Вы находитесь на странице: 1из 5

ANG UNANG HARI NG BEMBARAN (Alamat ng Maguindanao) Salin ni Venacio L.

Mendiola ng The First Ruler of Bembaran ni Bolawan Manalisig/Lawa Cali Noong unang araw, kakaunti ang mga tao sa mundo at marami sa kanila ang mangmang at walang tao sa kanilang gawain at bagamat di pa umuunlad ang lugar na ito ay masasabing maganda na. Sa buong Bembaran, kulang lamang na 20 pamilya ang nasasakop ng Ayonan, si Diwantandaw Gibon. At sapagkat malapit sa dagat ang Bembaran ang mga alon ay sumasalpok sa gitna nito. Nababatid ng mga tao na walang kasingganda ang kanilang pook. Batid nilang ligtas sila sa kanilang mga kaaway pahintulot buhat sa kinatatakutang tagapayong ispiritwal, si Pinatolo i kilid, ang kakambal na isipiritu ni Diwatandaw Gibon, ang unang hari ng Iliyan a Bembaran. Walang palagiang anyo ang ispiritung ito. Sa dagat, ito ay buwaya; sa lupa ito ay isang tarabosaw* at sa himpapawid, ito ay isang garuda. Isang araw ang mga tao sa Torogan ay nabahala sapagkat napansin nila na malungkot ang Ayonan. Inanyayahan ni Mabowaya Kaladanan, isa sa mga nakatatanda, na magpunta s torongan upang tulungan ang Ayonan sa kanyang suliranin. Nang ang lahat ay naroroon na, nagtanong si Dinaradiya Rogong, isang iginagalang na pinuno, sa kapulungan kung may nakakaalam sa lugar, na kasingganda at kasingyaman ng Bembaran, na kung saan may nakatirang prinsesa na maaaring mapangasawa ni Diwatandaw Gibon. Ang lahat ay nag-isip sumandali ngunit walang makapagsabi ng ganoong lugar. Tumayo si Dinaradiya Rogong at iginala ang kanyang paningin sa mga taong nangakakatipon upang alamin kung ang lahat ng tao roon ay dumalo. Pagkatapos ay namataan niya ang isang mangingisdang nakaupong malapit sa pinto at malayo sa karamihan. Tinawag niya ito at tinanong Samar, sa lahat ng iyong pangingisda sa iba,t ibang lugar, nakarating ka na ba sa isang lugar na kasingganda ng Bembaran, na may isang magandang prinsesa na maipapantay sa ating Ayonan? Ngumiti ang mangingisda at nagsalita: Opo, dato, alam ko ang ganyang lugar at itoy di maihahambing sa ganda sa anumang bagay rito. Itoy tinatawag na Minangoaw at ang pangalan ng hari ay Minangondaya a Linog. Ang hari ay may isang anak na babae na pinangalanang aya Paganay Bai, ang pinakamagandang babae sa pook. Nang marinig ng mga tao ang sinabi ng Samar, napagusapusapan sila. Marami ang naniniwala sa kanyang sinabi sapagkat siyay isang mangingisda at maaaring nakita niya ang lugar. Ngunit nagalit si Dinaraduya Ragong sapagkat siyay marami ring nalakbay at kailan man sa kanyang paglalakbay ay hindi siya nakatagpo o nakarinig ng tungkol dito. Naisip niyang nagbibiro ang Samar o niloloko sila kayat nagbabala siya: Mag-ingat ka sa iyong sinasabi. Nakapaglakbay ako sa maraming lugar at kalian may di ko narinig ang ganyang lugar. Mabuti pay magsabi ka ng totoo pagkat hahanapin naming ang lugar na ito, at parurusahan ka naming kapag hindi naming natagpuan ito. Tiningnan ng Samar ang datu at nakita niyang namumula sa galit ang mukha nito. Lumundag siyang palabas sa torogan. Nagpunta ang ibang pinuno sa Dinariya a Rogong at hinikayat siyang hanapin ang Minagoaw a Rogong. Nang sumunod na araw, naghanda sila sa kanilang paglalakbay at nanguha at naghanda ng pagkain at ilang pangangailangan. Nang handa na ang lahat, umalis ang pangkat ngunit sa halip na maglayag sa karagatan, silay naglakbay sa dalampasigan at nagtatanong sa mga tao kung saan nila matatagpuan ang Minagoaw. Ngunit wala kahit sinuman ang nakarining sa ganoon lugar. ---------------------------------------------*tarabosaw - isang higanteng kumakain ng tao at hayop garuda - agila Pagkatapos ng isang buwan paglalayag, nakakita sila, isang madaling araw, ng dalawang mangingisdang nag-aaway. Nang halos magpang-abot na ang dalawa, nangagsidating ang mga lalaki sa Bembaran at sumigaw si Diwatandaw Gibon, Hinto!

Kung kayoy maglalaban, masasaktan kayo o mamamatay at magdurusa anuman ang mangyari. Isipan ninyo ang inyong mga pamilya! Huminto sa pag-aaway ang dalawa at tinanong ng hari kung saan sila nakatira. Sumagot ang isa sa kanila, Dato, akoy tagaMinango aw. Nang marinig nila ito, nagalak ang pangkat sapagkat natapos na ang kanilang paghahanap. Inutusan ng Ayonan ang mga mangingisda na lumipat sa kanilang bangka upang patnubayan sila sa pagpunta sa kanyang lugar. Sa paglalakbay pinagtatanong nila ang mangingisda na kanya naming sinagot sa kanilang kasiyahan. Noong papalapit na sila sa bukana ng look, nakiusap ang mangingisda na magpauna sa kanila sa kanyang sariling bangka upang ipagbigay-alam sa kanyang hari ang kanilang pagdating at ibalita sa kanya na silay mga kaibigan, at hindi mga pirata. Pagkalunsad nito, dali-dali siyang nagtuloy sa torogan ibinalita sa Ayonan ang tungkol sa mga panauhin. Tinipon ng hari ang kanyang mga nasasakupan at napagkasunduan nilang salubungin ang mga panauhin sa dalampasigan. Naghanda ng isang malaking piging ang hari ng Minangoaw para sa kanyang mga panauhin. Nag-handa ang mga babae ng masasarap na pagkain. Pagkakain nag mga panauhin ay inaliw nila sa pamamagitan ng sayaw kolintang, sagayan at ang lahat ng uri ng paligsahan sa pag-wait o sakba. Nang matapos na ang lahat ng uri ng palaro, tumayo at nangusap ang tagapag-salita ng hari at tinanong ang mga panauhin kung bakit sila nakarating sa Minangoaw. Ang kinatawan ng Diwatandaw Gibon ay tumayo. Sinabi niya na dinala nila ang kanilang batang hari at magalang na ipinakilala. Pagkatapos ay nalaman ng mga tao na ang sadya ng mga panauhin ay upang pakasalan ng Ayonan ang kanilang prinsesa. Tinanggap ang handog at ang paghahanda ay nagsimula. Napakasaya ni Diwatandaw at ang kasal ay ginanap sa gitna ng kasayahan at labis na pagpipiyesta. Namalagi si Diwatandaw Gibon sa Minangoaw ng limang taon at sa panahong itoy nanganak ng dalawang lalaki ang kanyang kabiyak. Hinandugan siya ng kanyang biyenan ng korona nito at kapangyarihan. Sa buong panahong naturan, hindi niya dinalaw ang Bembaran at nagyon siyay puno ng malakas na pag-asam at pananabik na makabalik sa kanyang lupain. Nilapitan niya ang kanyang biyenan at nagsabi: Aking biyenan, kung pahihintulutan ninyo, nais kong makabalik sa Bembaran. Ibig kong makita kahit ang damo ng pook na aking sinilangan. Tumango si Minangondaya Linog. Tama ka. Humayo k. Pagkatapos ay tinawagan niya ang kanyang dalawang apo, inakbayan ang bawat isa at sinabi sa nakatatanda: Ikaw ay si Tominaman sa Rogong. Balang araw pupunta ka sa Bembaran, ang lugar ng iyong ama. Katungkulan mong paunlarin ang lugar at pasayahin ang mga tao ng Bembaran. Bumaling sa nakababata at sinabi: Ikaw ay si Mangondaya Boyisan. Bilang bunso dapat mong tulungan ang iyong kapatid sa pagpapaunlad ng Bembaran at Minangoaw. Humanda ka sa pagtulong at pagtatanggol sa mga tao sa dalawang lugar na ito. Pagkatapos ay binigyan ng hari ang dalawa niyang apo ng sumusunod na pamanang gamit: isang mahiwagang bangka, ang Riramentaw Mapalaw, na lalong kilala bilang Rinayong , na nakapaglalayag sa dagat na hindi na kailangan ang sagwan sapagkat ispiritu ang nagpapadpad dito. Binigyan rin niya ang mga apo ng isang agong na pinangalang Magandiya a Oray. Itoy minana pa niya sa kanyang lolo, isang ginintuang agong na kung pinapalo ay maririnig sa lahat ng lugar ang tunog at kagyat na matatawag ang lahat ng tao; at dalawa pang agong: Rogongan a Posaka at Momongara Dayiring. Tinawag niya ang kanyang anak na si Prinsesa Aya Paganay Bai. Nang lumapit ang prinsesa at maiharap sa kanya ama, sinabi ng ama sa anak na maaari siyang magtungo sa Bembaran kasama ng asawa at mga anak. Pagkatapos ay kanyang pinayuhan ang anak. Anak ko, ang iyong unang katungkulan ay sundin ang iyong asawa at pangalagaan ang

kanyang kalusugan kapakanan. Mahalin mo siya at alaming kapwa kayo mabuhay nagkakasundo. Buhayin at mahalin mo ang inyong pamilya at tingnan mo na silay nasa mabuting kalusugan. Ipaglaban mo ang iyong karapatan at ang karapatan ng iyong hari. Humanda kang ipagtanggol ang iyong dalawang bansa ng Bembaran at Minangoaw. Igalang mo ang mga matatanda at bata. Mahalin mo ang mahihirap at ang mga ulila. Bigyan mo ng pagkakataon ang bawat isa na magtagumapy sa buhay. Maging matapat ka sa lahat. Kung dumating ang mga panauhin, tanggapin mo silang pantay-pantay kahit na sila ay maharlika pa alipin. Turuan mo ng mabubuting bagay ang iyong mga anak. Lagi mong tupdin ang anumang pangako. Maging mabuti kang maybahay at panatilihing mong malinis ang iyong bahay, sa loob at labas, sa ibaba at itaas, pati ang bakuran. Tinapos ng Ayonan ang kanyang pangaral at hinati ang kanyang ari-arian sa dalawa. Kalahati ang ibinigay niya sa anak niyang prinsesa sa kanyang pag-alis. Dinala ni Diwatandaw Gibon ang kanyang mag-anak at ang lahat ng kayamanan ibinigay sa kanila ng kanyang biyenan. Sakay ng Rinayong, siya ay naglalakbay kasama ng kanyang mag-anak.

Nang malapit na sila sa bayang sinilangan, inutos ni Diwatandaw Gibon na patunugin ang mga agong sa buong lupain upang ibalita ang kanyang pagdating. Nagtakbuhan ang mga taga-Bembaran at inilabas ang lahat ng kanilang mga bandera at magagandang mga palamuti at iniladlad ang mga ito. Ang mga bandera at palamuti ay masayang dinapyuan ng amihan at ang lahat ng bahay sa daanan at nagpatugtog ng kolintang. Ginayakan ang isang tanging silya at dinala sa dalampasigan samantalang sa torogan ay may itinanghal na mga pamanang ari-arian na yari sa tanso, pilak at ginto. Sa pagadaong ng bangka, nagpaputok ng kanyon upang salubungin si Diwatandaw Gibon at ang kanyang mag-anak. Pumila ang lahat ng tao sa dalampasign at silay masayang sumalubong sa Ayonan at sa kanyang magandang asawa at mga anak. Dinala nila ang silyang pinalamutian nang magandang tangkongan para upuan ni Aya Paganay Bai at binuhat siyang buong ringal at kamaharlikahan papunta sa torongan. Tatlong taon ang matuling lumipas sa Bembaran. Isang araw, habang ang Ayonan at ang kanyang asawa ay nakaupo sa lamia* namasdan ni Diwatandaw Gibon n kakaunti ang mga batang nagsisipaglaro sa bakuran. Naisip niya, na kaawa-awa na ang isang maganda at mayamang lugar tulad ng Bembaran ay may kakaunting tao lamang na magtatamasa nito? Tinanong niya ang asawa. Ano ang palagay mo sa kaisipang ito? Papayagan mo ba akong mag-asawa ng marami pang mga babae upang madagdagan ang populasyon ng Bembaran? Narining ko na maraming mabubuting mga babae sa Lombayoan a Lena, Kodaranyan a Lena, Bagombayan Miyaraday dalian at sa Minisalaw Ganding. Nagulat ang prinsesa. Nasabi niya sa sarili na kung nalaman lamang niya na binabalak niyang gawin ito, disin sanay hindi siya pumayag na magtungo sa Bembaran. Malakas niyang sinabi, Mahal kong asawa, napakahirap kong tanggapin ang balak mo. Kung maririnig ng mag-anak ko ang ang iyong kagustuhan na mag-aasawa ng mga ibang babae, makakagalitan nila ako at sisisihin tungkol dito. Sa palagay koy magiging mabuti para sa iyo na akoy diborsyuhin mo upang malaya mong mapangasawa gaano man karaming babae ang gusto mo. Babalik ako sa Minangoaw sa sandaling payagan mo ako.

Niyakap ni Diwatandaw Gibon ang asawa at sinabi sa kanya, Huwag ka nang magalala. Nagbibiro lamang ako. Pinangako niya ang asawa at ipinaghele sa kanyang braso. Umawit siya ng pinakamamahal kong kabiyak, huwag kang magalit sa akin sa pagkabitiw

ko ng mga salitang nagbigay pasakit sa iyong kalooban. Alam ko na nagpalungkot ito sa iyo, ngunit katungkulan ko bilang isang namumuno na magbalak at mag-aral at mag-isip tungkol sa ikauunlad ng kanyang kaharian. Ang mag-isip, ang magbalak kumilos ito ang mahalagang katungkulan ng isang namumuno maging lalaki o babae. Dapat niyang pagaralan ang lahat ng bagay upang matuklasan kung alin ang totoo, alin ang mali at alin ang biro lamang. Nakinig siya sa kanyang mahinang awit at pinakiusapan niyang ibaba siya sa malaking panggaw.* Tinawag ng prinsesa ang kanyang asawa sa kanyang tabi at winika sa kanyang asawa, pag-uusapan pa natin ang iyong balak. Sa palagay ko ay tama ka. Dapat ngang magkaroon ng maraming nasasakupan ang Bembaran. Makinig ka, kung kulangin ang iyong ari-arian sa paghahanda sa kasal sa lahat ng mga babaeng yaon, sabihin m osa akin upang makakuha pa ako ng ilang ari-arian ko sa Minangoaw. Nang sumunod na araw tinipon ni Diwatandaw Gibon ang lahat ng tao ng Bembaran at ipinahayag ang kanyang mga balak. Ang mahiwagang bangkang Rinamentaw ay inihanda at pagkatapos matipon ang lahat ng kailangan, sinimahan ng piling tauhan si Diwatandaw Gibon sa panliligaw. Una silang nagpunta sa Kodarangan a Lena para kay Walayin Dinimbangew, sa Bagombayan a Lena para kay Walayin Pitagaman, sa Songgaringa a dinar para kay Walayin si Remotak at sa Minisalaw Ganding para kay Walayin Mangobabaw. Kasama ang kanyang mga bagong asawa, bumalik si Diwatandaw Gibon sa Bembaran at sa sandaling marating niya ang Baroraw a Lenaan ang lugar ni Pamanay Masalayon, sa pagitan ng Bembaran at Kaderaan, inutos niyang patunugin ang mga agong upang malaman ng lahat ang kanilang pagdating at makapaghanda sa pagsalubong sa kanya at sa kanyang mga bagong asawa. -----------------------------------------* lamia ang tore ng prinsesa panggaw kama Nang marinig ni Aya Paganay Bai ang agong siyay di mapalagay at malungkot sapagkat alam niya ang kahulugan nito. Pinawisan mabuti ang kanyang mukha. Ngunit naalala niya ang itinuro sa kanya ng kanyang magulang at gaya ng isang tunay na mahinhing babae, tumindig siya at tinawag ang lahat ng mga kababaihan at mga alipin. Inutusan ang bawat isa na maglinis at gayakan ang torogan at ang lahat ng kapaigiran nito. Naghanda siya ng limang malalaking silid tulugan, pinalamutian ang mga ito, at hinintay niya ang pagdating ng asawa. Dumating ang Ayonan at magiliw na binati ang kanyang asawa at ipinakilala ang mga bagong asawa sa kanya. Binati niya sila nang magiliw at sinalubong sila sa Bembaran. Kaya ang hari at ang kanyang mga asawa ay nabuhay nang magkakasundo sa maraming taon. Buhat sa kanyang limang asawa, nagkaroon ng maraming anak si Diwatandaw Gibon, na pawang babae. Silay sina Mabolawan Pisigi ng Kadorangan a Lena; Walayin Dirimbangen o Mapatelama Olan ng Lambayoan a Lena; Garugay a Rawatan ni Bagombayan a Lena; Romentak a Bolawan ng Sanggiringa a Dinar at Mapagalong an sirig ng Minisalaw Ganding. Pagkatapos mabuhay ng maligaya ng labinlimang taon, tinipon ni Diwatandaw Gibon ang kanyang malaking pamilya isang araw at nagsimula siyang magbigay ng kanyang huling testamento. Nakaupo sa kanyang silya, nag-atas siya sa kanila. Sinabi niya sa kanyang mga asawa na kung ayaw nilang magbalik sa kanilang tahanan pagkamatay niya, manatili sila sa Bembaran at pantay-pantay sila ayon sa kapangyarihan ng aya Paganay Bai. Inamuki niya ang kanyang dalawang anak na lalaki na magpakabuti sapagkat pagkamatay

niya, sila ang papalit sa kanya. Binalangkas niya para sa kanila ang pagiging mabuting pinuno. Kung makarinig kayo na anumang alitan sa inyong nasasakupan, simula niya, dapat ninyo itong ayusin sapagkat katungkulan ninyo ito, anyayahan man kayo o hindi na ayusin ito. Huwag kayong kakampi sa anumang panig upang ang inyong pagpapasya ay maging karapt-dapat. Kung may utang na babayaran at ang isang panig ay kulang sa salapi, ibigay ito buhat sa sarili ninyong salapi. Mayroon kayong limang kapatid na babae. Pagsapit ng panahon na sila ay dapat mag-asawa isangguni ang tungkol dito sa inyong kamag-anak, sa panig ko at sa panig ng inyong ina. Huwag kayong makikialam, kahit anuman ang mangyari hanggat nagkakasundo ang dalawang panig sapagkat alam nila na kayong dalawa ang huli nilang daraingan at hihingan ng kapasyahan. Lagi ninyong ipagtanggol ang mga karapatan ng inyong mga nasasakupan sa Bembaran at Minangoaw. Kayo ang kanilang tagapagtanggol at may karapatan silang asahan ito sa inyo sapagkat kayoy aking mga anak. Kung may sinumang magsalita laban sa inyo, kahit sino man sila, maging dugong bughaw, mga karaniwang mamamayan, matanda o bata, dayuhan o katutubo, lalaki o babae, huwag kayong sasagot kaagad. Isipin munang mabuti ang bagay-bagay. Kung itoy gagawin ninyo, hindi kayo magkakamali. Maging mapagpatawad kayo at matiyaga. Gayon man, kung ang pag-insulto ay inulit pa, hamunin ang tao at ipagtanggol ang inyong karangalan hanggang kamatayan. Ang pamana ko lamang sa inyo ay ang mahahalagang manang-ari at iba pang ariarian. Alagaan ninyo ang mga ito, lalung-lalo na ang torogan, ang tore, ang bangkang Rinamentaw, ang tatlong agong, Magindaya a Oray, Rogongan at Momongano Dayiring. Pagkatapos mawika ang mga ito, namatay si Diwatandaw Gibon. Namahala sa lahat si Aya Paganay Bai. Inutos niya na palamutian ang torogan at pinatugtog sa mga tao ang lahat ng mga agong. Iniutos niyang isabit ang lahat ng bandera sa paligid ng torogan at sa harap ng bakuran nito. Nagtayo ang mga tao ng osonan upang ipahiwatig sa lahat ng kalapit na upang dumalo sa libing ng patay na hari at pinagsabihan rin ang lahat ng kamaganak ng kanyang limang asawa. Pagkalibing sa Ayonan, ipinaayos ang kasal ng kanyang anak na lalaking si Tominamansa Rogong kay Prinsesa Lalawanan ng Jolo. Pagkatapos ng kasalan, namuno si Tominaw sa Rogon sa Bembaran na sinusundan ang bakas ng kanyang ama, ang matalinong Haring Diwatandaw Gibon, ang unang hari ng Iliyan a Bembaran.

Вам также может понравиться