Вы находитесь на странице: 1из 2

REPUBLIKA NG PILIPINAS LALAWIGAN NG LAGUNA BAYAN NG CABUYAO

) ) SS. )

KONTRA SALAYSAY Ako, si ANNA ALVIE T FRANCISCO, Filipino, nasa hustong gulang, may asawa, at naninirahan sa Purok 5 Gulod, Cabuyao, Laguna, pagkatapos makapanumpa nang sang-ayon sa ipinaguutos ng batas ay malaya at kusang loob na dito ay nagsasaysay: 1.) Na ako po ay sinampahan ng kasong "THEFT" na may INV-No. 13A-00023, 13A-00024 at 13A-00025 sa City Prosecution Office ng Cabuyao, Laguna: 2.) Na nasabi umanong kaso ay naganap noong ika-30 ng Setyembre 2012 bandang 7:00 ng gabi sa bahay ni Ginang Maria Rhodora Nakamura Leal na matatagpuan sa # 311 Purok 5 Brgy. Gulod, City of Cabuyao, Laguna. 3.) Na noong makalipas po ang ilang taon bago mangyari ang pagsampa sa akin ng kasong THEFT kami po ay matalik na magkaibigan ni "Rhodora" dahil sa tagal ko na siyang kasama, ako po ang sandalan niya tuwing siya ay may problema at may pagkakataon pa nga po na isinasama pa po niya ako sa mahahalagang okasyon ng kanyang pamilya at mas lumalim pa po ang aming samahan ng maging kaibigan po ng anak niya ang anak ko. 4.) Na wala pong katotohanan ang nasabing alegasyon na kinuha ko po ang pera niya at kanyang mga alahas sa kadahilanan na malalim ang aming samahan at hindi po kaya ng aking konsyensya na suklian ko po ng hindi magandang asal ang kabaitang loob at mapagkumbabang kaugalian ng pamilya ni Rhodora. Ang nakikita ko pong dahilan kung bakit ako inakusahan ng kasong THEFT ay dahil sa inggit ng aking kapwa kaibigan dahil madalas po kaming lumabas ni Rhodora kaysa sa bilang ng pagkakataon na inilalabas at iginagala sila ni Rhodora. 5.) 6.) Na ikinagulat ko po ang pag-akusa sa akin ni Rhodora, nalaman ko na lang po nang marinig ko po sa aming komunidad na ako po ang pinag-uusapan nila dahil sa diumano'y pagnanakaw ka daw po ng pera at nasabing alas. Ako po ay na-trauma, nahiya, natakot at di-makatulog ng ilang araw dahil sa epekto po nito sa aking pamilya ng malisyosyong pag-aakusa sa akin sa kasong hindi ko naman ginagawa. Ang mas kinakasamaan ko pa po ng loob ay pinagbitanggan ang aking anak na di umano'y kumuha ng alahas ni Rhodora.

7.) Na ang salaysay na ito ay aking ginawa bilang sagot sa nasabing kaso at upang mapatunayan na wala pong katotohanan ang nasabing kaso na isinampa laban sa akin;

SA KATUNAYAN NG LAHAT NA ITO, ako ay lumagda dito ngayong ika- ______ ng ___________, 2013 dito sa _________________

ANNA ALVIE T. FRANCISCO Nagsalaysay NILAGDAAN AT SINUMPAAN SA HARAP KO, ngayong ika ______ ng __________, 2012 sa ________________________.

__________________________________

CERTIFICATION I hereby certify that I have personally examined that the affiant and I am convinced that he understood its contents and voluntarily executed the same.

Вам также может понравиться