayaran ng kahit na ano o magkano. Papalubog na ang araw at papauwi na kami sa bahay nila, magkahawak ang kamay at kitang kita ang pagkislap ng silver na singsing na suot namin na nagko konekta sa aming
12
dalawa. Nakasandal ako sa lalakeng ngayon ay asawa ko na at sa ngayon ay wala na akong maihihiling pa.Baon namin ang isang pangarap na balang araw ay kakampihan din kami ng mundo
13
Sakit ng Kahapon
Alas dos na ng hapon pero di pa rin magawang bumangon ni Ginny sa kama. Kanina pa siya gising, sinisikap niyang matulog ulit pero kahit anong gawin niya ay di talaga siya dalawin ng antok. Wala na siyang mailuha, pero bakit ganoon? Nararandaman niya pa din ang sakit? Nararandaman niyang mahapdi pa din ang nararandaman niya mula sa kanyang puso dahil sa nangyari isang linggo na ang nakakaraan. Naiisip niya, buti pa sana kung nasugatan ka, baka pwede pang uminom ng anestisya. Pero ang sakit na tulad nito? Para kang unti- unting pinapatay pero nagagawa mong makita pa din ang sikat ng araw kinabukasan. Hindi tayo para sa isa't isa Yan ang mga salitang binitawan sa kanya ni Lorenz. Alas kwatro ng hapon yun, sa may likod ng isang bakanteng bahay. Kung saan sila madalas na nagkikita kahit ala una na ng umaga. Nagagawa niyang tumakas mula sa bahay nila habang tulog ang lahat at kahit madilim at nakakatakot ang paligid, sinisikap niyang pumunta sa tagpuan nila. Halos araw araw niya iyong ginagawa sa loob ng mahigit apat na buwan. Hindi sila pwedeng magkita sa araw dahil bawal. Magagalit ang kanyang Lola na pinagbawalan siyang magka boyfriend hanggang sa makapag tapos siya ng pagaaral. Seventeen years old pa lang siya at nasa unang taon sa pagko- kolehiyo sa kursong nursing. Nasa abroad ang kanyang Ina at ang kanyang Ama naman ay matagal na silang iniwan. Meron siyang dalawang nakakatandang ate pero nagsipag asawa na ito. Kaya naman sobrang higpit sa kanya ng kanyang Lola Malyn dahil natatakot itong baka magaya ito sa dalawa. Pero sinuway niya ito. Napaniwala niya ang kanyang Lola na wala siyang boyfriend. Nagawa niyang itago ang relasyon sa loob ng apat na buwan, isang relasyon na akala niya ay magtatagal. Ipinakilala sa kanya si Lorenz ng isang kaibigan. Nagsimula sila sa pagte- text hanggang sa sinagot na nga niya ito. Si Lorenz ang una niyang naging boyfriend at eto din ang nakakuha ng kanyang pagka birhen. Nangyari iyon sa may likod din ng bakanteng bahay kung saan sila nagtatagpo. Iilang beses nangyari, sa halos araw araw nilang ginagawa. Wag kang mag alala, dahan dahanin ko, wala kang mararandaman. Bulong nito sa kanya habang nararandaman niya sa pagitan ng dalawa niyang hita ang pagkalalake nito. Ipinasok ito sa kanya dahan dahan pero muntikan pa din siyang sumigaw sa sakit. Ibuka mo pa Nang mga panahong iyon ay tila siyang alipin nito. Sunund sunuran sa mga sinabi nito. Ni hindi siya makahindi sa kung anoman ang gusto nito kahit nakakasakit na physically and emotionally. Nagagawa niyang lahat iyon dahil mahal niya ito. Pero di niya alam kung pagmamahal ba ang nadadama nito para sa kanya. Ano bang nagawa ko? Binigay ko naman lahat ah. sabi niya nang makipag break na ito sa kanya. Umaalingawngaw ang boses niya sa tahimik na gabi na tanging ang kahol lamang ng aso ang maririnig. Alam ko, binigay mo lahat pero hindi sapat eh. tugon nito sa kanya. Saan? Saan ako nagkulang, sabihin mo. Gagawin ko ang lahat bumalik ka lang. May kailangan ba akong baguhin? Nagawa niyang magpakababa para lang dito pero hindi pinansin nito ang kanyang pagsusumamo.
14
Wag mong gawin yan, Wag mong ibaba ang sarili mo. Meron bang iba? Umiling lamang ito. Di na naman mapigilan ni Ginny ang umiyak. Wala naman palang iba eh. Eh ano ang pagkakamali ko? tanong niya sa sarili. Binigay ko naman ang lahat ah. Patuloy pa din ang pag titig ni Ginny sa kisame. Maya maya lang ay kumatok na ang kanyang Lola Malyn at saka ito pumasok sa may loob ng kwarto. "Di ka ba papasok?" tanong nito na may pagaalala sa tinig. "May sakit ka ba?" Lumapit ito sa kanya at kinapa ang kanyang noo. "Iha, medyo mainit ka." "La, wala po ito. Okay lang ako." "Anong problema? Ba't di mo sabihin sa akin?" Di nakasagot si Ginny. Alam niyang magagalit lang ang kanyang Lola pag nagkataon. Hindi na nito pwedeng malaman pa. Wala lang ding mangyayari. Lalo pang lalala. "Bukas po papasok na ako. Masama lang po kasi ang pakirandam ko." "O siya aral ka kasi ng aral. Teka at kukuha ako ng makakain mo ha. Dyan ka lang." anito. Hindi narandaman ni Ginny na mainit siya dala ng lagnat, ang tanging nararandaman niya lang ang sakit na nararandaman niya mula sa sakit ng kahapon. "Oo nga pala Ginny, alam mo ba na uuwi na ang Mama mo susunod na buwan?-" Walang narinig na tugon si Lola Malyn. Nadatnan niya na lamang na tulog na naman ang apo sa kama nito.
15
16
"Hindi naman masyado makapal ang mukha mo ano? Lalapit ka dito bigla at sasabihin mo sa akin na takpan ko ang mukha ko? Okay ka lang ba, baka naman lasing ka na?" kunyari ay pagsusungit nito. "Eto naman nagbibiro lang. Gusto mo ng macaroni spaghetti? Masarap yung spag nila dito?" "Hindi, kumain na ako." "Ako na ang bahala, wag kang magalala." "Ano ba, hindi pa nga kita kilala eh manlilibre ka na agad? Hindi ka din presko 'no?" "Ay sorry naman, nakalimutan ko. Para kasing matagal na kitang kilala, sigurado ka ba na hindi tayo magkakilala?" hirit pa nito. Umiling lang si Stacey. "Okay fine, ako nga pala si Gerry, Gerry Dominguez." "Stacey Sescon." tugon naman ng isa. "Matagal ka na dito?" "Oo, thirteen years old pa lang ako dito na ako nagaaral eh." "Pareho pala tayo. Saan ka nagtratrabaho?" "Sa may World wide, alam mo yun? Promoter ako ng isang telephone company." "Ganoon ba, mukhang mahirap yun ah. Nasubukan ko doon pero hindi ako nagtagal." Sa ganoong paguusap sila nadatnan nina Meg at Dana na parehong galing sa banyo. Nagsuka pa kasi si Dana kung kaya naman ay nagtagal talaga sila. "At sino naman itong hampas lupa na ito?" ani Meg na medyo may pagka prangka magsalita na may halo na ring biro. Halos nasa kwarenta ang baywang nito at halos nasa balikat lang ni Stacey. "Nagsuka lang kami sandali, nagkaroon ka na ng kasama dito." hirit naman ni Dana na matangkad ng kaunti kay Stacey at nasa bente kwatro naman ang baywang, mahaba ang buhok nito at kayumanggi ang balat tulad ni Meg. "Si Gerry nga pala, ewan ko ba nakiepal siya kanina habang nage emote ako dito eh." pabiro namang tugon ni Stacey. Totoo namang nage emote ng mga oras na iyon si Stacey dahil nalaman niyang may nililigawang iba ang huli niyang boyfriend na si Carl. Si Carl ay first love niya at ang tanging lalakeng sineryoso niya sa loob ng halos anim taon. High school pa lang ata ay sila na. Hindi niya akalain na sa pagbabalik niya mula sa isang bakasyon sa Boracay, ay malalaman niyang may kinakarir na itong iba at ang masama ay kakilala pa niya. Nalaman niya ito mula sa isang nagmamalasakit na kaibigan. Eto din daw ang dahilan kung kaya naman ay pala ay hindi niya makontak ito habang nasa Pilipinas. Umamin na ang babae pero etong si Carl ang kailanmang hindi aamin. Kahit pa kitang kita na sa ebidensya. Handa naman sanang makipagbalikan si Stacey pero ang hindi pag amin ni Carl sa kanya ang tanging dahilan kung kaya naman kahit anong hingi ng tawad nito ay hindi na niya ito pinagbigyan. Napakadali naman pala para kay Carl itapon ang ilang taong relasyon. Lalo pang nawala ang tiwala ni Stacey nang isang araw ay nakita niya itong may kasamang iba sa isang parke at lalong nawala ang pagasang makipagbalikan dito nang nakita niyang naghalikan ang dalawa ng matagal. Ilang linggo pa lang ang nakakalipas nang makipag hiwalay siya dito at eto ngayon ang isang estranghero na sa unang pagkakataon ay nakapagpasaya sa kanya kahit sa ilang minuto pa lang nilang paguusap, kahit pa puro walang kwenta ang pinagsasasabi nito. Sa ganoong sitwasyon sila nagkakilala, dumating si Gerry sa panahon na kailangan niya ito. Magmula nang araw na iyon ay madalas na silang magkausap sa cellphone. Nang sumunod na nagkita sila ay merong inamin si Gerry. Nagkita sila sa isang sikat na pasta house kung saan puro patugtog ang mga love songs. "Ipagtatapat ko sana sa iyo na meron akong asawa sa Pilipinas." Sa pagkakarinig na iyon ni Stacey ay tila gumuho ang mundo niya kung kaya ay hindi siya nakapagsalita agad. "Pero hindi na kami maayos ngayon, mga ilang buwan na kaming walang maayos na komunikasyon." "M- may mga anak ka ba sa kanya?" tanging natanong ni Stacey. "Oo, dalawa ang anak ko, nagaaral sila sa Pilipinas. Mahal na mahal ko ang mga anak kong iyon, ang tanging relasyon lang talaga namin ng Nanay nila ang nagkalamat." "Ah ganoon ba?" "Gusto kong malaman mo yan Stacey, alam mo kung bakit?" Umiling na naman si Stacey. "Noong unang beses pa lang kita nakita, na inlove na ako sayo." Hindi alam ni Stacey kung ano ang magiging reaksyon sa sinabing iyon ni Gerry. Dapat ba niyang paniwalaan ito? Tama ba na patulan niya ang lalakeng ito sa sinasabi niya? Pero sabi niya hindi na sila
17
maayos, di ba? Hindi naman siguro masamang magkagusto din ako sa lalakeng ito, at isa pa kailangan niya ng masasandalan ngayon, hindi naman din ibig sabihin na magiging sila na. Masaya naman din siyang kasama. Kung anu ano na ang naglalaro sa isipan ni Stacey.
Pero hindi din naman naglaon ay sinagot niya ng matamis na oo ang lalakeng ito. Kahit pa sinabi niya ng ilang beses na hinding hindi siya mahuhulog dito. Sobrang galak naman ang naramdaman noon ni Gerry. Madalas na silang lumalabas mag mula noon. Noong una pa nga ay iilan pa lang ang nakakaalam ang tungkol sa mga pamilya nito na naiwan sa Pilipinas. Lumaon naman ay nalaman ito ng mga taong nakapaligid sa kanila, ang pamilya nila ay parehong tutol sa relasyon. Lalong lalo na ang nanay ni Gerry na botong boto sa asawa nito. "Hindi mo dapat sinisira ang pamilya mo! Kinasal kayo sa Pinas, nagkaanak, alam mo ba ang pinapasok mo?" "Ma, ano ba? Mahal ko si Stacey, wala kang pakialam kung pipiliin ko si Stacey!" nagulantang ang matanda sa pagsigaw ni Gerry, eto kasi ang unang beses na ginawa ito sa kanya ng anak. "Alam mo ba ang ibig sabihin ng kasal niyo? Balewala na lang ba iyon sayo?" "Ayaw na din naman ni Liezel Ma? Bakit ko pa ipipilit ang sarili ko?" "Kinausap ko siya Gerry! Ang sabi niya ikaw itong umayaw sa relasyon niyo. Wala naman daw siyang magawa." "Lagi naman kasi kaming nagtatalo pag magkasama kami, ayoko na!" "Hindi purkit nagtatalo ang magasawa ibig sabihin ay hindi na masaya ang pagsasama nila, ibig sabihin ng pagaaway o pagtatalo ay para mas tumibay ang relasyon at mapagusapan kung ano ang dapat pagusapan. Hindi ganyan na susuko ka agad!" Hindi na sumagot si Gerry at sa halip ay nagbingi bingian na pumasok sa loob ng kanyang kwarto. "Ang sarap alalahanin ang mga araw na iyon Tina. Yung unang araw na nagkakilala kami, pero nang nalaman ko na may asawa pala siya? Na may mga anak, hindi ko man lang pinansin iyon. Mas pinili ko ang pagmamahal ko sa kanya. Hanggang sa naging komplikado ang mga bagay bagay... naging komplikado na ang lahat." Hindi natahimik ang Nanay ni Gerry, araw araw niyang tatawagan ang number ni Stacey kung saan niya nakuha sa cellphone ng anak. "Hoy babae, ilang ulit ko ba sasabihin sayo na hiwalayan mo na ang anak ko. Pamilyado siyang tao!" "Wala po kayong pakialam kung nagmamahalan kami." matapang na sagot ni Stacey. "Kung mangguugulo lang po kayo ay wala kayong mapapala sa akin." "Hayup kang babae ka! Makikita mo bubuhusan kita ng asido sa kalye, makita lang kita!" Hindi lang si Stacey ang na istress sa mga pangyayari, dahil pati ang mga magulang niya ay patuloy siyang pinagsasabihan. Muntikan na ngang atakihin ang kanyang ama sa puso. "Anak, hahanap ka na nga lang ng lalake eh yung may asawa pa? Maganda ka naman, madami ka pang makikilala." ang kanyang Ina na si Aurora na sumabat na din sa mga pangyayari. "Ma, mahal ko po si Gerry, wag niyo namang gawin sa akin ito. Ngayon ko lang uli susubukan magmahal." "Mas matutuwa pa ako kung si Carl ang boyfriend mo hanggang ngayon. Mabait siyang bata, nagkaroon lang ng isang pagkakamali ay tinalikuran mo na. Samantalang ang lalakeng ito, hindi ko alam kung ano ang nakita mo sa kanya. Tandan mo na ang lalakeng manloloko, manloloko na habambuhay." "Sana pala nakinig ako sa mga sinabi nila noon. Alam mo kahit nakikita ko ang point nila, ewan ko ba pero para bang pinipigilan ng puso ko na mag process ang utak ko. Nakakaasar!" "Ano ba kasi ang nangyari?" di na napigilang tanong ni Tina. "Matagal ko na itong itinatago, hindi ko na kaya pang sarilinin na lang." aniya. "Alam mo ba simula nang magsama kami sa iisang bahay, ginawa ko naman ang lahat ng ikasisiya niya. Okay naman kami Tina, wala akong masabi. Mabait at maaalalahanin siya. Pero ang hindi ko matanggap, pumunta dito ang pamilya niya at doon siya umuuwi sa bahay nila. At ako
18
magisa sa bahay namin na ako lang naman ang nagbabayad. Halos dalawang buwan na kaming ganoon at pakiramdam ko ay sasabog na ako." "Pero hindi ba pumasok sa isip mo na kasal na siya bago ka pumasok sa ganyang relasyon? Okay sana kung annulled na ang kasal nila at least legal kayo pero sa ginagawa niyong iyan, ikaw pa din ang kabit niya." "Alam ko ang mga iyon Tina pero kapag nagmamahal ka hindi mo na naiisip kung nalulugi ka ba o luging lugi ka na. Mas matimbang pa din ang nararamdaman ng puso mo na para bang manhid sa mga pangyayari." "Eh bakit ka nga nagkakaganyan ngayon?" "Ewan ko ba! Feeling ko pagod na pagod na ako. Feeling ko hindi na ako makahinga sa mga pangyayari sa buhay ko." dahan dahang napapikit si Stacey at saka tumulo ang kanina pang nagbabadya na luha. "Suko na ako." Sa sobrang kalasingan ni Stacey ay napahawak siya sa tiyan niya at saka isinuka ang ilang lagok ng beer. Sa dami ng kanyang naisuka ay umikot ang kanyang paningin at saka napasandal sa kanyang inuupuan. Ang kanyang buhok ay basa ng pinaghalong luha, laway at suka. Nang sumunod na araw ay hindi nakapasok sa trabaho si Stacey dahil sa hang over. Umuwi siya sa bahay ng mga magulang niya nang lasing na lasing. Hindi niya kakayaning makita doon si Gerry kung sakali mang uuwi siya. Hindi na nagtanong ang mga magulang niya dahil alam na nito ang nangyari. Paano kasi ay tawag ng tawag doon ang Nanay nitong si Gerry at sinasabing nandito ang asawa't mga anak ni Gerry kaya wag na sana manggulo itong si Stacey. Sa mga sumunod na araw na pag tawag ng Nanay nito ay karaniwang hindi na nila pinapatapos pang magsalita ito. Agad agad na inalalayan si Stacey ng kanyang Ina, pinunasan ang buong katawan nito at sinamahan hanggang sa pagtulog. Hindi gumising si Stacey hanggang sa mag alas nwebe na at maghahapunan na ang buong pamilya. "Ate, tara kain na." yaya ni Jessie na nakababatang kapatid ni Stacey. "Hindi ako gutom." "Stacey naman, alcohol lang ang ininom mo kagabi, hanggang sa harap ng building natin ay nagsusuka ka. Buti na lang talaga ay hinatid ka ni Tina." "H- hinatid ako ni Tina?" "Kita mo lasing na lasing ka, hindi mo na naaalala." Ilang araw hindi pumasok sa trabaho si Stacey, nakahiga lang siya at nakatitig sa kawalan. Ang phone niya hanggang ngayon ay hindi pa din gumagana. Ayaw niya na din ito ipaayos at kahit nakakailang tawag si Gerry sa bahay nila ay hindi niya ito sinasagot. Isang araw nga ay kumatok ito sa pintuan nila pero dahil magisa lang siya sa bahay ay hindi niya ito binuksan. Hindi niya kayang harapin si Gerry. "Stacey, alam kong nasa loob ka, buksan mo na naman ang pinto. Akala ko ba mahal mo ko?" Hindi na napigilang hindi sumagot ni Stacey. "Alam mong mahal kita Gerry, pero alam ko na sa ganitong sitwasyon at lagi akong talo. Hinding hindi ako mananalo sa asawa mo, kasal kayo, may mga anak kayo, mas kailangan ka niya." "Akala ko ba napagusapan na natin ito, akala ko ba okay lang na dalawin ko ang mga anak ko." "Okay lang naman na dalawin mo sila, pero ikaw na din itong mismong nag decide na doon ka muna matutulog sa sandaling panahon. Anong gusto mong isipin ko? Mag manhid manhidan ako? Pagod na ako Gerry. Umalis ka na! Wala kang mapapala na sa akin." "Please naman Stacey, mahal na mahal kita. Parang awa mo na." nagsimula nang kalampugin ni Gerry ang pintuan. "Tumigil ka Gerry, kung hindi ka titigil ay tatawag ako ng pulis!" pananakot ni Stacey na ikinatigil naman nitong si Gerry, mangiyak ngiyak siya na napasandal sa pintuan habang dahan dahang napapaupo sa may sahig. Si Stacey naman, bagamat naiiyak din ay pumunta na lamang sa kwarto at binuksan ang TV, pinalakasan pa ang volume para lang hindi na niya marinig ang umiiyak na Gerry sa labas. Sinubukan niyang ituon ang atensyon sa balita sa TV na tungkol sa bagong team ng football sa Pilipinas na bagamat mas pinapakita ang mga foreigner na manlalaro ay sinasabing manlalaro ito ng Pilipinas at proud to be pinoy ang mga ito. Ang mga fans naman nito ay tiling tili.
19
Kaya ko nga bang panindigan itong ginagawa ko? Kaya ko bang mawala at burahin si Gerry sa buhay ko? Binaha ng katanungan si Stacey, hanggang sa tumulo na naman ang mga luha na akala niya ay naubos na. Hindi, hindi ako lalabas. Dito lang ako. Kaya ko ito. Mas mahal ko ang sarili ko, wala lang akong mapapalang magandang kinabukasan sa kanya. Eto ang paulit ulit na sinasabi ni Stacey sa sarili. Sa wakas ay dumating na ang gabi at isa isang nagsidatingan ang mga pamilya ni Stacey mula sa kanya kanyang trabaho. "Ano kaya kung magbakasyon ka muna sa Pilipinas anak? Baka doon mas makapag isip isip ka." sabi ng kanyang Ama na si Lauro habang hawak hawak ang kanyang kamay. Hindi palasalita ang Ama niya pero ang mga huling sinabi nito ang pumukaw sa kanya. "Ate baka doon ka na makapag move on." sabat naman ng kapatid niyang si Jessie na twenty years old na. "Kailangan mo yan eh. Maawa ka naman sa sarili mo, bigyan mo ang sarili mo ng pagkakataon na sumaya." Tinaymingan ni Stacey na wala sa bahay si Gerry nang kunin niya ang mga gamit niya. Kasama niya pa si Tina para kung sakali mang dumating itong si Gerry at hindi ito makapalag sa sasabihin niya. Kabang kaba si Stacey sa ginagawa niyang pagi- impake dahil baka anumang oras ay dumating si Gerry. Hindi naman ito ang unang beses na nakipag hiwalay siya dito. Paano naman kasi ay kahit dati ay nagagawa na siyang saktang nito sa tuwing sasabihin niya na makikipag hiwalay siya, at kahit pa sinabing hindi nito sinasadya ay hindi niya pa din maialis ito sa isip gawa ng trauma. Eto ang kailanman hindi niya sinabi sa mga magulang niya o sa kahit na sino. Kahit papaano ay gusto niya pa din itong protektahan sa mata ng mga tao. Saka niya naisip na ang kapal pala ng mukha nito. Napaniwala niyang mahal niya talaga ako when in fact hindi pa nga kami mag asawa ay sinasaktan na niya ako. "Alam mo girl, I'm so proud of you, unti unti ka ng nagigising sa katotohanan." sabi ni Tina habang iniabot sa kanya ang tinuping damit para ilagay sa travelling bag. "Natutuwa din ako Tina, pero tama ang pamilya ko, kailangan ko pa din mag move on, kailangan ko munang lumayo para buuin ulit ang sarili ko." "Tama ka, buti na lang at pinayagan ka ni Mr Chan mag leave, sabi niya pwede ka daw bumalik kahit kailan mo gusto. Talagang may gusto sayo!" pangaasar ni Tina. "Pero Tina, totoo bang pumupunta pa din siya sa bar?" "Oo, lagi ka pa din niyang tinatanong sa akin, umaasa pa din siya na makita ka niya doon. Sa bahay ng mga magulang mo lang siya hindi makapalag." "Oo nga eh. Mabuti pa bilisan na natin at baka maabutan pa niya ako dito." At nagmadali na sa pagiimpake ang dalawa. Wala pang labing limang minuto ay natapos na din sila. Bago pa umalis si Stacey ay nagiwan siya ng isang sulat na magpapaliwanag kay Gerry na mawawala na siya ng tuluyan sa buhay nito. Padabog na umuwi si Gerry sa bahay na tinitirhan nila ni Stacey. Halos isang linggo na silang hindi nagkikita nito at sa totoo lang ay miss na miss na niya ito. Totoo nga na doon muna siya sa bahay ng Nanay niya tumutuloy pero ito ay dahil isa sa mga anak niya ay may sakit. Napahiga si Gerry sa kama nang masulyapan niya ang bukas na pinto ng cabinet. Tumayo siya para isara ito, ito ang ang cabinet ni Stacey. Nagulat siya nang makita niyang wala na pala itong kalaman laman at ang tanging natira na lang sa cabinet ay isang papel na nakatupi. Kinuha niya ito at sinilip, sulat kamay ni Stacey. Nagsimula siyang basahin ang sulat. Gerry, Aalis na ako, huwag ka ng umasa pang babalik ako sayo dahil buo na ang desisyon ko. Gagawin ko ito para sa sarili ko kaya sana bigyan mo ko ng pagkakataon na mag bagong buhay. Hindi ko kayang isipin na nakikihati ako sa atensyon mo at ang mga kaagaw ko pa ay ang dati mong asawa at anak. Hindi ko masikmura na ako ay pangalawa lamang sa priority mo. Hindi ko sinasabing nagsisisi ako sa mga nangyari pero naisip ko din na sana pala ay umiwas na ako sayo dati pa. Isa lang ang maihihiling ko sayo, huwag na huwag mo na akong hahanapin, alam kong maliit na lugar lang ang Hong Kong, alam mo kung
20
saan ako nakatira o nagtra trabaho pero sinasabi ko sa'yo, wala kang mapapala.
Good bye. Stacey Matapos mabasa ni Gerry ang sulat ay nilukot niya ito na halos mapunit. Sa sobrang galit ay nasuntok niya ang pinto ng cabinet ng makailang beses hanggang sa nagdugo ang dalawang kamao niya. Inaamin niyang hindi siya perpektong tao at inaamin niya din na minahal niya si Stacey, kung pwede nga lang sana ay hatiin niya ang sarili niya sa dalawa. Hindi niya din kayang abadunahin ang mga anak niya. At sa sobrang galit ay nasasaktan niya si Stacey hindi lang sa pananalita kung hindi pati na din sa pisikal. "Stacey, nagsisisi na ako, bumalik ka na sana..." humahagulhol na sabi ni Gerry, ang kanyang buhok ay makailang beses niyang sabunutan sa sobrang galit, ilang oras siyang nasa ganoong sitwasyon. Hindi na niya hahabulin pa si Stacey, hindi siya makapunta sa mga magulang nito dahil wala din siyang mukhang maihaharap. Galit na galit siya sa sarili niya, sinisisi niya rin ang sarili, kung maibabalik niya lang sana ang panahon. Sakay sakay na ng isang eroplano papuntang Manila si Stacey, at dahil masakit na ang ulo niya sa kaiiyak ay napagdesisyunan niyang matulog na lamang sa buong biyahe. Wala na siyang nararandaman ngayon, matapos ang ilang araw na pagiiyak ay pagod na pagod na siya sa ganitong sitwasyon siya din naman ang nagsimula. Wala na siyang maramdaman kung hindi pagkapagod, manhid na siguro siya sa lahat ng bagay na naaalala niya tungkol kay Gerry. Hindi na namalayan ni Stacey na nakatulog na pala siya at nanatili siyang ganoon sa loob ng halos isa't kalahating oras. "Tessie!!!" napalingon si Stacey sa pamilyar na boses na iyon. Sa wakas ay nakarating na siya sa Ninoy Aquino International Airport 3, nalamapasan na din niya sa ang immigration at ang customs. Siya ngayon ay nakatayo sa arrival hall habang tulak tulak ang isang kart na nagdadala ng lahat ng gamit niya. Naramdaman niya bigla ang simoy ng hangin dito sa Pilipinas na ibang iba sa Hong Kong. Dito kasi sa Pilipinas, kahit tag init ay makakalanghap ka pa ng hangin. Pero tulad ng Hong Kong ay grabe ang polusyon dito, hindi lang sa hangin kung hindi pa din sa ingay ng mga tao, ng mga sasakyan, ng eroplano, ng announcer ng airport. Muntikan na siyang matumba dahil sa pagkahilo pero buti na lamang at sinalo siya ng isang lalake. Lalakeng pumukaw ng dati pang natatagong damdamin, gulo gulo ang buhok nito, naka polo shirt at short. Kung hindi siya nagkakamali ay ito ang kababata niyang si Andrew, nakilala niya ito noong nakatira pa sila sa Cavite bago sila nag migrate ng Hong Kong. Matagal din silang naging magkaklase nito, at lagi siyang nakakatanggap ng sulat mula dito. "Naaalala mo pa ba ako Tessie, este Stacey ka na pala ngayon?" nakangiting tanong nito. "Oo naman Andrew." masaya niya itong niyakap ng mahigpit. "Bakit nga pala ikaw ang sumundo sa akin dito?" "Biglaan naman kasi ang uwi mo, Biyernes ngayon kaya may pasok ang mga Tiyo mo sa trabaho habang ang Lola mo naman ay nasa Van, hindi makalabas dahil sa sobrang init. Kung kaya naman ako na lang pinaghintay nila dito." Ngumiti na naman si Andrew na nagpaalala kay Stacey na naging crush niya ito dati pa, hindi niya lang nasabi dahil naging abala sila sa paglilipat sa Hong Kong. Hindi niya alam kung bakit pero tulad ng dati ay kumakabog na naman ang dibdib niya sa nang makita ang lalakeng ito. "Salamat sa pagsundo sa akin ah, oo nga pala, meron ka bang facebook? Hindi na ako nakakasagot sa mga sulat mo sa akin, alam mo naman-" "Oo busy ka. Wala akong facebook, pero alam ko usong uso yun ngayon eh. Turuan mo naman ako doon o. Alam mo naman masyado din ako abala sa trabaho ko bilang prof sa University na malapit sa atin kung nababasa mo nga ang mga sulat ko, nakasulat naman yun lahat doon. Buti na lang talaga ngayon ay maaga natapos ang klase ko, ako na ang nagpresinta na sumundo sayo." "Oo naman binabasa ko pa din ang mga sulat mo, too bad hindi talaga ako nakakapag reply. Busy din ako sa trabaho ko, lagi akong puyat." Hindi niya masabi na pinagbawalan din siya ng mga dati niyang nobyo kasama si Gerry na sumagot sa mga sulat nito dahil sa selos. "Anyway, salamat ulit ha, hayaan
21
mo tuturuan kita mag facebook." natatawang sagot ni Stacey. Kinuha ni Andrew ang mga bagahe ni Stacey sa kart at nagsimula na silang lumabas ng mataong airport. Hawak kamay silang naglalakad papunta sa van kung saan naghihintay ang kanina pang naiinip na Lola nito.
22