Вы находитесь на странице: 1из 3

November , 2013 Mother tongue II Layunin: Nakikilahok sa talakayan ng pangkat o klase Natutukoy ang iba pang pang-ukol na ginamit

sa isang pangungusap Natutukoy ang gamit ng pang-ukol Nagagamit ang pang-ukol sa sariling pangungusap. Kasanayang Pagbigkas at Wika A. Panimulang Gawain Ipabasa ang tugma sa LM. B. Pagganyak Itanong kung tungkol saan ang tugma at kung ano-ano ang tinutukoy nito. Pag-usapan ng klase kung paano sila makaiiwas sa pagkakasakit dulot ng kagat ng lamok. C. Paglalahad/Pagmomodelo Ipabasa ang mga pangungusap sa LM. D. Pagtalakay Sa unang pangungusap, ano ang salitang iniuugnay ng ayon sa sa iba pang salita sa pangungusap? (doktor) Ano ang tawag sa salitang doktor? (pangngalan) Gawin ang ganitong uri ng pagtatanong sa lahat ng halimbawang pangungusap. Sabihin sa mga mag-aaral na ang mga salitang naiiba ang pagkakasulat ay tinatawag na pang-ukol. May mga kataga o parirala na ginagamit upang iugnay ang pangngalan sa iba pang mga salita sa pangungusap. Ang mga ito ay ang: para sa/kay/kina ukol sa/kay/kina ayon sa/kay/kina hinggil sa/kay/kina laban sa/kay/kina tungkol sa/kay E. Paglalahat Ano ang tawag sa mga kataga o parirala na naguugnay sa pangngalan sa iba pang mga salita sa pangungusap? Ano-ano ang halimbawa nito? Ipabasa ang Tandaan sa LM. F. Paglalapat Pangkatin ang mga bata. Pabunutin ang bawat pangkat sa mahiwagang kahon na naglalaman ng mga pang-ukol na nakasulat sa maliit na piraso ng papel. Ipagamit ang nabunot na pang-ukol sa isang pangungusap.

G. Kasanayang Gawain 1. Pinatnubayang Pagsasanay Ipagawa ang Gawain 1 sa LM. 2. Malayang Pagsasanay Ipagamit sa sariling pangungusap ang mga salita sa Gawain 2 sa LM.

Layunin Nakapagtatalakay ng mga mahahalagang pangyayari gamit ang mga salitang naglalarawan na angkop sa sariling kultura. Nababasa at natutukoy ang mga salitang may kambalkatinig/klaster Istratehiya: Read Aloud, Interactive Reading H. Gawain Bago Bumasa 1. Paghahawan ng balakid Ipabasa ang mga salita at ang mga pangungusap na magbibigay kahulugan dito sa LM. 2. Pagganyak Naranasan na ba ninyong magkasakit? Anong sakit?Narinig o alam ba ninyo ang sakit na Dengue?Anong uri ng sakit ito?Saan ito galing? 3. Pangganyak na Tanong Ano ang ilang paraan upang maiwasan ang sakit na dengue? I. Gawain Habang Nagbabasa Ipakuha ang LM at ipabasa ang balita sa pahina 137. 1. Ipabasa sa mga bata ang balita nang tuloy-tuloy 2. Ipabasa sa mga bata ang balita nang may paghinto at interaksiyon a. Itanong pagkatapos basahin ang unang talata. Sino ang nagsabing dumarami ang kaso ng dengue? Bakit nasabi ito ng DOH? Ano ano ang palatandaan o sintomas ng pagkakaroon ng Dengue? b. Itanong pagkatapos basahin ang ikalawang talata. Ano ano ang ginawang hakbang ng pamahalaan upang labanan ang sakit na ito? J. Gawain Pagkatapos Bumasa 1. Pagsagot sa pangganyak na tanong

Tumawag ng ilang bata upang magbahagi ng kanilang sagot. 2. Ugnayang Gawain Pangkatin sa apat ang mga bata. Ipagawa ang gawaing nakalaan sa bawat pangkat. a. Pangkat I: Nabasa Mo, Ibalita Mo! Pag-usapan ng pangkat ang tungkol sa balitang binasa. Lagumin ang balita at pumili ng isang miyembro na aaktong isang reporter at mag-uulat ng balitang binasa. b. Pangkat II:Dahilan Ko, Iguhit Mo! Iguhit sa manila paper ang pangunahing sanhi ng sakit na Dengue. Ipaliwanag kung paano kumakalat ang sakit na ito. c. Pangkat III: Solusyon Mo, Iarte Mo! Isadula ang mga paraan kung paano makaiiwas sa sakit na dengue. Ipaliwanag ito sa klase. d. Pangkat IV: Pag-usapan Natin! Pag-usapan ang mga pangyayari sa balita. Isulat sa isang malinis na papel ang inyong naramdaman/naging saloobin sa pagbasa ng balita. Idikit ang mga sinagutang papel sa isang manila paper. Iulat ito sa klase. 3. Paglinang sa Kasanayan a. Tungkol saan ang balita?Sino ang nagsasabi na tumataas ang kaso ng Dengue sa Pilipinas? Pakinggan natin ang ulat ng Pangkat I b. Ano ang pangunahing sanhi ng sakit na ito?Paano ito lumalaganap? Tingnan ang pag-uulat ng Pangkat II. c. Paano maiiwasan ang paglaganap ng sakit na Dengue?Ano-ano ang mga paraan upang malabanan ito? Panoorin ang Pangkat III. d. Ano ang inyong naging saloobin sa laman ng balita? Pakinggan ang pag-uulat ng Pangkat IV. K. Paglalahat Paano ninyo naunawaan ang inyong binasa?

Ipatukoy ang ngalan ng bawat larawan sa LM. Isulat ang mga salita sa pisara. B. Paglalahad Ipabasa ang mga ito sa mga bata gripo globo dyanitor braso plantsa Ipabaybay ang bawat salita. C. Pagtalakay Ilang katinig mayroon ang unang pantig ng mga salita? (2) Paano binibigkas ang tunog ng dalawang katinig? (madulas at parang iisa ang tunog) Ano ang tawag sa mga salitang ito? (Kambal katinig) D. Paglalahat Ano ang kambal katinig? Paano binibigkas ang tunog nito? Paano binabaybay ang mga ito? Ipabasa ang Tandaan sa LM. E. Paglalapat Sabihin sa mga bata na tumingin sa loob ng silid-aralan at maghanap ng mga pangngalan na may kambal katinig. F. Kasanayang Gawain 1. Pinatnubayang Pagsasanay Idikta ang mga salita para sa pagbaybay na gawain ng mga bata gamit ang showme-board. gramo klase plawta klima prinsesa plaka trumpo grasa grado blusa plano drama dram preno plasa

2. Malayang Pagsasanay Ipagawa ang Gawain 3 sa LM. G. Pagtatasa Ipangkat ang mga bata sa apat (4). Magpadamihan sila ng mga salitang may kambal katinig. Ipaulat sa bawat pangkat ang kanilang output.

A. Pagganyak

Layunin: Nakababasa ng isang balita, artikulo, at iba pa nang may kahusayan Nakasisipi ng isang liham paumanhin Kasanayan sa Pagbasa at Pagsulat A. Balik-aral/Pagganyak Ano-ano nga ang kailangang tandaan sa paggawa ng isang sulat pangkaibigan? B. Paglalahad Pagbasa sa kuwento sa LM. C. Pagtalakay Ano ang nilalaman ng sulat?Kanino nanggaling ang sulat?Para kanino ito? Ano ang tawag sa sulat na humihingi ng paumanhin? Paano binuo ang sulat paumanhin? D. Paglalahat Ano ang sulat paumanhin? Paano ito binubuo? Ipabasa ang Tandaan sa LM. E. Pagsasanay sa Pagsulat Sipiin ang sulat nang wasto sa LM. Gawin ito sa kuwaderno.

Вам также может понравиться